Ace The Wager (TO BE PUBLISHE...

By drakoyne

111K 3.9K 4.2K

[DECK OF CARDS # 1] Defending him meant signing her death certificate. Siobhan Thiago never wanted to be inv... More

Ace The Wager
Author's Note
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE SEQUEL

Chapter 29

1.5K 61 57
By drakoyne

NO PERSPECTIVE

"SAAN KO 'TO ILALAGAY?" TANONG ng isang lalaki na may dala-dala na dalawang duffle bag.

Lumingon sa kaniya ang isa pang lalaki na nagyoyosi sa may bintana. Tiningnan niya ang hawak-hawak ng lalaki bago marahan na tumango.

"What's inside?"

"Fentanyl," sagot ng lalaki na may dala ng duffle bags.

"You checked it?" paninigurado niya.

Tumango naman ang lalaki bago nilagay ang isang bag sa sahig at binuksan ang isa pang bag. May kinuha siyang isang pakete na may laman na kulay puti na droga.

"Great." Ngumisi ang lalaki tsaka tumuro sa isang gilid ng warehouse kung saan medyo madilim. "Just put it there, Charles."

Tumango naman ang lalaki na ang pangalan ay Charles bago naglakad papunta sa pinakagilid ng warehouse kung saan niya nilagay ang dalawang itim na duffle bags. Binalik ng isang lalaki na naka-leather black na jacket ang kaniyang tingin sa labas ng warehouse kung saan makikita lahat ng kagagawan nila.

Three trucks.

One was filled with fentanyl—a dangerous drug that may lead to your death if abused—and two trucks of shabu.

Nakatitig lang ang lalaki doon nang may narinig siyang biglang nagtatawanan sa entrance ng warehouse. Napatingin siya doon ngunit hindi siya nagulat nang makita ang dalawang babae na pumasok.

"Kuya!" bati ng isa sa kanila.

The man nodded in acknowledgment before returning his gaze outside. Nakapamulsa siyang nakatitig sa tatlong trucks na naka-park sa hardin ng lote. Iniwan ito sa kaniya ng kaniyang ama bago ito pumanaw. Ngayon na siya na ang may-ari, gagawin niya ang lahat para tuluyan nang matanggal ang kaniyang pangalan sa warehouse at lote na ito.

Matagal na niya itong hinintay. Ngayon na wala nang haharang sa kaniya at ng kapatid niya, pwede na siyang umalis.

Twenty-three years is enough.

Bumalik siya sa sariling huwisyo nang may biglang humawak sa balikat niya, dahilan para lumingon siya sa likod ng kaniyang balikat.

Nakita niya ang isang babae na may mahabang buhok. Naka-itim siya na t-shirt at jeans tsaka naka-boots. May malawak na ngiti sa mga labi niya habang nakatingin siya sa mga mata ng binata. Napahinga nang maluwag ang lalaki nang makita na kapatid lang pala niya 'yon.

"This is it," nakangisi na sabi ng babae. "After this, we can finally do everything the legal way."

Hindi palangiti ang lalaki ngunit napangiti siya sa sinabi ng kapatid niya. Finally, after thirteen years, makakahinga na siya nang maluwag.

Hindi na niya kailangan mag-alala araw-araw kung nanganganib na ba ang buhay niya. Natutunan niyang tanggapin na hindi siya tatagal dito sa mundo dahil kung hindi pulis ang papatay sa kaniya, organisasyon naman ng ama nila ang tatapos sa kaniya.

Kaya naman ang saya niya na nakahanap siya ng paraan para makatakas sa trabaho na matagal na niyang ginagawa.

He never liked it, anyway.

Every trigger he pulled, every punch he threw, every drug he swallowed didn't mean he got used to it. If anything, it just weighed him down.

Tuwing gabi, binabalikan siya ng konsensiya dahil sa kaniyang mga ginawa. Ayaw niyang maging marahas pero wala siyang choice kung 'di sumunod sa mga utos sa kaniya.

Isa lang naman ang hiling niya. Ito ay ang maging malaya na sa nakaraan.

He wanted to start anew.

He wanted to start a new life with her.

"This will be our last transaction and we'll cut all ties with the Sarmientos," mariin na sabi ng lalaki.

Tumango ang kaniyang kapatid tsaka nagpakawala ng hininga. "I just hope Loki doesn't get too affected."

Hindi nakapagsalita ang lalaki. Kahit ayaw niya na idamay ang isang kaibigan nila sa gulo na 'to, wala silang kayang gawin kung 'di gawin 'yon. Dahil kung hindi, silang apat ang magdudusa.

"Haji!"

Agad silang napalingon sa likod nang biglang may tumawag sa pangalan ng lalaki.

May isang babae na hanggang balikat lang ang buhok at nakapula na lipstick na humakbang patungo kung saan nakatayo ang dalawang magkapatid. Nakangiti rin ang babae na parang nanalo siya sa lotto.

Zybel Musbante ang pangalan niya, isa sa mga anak ng pinakamayaman na politiko dito sa bansa na si Senator Alia Musbante at tatay naman niya ang PNP Chief na si Renato Musbante.

It was a great day for everyone. Finally, they were free from their parents' clutches.

Kaya naman parang bata si Zybel na yumakap kay Haji bago sinubsob ang mukha niya sa leeg nito.

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa leeg ni Haji para magkadikit na ang mga katawan nila. Hindi na lang namalayan ng babae na may luha na pala na dumausdos sa pisngi niya habang nasa balikat ni Haji ang baba niya. Hindi siya umiiyak dahil sa pagkalungkot, umiiyak siya dahil sa saya.

Lahat naman sila umiiyak dahil sa saya at ginhawa.

Huminga muna nang malalim si Zy bago may binulong sa tainga ng kaibigan. "Dadating na ang mga tauhan ko na susunog sa natitirang droga, pwede na tayong umalis," she said in relief.

Kumawala si Haji sa yakap ng kaibigan niya bago nagtama ang kanilang tingin. Hindi maintindihan ni Haji kung ano ang nararamdaman niya ngayon na ang lapit-lapit na nila. Kaunti na lang makakapag-drive na siya ng sasakyan na hindi bulletproof. Hindi na rin niya kailangan maglagay ng maraming lock sa condo unit niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayong makakapaglakad-lakad na siya sa kalsada na hindi natatakot na baka may sumusunod sa kaniya.

Is he feeling relief? For the first time in years, he finally felt safe.

"Lahat na-unload na sa mga trucks. Wala nang may natirang bagahe sa loob. Pwede na tayong umalis habang wala pang may naghihinala sa atin," sabat ni Charles na lumapit sa kanila. Pinadpad niya ang mga kamay sa likod ng pantalon niya bago tumingin sa kapatid ni Haji na nakangiti sa kaniya.

"You did well today, Charles," sabi ni Yanina.

Umiwas ng tingin si Charles ngunit patago siyang ngumisi. "Salamat."

"Ano? Tara na?" tanong ni Zy bago inakbayan si Haji.

Dahil mas matangkad si Haji, kinailangan pa niyang yumuko para lang maabutan siya ni Zy.

"Sasabay ka sa 'min, Haj?" tanong ni Charles. "May van sa labas na naghihintay sa atin."

Umiling si Haji bago tinanggal ang akbay ni Zy sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa bago tiningnan kung anong oras na.

2:45 PM

Umiling muli si Haji bago binalik ang phone niya sa bulsa na nasa likod ng kaniyang itim na pantalon. "I still have to drive Siobe to her review center," sagot niya.

Simula noong nagsimulang mag-review para sa PhiLSAT ang girlfriend ni Haji na si Siobhan Thiago, palagi niyang hinahatid-sundo ang babae sa review center tuwing natatapos ang kaniyang trabaho.

Hindi rin alam ni Haji kung bakit nasobrahan siya sa pagka-attach kay Siobhan. Ang tanging alam lang niya ay kailangan ni Siobe ng kaibigan. Dati, okay na sa kaniya 'yon. Masaya namang kasama si Siobhan hanggang sa isang araw, nag-iba ang paningin niya sa babae.

I just want to be with her through everything since no one did that for her before, he thought.

"Sure ka? Makakaabot ka pa ba?" tanong ni Charles.

Ang layo kasi ng Cavite sa Quezon pero kung umalis na siya bago pa mag alas-tres makakaabot pa siya bago mag-out si Siobhan.

Tumango si Haji. "I'll just take my car. Ingat kayo sa pag-uwi, and you," turo ni Haji sa kapatid niya na nakangisi lang sa likod ni Charles. "Diretso sa bahay, ha? May CCTV-"

"Oo na! My god, I'm not a baby." Inirapan siya ng kapatid niya bago tumingin kay Charles na nasa tabi niya. "You want to stay over?"

"Yani!" singhal ni Haji.

"Jeez, okay, grandpa," panunukso pa ni Yani bago tinalikuran na sila.

Napabuntong-hininga na lang si Charles, mukhang sanay na sa bangayan ng magkapatid, tsaka sumunod na kay Yani palabas ng warehouse.

"No funny business, Charlemagne!" huling sigaw ni Haji bago siya tinaasan ng middle finger ni Charles at lumabas na ng warehouse nang tuluyan.

Haji scoffed before looking at Zybel who had a grin plastered on her face. Tinaasan siya ng kilay ni Haji, nagtatanong. "Why are you looking at me like that?"

Kinagat ni Zy ang ibabang labi niya, nagpipigil ng tawa, bago tinalikuran na rin si Haji. Naguguluhan si Haji pero hinayaan na lang niya na maglakad papalayo ang kaibigan niya.

"Tell Siobe I said hi!" sigaw ni Zy habang naglalakad siya palabas ng warehouse.

Nang nakalabas na nga si Zy ng warehouse, biglang tumahimik ang lahat. Kahit maliwanag pa ang sinag ng araw, parang naging madilim ang warehouse nang umalis na ang tatlo. Tanging si Haji na lang at ang ilang duffle bags ang nasa loob ng madilim na lugar na 'to.

Simula noong fifteen years old siya, inaatasan na siya ng ama niya na magdistribute ng drugs sa iba't-ibang makapangyarihan na tao dito sa bansa.

Politicians, models, artists, businessmen, lahat na tinataguriang malinis na mga tao sa bansa ay humingi na sa kanila ng droga. Doon ni Haji napagtanto na ang unfair ng mundo.

Mismong presidente na nagtatag ng war on drugs ay humingi na sa ama niya ng ilang bagahe ng shabu tsaka marijuana samantalang sinusugpo o pinapatay niya ang mga mahihirap na nagtitinda ng ilegal na droga dahil wala na silang pera para masuntento ang pamilya nila.

"Justice is only served when you pay for the receipt beforehand," wika ng kaniyang ama dati. "If you're rich and influnetial enough, the law is nothing."

Hindi niya ma-proseso na ganoon ang daloy ng mundo. Noong kasama pa niya ang kaniyang ina, mabubuti lamang na mga bagay ang nakikita ni Haji. Ngayon na mulat na siya sa lahat, hindi pa rin siya makapaniwala.

People shouldn't fear hell anymore since we're living in a place where heinous people aren't punished.

We're basically living somewhere worse than hell. A place where devils rule all the lesser evil beings.

Pagkalipas ng ilang minuto ng katahimikan, napagdesisyon niya na lumabas na ng warehouse. May mga tauhan sila Zybel na susunog sa mga natitirang droga dito sa warehouse mamaya.

Nang na-lock na niya ang metal doors ng warehouse, naglakad na siya papunta sa sasakyan niya na naka-park sa hindi kalayuan. Ngunit pagkatapos ng ilang hakbang, may naramdaman si Haji na nakakaiba.

Dahan-dahan siyang lumingon sa gilid niya at napansin na may isang itim na sedan na naka-park sa kabilang bahagi ng highway. Heavily tinted ang mga bintana kaya hindi niya makita kung may tao ba sa loob.

Medyo rural ang parte ng baryo na 'to kaya nakakapagtaka na may sasakyan sa gilid ng kalsada kahit kakaunti lang naman ang may nagmamay-ari ng sasakyan dito.

Dahan-dahan si Haji na naglakad papunta doon para lang manigurado. Nung bubuksan na niya ang gate na gawa sa kahoy na ginawa lang ng mga kaibigan niya, biglang may nag-vibrate sa likod ng kaniyang pantalon kaya kinuha niya ito.

Nang tingnan niya ang screen ng cellphone niya, agad niyang sinagot ang tawag na mula sa contact na nakapangalang 'Baby'.

"Hey, baby," bungad niya, bumabalik ang malawak na ngiti sa mga labi niya.

"Help me pick. Chardonnay or Pinot Noir?"

He chuckled before answering. "Just get them both. What's the event, by the way? There's no way you're buying expensive wine without an occasion."

"Release ng PhiLSAT passers ngayon."

Haji nearly dropped the phone. Why didn't he know about this? "Really? Wait, I'll check if-"

"Huwag muna!"

"Why? I wanna know if you passed."

"Sabay natin titingnan mamaya. Nasaan ka pala?" tanong ng babae na mula sa kabilang linya.

"I'm at my condo. You'll come here?" simpleng sagot niya para hindi maghinala si Siobe. He knows that she doubts everything so it was easier to make the response as simple as possible.

Pagkatapos n'on, tinulungan pa niya si Siobe na pumili ng wine. In the end, she bought Chardonnay.

"Sure ka?" Siobe asked, referring to the wine.

Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Haji bago yumuko. "Nah, I like Chardonnay as well. Just get it, Siobe. I'll see you later."

Binaba na ni Siobe ang tawag kaya napatingin muna si Haji sa phone screen niya bago bahagyang ngumiti.

This day was worth remembering.

Aside from the fact that he's done with handling drugs, he's going to spend the rest of his day with the woman he loves.

Binalik ni Haji ang phone niya sa likod ng kaniyang pantalon bago naglakad na papunta sa sasakyan niya. Pumasok na siya tsaka nag-backing muna bago tuluyan nang umalis mula sa lugar na 'yon. Hopefully, that was his last time ever going there.

"MGA GAGO," BULONG NG ISANG lalake na nasa loob ng kaniyang sasakyan. Akala niya mahuhuli siya ni Hajiro kanina pero buti na lang hindi natuloy.

Nanginginig ang mga daliri niya nang binaba niya ang kaniyang cellphone tsaka nag-zoom in sa litrato na kinuha niya kanina.

Nandoon ang mukha ni Charles, Yani, at Zy habang papasok sila ng van kanina. Ang sunod naman na litrato ay ang mukha ni Haji na nakahawak sa cellphone niya habang nakatingin sa baba niya, may ngiti sa mga labi.

Their faces were clear as day.

Pinindot ng lalaki ang home button ng screen niya bago tinapon ang cellphone sa bakanteng passenger seat.

"Tingnan natin kung sino ang walang bayag ngayon," bulong ng lalaki sa sarili niya bago pinaharurot na ang sasakyan niya papalayo ng warehouse.

Continue Reading

You'll Also Like

547K 39.5K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
110K 2.8K 37
FRIENDS SERIES #1 Ashanti is the bread-winner of the Sanchez Family. She wants to finish her course at AAG and earn a degree after. She's not into re...
6.8M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...