"Re-write." (sequel)

Av LaysaChaan

110K 6.3K 3.5K

🔴 Read the first book - " stay with me " before step in this story. thanks! 🔴 ✨" FANFICTION."✨ Ps: pl... Mer

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
"Under."
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35.
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52

30

1.8K 103 53
Av LaysaChaan

"If you clearly remember everything happened inside your dream, it's not a dream, It's a message."




GABB's POV.

Alas kwatro ng madaling araw, nakatambay sila sa labas ng unit, at nagusap tungkol sa mga nangyari. Naglabas na rin ng saloobin si lara dahil si Gabb lang ang kilala niyang  matino kausap pagdating sa mga problema.





"Ang sarap mo magtimpla ng kape.." biglang sabi ni lara.







"Tss! Pasalamat ka, mga special lang nakakatikim ng timpla ko no?" Sambit ni Gabb at hinigop na rin ang mainit na kape.








"Salamat nga pala gabb, ikaw lang talaga pinagkakatiwalaan ko sa ngayon. Kaya sumunod ako sainyo dito." Sabi nito.








"Lagi lang akong nandito, tumawag ka lang tuwing kaylangan mo nang kausap." Sambit ni Gabb







"Salamat talaga, buti na lang nandiyan ka para makinig, dahil honti na lang mababaliw na ako.  gumaan rin ang loob ko kahit papaano." Ngiting aniya.





"Payakap nga!!"






"ihh! Ayoko!"







"Dali naa!!"








Umirap muna ito bago yakapin si lara.
Nanatili lang sila sa ganoong posisyon, amg magkayap.

"Gabb.. if you could choose between true love and 15Billion, anong brand ng kotse bibilhin mo?" Biglang tanong nito.








Sumilip muna si Gabb sa loob kung tulog pa si Coleen, agad  namang niyang binalik ang tingin kay Lara.

"Lamborghini tol."








"Haha! Kaya tropa tayo e!" Ngiting sabi nito at sabay silang nag appear.








"Lara, pwede ba akong humingi ng pabor?" Tanong ni Gabb.






Agad siyang humiwalay ng yakap at tinignan si Gabb. "Oh alin yun?"







"Wag mong ipaalam kahit kanino na dito kami nakatira." Yukong sambit ni Gabb.






"Yun lang pala e." Ngiting sagot niya at binatukan pa si Gabb.









"Sige na, aalis na ko." Aniya at sinuot na yung backpack niya.








Sinundan lang siya ng tingin ni Gabb, habang naglalakad na siya papalayo. Bigla siyang huminto.

"Oonga pala Gabb.." sabi nito.






"Oh?" Tango ni Gabb at humigop ulit ng mainit na kape.






"Wag niyo na ulit gagawin yon sa rooftop ah? Rawr!"






Bigla nitong nabuga ang kape.
"Bwoosh!!L-lar...laraa maeee!!! Bumalik ka dito!!"









COLEEN's POV.

Ang bigat ng pakiramdam ko, sobrang sakit ng ulo ko. Habang barado naman yung ilong ko. Naulanan kasi ako kahapon kaya siguro ako nagkakaganito.

"Coco, wake up na.." paggising sakin ni Gabb.








"Ayoko muna pumasok gabby.." biro ko, pero alam kong hindi niya ko papayagang umabsent.








"Gabb, may gagawin ka ba?" Tanong ko habang kinukusot kusot ang mata ko.







"Ah wala pa naman.." sagot niya.






"Ihatid mo ko Gabb.."






"Sure!"






GABB's POV.

Pagkatapos kong ihatid si Coleen, agad akong bumalik sa unit namin.
Naglinis muna ako dito sa bahay habang wala pang masyadong ginagawa, pumunta na rin ako sa masungit na landlord para magbayad ng utang.









12:pm na, naisipan ko ng magluto. Kakapractice ko natuto na akong magluto kahit papaano.

Hindi kasing sarap ng luto ni Coco. Sinasadya ko talagang wag sarapan ang luto. Kaumay naman pag masarap ka na nga, masarap pa luto mo.





Hayss! Gabrielle kaya napagkakamalan kang ulam e.








Darating na si Coco maya mayang 3pm.
Kaya naisipan ko munang matulog. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Tuluyan na akong dinalaw ng kaantukan.









Mula sa pagkakapikit, dahan dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa kakaibang liwanag sa paligid.






Dahan dahan akong bumangon kahit napakabigat ng katawan ko.







Inilibot ko ang tingin sa paligid.
May mga gintong pintuan sa harapan ko, hindi ko sila mabilang dahil sa sobrang dami, hindi ko rin alam kung papasok ba ako? At saan ako papasok?







Biglang bumukas ang pinto sa likuran ko, niluwa nito si Bruno. Tama, si Bruno. Kahit medyo malabo ang aking paningin ngayon nakilala ko pa rin si bruno yon.






"B-bruno?" Tawag ko, pero parang walang boses ang lumabas sa bibig ko.

He's wearing a white suite, an expensive watch on his wrist. Parang ang yaman yaman niya.








Nginitian niya ako at may binabangit itong numero. Paulit ulit niyang binabangit ang numero ngunit hindi ko marinig. Parang walang boses ang lumalabas sa kaniya.







Binasa ko na lang galaw ng labi niya hangang sa mapagtanto ko na ang mga numero na gusto niyang sabihin.

"Z-zero four, one two, zero two, three four, Zero eight, one five." Pagbasa ko sa bibig niya.







Mabilis naman itong tumango, sobrang lawak ng ngiti ni bruno, sobrang saya niya.







Bigla itong tumakbo papasok sa isang misteryosong kwarto, agad ko siyang sinundan pero parang napakabigat ng katawan ko habang humahakbang.








Pinilit kong tumakbo pero sobrang bagal pa rin ng usad ko, dahan dahan ng sumara ang pinto na pinasukan ni bruno.







Hangang tanaw na lang ang tanging nagawa ko. Nakita kong yakap yakap niya ang kaniyang ina at parehas silang masayang nagtatawanan.








Huminto na ako sa pagtakbo, naisip kong hindi ko na pala kaylangan pumasok sa kwarto na iyon.







Tuluyan ng sumara ang pinto kasabay ng pagdilat ng mga mata ko sa realidad..








Nagising na lang ako na pawis na pawis at hingal na hingal.








Agad akong bumangon sa kama, chineck ko ang oras, mag aalas tres na ng hapon. Uwian na nila Coleen.








Agad akong nagdrive papuntang school nila, at as I expected nakaupo  siya dun sa waiting shed.

Nasa tapat na yung kotse ko sa harap niya pero hindi niya pa rin napapansin.
Nakayuko lang ang ulo nito at mukhang ang lalim ng iniisip.







Agad kong binuksan ang bintana.
"Hop in!" Sigaw ko.









Agad naman umangat ang ulo nito at biglang umukit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi nang makita niya na ako.








Agad siyang tumakbo para buksan ang pinto ng kotse at umupo sa passenger seat, sa tabi ko.

Agad siyang humalik sa aking labi na ikinangiti ko naman dito.

"Musta school?" Tanong ko.








"Ayon, nakakapagod." Sagot nito then she playfully rolled her eyes, she really hates school.







"Magpahinga ka muna, uuwi na tayo." Ani ko. Agad naman siyang nagunat ng katawan at braso at sinalampak ang likod niya sa upuan.









"Ang sarap pala sa pakiramdam pag may sumusundo sayo, ihatid sundo mo na kaya ako lage?" Aniya at biglang nagpout, para hindi ako makahinde.







Sino nga ba ako para huminde?








"Okay, okay.. simula bukas hatid sundo na kita." I said then I leaved  a kiss on her forehead.

I started the engine and drove way home.






COLEEN's POV.

Alas kwatro na nang makauwi kami sa bahay. Medyo natuwa pa ako dahil malinis dito at mukhang may niluto rin siya.

"Take a bath first.. then kakain na tayo." Utos niya.









Agad naman akong dumeretso sa bathroom at naligo. Pagkatapos, agad akong lumabas para magdamit.

Nakatakip lang ako ng tiwalya habang namimili ng damit na susuotin.  Nagsasawa na ko sa mga damit ko kaya naisipan ko na lang suotin yung damit niya.







Nang makakuha na ko ng damit agad ko itong sinuot.

"Hottie as always.." biglang sambit niya, kanina pa pala ako pinapanood.






"Don't watch me! Babatuhin kita." Aniko.







"Okay, okay." Agad naman siyang tumalikod habang may kausap siya sa phone.








Pagkatapos magpalit ng komportableng damit, dumeretso na ko sa mesa, dahil nakahanda na ang pagkain.

"Gabb! Let's eat! Uubusan kita!" Sigaw ko.







Agad naman siyang lumapit at naupo sa tabi ko.

"Sino yon?" Tanong ko.







"Uhm, si bruno. May raket daw kasi mamaya. Event daw. Mataas daw bigayan. Kulang sila ng tatlo so sinasama niya ko." Paliwanag niya.







"Sama ako." Aniko.







"Oo, sasama ka. Pero hindi ka magtratrabaho." Sagot nito.






"Gaboo.. kulang nga ng tatlo diba? Baka ako yung isa. Gusto ko magtrabaho." Nakangusong sabi ko dito.








"Aish! sige na, kumain na tayo." Natatawang sagot nito.



....



Agad kaming natapos sa pagkain, ako na ang nagurong ng pingan. Nagpahinga naman siya sa sofa.

Pagkatapos maghugas naupo na ako sa tabi niya. Kanina pa siya naghahanap ng movie na papanoorin sa laptop, hangang ngayon wala pa rin siyang nasisimulan.






"Wag ka na manood, magpahinga na tayo at may trabaho pa mamaya." Ani ko at naupo sa kandungan niya.






"Mamayang 7pm pa naman yun, magchill muna tayo." Sagot nito at humalik  sa aking buhok.







Nakayakap lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang suot namin kwintas.

Habang siya seryosong seryoso sa paghahanap ng movie.

"Eto maganda!" Biglang sigaw nito.








"Ikikiss mo ko kada may makikita kang isda." Dagdag nito habang tumataas taas pa ang kilay.






"Ah ganon? Tuwing may isdang nalabas, hahalikan kita?" Paglilinaw ko.





"Aha." Nakapikit na sagot nito.







"Tas papanoorin natin finding Nemo?"
Sunod na tanong ko.





"Aha." Nakapikit at nakangiting sagot nito.






Agad ko naman itong piningot.
"Eh kung suntukin kaya kita diyan?"








"Awe! Edi eto na lang.. kada may penguin na nalabas ikikiss mo ko." Sabi nito sabay click sa happy feet na movie.






"Isa, Gabb." Ani ko. Agad naman siyang umayos.



Tss! If you want kiss just say it.




"Gusto kong matulog, matulog na lang tayo." Ani ko at nahiga sa sofa.








Agad naman niyang tinabi yung laptop at nilakasan yung aircon. Kumuha rin siya ng blanket at tumabi na sakin. Nagsisikan kami dito sa sofa kahit may kama naman.


This is more comfortable. Kahit saan naman nagiging komportable ako pag katabi ko siya. Kahit sa sahig nga e.





"Coleen.." she called my name while her eyes closed.





"Hmm?"





"Let's dance, sometimes." She whispered that made me confused.







"Dance? Bat ang random naman ata?"
I confusedly asked.




"Hmm.. I just want to be your first dance before anyone else did." She mumbled, her voice sounds like a little baby, Apakacute.










She always do that baby talk when she's too sleepy.

"Okay, I promised. You're gonna be my first dance." I kissed her nose.






GABB's POV.

I slowly opened my eyes, I saw my girl staring at me. Her eyes are worried while staring at me.

"Bakit ka umiiyak? May napanaginipan ka nanaman bang masama?" She asked.






I slowly nodded.







I saw her in my dream again..






She's dancing...







"Her smile is so genuine, and her eyes are full of excitement, She seems so happy..."





"Even the people around them are smiling while watching them dancing."








"She so happy while dancing with someone.."





"They both wearing a beautifull clothes. she's wearing a peach dress while her partner wearing a elegant white tuxedo."







"They  look  gorgeous.."

"They look pretty together that made my eyes sore."




"I wonder who's that lucky person she dancing with."





Beats me.






"Even its just a dream, I almost died because of  jealousy."







Bigla niyang tinapik ang pisngi ko kaya agad akong nabalik sa reyalidad.

"Gabb, are you okay?" Alalang tanong nito.








"A-ah yeah, Sorry.." sambit ko.







Agad akong bumangon at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Uhm anong oras na?" I asked.






"6pm?"







"Yari! Dali! Baka malate tayo! Dapat 7pm sakto nandun na tayo." Ani ko at hinatak na siya papuntang c.r , sabay kami e. Blehh.






"Gabb! Kakaligo ko lang!! Arggh!"








STILL GABB.

Agad kaming natapos sa pagaayos at agad na umalis, buti na lang at hindi kami nalate ng dating sa event.





Hindi pa naman nag start yung event, kaya nakahinga kami ng maluwag. Agad naming hinanap si bruno.

Yung mga ibang waiter nagbabow at nag gri-greet nung dumating kami ni Coleen.






"Gabo! Blaster! Dalian niyo magpalit na kayo doon!" Sigaw ni bruno.







Agad naman kaming tumakbo papuntang locker room.  Narinig namin yung mga babaeng waiter na kinakausap si Bruno.




"Bruno? Kaano ano mo yon?" Tanong nila dito.






Nakikinig lang kami ni Coleen habang nagmamadali pa ring magpalit ng uniform.






"Ah, kaibigan ko. Nagpart time rin sila dito as a waitress." Sagot ni Bruno.






"Ha!!! Ang akala namin mga artista, balak ko pa sanang alukin ng wine." Sabi ng babae.Sabay naman kaming natawa ni Coleen. 







"Hoy! Maraming babae dito ah. Gusto kong ayusin mo yang mata mo! I-focus mo sakin yan. " nakangusong sabi nito.







"Aye! Aye! captain." Mabilis na sambit ko.








Agad kaming lumabas ni Coleen, agad siyang pinwesto doon sa cathering, hinatak naman ako ni Bruno doon sa  wine storage. Kami ang naatasan na magdala at magserve ng wine.







Pumasok na kami sa loob at napakadaming alak ang bumungad sa amin, nakahanda na ang mga ito na sasapat sa mga bisitang darating maya maya.







Napangiti naman ako dahil halos lahat ng alak dito ay puro tatak skribikin whinery.

May isang alak na pumukaw sa mga mata ko, agad ko itong kinuha, bigla kong naalala ng kwento ni mommylola tungkol sa alak na ito. Gabrielle ang label ng alak, at kwento  ni mommylola na ito ang huling alak na naimbento ni lolo bago siya namatay. Kaya ito'y pinangalan sa akin.








"Bruno, tingnan mo tong alak na 'to." Tawag ko kay bruno at pinakita sa kaniya yung alak.







"Gabrielle, wow? Kapangalan mo ah?"
Manghang sabi ni bruno.






"Eh sakin pinangalan 'tong alak na to ni lolo e." Mayabang na sabi ko.







Agad naman siyang tumawa at mabilis na sumimangot.  "Ang dami mong alam, magtrabaho ka na diyan."









Bigla na lang dumulas sa kamay ko ang hawak kong alak, sinubukan ko itong saluhin ngunit napakabilis ng pangyayari, tuluyan na itong nahulog at nabasag sa sahig.





Biglang pumasok yung organizer ng event.  "Fuck! Alam mo ba kung magkano tong alak na to ha?! Napakapalpak mo!" Sigaw nito sakin.







Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya yumuko na lang ako at tinangap ang masasakit na salitang binitawan nito.
At dahil lang iyon sa alak.





"Saan niyo ba nakuha 'to?" Panduduro nito sakin. "Siguraduhin niyong ibawas niyo sa sweldo niya yan ah!?"







"Tss! Kulang pa nga ang sweldo mo kung ikukumpara sa presyo ng alak na yan." Diing sabi nito bago lumabas ng kwarto.








Huminga ako ng malalim, aamin ko napakasakit ng mga narinig ko kanina. Napakahirap pa lang maging mababa, parang inaapak apakan ka lang ng mga tao. Ganito ba talaga nila tratuhin ang mas mabababa sa kanila?

"Ano Gabb kaya pa?" Tapik sakin ni bruno.







Agad naman akong tumango.
"Hmm.."







Nilinis ko na ang nabasag na alak, at mas iningatan ko na ang paghawak ko sa mga ito.

Sa ngayon, naghihintay na lang kaming mag saktong alas otso at magsisimula na ang event.







"Bruno, anong ibigsabihin pag napanaginipan mo ang isang tao?" Tanong ko kay bruno.






"Ibigsabihin non, lagi mo siyang iniisip.." sagot nito.






"Tss! Hindi naman kita iniisip ah.." sagot ko.






"Omayghad! Napaniginipan mo ko?" Tanong nito habang nakahawak pa sa bibig niya.







Agad naman akong tumango.
"Naniniwala ka bang nakikita ko ang hinaharap?" Hindi ko alam kung bat lumabas sa bibig ko ang tanong na ito.







"Sabog ka ba?" Pabalik na tanong ni bruno.







"04, 12, 02, 34, 08, 15." Ano sa tingin mo?" Tanong ko, nakakapagtaka dahil kabisado ko ang mga numerong  ito.







"Parang number sa lotto." Sagot niya.







"Seryoso ka?" Tanong ko at hinawakan ito sa magkabilang braso.

"Tumaya ka kaya? Try mo tong number na 'to." Sabik na sambit ko at sinulat sa papel ang mga numero.








"Bakit ako? Eh sayo yan. Atsaka hindi ako naniniwala sa mga swerte swerte na yan." Sabi nito.






"Dali naa, once na manalo ka. Mapapagamot mo na ang mama mo." Aniko.







"Gabb, hindi nga ako mananalo diyan, posible yan." Sambit nito.







"Pano ka mananalo? e di ka naman tumataya, tanga ka ba?" Pilosopong sabi ko at nilusot sa bulsa niya sa dibdib ang papel kung saan ko sinulat ang anim na numero.








" Tuwing may paraffle sa school, never akong napili! Tuwing may bunutan never akong nabunot, Hindi ko nga alam kung may kambal ba akong kamalasan e, minsan na nga lang mapili sa recitation pa."






COLEEN's POV.

Nakasettle na lahat ng pagkain, hinihintay na lang namin magstart ang event at ang mga pagdating ng mga tao.




Habang nakatayo narinig kong nagbubulungan ang dalawang babaeng waitress rin, sa tabi ko.






"Ang gwapo nung nakasalamin no?" Bulong ng isang babae.







"Oonga, kala ko talaga dzaii. Siya may ari ng event na 'to."  Sabi naman ng isa, kusang tumaas ang isang kilay ko ng magkaroon na ako ng ideya kung sino ang pinaguusapan nila.





"Hingin mo number, after nitong event." Kinikilig na bulong ng isa.







"Sige sige.." agad naman tumango yung isa, nag appear pa sila, ang haharot.








Huminga na lang ako ng malalim..

Sure naman akong hindi ibibigay ni Gabb yung number niya. Hindi rin ako magagalit dahil may tiwala naman ako sakaniya pero... haha. Pag nalaman! ko lang talAgang! BinigAy mo yUng nUmber mong hinayoooopak! Ka! Kakalbuhin ko lahat ng buhOok mo sa baba gamit nail cutter!







GABB's POV.

The event finally started. Agad na nagdatingan ang mga tao. Lahat sila ay naggagandahan sa kanilang mga suot, at halatang lahat sila ay nanggaling sa mayayaman na pamilya.






Nagstart na kong mag serve ng wine, apakadaming tao kaya medyo natataranta na ako.  Maya maya nabigyan na ang lahat kaya nakahinga na kami ng maluwag.






Nanatili ako dito sa gilid, habang sila bruno nagserve na sa mismong mesa ng mga bisita. Nakatayo lang ako dito, kung sino na lang lumapit yun bibigyan ko. Aha. Joke.






"Gabb?"








Napalingon naman ako, nang marinig ko ang pangalan ko.
"Uh.. M-mikha.."







Tinitigan niya muna ako mula ulo hangang paa. "Anong ginagawa mo dito? Wait? Nagtratrabaho ka dito?"



damn.. her voice too loud.





"Uhm.. you need wine?" Ani ko.








"Hmm.." bigla na lang siyang ngumisi. "come with me, dun ka sa table namin mag serve." Sabi nito at hinawakan ako sa braso.







"Don't touch her you annoying brat." Bigla kong narinig ang boses ni coco.





"C-coleen?" Gulat na tanong ni Mikha at
Tinignan rin si Coleen mula ulo hangang paa.







Lumapit na rin ang dalawang kapatid ni mikha. "Is that you? Coleen?" Tanong ng dalawa.






Napakalakas ng boses nila kaya agad na nabaling ang atensiyon ng mga tao sa amin, at mas lalong lalo na kay Coleen.







"Why are you wearing Waitress uniform? Nagtratrabaho ka rin?" Tanong ni Mikha. Obvious naman na, tinanong niya lang talaga para mapahiya si Coleen.






Nagsimula ng magbulungan ang mga tao.  "Diba siya yung kaisa isang anak ni Mr. Trinidad?"

"Ou, bakit kaya siya nakasuot ng ganiyan sa mismong event pa ng tatay niya?"






Ito na ang kinakatakot ko, biglang dumating si Mr. Trinidad.
"Uhm yeah, she's my daughter. She just want to surprise you all that's why she's wearing like that." Sambit nito at hinawakan sa braso si Coleen.








Halos maestatwa ako sa presensiya ni mr. Trinidad. Hangang sa wala na akong nagawa kundi panoorin na hatakin niya si Coleen paalis.








"Bruno ano to?" Tanging tanong na lumabas sa bibig ko, naguguluhan pa rin ako.







"A-ahhh! Si mr. T-trinidad.. ah! T-trinidad rin pala si B-blaster.. Hindi ko alam na, tatay niya pala yung may ari ng event na to." Kinakabahang sagot ni bruno








Agad kong inilapag ang alak na hawak ko para sundad si Coleen nang bigla akong harangin ng isang lalaking ito.








"Pwede ba kitang makausap?" Tanong nito.





COLEEN's POV.

Damn! Those annoying bratt!






"Bitawan mo ko!" Sigaw ko dito dahil hindi pa rin tumitigil si dad kakahila sakin palayo sa mga tao.







Hangang sa makapasok na kami sa isang kwarto. Agad niya akong binitawan at naglakad lakad habang nakahawak sa ulo niya.







"Ano na ba talagang nangyayari sayo? Tingnan mo itsura mo!" Biglang sigaw nito.

"Nakakahiya ka!" Dagdag pa niya.







"Nakakahiya? Bakit dad? Marangal namang trabaho to? Ano bang gusto mo!?"







"Trabaho? Nagtratrabaho ka na? Ha! Kung mas pinili mong makinig sakin hindi ka mahihirapan ng ganyan."





GABB's POV.
Nandito na kami sa labas, sobrang hangin dahil mataas itong lugar. Hindi ko pa rin alam ba't sumama ako sa lalaking 'to dito.

"Gabb, right?" Sambit nito.





"Anong kaylangan mo?" Kunot noong tanong ko.







Tinignan muna ako nito mula ulo hangang paa at biglang ngumisi.
"That uniform looks good on you."





"Kung wala kang magandang sasabihin, aalis na ako. May trabaho pa ako." Damn, I need to go back there.




THIRD POV.

Agad napahinto sa paglalakad si Gabb ng biglang magsalita si josh.

"Layuan mo na si Coleen."






Dahan dahang nilingon ni Gabb si josh.
"Sino ka ba sa tingin mo?"







"Maayos pa ang buhay niya nung wala ka, Isa siyang prinsesa, na hindi dapat naghihirap, nagtratrabaho, utusan."

"At dahil sayo.. naranasan niya yon."
Madiing sambit nito.








Hindi nakaimik si Gabb, napakagat na lang ito sa kaniyang dila. Ayaw niya munang magbitaw ng salita.

Humakbang papalapit si josh  para mas lalong maparinig kay Gabb ang kaniyang mga sasabihin.






"Alam mo sa sarili mong mahal ka niya? alam mong hindi kaniya kayang bitawan. Kaya sinasamantala mo na, wala kang pake kahit mahirapan siya. Sarili mo lang ang iniisip mo."








Patuloy ang paghampas ng malamig na hangin sa kanilang mga buhok. Namumuo pa rin ang tensiyon na sa pagitan nilang  dalawa.

"Bakit parang natahimik ka bigla? Hindi ba totoo?" Ngising tanong ni Josh.









"No, your stupidity left me speechless."

"Kung papakawalan ko man siya, I will never let her ended up with you." Malumanay na Sambit ni Gabb.











"Kung hahayaan ko siyang mapasayo, mamatay lang siya, you gonna kill her by your own  hands." Patuloy na pagsasalita ni Gabb, bakas ang galit sa mga mata nito.






"Hindi ko yan magagawa sa taong mahal ko." Sagot ni josh.



"From the start you didn't love her at all. You're just obssesed with her..






..Everything you felt for her is just an obsession."








Nanlilisik na ang mga mata ni josh, nakayukom na ang kamao nito at kaunti na lang para ng sasabog dahil sa sobrang galit.








Humakbang papalapit si Gabb para mas lalo pa itong asarin.
"You need to talk the doctor. Since you're a doctor. Talk to yourself, baka sakaling makilala mo pa ang sarili mo."








Marahan hinawakan ni Gabb ang balikat nito at nagpatuloy sa pagbulong.

"Marami ka pang kaylangan malaman sa sarili mo, hindi mo rin alam ang mga kaya mo pang gawin, at sigurado akong hindi ito mabuti."








Marahas na inalis ni josh ang kamay sa balikat nito at humakbang papalayo.
"Who the fuck are you?!"









Gabb smirked with her cold eyes, the cold  wind rumble her silky hair, the moonlight hit her skin, she's glowing, she's like a goddess from that view.

"Lets say I'm from the future and I saw how Coleen's life become miserable  after she ended up with you." She said.








"Crazy woman!" Sigaw nito at nagmadaling pumasok pabalik sa venue.






"No, you are the crazy one here. You're just hiding on your prince charming mask." Nakangising bulong ni Gabb habang nakasunod ang tingin kay josh.










Agad  lumapit si Bruno kay Gabb.

"Gabb! Gabb!" Tawag ni Bruno dito pero nakatulala pa rin si Gabb habang nakangisi sa direksiyon kung saan naglakad si josh.









"Gabb!" Malakas na sigaw ni bruno.







"Uhh? Anong nangyari?" Takang tanong ni Gabb at napahawak na lang sa batok niya.

"Nasaan ako?" Sunod na tanong nito.







"Gabb si  Coleen!" Sambit ni bruno.








"Oonga pala!" Agad na tumakbo papasok si Gabb pero bigla siyang hinarang ng mga gwardiya.






"Ops!"







"Waitress ako dito, papasukin niyo ako." Pagpupumilit ni Gabb.







"Sorry miss, ban ka sa event na to. Gabrielle skribikin right?" Sabi ng isa.








Wala ng nagawa si Gabb kundi umatras na lang at magisip ng paraan para makapasok.

"Gabb! Dito!" Tawag ni bruno, may dala dala itong foodcart na pwedeng gawing taguan ang loob dahil may nakaharang naman na puting tela dito.







Agad itong lumusot sa loob ng foodcart.
"Bruno! Nasaan si Coleen!?"









"Hindi ko alam, hanapin natin. Sa ngayon magtago ka muna diyan. Hangang sa mapasok na kita." Bruno.





JOSH' POV

"From the start you didn't love her at all. You're just obssesed with her..

..Everything you felt for her is just an obsession."







"That damn Woman!"  Hindi ko namalayang nabasag ko na lang itong hawak kong baso ng wine sa sobrang inis ko.







"Josh, are you okay?" Biglang tanong ng tatay ni Coleen.







"Y-yes, tito."







"You need to get change, I'm about to announce something special." Mr. Trinidad.





COLEEN's POV.

"Ayoko ngang suotin yan!" Sigaw ko sa dalawang babaeng ito na kanina pa pinipilit sakin ang mga dress na hawak nila.








"Miss, ginagawa lang po namin ang trabaho namin." Sambit ng isa.








"Miss, matatangal po kami paghindi po namin nagawa yung utos ni sir." Pagmamakaawa naman ng isa.







Hindi pa rin pala siya nagbabago, wala pa rin siyang pagpapahalaga sa mga tao.

"Fine, Ako na ang magsusuot, lumabas na muna kayo." Sambit ko at tinangap na yung dark red na dress.









Natapos ko ng suotin itong dress at high heels na pinapasuot nila, napansin kong wala paring tao.










Naisipan ko na lang tumakas, agad akong lumusot sa malaking kurtina at patagong lumabas ng pinto. Biglang may humawak sa braso ko.


"Dad!"








"Sumunod ka na sa akin sa stage, mag start na ulet yung announcement." Sambit nito at hinila ako pataas ng stage.








Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang, kung alam ko lang na sakaniya tong event na 'to hindi na dapat ako pumunta.

"I want to go home." Inis na bulong ko.







"Maraming camera ang nakaharap sakin, wag mo akong ipahiya." Bulong nito.






Napuno nang sigawan ang buong venue ng sabay sabay kaming tumayo sa stage.




Ang gandaaa ni miss Coleen!




Ang gandaa!




Ang ganda ng lahi ng mga trinidad.





Napatingin naman ako sa katabi ko, nandito nanaman 'tong si Josh. At nandito rin si ate abby. Feeling ko na set-up ako.





Gabb, nasaan ka na?








GABB's POV.

"Gabo, nasa stage si Blaster." Pabulong na sabi ni bruno.






Agad ko namang nilabas ang ulo ko para silipin ito.

"Ops! Kalma! Wag ka muna magpadalos dalos! Kaylangan mong magtago." Biglang sabi ni bruno at tinulak ang ulo ko papasok.






Nagpatuloy lang siya na itulak ang cart hangang sa makalapit na kami sa stage.






THIRD POV.

"Dad no.." she keeps begging to her father. "I don't want to marry him, dad.."






Her dad whispered to her ear.
"You need to keep calm, smile infront of the cameras, wag mo kong ipahiya."






She pulled a smile on her lips.

"Why you keep doing these?" She whisperly asked the man standing besides her.







"I'm sorry, Coleen." Bulong ni josh at mabilis na hinawakan sa bewang si Coleen na para bang pagmamay ari niya ito at ngumiti rin sa camera.








Nabaling ang pansin ng nakararami nang may marinig silang sumisigaw, agad na nakilala ni Coleen ang nagmamay ari ng boses na iyon. Agad siyang humakbang papunta roon pero mabilis na nahagip ng ama ang kanyang braso.

"Bitawan niyo kooo!" Pagpupumiglas ni Gabb sa mga gwardiya.








"Coleen!!" Malakas na tawag ni Gabb sa pangalan nito, hindi niya gustong mag eskandalo pero nung makita niyang nakahawak si josh kay Coleen hindi niya na napigilan ang sarili niya.







"G-gabb." Bulong ni Coleen.






Agad na tinangal ni Coleen ang kamay ng kaniyang ama na nakahawak sa braso niya at muling humakbang.

"Gabb!" Sigaw nito.







"Josh do it!" Utos ng ama ni Coleen.






Josh suddenly pulled Coleen's wrist and kissed her infront of the  audience, Infront of gabb's eyes.



The crowds started to applause  as if they watching a romantic scene.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

354K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
26.8K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
11.5K 427 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...