Pagsinta (Unang Tamis)

isipatsalita által

267K 16.7K 8.5K

Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita. Több

TEASER
TAMIS 1
TAMIS 2
TAMIS 3
TAMIS 4
TAMIS 5
TAMIS 6
TAMIS 7
TAMIS 8
TAMIS 9
TAMIS 10
TAMIS 11
TAMIS 12
TAMIS 13
TAMIS 15
TAMIS 16
TAMIS 17
TAMIS 18
TAMIS 19
TAMIS 20
TAMIS 21
TAMIS 22
TAMIS 23
TAMIS 24
TAMIS 25
TAMIS 26
TAMIS 27
TAMIS 28
TAMIS 29
TAMIS 30
TAMIS 31
TAMIS 32
TAMIS 33
TAMIS 34
TAMIS 35
Mensahe para sa inyo
Special Mamon
Reference Image
Huling Sirit
Devin Francisco 1
Devin Francisco 2
Devin Francisco 3
Devin Francisco 4
Devin Francisco 5
Devin Francisco 6
Devin Francisco 7
Devin Francisco 8
Devin Francisco 9
Devin Francisco 10
Devin Francisco 11
Devin Francisco 12
Theme Song
Reprint? Yay or nyay?

TAMIS 14

5K 387 202
isipatsalita által

Hindi mapigilan ni Aurea na mapangiti habang pinanonood si Devin na sumasayaw nang suwabe sa kantang BMW ng Because. Sinabayan pa nito ang lyrics na animo'y rapper ito. Bumagay naman dahil maganda ang singing voice nito.

Palaging ganito ang lalaki kapag maganda ang wisyo lalo na ngayong alam na nila kung ano'ng kasarian ng kanilang anak.

Dumoble pa ang kayabangan nito noong sinabi sa mga katropang nakabuo ito ng lalaki. Katas daw ng isang Devin Francisco 'yon. Sinunod daw kasi nito ang mga tips sa Google kung paano makabubuo ng baby boy.

"Sa loob ng aking BMW sedan. Fuck, fuckin' sa 'king BMW sedan. Ang hiling 'di malagot na masilip sa loob," pagkanta pa nito habang gumigiling na parang macho dancer papalapit sa kaniya. "Sa loob ng aking BMW sedan dan."

Napataklob siya ng mukha dahil sa lyrics ng kanta. Kaya naman pala paborito nito ang BMW ay dahil sa kantang iyon. Bukod doon ay gusto rin talaga nitong bumili nang ganoong kotse kapag nakakuha ng malaking proyekto rito sa talyer.

Pagkatapos ay i-a-apply daw nila ang lyrics ng kanta sa totoong buhay.

Ang landi talaga, isip niya.

"Huy! Tumigil ka nga! Baka makita ka nina Kuya Paslo!" pagsaway niya rito.

Nandoon kasi sila sa talyer dahil hiniling ni Devin na roon muna siya manatili. Magpapakain at magpapainom din kasi ito mamayang gabi dahil mahalaga raw ang araw na ito para sa kanila.

"Ano pa ang ikahihiya ko? Nandiyan na nga iyan oh," pagturo pa nito sa kaniyang tiyan.

Napairap naman siya. Lagi na lang itong pilosopo at may pambara sa tuwing may sinasabi siya.

Nakasanayan na rin naman niya ang ugali nito. Katuwiran niya'y mas maayos na 'yon kaysa palagi siyang pinaiiyak.

"Boss, may magpapa-check daw ng makina," sabi ni Ronald, ang isang tauhan sa talyer.

Napalingon sila sa isang kotseng nakaparada sa labas. Puno na kasi ang paradahan sa loob dahil maraming nagpapagawa rito.

Nilapitan din naman agad 'yon ni Devin kaya naiwan muna siya roon sa sulok. Siya naman ang nagpatugtog ng mga wholesome RnB songs. Iyong playlist kasi no'ng isa ay puro pang-romansa.

Ano pa ba ang aasahan niya sa isang lalaking mas maharot pa sa kaniya?

Tumapat siya sa electric fan dahil nasira ang aircon sa loob ng opisina kaya rito muna siya sa labas para mapreskuhan kahit papaano.

Marami rin namang biniling pagkain si Devin para sa kaniya kung sakaling gutumin siya. Mabuti na lang din dahil dala niya ang kaniyang laptop para makagawa siya ng kahit isang kabanata man lang sa kaniyang istorya.

"Au, teka lang. Asikasuhin ko lang 'yong customer sa labas, ha?" paalam nito sa kaniya kaya napalingon siya sa kinatatayuan nito.

Napapikit pa siya nang kaunti dahil nasilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa puwesto niya.

"Go lang, magta-type lang ako rito." Nag-thumbs up pa siya bago ibinalik ang atensyon sa laptop.

May bago na naman siyang naisip na eksena na ilalagay niya sa susunod na kabanata. Sakto namang masaya ang mood niya ngayon kaya tuloy-tuloy ang pasok ng magagandang ideya sa kaniyang isipan.

"Bro, upo ka muna rito. Mainit kasi roon sa labas."

Boses iyon ni Devin.

Hindi naman siya lumingon dahil tutok ang kaniyang mga mata sa screen ng laptop. Narinig niya lang ang pag-isod ng upuan sa bandang likuran niya kaya napalingon siya roon para malaman kung dapat ba siyang mag-adjust o hindi.

Sa dinami-raming pagkakataon, lugar at oras ay ngayon pa niya nakita ang taong hindi niya inaasahang makita.

Halos mag-iisang taon na ang lumipas na wala siyang nabalitaan mula rito tapos dito pa niya mismo ito makikita.

Nakabalik na pala ito ng Pilipinas? Kailan pa?

Napatalikod siyang muli at biglaang isinara ang laptop dahil sa kabang nadarama. Kung aalis siya rito, malamang makikita siya nito. Kapag naglakad siya papunta sa loob ng opisina, mapapansin din siya nito.

Hindi niya tuloy alam kung ano'ng gagawin. Mas maayos siguro kung nakatalikod lang siya hanggang sa makaalis na ito.

Pasimple siyang lumingon ulit para hanapin kung saan naroon si Devin. Nandoon ang lalaki sa entrada ng talyer kaya hindi niya ito matawag. Ang cellphone naman nito ay nasa kaniya.

Sa sobrang lakas ng tibok ng kaniyang puso ay napainom na lamang siya ng tubig.

Relax, si Pierre lang 'yon, sa loob-loob niya.

Ilang minuto pa lang pero parang isang buong taon na 'yon para sa kaniya. Panalangin niya'y huwag sanang tawagin ni Devin ang kaniyang pangalan dahil siguradong mapalilingon din si Pierre sa puwesto niya.

"Ma'am, pinatatawag po kayo ni boss sa labas. May ipakikita raw po sa inyo," sabi ni Paslo.

Sinabi na lang niyang masakit ang kaniyang ulo kahit hindi naman. Wala naman siyang ibang maisip na dahilan.

Actually, sakit sa ulo naman talaga itong sitwasyon niya ngayon.

Wala pang isang minuto ay lumapit si Devin sa kaniya. Hinaplos muna nito ang likod niya bago lumuhod sa kaniyang harapan.

"Masakit ulo mo? Bakit? Gusto mo bang humiga muna? Paandarin ko muna makina ng kotse para may aircon tapos doon ka muna, gusto mo?"

Napangiti naman siya pero iyon na nga ang kaniyang problema, hindi siya puwedeng umalis sa puwesto niya.

"Ah, Sir, excuse me, may itatanong lang ako." Si Pierre.

Lalong dumoble ang kaba sa kaniyang dibdib.

Saan kaya siya puwedeng magtago ngayon? Ayaw niyang magpakita sa taong 'yon, wika niya sa isipan.

Patayo na sana si Devin nang biglang may kumulbit sa kaniyang kaliwang balikat.

"Au?"

Nanlamig ang kaniyang pawis at para siyang masusuka sa mga sandaling 'yon.

Napatingin siya kay Devin na mukhang nagtataka na rin. Nilingon na rin niya ang lalaking kanina pa niyang iniiwasan at ngumiti siya nang mapait.

"Uy," tanging lumabas sa kaniyang bibig.

"Kumusta? Nandito ka rin pala. Nagpapagawa ka rin?" nakangiting tanong nito.

Ang hayop na ito, nakuha pa ang ngumiti sa kaniya. Nagawa pa siya nitong kumustahin. Kung planong mangumusta, sana noon pa, 'di ba?

"Oh. Buntis ka na pala," dagdag pa nito.

Kita niya kung paano nagpabalik-balik ang tingin nito sa kaniyang tiyan pati sa kaniyanaang mismo.

"Misis ko, bro," si Devin ang sumagot bago siya hinapit sa may baywang. "Kakilala mo pala si Ser, Mommy?"

Sobrang awkward! pagpa-panic ng kaniyang isipan.

Tumango-tango na lang siya para matapos na. Hindi naman kasi niya puwedeng sabihing ito ang ex-boyfriend niyang nang-iwan sa ere.

"Ah." Kabadong tumawa si Pierre bago naglahad ng kamay kay Devin. "Pierre nga pala. College friend ako ni Au."

College friend pala, ha?

Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Devin sa kaniyang baywang. Mas lumalim ang kaniyang paghinga dahil doon.

"Ah, ganoon ba? Devin," prenteng pagpapakilala nito at tinanggap naman nito ang kamay ng kaharap na lalaki. "Ano nga pala 'yong itatanong mo?"

Nakapagtatakang kalmado pa rin at walang bahid ng inis ang boses nito habang kausap ang dati niyang nobyo. Hindi pa rin siya nito binibitawan, tila nag-e-enjoy pa sa sitwasyon.

"Itatanong ko lang sana kung mabilis lang ba magawa 'yong kotse? May lakad pa kasi ako after dito," pagdadahilan nito habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.

Tumikhim si Devin nang malakas bago bumitaw sa kaniya.

"Paluwas ka ba, bro?"

Ngayon na niya naramdaman ang tens'yong namamagitan sa kanilang tatlo. Alam niyang nag-iba na rin ang tono nang pagkakabanggit ng salitang paluwas.

Magpapaalam muna siya para mag-banyo nang biglang hinawakan ni Devin ang kaniyang kamay bago inilagay sa palad niya ang susi ng kotse nito.

"Start mo 'yong oto. On mo aircon. Doon ka muna. Kausapin ko lang 'tong si Sir."

Sumunod siya agad dahil gusto na rin niyang makaalis sa harapan ni Pierre.

Wala naman masyadong ipinagbago sa itsura ni Pierre kung 'di humaba lang nang kaunti ang buhok.

Other than that, wala namang special sa kaniya, maarteng saad niya sa isipan.

Pinaandar muna niya ang makina ng kotse ni Devin at binuhay ang aircon para malamigan naman siya kahit papaano.

Napatingin din siya sa puwesto kung saan nakatayo ang dalawang lalaki. Napansin niyang mas matangkad pala si Devin ng ilang pulgada kaysa kay Pierre.

Mas maputi rin ito, mas manly ang features, mas mukhang pilyo, mas malakas ang appeal at mas magaling sa pakikipaglambingan.

"Baby, sino ang mas guwapo sa kanilang dalawa? 'di ba si Daddy?"

Napangiti siya sa pagsasalita niya nang mag-isa. Biased yata siya.

Sa totoo lang ay kinabahan siya dahil ito ang unang beses na muli silang nagkita ni Pierre matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi naman siya nahihiyang ipakitang malaki na ang kaniyang tiyan dahil kung tutuusin ay proud na rin siya sa kaniyang kalagayan.

Maraming babae ang nagnanais na magkaroon ng anak, kaya ang laking pasasalamat niya dahil natanggap niya ang malaking biyaya na ito.

Sinundan niya ng tingin si Devin habang tumutulong kay Paslo sa pag-che-check sa makina ng kotse ni Pierre. Naghubad na rin ito ng suot na shirt bago isinampay sa kaliwang balikat.

"Baby, yummy naman din pala talaga si Daddy, ano?" pilya niyang saad habang hinimas-himas ang tiyan.

Nawala ang kaniyang pagpapantasya nang bigla itong lumingon sa kaniyang puwesto. Nag-thumbs up pa 'to na para bang inaalam kung ayos lang siya kaya nag-thumbs na rin siya pagkatapos ay kumaway.

Tila nahawa siya sa ngiti ng lalaki. Kapag ngumingiti at tumatawa ito ay parang nalilipat din sa kaniya ang enerhiya nito.

Hindi nga yata ito marunong magalit nang sobra. Isang beses niya lang kasi narinig na nagtaas ng boses sa kaniya, ang dahilan pa ay dahil nasaktan ito sa pagkakakurot niya sa utong nito.

Lumipat naman ang kaniyang atensyon sa dati niyang nobyong nakaupo sa gilid.

Walong taon din ang naging relasyon nila at masasabi niyang marami na rin siyang napagdaanan kasama ang lalaki. Naging mabuti naman ito sa kaniya at wala namang mabigat na atraso puwera na lang sa pag-iwan nito sa kaniya sa ere.

Nasasaktan pa ba siya? Naka-move on na ba siya ng tuluyan? Okay na ba siya?

Muli siyang napahimas sa tiyan. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip ni Devin kanina pati sa mga sandaling ito.

Sa tuwing napag-uusapan kasi nila si Pierre noon ay kalmado lang ito at palagi pang nang-aasar o nanunukso na para bang hindi ito threatened.

Kung sabagay, wala namang dahilan para ma-threaten ito kay Pierre. Buntis na siya ngayon at malapit na silang ikasal kaya mukhang kampante na 'to.

Ire-recline pa lang niya sana ang upuan para makahiga siya nang maayos nang mapansing naglalakad si Devin papalapit sa kotse. Inayos pa nito ang buhok pataas na para bang sobrang nababanasan ito.

Ibinaba niya ang bintana nang ito'y kumatok ng tatlong beses. Umakto pa itong nanlilimos kaya natawa siya. May mga grasa pa sa braso't kamay nito kaya nagmukhang convincing ang pag-arte nito.

"Pambili lang po ng gatas ng anak ko," sabi pa nito. Napalakas tuloy ang tawa niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Doon ka na, tapusin mo na 'yong ginagawa mo," pagpapalayas niya rito.

Sumimangot ito bago ipinasok ang ulo sa may bintana. "Nakita mo lang ulit ex mo, pinaaalis mo na ako."

Lalo siyang napangiti sa pagmamaktol nito. Alam naman niyang nagkukunwari lang ito pero parang gusto niya itong sabunutan.

Ang cute! bulong ng kaniyang anghel sa isipan.

"Nakatalikod lang ako, tinititigan mo na 'yong daungan na 'yon?" may pagngising saad nito.

"Hindi ko kaya tinititigan 'yon!"

Napatingin lang siya pero hindi worth it titigan dahil wala namang dahilan para pagmasdan ang lalaki.

"Devin naman, may anak na nga tayo," tatawa-tawa niyang depensa.

Napatitig ito sa kaniya na para bang inaalam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.

"College friend amputek," bulong nito habang mayabang na nakangiti, umiiling-iling pa. "Tinanong pa ako kung kailan tayo ikinasal. Bakit daw hindi niya nabalitaan?"

"O, ano namang isinagot mo?"

Gusto niyang mapairap dahil ang kapal ng mukha ng lalaking iyon para mangialam pa sa buhay nila.

"Sabi ko intimate wedding lang, hindi naman kailangang i-announce pa sa buong unibers 'yon."

Natawa siya sa pagkakabigkas nito ng universe.

"Banas ampowta. Wala namang alam sa makina. Sakay lang nang sakay sa oto, ni hindi nga alam kung ano ang silbi ng ignition coil," mapang-asar nitong wika habang itinatapat ang mukha sa aircon vent.

"Wow naman po, Sir. Ikaw na ang magaling at maraming alam sa sasakyan."

Sang-ayon naman siya roon. Dati nama'y hindi marunong magmaneho si Pierre kaya nagulat siya nang makita niya ito rito sa talyer.

Bumaling ang tingin ni Devin sa kaniya. Inilapit pa ang mukha sa kaniya kaya napahinga siya nang malalim.

Kahit pawisan na'y mabango pa rin ang singaw ng katawan nito. Kahit marumi ang mga braso't kamay dahil sa grasa at langis ay nakadagdag pa iyon sa appeal nito.

Napairap siya nang ngumuso ito na para bang naghihintay ng halik. Binuksan pa nito ang pinto para makayuko ito nang mas mabuti sa gilid niya. Kitang-kita niya tuloy ang dibdib at abs nito.

Ano na naman kaya ang pakulo ng isang 'to?

"Au. Halikan mo ako," seryosong utos nito na talaga namang nagpalakas ng kabog ng kaniyang dibdib.

Napailing pa siya sa kalokohang naiisip nito. "Ano ka ba? Ang daming tao rito sa talyer."

"Nahihiya ka?" paghahamon nito habang nakatitig sa kaniya.

"Hindi. Ang baho mo kaya," dahilan na lamang niya.

Tila nabalot nang mainit na hangin ang buong kotse nang biglang nitong inilapit ang bibig sa may pagitan ng kaniyang tainga at leeg.

"Ipakikita ko lang kung ano ang pinakawalan niya."

Tatanungin pa lang niya kung ano ang balak nitong gawin pero huli na ang lahat nang bigla nitong halikan ang kaniyang leeg.

Ilang segundo ring nakalapat ang mainit nitong labi sa kaniya bago muling nagsalita, "Bibili nga ako ng BMW bukas na bukas din."

Olvasás folytatása

You'll Also Like

679K 30.6K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...
715K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
144K 4.8K 43
[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true m...
130K 4.1K 38
Friendship. That was all I wanted to have with my best friend, Sien. Matindi ang pananaw ko na kaibigan lang ang kaya naming maituri sa isa't isa dah...