C2

128 12 8
                                    

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nasa school na ako. Iilang faculty members pa lang ang nakikita kong pakalat kalat at halos wala pang katao-tao.

Imperial Integrated School. Nasa ilalim ito ng Imperial University at para ito sa mga estudyante nasa lower years habang nasa main campus lahat ng college programs. Gate pa lang, alam mo nang pang-mayaman dahil gawa ito sa makapal na bakal at pininturahan ng kulay na itim, samantalang ang mga letrang bakal ay kulay ginto.

Not bad.

Marahan kong ni-park ang sasakyan ko sa parking lot ng university malapit sa main building.

Doon kasi ang first class ko base sa schedule ko. Buti na nga lang at detailed sila kung magbigay ng schedules maging ang kanilang journal books ay kumpleto na. Naroroon ang clearances at naka-attach na ang receipts for examinations, kailangan mo nga lang ng tatak at signature mula sa finance office.

Hindi na ako nag-abalang magpadrive pa kay Kuya Jun dahil alam kong marami pa itong ginagawa. Ayaw kong makaistorbo at isa pa, mas gusto kong ma-enjoy ang pagdadrive miski ngayon lang. Wala kasi dito si Ate at walang magsasaway sa akin. Malaya akong gawin lahat ng gusto ko.

Kinuha ko ang journal book ko mula sa bag at tinignan ang room number para sa unang klase ko.

Hmmm... Room 407. Ibig sabihin, fourth floor ito at mabuti na lang ay mayroong elevator dahil medyo tamad akong mag-akyat panaog sa hagdanan.

Maliwanag na ang hallways dahil halos lahat ng ilaw ay nakabukas. Nakadagdag sa liwanag ang glass window panes ng building. It's giving me creepy vibes because I can't see people except for janitors na nag-ma-mop ng sahig na makintab na.

Napailing na lang ako habang papasok sa loob ng elevator at ilang saglit pa ay nasa ikaapat na palapag na ako.

Kaiba sa unang palapag, wala gaanong bukas na ilaw sa hallway nito. Sa may bandang kalagitnaan lang bukas ang mga ilaw habang sa bandang dulo, nakapatay na ang mga ito bagay na nakapagpanindig ng balahibo ko.

Nasabi ko na bang, takot ako sa mga multo? I had phasmophobia and I can't do anything about it except for undergoing cognitive talk therapy for years.

I decided to step out of the lift even though I am scared to death and I am sweating cold bullets. Pwede naman ako sigurong sumigaw?

Kaysa naman sa mabalitaan na lang isang araw na may isang lalaking namatay dahil nag-hyperventilate sa elevator dahil sa sobrang takot. At least, pag namatay ako sa gitna ng hallway, mas may hustisya.

Natawa na lang ako ng dahil sa kalokohan ko. Trace Calvela, you are really one of a kind.

Bigla ay nanlaki ang mga mata ko nang may narinig akong ungol. Ungol ng taong... ugh... ang hirap i-explain. Ungol na nasasak--

"Faster, babe. Repeat it--- ugh!"

What the heck? Now, I know. Ungol iyon na nagmumula mga malalantod na umagang umaga ay gumagawa ng milagro na miski ang eskwelahan ay hindi pinalampas sa kanilang kalandian. Well, according to my friends, who are also erotica writers, it's exciting. I just don't get it.

Also, don't they know I really got scared? If I am right, they intentionally turned off the lights. I smiled evilly. Nagkamali ata sila ng kinalaban nila.

I walked silently in order not to make any sound and alert them. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa strap ng backpack ko at kinagat ang aking labi para mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw. Gustong gusto ko na kasi talaga silang sigawan dahil ang mga ungol nila ang nagiging sanhi ng pagkakatanggal ng kainosentehan sa tenga ko.

PlayboyOnde histórias criam vida. Descubra agora