Trust Me My Angel

By Aki_Seraph

431 82 2

I'm invisible He's shining How am I supposed to trust him when he says he loves when I can't even trust mysel... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 4

22 8 0
By Aki_Seraph

Matapos naming iligpit lahat ng kalat namin, bumalik na kami sa classroom namin.


Humiwalay na din si Clyde sa amin. Nasa kabilang building kasi ang classroom niya. Mechanical Engineering kasi ang course ni Clyde.


Speaking of course, narinig ko kanina sa mga naguusap sa kabilang table na Civil Engineering ang kinuhang course ni Rayleigh.


Expect ko na yun. Magaling kasi siya sa math.


Puro self introduction din ang ginawa namin sa ibang subjects. Mabilis lang din natapos ang mga subject namin sa umaga.


Pagdating ng lunch, kasabay kong kumain si kuya.


Bago kasi kami pumasok, nakapagluto na siya ng tanghalian namin. Sa canteen namin naisipang kumain.


Naisipan kong magtanong kay kuya tungkol kay Rayleigh tutal mas kaclose naman niya si tito Frank.


Baka may alam si kuya sa kung anong nangyayari kay Rayleigh.


"Kuya, alam mo ba bakit dito nag-aral si Rayleigh? Akala ko ba doon na siya titira sa bahay ng mama niya?" usisa ko.


"Hindi ko alam ang eksaktong dahilan. Pero ang alam ko, engaged ang mama niya sa ibang lalaki." paliwanag ni kuya.


"Ah. Hindi naman po siguro yun yung dahilan." sabi ko naman.


"Parang may iba ka pang gustong sabihin. Sabihin mo na.?"


"Napansin ko po kasi na parang iba yung kinikilos niya ngayon. Biglaan na lang siyang nag-iba" pabulong kong sabi.


"Matagal-tagal din siyang nasa Maynila. Two years din natin siyang hindi nagkita. Hindi naman siguro biglaan ang pagbabago niya. Sadyang naninibago lang tayo kasi hindi natin nakita yung process." paliwanag ni kuya.


Tama nga naman si kuya. Hindi naman siguro biglaan.


Matagal din siya g tumira sa ibang lugar. Baka naimpluwensiyahan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya sa Maynila kaya siya nagbago.


"It's not that I dislike what he is before peeo gusto ko ang naging pagbabago sa kanya. It seems like he gained confidence. Lumalabas na tuloy ang dugong Hernandez niya" natatawang sabi ni kuya.


Dati kasi, madalas kong nakakalimutan na mag-ama sina Rayleigh at tito Frank. Ang layo kasi ng kilos at dating nila.


Si tito Frank, charismatic at friendly samantalang shy type naman si Rayleigh.


Mukhang may minana naman pala siya sa Dad niya bukod sa looks. Late lang talagang lumitaw.


"Nag-usap ba kayo kanina? Kinamusta niyo ba ang isa't isa? Tagal niyo ding di nagkita at nagkausap." tanong pa ni kuya.


"Ah hindi po. Alam mo naman kuya na matagal na kaming hindi nagkikibuan" naiilang na sabi ko.


"Sobrang close niyo nung elementary kayo. Sayang mga pinagsamahan niyo" sabi ni kuya.


"Pero mas maganda nga na linayuan mo siya"


"Ano yun kuya? May sinabi ka po ba?" tanong ko.


Narinig ko yung bulong ni kuya. Layuan lang ang narinig ko.


Layuan?


Alam kaya ni kuya na ako yung dahilan why we stopped being friends? Wala naman akong kinwento sa kanyang ganun ah.


"Nothing. May naalala lang ako. Don't mind it" sagot naman ni kuya.


Nagkibit balikat na lang ako. Hindi na kami nagsalita ulit. Tahimik na lang naming inubos ang kinakain namin.


Matapos kumain, agad na din kaming umalis. Bumalik na si kuya sa office samantalang dumiretso na ako sa classroom namin.


Mukhang walang binatbat ang kahit anong exercise sa pagld na nakukuha namin sa pagtaas baba sa hadan ng building na ito.


Paakyat pa lang, gamit na gamit ko na ang kalahati ng energy na nakuha ko sa kinain ko.


Pumasok ako sa classroom namin ng hingal na hingal. Napahawak pa ako sa tiyan ko kasi parang nagugutom nanaman yata ako.


Pagkapasok ko sa classroom, pangaasar kaagad ang sinalubong sa akin ng isa kong kaklasi.


"Kakakain mo pa lang pero mukhang gutom ka na dahil sa hagdan. Ang liit kasi ng mga legs mo kaya mas lalo kang nahihirapang umakyat." biro ni Bryan.


Isang malakas na sapok ang binigay ko sa kanya. Makapanglait ito akala mo mahaba yung legs.


"Aray naman" reklamo niya


"Masakit?" tanong ko.


"Obvious ba?" tanong niya habang hinihimas ang likod ng ulo niya.


"Masakit pala eh. Isa pa, gusto mo?" pananakot ko sa kanya.


Natawa na lang ang mga kaklasi kong kanina pa pala nakikinig sa amin.


"Ikaw naman kasi Bryan. Parang hindi mo pa narinig ang kasabihang 'biruin mo na ang lasing, huwag lang si Angel na gutom" sabi ni Carl sabay tawa ng malakas. Nakitawa din ang mga kaklasi naming lalaki.


"Sapak, gusto mo?" pananakot ko.


Tuloy pa din sa pagtawa ang mga kaklasi kong lalaki. Karamihan sa kanila, kaclose ko na dati pa.


Hindi naman nila ako binu-bully. May mga araw lang talaga na ako ang napagdidiskitahan nila. Alam naman kasi nilang hindi ako pikunin.


Hindi naman nakikitawa ang mga kaklasi kong babae maliban kay Kyla.


Napansin ko din na parang masama ang tingin sa akin nung iba.


Wala naman akong ginagawang masama sa kanila ah.


Mukhang mahihirapan nanaman akong makihalubilo sa mga kaklasi kong babae gaya ng dati.


Tahimik na lang akong umupo sa pwesto ko.









Habang wala pa ang mga teacher namin, nakipagdaldalan muna ako sa mga kaklasi kong lalaki.


Kung ang mga kaklasi naming babae, KDrama ang pinaguusapan, Anime naman ang sa amin.


Napansin kong ilang beses ding lumingon ang mga kaklasi kong babae sa direksiyon namin. Kasalukuyan kasing nakapalibot sa akin ang mga kaklasi kong mga lalaki.


"Kanina pa kami nao-op dito. Puro kasi KDrama pinag-uusapan nila. Pati ano nga yun? Bl ba? Yung dalawang lalaking magjowa yung mga bida?" paliwanag ni Jake.


"Ikaw Angel, bakit hindi ka nakikisali sa usapan nila?" tanong ni Mark.


"Nao-op din kasi ako. Di naman ako nanonood nung pinaguusapan nila. Anime lang talaga ang pinapanood ko. At isa pa, di ako marunong makihalubilo sa mga babae. Wala kasi akong masyadong naging interaction sa mga babae" paliwanag ko.


"Bakit? Hindi ba kayo close ng mama mo?" tanong ni Mark.


"Close naman kami. Kaso namatay ang mga magulang ko noong 3 years old pa lang ako. Sobrang konti lang ng mga nakaclose kong babae. Si Kyla lang talaga ang pinakamalapot sa akin" kwento ko.


"Ay sorry. Hindi ko alam. Sana pala hindi na ako nagtanong" paumanhin ni Mark.


"Ayos lang. Matagal na namang nangyari yun" sagot ko.


Habang nagkikipagkwentuhan ako sa mga kaklasi ko, may nakita akong lalaking nakatingin sa may pintuan.


Hindi ko na ito pinansin kasi baka isa lang iyon sa mga kaklasi namin.


Ilang beses ko ding naaninag ang lalaki kanina. Mukhang tumitingin tingin siya sa direksiyon namin. Tuwing humaharap naman ako sa may pinto, umaalis siya.


Hindi ako makapagconcentrate sa daldalan namin kasi nawei-weirduhan ako sa lalaki sa may pinto. Isang silip niya pa, lalapitan ko na talaga siya.


"Angel. Nagchat sa akin si Clyde. Hihintayin niya daw tayo after class sa may gate." sabi sa akin ni Joshua.


Nakatayo si Joshua malapit sa pintuan. Kaya nung humarap ako sa kanya, nahagip ng mga mata ko kung sino yung kanina pa tumitingin sa amin.


Nagulat ako nang malaman ko kung sino yung kanina pa silip ng silip sa may pinto.


Anong ginagawa niya dito? Hindi naman dito sa building na ito makikita yung classroom niya ah?


Higit sa lahat, anong pinunta mo dito...




Rayleigh.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...