The Queen of Trouble (Season...

By _EchoesInMyMind_

17K 903 77

[ COMPLETED / OLD VERSION ] They thought the game has already ended. They thought they will finally gonna hav... More

Prologue
Chapter 2 (Reunited)
Chapter 3 (Unknown Assasin)
Chapter 4 (Dare or dare and truth or truth)
Chapter 5 (Angeline Vougn Weston)
Chapter 6 (Ian & Hannah)
Chapter 7 (Unexpected)
Chapter 8 (Secret revealed)
Chapter 9 (Lizzie)
Chapter 10 (Comeback)
Chapter 11 (Reports)
Chapter 12 (Harana)
Chapter 13 (Rain & Allistair's anniversary)
Chapter 14 (Japan)
Chapter 15 (Hunter)
Chapter 16 (Jealous)
Chapter 17 (Shot)
Chapter 18 (That your life is gone~)
Chapter 19 (Rain)
Chapter 20 (Dream)
Chapter 21 (Birth)
Chapter 22 (Back)
Chapter 23 (Helios)
Chapter 24 (Earthquake)
Chapter 25 (Saved)
Chapter 26 (Jealous)
Chapter 27 (Snow)
Chapter 28 (Zahara vs. Maxine)
Chapter 29 (Destroyed)
Chapter 31 (Be free)
Chapter 32 (New world, new life)
Chapter 33 (Meeting the ex husband)
Chapter 34 (Mad)
Chapter 35 (Together)
Epilogue

Chapter 1 (The new beginning)

1.6K 42 19
By _EchoesInMyMind_

Chapter 1
The new beginning

Zahara Rain's P.O.V
"Hoy! Ibalik mo yung candy ko!" dinig kong sigaw ni Devin kay Luke.

"Ang nahawakan ko ay akin na! Kaya it is no longer yours! Shooo!" sigaw pabalik ni Luke.

"So yung mga babaeng nahawakan mo ay iyo na?! Sinasabi ko na nga ba! Manloloko ka!" sigaw ni Arra. Napakamot naman si Luke sa batok.

"Biro lang naman 'yon, honey. Sorry na." panunuyo ni Luke na niyakap si Arra. Agad namang kumalas si Arra sa yakap ni Luke at dinuro siya.

"Don't you even dare touch me! Don't talk to me!" sigaw ni Arra. Nanahimik naman si Like at dumistansya sa kaniya.

Ilang saglit pa...

"Bakit hindi mo na 'ko sinuyo?!" galit na galit na sigaw ni Arra.

"Eh? Sabi mo huwag kitang kausapin?" napapakamot sa batok na sabi ni Luke. Mas lalong sumama ang tingin sa kaniya ni Arra.

"Break na tayo! Where's the annulment paper?!" sigaw ni Arra.

"Honey naman!" nakangusong sabi ni Luke at agad sinuyo si Arra.

"Hay! Ang sarap maging single." biglang sabi ni Devin habang kumakain ng chocolates.

Napailing nalang ako habang patagong ngumunguya ng chocolates ko. Madami pa naman kasing chocolates sa refrigerator. Tinatamad lang silang kumuha.

"I still can't believe na graduate na tayo. Parang kailan lang noong magkakaaway pa tayo." nakangiting sabi ni Aries at umupo sa tabi ko. Napatango tango naman ako. Parang kailan lang.

Graduated na kami noong nakaraang dalawang taon. Ang bilis nga ng oras eh. Parang sa prof lang namin. Puro puti na kasi ang buhok niya sa kunsumisyon kila Devin at Luke na hindi na nagbago.

Tapos na rin ang pinatayo naming restaurant last last year. Malago siya dahil na rin sa mga kalokohan nila Luke. Minsan may pa free hugs and kiss kapag naka-order ng worth thirty thousand kaya ang ending, bugbog sarado sila kila Arra. Pati si Andrew na nadamay lang sa kalokohan nila ay nabugbog din ni Melissa.

Kaming tatlo nila Aster at Kuya na ang nagha-handle ng company dahil nasa legal age naman na kami. Mahirap pero kakayanin naman.

Si Luke at Arra, kasal na. Gano'n din sila Melissa at Andrew. Gano'n din sila Kuyang Panay Tawa at Audrain.

Si Caleb at si Maureen ay engaged na. Nag-propose si Caleb sa kaniya last year.

Si Kuya at Cheska ay sila na. Gano'n din si Yoshin kay Aster. Himala nga dahil hindi na torpe si Yoshin. Natatakot yatang maagawan dahil ang daming nagtatangkang ligawan si Aster na hindi naman sila pinapansin.

Si Hannah at Ian naman ay lumipad papuntang States para ma-explore ni Hannah ang mundo at kung gaano kaganda ito. Halos ilan na rin ang napuntahan nilang mga bansa. Hindi siya masyadong nakakapasyal dati dahil nga may sakit siya.

Si Kuyang Holdaper ay nasa Korea. Gusto niya munang mapag-isa dahil masakit pa rin sa kaniya ang pagkawala ni Weinzey. Doon siya nagtapos ng pag-aaral. Ginagalang namin ang desisyon niya kaya hinayaan namin siyang umalis. Hindi namin alam kung kailan siya babalik o kung babalik pa siya dahil wala kaming contact o balita sa kaniya simula noong umalis siya. Pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. Alam naming babalik siya.

Si Shaira ay umuwi muna sa Japan dahil namimiss niya na ang magulang niya noong nakaraang dalawang buwan. Bibisita nalang daw siya rito kapag nagkaroon siya ng oras at mukhang matatagalan pa 'yon dahil mukhang ipapamana na rin sa kaniya ang company nila. Kasama rin namin siyang grumaduate sa Zercon Academy.

Si Angeline ay hindi namin alam kung nasaan. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng gulong 'yon ay nawala nalang siya bigla na parang bula. Sinubukan namin siyang hanapin ngunit hindi talaga namin nakita. Nag-iwan naman siya ng sulat na nagsasabing ayos lang siya at nasa malayong lugar na kaya hindi na kami nagpumilit pa dahil baka gusto niya na ring mapag-isa. Hindi rin biro ang naranasan niya dahil sarili niyang tatay ang kinalaban niya.

Si Devin at Eros ay single pa rin at food is life. Baka hinihintay ni Devin si Shaira na maging ready na. Si Eros? Ewan ko. Wala pa naman akong napapansing babaeng napupusuan niya.

Si Lolo ay namayapa na noong nakaraang isang buwan dulot na rin ng katandaan. Nagiging ayos naman na si Caleb at unti unti ng nakaka-move on.

Si Allistair? Ewan ko. Bahala siya d'yan.

"Baby wife." bulong ni Allistair at sumiksik sa leeg ko habang nakayakap sa bewang ko. Napangiwi naman ako dahil doon.

Ayos na kami. Napaliwanag na niya sa akin, sa amin ang lahat. Halos sapakin nga siya nila Kuya noon dahil sinarili niya lahat ng problema. Kasal na rin kami dahil masyado siyang atat.

Nandito kami ngayon sa pinatayo naming bahay para sa aming lahat. Meron itong five floors dahil ang dami pa nilang kaartehan. Madalas ay dito kami tumatambay, minsan sa sarili naming bahay at minsan ay sa kaniya kaniyang kumpanya.

"Baby wife." nagsalubong ang kilay ko at yumuko para tignan si Allistair ng tawagin niya na naman ako.

"Ano?!" inis na tanong ko sa kakulitan niya. Napanguso naman siya.

"I love you." bulong niya at mas lalong sumiksik sa leeg ko.

Napalabi nalang ako at nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

'Ehe, enebe! Ekew nemen eh!'

"Ha! Tama ako! Mamatay siya! Akina pusta mo!" nakangising sabi ni Aster at nilahad ang kamay kay Yoshin na napailing nalang at binigay ang susi ng kotse niya.

Napailing nalang din ako. Milyon milyon na ang nagastos ni Yoshin para sa pustahan nilang laging siya naman ang talo pero mukhang wala lang naman sa kaniya 'yon kaya hayaan na, desisyon niya 'yan. Si Aster naman ay mukhang walang balak magpatalo kahit isang beses manlang. Mukhang balak niyang ubusin ang mga pera ni Yoshin. Wala namang problema dahil magiging mag-asawa rin naman sila. Lahat ng pera ni Aster ay pera rin ni Yoshin at gano'n din si Yoshin kay Aster.

Napahikab ako dulot ng antok. Napatingin ako sa relo ko at nakitang ala una na pala ng madaling araw. Ginala ko ang paningin ko at nakita kong bagsak na rin ang iba ko pang mga kasama.

"Aster, yung t.v." sabi ko sa kaniya ng makita kong hindi na sila nanonood.

Inabot niya naman ang remote at pinatay na ang t.v. Napatingin naman ako kay Allistair na nakatulog na rin habang nakayakap sa'kin.

Napasandal nalang din ako sa ulo niya hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

***

"Ahhh!"

Napamulat ako ng makarinig ng sigaw. Napatingin ako kay Arra na nakahawak sa noo niya na parang meron siyang mabigat na problemang dinadala.

"What is it? Are you okay? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Luke na inalalayan si Arra na parang mahihimatay na.

"I think I already know what she will gonna say." kampanteng sabi ni Melissa habang nakangiwi kay Arra.

"Mukhang alam ko na rin." nakangiwi ring sabi ni Aster.

"Me too." napapabuntong hiningang sabi ni Andrew.

"Same here." sabi ni Caleb.

"We're late again!" sigaw ni Arra na parang napakabigat ng problema niya.

"Seriously, Arra? Hindi ka pa ba sanay? Ilang taon na tayong laging late." sarkastiko at nakangiwing sabi ni Cheska at humikab dulot ng antok.

Napatingin ako sa orasan at nakitang alas onse na pala. Umupo na ako sa sofa at nag-inat inat. Mukhang inihiga ako ni Allistair. Sa pagkakaalam ko kasi ay nakaupo ako ng makatulog ako kagabi.

"Good morning, wife." bati ni Allistair na bagong ligo at hinalikan ako sa pisngi. Nginitian ko lang naman siya dahil sa totoo lang ay inaantok pa ako.

"Bakit hindi mo kami ginising?!" halos naiiyak na na sigaw ni Arra. Inosente namang napatingin si Allistair sa kaniya.

"You didn't said that I have to wake you up when I woke up. Besides, it's Sunday. It's our day off in our jobs." sabi ni Allistair. Napaisip naman si Arra.

"Oo nga 'no? Hehe peace." ngiting ngiting sabi niya na nag peace sign pa.

"So, what do you want to do?" tanong ni Allistair sa'kin na umupo sa tabi ko ay inakbayan ako.

"Help those staffs in the restaurant?" patanong na sabi ko.

At dahil tamad sila...

"Let's go to the beach. It's been a year since we last went there." nakangiting yaya ni Audrain.

"Agree!" sigaw ni Arra.

"Game ako d'yan!" sabi ni Nathaniel.

"Sama ako! Sure na may pagkain d'yan." sabi ng kakagising lang na si Devin.

"So, I guess we'll go on the beach. Is it okay to you, wife?" tanong ni Allistair at nag thumbs up sabay ngiti naman ako.

'Hindi pa ako nakakapag toothbrush! Nakakahiya.'

"Pack your things at lumayas na kayo este magbi-beach tayo." sabi ni Luke at nag-inat inat.

"Oh, iligpit niyo na 'yang higaan. Kaya niyo na 'yan." sabi ni Kuya at tumayo na rin.

"What did you said, Mr. Kingston?" taas kilay na tanong ni Cheska. Napakamot naman si Kuya ayy napanguso.

"Sabi ko po ako magliligpit, soon to be Mrs. Kingston." sabi niya at ngumisi pagkatapos. Namula naman ang pisngi ni Cheska at hinampas siya ng unan. Natawa nalang si Kuya at nag-ayos na ng mga kalat.

Tumayo na rin ako at tumulong sa pag-aayos ng sala ganon din naman ang iba.

Nang matapos na ay pumunta na kami sa kaniya kaniyang kwarto. Naligo, nagbihis at nag-ayos na kami.

Simpleng white short at black t-shirt ang sinuot ko. Nanatiling nakalugay ang mahaba at kulot kong buhok. Nagsuot na rin ako ng sandals.

"Baby wife, why are you wearing those things?" nakabusangot na tanong ni Allistair ng makita ang suot ko.

"Sa beach tayo pupunta, Allistair. Are you expecting me to wear sleeves, jacket and pajamas?" nakangiwing tanong ko. Napanguso nalang siya.

"Yes?" patanong na sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napabuntong hininga nalang siya. "Aish. Fine. You can wear those things. I'll just gonna take those people's eyes who will dare to look at you." nakabusangot na sabi niya.

"Take your eyes off first then." masungit na sabi ko at tinalikuran siya. Naglakad na ako palabas ng pintuan at naglakad pababa habang bitbit ang bag ko.

"I'm excepted of course!" pahabol na sabi ni Allistair at inakbayan ako. Natawa nalang ako.

"Yey! Let's go!" excited na sabi ni Cheska at sumakay sa van. Sumakay na rin kami at pinaandar na nila ito.

***

Nakarating na kami sa resort na pupuntahan namin. Nagpark na kami sa parking lot. Bumaba na kami ng van at agad kaming sinalubong ng sariwang hangin. Napangiti ako.

'Nakakamiss din pala.'

Agad silang tumakbo at naglibot libot sa resort. Binigay naman namin ang susi ng van sa mga staffs. Ang mga staffs na rin ang bahalang nagbitbit ng mga gamit namin.

Nagbayad na sila ng entrance fee at ng room namin. Mukhang atat na atat na silang mamasyal dahil pinapamadali nila ang tao sa counter na agad namang nataranta sa pag-asikaso.

"Saan po namin 'to ilalagay, ma'am?" tanong sa'kin ng isa sa mga staff.

"Ilagay mo nalang sa kwarto namin. Thank you." nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango bago umalis bitbit ang mga gamit namin kasama ang iba pa niyang kasamahan.

"Hoy, tara na! Dali!" nagmamadaling sigaw ni Audrain kaya napailing nalang ako at sumunod sa kanila. Para silang mga bata. Wala pa ring pinagbago.

Nagsimula kaming maglakad sa buhanginan. Mabuti nalang at makulimlim kaya hindi masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw.

"Gawa tayo ng bonfire doon mamaya!" sabi ni Eros at nginuso ang isang parte ng beach.

"Sige. Tapos si Devin ang iluto natin. Mukha naman siyang masarap. Malaman laman." sabi ni Luke.

"Nanahimik ako rito eh! Bakit ako nadamay?!" salubong ang kilay na sigaw ni Devin na puno ng pagkain ang bibig.

"Ang dugyot mo! Hindi mo ba alam yung kasabihang 'don't talk when your mouth is full'?!" inis na sabi ni Andrew ng matalsikan siya ng kung ano mang kinakain ni Devin.

"Si Luke kasi!" paninisi ni Devin.

"Inaano kita?!" sigaw ni Luke.

"Inaano rin kita?!" sigaw ni Devin.

"Magsapakan nalang kayo. Ang dami niyong dada. Para kayong mga babae." maangas na hamon ni Aster.

"Taya!" biglang sigaw ni Audrain.

"Ang daya hindi ako na inform!" natatawang sigaw ni Kuyang Panay Tawa nang siya ang tayain ni Audrain.

"Blehhh!" pang-aasar ni Audrain at tumakbo papalayo.

Agad naman kaming nagsitakbuhan para hindi mataya. Mas lalong napabusangot si Kuyang Panay Tawa pero agad din siyang tumakbo at hinabol si Devin na siyang pinakamalapit sa kaniya.

"Teka, kyahhh! Bakit ako?! I'm innocent! I'm just handsome! I just wanna eat!" tili ni Devin habang tumatakbo papalayo.

"Takbo Devin! Hahaha!" sigaw na pang-aasar ni Arra.

Nataya ni Kuyang Panay Tawa si Devin na nagsisigaw dahil feeling niya ay dinuga namin siya at pinlano namin 'to. Natawa nalang kami habang nanatiling alerto dahil baka bigla nalang siyang tumakbo at habulin kami.

"Nakakainis kayo! Ang daya niyo!" pagmamaktol ni Devin at tumakbo kaya agad din kaming nagsitakbuhan.

Lumingon ako sa kanan para humanap ng pagtataguan ngunit napatigil ako sa nakita ko...

Tumatakbo si Allistair habang nakatingin kay Devin kaya hindi niya nakita ang babaeng nakatalikod sa kaniya. Kaya gaya ng inaasahan ay nabangga niya ang babae.

Babaeng kilalang kilala ko...

Babaeng akala ko ay hindi na babalik sa buhay namin...

Babaeng akala ko ay hindi ko na makikita...

Angeline...

Continue Reading

You'll Also Like

505K 54.8K 23
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.7M 112K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1.1M 26.9K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
29.5K 3.9K 21
What will happen when two persons opposite from each other and hated each other will marry due to circumstances. If you want to know then check out t...