(La Mémoire #1) NOSTALGIA

By reeswift

30.8K 1.7K 446

Born to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more comp... More

NOSTALGIA
Simula
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
_____
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
Wakas
Author's Note

XLV

287 18 2
By reeswift

"Ano'ng oras na? Sabi mo alas tres uuwi ka na." Sermon ni Lyon ang bumungad sa akin pag-uwi ko.

Tinawagan ko ito habang naroon ako kina Stav upang pagtakpan ako sa mansyon. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa ngunit pumayag naman ito.

"I'm sorry, okay? I lost track of time," Paliwanag ko habang hinuhubad ang cow girl boots ko sa bulwagan.

"Will you help me?"

Nahihirapan ako dahil lumalaylay ang film camera na nakasukbit sa leeg ko. Napabuntong hininga si Lyon, mukhang pagod na sa mga kapasawayan ko pero sumunod rin.

"Akin na 'yan," Binawi niya ang camera ko. Pagkatapos lumuhod sa harapan ko at siya na mismong nag-unzip ng sapatos ko.

"Pagan'to gan'to pa kasi, akala mo naman nangabayo siya pag-alis dito," Bubulong bulong na reklamo nito.

"Oh my god, Minerva!" Tinapik ko ang likod Lyon, minamadali sa ginagawa niya.

Halos mawalan ako ng balanse nang sa wakas ay matanggal na ni Lyon ang mga sapatos ko. Kasabay ng pagdating ni Minerva ay ang pagtuwid namin ng tayo. Sa likod ni Lyon, ikinubli niya ang sapatos ko na siyang tanda na umalis na naman ako ng mansyon ngayong araw.

Sinuri kami ng mayordoma gamit ang naninigkit na mga mata.

"Ano namang ginagawa ninyong dalawa?" Aburido ang tono nito, para bang wala na kaming ibang alam gawin ni Lyon kung hindi kalokohan.

I couldn't blame her. She has been a firsthand witness of Lyon and mine's chaotic childhood. It's partly true, we often cause trouble when we're together.

"Naglalakad lakad lang po rito--"

"Huwag na kayong lumabas. Gabi na." She commanded sternly, as if Lyon and I were still seven-year-olds.

I forced my kindest smile. The one that screams I am a good obedient girl.

"Lyon, bakit amoy alak ka? Uminom ka ba?"

Siniko ko si Lyon. He groaned softly and regained his wavering balance.

"Ah, hindi po, Nay. Sina Aaron po talaga ang umiinom. Tapos nakiinom lang po ako."

Literal na nalukot ang mukha ko nang lingunin ito. Saan siya natutong magpalusot ng ganiyan?

"I mean, tumikim lang po." Dagdag pa nito na parang bang mababawi niya pa ang walang kwenta niyang palusot.

"Zhalia, ang sapin mo sa paa?" Minerva asked, looking for the usual indoor slippers that I use while roaming around the mansion.

"Naiwan ko pa sa taas."

The headservant eyed us one more in another forbidding stare. I felt like princess Sarah beside Lyon who's Cedi before her strict observations. Nang umalis ito nang walang pasabi, sabay ang pagluwag ng hininga namin ni Lyon.

"Uminom ka?!" Binatukan ko ang kaibigan.

"Ikaw, ano'ng ginawa mo na naman kila Stav?! Nakakahiya ka."

"Excuse me. Sinundo niya ako rito. Hinanap ba ako ni Kuya?"

"Malamang. Bigla ka na lang kayang nawala." He made a face sarcastically. He's handsome but when he does that just to irritate me, I want to wash my eyes.

"Ano'ng sabi mo?"

"Pumunta ka kila Stav."

"What?!"

"Chill, Zhalia. Hindi naman nagalit si Zeke. He's relieved that you made friends here other than me."

Pagbalik namin sa indoor pool, naroon pa rin ang ilang mga kaibigan ni Zeke. Naabutan ko pang nagpapaunahan ito kay Aaron sa pagtungga ng kung ano'ng bote ng alak. Napangiwi ako.

"I won! I won!" Nagtatalon si Aaron nang siyang unang makaubos ngunit natumba rin dahil sa pagkahilo.

"Does this mansion look like a bar to you, Ezekiel?!" Kinaumagahan, ito ang sermon ng Auntie Martina sa kapatid kong halos hindi makaupo ng tuwid dahil sa hang-over.

"Por dios por santo," Auntie called on saints. Parang nasusubok ang pananampalataya niya sa pamomroblema.

"Si Zeke ay gawa ng illuminati," Nangingiti si Lyon nang makitang problemado ang Tita kay Zeke na mukhang sugo nga yata ng kung ano'ng masamang elemento.

"Never seen Auntie Martina this stressed out."

Masyadong maaga pa nang magising ako dahil nga sa ingay ng Auntie. Pumanhik akong muli sa kwarto upang matulog sana ulit, ngunit nakatanggap ako ng text mula kay Stav. Napangiti ako. He's a morning person, huh?

Stav:
Good morning.

Saka ko napansin na marami pa pala siyang mas naunang mga text kagabi.

Stav:
Nakauwi ka ba ng maayos?

Stav:
Thanks again for today, Clem. I had fun.

Stav:
You're not replying. I guess you're busy, huh?

Stav:
Pahinga ka na kung ano mang pinagkakaabalahan niyo diyan. Good night.

I squealed and lifted my phone in the air. Sa isang iglap, nawala na ang lahat ng antok ko.

Zhalia:

Hi! Sorry 'di ako nakapagreply kagabi. My notifications are off because no one texts me except courier drivers.

Zhalia:

Good morning din. Are you going to the plant today?

Sinabi niya kung ano'ng oras siya magttrabaho sa planta. It's mostly an internship job. Pinag-oobserba lang siya sa opisina at inuutusan sa ilang gawain roon. 

"Saan ang punta mo?" Kunot ang noo ni Zeke nang makitang bihis na bihis ako para sa almusal.

It's not anything grand, really. Masyado lang O.A si Zeke. I just wore a long sleeved French-style midi dress and tied my hair in a loose fishtail braid.

"Diyan sa kwadra. Sasamahan kong magpaligo ng kabayo si Lyon."

Sa tabi ni Zeke, halos masamid si Lyon na hindi ko na-orient sa palusot ko.

"Who are you kidding, baby Z? Nakadress para magpaligo ng kabayo. Do you have a crush on one of the horses, perhaps?" Zeke smirked.

Napailing na lang ito ngunit hindi na muling nagtanong. Mukhang naaliw pa nga ito sa pagsisinungaling ko. Para wala ng problema, pinili kong manahimik na lang din.

Pagkatapos ng almusal, tumungo nga si Lyon sa kwadra upang kunin ang kabayo nito. He was in his polo team's black collared shirt and white pants which hugged his toned physique. He was prepping his black horse with its saddle and reins when I went there. 

"Flavio! Saan ka? Sasama ako sa'yo."

"Kina Andrei. Wala kang gagawin roon. Sa rancho lang kami, mangangabayo. I'm about to impress some girls with my riding skills."

Bubwelta sana ako sa kayabangan nito ngunit pinigilan ko.

"Hindi sasama si Zeke?"

"Hindi. Masakit pa ang ulo noon."

"Well, ako na lang ang isama mo."

Lyon narrowed his eyes on me, immediately guessing my agenda.

"You'll watch us play equestrian or you're just using me to get out again?"

Ilang segundo pa lamang akong hindi nakakasagot, napapailing na si Lyon na parang dismayado sa mga desisyon ko sa buhay.

"Dalian mo. Hindi kita hihintayin kapag matagal ka." Tila napipilitan nitong saad.

"Dito na lang? Nasaan si Stav? Saan ba kayo magkikita? Ihahatid kita." Reklamo ni Lyon nang magpahatid lang ako 'di kalayuan sa hacienda nila Stav.

"It's okay, mahuhuli ka sa laro ninyo."

"Hindi ako mahuhuli kung hindi pa tayo nagtatalo ngayon."

"Just go, okay?"

Ilang pamimilit pa bago ito nakumbinsi.

"Lyon! Wear your helmet, ha? Careful playing!" Abiso ko nang pumihit na ang kabayo nito paalis.

Stav didn't know I was coming. Na sa planta pa ito at mukhang maraming gagawin. I don't plan on staying, of course. Sinabi niya kasi sa akin na umaalis pa siya para makapag-tanghalian dahil wala namang makakainan roon. So me being thoughtful, I packed him some lunchboxes. Iiwan ko lang iyon at aalis na rin.

Medyo kabado ako nang makarating sa hacienda nila. There were residential houses inside but more of it were just sugarcane fields. Because it's a bit smaller, it looked more private. Unlike ours which were heavily populated with farmers and their families.

Nagtanong tanong ako at mabilis nahanap ang plantasyon nila. Busy laborers flooded the hot open field. Truck loads of sugar canes and beets were being transported to the factory for processing. 

Mula sa factory, natagpuan ko ang isang hiwalay na warehouse kung saan naglalabas masok ang mga manggagawa sa pagbubuhat ng sako sakong mga tubo. Naramdaman ko ang paggapang ng mga tingin sa akin.

I suddenly felt conscious seeing that there were only men around the site. Matagal na nanood lang ako roon. Masyado kasing abala ang lahat at hindi ko alam kung kanino magtatanong.

Sa gitna ng kumpol ng mga manggagawa na sumasalubong sa mga truck ng tubo, natanaw ko si Stav. Kinakausap siya ng isang nakakatandang lalaki at mukhang itnuturo ang mga proseso sa paghakot ng tubo. While listening, his eyes eventually found mine.

Lumapad ang ngisi ko nang lumipat ang tingin niya sa akin sa gitna ng pakikinig. Nagpaalam muna siya sa lalaking tingin ko'y sekretarya ng Papa niya o tagapamahala ng planta bago sa wakas, nilapitan ako.

"Hi!" I greeted then jumped out my horse.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Zhalia?" His thick brows were meeting in unreasonable impatience.

His demeanor perplexed me. Mas lalo akong hindi nakasagot nang makita ko ang pamumuo ng iritasyon sa kaniyang mga mata. Naglakbay ang tingin niya sa paligid at sa mga trabahante bago bumaling sa akin.

Kinabig niya ako paalis roon. Sa likod ng warehouse, nakaparada ang mga truck at maririnig ang paggiling ng mga tubo sa factory. Mainit roon at maingay ngunit mas naapektuhan ako sa inaakto niya.

"Bakit dinala mo pa ako rito?" Pagtataka ko.

"Hindi ka dapat pumunta rito. At least, not without telling me first." He said darkly.

"Well, I didn't know you don't like to see me. Sorry, sana pala nagpasabi ako."

I was about to retreat if not only he pulled me back. Like a metal on magnet, I sprung back to him.

"Bitawan mo ako. Uuwi na ako. I don't get why you're suddenly mad and moody when yesterday, you just kissed--" Hinarangan niya ng palad ang labi ko.

Umapoy ang galit sa mga mata niya.
He breathed in sharply before batting me his brooding eyes.

"There are all men here, Zhalia. Pinagtitinginan ka pa kanina..." Naglakbay ang paningin niya sa kabuuan ko at kumuyom ang panga.

"They didn't do anything."

"Yes but I don't like that you were waiting there alone. Gaano ka na katagal mag-isa doon? Sana sinabihan mo ako. Ayaw kong naghihintay ka roon." Sunod sunod niyang hinaing.

It made me uncomfortable too now that he mentioned it. But the stupid butterflies in my stomach couldn't think of anything else except his angered self because of his overprotectiveness.

"It's not my fault that they were looking at me. Hindi ka dapat sa akin nagagalit, sa kanila."

"I know. I'm sorry." Bumagsak ang mga balikat niya, nagpapatalo na.

"I just-" He inhaled sharply. "I have never cared so much for someone, I don't know how to act."

My smile blossomed. God, how he makes me happy.

"That's alright. Dinalhan lang kita ng lunch. Sabi mo kasi, malayo pa rito ang kainan hindi ba?"

He inhaled sharply for the hundredth time. Slowly, his stare softened.

"Sabayan mo ako."

"What?"

"Join me for lunch." Hinila niya ako pabalik sa kabayo.

Inalalayan niya ako sa pagsampa pagkatapos ay sumakay sa likuran. Lumapit pa siya at ikinulong ako sa gitna ng mga braso niya, halos yakap na ako habang hawak ang latigo ng kabayo.

Pinalakad niya iyon hanggang sa makarating kami sa pamilyar na kubo. The small and poorly structured nipa hut was too familiar to me. I remembered it from when we were nine.

"Bakit pumunta pa tayo rito? Are we gonna eat here? Why can't we just eat in your office?"

"It won't take long until someone recognizes you there." He laid his hand for me, assisting me from jumping from the horse.

"I don't think so. Tuwing bakasyon lang ako nandito. Hindi naman ganoon karami ang nakakakilala sa akin bilang tagapagmana ng hacienda."

"I just don't want to stir rumors, Clem. Ayaw kong naroon ka at may makaalam tapos makarating pa sa mga pamilya natin. Kapag nangyari iyon, hindi na tayo makakapagkita."

I didn't argue more. Inside the small bamboo house, Tatay Tonyo had grown thinner and older. He was still as warm but his wrinkled eyes were more tired than ever.

May kung ano'ng lamig sa mga mata ng asawa niya, Nanay Nelia, nang makita ako. Habang ang matandang lalaki, sinalubong kami ng matingkad na ngiti.

"Stav! Ito ba yung batang babae na dinala mo rito noon?" Tinapik niya ang braso ni Stav sabay nangingiting bumaling sa akin.

"Opo, Tay. Si Clementine."

"Luisiana. Tama ba, Stav?" Nanay Nelia coldly spat.

Her indifference made me uneasy. Pakiramdam ko hindi ako tanggap sa pamamahay nila.

"Ang laki mo na hija. Pero, tignan mo naman, natangkaran ka pa ni Stav, ano? Dati mas malaki ka rito."

On the contrary, Tatay Tonyo was so happy to see me. He laughed at the differences between me and Stav like he remembered us so much from when we were kids.

"Umupo kayo. Magluluto ako ng tanghalian ninyo."

Tumanggi si Stav sa alok nito ngunit mapilit ang matanda. Naupo kami sa sahig na gawa sa kawayan. Doon, inilapag niya ang plato ng dalawang pirasong tuyo. At isa pa na may tatlong kamote.

"Pasensya na. Walang kanin. Wala kaming bigas." Itinawa niya ang pagpapaumanhin.

"Bakit po wala kayong bigas?" Tanong ko.

Dumaan ang tuwa sa mga mata ni Tatay Tonyo. Tila ba naaaliw sa pagiging inosente o ignorante ko.

"Naku, anak. Walang pambili. Minsan kapag may bunga ang mga puno ng mangga riyan, iyon na ang pagkain araw araw." 

"Tay, ito ho. Dala ni Clem para sa inyo." Inabot ni Stav ang dalawa sa mga ulam na dinala ko.

"Saluhan niyo po kami."

"Hindi na, maiwan ko na kayo--"

"Join us Tatay." I insisted.

Hindi ito nakatanggi sa akin. Kumuha ito ng plato at dinaluhan kami sa papag. Habang ang asawa niya, pumunta sa kung saan. Ang anak niya naman daw, wala na rito at nagttrabaho bilang kasambahay sa susunod na bayan.

"Masarap ito ha. Ikaw ba ang nagluto, anak?" Sa gitna ng pagnguya, bumaling ito sa akin.

"Hindi pa po siya marunong magluto." Si Stav. Siniko ko ito.

"Pinaluto ko lang po iyan sa amin. Pero sa susunod, ako na po ang magluluto ng dadalhin ko rito."

Panay ang usap namin sa gitna ng pagkain. Pinaghimay ako ni Stav ng tuyo at tinikman ko iyon. Napansin ko ring parang hindi naman gaanong ginagalaw ni Tatay ang dala kong steak at alfredo pasta. He lets us eat most of it.

"Mabuti at nakabisita ka ulit. Akala ko hindi na kayo magkaibigan ni Stav kaya hindi ka na napadpad ulit dito."

"Ayaw niya raw po kasi akong maging kaibigan." Parinig ko, may halong tampo.

"Bakit? Hindi ba kayo magkaibigan? Mag-ano kayo kung ganoon?"

Walang nakasagot sa amin. Bumagal ang pagnguya ko sa pagkain. Lumawak ang ngisi ni Tatay Tonyo.

"Naku! Ang babata niyo pa, kung ano man ang nararamdaman ninyo ngayon, lilimutin niyo lang iyan paglipas ng ilang taon."

I suddenly felt bitter. I know that but Tatay Tonyo didn't have to truth slap us.

"Pero ang mahalaga ay ang ngayon, hindi ba?" Tatay Tonyo watched us amusedly in his crooked smiles and tired but beaming eyes.

"Noon pa man, nakikinita ko nang magkakainlaban kayo. Lalo na itong si Stav, makikita mo naman sa mga mata ang ikinukubli ng mga salita. Crush ka niyan noon pa." Patuloy ang panunukso nito.

Tuluyan akong nasamid. Inabutan ako ng tubig ni Stav. Umiinit ang pisngi ko sa mga pasaring ni Tatay Tonyo.

"Crush mo pala ako e." Parinig ko sa katabi kong si Stav.

"Crush naman talaga kita."

"But you said I wasn't "that pretty"?" I qouted his words on air.

"Yes, but I didn't say I didn't find you pretty."

Hindi na ako nakasagot dahil umaalpas ang ngisi ko't umiinit ang pisngi. Nanahimik na lang ako sa pagkain.

"Payag ho ba kayo kay Clem, Tay? Para sa akin?"

Muli akong naubo at mas lalo pa akong nasamid sa biglang tanong ni Stav. What is this sorcery? Did he bring me here to ask Tatay Tonyo's blessings? Who is him anyway?

Kinalma ko ang sarili sa pag-inom ng tubig. Ang dalawa, seryosong nag-usap sa harap ko.

"Oo naman! Ang mahalaga, mapapayag ninyo ang mga magulang ninyo."

Kapwa kami natahimik. Pagsulyap ko kay Stav, bumagsak ang mga mata nito't biglang lumalim ang iniisip. Alam namin parehong hindi iyon mangyayari.

Pero hindi ko pa naman iyon iniisip. Hindi naman dumarating sa akin na magiging problema ang kung ano'ng mayroon kami ngayon.

Pagkatapos kumain, dinaluhan namin si Tatay sa labas ng kubo. May lamesa roon kung saan nagbabalat ng kamote ang matanda.

Saka ko lamang napansin ang ilang pagbabago sa paligid. Ang mga kalapit na bahay ay nagiba at abandonado na. Bigla ring nagkaroon ng pader na mukhang pinaghihiwalay ang mga kabahayan sa kalakhan ng mga lupain.

I didn't want to pry but I wanted to help in their poor living conditions. Panay ang ubo ni Tatay Tonyo at sa liit ng pangangatawan nito, naiisip kong baka may problema ito sa baga o kung ano pang karamdaman.

"Hindi ko na iniisip 'yang pagpapakonsulta, anak. Mahal magpatingin." Tumawa ito nang tinanong ko kung bakit hindi niya ipinapatingin ang ubo niya.

"Bakit ho? Wala ho ba kayong pinakukunan rito? Hindi na ho ba kayo nagsasaka?"

I got scared that I may have sounded insensitive but the latter didn't seem to mind.

"Wala na kaming lupang sinasaka. Hayan at na sa loob ng bakod ang mga palay namin. Hindi kami pinapayagang pumasok riyan. Natuyo na ang mga palay. Sa tubuhan naman.." Napailing ito.

"Naku. Walang kinikita roon. Kakaramput lang ang sweldo."

It was so weird and horrific. My brows met deeply. Hindi ko maintindihan kung bakit mayroon biglang harang at ninakawan sila ng lupang sinasaka nila. Kung hindi sila makakapasok roon, ano pang trabaho nila?

I had a thousand questions but none slipped out my mouth. I was too confused, I was tongue-tied.

"Ano'ng kukunin mong kurso sa kolehiyo?" Sa gitna ng usapan, napunta sa akin ang atensyon ni Tatay.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang sagot roon. I love modelling and painting. But I feel like both are just hobbies.

"Uh, baka ho Fine Arts major in painting." Sagot ko dahil interesado naman ako sa pagpipinta. Balak kong mag-aral noon sa France.

"Pangarap mong maging pintor, ganoon?"

"Siguro po. Hindi pa po ako sigurado. Depende ho siguro kung ano'ng gusto nila Mama."

"Eh ikaw, ano bang gusto mo?"

"Ang magpinta ho.."

"Gawin mo ang gusto mo. Kayang kaya mo 'yan." He had so much belief in me, my heart clenched in appreciation.

"Kayo po Tatay, ano pong pangarap ninyo?"

Tatay could not bring himself to answer. A distant sadness crossed his weary eyes instead. Sa tabi nito, mataman akong pinanonood ni Stav.

"Matanda na ako, hija. Pangarap ko na lang na matupad ang pangarap ninyo." He gave me and Stav a pat in the back.

I am not convinced with that. I think people never cease to dream. Deep in our hearts, no matter how old we are, we would always yearn for something. It's just that sometimes, we forbid ourselves to desire because we think it's unachievable. Reality kills our ability to dream.

"This is really good, Tatay. Paborito ko na nga po ito kaso mula noong huling bisita ko rito, hindi na po ako ulit nakakain nito." I said while munching on the sweet potatoes.

"Talaga? Bakit naman hindi na?"

Nag-alangan pa akong sabihin na hindi naman kasi naghahanda ng ganoon sa mansyon ngunit naintindihan rin ni Tatay.

"Ah, hindi naghahanda ng ganito sa inyo, ano?"

The old man laughed. We spent the afternoon with a few more conversations until Stav had to go back to the plant. Bago kami tumulak, nabigla pa ako nang abutan ako ni Tatay ng isang supot ng mga kamote.

"Oh, Zhalia. Ipinagbalot kita dahil paborito mo ito."

Kumirot ang puso ko. Wala na nga silang makain rito bukod sa mga kamote, ibabahagi niya pa sa akin ang mga ito dahil lang paborito ko ito.

"'Wag na po Tatay. Sa inyo na po ito, baka ho wala na kayong pangmeryenda--"

"'Wag mo akong isipin, mag-iingat kayo. Stav, tumuloy na kayo."

"Sige po, bibisita na lang po kami ulit." Paalam ni Stav.

Inalalayan ako nito sa muling pagsampa sa kabayo. Pinalakad niya iyon ng mas mabagal na, ang mga braso niya, pirming nakabalot sa akin sa gitna ng paghawak sa latigo.

"Stav, who's Tatay Tonyo? How are you related to him? Dati, akala ko kamag-anak mo sila."

"I told you before, right? Kamag-anak sila ng nanay ko."

"Yes, I know. Are you blood related? Bakit magkalayo ang estado ng buhay ninyo?"

"No, pamilya sila noong katulong namin na nagpalaki sa akin. Si Nanay Mirna, parang nanay ko na rin. Siya iyong nakausap mo sa telepono noong tinawagan mo ako dati."

Oh. I remember that. When I ran away when we were nine, a kind lady answered the phone for me.

"Oh, and you're really close to her and her family? That's why you still visit Tatay Tonyo?" Nilingon ko ito.

"Yes." He answered and gazed down at me.

Muli kong itinuon ang tingin sa harap. I couldn't stand being inches away from his lips. The sun was still bright when we navigated the wide sugarcane fields. Nagtagpo ang mga kilay ko nang mapansing pamilyar ang dinaraanan namin.

"Hey, bakit pabalik na ito sa amin? Hindi ba babalik ka pa sa planta?"

"Oo. Pagkatapos kitang ihatid."

"You don't have to. Kaya kong umuwi mag-isa."

Nagtalo pa kami pero syempre, hindi ito pumayag. Sa gitna ng pananahimik ko, may dumaan sa isipan ko. If Tatay Tonyo and his family lives near our hacienda, ibig sabihin noon kami ang nagmamay-ari ng lupang sinasaka nila. Ang pamilya ko ang nagpasara noon at ang nagpaalis sa mga magsasaka. Because of us, they lost their jobs.

"Are you okay?" Si Stav nang mapansin ang pananahimik ko.

I nodded although I could no longer wipe away my unease.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1.5M 34.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
234K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...