Boyfriend Corp.

By iamKitin

35.2M 768K 254K

Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loo... More

Boyfriend Corp
Chapter 1 : We Mean ALL
Chapter 2 : Gatorade
Chapter 3 : Weird Day
Chapter 4 : Boyfriend
Chapter 5 : Contract
Chapter 6 : First Date
Chapter 7 : P.E.
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Special Chapter #1
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
The Last Chapter
Special Chapter 2
FAQ
BOYFRIEND CORP BOOK!
BFC Part 2

Chapter 19

748K 14K 4K
By iamKitin

Chapter 19

"And then what happen?"

"Eh di yun na nga! Ghad bebs, iIf you only see that plastik—geeky—ugh! I hate her!" Hinampas ni Bebs 'yung lamesa. Napatingin naman ako kay Gatorade at pinaglalaruan 'yung kutsara sa bibig niya, pinipigilan ang tawa. "Tapos ito ha! Nung first encounter namin, she looked at me head to toe like I stood there to be examined. Like, what was that!"

I bit my lower lip. This is not the time to laugh pag mga ganitong galit na galit si bebs, kahit nakakatawa, mas pipiliin mong wag tumawa 'cause hell knows what she can do! Nakakatakot pa naman ang babaeng 'to.

"Eh baka naman namisinterpret mo lang?" tanong ko habang inuubos ang dinner ko.

She gaped at me. Oh. So she finds my question a what-the-hell question, eh? I smirked. 

"Na-misinterpret, really bebs? You know that we, girls, know a btch when we see one! How, when and why! She definitely has this thing on Marcus. It is very obvious!"

"And it's obvious that you're jealous." I smirked again. Narinig ko 'yung almost na tawa ni Gatorade. I gave him a 'wag-kang-tatawa' look kahit natatawa na din ako.

"Kayong dalawa ha! Kanina pa kayong nagpipigil ng tawa!" Uhh. Busted? "Hindi nga kasi ako nagseselos e!"

At tumawa na talaga si Gatorade. Tumawa na din ako pero kino-control ko. I know how Bebs when she's pissed and I don't want to add some more. Sinamaan niya ng tingin si Gatorade pero napaka-oblivious naman nitong asul na 'to.

Patigilin niyo siya! Natatawa din ako e.

"Gatorade!"

"Sorry Dom." He said while chuckling. "Di ko na talaga mapigilan e."

"This is not a laughing matter!"

"And not an 'I should be pissed' matter too, bebs." I added. Talaga naman e. This is pure jealousy, I guess? Eh kung hindi selos e ano pa?

"Bebs naman!"

Inayos na ni Gatorade yung pinagkainan namin habang may nakaplaster pa rin ng nakakalokong ngiti sa mukha niya. Nako, pag 'to di tumigil malilintikan siya kay Bebs! Pasaway e! Tumayo na siya at inilagay sa sink ang pinagkainan namin.

"Bebs, bakit ka ba ulit nagagalit?"

"Kasi—kasi.."

"See? Nakita mo lang magkasama sila kahapon tapos hi-nead to toe look ka ulit, nagkaganyan ka na. Tapos magagalit ka din kay Marcus. Really bebs?" Sinamaan naman ako ng tingin ni Bebs. Guilty e. "Look bebs, hindi naman ako against dyan sa nararamdaman mong selos na 'yan."

"I know." she rolled her eyes heavenwards, copying my mannerism. Jeez. "Nakakainis lang kasi e. Ang btch niya!"

"Eh nagpapaepekto ka kasi." There I said it. Mukhang nagulat naman si Bebs sa sinabi ko. Tumayo na ako at pumunta sa likod si Gatorade matapos niyang hugasan 'yung pinagkainan namin. "Di ka naman ganyan pag may nambi-btch sa'yo ah?"

I smiled at her at napailing nalang siya. Siguro naalala ang highschool days namin.

"But bebs," she whined.

"Just stating a fact." Napatingin ako sa taas nung ipinatong ni Gatorade yung baba niya sa bumbunan ko. Bumalik ang tingin ko kay bebs at nakita siyang umiiling. "At saka, pansinin mo na si Marcus. Wag mong palakihin 'to."

"Wow. Expert." Bebs joked. Tumawa naman 'tong lalaking nasa likod ko.

*Stab*

"Aw." napailing nalang siya at umurong habang hinihilot ang tiyan niyang siniko ko.. Psh. Pang-asar pa e. "Sensitive ni baby."

"Nako Gatorade, tigiltigilan mo ko." at tinawanan lang ako ng loko. Sumbiin ko 'to e!

"Oo na! Oo na! Kayo na ang sweet. Please, get a room!"

Biglang umakbay sakin si Gatorade, "Inaway mo kasi si Marcus. Sige na. Andun 'yun sa labas. Kanina ka pang iniintay."

Mukhang nagulat naman si bebs dun sa sinabi ni Gatorade. Pinigilan ko ngang matawa sa itsura niya e.  Ang weird no? May lahing taong labas bahay ang mga taong 'to. Tamo nung sa threat kay Nikki, tumira siya sa labas ng apartment. Tapos ngayon, magkagalit 'yung dalawa, nasa labas si Marcus. Ayaw pumasok simula kahapon dahil magkagalit silang dalawa ni Bebs.

Di ko alam kung mawiwirdohan ako o ano e.

"Ay nako bebs, as far as I know, hindi na uso sayo ang pa-hard to get!" Sinamaan na naman niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya. "Ba'la ka nga dyan!"

Hinigit ko na si Gatorade palabas ng kusina. Ang arte arte naman ni bebs e. Alam ko namang okay sila ni Marcus pero nagpapaepekto dun sa geeky na kaklase nila Gatorade at Marcus. Well, ano nga bang nangyare?

Remember our elevator encounter last Monday? Dun nakilala ni Bebs 'yung geeky secretary ng BSBA 2-C. Yung hinead-to-toe look daw siya nung nalamang girl friend daw siya ni Marcus. Well may nangyare kasi kahapon, wednesday. Wala pa din 'yung prof nina bebs nung wednesday, kaya nagpunta ulit siya sa building namin. Saktong nawalan din kami ng prof dahil may meeting ang college namin for acquaintance for next Friday. 

So ayun, kasama ko sina Marcus at Gatorade sa lobby. Iniintay namin si bebs habang nagrereview kuno dahil after ng acquaintace, prelims na. Saktong sakto nung nakita ko si bebs na kakadating sa SH, may lumapit saming babae na biglang kinausap sina Marcus at Gatorade. Actually, parang si Marcus lang kinakausap niya dahil poker face si Asul. Snob type daw siya.

Maarte kamo!

Anyway..

[Flashback]

"Hi Marcus, Gatorade, and…" napatingin ako dun sa babaeng tumigil sa table namin dito sa lobby. Oh-kay? "Nevermind. So tatanungin ko lang kayo about dun sa New Faces of CBA."

Wait a minute, did she just "nevermind" me?

Nag-shrug nalang ako. Ayokong mag-paapekto sa mga tulad niya ngayon. May quiz kami mamaya sa Finance at hindi ako dapat magpadala sa isang nagnenevermind na geek. Back to studying! But hell, pano ako makakapagaral kung maingay ang geeky na ‘to?

"Please? Pretty pretty please? Kelangan talaga natin ng representatives!"

Ew the tone.

Ew the voice

Ew. No, Ew her.

Napakunot ang noo ko sa pagsasalita niya. Wow. Di bagay ang pagsasalita niya sa itsura niya. Kasing tangkad ko lang siya, mas maputi ako. Naka pigtails siya with neon pink na ipit. Psh. I hate neon pink. At sumisigaw din sa pagkapink ang salamin niya. Pansin ko nga may grado e. Buti di niya naisipang may pink lipstick.

Ohkay, she looks like a typical nerdy girl with glasses and braces. I just hate the neon pink all over her! Nakakasilaw! Di ko alam kung naiinis ako dahil sa pagsasalita niya o dahil sa neon pink. Nakakarindi kasi yung boses tas ang sakit sa mata nung kulay.. Or maybe both? Err. I don't know.

Heck I care.

Ito na naman po ang pagiging observant ko! Psh.

"Please Marcus?" Napataas ang kilay ko nung bigla niyang hinawakan ang braso ni Marcus. Si Marcus naman nakita kong uneasy ang ngiti. Ohhh. She looks like a typpical nerd but she's not! Brr. Di bagay. "Please? Kayo na din ang sinu-suggest ng iba nating classmates e."

"Well," napatingin si Marcus kay Gatorade, tapos tumingin naman sakin si Gatorade. Wala. Blank stare lang. Iniiwasan ng tingin ni Gatorade. Maya maya biglang tumayo si Gatorade sa upuan niya at lumipat sa tabi ko. Nag-pout naman si Marcus pero nawala agad yun nung hinila hila na naman ni Pink Nerdy ang braso niya.

Nagulat ako nung inakbayan ako ni Gatorade at pinatong niya 'yung left temple niya sa right temple ko. "Baby decides."

Baby? Oh please.

"Why should I, ako ba pinapasali?" Medyo tinulak ko palayo sakin si Gatorade. Mamaya pa ma-report pa kami sa counsil dahil sa PDA case. No way! Napatingin ako kay Marcus at mukhang nakakaawa na siya kasi hawak hawak pa rin ni Pink Nerdy ang braso niya.

And to my surprise again, tinaasan niya ako ng kilay. Na para bang ini-inspect niya ako. Aba!

Anong problema ng geek na 'to?

"Ano ba Gatoraaade, hindi ka magaan! FYI!"

"Ts. Naglalambing lang e."

"Di ko kelangan ng lambing mo."

"Sunget." Himala at hindi na siya nakipagbangayan! Imbes, kinuha niya 'yung kanang kamay ko at hinawakan niya saka humalumbaba. Kita ko sa periperal vision ko na parang mukhang nagulat si Pink Nerdy kaya napatingin ako sa kanya.

Nakailang taas pa ang kilay ko nung nakita ko yung irap niya sakin.

Stay calm Gab. Stay calm. Don't let Pink Nerdy to ruin your quiz later. Alam mo kung pano ka mainis di ba? Naaapektuhan ang acads! Di ka makakasagot sa Finance pag di mo kinontrol. Right, isa lang siyang destruction na isang ignore lang ang katapat.

Iniwasan ko nalang ang tingin ko sa kanya. Pinipilit pa rin niya si Marcus. Napatingin ako dun sa labas ng SH at dun ko nakita si Bebs na nakatingin samin. Oh? Ano pang problema nun at nakatungange pa?

"Marcus naman. Please?"

Nagulat ako nung biglang humigpit ang hawak ni Gatorade sa kamay ko, kasabay nun ang pagkagulat sa mukha ni bebs. Agad akong napatingin kay na Marcus at nakitang nakahawak na si Pink Nerdy sa kamay ni Marcus! Wow! Bilis lumevel up ah! She’s really doing it!

Naagaw naman ni Gatorade ang atensyon ko dahil narinig ko siyang mag-cuss ng pabulong.

"Di ko kasi alam e. Gusto ko pang tanungin si Love bago magdecide."

"Eh? Wag na kasi. Kelangan na talaga. Di pa kayo pumunta sa Faculty kahapon. Wala pa tayong entry.Please Marcus?" Kina-career niya talaga ang paghawak sa kamay ni Marcus ah. 

"Kas—"

"Sige na. Kahit ikaw nalang Marcus. Please?" She said it  with-ew-batting-of-lashes.

"Iniintay namin si love. When she gets here," Napatingin ako kung nasaan si bebs. Pinapanuod niyang kumilos si Pink Nerdy at nagbabago ang expression ng mukha niya tuwing gagalaw 'to. "Dun natin malalaman."

"Kasi kelangan ko na e. Please Marcu—"

"Can you just stop? You’re annoying!"

Lahat kami napatingin at nagulat sa ginawa ni Gatorade. Salubong ang kilay niya at halatang naiinis siya.

"I'm sorry. I'm jus—"

"Stop." Tinakpan niya dalawang kamay niya, kasama ang kamay ko, ang tenga niya. Hindi naman siya sumisigaw. Tumaas lang ang boses? Huminga siya ng malalim. "Fine. Isali niyo kami dyan."

"Are you sur—"

"I said stop." Huminga siya ulit ng malalim. "Now, go."

"But—"

"Kelangan ba talagang ulit ulitin Ms. Secretary?" he asked sarcastically. "Naintindihan mo naman siguro ang sinabi ko di ba?"

"Ah! Yes, I'm sorry." Binitawan niya ang kamay ni Marcus at mukhang nakahinga ang loko ng maluwag. Naglakad palayo si Pink Nerdy, si Gatorade iling ng iling, kami ni Marcus nagulat at si bebs?

"Love!" nagulat kami nung nakita siyang palapit samin. Lumapit naman siya pero sakin siya tumabi at hindi kay Marcus. "Anong—"

"Don't talk to me."

[End of Flashback]

So ayun na nga ang nangyare. Kung tatanungin ako kung anong iniisip ko kay Pink Nerdy, I don't hella care. Ganan naman talaga ako di ba? Istorbohin mo ko for some minutes and I don't care afterwards. Tinanong ko si Gatorade kung bakit siya naging ganun, naiinis lang daw siya sa babaeng tulad ni Pink Nerdy.

Pareho kami. Kahit di ko na pinapansin yung Pink Nerdy, naiinis din ako. Well, it's just the way you handle it. Kaso iba samin si bebs e. Siya kasi nagpapaapekto.

"Puntahan ko lang si Marcus." tumango lang ako kay Gatorade at umupo sa sofa. Manunuod nalang ako ng TV, rather, tititigan ko nalang ang TV. Di ako masyadong mahilig manuod e.

Narinig kong bumukas sara ang pintuan at nakitang katabi ko na si bebs. At base sa expression ng mukha  niya, nagdadalwang isip na 'yan.

"Hay nako bebs. Wala naman kasalanan si Marcus. Wag ka nga."

"Eh nakakainis lang kasi bebs. Pede naman niyang pagsabihan yung babae na wag siyang hawakan tapos parang wala lang sa kanya kahit hawakan siya nung babae."

"If you just saw how clingy Pink Nerdy was at ang epic face ni Marcus nung lumapat ang palad niya sa balat nito! Wag na kasing maarte."

"I'm just acting as his girlfriend bebs!" pout niya.

"Acting as his girlfriend kaya ka nag-gagalit galitan ka dyan? Ano ka hinire din ni Marcus? May Girlfriend Corp na din pala ngayon. Saan mo naman nakuha ‘yang logic na yan?" Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa sinabi ni bebs.

"That's not it bebs!"

"Then what is it?"

Bumuntong hininga lang si Bebs, gustong magpatalo niyan sa argument namin pero marami pa siyang gustong sabihin. Out of words, I guess? Napabuntong hininga na rin ako. Ewan. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

Acting as his girlfriend? Ganito na ba talaga ang sistema at outcome ng pag-hire sa BFC? Yung you have to act in this relationship pero ang gustong outcome totoong relationship? Ang labo naman ata.

Erase. Erase. Ba't ko iniisip 'yun?

"I just want to go with the flow." Ibinagsak ni bebs ang likod niya sa sofa. A pang of I don't know hit me. Kahit ako naman din, gusto ko lang mag-go with the flow. Nakakalito..

"I just don’t get it, bebs. Naguguluhan na talaga ako. Kung nagaact ka lang ng gf niya, nahihibang ka na. So acting lang talaga yang galit galit na 'yan?" Emotions taking over and I even control it.

"Hindi bebs. Hindi ko din alam ku—"

"Nako bebs. Wag mong sasabihing gusto mo 'yang si Marcus ha! Wag kang agad agad. Lampas dalawang linggo pa lang—" natigilan ako sa sinabi ko. "Oh no. Not you, bebs."

"What? It's not that I can't like him!"

"Two weeks?"

"Bakit? Can't you like someone? Hindi naman impossible 'yun kasi araw araw kaming magkasama."

Oh my. Napailing nalang ako. Really? Pinagtatalunan namin 'to. Di na ako nagsalita. yes, bebs has a point. Hindi mo naman maiiwasang magustuhan ang isang tao lalo na kung walang mintis na magkasama kayo. Nagkakahiwalay hiwalay nga lang sila pag may klase. Pero posible nga kaya?

Teka nga, bakit ba sarili ko ang tinatanong ko? Eh ako nga yung pinanganak na walang romantic bone di ba? Ka-frustrate lang!

"Hindi naman kasi 'yung like na like na iniisip mo e. Yes, I have a crush on Marcus but that doesn't mean na I really like-like him." Kalmado na si bebs. Pinilit ko na din ang sarili kong maging kalmado. Kahit hindi ko masyadong maintindihan, pinipilit ko.

Sakit sa ulo.

"Bakit bebs? Wala ka bang nararamdaman kay Gatorade?"

"A-S-A."

She rolled her eyes, "Yeah right. Babaeng ayaw mainlove."

"Baby without romantic bone." I smirked.

"Kakainin mo din yang sinabi mo."

"We'll see. We'll see." Nasa casual talk na kaming dalawa. PMS naman talaga. "Siya, wag ka ng maarte at puntahan mo na ang boy friend mo dun sa labas o gusto mo sipain pa kita?"

"Sus! Gusto mo lang ulit pumasok si Gatorade dito."

"Talikod."

"What?"

"I'll kick your ass."

"Oh no, you won’t!"

*

[Dominique Veena Delos Santos' POV]

"Dom! Pacheck naman nito kung tama spelling ng pangalan mo." lumapit si Kim sakin. Psh. Oo nga. Lagi nalang nilang namamali ang spelling ng pangalan ko.

"Q-U-E. Hindi C."

"Oh! Okay okay. Buti nalang pinatingnan ko. Kanina pa kasi kami nagtatalo dun e."

"Okay lang." Inayos ko na ang gamit ko. Isa lang ang class ko ngayon, NSTP. Wala naman 'yung sunod na prof, Drawing 'yun. Ganito talaga pag college, madami pa din informal classes kahit July na.

Nagtext na ako kay Marcus na pupunta ako ng gym. 1 hour lang kaming nagklase sa NSTP na dapat ay 2 hours. Tinatamad din kasi prof namin. NSTP 2 lang naman daw. Lahat naman ata siguro tinatamad pag 'yun. Walang gagawin kundi maglinis.

Okay na kami ni Love. Nagusap na kami kagabi, sipain pa naman ako ni bebs! Walangya talaga 'yun kahit kelan. Hay! Pero totoo ang sinabi niya, nakakalito pala talaga 'tong BFC na 'to. Sakit sa bangs!

Nasa AN Building kaya malapit lang ang gym. Ang daya talaga. Gusto ko na tuloy mag-Business Ad. Sabay sabay kasi sila sa PE and such. Ganda pa ng schedule! Madalas kasi pag Archi, panghapon hanggang gabi. Meron kasing 6 hours isang subject. Nakaka-umay lang dib a?

Pumunta ako dun sa gate ng Gym. Nakita ko agad si bebs. Naglalaro ng badminton at kapartner niya si pareng Alex! Ay. Nakwento nga pala sakin ni bebs 'yun. Nahimatay daw kasi 'yung geek na dapat kapartner niya.

At speaking of geek, may dumaan na geek sa harap ko!

Alam kong okay na kami ni Love Marcus ko pero kaming dalawa ni geek, spell asa. Ang bitchy bitchy niya kasi! Lapit pa siya ng lapit kay Love at halatang may balak siya. That twat! May balak pa atang sulutin ang Love ko.

I paid BFC para maging kami ni Marcus!!

 Inisip ko pa talaga ang pera? That’s very unreasonable. Di naman kasi talaga 'yun yun!

Oh-kay! Huminga ako ng malalim. Ayokong masira ang Friday morning ko. Ngumiti ako at lumapit sa court. AND TING! *using Dominique powers!* Singit and viola! Andito na ako sa harapan. Haha! Dali lang naman kasing makasingit. Nakita ko sina Marcus na nagwa-warm up for Basketball. Yun kasi ang PE nila for Prelims and Midterm, kami naman Volleyball at Badminton kay na bebs.

"Love!" sigaw ko. Narinig naman ako ni Marcus kaya tingin siya ng tingin kung saan.

Gumalaw ang tenga ko nung may narinig akong kung ano sa likod ko. They started making issues, syempre dahil kilala ang boy friend ko. Pero mas naging aware ako nung may napasaling BFC. So, medyo na rin palang nakakaalam. I can’t help but to feel sad and annoyed.

"Dovee!" nawala ang inis ko nung tinawag ako ni Marcus at lumapit siya sakin. "Hi."

"Hi." I smiled sweetly. Wala ng epekto sa akin ang mga bulung-bulungan sa likod. Ang gwapo gwapo ng love ko tapos papaepekto ako? Just no!

"Tabi ka muna kay Gatorade. Magkaiba kami ng batch ng laro e."

"Okay."

Tumawid kami ng court. Ngumiti naman ako kay Gatorade nung nakita niya kaming dalawa. Nagsmirk lang ang loko. Nang-aasar yan! Inirapan ko lang siya. Iniwan na kami ni Marcus at umupo na ako sa tabi ni Gatorade. Awkward lang. Nakauniform ako ng Archi tapos sila naka-PE uniform.

"Mamaya magalit ka na naman."

"Shut up, Blue head."

"Sabi mo e."

Cheer lang ako ng cheer kay Love. Ang galing niyang magbasketball! Hindi ko pa siya napapanuod maglaro e. Ngayon palang kaya excited ako. "Go Love!"

Di ko naman mapigilang kiligin tuwing ngingiti siya sakin pagmakakashoot siya.

I’m not denying the fact that I have a crush on him. 

*

[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]

"Game and Match, Delos Reyes and Marilao!"

Nag-apir kaming dalawa ni Alex. At last! Nakabawi sa talo last week. Pero di yun ang iniisip ko ngayon. Rinig na rinig ko kasi ang sigaw ni bebs mula sa basketball court. Wala atang klase 'yun. Pag may ganitong bagay talaga, active na active si bebs. I bet nasa harapan 'yan. Si Singit Girl yan e.

"May tanong ako Gab."

"Ha?" inabot ko 'yung mineral water at uminom.

"Ga'no na kayo katagal nung Blue head?"

"Oh, Bakit mo naman naitanong?" Ang random naman ng tanong nito.

"Wala lang. Masama bang magtanong?" Umupo na siya dun sa bleachers at tumabi ako sa kanya. Narinig ko sa background ang 'Yah! Go Love!'  ni bebs. Ever supportive talaga ng best friend ko. "Ngini-ngiti mo dyan?"

"Yung bebs ko kasi. Rinig mo 'yun?"

"Go Love! Shoot!"

Mukhang naintindihan naman ako ni Alex at tumango siya, "Si bebs 'yun."

"Eh? Yung best friend mo?" Tumango ako. "Haha! Kaya pala kayo magbest friend e! Pareho kayong ratatatatat!"

"Anong sabi mo?!"

"See?"

"Gagi ka!" Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso. "Bakit  ang random mo pala? Sus, admit it! Sabi na nga ba Alex may pagnanasa ka sakin! Selos ka kay Gatorade no? My charms really worked!"

"Mandiri ka nga."

"Wag ka na kasing mag-deny!"

"Wala lang. Natanong ko lang. Familiar kasi sakin 'yung lalaking 'yun." Ah. Naalala ko bigla ang BFC. Kaya siguro familiar sa kanya. Iniisip sigurong playboy si Gatorade. "Ewan ko pero nakita ko na siya e. Sa bayan ata? Ewan."

"Oo. Madaming chix yan." sabi ko. Totoo naman e. Daming fan girls.

Mukhang nagulat naman si Alex sa sinabi ko. Anong nakakagulat dun? Gwapo naman kasi talaga si Gatorade. Di ko itatanggi yun. Maraming nagkakagusto dyan. Dami na ngang lumalapit saking kaklase kong babae nung napansin nilang lagi kaming sabay ni Gatorade umuwi.

Nagkwentuhan lang kami ni Alex hanggang matapos ang buong PE. Puro kalokohan lang. Ngayon ko lang na-realize na three weeks na ang "kami" ni Gatorade sa Monday.Who would have thought na aabot pala kami ng three weeks? 

Nagannounce lang yung prof namin na be ready na daw July 20 for Written prelims since di kami magmemeet next week dahil ng acquaintace. Shoot. Ayoko munang mag-hell week! Ayoko pa mag-aral. But who am I kidding, I have no choice.

"Sambakol na mukha!"

"Bitaw!" Hinulot ko 'yung pisngi ko. Di ba talaga nila tatantanan ang pisngi ko? "Ang sakit eh!"

"Sabukot mukha mo eh!"

"Can you just leave my cheeks alone?" 

Tinawanan lang ako ng tinawanan ni Alex. Sarap ihambalos sa kanya ng bag ko. Nakakaasar kasing tumawa yan e! Alam mong halong pang-asar ang bawat ngiti, tingin at tawa niya. Napatigil kami pareho nung may mapansin kami. Pareho kaming napalingon sa side nung may nakitang kumpulan ng mga kaklase kong nakatingin at nakakalokong nakangiti samin. Mukha silang zombie sa walking dead.

Matagal ko na talagang napapansin na parang may meaning sa kanila pag magkasama or pagnagkukulitan kaming dalawa ni Alex. Nagshrug lang kaming dalawa ni Alex at naglakad na palabas ng gym. Sila naman ang nag-eeffort na magisip ng kung ano samin eh. Intayin ko nalang sina bebs sa labas.

Pero parang naulit yung nangyare nung Monday. Napatigil kami ni Alex sa paglalakad nung may tumigil na babae sa harap namin.

"Alexa Gabrielle! " She looked familiar. "Please, please let me date Gatorade."

Oh! Siya pala. Si Princess Saavedra. Napatingin ako sa likod niya. And yes, I am right. Kasunod niya si Francis. Pinagkaiba lang naman, pacool na ang takbo niya ngayon. Teka, pano nakapasok ang dalawang 'to sa school grounds?

Nawala ang pagtatanong ko nung napansing nagkatinginan si Alex at Princess. Unang umiwas si Alex, "Bye Gab."

"Ah! Okay, bye." Nakakapagtaka kasi parang nagmamadali siya.

"Hi Alexa, Princess." Nakangiting bati ni Francis pagkalapit niya sa amin.

I was about to ask them what’s going on nung paliguan na ni Princess si Francis ng mga glares. And if I were Francis, ayoko ng ganung situation pero parang cool or immune na si Francis dito.

"Lubayan mo na kasi ako!"

"Nope!"

"Leave me alone!"

"Na-ah!"

"I’m not doing anything wrong! Tingnan mo nga, si Alexa Gabrielle na akong nilapitan ko dib a? Hindi si Gatorade! "

"Yun na nga e. You're harassing our customer." Nagawa pa talagang ngumiti ni Francis kahit inis na inis na si Princess. And what’s with ‘harrasing’ term? Hindi pa nga niya ako hinawakan. I think si Nikki pa ang dapat kasuhan ng Harassment.

"Teka, ano bang problema?"

"Aagawin niya si Gatorade!"

"Gusto ko lang maka-date si Lance!"

Ano daw?

"Wag kayong sabay! Psssh."

"Please, Alexa Gabrielle," Naiilang ako sa pagtawag niya sa akin ng buo kong pangalan. "Please let me date Gatorade."

"Bakit?"

Choose what type of Gab: Yes, Gab or Hell I don't care, Gab

Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
122K 5.6K 44
Hindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.
78.2K 4.2K 19
The land series; Land of Birds THE CROW WHO SMILED AT ME (Wattpad) She's not fond of a bird called Crow, but she ended up loving a Crow named Marcus...