Pregnant With My Professor's...

By Sil3ntcry

135K 3.5K 350

(The Baby's Father Duology #1) Bleu found herself in a bed with a total stranger and both naked. She got pre... More

Introduction:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Book 2

Chapter 20: [Last Chapter]

8.5K 255 72
By Sil3ntcry

Claire's POV:

Bumalik ako sa parking lot kung saan naka park ang kotse ni Zane pagkatapos kong kausapin ang babaeng 'yon. She suddenly received a call kaya nagmamadali siyang umalis.

"Dad, stop setting me up with someone.", rinig kong sabi ni Zane sa loob ng kotse, hindi muna ako pumasok para makinig sa usapan nila ng Dad niya.

"Tuloy ang kasal namin ni Claire, she's pregnant."

Napantig ang tenga ko sa sinabi niya, my lips formed a smile. He's planning to marry me?

"Yeah, she is."

Na-excite ako ng sobra sa narinig ko kaya pumasok na ako sa kotse, napatingin sa akin si Zane.

"I'll explain everything to you later on. I need to go.", paalam niya sa Daddy niya.

Pagbaba ng tawag ay hinarap ko siya agad.

"Pakakasalan mo ako?", masaya kong tanong.

Tinignan niya ako ng walang ka emo-emosyon.

"I'm doing it for the baby.", seryoso niyang sagot.

"Mamahalin mo rin ako ulit.", confident kong sabi.

He loved me once, alam kong mamahalin niya rin ako ulit.

Kumunot ang noo ko when he started smirking.

"I think you're misunderstanding something. So, I'm gonna make it clear to you. I'm just marrying you for the sake of my child.  I will love the child but that does not include you. Umasa kang mamahalin kita pero itong tatandaan mo, 'yong babaeng kausap mo kanina? She have my heart, 'di mo na maaagaw 'yon."

Napakuyom ako ng mga kamao, masama akong nakatingin sa kanya. Binalewala niya ako and started the engine.

Ano bang pinakain sa kanya ng babaeng 'yon?!

Pa'no kung malaman niyang buntis rin ang babaeng 'yon? Hindi pwede, mas pipiliin niya ang babaeng 'yon kesa sa akin! Pa'no kami ng anak ko?

Hindi ko hahayaang sisirain ng bababeng 'yon ang bubuuin kong pamilya. Hindi niya pwedeng malaman na si Zane nga ang ama ng dinadala niya.

Kailangan mapakasalan ako ni Zane, as soon as possible!

Bleu's POV:

"Ano 'to ha? Buntis ka ba?", galit na tanong ni Dad sabay hagis sa harap ko no'ng sira na regalo na dapat ibibigay ko kay Zane.

I received a call from Manang na kailangan ko umuwi kasi galit na galit daw si Daddy.

"Ba't 'di ka sumasagot? BUNTIS KA BA?!", I flinched dahil sa gulat nang sumigaw siya.

"How stupid am I to not notice na kaya ka pala lumalaki ay hindi dahil tumataba ka lang kundi dahil buntis ka?"

Napatingin ako kay Mama and she's looking at me na parang disappointed siya sa akin.

"Ano na?! Are you going to stay silent the whole time?!"

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko at tinignan si Dad.

"Yes, I'm pregnant.", matapang kong sagot.

Malakas niyang sinipa 'yong mini table sa sala kaya tumalsik ito, agad naman siya inawat ni Mama.

"Akala ko ba nag-aaral ka ng maayos? Ba't buntis ka?! Sinong ama niyan?!"

Hindi ako nakasagot. Ni hindi ko na alam kung sino talaga ama ng dinadala ko, hindi ko alam... Hindi si Zane.

Nilapitan ako ni Mama at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Tell us, sinong ama niyan?"

Tumulo ang mga luha ko sabay napailing ako.

"I'm sorry Dad, Mom... H-hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam Bleu? Seryoso ka ba?!", si Papa.

Natigilan si Papa saglit na parang may na-realized siya.

"Manang! Manang!", malakas na tawag niya kay Manang.

Patakbong lumapit si Manang sa kanya.

"YOU WERE STILL GOING TO CLUBS?!"

Hinarap niya si Manang.

"You were lying to me all this time? Pinagkatiwalaan kita! Hinahayaan mo lang pala ang batang 'yan sa kagustuhan niya?"

Takot na napatingin si Manang kay Daddy.

"Sir, k-kasi... "

Hindi alam ni Manang ang isasagot. Pati si Manang ay nadadamay sa problema na dapat ako lang ang humarap.

"You're fired."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Dad! Walang kasalanan si Manang, ako 'yong may kasalanan! Lumalabas ako sa gabi 'pag tulog siya, walang alam si Manang Dad.", umiiyak kong pagmamakaawa kay Daddy.

"This is what you get for disappointing me Bleu. Binalaan na kita, hindi ka nakinig sa akin.", matigas nitong sagot sa akin.

Nakita kong umiiyak na rin si Manang kung kaya't mas naiyak lang ako.

"Dad, ibalik niyo na lang ako sa probinsya. Please, Dad... "

Lumapit si Mommy kay Daddy at napahawak  ito sa braso ni Dad.

"Matagal na nating kasamabahay si Manang Cynthia, Hon. Bleu said na walang kinalaman si Manang.".

Tinignan ni Dad saglit si Mommy saka napatingin sa akin.

"Can you stop embarrassing me?"

Napayuko ako. What he said, that actually hurts.

"You're not attending your graduation, ako mismo hahatid sayo pauwi sa probinsya as soon as possible. Doon ka manganganak.", huling sinabi ni Dad bago iwan kami sa baba para umakyat sa ikalawang palapag.

Nilapitan ako Ni Mama.

"Ano bang nangyari? Sinong nakabuntis sayo?"

I can't tell na si Zane ang ama, lalo na't hindi na ako sigurado na siya talaga.

I told Mom the truth, almost everything but not about Zane. Sabi niya na eexplain niya kay Dad para sa akin bago niya ito sundan sa taas.

Napatingin ako kay Manang at niyakap niya ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko lahat ng pinagdadaanan ko, hirap na hirap na ako.

-------

Seryoso si Dad no'ng sabihin niyang iuuwi niya ako sa probinsya, hindi niya ako pinapansin o kinakausap. I'll be graduating without attending the ceremony, sa bahay rin ako nag take no'ng remaining midterm exams ko, they even took my phone away. Hindi ako makalabas sa bahay... Nakamukmok lang ako sa kwarto ko.

May importanteng project si Dad ngayon kaya hindi pa kami makaalis, as soon as matapos 'yon ay iuuwi niya agad ako sa probinsya. Binibisita ako ni Dave sa bahay at siya 'yong nagbabalita sa akin tungkol sa kalagayan ni Kevin, until one day.... He told me na umuwi si Kevin sa bahay niya kahit nanghihina ito, he missed Laine so much kaya gusto niya itong makita.

"The doctor said na he won't make it if uuwi siya but then he told me na nararamdaman niyang hindi na siya magtatagal kaya gusto niyang makita si Laine."

Hindi ako sumagot kundi sa kawalan lang ako nakatingin.

"Gusto mo ba siyang makita?", tanong ni Dave.

"Hindi ako makakalabas.", sagot ko.

"Ako ang bahala. Pinagkakatiwalaan ako ni Tito, sasabihin ko lang na baka hindi makakabuti sayo na nasa kwarto ka lang kaya ipapasyal kita saglit."

Tinignan ko si Dave.

"Papayag kaya siya?"

Dave gave me a slight smile as an answer. He talked with my Dad sa phone sa labas ng kwarto ko, and he came back telling me na pumayag ito.

"2 hrs lang daw kita pwedeng ipasyal. "

Para akong nabuhayan, makakalabas na rin ako!

Nagmamadali akong magbihis, gamit namin ang kotse ni Dave papunta sa bahay ni Kevin.

May isa pa akong taong gustong puntahan pero alam kong masasaktan lang ako 'pag nagkita kami.

Pagkarating namin sa bahay ni Kevin ay pinapasok kami agad ni Thea, naabutan ko si Laine na naglalaro sa harap ni Kevin. Ang mga masasayang mata ni Kevin habang nakatingin kay Laine.

"Mommmyyyyy!", masayang tawag ni Laine sa akin nang makita niya ako, inambahan niya ako ng yakap.

"Mommmyy, I missed you! We're a complete family now!"

Binuhat ko si Laine habang nakatingin kay Kevin, pagod na pagod ang mukha niya pero nakangiti siya. Mas pumayat siya kumpara no'ng huli ko siyang makita, he's pale.

"How about me? You don't miss Uncle Dave, come here.", kinuha ni Dave si Laine sa akin.

"Play with Uncle Dave muna baby, okay? I'll talk to Daddy first."

Masaya naman tumango si Laine.

Nilapitan ko si Kevin na nakaupo sa sofa, tinabihan ko siya.

"Ba't ang tigas ng ulo mo? Kailangan mo bumalik sa ospital agad.", sabi ko sa kanya.

"Miss ko na kasi si Laine, parang mas humihina ako dahil hindi ko siya nakikita."

Tinignan ko siya at na kay Laine lang ang mga tingin niya. Napatingin na rin ako kay Laine na kalaro ngayon si Dave.

"Wag kang mag-alala kay Laine, hindi namin siya pababayaan nina Dave at Thea.", pagbibigay ko ng kasiguraduhan sa kanya.

"May aaminin ako."

Binaling ko ang aking tingin sa kanya.

"I've never loved anyone else after you..."

Ba't niya sinasabi sa akin 'to?

"Laine is not my daughter."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya.

"I was receiving treatment at this hospital in the US, I met Laine's mother there. She reminds me of you so much, she was sick like me and she was pregnant when I first met her. We became friends while trying our best to live, but then she needs to choose between giving up her life or the life of her baby. She told me kung gaano niya kamahal si Laine kahit hindi niya pa 'to nahahawakan o nakikita ng personal and that's when she asked me a favor. She didn't really know na may lung cancer ako, ang alam niya lang may sakit ako at makakalabas ako agad sa ospital, she asked me to take care of Laine, she asked me to tell Laine in the future na hindi siya namatay at iniwan niya lang si Laine, gusto niyang magalit si Laine sa kanya as a punishment na hindi niya ito maalagaan o mapapalaki bilang ina."

Tumingin sa akin si Kevin.

"I was contemplating at first kasi hindi rin naman ako sigurado kung mabubuhay ako but then that child... ", sabay tingin niya kay Laine.

"... She held my finger nang una ko siyang hawakan... It's like asking me to take care of her."

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Kevin.

"Mahal na mahal ko si Laine, there's not a day na pinagdarasal ko na sana mabuhay ako... Na sana makita ko siyang lumaki, ihatid-sundo siya sa school niya, pero ni hindi ko siya maprotektahan... Hindi ko siya masasamahan sa paglaki niya."

Hinawakan ko ang mga kamay ni Kevin kaya napalipat siya ng tingin sa akin.

"Laine is so lucky to have you as her Father, Kev."

Tumango siya.

"Habang nasa US ako, napakahirap pero sa tuwing napapagod ako ikaw ang naiisip ko. I'd always tell myself na kailangan ko lumaban kasi babalikan pa kita."

"Kevin.. "

Nginitian niya ako at umiwas ng tingin.

"Sana maging masaya ka.", mahina niyang sabi.

Binalik ko ang tingin ko kina Dave at Laine.

"Naniniwala ka ba sa afterlife? A childish thinking... ", I asked out of nowhere.

Tumawa siya ng mahina kaya napangiti ako. Sana sa susunod mong buhay ay 'di mo na makilala ang isang tulad ko Kevin, hindi kita naipaglaban. Sa susunod mong buhay ay sana kasama mo si Laine.

"Inaantok ako.", malumanay niyang sabi.

"I have always wanted to say this to you ... ", he paused.

"Ano 'yon?", mahina kong sagot.

"Wag kang matatawa kasi I've been practicing on what to say sa oras na magkita tayo ulit."

"Ano nga."

"Bleu, I'm back.", he said as he leaned his head on my shoulder.

Tumulo ang mga luha ko.

Napatingin sa akin si Dave na parang nagtataka.

Ngumiti ako habang patuloy na dumadaloy sa aking mga pisngi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Welcome back, Kevin.", I whispered.

*1 month later*

Kevin passed away that day, with his head leaning on my shoulder. Pinaalam namin agad sa parents niya at nasa sa kanila ngayon si Laine.

Nang ihatid ko si Laine sa kanila ay ayaw akong bitawan ni Laine so I promised her one thing.

[I'll come back for you, it's a promise that Mommy will keep.]

Natapos na 'yong importanteng project ni Dad at uuwi na ako sa Probinsya ngayon.

"Here's your phone.", sabi ni Mommy sabay balik sa akin ng cellphone ko na isang buwan nilang kinuha sa akin.

Kinuha ko ito at dahan-dahang sumakay sa kotse, malaki-laki na ang tiyan ko kasi six months na siya kaya mas nag-iingat na ako sa mga galaw ko. Hindi pa rin ako kinakausap ni Dad pero nasanay na ako.

Binuksan ko ang cellphone ko at nagulat ako na may marami itong missed calls galing sa isang unknown number.

Nagbasa ako ng mga messages sa inbox ko and it's all from my friends asking if I'm okay, kung asan na ako o kung anong nangyari but not a single message from that person.

It's been a living hell for me everyday, pakiramdam ko I'm too broken to be fixed. I'm not even sure kung pa'no ko pa nakakayang huminga hanggang ngayon, pagod na pagod ako pero lumalaban ako dahil sa batang dinadala ko at sa pangakong iniwan ko kay Laine.

Para akong patay na humihinga, kailangan kung mabuhay ulit at ayusin lahat, magsimula ulit. Aayusin ko ang sarili ko at babalikan ko si Laine.

Walang araw o gabi na hindi ko naiisip si Zane, kung anong ginagawa niya ngayon, naiisip niya rin ba ako? Umiiyak rin ba siya gabi-gabi 'pag naaalala niya ako? Nasasaktan rin ba siya katulad ko? O ako lang ba? Ako lang ba 'yong nahihirapan.

Sa Bukidnon kami uuwi, papunta kami ng airport kasi sa private jet kami sasakay. Sasamahan ako doon nila Mama at Papa ng tatlong araw at babalik rin sa bahay namin.

Napahinto kami sa harap ng isang restaurant, may matalik na kaibigan si Dad na kababalik lang ng Pilipinas kasi engagement something daw ng anak nito kaya eco-congratulate niya lang daw saglit kasama si Mama.

Pumasok sila sa loob ng resto at naiwan ako sa labas ng kotse, kasi nasusuka ako sa loob.

"Bleu?"

Napalingon ako agad sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon at hindi nga ako nagkakamali...

"Zane."

Napatingin ako sa babaeng nakakapit sa braso niya, si Claire.

Nasa tapat sila ng kotse namin ngayon kaya natatakpan ng kotse namin ang tiyan ko.

"Ginagawa mo dito?", hindi makatingin sa akin ng maayos niya na tanong.

"My parents are inside, inaantay ko.", sagot ko habang napapatingin sa kamay ni Claire na nakakapit sa braso niya.

"Babe, let's go. Male-late na tayo sa engagement celebration natin.", sabi ni Claire na hinihila si Zane emphasizing the word "engagement celebration".

They're engaged again?

Hinihila niya si Zane sa kabilang daan na parang may iniiwasan siyang makita si Zane.

"Congrats... "

Napahinto silang dalawa.

"Congrats sa inyong dalawa.", ulit ko.

"Bleu, g—"

"Zane ano ba? Tara na. Sumasakit ang tiyan ko kakatayo dito, ang init pa. Masama sa baby ko!", may sasabihin sana si Zane nang umepal ang butete na 'to.

Kasing laki lang ng tiyan niya ang tiyan ko.

"At ikaw? Umalis ka na, may plano ka bang sirain engagement party namin? Hindi ka pa ba nakakapag move on? Ikakasal na kami soon kaya wag ka ng umepal."

Napataas ang kilay ko, ba't ang threatened naman masyado ng babaeng 'to? Buti nga cinongratulate ko pa sila kesa na murahin eh.

Napahawi ako sa buhok ko at napatingin si Zane sa kamay ko, doon sa cellphone ko to be specific na hawak-hawak ko.

Nagkatitigan kami ni Zane, ba't ang lungkot ng mga mata niya?

Third Person's POV:

Nagkatitigan ang mga mata ni Zane at Bleu, it's like they're talking with each other using their eyes.

May kanya-kanyang gustong sabihin ang mga mata nila sa isa't-isa na hindi nila magawa.

[Kumusta ka na? I've been thinking of you, I hope you're eating well, you look fine kaya I'm kinda relieved. Ba't hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Gusto ko marinig ang boses mo, miss na miss na kita. I'm sorry at nasaktan kita, sorry kung kailangan kong iwan ka. I hope I could tell you that the happiest days of my life was with you. Makakalimutan mo rin ako, makakahanap ka rin ng tamang lalaki para sa'yo, lalaking mamahalin ka gaya ng pagmamahal na naibibigay mo, lalaking mamahalin ka higit sa pagmamahal ko. I hope you find the right man, I'm sorry if that man isn't me. Hiling ko ay makalimutan mo na minsan akong nangyari sa buhay mo para kasama no'n ay ang sakit na binigay ko sayo.]

[Okay lang ako, ikaw kumusta ka na? Simula no'ng huli kitang nakita ay hindi ka na nawala sa isipan ko. Ikakasal ka na, bubuo ng pamilya mo... Pangarap ko 'yon para sa ating dalawa pero masaya pa rin ako kahit bubuuin mo ito na hindi ako ang kasama. Pangarap na aabutin natin ng kanya-kanya. 'Yong pagmamahalan natin ay saglit na kaligayahan na mananatili sa akin ng panghabang buhay. Pagmamahalan nating wala ng pag-asa. Hindi na ako galit sayo, naiintindihan ko kung bakit mas pinili mo siya kesa sa akin, hindi rin madali sayo ang lahat. Kahit panandalian lang 'yong sa atin sana kahit isang minuto lang sa isang taon ay minsan mong maalala na may naging ako sa buhay mo. Paalam, Ampa ko.]

Hinila ng tuluyan ni Claire si Zane papasok sa restaurant, nakita naman ni Bleu na palabas na sa resto ang mga magulang niya.

Tinignan niya sa huling pagkakataon si Zane bago ito maglaho sa paningin niya saka siya pumasok na ulit sa kotse.

"Sino po 'yon Ma'am?", tanong ng Driver kay Bleu nang makapasok ang dalaga sa kotse.

"Kaibigan ko noon.", maikli na sagot ni Bleu.

"Ba't ka lumabas sa kotse? Hindi ba maganda pakiramdam mo?", tanong naman ng ina ni Bleu nang makabalik na ito sa kotse, hinawakan nito ng mahina ang sinapupunan ng buntis na anak.

Patagong napatingin ang Ama ni Bleu sa anak nito mula sa passenger's seat.

"I'm okay, pahangin lang saglit.", maikling sagot nito at saka isinandal ang likuran sa back rest ng back seat.

Napatango na lamang ang Ina sa naging sagot ng anak.

"Tara na.", utos ni Jeff sa Driver.

Napatingin si Blue sa labas ng kotse bago ito umandar at umalis.

Ang inaakala ni Blue na huling paksa ng storya nila ng lalaking minamahal niya, ay isa lang palang linya sa unang pahina ng libro kasi doon pa lamang nagsisimula ang lahat.

— Book 1 - The End —

Author's Note: Thank you guys sa lahat ng sumabaybay ng Pregnant with my Professor's Child mula chapter 1 hanggang last Chapter. Its has been a long journey, salamat sa walang sawang suporta. Please don't forget to leave a comment, vote,  share and follow. You'll get news for the Book 2 Soon!

Continue Reading

You'll Also Like

215K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
8.1K 83 27
One of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers a...
258K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
71.3K 1.5K 29
WARNING: MATURE CONTENT |R-18 When Janrey admitted to Sabrilyn that he would continue his teaching, Sabrilyn was no longer surprised because she knew...