A Little Bit of Sunshine

Від aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... Більше

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

19

16 1 0
Від aennui

Kabanata 19: Remember me, Emily

"Damn. I still can't see a trace!"



Maggagabi na ngunit nasa pool pa rin ang basang-basa na si Hanson. Hanggang ngayon kasi ay hinahanap niya pa rin ang mahiwagang kwintas ko. Ngunit kahit na nalangoy niya na ang buong pool, wala pa rin siyang nakita ni isang bakas nito.




"What if sa Monday nalang natin hanapin yun?"




"Huh?" Parang bigla akong naluha-luha dahil sa sinabi niya. "Paano kung mawala na talaga yung kwintas ko?"




"We will definitely find it Sunshine."




"Paano kung may ibang kumuha? Weekends na nga diba kaya-" Natigil ako sa pagsasalita ng bahagyang buhatin ni Hanson ang sarili niya paakyat sa swimming pool kaya mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin.




"Don't you trust my words, Sunshine?"




"I-I trust you pero p-paano lang kasi kung-"



"You just have to trust me, okay?" Parang may lumipad sa tiyan ko ng hawakan niya ang pisngi ko. "Just trust me kahit na anong mangyari. And if ever I will be able to do something wrong, please don't hate me immediately."



"Hmmm." Tumango ako bago umiwas ng tingin sa kanya at tumayo. "Tara na at baka magsarado na yung school gate."




Mabilis na nagbihis si Hanson bago kami nagdecide na umalis. Humabol pa ako ng sulyap sa swimming pool bago kami nagsimulang maglakad sa may hallway.





Naririnig ko lang ang kaluskos ng mga paa namin ni Hanson habang naglalakad ng may isang metrong layo sa isa't-isa. Naka on na lahat ng ilaw ng mga classrooms kaya naman kapag nililingon ko si Hanson ay nakikita kong seryoso lang siya habang nakadiretso ang tingin sa daanan.




"Didiretso muna tayo sa hospital before I'll send you home, okay?" Gusto ko sanang umangal pero agad niyang sinalubong ang tingin ko. "You have any complaints to that matter?"



"Wala. Wala naman akong magagawa diba?" Napairap nalang ako bago nagpahila nalang sa kanya.



Pagkarating namin sa may kotse niya ay hindi ko nadatnan ang driver niya kaya naman siya ang nagmaneho ngayon papunta sa may ospital. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagkatapos nun ay nagpatugtog siya ng kanta sa radyo. Ilang beses pa akong nagnanakaw ng tingin sa kanya habang nagdadrive siya ng kotse ng parang nasa commercial.




Pucha. May nagawa siguro akong maganda sa past life ko kaya madalas kong makasama ang ganito kagwapong nilalang.




Dumating na kami Divine Word Hospital at katulad ng inaasahan ay hindi ko nagustuhan ang mga nakikita ko. Ayaw na ayaw ko talagang nakakakita ng mga pasyente na nakawheelchair, ng mga nurses, at doctors. Ngunit halos manglanta ang mga tuhod ko ng marinig ang sinabi ni Dr. Lim pagkatapos niyang makita ang sugat ko.




"Mabuti nalang talaga at marunong ka ng first aids, Mr. Miranda. The situation would be more worse kung hindi naagapan. But now, we need to do a total of 5 stitches for the wound on her hand."




"Okay Doc. Kayo na po ang bahala sa-Sunshine? Why do you look so pale?"




Hindi ko siya sinagot at kumapit lang ako ng mahigpit sa braso niya hanggang sa matapos ng tahiin yung kamay ko. Tawa lang naman ng tawa si Hanson habang pinapanood akong magdusa.





"Tay, pwede ba akong umalis?"



Sabado, at alas 7 na ng gabi ng mapagdesisyunan kong umalis papunta sa bahay nila Emily. Bihis na bihis na ako pagkaharap kay Tatay para wala ng atrasan. Panglimang araw na kasi to makalipas ng pagiging suicidal ni Emily sa school at ngayon lang ako nagkaroon ng time para dumalaw.



"Oh? Ano pang gagawin mo sa labas?"



Napakamot ako sa ulo ko ng magsimula ng mang-interview si Tatay. Once in a blue moon lang akong lumalabas ng gabi kaya siguro nagtataka na siguro ang isang to sa binabalak ko.



"May kailangan lang akong bisitahin, Tay. Sige na. Payagan mo na ako!" Binigyan naman ako ng kakaibang tingin ni Tatay pero nginitian ko lang siya ng malapad.



"Bakit ikaw ang bibisita? Babae ba yan o lalaki?"



"Babae no. Anukaba. May sakit yung tao eh."



"Wala kang kasamang iba?"



"Wala. Bawal eh." Tumayo si Tatay sa kinaupuan niya at naglakad paikot sa akin na para bang pinagsususpetsiyahan niya ako sa isang krimen.



"Bakit bawal?" Naningkit ang mga mata niya.



"Sikreto lang kasi yung nangyari sa kanya Tay. Bawal kong ikwento sa ibang tao dahil ayaw nung mga magulang niya na kumalat ang tungkol sa kondisyon niya. Iilan lang nga kaming nakakaalam sa school eh." Napakamot ako sa ulo ko ng hindi pa rin siya tumigil sa pag-ikot.



"Ano na Tay? Sayang yung oras oh! Para makauwi na ako ng ma-"



"Umamin ka nga sa akin Sunshine. Kaya ba hindi ka pumayag na magpaligaw kay Ouie kasi babae din ang gusto mo?"



Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa sinabi ni Tatay pero agad naman akong bumawi at humagalpak ng tawa. Diyos ko po Lord. Hindi ko na maintindihan kung bakit pinagdududahan na ako ng Tatay ko.



"Tatay naman! Straight ang anak niyo no!"



"Oh siya siya. Lumayas ka na dito. Eleven o'clock dapat nandito ka na." Sumimangot si Tatay pero kaagad akong sumabit sa braso niya at niyakap siya.



"Thank you Tay! Alis na ako-!"



"Teka teka. ANONG NANGYARI DIYAN SA KAMAY MO!?" Napasampal ako sa noo ko ng mabilis niyang nahuli ang braso ko bago pa ako makalabas ng bahay. Pucha. Mahaba-haba nanamang explanation to.



Kinwento ko na sa kanya yung pangyayari na siyempre ay hinaluan ko din ng mga kinakailangang details na gawa lang ng imagination ko. Kumagat din naman si Tatay lalo na't malapit na din namang matanggal yung benda ko. Ang galing ko talagang magtago!



Hindi naman na ako nagsayang ng oras at kinuha ang bag na inihanda ko dahil baka mas gumabi pa. Muli ko siyang nilapitan sa pang huling beses bago siya binigyan ng halik sa pisngi.



Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng pedicab para mabilis akong makapunta sa bungad ng village. Bumili ako ng isang basket ng prutas mula sa inipon kong pera para naman hindi nakakahiyang pumunta ng walang dala.



Mabuti nalang ay naibigay ng Mama ni Emily sa akin ang contact number niya kaya nagawa kong makapagtanong ng address sa kanya. Nakasakay naman kaagad ako ng jeep na madadaanan ang lugar nila at hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng bahay dahil sa tulong ng isang tanod na nakasalubong ko.



"Good Evening po Tita Camille!"

"Good Evening Sunshine, hija! Pasok ka!"



Nakipagbeso beso sa akin si Tita Camille bago ako pumasok sa bahay nila. Hindi kalakihan yung bahay nila Emily pero mahahalata mo pa ring may kaya ang pamilya ng mga Cartagenas. Nang makarating kami sa may sala nila ay nagulat ako ng makitang maraming malalaking kahon ang nagkalat sa paligid.



"Ito nga po pala Tita, mga prutas para kay Emily." Nakangiti kong binigay sa kanya yung basket.



"Nako hija! Salamat. Nag-abala ka pa talaga." Iniwan niya muna ako sa sala dahil sasabihan niya daw muna si Emily na nandito ako.



Umupo ako sa sofa at nilibot ang paningin ko sa mga pictures nila na nasa pader. May malaki silang litrato sa gitna ng pamilya nila. May mga maliliit din na mga frames na may picture ni Emily nung bata pa siya pero malamang ay mga pictures niya na naka cheerleading uniform.



Nagulat ako ng may makitang picture namin ni Emily nung Grade 7 kasama ang kambal at si Vince sa isang shelf. Nilabas ko kaagad yung cellphone ko para kuhanan din ito ng picture. Hindi ko matandaan kung kailan to kinunan pero halatang okay ang timpla ni Emily sa itsura niya.



Hindi naman ganun kasungit noon si Emily. Bakit kaya siya nagbago? Kaya din ba siya nagkaganto ngayon?



Bumalik ako sa sofa at doon ko lang napansin na maraming mga nakatambak na karton sa bungad ng kusina. Mukhang maglilipat bahay ata sila. Tatanungin ko nalang pala si Tita-



"OH MY GOD! Sunshine hija!" Napatayo ako ng bumalik sa sala si Tita Camille ng hindi mapakali.



"Ano pong nangyari Tita?"



"Nawawala si Emily sa kwarto niya!"



"Ano po?!"



Nanlaki ang mga mata ko at kasunod nun ay nakarinig kami ng pag-andar ng makina sa labas. Mabilis kaming napatakbo papunta sa pintuan ni Tita Camille na maluha luha na. Tumambad sa amin ang nakabukas na gate nila at ang garahe nila na bakante na ngayon.



"Oh my God! Good Lord! Wag niyo munang kunin ang anak ko, please!"



Nahawakan ko kaagad ang balikat ni Tita Camille bago pa siya mag collapse. Sakto namang dumating ang Papa ni Emily, si Tito Ysaac na pinakalma ang asawa niya bago kumontak sa mga pulis. Ako naman ang nagpresinta na tumawag sa number ni Emily na hindi pa rin ako sinasagot sa pang bente ko na pag-dial.



"Please Emily. Sumagot ka, sumagot ka. "



Halos mapudpod na ang kuko ko sa kakangatngat dahil sa kaba. Narinig kong nakikipag-usap na ang Papa ni Emily sa pulis na nasa linya pero hindi pa rin ako sumuko sa kakatawag sa number ni Emily.



Ilang rings nalang bago maputol ang tawag ng marinig ko ang pag beep ng cellphone ko. Tinignan ko ang screen at bigla akong nataranta ng makitang sinagot na ni Emily ang tawag ko!



"Emily? Hello?



"S-Sunshine" Nagtaka ako ng marinig na nahihirapan siyang huminga kaya inabot ko kaagad kanila Tito Ysaac yung cellphone ko na ni loud speaker naman niya.



"Emily, baby? Umuwi ka na please. Kayo na ang pipiliin ni Papa basta lang umuwi ka. I'm so sorry."



Hindi sumagot si Emily pero rinig namin ang paghinga niya. Tinitigan ko sina Tito at Tita na parehas ng humahagulgol. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pamumuo ng luha sa mata ko at umiwas ng tingin. Parang alam ko na kung anong nangyari.



"Emily, please anwer me. Nasaan ka ba? Pupuntahan ka namin ni Papa mo." Si Tita naman ngayon ang nagsalita.



"Sorry po Mama." Mas lumakas ang pag-iyak nilang dalawa. "I'm so tired at ang sakit na ng u-ulo ko. Ang dami ng gumugulo sa isipan ko."



"I'm so sorry anak. Please forgive me." Paulit-ulit na sinabi ni Tito habang si Tita naman ay halos sumigaw na. "Don't hang up baby! Tell us kung nasaan ka!"



Lumakas ang kalabog ng puso ko ng marinig kong parang nabitawan ni Emily yung cellphone niya. Patuloy pa rin yung call ng ibalik ito sa akin ni Tito. Ibinaba ko na yung tawag dahil balak na nilang ipa-track yung location ni Emily ng biglang tumawag ulit yung number niya.



"Hello Emily, anak?"



"Good evening Maam. I just found your daughter inside her car na walang malay. Nabangga po yung sinasakyan niyang kotse dito sa Alveolar City Park." Sabay sabay kaming napasinghap at muntik nanamang mahimatay si Tita kaya si Tito ang pumalit sa kanya.



"Thank you Sir! M-May dumating na ba diyang ambulansya? K-Kumusta ang anak ko?"



"The ambulance brought her to St. John's Hospital. Thank God may pulso pa po ang anak niyo even though she lost too much blood already."



Sumama ako kanila Tito at Tita papunta sa ospital. Lutang ako sa buong biyahe at hindi na rin mapakali. Papauwiin na sana ako ng mga magulang ni Emily pero hindi ko naman magagawang makatulog ng mahimbing kung ganito kagrabe ang pangyayari.



Pagkarating namin sa ospital ay nailipat na sa Operating Room si Emily mula sa Emergency Room. Nakita namin yung lalaking tumulong sa kanya at in-explain kung anong sinabi ng doktor sa kondisyon ni Emily. Kaagad naman siyang pinasalamatan nila Tito at Tita.



Halatang galing pa siya sa trabaho dahil sa suot niyang business attire. Mga nasa late 40's na ata siya at napakalakas ng aura niya. Hindi ko mapigilang maalala sa kanya ang isang taong kilala ko.



"Magandang gabi hija." Nagulat ako ng umupo yung lalaki sa tabi ko habang sumisilip sila Tita sa pintuan ng ICU. Nakakatakot yung aura niya pero hindi naman mala killer kaya pilit akong ngumiti.



"M-Magandang gabi din po Sir."



"Sunshine right?" Tumango ako. Naalala niya ata yung name ko sa contacts ni Emily. "Kapatid ka ba ni Ms. Emily?"



"Ay hindi po. Kaibigan niya lang po ako."



Sandali ko siyang sinulyapan at hindi ko mapigilang mapahanga sa itsura niya. May katandaan na siya pero gwapo pa rin. Paniguradong tinitilian to sa school nila nung kabataan pa niya.



Yun lang ang naging conversation namin hanggang sa malipat na si Emily sa ICU. Nakapasok kaming tatlo nila Tito at Tita para i check si Emily na nakawrap ng benda ang buong ulo, may nakakonektang mga wires sa katawan at may tubo sa bibig.



Hindi nanaman mapigilang mapahagulgol nila Tita ng sabihin ng doktor na hindi pa nila alam kung kailangan mababalik ang malay niya. Masyado daw kasing malakas ang impact sa ulo ni Emily dahil sinadya nitong hindi magsuot ng seatbelt. Desidido nga talaga siyang magpakamatay ngayong gabi.



Nagpaalam ako kanila Tita at nauna akong lumabas ng ICU. Nagtanggal ako ng mga pinasuot sa aking hospital gown, hair cap at gloves. May katabi na ngayon yung lalaking tumulong kay Emily na hula ko ay driver niya. Nang makita ako nung lalaki ay tumayo kaagad ito para salubungin ako.



"Ms. Sunshine. Kailangan ko ng umuwi sa amin. Nandito na ngayon ang driver ko and I also have something important to attend tomorrow."



"Sige po Sir. Wala pong problema. Marami po talagang salamat sa tulong niyo." Ngumiti siya bago naglabas ng calling card mula sa wallet niya.



"Pakibigay nalang to kanila Mr. and Ms. Cartagenas. Tell them that if ever they have a problem in paying the hospital bills, I'll be willing to help."



"Sige po Sir. Makakarating. Thank you po ulit."



Bumalik ako sa inupuan namin kanina at pinanood yung lalaking maglakad paalis. Bumaba ang tingin ko sa calling card niya at halos malaglag ang panga ko ng makita ang pangalan niya.



Hans Miranda III
CEO, The Pub Company



Coincidence? Or connected talaga siya kay Hanson?



Pagdating ko sa bahay ay muntik na akong makatanggap ng kurot mula kay Tatay kung hindi lang ako nakatakbo. Alas 12 na kasi ako nakauwi at mabuti nalang ay tumawag si Tita Camille para mag-sorry at magpasalamat sa akin.





Kinabukasan, nakapikit ako at nakahalukipkip sa upuan habang naghihintay ng mga Fire Archers na makakasama ko para sa cheerdance performance namin. 3 hours lang kasi ang tulog ko at putol putol pa. Hindi ko pa rin kasi matanggal sa isipan ko si Emily.



"Good morning po Ate Sunshine!" Umangat ang ulo ko at nginitian sina Sally, Rina, at Cristine na nakatayo sa harap ko. Sinubukan ko pa ring ipakita sa mga bata na energetic ako kahit na pagod naman talaga ako.



"Good Morning! Kumpleto na ba tayo?" Luminga-linga ako sa paligid at nakitang medyo dumami na ang mga kasama namin na naghihintay.



"Mga sampu pa po kulang natin Ate Sunshine."



"Sige sige. Pakigising nalang ako kapag kumpleto na tayo ha?" Sabay sabay naman silang tumango bago umupo at nakipag kwentuhan sa iba naming mga kasama.



Bumalik ako sa pagpikit ng mata ko. Mararamdaman ko na sana ang pagtapak ko sa dream world kung hindi lang ako nakarinig ng sunod sunod na pagdribble.



Aish. Wrong timing!



Umangat ang ulo ko at nabigla ng makita ang lahat ng basketball players na nagsisipasukan sa gymnasium. Nagkatama ang mga mata namin ni Ouie na nakasuot ng white t-shirt at jersey shorts, team air bender. Mabilis din naman siyang umiwas ng tingin na ikinabuntong hininga ko.



Kinawayan ko nalang ang tatlong J's na todo kaway sa pwesto ko. Naka green sina John at Japhet para sa Earth Movers habang si Jethro naman ay naka blue. Nakita ko rin si Leander na tinanguan ako kasama sila Vince at Orly na sinaluduhan ako.



Ka team ko pala silang tatlo! WOOH! Fire Archers FIGHT!



"Ate Sunshine. Mga kaclassmate niyo po sila?"



Hindi ko napansin na tumabi na pala ulit sina Rina sa akin. Tinitigan ko sila at nakitang nangingintab ang mga mata nila habang nakatingin sa lahat ng mga basketball players.



"Hindi naman lahat pero mga kaibigan ko yung pumansin sa akin." Sabay-sabay silang napatakip sa bibig nila.



"Ohemgee! Yung si Kuya Ouie Cortaga po?!"

"Pati si Leander Constancia?!"

"Oh em gee! Si Kuya Vince De Castro?!"



Awkward nalang ako na ngumiti sa kanila habang kinikilig na niyuyugyog ako ng mga bata. Myghad. Parang bumalik ako sa Grade 9 dahil sa mga batang to. Pwede din naman akong mapagkamanalan dahil kasing height ko din naman sila.



"Everyone! Lumipat na tayo!"



Sinenyasan ko sila na dalhin na yung mga gamit nila. Dahan dahan na kaming lumabas ng gym sa pangunguna ko pero napahinto ako ng pumasok naman sa pintuan ang isang lalaking naka jersey shorts at white t-shirt.



Ohemgee. Nakasuot siya ng headband at amoy na amoy ko nanaman ang pabango niya. Nararamdaman ko nanaman tuloy ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ang gwapo niya! Deputa.



"Hey Sunshine!"



"U-Uy Hanson! Akala ko hindi ka maglalaro?"



Nginitian niya ako at narinig ko ang sabay sabay na impit na sigaw ng mga kasama ko. Napansin ito ni Hanson na sinulyapan ang mga kagrupo ko at nginitian sila.



"Hindi nga sana pero kinulang ng players eh. I am left with no choice but to play."



Ang dalas niya ng ngumiti ngayon. Pota. Parang hindi ko na kayang makita ulit yan sa mga susunod na pagkakataon.



"Ah ganun ba, sige. Good luck sa team niyo! Practice na muna kami ha?" Nagulat ako nang hatakin niya ang isang braso ko at ilagay ang isang malamig na bagay sa palad ko bago siya tumakbo papasok ng gym. Sinilip ko ang palad ko at napangiti ako ng makita yung kwintas ko.



Nahanap niya nga talaga.



Hinanap ng mata ko si Hanson hanggang sa mapalingon siya sa pwesto ko. Bumulong ako ng "thank you" sa ere at ng makita ko siyang ngumiti at nag "you're welcome" ay bumalik na ako sa ginagawa ko.





Nagpractice lang kami whole day sa may inner court. Kahati namin sa pwesto ang grupo nila Syrene na naghamon pa ng dance battle. Pinapanood ko lang sila na magbangga, tumumbling, mag split at kung ano ano pa hanggang sa mag uwian. Sa mga sumunod na araw ay palagi ko ng dinadalaw si Emily kada hapon. Hindi pa rin siya nagigising pero paulit-ulit kong hinihiling sa kwintas ang paggising niya.



Nandito kami sa headquarters ng Fire Archers, ang team namin ni Gracie para sa nalalapit na Intramurals. Una naming meeting ngayon kaya naman nagkakatulakan na ang lahat para sa mga bakanteng sports events na kailangan ng representatives mula sa team namin.



Wala silang pake kung wala kang experience sa game na sasalihan mo. Yung purpose kasi nila ay para lang may makatapat yung players sa ibang team dahil may mga nakatabi naman ng mga players na maglalaro para sa inter high school meet at iba pang sports events sa Alveolar City o sa iba pang bayan. Nasa sayo nalang talaga kung ipapahiya mo ang sarili mo kahit na hindi ka naman marunong maglaro.



"Anong nangyayari sayo girl? Para ka nanamang pinagbagsakan ng langit at lupa." Sandali kong sinulyapan si Gracie na sinasali ako sa hangin mula sa pamaypay niya.



"Kailan ba kasi matatapos ang meeting na to? Inaantok na ako." Nagsalumbaba ako at napanguso bago pinagpatuloy ang panonood kay Lydia na nagsasalita sa may mini stage kahit na halos maduling na ako.



"Wait ka lang girl. Malapit naman na ang 12. Susuko na din yan si Lydia." Napabuntong hininga tuloy ako kasunod ng isang hikab. "Atsaka bakit parang puyat ka nowadays? May problema ka ba?"



Natigilan ako sa paghikab at dahan-dahan siyang nilingon. Matindi ang ibilin sa akin ni Tita Camille na wag sasabihin sa iba ang tungkol kay Emily kaya naman ngumiti kaagad ako ng malapad kay Gracie.



"Napuyat ako sa kakalaro kagabi eh."



"Kakalaro o kakachat?" Ngumiti din siya bago ako kinurot ng mapang-asar sa tagiliran. "Ikaw ha. Umamin ka nalang kasi."



"Anong aaminin?" Ngumiwi ako bago ginantihan siya ng kurot. "Baka ikaw ang napupuyat kakachat mo diyan sa babyloves honeypie honeybunch Jethro mo."



"Eh? Mukha ba akong puyat ha? Ha?" Hinampas niya ako kahit na namumula na ang mga pisngi niya.



Alam ko namang nilalanggam yung messenger nila gabi gabi. Pano ko nalalaman? Kasi naman, nagpapatulong sa akin si Jethro ng banat na isesend niya kay Gracie. Baka daw kasi may mali sa grammar niya lalo na pag English.



Ang boploks talaga ni Jethro diba? Nag jowa pa eh tamad naman sa klase.



"Okay guys! Dismissed na kayo. Kung may interesado man sa track and field, hanapin niyo nalang ako. Thank you everyone!"






Mabilis na nagtayuan ang lahat na pare-parehas na rin atang nakakaramdam ng pagkagutom. Nilapitan naman namin ni Gracie si Lydia na inaayos ang lista para batiin at isabay sa pagkain namin ng lunch.



Grabe ang pinagdaanan ng babaeng to sa nakaraang buwan. Paano ba naman kasi ay nakasama niya si Andrew, yung Vice President ng student council bago ito mamatay. At silang dalawa ni Orly ang nakapagpalabas sa buong ACHS na si Andrew ang tunay na may pakana ng pagkamatay ni Zoren.



"Medyo ayos naman na ako." Bumuntong hininga siya bago dahan-dahang ngumiti. "Unti-unti ko ng natatanggap ang lahat na hindi na siya babalik."



Nagkatitigan kami ni Gracie bago namin tinapik sa balikat si Lydia. Sinabay namin siya para kumain ng lunch at madistract muna siya sa iniisip niya at sa stress para sa pagiging leader niya ng Fire Archer.



"Ano nga palang nangyari sa kamay mo Sunshine? Bakit may benda?" Napahinto ako sa pagsubo ng magtanong si Lydia. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay ko na nakabalot pa rin sa benda bago ngumiti.



"Nagka aksidente lang habang nagpa practice. Pero pwede ko ng tanggalin tong benda bukas sabi ng doktor."



Napailing ako ng maalala yung ginawang pagtahi dito sa palad ko. Kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko yung moment na yun dahil sobrang dami talagang dugo ang nakikita ko. Mabuti na nga lang at kasama ko si Hanson na nakapitan ko at nakurot ng todo.



Sa isang buong week ay ganun ang naging routine namin. Hindi na kami halos nagkakakita-kitang magkakaibigan sa classroom dahil naging busy kami sa mga practices at trainings. Dahil magkateam naman kami ni Gracie ay nagkakasabay kaming kumain nila Lydia kapag lunch break.



Sa sampung gabi na na-comatose si Emily ay dumalaw pa rin ako sa bahay nila. As usual ay sinusubukan pa rin naming maghintay sa paggising niya. Akala ko ay uuwi nanaman akong bagsak ang mga balikat pero maririnig na pala namin ng gabing yun ulit ang boses niya.



"M-Mama." Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng kusang pag-agos ng luha sa mata ko. "S-Sunshine?"



"Oh my god Emily! Thank you Lord!" Natatarantang tinawagan ni Tita Camille si Tito Ysaac at ang Doktor ni Emily. Ako ang naiwan kasama si Emily sa kwarto kaya naman hinawakan ko kaagad ang kamay niya bago ngumiti.



"Wag ka ng basta-bastang susuko, Emily. Madami mang problema pero tandaan mong marami pang taong naghihintay sayo." Ngumiti ako at kasabay nito ang pagpatak ng unang luha na nakita kong nagmula mismo sa mga mata niya.




"Thank you and I'm sorry for everything."




Maraming bagay talaga na pursigido tayong gawin. Pwedeng dahil sa may pinaghuhugutan ka at dahil sa may gusto kang mapatunayan. Malalampasan mo nga naman talaga ang bagay na to pero dalawa lang ang posibleng maging epekto. Gugustuhin mong sumubok ulit dahil naging masaya ka o hindi ka na uulit dahil natutunan mong hindi mo pala kaya.



Ngunit sa panahong hindi mo na kaya, maaari kang kumapit sa iba. Importanteng matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa ngunit huwag mong kalilimutang hindi ka nag-iisa. Mas magiging matatag ka kapag natuto ka munang kumapit bago ka bumitaw at tumayo ng matatag, taas noo, ng nakangiti kahit na mag-isa.

Продовжити читання

Вам також сподобається

16.2K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01) Від Yanna Hearts

Підліткова література

40.5K 1.5K 46
Lish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
14.7K 210 20
Samantha Bliss Cordova is single for a long time. She's too bitter for love. She despises those cheesy interactions especially during Valentines Seas...