DM #2: Dean Andrada

By jkissteen

738K 22.7K 2.6K

Dean Andrada is a man of playful charm yet unwavering principles, believing that wisdom and morals pave the p... More

Synopsis
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 1

23.9K 652 105
By jkissteen

Kabanata 1

Manolo

Tahimik akong pumasok sa bahay nang madatnan si Mama na natutulog sa sala. Nakita ko ang ilang bote ng alak sa lamesa na nagkalat. Pumasok muna ako sa kwarto para magbihis bago maglinis.

Maingat kong pinulot ang mga bote, iniiwasan ang paggawa ng ingay. Tinipon ko iyon sa labas ng bahay para maisauli sa tindahan na pinagbilhan.

Ilang balik ang nagawa ko para maihatid ang mga bote sa may-ari. Pumasok ako sa loob ng bahay nang matapos. Kumuha ako ng pamunas para sa lamesa.

"Nakauwi ka na pala,"

Napaigtad ako dahil sa biglang nagsalita. Nakaupo na si Mama habang pinapanood akong binabasa ang pamunas.

Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Piniga ko ang pamunas at naglakad patungo sa lamesa na kaharap niya.

"May pera ka ba?"

Tinignan ko siya at umiling. Hindi pa ako binigyan ni Papa ngayong linggo.

"Wala kang pera?" aniya sa medyo may kalakasan na boses.

"W-Wala pa po,"

"Wala kang kwenta!"

Mabilis akong nakalayo nang sinubukan niyang abutin ang buhok ko. Hindi ko ininda ang pagbagsak ko dahil sa gulat sa biglaang paglayo.

Dumagundong ang kaba sa puso ko, walang ideya kung ano na naman ang gagawin niya sa akin sa araw na 'to. Mas lalo pa akong kinabahan dahil wala dito si Papa. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"At lumayo ka pa!" sigaw niya at tumayo.

Hindi pa ako nakakatayo nang mahawakan niya ang buhok ko at hinila. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marahas niya akong hinila palabas ng bahay.

"M-Ma, bitaw po."

"Anong bitaw?! Wala kang kwenta,"

Malakas niya akong tinulak dahilan nang pagsubsob ko sa mabato na lupa. Agad gumasgas ang matatalas na bato sa balat ko. Hindi ko iyon ininda at pilit na tumayo.

"Ma, t-tama na."

Ngumisi siya at yumuko sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko at hinarap sa kanya. Gamit ang mga matatalim na mata, sinuri niya ang mukha ko.

Kalaunan, tumawa siya at marahas na binitawan ang mukha ko. Ramdam ko agad ang hapdi na nanggaling sa pagdiin ng kuko niya.

"May pinagmanahan ka nga talaga,"

Hindi ako nagsalita, walang alam sa pinagsasabi niya.

Sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin kanina, nahihirapan na akong tumayo.

Tumalikod siya kaya inakala kong papasok na siya ng bahay at titigilan na ako. Pero nanlaki ang mata ko nang makita ang pagpulot niya sa isang bote ng alak na nasa gilid ng pintuan.

Sunod sunod ang naging pag-atras ko gamit ang mga kamay. Hindi ko na ininda ang pagbaon ng mga matatalas na bato sa palad ko.

"Alam mo, dati pa kita gustong tapusin," seryosong sabi niya.

Umiling ako sa takot. Bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako makapaniwalang aabot sa punto na magagawa niya sa akin ang tinutukoy niya.

Kahit anong gawin kong sigaw dito, walang makakarinig sa akin. Malayo ang bahay namin sa daan at dagdagan pa na nasa gitna ng gubat.

"Hindi ko alam kung bakit ko pa pinapatagal,"

Paulit-ulit ang pag-iling ko, halos magmakaawa na. Nang makita ang paghigpit ng hawak niya sa bote, napapikit na lang ako.

"M-Ma,"

"Melissa!"

Umalingawngaw sa buong gubat ang malakas na sigaw ni Papa. Mabilis na binuksan ko ang mata at nilingon ang pwesto niya.

Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero hindi ko magawa dahil sa takot na ihampas ni Mama sa akin ang bote na nakaangat pa sa ere.

Malalaki ang hakbang na naglakad si Papa para kunin ang nakaangat na bote.

"Bitiwan mo," banta niya.

Tuluyan niyang nakuha ang bote sa pagkakahawak ni Mama at ibinato iyon sa hindi kalayuan. Nilapitan niya ako at inalalayang tumayo. 

"Pumasok ka sa loob at gamutin mo 'yang mga sugat mo."

Tumango ako at naglakad na papasok ng bahay. Sinundan ako ng tingin ni Mama, tila kulang na lang ay sakmalin ako.

"Hindi ka na naawa sa bata, Melissa!"

"Anong awa, Manolo?!"

Marahan kong isinara ang pintuan ng kwarto at naupo sa kama. Kahit mula rito, rinig ko pa rin ang pag-aaway nila.

Yumuko ako at naiyak na lang sa panghihina. Wala lang sa akin ang mga sugat na natamo, normal na para sa akin ang magkaroon ng ganitong klaseng sugat araw-araw.

Ang sakit na nararamdaman ko ay hindi dahil sa pisikal na sakit kundi dahil sa sakit na nakapaloob sa puso ko.

Hindi ko maiwasan ang mapaisip kung normal lang ba na maranasan ko 'to sa murang edad. Dahil kung normal lang ang ganito, hindi na ako makapaghintay na matapos ako sa ganitong edad.

Ngiting ngiti ako habang tinatahak ang masukal na daan papauwi ng bahay. Wala si Mama sa bahay kaya magagawa ko ang gusto kong gawin.

Kumuha ako ng plato sa kusina at pumasok ng kwarto. Mabilis akong nagbihis bago umupo sa kama.

Binuksan ko ang bag at kinuha ang supot na binili sa tapat ng eskwelahan. Hindi ako masyadong nakaipon dahil sa biniling mga notebook.

Binuksan ko ang supot at kinuha ang isang tinapay na may cheese sa tuktok. Nilagay ko iyon sa plato at kinuha ang maliit na kandila na nakita ko kahapon sa kusina.

Sinindihan ko ang kandila at nangingiting ipinikit ang mata para humiling. Hindi ko man alam kung kailan ang kaarawan ko, maayos na ang makapagdiwang ako ng ganito kaysa wala.

Hinipan ko iyon at pumalakpak para sa sarili. Siguro kung may mga kaibigan lang ako, siguradong iimbitahan ko rin sila rito.

Masaya kong kinain ang tinapay at nilinis ang pinagkainan bago pa dumating si Mama.

Lihim kong ipinagdasal na hindi siya lasing nang marinig ang pagbukas ng pintuan habang naghuhugas ng plato.

Sinasaktan niya lang ako kapag lasing at hanggang salita lang ang pananakit niya kapag hindi naman siya nakainom.

Kahit anong sitwasyon niya, masasaktan niya pa rin ako. Ang iniiwasan ko na lang ay ang mga sugat at pasa na matatamo dahil agad iyong mahahalata sa eskwelahan.

Kulang na lang ay magdiwang ako nang makitang hindi siya lasing. Matalim niya akong tinignan bago nagtungo sa kwarto nila Papa. Nananatili akong tahimik.

Maaga akong umalis kinabukasan papunta ng eskwelahan. Minsan lang ako sumasakay ng tricycle kapag binibigyan ni Papa ng baon. Pero kapag wala, pinipili ko na ang maglakad. Kagaya na lang ngayon na inaagahan ko na lang ang pag-alis para hindi mahuli sa klase.

Diretso akong umupo sa likurang bahagi nang makarating sa room. Wala pang guro at iilan lang din ang mga kaklase ko na kakarating lang. Mukhang nasobrahan yata ako sa aga.

"Selene,"

Tumingala ako at nginitian si Abby bilang pagbati. Ngumiwi siya at pasimpleng bumulong sa akin.

"Nagawa mo na ba ang project ko?"

Kinagat ko ang labi at tumango. Kinuha ko ang bag sa likuran at inabot sa kanya ang proyekto na pinapagawa niya.

Ngumisi siya at binuklat ang project. Kumislap ang kanyang mata bago tumango-tango.

"Pwede na,"

Kumuha siya sa bulsa ng kanyang palda at inabot sa akin ang singkwenta pesos.

"Sakto na siguro 'yan," aniya bago tumalikod.

Hindi ko alam ang mararamdaman habang hawak ang pera. May kaunting kirot sa dibdib ko.

Hindi ko kailangan ng pera. Kaibigan ang gusto ko.

Mas inuna kong gawin ang sa kanya dahil akala ko, sa wakas, magkakaroon na rin ako ng kaibigan. Pero mukhang mali ako.

Nakagat ko na lang ang labi at itinago ang pera sa bulsa. Kahit ano sigurong gawin ko, walang magkakagustong kaibiganin ako.

Tuwing uwian ako palihim na nilalapitan ni Abby para magpagawa ng assignments. Late na ako araw-araw natutulog dahil hindi lang isa ang ginagawa ko. Nagiging doble na dahil kay Abby.

Gusto kong tumanggi dahil mukhang hindi patas iyon para sa akin. Pero wala akong nagagawa tuwing nagbabayad siya.

"Ngayon ang announcement ng honors. Gusto kong linawin na room based pa lang ito."

Yumuko ako, hinahanda na ang sarili nang nagsimula nang magbasa ang adviser namin sa harapan.

"With highest honors, Abby Vasquez."

Nagsinghapan ang mga kaklase ko habang nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi ko nagugustuhan ang mga reaksyon nila tuwing ako ang natatawag sa unahan. Ayoko ng atensyon.

"With high honors, Selene Oliveros."

Palagi akong nakakatanggap ng medalya tuwing tapusan ng klase pero hindi ko rin nakukuha sa stage dahil wala namang sasama sa akin. Nakakahiya sa iba na may mga magulang na kasama.

Diretso akong umuwi at hindi na hinintay ang paglapit ni Abby. Highest honor na siya kaya hindi niya na ako kakailanganin pa.

Nasa loob pa ako ng kwarto nang sabay dumating sila Mama at Papa. Akmang bubuksan ko ang pintuan nang marinig ang pag-aaway nila.

"Ang laki na ng utang mo. Ikaw ang magbabayad doon!"

"Wala akong pera, wala kang makukuha sa akin." kalmadong sabi ni Mama.

"Ang laki mong pabigat,"

"Hindi ako, Manolo. Iyang pinapalaki mong anak ang pabigat dito."

Kinagat ko ang labi at tahimik na nilock ang pinto ng kwarto.

"Wala ka na bang ibang masisisi?"

"Ba't ayaw mong tanggapin? Palayasin mo 'yan para wala ng pabigat dito!"

Umupo ako sa sahig at isinandal ang sarili sa pinto, nananatiling nakikinig.

"Ikaw ang pabigat dito. Ba't mo dinadamay ang bata?"

"Kung ganoon, ako na lang ang lalayas!"

"Anong sabi mo?" mariin na sabi ni Papa.

"Kung hindi aalis ang anak mo, ako ang lalayas! Ano, Manolo?" hamon niya.

Yumuko ako at hinayaan ang tuluyang pag-agos ng mga luha. Tulala ako sa kinauupuan hanggang sa wala na akong naririnig na ingay sa labas ng kwarto.

Kung ako lang ang pag-aawayan nila, pwede naman akong lumayas na lang. Pero hindi ko alam kung saan ako pupunta, lalo na't wala akong kilalang ibang kamag-anak.

Karaniwang matagal umuuwi si Papa habang si Mama naman ay palaging nakatambay sa isang tindahan para uminom. Hindi siya umiinom sa bahay kapag nandito ako, aniyay naiinis siya sa presensya ko.

Ang inakala kong tapos na sila sa pag-aaway ay hindi pa pala. Nagigising na lang ako sa hating-gabi dahil sa malalakas nilang sigawan. Nagpatuloy iyon ng ilang linggo hanggang sa umabot na ng ilang buwan.

Palagi kong naririnig si Mama na nagbabantang lalayas. Hindi ko maiwasan ang umiyak kapag naririnig sa kanya iyon. Kaya mas minabuti ko na lang manatili sa kwarto para hindi na ako masaktan pa.

Isang araw, maaga akong nakauwi kumpara sa mga nakaraang araw. Wala ang panghuling guro namin sa isang subject kaya maaga kaming pinauwi

Bumagal ang lakad ko nang matanaw ang isang lalaki na nasa labas ng bahay, mukhang may hinihintay.

Lumapit ako at saka niya ako nilingon. Ngumisi siya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Ikaw ang anak ni Manolo?"

Hindi ako nagsalita at pumasok sa bahay. Natigilan ako nang makasalubong si Mama na may bitbit na maleta.

"P-Para saan po yan?"

"Tabi!"

Marahas niya akong hinawi kaya bumangga ang tagiliran ko sa semento ng bahay. Hindi ko ininda ang naramdamang kirot. Mas nasasaktan ako sa ideyang pumapasok sa isip ko.

"Ma, saan ka pupunta?" natatarantang sabi ko nang makita ang pagkuha ng lalaki sa maleta niya.

"Lalayas," mataray na sabi niya.

"H-Hindi pwede,"

Humakbang siya palapit sa akin kaya sunod-sunod ang pag-atras ko. Malamig niya akong tinignan.

"Kung lalayas ka dito, hindi ako aalis. Ano, lalayas ka?"

Hindi ako nakapagsalita. Wala akong pupuntahan kung aalis man ako rito. Siguradong mamumulubi ako sa daan.

"Tara na,"

"M-Ma,"

Sinubukan ko siyang pigilan pero hinawi niya lang ang kamay ko.

"Magsama kayo ng ama mo," malamig na sabi niya bago tuluyang tumalikod.

Tulala ako simula nang pag-alis niya. Ang bigat ng puso ko ay gustong bumuhos. Pero ang luha ang walang tigil sa pagpatak nang hindi ko man lang namamalayan.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dumadating si Papa. Tumingala ako sa orasan at nakitang ala una na. Ilang oras na akong nakaupo sa sala at tulala pero hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom.

Napaigtad ako sa biglaang pagbukas ng pintuan na naglikha ng malakas na tunog.

"Nasaan ang Mama mo?"

Mabilis akong napatayo at nilapitan si Papa.

"Papa,"

"Nasaan si Melissa, Selene?!"

Kinagat ko ang labi para mapigilan ang paghikbi.

"U-Umalis na may dalang maleta,"

Tumalim ang kanyang mata habang pinapakinggan ako.

"Sinong kasama?"

"Hindi ko kilala... pero lalake,"

Sinundan ko siya ng tingin nang mabilis itong naglakad papalabas ng bahay. Hindi ko na siya napigilan pa.

Continue Reading

You'll Also Like

856K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...