BONITA SCRIBES 1: JEMIMAH NIE...

Per AnaKCC

384 0 1

She's been searching for a guy who will take her seriously. Pero nabigo siya kay Jake na nagdala pa ng babae... Més

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10: FINALE

CHAPTER 8

19 0 0
Per AnaKCC

BONITA SCRIBES 1: JEMIMAH NIEVES

CHAPTER 8 BY IamANA

Matapos ng gabing yon, lalo pang napadalas si Lance sa kanila. Wala namang problema kay Jemimah yun dahil gusto rin naman nyang nakikita ang binata. Pero mayrooon paring bahagi sa utak niya ang nagtatanong kung ano ba talaga sila? Ano na ba siya talaga sa binata? Ano ba talaga ang mayroon sila?

“Kain ka na. Nako, humahaba na ang listahan mo sa amin.” Birong sabi ni Jemimah sa binata.

“Magkano na ba babe?” Pinandilatan ni Jemimah ang binata.

“Pinagsasabi mo dyan? Gutom lang yan tumayo ka na dyan at pabayaan mo muna yang si Jigo at ng kumain na rin.” Dala kasi ng binata ang Play Station nito at duon nakipaglaro sa kapatid niyang si Jigo.

“Bakit babe? Di pa naman ako gutom Babe.”Pang iinis nito ulit sa kanya.

“Huwag mokong matawag tawag ng ganyan. Hindi ako baboy!” Tinalikuran siya nito at natawa naman ang binata sa inasal nito.

“O sige Honey nalang,” Biglang napaatras si Lance ng biglang lumitaw ang sandok sa mukha niya.

“Isang beses pa Lance, hindi ka na makakatungtong sa bahay namin.” Sabi naman nito na gigil na gigil sa binata.

“Ikaw naman, naglalambing lang sa’yo ang nobyo mo.” Bati ng Papa niya.

“Pa, di ko nobyo yang isang yan.Matibay lang talaga ang sikmura at nakikikain pa sa atin gayong may bahay naman siya.”Sabi nito tapos ay binaba ang pinggan na puno ng kanin.

“Masarap kasing kumain sa inyo, lalo na kapag may kasabay kang *ehem* maganda.” Sagot naman ni Lance tapos ay umupo na sa ‘reserved seat’.

“Aaah talaga? O sige kumain ka ng kumain ha? Magpakabusog ka ha? Alam mo namang ayaw kitang nagugutom.” Sarkastikong sabi nito habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ng binata. Napangiwi nalang ito ng makitang wala ng paglagyan pa ang ulam niya.

“Ano?Kain na! Dali na? Ay ulam pala! Tama ulam, eto, Kain kang mabuti HONEY!” Nakangiti pang sabi ni Jemimah ng nilagay sa ibabaw ng kanin ng binata ang ulam nila.

Napapailing nalang ang mga magulang ni Jemimah sa pagiistima nito sa ‘kaibigan’ kuno. Kitang kita namang pigil sa pagtawa ang tatay nito at siniko pa ng asawa.

“Manang mana sa’yo ang anak mo Darling.” Sabi ng Tatay ni Jemimah tapos ay nagsimula ng kumain.

“Ubusin mo yan HONEY. Maraming nagugutom ngayon, masamang mag sayang diba Ma?” Pangiinis pa ni Jemimah. Pilit na ngumiti naman ang binata at napalunok. Daig pa niya ang di kumain ng dalawang araw sa dami ng ulam at kanin niya. Tumango naman ang nanay niya na nagsisimula ng kumain.

“Oo naman HONEY, sabi mo eh.” Sagot naman nito at pikit matang sinimulang kumain.

----

Halos di na makahinga si Lance ng matapos silang kumain. Hindi rin ito nagsasalita dahil baka biglang nalang niyang ilabas ang kinain sa sobrang dami nito. Pakanta kanta pa si Jemimah habang naghuhugas ng pinggan. Sa simpleng paraan, siguradong nainis na naman niya ang binata.

“Jemi,uwi na ako.”Seryosong sabi ni Lance sa kanya habang naghuhugas siya ng pinggan.

“Uwi ka na? Aga pa?” Sabi nito at ngumiti. Nagpunas siya ng kamay sa basahan at hinarap ang binatang kausap.

“Bukas naman para mamiss mo naman ako.” Preskong sabi nito sa kanya.

“Oh talaga? Nako, dapat isang buwan kang di pumunta rito. Baka dun mamiss pa kita.” Ganting inis nito sa kanya.

“Sige sabi mo eh.” Yun lang tapos ay umalis na sa harap niya ang binata. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkabigla. Napikon ba ito sa sinabi niya?

Nagmadali siyang lumabas ng bahay pero nakita niyang kausap nito ang Nanay niya. Nagmamadaling nagmano tapos ay sumakay na sa kotse nito. Ni hindi manlang tumingin sa kanya o nagpaalam na aalis na siya.

“Ano problema nun? Bumili pa naman ako ng meryenda ninyo. Pero nagmamadaling umalis.” Bungad sa kanya ng nanay niya at may dala dalang dalawang stick ng banana que.

“Baka po may trabaho pa. Yaan nyo na Ma, baka po busog pa kaya tumanggi.”Sabi nalang niya tapos ay pumasok na ng kwarto niya.

“Pikon talaga si Meno. Yaan mo na. Mamimiss rin ako nun.” Sabi niya sa sarili at nagsimulang humarap sa laptop. Magtitipa nalang muna siya ng bagong storya. Tutal naman ay wala siyang gagawin ngayon.

----

*Riiing Riiingg*

“Hello?”

“Mamamiah! Asan ka??”

“Ate Sharina wag mo akong sigawan!”

“Sorry. Asan ka ba kasi?”

“Asa bahay nagtatype. Bakit?”

“Tara sa SM!”

“Eh?”

“Dali na! Minsan lang ako hihiling sa’yo eh.”

“Oo na, Basta Libre.”

“Wag kang sumasama kay ate Lhian, nagmumukha ka na ring libre.”

“Oo na heheh. Ano dali, maliligo lang ako sunduin mo ako ha?”

“Okay. Babush!”

--

“Ano nakain ng Meno na yun? Di manlang ako tinatawagan o tineteks?” Sabi niya sa sarili.

“Kuuuh. Ikaw kasi, may pa isa-isang buwan ka pa, eh wala pa ngang isang araw namimiss mo na!” Sabi namang ng isang parte ng utak niya.

“Miss miss niya Mukha niya.”Sagot naman ng isang bahagi ng utak niya.

“Nababaliw na ata ako.” Nasabi nalang sa sarili.

----

“Hoy Jemimah kinakausap kita!” Bigla nalang siyang tinulak ng mahina ni Sharina.

“Eh? Sorry Ate. Ano ulit yun?” She really spaced out.

“Sabi ko ayun si Syril oh? Mukhang clown.” Tatawang sabi ni Sharina sa kanya. Tiningnan niya kung saan ito nakatayo. Kitang kita niyang masama ang tingin sa kanya nito kaya ngumiti siya ng matamis dito. A sweet smile can kill.

“oooh. Mukhang lalapit pa.” Sabi ni Sharina sa kanya habang hawak nito ang isang damit mula sa Margaux.

“Hi! Ikaw si Jemimah diba? Yung EX ng BOYFRIEND KO?.” Sabi nito sa kanya emphasis in ‘EX’,at ‘BOYFRIEND KO’ pa talaga.

“Yeah. Lasing nga ata ako the whole time of our relationship eh.” Simpleng sabi niya tapos ay ngumiti.

“Baka siya ang lasing.Kaya gumanda ka sa paningin niya.” Sabi sa kanya nito tapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

“Talaga? Sige pag palagay na nating lasing siya noon. Pero dear, alam mo bang di na siya lasing nung nakipagbreak siya sa’yo at hinahabol habol niya ulit ako?” Sabi niya rito at kitang kita niyang namumula na ito sa galit.

“How dare you!” Akmang sasampalin na sana siya ni Syril pero hinawakan niya ang kamay nito at saka sinampal niya ng sobrang lakas..

“How dare I? Don’t you dare touch me! Only belo touches my skin.”Matapang na sabi ni Jemimah sa kanya. Tapos pinagpagan ang sariling mga kamay.

“Ang kapal ng mukha mo.” Inis na sabi nito sa kanya.

“Oh Talaga? San ka nakakita ng manipis na mukha? Layo ka ng konti, tumatalsik ang laway mo.KADIRI” Tapos ay pinagtatabuyan niya na umatras ng kaunti.

Tumalikod na si Syril pero hindi pa tapos si Jemimah kaya nagsalita ulit siya rito.

“You should change your lotion Dear Syril, Alam kong pwede sa kahit saang prito ang MANG TOMAS pero kahit na DRY SKIN ka, wag mo naman sanang gamiting lotion mo.” Sabi pa nito tapos ay tumawa pa ng pang inis.

“You’ll pay for this!”Sigaw nito sa kanya.

“Magkano? Baka pati buhay mo bilin ko eh.” Sabi niya sa dalaga She felt very happy. MEdyo nawala ang pagkainis niya gawa ng nangyari kanina kay Lance.Binuhos niya lahat kay Syril ang inis niya. Pakiramadam niya tuloy ang gaan gaan ng pakiramdam niya.

“Grabe, may pinanghuhugutan ka ata ha?” Sita sa kanya ni Sharina.

“Wala kaya, nag eenjoy lang akong mag maldita kapag siya ang kaharap.” Sagot nito tapos ay ngumiti.

Ieenjoy na muna niya ang araw. Saka na niya iisipin ang pikong si Lance.

Continua llegint

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
148K 11.3K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...