Playboy

By soziologie

1.4K 95 20

Want to win against a playboy? More

Playboy
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12

C1

351 15 4
By soziologie


Maingat kong inilipat ang pahina ng librong aking binabasa. Binigay ito sa akin ng aking yumaong ina noong ika-sampung taong kaarawan ko kung kaya't iniiangatan ko itong mabuti. Kahit na paulit ulit ko nang nabasa ang aklat na ito ay hindi pa rin ako nagsasawang basahin ito. Sa oras kasi na sisimulan ko uling basahin ang libro ay mas nauunawaan ko lalo ang bawat pangungusap. It's feels like it never gets old.

Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko nang bigla kong naramdaman ang tawag ng kalikasan. Marahan akong tumayo sa kinauupuan ko at dumiretso sa dulong bahagi ng eroplano para gumamit ng rest room. Iyon nga lang, occupied pa ito kung kaya't nagdesisyon akong maghintay na lang sa bandang gilid.

Ipinagkrus ko ang aking mga braso habang hinihintay ang kung sino mang gumagamit noon. Pakiramdam ko ay kaunting kaunti na lang, sasabog na ang pantog ko. Asar.

Bumilang ako hanggang tatlumpu at sa kabutihang palad ay lumabas na ang kung sino mang lapastangan na napaka-tagal gumamit ng rest room. Hindi ko na tinignan ang kanyang mukha ,kahit na dapat ay ginawa ko iyon nang maresbakan ko pagkalabas ng rest room, dahil nagmamadali na talaga ako.

Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay agad akong bumalik sa aking kinauupuan. Pero bago pa man ako tuluyang maka-upo sa upuan ko ay may humigit sa aking braso.

Nilingon ko ang lalaking nakaupo at binigyan ng nagtatanong na tingin, "Bakit po?"

Agad niyang binitawan ang aking kamay at humingi ng despensa, "Sorry."

Tumango ako at dumiretso na sa aking upuan. Binalewala ko na lamang iyong ginawa nung lalaki at muling nagbasa.

Ilang oras na lang at malapit na akong makabalik sa Pilipinas. Ilang taon na rin akong naninirahan sa San Francisco at ngayon ko na lamang muling makikita ang hometown ko. Bukod pa doon ay mag-ta-transfer na rin ako ng school dahil sa mas gusto kong makatapos ng pag-aaral dito. Isa pa, wala naman na akong kasama sa mansyon kaya mas mabuting bumalik na lang ako dito. At least, makakasama ko pa si Manang Sina na itinuturing kong pangalawa kong ina.

"My bounty is as boundless as the sea,

My love as deep; the more I give to thee,

The more I have, for both are infinite."

I read that part mentally with a sigh. Still, I can't find the true meaning of that statement because I haven't experienced it firsthand.

****

Matapos ang napakahabang biyahe, sa wakas ay nakalapag na rin ang eroplanong aking sinasakyan. Nagmamadali kong kinuha ang mga bagahe ko dahil nais ko nang makauwi.

Kabisado ko pa rin naman kung ano ang address ng aming bahay kaya kahit mag-taxi ako ay okay lang.

Isang back pack at luggage bag lang ang dala dala ko. Puro chocolates at damit na pasalubong ko lang sa mga tao sa bahay ang laman nito. Mayroon din akong mga damit dito pero karamihan, puro mga pasalubong. Gusto ko kasing regaluhan ang mga taong naglilingkod pa rin sa amin kahit wala na si Mommy.

Suot ang black cap at black mask, malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at nagsimula nang maglakad. Sana naman ay makakuha ako agad ng taxi para makapagpahinga na ako. Nakakapagod din kasi kahit naka-upo ka lang sa eroplano. Ilang oras din yun at pakiramdam ko, binugbog ako ng maraming tao.

Lumabas na ako ng main gate ng airport at nag-abang ng taxi, nakatuon lang ang atensyon ko sa mga lumalampas na sasakyan sa aking harapan. Ngunit napabalikwas ako nang may marinig akong sumigaw.

"Ayun si Sir Hunter! Bilisan niyo!" Sobrang lakas ng boses nila at napakaraming yabag ng mga paa ang naririnig ko. Nagulat na lang ako ng napansin kong papalapit sila sa direksyon ko.

What now? Shit. Paparazzi are coming like a bee swarm. I felt bad para sa kung sino mang sinusundan nila. They should get a life!

Pero mas lumaki ang mga mata ko, kahit na kanina pa nanlaki ang mga mata ko, dahil sa ako ang pinalibutan nila.

"Sir, nasaan po si Sir---"

"Hunter, how's your stay in---"

"Bakit 'di niyo po kasama---"

Narindi ako bigla dahil sa mga tanong nila. Hindi ko naman sila kilala at tsaka bakit ako ang napili nilang pagtripan? Naiipit na ang mga gamit ko at sunod sunod ang pagbunggong ginagawa nila sa likuran ko. Pakiramdam ko, natunaw na lahat ng chocolates at sumisirit na iyon mula sa bag ko.

Marahas akong nagpumiglas sa kanila, "Wait a minute!"

Unti unting humina ang ingay na ginagawa nila at mataman akong tinignan. Animo'y inaabangan talaga nila ang sasabihin ko. Good. Buti naman pala at importante pa rin ang opinyon ko.

"First of all, hindi Hunter ang pangalan ko. Nagkakamali kayo ng taong ginugulo." Pinagtuturo ko sila dahilan para mapaatras ang iba. Pero 'yung iba, wala na talagang pag-asa.

Biglang may humatak sa akin papaalis doon. Magpupumiglas pa sana ako pero hindi ko na lang ginawa dahil napakalaki ng kamay niya. Napapikit muna ako bago nag-angat ng tingin. 

Shit.

Body builder ata 'tong lalaki o 'di kaya, sumo wrestler. Nakakatakot talaga. Pakiramdam ko, mapuputol ang aking kamay dahil sa pagkakahawak ko. Bukod pa doon, naka-shades siya. Mukha siyang myembro ng Mafia.

God! Ano 'tong pinasok ko? Ito na ba ang sinasabi nilang alagad ng Mafian Boss sa mga fan fictions? Sinasabi ko na nga ba, dapat 'di ko na triny basahin ang fan fictions dahil corrupted na ang isip ko. 

"'Wag kang matakot. Sina boss ang bahala sa'yo." Sabi ng lalaki na nanatiling nakatingin ng diretso at ni hindi man lang ako binalingan habang nagsasalita, kung sabagay, yung height ko... nevermind.

"I don't want this to happen again. 'Wag kayong mandamay ng ibang tao dito. Tignan niyo, dinamay niyo yung bata dahil akala niyo, ako yun. Pwede kayong kasuhan nung bata dahil sa ginagawa niyo. Don't even think that I am not aware of who your bosses are. Don't even think that I don't know the law!" Rinig kong sermon ng isang lalaki sa mga reporters na nang-harass sa akin. Hindi ko siya makita dahil sa mga nakapaligid sa kanya but I am sure, ang lalaki sa harapan ko ay isa sa mga bodyguard niya.

Nang marealize ko na hindi pa rin pala ako nakakagalaw nang maayos dahil sa braso ko ay nagsimula na akong magsalita.

"Ah, Kuya..." Panimula ko.

"Ano yun?" Tanong niya at tulad ng kanina, hindi niya pa rin ako tinitignan.

"Pwede po bang bitawan niyo na ako?" Tanong ko gamit ang mahinang boses.

Agad naman niyang binitawan ang braso ko na pakiramdam ko ay matatanggal na ang mga muscles at mababali na ang joints ko. Ilang saglit pa ay nagsi-alisan na ang mga reporters at ang lalaking kausap nila kanina lang ang naiwan.

Nakasuot siya ng jeans at plain white shirt. Parehas na parehas ang get-up naming dalawa. Bukod nga lang sa kulay ng buhok naming dalawa, ang sa kanya ay pure black samantalang ang akin ay dark brown. Ganun din sa sapatos pero parehas lang ng brand. Marahan siyang lumingon sa direksyon ko at napaawang ang bibig ko.

Wait, he can pass as my relative. Ito na ba ang sinasabi nila na one in a one trillion chance to have someone look like you? 

Alam kong hindi na maipinta ang aking mukha sa mga oras na ito. Para kasi akong nakakita ng multo dahil sa kamukhang kamukha ko talaga siya. Kung hindi lang magkaiba ang kulay ng aming buhok, masasabi kong kakambal ko na siya. Kaya lang, sure ako na walang ibang anak si Mama at Papa. 

Naglakad siya patungo sa aking kinaroroonan at napako lamang ang tingin ko sa kanya. Nang makalapit siya ay doon ko lang napansin ang mga marka sa kanyang mukha. Signs of aging ika nga nila pero bukod doon, baby-faced talaga siya. Siguro ay mga ilang taon lang ang tanda niya sa akin.

"Sorry sa nangyari kanina ah? Nadamay ka pa," Panghihingi niya ng despensa habang paulit ulit na iniyuyuko ang ulo. May lahi ata siyang Japanese dahil sa ginagawa niya.

"Okay lang po," I replied and flashed a smile.

"Wag mo akong pino-po. Hindi naman nagkakalayo ang edad nating dalawa. Hunter Vegallenza is the name." He flashed an eye smile at doon ko lang na-conclude na magkaibang magkaiba kaming dalawa ng personality. Magsasalita pa sana ako ng biglang may dumating na lalaki at niyakap mula sa likuran si Hunter.

"Ugh. Umayos ka, Lulu. May bata o." Saway niya sa lalaking nasa likuran niya pero alam kong kinikilig siya at ang pamumula ng kanyang mukha ang isa sa mga sign niyon.

"I don't care about them," He replied, nevertheless, iginilid niya ang kanyang mukha, na ngayon ay nakasandal na sa balikat ni Hunter para sipatin ako ng tingin. I gave him a surprised look. Siya iyong kasabay ko kanina sa eroplano na hinatak ako. Naalala niya rin siguro ang nangyari kung kaya't umalis siya sa pagkakayakap at hinarap ako.

"Sorry kanina. Ako nga pala si Lucian." He offered his hands at tinanggap ko iyon.

"Trace," I replied. He looks fine though. Kung si Hunter ay doe-eyed, si Lucian naman nasa kalagitnaan na ng almond eyes. Matangkad din siya katulad ni Hunter pero mas matangkad siya kumpara rito. Both of them have fair complexion and I must say that they really look good together, if they ever had an affair.

"Wait, magkakilala kayo?" Hunter inquired with an amused expression.

Sinulyapan naman siya ni Lucian, "Yes, babe. Napagkamalan ko kasi siya kaninang ikaw dahil magkamukha kayo. 'Di ko sinasadya," nagkamot pa siya ng batok dahil sa sinabi niya.

Ang akala ko nga ay magagalit si Hunter dahil halata sa kilos nilang dalawa na may something talaga sila, pero sa huli, hindi naman.

Nginitian na lamang niya ako, "It's okay." 

"O sya, medyo nakakaistorbo na ata kami. See you around. Mauuna na kami," Hunter waved and I think that it is time to go.

"Sige po. Ingat," Tugon ko at nagsimula nang maghanap ng taxi na masasakyan.

****

Sinalubong ako kanina ni Manang Sina at ngayon ay nakahiga na ako sa dati kong kama. Binilinan niya kasi ako kanina na matulog na muna raw ako para mawala ang jet-lag ko at pag gising ko ay kakain na raw, dahil mamamalengke muna siya.

Kung iisipin, hindi pa rin nagbabago ang mansyon namin. Kung ano ang hitsura nito dati ay ganoon pa rin ang aking naabutan. Iba na nga lang ang mga adorno pero sa kabuoan, parehas lang tulad noon. I can't help but wonder what will happen if Mom was still here. Siguro, nagpaparty na naman siya.

She loves to throw parties and but still, she knows her limitations. She serves alcohol to the guests but she makes sure that everything is going smoothly. That is also the reason that I have a high tolerance for alcohol.

She is very nice. I love her to bits and pieces but sadly, she died because of an unknown disease. Ni hindi ko man lang nalaman kung ano ang kinamatay niya dahil ayaw ipasabi sa akin ng doktor. As for my Dad, he died when I was in 7th grade due sudden heart attack. I don't blame anyone though, even if his relatives are the reason why he died.

"Trace, anak," I heard a soft knock on my door, it's obviously Manang Sina. I slowly stood up and opened the door.

I gave her a soft smile, "Bakit po?"

"Nakaistorbo ba ako, anak?"

"Hindi po. Wala naman po akong ginagawa,"

"Papababain lang sana kita nang makakain ka na. Alas-nuebe na rin kasi ng gabi at tiyak na gutom na gutom ka na," Manang replied making me internally groan. Nine o'clock na pala at hindi ko pa nahahanda yung mga kakailanganin ko bukas.

"Problema?" Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin.

Umiling lang ako, "Kain na po tayo."

****

Matapos kong kumain ay inihanda ko na iyong mga kakailanganin ko bukas para sa unang araw ng klase. I'm in my 11th year and taking up General Academic Strand for my senior year. Hanggang ngayon kasi ay undecided pa rin ako sa kung ano ang kukunin ko. I want to take up HUMSS since I love creative writing but I suck when it comes to political issues. Lalo pa't ignorante ako sa politika dito sa bansa. I want to take up STEM but I don't know if I'll survive with the holistic way of teaching here in the country. Baka mamaya ay samahan nila ng Engineering subjects samantalang gusto ko lang namang mag-doctor.

Biglang tumunog ang cellphone ko kung kaya't kahit papungas pungas ako ay kinuha ko iyon mula sa bedside table ko.

"Calvelo," Medyo paos na ang boses ko.

"Carlisle," Ginaya niya ang tono ng boses ko pero dahil natural na matinis ang boses niya, epic fail ang resulta.

"Seriously, Klea?" tanong ko at nag-Indian Sit.

She hummed on the other side of the line, "Why so grumpy?"

Now, it's my turn to huff, "It's freaking 12 o'clock already, dummy."

She scoffed, "Don't call me dummy, idiot. Nakalimutan ko lang ang time difference, dummy na agad? Di talaga kita--- Oh! I have to go. Sweet dreams, best friend." Then she hangs up that made my jaw drop.

What was that for?

****

I woke up at exactly 4 am in the morning dahil sa epekto ng time difference. Kaya naman, I did my morning rituals at nag-surfing na lang ako pagkatapos ay nanood ng Les Miserable sa laptop ko. After that, I went downstairs only to find Manang Sina preparing breakfast.

"Oh, Trace, ang aga mo naman." Sambit niya at nakipag-beso sa akin.

"Manang, kanina pa po talaga ako gising. Ngayon lang po ako bumaba," Tugon ko at umupo na sa isa sa mga stool sa breakfast bar.

"Ay naku, nakalimutan ko! Iba ka nga pala sa mga bata diyan. Sobrang aga mong gumising at napaka-aga mong matulog." Matawa tawa niyang sabi. Bumalik siya doon sa kitchen island at inabot sa akin ang plato na may lamang homemade pizza at carbonara. 

Kung paano ko nasabing homemade? Kasi recipe ni Mommy ang ginagamit ni Manang. Ah shit, I miss my Mama. 

Kumain ako at ninamnam ang pagkain. Namiss ko kasi ito eh. Ilang taon na rin akong hindi nakakakain ng luto ni Manang kaya sobrang na-a-appreciate ko ang efforts niya.

Maya maya ay nalipat ang tingin ko sa plasma tv na nakahang lang sa may sulok ng kusina. Napansin naman ni Manang ang tinitignan ko kung kaya't nagtanong siya, "Gusto mo bang manood muna ng tv?"

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain samantalang si Manang naman ay tinungo ang tv at binuksan. Maya maya pa ay bumungad sa amin ang isang morning show sa local tv. Iyon kasi ang pinapanood ng mga katulong namin sa San Francisco gamit ang TFC.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng orange juice nang may balitang nakahagip ng atensyon ko,

"Nakabalik na sa bansa ang mag-asawang business tycoons na sina Lucian at Hunter Vegallenza mula sa kanilang bakasyon sa Estados Unidos nitong nakaraang linggo..."

Hindi ko na pinansin kung ano pa ang ibang nilalaman ng balita dahil napako lang ang atensyon sa mga tao sa tv na sinisermunan ang paparazzi. The both of them reminds me of a romantic couple.

Ah. Kaya pala siguro ganoon na lang ang ikinikilos nila dahil mag-asawa pala sila. Mabuti na lang at tanggap sila ng mga tao at wala sila gaanong haters. Mukha ngang sikat na sikat pa sila. Ang downside lang ay hinahabol sila ng paparazzi. 

Hindi ko napansin na nakabusangot na pala ako kung hindi pa nagsalita si Manang, "Naku! Mahanginan ka diyan."

"Eh kasi naman, Manang!" I whined nang maalala ko yung takot ko nung hinatak ako nung lalaki dahil sa mistaken identity.

"Anong problema mong bata ka?"

"Wala po," 

Napailing na lang si Manang, "Susmaryosep kang bata ka. Tigilan mo na nga yang pag-iinarte mo,"

"Oo na po." I replied. 

"Nga po pala..."

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang niflash ang video clips ng mag-asawang iyon. It seems like they've been for a decade based on the clips and everything they do, they will always get attention from the netizens.

Then it hit me. That name. Hunter. Saan ko nga ba narinig iyon?

Continue Reading

You'll Also Like

379K 26.7K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...