Pagsinta (Unang Tamis)

By isipatsalita

266K 16.6K 8.5K

Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita. More

TEASER
TAMIS 1
TAMIS 2
TAMIS 4
TAMIS 5
TAMIS 6
TAMIS 7
TAMIS 8
TAMIS 9
TAMIS 10
TAMIS 11
TAMIS 12
TAMIS 13
TAMIS 14
TAMIS 15
TAMIS 16
TAMIS 17
TAMIS 18
TAMIS 19
TAMIS 20
TAMIS 21
TAMIS 22
TAMIS 23
TAMIS 24
TAMIS 25
TAMIS 26
TAMIS 27
TAMIS 28
TAMIS 29
TAMIS 30
TAMIS 31
TAMIS 32
TAMIS 33
TAMIS 34
TAMIS 35
Mensahe para sa inyo
Special Mamon
Reference Image
Huling Sirit
Devin Francisco 1
Devin Francisco 2
Devin Francisco 3
Devin Francisco 4
Devin Francisco 5
Devin Francisco 6
Devin Francisco 7
Devin Francisco 8
Devin Francisco 9
Devin Francisco 10
Devin Francisco 11
Devin Francisco 12
Theme Song
Reprint? Yay or nyay?

TAMIS 3

8K 515 443
By isipatsalita

"Seryoso ka riyan sa suot mo? Balot na balot lang? Makikipagkita ka sa tatay ng junakis mo tapos mukha ka lang mag-ja-jogging sa labas?" komento ni Phoebe kay Aurea habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

Loose pink shirt, black leggings tapos itinerno pa niya iyon sa white sneakers niya at wala naman siyang nakikitang mali roon. Itinali rin niya ang kaniyang buhok para malinis siyang tingnan.

Mukha nga siyang Zumba Instructor pero wala siyang pakialam dahil komportable siya sa ganoong pormahan.

Nagpasundo na lamang siya kay Devin dito sa bahay ng kaniyang kaibigan dahil ayaw niyang dumiretso ito sa kanilang tirahan. Hindi pa niya alam ang idadahilan sa Mama at Kuya niya kung sakali. Hindi pa rin siya handang magdala at magpakilala ng bagong lalaki sa mga ito.

"Bakit? Hindi ko naman kailangang magpaganda pa para sa kaniya, 'no? Tatay lang naman siya ng baby ko," suplada niyang sagot.

"Exactly, my friend. Hindi mo ba naisip na posibleng 'yan na ang makakasama mo for life? Since mayroon na kayong anak, posible na ring magka-develop-an kayong dalawa habang nag-pe-prepare kayong maging ganap na parents sa chikiting ninyo," paliwanag nito.

Sa totoo lang ay hindi niya iyon naiisip ngayon. Ayos lang para sa kaniya ang maging civil lang sila sa bawat isa dahil hindi ito ang panahon para makipagrelasyon.

Marami pa siyang dapat unahin kaysa rito. Uunahin niya muna ang sarili para naman mapalaki niya nang maayos ang munting anghel na nabubuhay sa loob niya.

"Hindi naman ako pangit porke ganito lang suot ko, ah? Mabuti na 'yong maingat ako. Baka kapag nagpakita ako ng legs doon, manyakin pa ako nang wala sa oras."

Dati, kahit naka-pantalon at blouse lamang siya'y may nangyaring kakaiba. Paano pa kapag nagpaganda siya? Baka dumali na naman ang pagiging marupok nila.

Pero hindi, hindi na talaga mauulit. Once is enough. Twice is super kalandian na.

"Kaloka, ano pa ba ang ima-manyak sa 'yo? Nalamnan na nga 'yang tiyan mo!" natatawang sambit ng kaibigan.

Katuwiran niya'y iba naman ang pagkikita nila ni Devin noon sa pagkikita nila ngayon. Pag-uusapan nila ang magiging arrangement para sa bata at kung ano'ng mga kailangan niya para sa pagbubuntis, hindi para magka-part two ang landian nila dati.

Nagkatinginan silang dalawa nang marinig na may sumisigaw na lalaki sa baba ng, "Arf Arf! Nandito na ako!"

Alam agad niyang si Devin 'yon.

Ang loko, nag-eskandalo pa sa labas. At anong 'Arf Arf' ang sinasabi n'on?

Mabilisan siyang bumaba para salubungin ang lalaki. Napansin niyang nakatayo lamang ito sa labas ng gate. Simple lamang ang suot nito—plain white shirt, black shorts at naka-Birkenstock na kulay itim. Sakbit naman sa likod nito ang bag na kulay itim din.

Agad din namang sumunod si Phoebe para harapin iyon. Nakapamaywang pa ito at nakataas ang isang kilay.

"Oh, who's this pretty boy? Sino ho ang kailangan ninyo? Bakit kayo sumisigaw ng arf arf eh wala namang aso rito, aber? Ay, wit, ikaw ba 'tong naka-chuchu ng friend ko, ha?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan.

"Good morning, ladies!" bati nito sa kanila. Bumaling naman ang tingin nito kay Phoebe. "Ma'am, mawalang galang na po, pero hindi ko lang chinuchu ang kaibigan mo kung 'di nilabing-labing ko 'yan." Nagtaas-baba pa ito ng kilay habang nakabungisngis.

Hindi nakapigil si Phoebe at biglang in-apir-an ang lalaki bago nakipagkilala rito.

Napailing na lamang siya sa nasaksihan. Ibang klase dahil parang siya pa ang biglang na-out of place sa mga sandaling 'yon.

At ang kapal ng mukha, ha? Anong nilabing-labing? Kilabutan nga siya sa mga pinagsasabi niya, pagmamaktol niya sa isipan.

"Na-late ka yata? Almost 11A.M. na," pagpuna niya.

Tumingin pa siya sa paligid para tingnan kung ano'ng dala nitong kotse ngunit wala namang nakaparada roon. Ayaw daw siya nitong pag-commute-in pero mukhang ganoon naman ang gagawin nila ngayon.

Kinuha ni Devin ang backpack na suot na para bang may dinudukot sa kaloob-looban nito. Napanganga silang magkaibigan nang makitang naglabas ito ng busina.

Busina mismo ng sasakyan.

Ngumiti pa ito nang pagkalawak-lawak bago iyon iwinagayway sa harapan nila.

"'di ba sabi ko bubusina ako?" malokong sabi nito bago tumawa. "Sorry, nagkaroon ng problema sa oto ko kaya hindi ko magagamit ngayon. Hindi naman kita puwedeng isakay sa motor kasi mangingitim ka, wala akong extrang helmet, saka delikado para sa buntis kagaya mo. 'di bale, sa susunod, makasasakay ka na sa BMW ko. O kung gusto mo, sa akin ka na lang sumakay."

Gusto niya sanang matawa dahil kahit korni ito, gumagaan ang loob niya kapag nakukuha nitong magbiro, pero napakabastos naman ng bibig. Baka mamaya'y may makarinig pang kapitbahay.

"I like you na for my friend!" nakangiting sigaw ni Phoebe na may kasamang pagtapik sa balikat ng binata. "O, s'ya, shoo away na para makapag-usap na kayo. Ihatid mo itong kaibigan ko sa kanila mamaya, ha? Huwag kayong liliko kung saan-saan at buntis na 'to!"

Naglabas ng payong si Devin dahil tirik na ang sikat ng araw sa mga oras na 'yon. Hindi naman niya inaasahang ngayon pa papalya ang oto niya. Hindi sana sila naglalakad ngayon palabas ng highway.

Diyahe, isip niya.

Gusto niya sanang manghiram ng sasakyan sa tatay niya pero nasa Maynila iyon ngayon. Iyong mga katropa naman niya'y may mga trabaho rin kaya hindi niya maistorbo.

Bakit nga ba hindi niya naisip bumili pa ng isa pang sasakyan kahit segunda mano lang?

Napakamot na lang siya sa ulo. Wala pa kasi siyang budget para sa luho.

"Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain muna? Mayroon akong bottled water dito, teka kunin ko lang."

Muli niyang hinalungkat ang laman ng bag para ibigay sa kasama ang tubig.

Tinanggap naman ni Aurea ang bote ng tubig dahil uhaw na rin naman siya.

"Thank you. Gusto mo share na lang tayo rito? O bibilhan na lang kita mamaya sa tindahan kapag nauhaw ka rin," pag-aalok niya sa lalaki habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada.

Likas naman siyang maaalalahanin pero bigla niyang naisip na parang may ibang kahulugan ang alok niya kung kaya't bigla niya rin itong binawi.

"Ang init-init kasi ng oras na napili mo para makipagkita sa akin!"

Hinapit ni Devin ang masungit na babae para magkasya sila sa ilalim ng payong. Ngali-ngali na rin niyang idikit ang ilong sa may buhok nito dahil naaamoy niyang ang bango nito.

Patay tayo riyan, p're. Diyan tayo nadadali sa mababango, wika niya sa isipan.

"Sorry. Hindi kasi nakisama 'yong oto. Hayaan mo talaga, sa susunod, reyna ka sa akin!" pagmamayabang niya rito.

Ngayon lang siya napahiya sa babae. Dati naman kapag may isinasama siya sa date o galaan, palagi silang naka-kotse. Iyon ay noong panahong sunod pa ang layaw niya sa kaniyang mga magulang.

Ngayon ay unti-unti na niyang nagagamay ang pagiging mature—sa isip at gawa.

"Hindi ka ba komportable? Dadalhin sana kita roon sa trabaho ko para in case of emergency at na-miss mo ako bigla, puwede mo akong dalawin doon," aniya.

Siniko ni Aurea ang gilid ng tiyan ni Devin. Nakuha pa nitong bumanat sa kasagsagan ng init.

Sanay naman siyang maglakad at mag-commute kaya walang kaso sa kaniya iyon. Ang problema nga lang ay naiilang siya sa posisyon nilang dalawa. Dikit na dikit na naman kasi ito sa kaniya.

Nananantsing lang yata ito, eh? duda niya.

"Ano'ng work mo pala?" pag-iiba niya sa usapan. Curious din naman siya sa pinagkakaabalahan ng binata. Kahit papaano'y gusto niyang malaman kung ano'ng normal nitong ginagawa sa araw-araw.

"Mekaniko," simpleng sagot nito. Lumingon at nag-angat siya ng tingin na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi nito. "Mekaniko nga, aba."

"Hindi ka kasi mukhang mekaniko."

"Noys, compliment ba 'yan? Gandang lalaki ba para maging mekaniko?"

Tumawa pa ito kaya nairita na naman siya.

Hindi naman sa pagiging judgmental pero 'yong mga kilala niyang mekaniko ay may karungisan. Langis, grasa, basta medyo marumi tingnan lalo na kung may ginagawa ito.

"Ang puti mo lang kasi, parang hindi bagay sa 'yo maging mekaniko," komento niya.

Tumawa lang ito sa gilid niya.

Totoo namang maputi ang lalaking kasama niya. Hindi niya masabi kung mas maputi pa ito kaysa sa kaniya dahil magkaiba naman sila ng pagkaputi.

"Okay lang bang sumama ako sa 'yo roon? Hindi ba nakaiistorbo?"

Mabilis ang ginawa nitong pagtango. "Alam na ng mga tao roon na isasama ko ang nanay ng magiging anak ko."

Napaangat muli ang tingin niya rito.

Bakit kapag ang mga lalaki ang nakabuntis ay ayos lang at madaling sabihin sa mga tao ang sitwasyon nila? Pero kapag babae, parang ang hirap at masama agad ang impresiyon sa kanila?

"Nakakahiya naman. Hindi mo naman ako girlfriend para dalhin doon. Saka teka nga, hindi ko pala naitanong sa 'yo"

"Hindi nga kita gerlpren. Wala akong gerlpren. Wala akong sabit. Mas lalong wala akong kabit," sunod-sunod nitong sagot sa kaniya. Mukhang sigurado ito base sa tono ng pananalita. "Boyfriend, mayro"

Napatigil siya sa paglalakad kaya tumigil din si Devin.

"Ha? May boyfriend ka?" seryoso niyang tanong habang nakaharap sa kasama. Punong-puno ng kuryosidad ang kaniyang isipan ngayon.

Mga ilang segundo silang nagkatitigan bago tumawa nang malakas si Devin.

"Ikaw ang tinatanong ko kung may boyfriend o wala. Baka mamaya may manapak na lang sa akin bigla nang wala akong kaalam-alam, eh? Napagkamalan pa nga akong sister," natatawang tugon nito.

"Ah. Wala na kami. Hindi naman ako sasama sa 'yo kung may boyfriend ako."

Bigla siyang nalungkot sa hindi malamang dahilan. Aminado siyang umaasa pa siya noong babalik pa si Pierre sa kaniya pero heto siya ngayon—naglalakad kasama ang lalaking nagbigay sa kaniya ng anak.

Nabigla siya sa paghila nito sa kaniya papasok sa isang café. Biglang nawala ang lungkot na nadarama niya nang makaamoy ng kape.

Ang cute at cozy pa roon kaya gumaan nang kaunti ang kaniyang pakiramdam. Ngayon lang niyang napagtantong may ganoong café pala sa kanilang lugar. Hindi naman kasi siya palagala sa bayan nila.

Mas gusto niya noon na nasa bahay lang kapag walang trabaho o raket. Hindi siya palalabas kaya hindi siya updated kung may bagong restaurant at café roon.

Umupo sila at agad naman silang nabigyan ng menu. Tinanong siya nito kung ano'ng gusto niyang kainin pero tinablan siya ng hiya kaya sinabi na lang niyang isang iced coffee lang ang kaniyang order.

Dahil makulit ang lalaki, umorder pa rin ito ng pasta, sandwich, salad at cake. At imbis na iced coffee ang inorder nito para sa kaniya'y malamig na gatas ang ni-request nito sa waitress.

"Ang dami naman nito para sa atin. Hindi naman ako sobrang gutom," sabi niya habang isa-isang nilalapag ng waitress ang pagkain sa mesa nila.

"Puwedeng ikaw hindi gutom pero si baby kailangang kumain," kalmadong sabi nito sa kaniya habang naglalagay ng pagkain sa kaniyang plato.

Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Naisip niyang sana makuha ng baby niya ang ibang features nito. Kapag lalaki, sana'y makuha 'yong tangkad nito, tangos ng ilong, jawline, buhok, ganda ng ngipin at pula ng labi.

"Uy? Ayos ka lang?" tanong nito sa kaniya.

"Ah, oo nga. Kumakain naman ako nang tama palagi."

Napatawa na lang siya. Ang OA naman agad ng lalaki. Dalawang buwan pa lang naman siyang buntis pero kung makaasta ito ay para bang palabas na ang bata.

"Dapat lang kumakain ka nang tama. Imo-monitor ko 'yan, ha? Kahit hindi mo ako kasama, kukulitin kita sa chat at tawag kaya umayos ka."

Muli siyang napatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip niya kung ganito talaga iyon o nagkataon lang dahil dala-dala niya ang magiging unico hijo o unica hija nito?

"Yes po, Tatay," sagot niya.

Napangiti na lang siya bago sumubo ng pasta.

Nakailang subo na rin siya ng pasta nang mapansing hindi ginagalaw ni Devin ang pagkaing inorder nito. Para bang kanina pa itong nakatitig sa kaniya.

"Uh, bakit hindi ka kumakain?"

Hindi ito kumibo. Umayos muna ito ng pagkakaupo bago may kinuha sa bulsa ng pantalon. Sunod niyang nakita ang paglapag nito sa maliit at kumikinang na bagay sa tabi ng kaniyang plato.

Nagpabalik-balik ang tingin niya roon pati sa mata ng lalaki na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

Ngumiti lang ito sa kaniya ng may sinseridad sa mga mata.

"Ayaw kong mamaliitin mo ang sarili mo dahil sa nabuntis kita. Ayaw kong isipin mong pagkakamali lahat ng 'to at malaking kasalanan 'yan." Itinuro nito ang kaniyang tiyan. "Nandito ako, oh? You can always come to me. And I can always come for you," makahulugang bulong nito habang nakatitig sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Hindi mo naman ako kailangan pakasa—"

"Kung magpapakasal din naman ako, dito na sa nanay ng magiging anak ko. Baka mamaya mapunta pa ako sa pokpok na durty."

Natawa siya sa pagkakasabi nito ng dirty.

Akala mo naman kung sinong malinis, sa loob-loob niya.

"Hindi ba ako pokpok sa nagawa ko noong gabing 'yon?" bigla niyang tanong dito.

Nahihiya man ay kailangan niyang malaman ang opinyon at isasagot nito sa kaniya.

"Hindi ka papasa maging pokpok, Au. Nahiya ka pa nga nang halos masira ko na zipper ng pants mo noon. Ayaw magpahubad, eh."

Nagtawanan sila sa kabalastugan na sagot nito. Hirap na hirap nga ito noon sa paghuhubad ng pants niya. Sobrang fit kasi tapos nagkaproblema pa sa zipper kaya sobrang hassle.

"Nakakahiya. Busalan ko 'yang bibig mo ng tinapay! Kumain ka na nga."

Todo ngiti pa rin sa kaniya ang lalaki. Hindi niya alam kung maiilang ba siya o ano, basta ang alam lang niya'y gumaan ang pakiramdam niya matapos marinig ang indirect proposal nito sa kaniya.

Kinuha niya ang singsing na kanina pa niya pinagmamasdan at isinuot sa daliri.

"Sakto. Paano mo nalaman ang ring size ko?"

Sinisipat-sipat pa niya ang itsura nito.

Maganda, simple lang at hindi naman mukhang nakaw lang. Hindi masyadong malaki ang bato kaya hindi agaw-eksena kahit mag-commute pa siya.

"Ch-in-eck ko noon habang naglalabas pasok ako sa 'y—aray! 'langya, buto iyon!" pabulong na reklamo ni Devin sa kaniya, nakangiwi pa.

Lumingon siya't nakita niyang may mga tsismosang nakatingin din sa kanila. Sinipa niya kasi ito sa ilalim ng mesa. Hanggang sa hapagkainan kasi'y puro kabastusan pa rin ang sinasabi nito.

"Umayos ka kasi!"

Umayos nga ito ng upo.

"Okay ako sa ganitong setup natin. Ikaw ba, okay lang sa 'yo? Hindi mo ba ako ipatu-Tulfo nito? Puwede mo namang i-sangla 'yang singsing kung sakaling maumay ka at umayaw na sa akin."

Natawa silang dalawa pero agad din sumeryoso ang kaniyang mukha.

"Paano pala kung gusto mong mag-girlfriend balang araw? Paano kung gusto mo talagang mag-asawa ng iba?"

Marahil pakakasalan siya nito dahil sa ipinagdadala niya ang anak nito pero alam naman niyang hanggang doon lang iyon. Hindi naman niya gustong alisan ng karapatan ang lalaki kung sakaling makatagpo ito ng ibang babaeng mamahalin.

"Kayo na ang priority ko ngayon, Mommy," maamong sagot nito bago kumindat sa kaniya.

Isang pangungusap lang iyon pero nagdulot iyon ng ginhawa sa pakiramdam at panibagong pag-asa para sa kanilang kinabukasan.

Continue Reading

You'll Also Like

51.7K 1.3K 37
How long could you endure the pain for someone you love? A painful past once led her to question herself. Is she worthy to live? Or to fight for her...
208K 8.8K 23
The background changes. One day I'm at school. The other day I'm at the playground. The trees disappeared, the flower withered and died. I saw him sm...
31.7K 2.2K 33
Mataas ang standard sa lalaki. Check. Gusto ng mala-pocketbook na love life. Check. Medyo may hang-up pa sa past. Check na check. Iyan ang mga dahila...
132K 3.6K 41
RATED R18! NOT SUITABLE FOR MINORS! READ AT YOUR OWN RISK! ****** "Seeing the pain in your eyes caused by them makes me want to kill them...and so I...