Ang Misis Kong Astig!

By Sweetmagnolia

15.5M 320K 46.1K

The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additio... More

Ang Misis Kong Astig!
Prologue
[1] Stage Mother
[2] Concealed Image
[3] Power House
[4] A Wife's View
[5] The First Lady
[6]The Insecure Husband
[7] Picnic Panic
[8] Talk Dirty
[9] Smile Over Bitterness
[10] Roses and Lipstick
[11] The Credit Card
[12] An Ex-Agent's Game Plan
[13] Hotel Invasion
[14] His Companion
[15] Silence Means Wrong
[16] The Rebirth of A Gangster
[17] Fear Awaits You
[18] The Need To Be Mean
[19] Messing With The Wrong Husband
[20] Face Your Enemy
[21] Stand By You
[22] Fate Intervention
[23] The Other Men
[24] Negotation
[25] Bring Back The Harmony
[26] Someone Like Her
[27] Forsaken Danger
[28] My Supermom & My Hero
[29] The Huge Exposure
[31] Husband's Takeover
[32] Bloody Guilt
[33] The Abducted
[34] On One's Knees
[35] It's Just Her Personality
[36] Operation Plan B
[37] Of Love And Other Reasons (1)
[37] Of Love And Other Reasons (2)
[38] Happiness Is A Choice
[39] The Greatest Gift of All (Final)
EPILOGUE

[30] Desperate 'House' Wife

351K 7.3K 877
By Sweetmagnolia

               

                                                          *****

Natanaw ni Alex ang papalapit at nakahanda ng pumasok na mister. Nagmamadaling inayos niya ang hapag kainan. Maski na almusal pa lamang, talagang pinaganda niya na ang presentasyon ng mga ulam. Naroong nilagyan niya pa ito ng mga maiistilong garnishes. Sinalinan niya ng brewed coffee ang tasa ng asawa. Ginamit niya ang kapeng kayang punuin ang kanilang buong dining hall ng mabangong aroma. Baka sakaling gumanda ang mood ng lalaki.

"Mom you're wasting your efforts. This time, I think Daddy is really firm about his decision to imprison you in this house," napapailing na komento ni Cassandra habang nakaupo't naghihintay sa mesa. Kinausap din siya ng ina na suportahang kumbinsihin ang matigas na ama.

Pasimpleng pinandilatan ni Alex ang anak. "Shhh... be quiet your Dad could hear you." Mabilis siyang ngumiti nang makalapit sa mesa ang mister. "Hi Hon!" masayang bati niya sabay iminuwestra ang upuan nito.

Binigyan lamang siya ng simpleng tango ng lalaki at pagkuway tumikhim ito saka naupo. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit anong klase ng paglalambing, panunuyo at pagbabait-baitan ang ipakita niya dito'y hindi pa rin ito tinatablan. Desididong desidido ito sa pagbibigay sa kanya ng parusa. Gayunpaman, hindi siya susuko sa pag-amo dito. Mababaliw siya kapag hindi siya nakalabas kahit sa loob lamang ng isang linggo, isama pa rito ang pagkakaroon niya ng nakakaalibadbad na mga guwardiya.

"Hon anong gusto mong ulam?"masayang tanong niya.

"Anything," tipid na sagot ng mister na halatang umiiwas ng tingin. "Lita!" tawag nito sa isang katulong.

"Yes Sir!"

"Where's Grandpa's newspaper?"

"Ay oo nga po pala! Kukunin ko lang po sa guard house," tarantang sagot ng katulong.

Masiglang nilagyan ni Alex ng pagkain ang plato ng asawa.

"Mom ako rin po," may tampong wika ng anak.

"Okay. Pagkatapos ni Daddy," malambing na sagot ni Alex.

Ngumuso ang bata sabay lingon sa ama. "Daddy hanggang kelan po ba makukulong si Mommy dito sa bahay? Tsaka are those cool guys watching outside gonna stay here for long?"

Ngumiti si Blake sa bata. "Sweetie that's something that only concerns adults so stay out of it, okay?"

"Okay po," kibit balikat na sagot ni Cassandra. "Did your hear that Mommy?" Ngunit ilang saglit lamang ay muling nagbago ang reaksiyon nito. Di kumbinsidong tumingin ulit ito sa tatay. "But Dad... don't you think it's unfair to punish Mom just because she did brave things?"

"I said stay out of it Cassandra," madiing sagot ng ama.

"O-Okay." Tiningnan ng batang babae ang ina at kunway patay malisyang inilapit dito ang kanyang pinggan. "Mom my plate too."

Nilagyan ni Alex ng pagkain ang pinggan ni Cassandra habang panaka-nakang ninanakawan ng sulyap ang asawa. Naisip niyang tutal naumpisahan na ng anak, gusto niyang subukang kumbinsihin ito na pagaanin ng kaunti ang kanyang parusa.

"What?" matigas na tanong ni Blake nang mapansin ang napapamaang ngunit nagpapaawang hitsura ng misis habang nakatitig sa kanya. "May sasabihin ka ba?"

Napagitla si Alex at agad na kumurap. Biglang umurong ang buntot niya nang makita ang seryosong reaksiyon ng mister. "W-W-Wala...G-Gusto mo pa ng ulam?"

"How about you? Aren't you going to eat?" sabay tingin nito sa kanyang platong walang kalaman-laman.

"Kakain!" bigla siglang sagot niya. "Eto na oh magsasandok na."

Pagkasubo ni Alex ay muli siyang nag-ipon ng lakas ng loob. Naisip niyang idaan na lamang sa ibang paraan ang pakikipag-usap. Uminom siya ng tubig. Tumikhim muna at saka ngumiti sa asawa. "Hon, paano pala sina Mama... tiyak na nag-aalala yun lalo pa siguro kung napanood nila yung balita."

"They will visit today" kaswal na sagot ni Blake sabay inom ng kape. "I told Mom that you can't leave the house for the meantime... and guess what? She totally agreed on  it." 

"Eh...p-paano naman si Margareth?" hirit ng misis.

Bumuntong hininga si Blake at tiim bagang tumingin sa asawa. "She has same opinion with your mother."

Napatikom ng bibig si Alex at tumitig ulit sa mister ng may nagpapaawang mga mata.

"Is there anything else you want to say?" matigas na tanong ng lalaki.

"W-Wala na," tugon ni Alex nang my sunod-sunod na iling saka lamang nagseryoso sa pag-aalmusal.

"How about me Dad? Bakit hindi po ako papasok ng school today? Am I under punishment too? Just say so I will accept it with open arms. You can even extend it as long as you want," nakangiting pahayag ni Cassandra.

Napangiti si Blake. "No sweetie. I just want you to take a rest after what you've gone through yesterday. Besides, dadalaw today ang Lola Sylvia, Lolo and Tito Dennis ganun din sina Tita Margareth and the kids."

Ang totoo ay pupunta muna si Blake sa paaralan ng anak upang kausapin ang administration tungkol sa pagpapaigting ng seguridad ng buong eskwelahan. Ipapaliwanag niya rin ang plano niyang pag-assign ng mga bodyguards kay Cassandra na kahit sa loob ng eskwelahan ay kailangan ang mga itong nakabantay. Kapag nagkasundo sila ng administrasyon saka niya lamang pababalikin ang anak at kung hindi naman ay ililipat niya ito sa ibang eskwelahan.

"Sir eto na po yung newspaper," singit ng inutusang katulong.

"Wait here," utos niya sa kasambahay.

Kinuha niya ang pahayagan at masusing nirebesa ang bawat pahina. Tiniyak na walang anumang nasusulat tungkol sa kanyang asawa at sa insidente. Nagawa niya nang harangin sa malalaking pahayagan ang paglabas ng mga artikulo tungkol sa nangyari o kahit anumang sulatin na may kinalaman sa kanyang asawa.

Laking pasasalamat niya at hindi napanood ng matandang Monteverde ang balita. Kung nagkataon ay baka inatake ito sa puso ng wala sa oras. Mabuti na lamang ay foreign news o documentary channels ang hilig nitong panoorin. Kaya hangga't hindi pa nakakasiguradong hupa na ang balita, kailangang salain muna ang newspaper na binabasa nito araw-araw. Inihabilin niya rin sa lahat na ilihim sa matanda ang buong pangyayari alang-alang sa kalusugan nito.

Nang makasiguradong walang nakasulat tungkol sa nangyari sa mag-ina, saka niya iniabot ang pahayagan sa naghihintay na katulong upang dalhin na ito sa kuwarto ni Don Henry. Sumubo siya ng isa sabay tingin sa relos.

"Kailangan ko nang umalis. Dadaan pa ako sa school ni Cassandra," mahinang wika niya sa asawa sabay tayo.

Agad na tumayo si Alex para ihatid hanggang labasan ang mister. Sumunod din sa kanila si Cassandra. Naglakad sila hanggang driveway at pagkaapak pa lamang sa bakuran ni Alex ay may pumuwesto na agad na dalawang bodyguards sa kanyang likuran. Bumuntot ito habang binabaybay nila ang driveway patungo sa sasakyang naghihintay malapit sa gate.

Bago sumakay ay binigyan ni Blake ng tig-isang halik ang kanyang mag-ina. Pumasok siya sa kotse nang wala man lamang binitawang ngiti para sa misis. Sa halip ay binigyan niya ito ng isang seryoso't nagpapaalalang tingin. Gumanti ito ng isang malambing na ngiti at masiglang kaway.

Pagkaalis ng ama ay ibinaling ni Cassandra ang atensiyon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa likuran nila. Tumaas ang kilay niya habang seryosong tinititigan ang mga naka polo barong na lalaking may malalaking katawan. Seryoso ang mga mukha. Nakatiim bagang habang diretso lamang ang mga tingin. Maliban sa pagiging matapang wala ng ibang ekspresyon ang mga mukha nito.

Inikutan niya ang mga ito habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Pagdating niya sa likuran ng isa ay bigla siyang tumakbo sa harapan nito. "BULAGA!"

Napangiwi siya nang wala man lamang naging reaksiyon ang ginulat na bantay. Patay malisya ulit siyang naglakad patungo naman sa isa pa. Pagdating niya sa tagiliran nito'y bigla ulit siyang humakbang patungong harapan. "BULAGA!"

Katulad ng nauna, wala ring naging pagbabago sa hilatsa ng mukha nito. "Hayss what are you? Robots?" sabay dinutdot niya ng hintuturo ang katawan ng lalaki.

"That's enough Cassie. Bumalik na tayo sa loob ng bahay," aya ng ina.

Habang naglalakad sa bakuran, binilang ni Cassandra ang mga nakaabang doon na mga bodyguards kasama na ang dalawa pang nakasunod sa kanila. May kanya-kanyang pwesto ang mga ito.

"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven! Whoah Mom you have eleven guards in the front yard! Of course there would be more in the back yard and the pool area!"

"Don't mind them," may halong pait na bigkas ni Alex.

Pagdating sa pintuan ng bahay ay doon lamang tumigil sa pagbuntot ang dalawang bantay. Nginusuan ang mga ito ni Cassandra. Nang makapasok sa loob ng bahay, nagpahabol siya ng isa pang gulat nang may namimilog na mga mata. "BULAGA!"

Bumalik silang magnanay sa dining hall at itinuloy ang nahintong pag-aalmusal.

"Mom I'm gonna tell you a secret now," mahinang sambit ni Cassandra habang palinga-linga sa paligid upang tiyaking walang nakikinig sa kanila.

"What secret?" kunot noong ika ni Alex.

"To be honest, eventhough I'm a bit scared with Dad now, I'm still on your side," mahinang mahinang bulong ng bata saka unti-unting ngumiti at nagningning ang mga mata. "Because you're my idol now!" biglang lakas na wika nito. "I don't care about those action movie heroines anymore. I'm very very very proud and happy to know that I actually got an action queen mom....Were you always been that good Mommy?" namimilog ang mga matang tanong nito.

Sumagot lamang ng simpleng ngiti si Alex at nilagyan ulit ng pagkain ang pinggan ng anak.

"Mom I know what you're thinking now. You are only afraid of Dad pero ang totoo ay hindi naman po talaga kayo natatakot sa ibang bagay kahit pa lagyan kayo ng maraming bodyguards," nangungusisang sambit ng bata. "Hey mom! I've got an idea why don't you escape and climb over the walls? I guess you can also beat those bodyguards," may kapilyahang suhestiyon nito.

"Cassandra Marlene!" singhal ni Alex sabay lapag sa hawak na mga kubyertos. "Who taught you to think that way?!" pagalit niya.

"N-No one. I'm just stating what I think..." biglang kambyo nito ngunit agad din namang bumalik ang kasiglahan. "I think I do think the same way as you. Now I understand why I'm like this...it's all because I got it from you Mom! And when I grow up I also want to be a like you!

"No! That's not going to happen! Never!" madiing tutol ng ina.

Biglang lumungkot ang mukha ng bata at bakas na bakas ang pagkadismaya sa itinugon ng iniidolong magulang. "B-But why?" may nginig na boses nito.

"Because this is not the kind of life you deserve."

"T-That's not fair. Y-You could do it but why can't I?" mangiyak-ngiyak nang bigkas ng bata.

Bumuntong-hininga si Alex at maamong tiningnan ang nagtatampong kausap. "Because I don't want you to hurt the people you love... Look at Mommy, now I'm hurting your Dad and later you'll see the reaction of Lola, Lolo and Tito Dennis... Makikita mo sa kanila ang pag-aalala at alam ko na nasaktan ko na naman sila dahil sa nangyari...."

May ngiting tinitigan ni Alex ang nakikinig na anak.

"...When Mommy was younger all I gave to your grandparents were worries and pains. They were afraid most of the time na baka isang araw ay mabalitaan na lang nila that their daughter is no longer alive. Walang ginawa noon si Lola Sylvia kundi ang umiyak at mag-alala kapag alam niyang nasa mapanganib na mission si Mommy..."

"...And when I met your Dad I learned how to love pero hindi pa rin naging sapat ito para ipagpalit ni Mommy ang kapusukan sa trabaho. Because of me, your Dad encountered a lot of dangers too. Your Dad was secretly hurting while he was trying to be patient with my stubborness. Mom got shot at one point and almost died. It was a horror to the whole family including your Dad. Everyone was crying and hurting....Kaya kahit gaano pa kagalit ang Daddy ngayon sa Mommy, Mom will always understand him because I know he just doesn't want to experience those old terrifying feelings anymore. Lalo pa ngayong nadamay na ang pinakamamahal naming anak.."

"....When I had you...you are the only angel who made Mommy decide to completely give up her old life. All I dreamed from that day onwards was to raise you well and to love Daddy more. But now that I keep seeing myself on you, it reminds me of how Lola Sylvia felt for me. Ayokong matulad ka sa akin anak dahil kapag nasimulan mo na ito, kahit ginusto mo pang talikuran... may pagkakataong tatawagin at tatawagin ka pa rin at wala kang magagawa kundi ang lumingon na lamang."

Kukurap-kurap na nanahimik si Cassandra habang itinatanim sa isipan ang isinalaysay ng ina.

"But Mom... di ba nakakagawa rin kayo ng kabutihan. I'm sure you saved lives too and caught a lot of bad guys who could harm innocent people. You were a hero on the other hand."

Ngumiti si Alex. "You can be a hero in different ways. Look at Dad. He's a hero in his own way. He's working hard para manatiling matatag ang kumpanyang nagbibigay ng trabaho at bumubuhay ng libo-libong mga pamilya. Instead of aiming the path that Mom took, bakit hindi na lang ang mga yapak ng Daddy mo ang sundan mo?"

Muling nanahimik si Cassandra at hindi na dumugtong pa. Matamlay na itinuloy niya na lamang ang pagkain. Naliwanagan ang isipan niya dahil sa mga sinabi ng ina pero sa kabila nito'y may di siya maipaliwanag na lungkot sa bahagi ng puso niya.

                                         ------

Nagbababad si Alex sa bathtub. Naliligo siya sa gatas na sinabuyan niya pa ng mga rose petals. Mabuti na lamang at maagang nakatulog ang anak dahil sa pagod sa kalalaro nang dumating ang kanyang buong pamilya tapos sinundan pa nina Margareth kaya nagkaroon pa siya ng panahong asikasuhin ang sarili.

Kailangang maging mabango siya at maganda ngayong gabi. Gagamitin niya na ang huling alas para mapaamo ang asawa. Huminga siya ng malalim at kalmadong pumikit habang ninanamnam ang pagbababad. Ngunit nagulat at napamulat siya nang bigla na lamang pumasok si Blake ng banyo. Tahimik itong naghubad ng damit at kumuha ng tuwalya saka dumiretso sa shower room.

Natagalan siya sa banyo kaya di na siguro ito nakapaghintay sa ritwal nitong pagsa-shower bago matulog. Panaka-naka niyang sinusulyapan nang may nanunulis na  nguso ang seryoso lamang na naliligong asawa. Klarado ang salaming nagi-enclose sa shower kaya kitang-kita niya ang magandang likurang tanawin ng mister.

Patulis na itinaas niya ang isang paa at kunway nang-aakit na kinuskos ito ng loofah. Umayos din siya sa pagkakasandal upang umangat ng bahagya ang bahagi ng kanyang dibdib. Nagbabakasakali siyang mapapalingon sa kanya ang lalaki. Subalit pagkatapos nitong mag-shower ay nagtapis lamang ito at agad nang lumabas ng banyo. Ni hindi man lang siya binigyan kahit isang sulyap.

Naiinis na iningusan niya ang pintuan subalit muli itong nagbukas at agad siyang ngumiti. Bumalik ang asawa ngunit tumayo lamang ito sa pintuan habang nakatingin sa kanya nang may blangkong mukha.

"Yes Hon?" malambing na sambit niya.

"My clothes," tipid nitong sabi sabay alis ulit.

Nagmadali siyang tumayo nang maalalang hindi niya pa nga pala naihanda ang susuotin nito. Mabilis niyang binanlawan ang sarili at pagkuway dali-daling nagtapis. Dumiretso siya sa closet at kumuha ng damit nilang mag-asawa.

Sinabayan niyang magbihis si Blake. Pasimple niyang kinukuha ang atensiyon nito... pero kahit anong pagpa-fashion show ang gawin niya sa harap ng lalaki, tila hindi pa rin ito apektado.

Naglotion siya ng may paborito nitong amoy. Nag-spray ng perfume at isinuot ang pinakaseksi niyang silk nighties. Kahit matutulog na'y nagpahid pa rin siya ng kaunting lipstick. Subalit sa halip na pansinin siya ay naupo si Blake sa kanyang working table at nagbukas ng laptop.

Hindi pa rin siya sumuko. Nahiga siya sa kama at humarap sa direksiyon ng mister nang may nang-aakit na posisyon. "Hon.."

"Uhm," tipid na tugon ng lalaki habang nakatingin sa laptop.

"Hindi pa ba tayo matutulog?"

"Matulog ka na. Marami pa akong gagawin," sagot nito nang di pa rin tumitingin.

"Bukas na yan," lambing niya.

"'Can't be. This is something that needs my decision until tomorrow."

Ngumiti siya. "Okay. Pero hihintayin pa rin kita. Alam mo namang hindi ako nakakatulog nang mabuti pag hindi ka katabi."

"Alright."

Seryoso sa ginagawa si Blake subalit maya-maya lamang ay napansin niya ang pananahimik ng paligid. Lumingon siya sa kama at agad na tumaas ang sulok ng kanyang mga labi nang makita ang hitsura ng asawa. Nakanganga't tulog na tulog na ito. Napapailing na lumapit siya at narinig ang mahinang paghilik nito.

"Tsk...hindi ka nga makatulog nang hindi ako katabi ," ngingiti-ngiting bulong niya.

Maingat na kinumutan niya ang misis, marahang hinalikan sa pisngi at saka siya bumalik sa ginagawa.

Continue Reading

You'll Also Like

11.4K 259 10
"Some people struggle not to be drawn into the darkness. But ever since I was a little girl, I've said, 'Why not splash in and have fun!'" - Eve De V...
2.1M 80.1K 37
Great parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece...
2.1M 48.3K 39
( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba d...