10 Ways How to Make Him Stay

By enieral_27

3.8K 352 62

Hanggang saan ang kaya mong gawin para manatili ang taong mahal mo? Ilang beses kang magtitiis at magsasakrip... More

PROLOGUE
Chapter 1:The List
Chapter 2: First Day
Chapter 3: The Party
Chapter 4: Bad Day
Chapter 5: Incest
Chapter 6: Monthsary
Chapter 7:The Secret
Chapter 8:The hidden truth
Chapter 9: Spill it
Chapter 10:Broken
Chapter 11: Help
Chapter 12:Tasha's Birthday
Chapter 13: Sorry
Chapter 14: Outing
Chapter 15: Sad Trip
Chapter 16: Ignore him
Chapter 17: He's leaving?
Chapter 18: Promises
Chapter 19: Suitor
Chapter 20: Almost
Chapter 21: Message
Chapter 22: Escape
Chapter 23:A week with you
Chapter 24: Graduation
Chapter 25: Fall inlove or fail inlove?
Chapter 26: Earl's loyalty
Chapter 27: Those Nights
Chapter 28: I thought
Chapter 29: Guilt
Chapter 30: He has a secret
Chapter 31: She is...
Chapter 32: Anniversary
Chapter 33: Their Problem
Chapter 34: Avoiding the Problem
Chapter 35: I Know
Chapter 36:The Message
Chapter 37: I'm back
Chapter 38: The struggles
Chapter 39: She Found out
Chapter 40:They Found Out
Chapter 41:Should I give up?
Chapter 42: Baby Yana
Chapter 43: Christmas Part 1
Chapter 44: Christmas Part 2
Chapter 45: A memorable night
Chapter 46: Fights
Chapter 47: It Hurts
Chapter 48: Changes
Chapter 49: Regrets
Chapter 50: Lies?
Chapter 51: Engaged
Chapter 52: Engaged life
Chapter 54: Memories
Chapter 55: Hatred
Chapter 56: Other's relationship
Chapter 57: Blame Me
Chapter 58: I'll keep it
Epilogue
Author's Note

Chapter 53: Wedding Day

46 3 2
By enieral_27

Chapter 53: Wedding Day

Tashana's POV

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Makkie. April, summer para lahat ng iimbitahin ay makakapunta. Naka-make up na ako at nakaayos na rin ang buhok. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kasama ko ngayon si ate. Pumasok si mama kasama sina Viena at Winzie. Si mama ay naka-white na gown na v-neck at tea-length. Sina Viena at Winzie ay naka-blue ng gown, jewel ang neckline at sheath ang style. Mayroon ding maliliit na flowers sa waistline.

"Ang ganda-ganda naman ng anak ko." Sabi ni mama at hinawakan ako sa pisngi. "Sa susunod kami naman ni Grey." Sabi ni Viena.

"Kami matagal pa, nagpapayaman pa kami, char." Sabi ni Winzie. "Hays, kinakabahan ako." Sabi ko sa kanila habang nagpupunas ng kamay sa tissue.

"Happy kami for you. Naayos yung problema nyong dalawa." Sabi nila at niyakap ako.

"Sis, eto na yung damit mo." Sabi ni ate kaya pumunta ako sa gilid para magpalit. Dahan-dahan ang pagsuot ko sa gown at tumulong din silang tatlo sa pagbibihis. Ang style ng damit ko ay ballgown at ang haba ay cathedral train. Off-shoulder ang pinili ko dahil gustong-gusto ko talaga ng ganung style.

"Eto na yung belo." Habang nag-aayos kami ay pini-picture-an kami ni ate. "Ang ganda-ganda." Sabi ni mama at nakikita ko ang palabas na luha mula sa mga mata nya.

"Mama, ako pa rin naman yung baby mo kahit anong mangyari." Sabi ko at nag-pout. "Oo na. Syempre marami nang magbabago mula ngayon." Isang ngiti ang isinagot ko sa kanya.

"Tawagin mo si papa nyo." Sabi ni mama kay ate. "Ako photographer nyo." Sabi ni Winzie. "Ako! Mas magaling ako." Sabi naman ni Viena.

"Ise-selfie mode nalang namin." Sabi ko. "Sabi nga namin si Winzie na. Iaayos ko nalang yung gown mo." Sabi ni Viena.

Maya-maya ay pumasok na si papa at umayos na kami. Nandito kami sa kwarto nila dahil mas malaki ang space dito. Mayroon ding malaking frame na nakalagay ang family picture namin.

Inayos lang namin ang gown ko at naka-ilang take na kami ng pictures. "Nasaan ba kasi yung photographer nyo?" Tanong ni Winzie. "Late." Tipid na sagot ni ate.

"Wag na syang pupunta. Kami nalang magpipicture." Sabi naman ni Viena "Manahimik ka. Pag-aayos lang ng gown ambag mo." Pigil ang pagtawa ko habang si mama ay nakangiti lang habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Atleast cute." Sagot ni Viena. Nagpipigil ng tawa si Winzie dahil kinukuhanan nya kami ng picture.

Matapos ang pictorial namin ay lumabas na si papa at si ate. Nagpaalam na rin sila Winzie at Viena dahil pupunta na sila sa simbahan.

"I wish you won't experience again what Makkie did to you a week ago." Tipid akong ngumiti kay mama at isang ngiti rin ang isinagot nya.

"Una na ako. Nandyan na yung driver. Kailangan ko nang sumunod." Sabi nya at hinalikan ako sa noo bago sya umalis. I can say that I have the best family and friends. They may not like all of my decisions but they are here to support me in making the things right..

Nasa simbahan na ako at nakasakay pa rin sa kotse. Nakapila na sila at mag-uumpisa na ang kasal. Mas lalo akong kinakabahan at malamig na pawis ang tumutulo sa noo ko.

"Ma'am, eto po yung tissue." Sabi ng driver at inabutan ako ng tissue. "Salamat po." Sagot ko.

"Lalakasan ko nalang po yung air-con. Ganyan po talaga ma'am. Nakakakaba na nakaka-excite." Tipid lang akong ngumiti dahil gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Parang kaba at panginginig ng boses ang kalalabasan kapag nagsaita pa ako.

Nakita kong naglalakad na sila at medyo naririnig ko ang wedding song. Ako ang pumili ng kanta at hindi naman na nagreklamo si Makkie. Eversince nagdalaga ako sinasabi ko sa sarili ko na kailangan ito yung wedding song.

Naglalakad na sila at mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Parang sumasakit din ang tyan ko sa sobrang kaba at hindi na rin ako mapakali. Napansin yun ng driver at inabutan nya ulit ako ng tissue.

"Ma'am, baba na raw po kayo." Sabi ng driver at tinulungan nya ako sa pagbaba. Nakasarado ang pinto ng simbahan at patuloy lang ako sa paglakad papunta sa pinto. Tinulungan naman ako ng driver at inayos ang gown ko. Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto.

Instrumentals ng romantic song ang naririnig ko. Sobrang kalmado ng kanta habang naglalakad ako. Ang sarap sa tenga pero may pressure na bumabalot sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang naglalakad at para bang malamig ang hangin kahit na sobrang init ng araw.

Nakangiti ang mga tao habang kinukuhanan ako ng mga picture. Lahat ng inimbitahan ay nandito at mayroon pa silang kasama. Hindi ko mapigilang mapaluha sa sobrang saya. Finally, eto na ako. Ako na mismo yung ikinakasal na parang dati lang hinihiling ko na sana ganito kaganda. Pero higit pa sa inaasahan ko yung resulta.

Napatingin ako kina mama at papa na malapit sa altar. Si Makkie ay nakangiti habang nagpupunas ng luha. Ramdam kong sobrang saya rin nya. Isang bagay ang napansin ko habang papalapit ako sa altar.

There are two men crying, the one is crying because of joy while the one is because of sadness. Mas lalo akong napressure dahil sa nakikita ko.

I'm marrying the man I really love right now but the saddest part is...

The man I love more is standing next to him. He's playing the role as the best man.

Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglakad. Nang makarating ako sa kanila ay nagmano muna ako kina mama at papa pati na rin sa in-laws ko.

Si Makkie ay mas lalong naluha habang nakatitig sa akin. Si Dave ay nakatingin lang sa akin. Pigil na pigil ang luha nya habang nakangiti nang pilit.

Nag-umpisa na ang ceremony at nakikinig lang ako sa bawat sinasabi. Alam kong nakakakaba ang pagsasabi ng wedding vow pero mas nakakakaba pala kapag actual na.

"Makkie, I know 2 years may seem quite short for them. They didn't see the struggles that we faced. They didn't see how we started, the didn't see the moments that we shared. Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakilala kita. Nandun ka noong hindi ko alam paano ako magsisimula ulit. Nandoon ka noong binabalot ako ng lungkot. Ikaw ang nagpasaya sa akin." Nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha ko at pinipilit kong panatilihin ang pagtitig sa kanya kahit na mahirap dahil sa mga matang nagluluha.

"I may faced a lot of problems but you became the reason why I'm smiling today." Naririnig ko ang ingay ng mga tao habang si Makkie ay nakangiti lang sa akin.

"I still remember the moment you asked me if you can court me again. Kasi before that, sobrang lungkot ko. Nakita mo kung paano ako umiyak, paano ako magbuhos ng sama ng loob. The moment I said yes, you gave everything to me. Sobra-sobrang pagmamahal at effort ang ibinibigay mo. You were the man who promised me that will never leave." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

"And you were here today, standing in front of me. Taking my hand, putting a ring on it. And now, I say..." Mas mabilis pa sa karera ang pagtibok ng puso ko. Mas lalo akong kinakabahan. "I love you, Makkie Zamora."
Palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Nanginginig ang kamay ko habang isinusuot ang singsing kay Makkie. Unti-unting nawawala ang kaba ko matapos ang part ko pero napalitan ng panibagong pressure nang tumitig sa akin si Makkie.

"Tashana Rousseff... You're beautiful as always." As he say those words, I can feel the love, the sincere one. "Pangarap ko mula noon na sana yung babaeng pakakasalan ko ay sobrang mapagmahal katulad ng mommy. I'm so lucky to find someone like you. When we were in highschool, nagdadalawang isip ako noon kung liligawan ba kita o hindi. Sobrang dami mong manliligaw noon na sa bawat sampung lalaki, isa lang ang tinatanggap mo." Nagtawanan ang mga tao at ako rin ang tipid na tumawa dahil naalala ko kung paano ako tumanggap ng mga regalo noon mula sa kanila.

"Hindi man naging tayo noon, masaya ako dahil nabigyan tayo ng panibagong pagkakataon. Naaalala ko pa noong nandoon ka sa building namin dahil hinihintay mo si Viena. You were crying that time and I asked you why. You told everything to me and I felt really bad about it. Mula noon, nagsimula ulit ang pagkakaibigan natin. Honestly, hindi nawala yung feelings ko sa'yo. That's the reason why I took the chance to court you again." Patuloy lang ako sa pagbibigay ng matamis na ngiti sa kanya. Alam kong sobrang saya ni Makkie habang inaalala lahat ng mga bagay na 'yon.

"Sinabi ko sa sarili ko na dapat ingatan kita. Minsan ka nang winasak at ayokong mawasak ka ulit. Madalas man tayong nag-aaway pero hindi rin naman kita matitiis. Ipagtitimpla kita ng kape kapag kailangan mong mag-over time sa trabaho." Hinawakan nya ang kamay ko habang nakatitig sa akin.

"Ipapagawa natin ang bahay na nai-design mo. Hindi lang bahay ang bubuuin, kundi ang mga pangarap natin. Mga anak natin, at magkasama tayong tatanda." Nanginginig din ang kamay nya habang isinusuot ang singsing sa akin. Bumibigat ang paghinga ko dahil mas lalonh bumibilis ang tibok ng puso ko.

"You may now kiss the bride." Sa pagtaas palang ng belo ay mas lalo akong kinabahan. Minsan ko nang natikman ang halik ni Makkir pero nakakakaba kapag may ibang nakakakita.

Sa paglapat ng mga labi namin, unti-unting bumabalik sa dati ang pagtibok ng puso ko. Para bang nako-comfort ako ng mga halik nya.

Nasa reception na kami at malapit nang kumain ang mga bisita. By table ang ginawa naming pagpi-picture at sila ang lumalapit sa pwesto namin. Hindi naman masyadong marami ang ibang bisita dahil mga invited lang naman ang dumating.

"Table 1 po." Sabi ng host at tumayo ang mga kaibigan ko, kasama roon si Dave. Nasa tabi ko si Winzie at katabi naman ni Makkie si Dave.

Matapos ang pictorial na kasama sila ay kumakaway pa sina Winzie at Nana sa akin. Sina Earl at Grey ay sinundan din ako ng tingin. Pero si Dave ay tuloy-tuloy lang ang lakad papunta sa buffet na parang walang nangyari.

Last table na ang magpapapicture sa amin. Nagulat ako sa lumalapit at nang nasa harapan ko na sila ay nagmano naman agad ako. Matapos ang pictorial na kasama sila ay binulungan nya ako.

"Nanghihinayang ako sa inyo ni Dave, pero sana maging mabuting asawa ka ni Makkie." Isang ngiti ang iniwan nya habang ako ay nakatulala lang sa kanya.

"Hon, may problema ba?" Tanong ni Makkie. "Wala naman." Sagot ko.

Dave's POV

Nakaupo na ako habang kumakain. Nagku-kwentuhan silang apat habang ako ay tahimik lang.

"Magse-set ba tayo ng gala?" Tanong ni Winzie. "Next month pwede ako." Sabi ni Grey. "Ako wala pa namang kontrata so, anytime." Sabi naman ni Earl.

"Ayusin ko muna schedule ko." Sabi ni Viena habang tinitignan ang calendar sa cellphone nya. "Ikaw, Dave?" Tanong ni Winzie.

"Ha? Hindi ko sure. Sasabihin ko nalang kapag sasama ako." Sagot ko.

Katatapos ko lang kumain at tumayo na sila Tasha para masabitan ng pera. Parang nabingi ako at tanging tugtog lang ang naririnig ko. Ang theme song namin ang tumutugtog.

Napatingin sya sa akin pero nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako nakakaramdam ng kahit ano ngayon. Para akong namamanhid.

"₱1000, oh, lapag nyo yung inyo. Ako na magsasabit." Sabi ni Viena. Naglapag ako ng ₱1000 at muling ibinalik ang tingin sa malayo.

Tumayo naman sina Winzie at Viena at kaming tatlong lalaki lang ang naiwan.

"Kung noon sanang hindi pa kasal nabawi mo agad." Sabi ni Grey. Siniko naman sya ni Earl at napakunot ang noo ni Grey habang nakatingin sa kanya. "Totoo naman. Hindi nga sana ako a-attend dahil gusto kong um-attend sa kasal nina Tasha at Dave, hindi Tasha at Makkie. Nahiya lang ako kay Tasha syempre kaibigan din naman natin." Sabi nya.

"Sabagay, may point ka. Pag talaga hindi si Viena pinakasalan mo, susuntukin kita." Sabi ni Earl. "Oh sige, kapag nagbreak kayo ni Winzie bubugbugin kita." Sagot naman ni Grey.

"Wag nyo nalang pag-usapan yung mga ganyan. Sapat nang kami yung hindi nagkatuluyan kaysa pati kayo umabot sa ganun. Nakakainggit lang kasi hindi man lang nasira yung relasyon nyo kahit ang tagal na." Sabi ko sa kanila.

Pagbalik nina Winzie at Viena ay nagpaalam na akong umuwi. Nawawalan ako ng gana at parang gusto ko nalang matulog.

Pagkauwi ko ay walang tao sa bahay. Hindi naman alam nila mama na umuwi ako kaya naiwan sila sa reception.

Nakaupo ako ngayon sa kama ko at nakatingin sa pader. Blue ang motif, summer ang kasal, ang reception ay doon sa pinagganapan ng debut nya. Ito yung...plano naming dalawa. Pero sa iba nya tinupad.

Napahiga ako habang nakatingin sa kisame. Sumisikip ang dibdib ko at bumabalik lahat lahat. Ilang beses ko na rin tinanong ang sarili ko kung bakit nagkaganoon. Sobrang nakampante ba ako? Sana pala binawi ko na sya noong nagkita kami. Sana itinakbo ko na sya. Paulit-ulit nalang na puro sana pero wala na akong magagawa.

Tasha, inalis mo na yung takot sa akin eh... Bakit ibinalik mo? Bakit doble? Noong ikaw yung nagkaroon ng takot, si Makkie yung nag-ayos sayo. Hindi ko alam na...

...ako pala yung talo sa dulo.

Bakit kailangan kong maranasan lahat ng ito? Makasalanan na ba ako? Sobrang makasalanan ko ba?

Ang dami nang pwedeng magbago. Hanggang kailan ko sya pwedeng makita o mahawakan? Mangyayari pa yun? Baka hindi na kasi may asawa na sya.

Habang paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko ay para bang may litrato na ipinapakita ang isip ko. Nagdesisyon akong ipikit ang aking mga mata.

Isang imahe ng babaeng sumasayaw. Nasisinagan ng iba't ibang kulay na ilaw. Matamis na ngiti ang nakikita sa kanya habang may hawak na baso na may lamang alak. Kasunod na na lumipat ang litrato at nakita ko ang imahe ng babae na nakaupo habang may hawak na kape. Papalapit ako sa kanya at isang matamis na ngiti nanaman ang nasilayan ko.

Lumipat nanaman at nakita ko sya sa tabi ko, magkahawak kami ng kamay. Pero biglang dumilim ang aking paningin.

Agad akong dumilat at mabilis na pagtibok ng puso ang naramdamn ko.

"Anak." Pumasok si mama sa kwarto kaya bumangon ako at agad nya akong niyakap. "Bakit ka umiiyak?" Tanong nya kaya nagtaka ako. Umiiyak ako?

Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang puro luhang umaagos sa mukha ko. "B-bakit ako umiiyak?" Nakatingin lang si mama sa akin habang kinakausap ko ang aking sarili.

"Sorry ma, hindi ko napakasalan si Tasha." Sabi ko sa kanya. Masakit man pero hinihiling ko na sana panaginip nalang lahat ng 'to. Sana gigising ako at si Tasha ang katabi ko.

"Ahhh... Anak, punasan mo na yung luha mo. Magbihis ka na rin at pumunta ka agad sa sala. May bisita ka." Sinunod ko ang utos ni mama at maya-maya ay lumabas na ako.

Nakatalikod ang bisita namin at pagharap ko sa kanya ay para akong nautal.

"B-bakit ka nandito?"

•••••

Sorry sa sobrang tagal na paghihintay. Sobrang busy ko these past few days at ngayon lang naging free. Diba sabi ko gagandahan ko yung update? Hindi ko alam kung maganda pero lahat ng emosyon ibinuhos ko. Umiiyak ako habang nagta-type.

Comment kayo kung anong reaction nyo rito. Sinong nasasaktan para kay Dave? Sinong naiinis kay Makkie?

Vomment
Support
Follow

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 126K 18
haveyouseenthisgirlstories.com (SEQUEL INSIDE) Story: Moving on can't be done alone and Sena just found help from a mysterious sender. But who is it...
103K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.5K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 25.6K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...