The Man Next To My Room

By darlinreld

55.1K 3.4K 1.2K

Red Alexus Sibal More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 14

1.3K 100 32
By darlinreld

Gaya nang plano namin ay kumain muna kami ng dinner. Siya na ang nagpresintang mag bayad pero hindi ako pumayag. Nag 50/50 kaming dalawa dahil gaya nang sabi ko ayaw kong siya lahat ang sumagot. Dalawa kami dapat dito. Si Oscar lang dapat ang exempted dahil siya ang bunso at isa pa kakahithit lang sakaniya nung mga kapatid niyang mga mukhang pera kaya wala siyang kapera pera ngayon. Naaawa talaga ako sakaniya kapag naiisip ko ang pang aabuso nila. Nakaka inis e.


"Sindihan mo na."

Inabot ni Alexus ang lighter kay Oscar at pinaliyab ang mga kahoy sa harapan namin. Gaya nang napag usapan ay nandirito kami sa buhanginan. Nag bonfire kami habang umiinom.

"Huwag ka masyado uminom, Os. Baka malasing ka." Bawal ko sakaniya.

"Okay lang 'yan." Pagsasalungat naman ni Alexus sakaniya.

"Anong okay? Baka mamaya matumba siya rito."

"Edi bubuhatin ko. Ang dali dali lang e."

"Sulsol ka no?" Inis na sabi ko pero nginitian niya lamang ako.

Bumili rin siya ng barbque kanina sa restaurant na siyang tinake out namin. May mga chips din dito na nagsisilbing pulutan naming tatlo.

"Minsan ayain din natin sila Lolo at Lola na magbeach. Kapag okay na ang mga tuhod ni Lola Esther. Kahit doon lang tayo sa malapit sa'tin."

"Oo nga. Gusto ko rin sila maka bonding." Sagot ni Oscar kay Alexus.

"Sige. Kakausapin ko si Lola Esther. Puntahan ko siya bukas pagka uwi at hihilutin ko siya kapag masakit pa rin ang mga tuhod niya." Nakangiti na sagot ko.

"Wala yata sila Kuya Harry? Hindi ko pa sila ulit nakikita?"

"Huwag mo nang hanapin baka mamaya biglang sumulpot e."

"Ang sama mo." Puna ko sakaniya habang natatawa. Hindi ko alam kung anong meron kay Harry at naiinis siya. Attitude din 'to e.

"Mas gwapo ka naman don, Kuya. Huwag kang mag alalala." Pang uuto ni Oscar na mabilis ko namang sinang ayunan.

"Oo nga."

"Nagagwapuhan ka pala sa'kin? Akala ko hindi." Nakangiti na sabi nito.

"Pwede na." Pang aasar ko at hindi ko maiwasang matawa nang mawala ang ngiti sa labi nito. "Joke lang. Gwapo mo nga e. Kaya iyo ako e."

Bigla siyang tumingin sa kabilang banda at pansin ko ang pagpipigil ng ngiti niya. Tinignan ko si Oscar para pagmasdan siya at nakangiwi lamang ito habang pinapanood kami.

"Akala ko ba magkaka kapatid tayo rito?" Tanong niya sa amin saka naman biglang sumeryoso ang mukha ni Alexus.

"Oo nga. Magkapatid tayo tapos kapatid mo rin si Ste." Sagot ni Alexus.

"E si Ate Ste, kapatid mo rin?"

"Syempre." Mabilis na sagot niya at napakunot ang noo ko. Kadiri! May mag kapatid bang nagki-kiss?!

"Syempre hindi." Pagpapatuloy niya saka niya ako inakbayan. "Asawa ko 'to e."

A-asawa? Anong asawa?!

"Ayiieee!" Biglang tili ni Oscar at para siyang sira ulo na nangingisay sa harapan namin.

"Di ba?" Tanong ni Alexus at pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko dahil don.

"E-ewan ko sa'yo!" Kinakabahan na sabi ko atsaka ako napainom ng alak nang wala sa oras. Bwisit.

"Asawa na pala agad. Ang bilis niyo rin. Speed lang mga Ate at Kuya no?"

"Huwag kang gagaya sakaniya, Oscar. Iba rin e."

"Bakit ayaw mo ba?"

Nilalandi niya na ba ako nang harap harapan at ang matindi ay may audience pa? Si Oscar pa talaga ang nakakakita at nakakarinig sa amin ngayon.

"Gusto niya 'yan, Kuya. Reklamo nga nang reklamo 'yan noon na wala raw siyang boyfriend. Ayan na. Dininig na ang hinaing mo, Ate. Asawa na ang binigay hindi na boyfriend. Mag pasalamat ka."

Hindi ko na alam kung kanino ba kampi si Oscar. Kung sa akin pa ba o kay Alexus na? Pati ako ay inookray niya na.

"Akala ko ba maraming nagkakagusto sa'yo? Bakit wala kang binoyfriend?"

"Kanino mo naman nalaman 'yan?"

"Kina Lolo Carding."

So pinag uusapan pal nila ako? Aba't pati yata si Lolo Carding ay nakakampi na sa lalaking 'to.

"Choosy siya, Kuya. Ikaw pala ang type. Pinag selosan nga rin 'yan ni Ate Margo e." Tumatawa na sabi ni Oscar.

Napangiwi na lamang ako nang maalala 'yon. Gagong Mikmik kasi dahil pati ako dinamay sa mga kalokohan nila.

"Nagka gusto sa'yo si Mikmik? Kaya pala mabait sa'yo."

"Hindi ah! Pinagtripan lang ako para mapaselos si Margo. Baliw 'yun e."

"Pero hindi mo naman siya gusto?"

"H-hindi no." Sagot ko at iwinaglit na lamang sa isipan ko 'yon.

"Alexus lang malakas." Tumatawa pa rin na sabi ni Oscar.

"Lakas ko naman pala."

Kinulong niya ako sa mga bisig niya saka niya hinalikan ang pisngi ko. Mabilis ko siyang binawal dahil nakaharap sa amin si Oscar. Baka mamaya e gayahin siya nang bata though alam ko naman na wala pa sa isip 'yon ni Oscar. Alam niya ang priority niya sa buhay.

Ipinagpatuloy namin ang pag iinom. Nagpaplano na kami nang sunod naming gala sa susunod na buwan. Gusto ni Alexus ay kada buwan ay may mga pinupuntahan kami. Quality time daw. May nalalaman pa siyang ganon e. Pero maganda rin naman 'yon para dagdag memories, 'di ba?

"Ang saya niyo naman."

Sabay sabay kaming napalingon nang may mag salita sa likuran namin. Mabilis kong inalis ang kamay ni Lexus na naka akbay sa akin nang makitang si Mikaela pala 'yon habang may kasama na isang babae. Kaibigan niya 'to malamang.

"Hi, Mika. Shot?" Alok ko sakaniya pero umiling lamang 'to.

"We're also drinking. Doon." Sagot niya atsaka niya tinuro ang kubo na hindi naman kalayuan sa lugar namin.

"Ah, okay." Nakangiti na sagot ko. "Enjoy kayo."

"Pasok muna kami sa hotel, Ate."

"Sige, sure."

Iniwan na nila kami at napadaan lamang talaga sila. Kung kanina pa pala sila ron sa pwesto nila, hindi kaya kanina pa nila kami nakikita rito? Maliwanag pa naman din dito sa lugar namin at nasa may bandang gitna pa kami.

"Ba't mo inalis ang kamay ko?" Tanong bigla ni Alexus at napatingin ako sakaniya.

"Syempre nandiyan si Mika. May gusto sa'yo 'yung tao."

"E ano naman? May masama ba ron?"

"Wala naman. Pero ayoko lang siyang makaramdam ng selos o ano."

Alam kong mabait siya pero ayoko namang mainis siya sa akin. Baka isipin niya inaagaw ko sakaniya si Alexus which is hindi naman. Oo, wala silang relasyon pero gusto ko paring maging sensitive sa part na 'yon.

"Wala naman siyang magagawa kung ikaw ang gusto ko." Deretsong sabi niya na ikinagulat ko. Tama ba ang narinig ko?

"G-gusto mo 'ko?" Nauutal pa na tanong ko.

"Oo, bakit? Hindi mo alam?"

"Ang gulo niyo." Dinig kong bulong ni Oscar sa harapan namin. "Uminom nalang kayo mga Ate at Kuya. Mamaya niyo na pag usapan 'yan."

Hinarap ko na lamang ang apoy at kasabay nang pagliyab nito ay ang pag init ng pisngi ko. Hindi maalis sa isipan ko ang mga salitang 'yon. Gusto niya ako. He likes me! Punyeta! Legit.


Nang maubos na ang alak namin ay pinatay na namin ang apoy. Nagligpit muna kami saka namin itinapon ang mga basura. Kung inaalagaan ng Mayor namin ang siyudad na 'to, syempre dapat kami rin. Malaki rin kasi ang multa kapag nahuli ka at napatunayan na nag kalat. Ganon sila kaselan which is tama naman para sa akin. Nature ang number one priority dito.

"Tara na?" Aya ni Oscar sa amin na pulang pula ang mukha. "Inaantok na ako." Humihikab pa na sabi nito.

Naglakad na kaming tatlo at buti naman kaya pang mag lakad ni Oscar. Hindi pa man kami nakakalayo nang biglang may tumawag nang pangalan namin.

"Ate Ste! Come here for a while!" Sigaw ni Mikaela sa amin. Kapag talaga lasing 'to, napaka ingay niya.

"Tawag ka, Ate. Ste raw. Papasok na ako." Bulong ni Oscar pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Sabay sabay tayong matutulog."

"Iihh."

Hinila ko na lamang siya at naglakad papalapit sa kubo kung nasaan sila Mika. Dinig ko ang malakas na mga tawanan pati ang sounds nila nang makarating kami sa pwesto nila.

"Matutulog na kayo?" Nakangiti na tanong niya saka ako ngumiti pabalik.

"Oo sana e. Inaantok na 'tong isa."

"Who?" Tanong niya saka niya tinignan si Lexus na tahimik lamang sa likuran ko.

"Si Oscar."

"I'll introduce you three sa mga friends ko muna." 

Hinila niya ang kamay ko saka ko napatayo sa may entrance nang kubo nila. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil ang dami pala nila. Nasa sampu siguro sila?

"Guys, this is my Ate Ste pala. She's a family friend of us. And this one is Oscar." Masaya na pagpapakilala niya sa amin.

"Hello sa inyong lahat." Bati ko sa mga kaibigan niya at bumati rin si Oscar na lumalaban sa kaantukan niya.

Binati rin naman nila ako pabalik at mukha naman silang mababait. Hindi naman sila mukhang matapobre or what. Alam kong mayayaman din 'tong mga 'to. Sa itsura palang e.

"What about the guy at her back? What's his name?" Tanong ng isang babae naka titig kay Alexus na tahimik pa rin.

"Oh, he's Kuya Alexus. A friend of mine too."

Hinila niya si Alexus at itinabi niya ito sakaniya. Napatingin ako sa kamay niyang nakasabit sa braso nito. Mabilis ko namang inalis ang paningin ko ron dahil baka kung ano pa ang isipin nila sa paninitig na ginagawa ko.

"Wait. Is he the Alexus you're always talking about?" Tanong ng isa na halatang kinikilig. "Omg! Now I understand why!"

"Super gwapo naman pala talaga. We get you now, Miks."

Nag tawanan silang mga mag kakaibigan at pati ako ay nakitawa nalang din. Samantalang si Oscar at Alexus ay walang imik. Malamang dahil inaantok na si Oscar pero hindi ko alam ang rason nang kay Lexus.

"Stop it nga guys. Nakakahiya kayo." Bawal ni Mika sa mga kaibigan nito.

"NBSB 'yang friend namin, Kuya."

"Mabait 'yan saka matalino. Hindi ka lugi riyan." Pangangantsaw pa rin ng mga kaibigan niya.

"Wait, so this is the Ste naman na bukambibig ni Harry? The Stephanie na na-meet niya sa falls?" Tanong nanaman ng isa at sa'kin naman nabaling ang atensyon nilang lahat.

"Yes, she is." Sagot ni Harry na nakatingin sa akin habang umiinom. Nandito pala siya? Hindi ko siya napansin kanina.

"Kaya naman pala bumabyahe nang pagka layo layo."

"Ate Ste, mabait din po 'tong si Harry. Babaero nga lang po." Sabi ng isang lalaking kaibigan nila na katabi nito.

"What? I am not!" Saway niya. "Ste, huwag kang maniwala sakaniya. He's just joking."

"Ay ayaw masira ang pangalan. Gusto sigurong pormahan?" Hirit pa ng isa. Hindi ko na alam kung paano ba ako ngingiti ngayon. I feel so awkward. Ikaw ba naman asarin nang harap harapan. Jusko!

"Oo. Sinabi niya sa akin na gusto niya si Ste at liligawan niya raw 'pag may cha-" hindi na natapos pa ang sasabihin ng isa pang lalaki nang biglang takpan ni Harry ang bibig nito.

Tumingin siya sa akin na para bang hiyang hiya siya. Ngumiti na lamang ako pabalik para ipahiwatig sakaniya na ayos lang. Mabilis kong sinulyapan si Alexus at nakita ko kung paano niya inalis ang pagkakahawak ni Mikaela sakaniya. Napatingin din sakaniya si Mika habang lumapit naman ito sa pwesto ko.

"Ste, inaantok na 'ko." Bulong niya.

"You'll go ahead na?" Tanong ni Mika sa akin.

"Inaantok na. Inaantok na rin 'tong si Oscar. Pasensya na ha." Sagot ko sakaniya.

"Yes sure. No problem. Go ahead na. Pahinga na kayo."

Nginitian ko na lamang siya at nagpaalam sa mga kaibigan niya. Inasar pa muna nila kami bago tuluyang pakawalan. Nang makalayo na kami sakanila ay pansin ko ang sunod sunod na paghikab ni Oscar. Antok na antok na talaga 'to.

"Akala ko hanggang mamaya pa tayo ron." Bulong niya habang kinakamot ang ulo nito.

Naghintay kami sa tapat ng elevator at hinintay na bumukas ito. Sa third floor pa kasi ang kwarto.

"Ang tagal." Reklamo nanaman ni Oscar atsaka ko na lamang siya inakbayan. Sinandal naman nito ang ulo niya sa balikat ko.

"Malapit na po." Bulong ko habang nakangiti. Ang cute lang e.

Tumunog ang elevator at bumukas ito. Unti unti namang nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang may babaeng nag cecellphone don. Napatakip ako sa bibig ko at napaatras nang tuluyan siyang mamukhaan. Itatago ko na sana ang mukha ko at tatakbo pero huli na dahil nakita niya na ako. Bakas din ang gulat sa mukha nito nang magtama ang paningin namin.

"Aurora." Gulat na tawag niya sa pangalan ko. Napalunok ako nang lumabas siya nang elevator habang titig na titig sa akin.

"A-Ate Aven." Takot na tawag ko sa pangalan niya.

Sinulyapan niya nang tingin ang dalawang lalaking kasama ko bago ito bumalik ulit sa akin habang naka ngiti.

"So nandito ka pala talaga? Ang sabi wala ka rito."

"A-Ate, please." Pagmamakaawa ko agad sakaniya.

Bumagsak ang mga luha sa mata ko dahil sa takot na baka isumbong niya ako. Baka sabihin niya sa pamilya ko na nandirito talaga ako at bigla na lamang nila akong kunin. Hindi pwede 'yon!

"No. I will tell them that you're here."

May pinindot siya sa cellphone niya at aagawin ko na sana nang ilayo niya ito sa akin. Tinulak niya ako at muntik na akong matumba kung 'di lang nahawakan ni Oscar ang braso ko.

"Ate Aven, please! Huwag mong sasabihin kina Kuya!" Sigaw ko.

Asawa siya ng kuya ko at malamang ay magsusumbong na ito na nandirito ako. Gusto ko pa ring mag makaawa sakaniya kahit malayong mangyari na pagbigyan niya ako.

"Ang tagal tagal na nilang naghahanap sa'yo kaya sasabihin ko na nandirito ka lang pala!"

"Ate please. Nagmamaka awa ako." Umiiyak na sabi ko.

Akmang lalapit na sana ako sakaniya nang pigilan ako ni Alexus. Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko saka niya tinignan si Oscar.

"Oscar, pumasok na kayo ron sa kwarto. Ako nang bahala rito. Isama mo si Ste."

"Ano? Hindi pipwede, Alexus!"

Tinignan ko si Ate Aven nang may kausapin ito sa cellphone niya. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Kuya.

"Philip."

Inagaw bigla ni Alexus ang cellphone sakaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang ibato niya ito sa kung saan at nagkahiwa hiwalay ang cellphone. Gulat din na napatingin si Ate Aven kay Alexus at alam kong sasabog na ito sa galit.

"What did you do to my phone?! You jerk!" Sigaw niya at hindi nga ako nagkamali.

Pinulot ni Ate Aven ang cellphone nito sa may sahig at sinulyapan ako ni Alexus. Ngumiti siya sa akin saka niya pinunasan ulit ang mga luha ko.

"Go to our room. Ako nang bahala. I got this."

"P-pero baka isum-"

"Sshh. Trust me, Estephan. Just trust me." Bulong niya saka niya tinignan si Oscar. "Os, punta na kayo sa kwarto. Huwag na huwag kayong lalabas habang wala pa ako. Hintayin niyo 'ko."

Hinila ni Oscar ang kamay ko papuntang elevator. Sumakay kami ron at mabilis niyang pinindot ang third floor. Nang sumara ang elevator ay nakita ko pang sinisigaw sigawan ni Ate Aven si Alexus. Ano kayang gagawin niya?! Paano niya mapipigilan 'yon? Paano niya kukumbinsihin ang isang taong hindi niya naman kakilala? Ako nga hindi niya mapag bigyan, siya pa kaya?


Pumasok kami ni Oscar sa kwarto at mabilis niya akong binigyan ng tubig. Pinapatahan niya ako sa pag iyak at pilit na pinapa kalma. Hindi ko alam kung maikakalma ko ba ang sarili ko sa nangyaring 'to. Paano nalang kapag nalaman ng pamilya ko na nandirito talaga ako? Natakasan nga namin 'yung una, matatakasan din ba namin 'tong pangalawa?


"Ate, paano na 'yan? Paano pipigilan ni Kuya Alexus 'yon?" Kinakabahan din na tanong ni Oscar sa akin.

"Hindi ko rin alam." Pag amin ko.

Hindi ko alam kung sa paanong paraan niya idaraan ang pag resolba nito. Pa ulit ulit na lamang akong nagdasal habang hinihintay si Alexus sa pagbalik niya. Kung 'yung dalawang lalaki ay nauto niya, mauuto niya rin kaya si Ate Aven? Palagay ko ay hindi.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at mabilis na tinawagan si Carlo. Kailangan ko siyang sabihan. Kailangan niyang mag masid sa pamilya ko para alam ko ang gagawin ko.


"Shit." Mura ko nang hindi ko siya ma contact. Baka may flight 'to.

"Kumalma ka muna, Ate. Ang sabi ni Kuya siya raw ang bahala e. Hintayin natin siya. Saka na lamang natin problemahin kapag nakabalik na siya rito."

Umupo na lamang ako sa kama habang nakadukmo ang mukha ko sa mga braso ko. Tahimik akong nagdasal na sana maging okay ang lahat. Na sana magawan ni Alexus ng paraan kahit napaka imposible.




Halos mag iisang oras na ang lumipas pero wala pa rin si Alexus. Mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal na hindi pa rin siya dumarating.

"Lalabas na ako." Paalam ko kay Oscar na nakasandal na sa pader habang namumula ang mga mata nito. Imbes na makatulog na siya at nagpapahinga ay kasama ko pa tuloy siyang namomroblema.

"Huwag raw tayong lalabas." Sabi nito pero umiling ako.

Hindi ako mapapalagay habang wala rito si Alexus. Bubuksan ko na sana ang pinto nang maunahan ako. Kusa itong bumukas at bumungad sa akin si Alexus. Ngumiti ito sa akin saka siya tuluyang pumasok sa loob.

"Nasaan na si Ate Aven?" Tanong ko sakaniya. "Kinausap mo ba? Napapayag mo ba? Susumbong niya ba ako? Kukunin na ba ako? Ano?" Umiiyak na tanong ko.

"Tsk. Ba't ka ba umiiyak?"

Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko saka niya sinulyapan si Oscar.

"Matulog ka na, Os. Salamat. Okay na. Huwag ka na ring mamroblema."

"O-okay na?" Tanong ko sakaniya.

"Oo, okay na. Kaya huwag ka nang umiyak dahil hindi na siya magsusumbong sa Kuya mo."

Humiga siya sa kama at mabilis akong lumapit sakaniya. Paano niya napapayag si Ate Aven na huwag mag sumbong? Imposibleng mapapapayag niya 'yon lalo na't isa siya sa mga naghahanap sa akin noon. Tumayo siya ulit sa kama saka niya pinatay ang ilaw.

"Matulog ka na. Magpahinga na tayo. Natutulog na si Oscar." Mahinang sabi nito saka niya ako hinila pahiga sa tabi niya.

"Alexus, tinatanong kita. Paano mo siya napapayag?"

"Magic." Bulong nito saka niya ako kinulong sa mga bisig niya.

Magic? 'Yon din ang binigay niyang sagot sa akin noong tanungin ko siya tungkol sa dalawang lalaki na nagmamasid sa bahay. Anong magic?

"Magic? Niloloko mo ba 'ko?"

"Hindi."

"E anong magic ang sinasabi mo?"

"Ang mahalaga ayos na, Ste. Saka 'di ba sinabi ko naman sa'yo na hangga't kasama mo ako, hindi ka makukuha ng pamilya mo."

"P-pero kasi h-

"Huwag ka nang maraming tanong. Okay na. Nagawan ko na ng paraan. Period."

Mabilis niyang dinampian ng halik ang labi ko at mas lalo niya akong kinulong sa mga bisig niya. Yinakap ko na lamang siya pabalik at siniksik ang sarili ko sa dibdib niya.

Naguguluhan ako habang ang daming tanong na pumapasok ngayon sa isipan ko. Sobrang nahihiwagaan ako sakaniya kung paano niya nagagawang huwag ako isumbong ng mga taong nakakakita at nakaka alam tungkol sa akin. Magic ba talaga? Paniniwalaan ko ba ang sagot niyang 'yon sa'kin? Hindi ko alam!

"Ste." Bulong niya sa pangalan ko.

"Hmm?"

"Handa akong gawin lahat para sa'yo, basta't huwag mo 'kong iiwan."

Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Ang dami ng pumapasok sa isipan ko at dumagdag pa ito ngayon. Bakit niya sinasabi ito sa akin ngayon?

"Hindi naman kita iiwan." Sagot ko.

"Pangako?"

"Pangako."

Ang pag tulong niya sa akin na itago ako at pakiusapan ang mga nakakaalam na nandirito ako ay malaking tulong sa akin. Kung ang hindi ko pag iwan sakaniya ang magiging kapalit, ay handa akong ibigay 'yon sakaniya.

At isa pa, wala rin naman akong balak iwan siya. Parte na siya ng buhay ko at nasanay na akong nandiyan siya parati.

"Matulog ka na. Ayokong mag iisip isip ka pa nang kung ano." Mahina at mabagal na bilong niya sa tenga ko habang nilalaro nito ang buhok ko.

"O-okay." Sagot ko.

At sa hindi ko malamang dahilan ay kusang bumagsak ang mga mata ko nang maramdaman ko ang antok.

"Good night, Estephan."

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 107K 45
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 8/18/20 #2 - Adventure 12/27/20 ...
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
233K 9.6K 40
Alluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Cre...