โ„ณ๐’พ๐“ƒโ„ฏ ๐“‰โ„ด ๐’Ÿโ„ฏ๐“ˆ๐’พ๐“‡โ„ฏโ™ก

By lovedeii

86.1K 2.8K 1.2K

From the very beginning, Calia knew that she was just an adopted child - only. Even though her parents didn't... More

Mine to Desire
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Author's Note
Special Chapter

Chapter Eight

2.7K 96 45
By lovedeii

Chapter Eight

"I CAN SEE the head. Give me your best shot, Mrs." Utos ni Calia sa pasyente niyang nanganganak ng mga oras na 'yon.

Kaparehas nito ay tagaktak na rin ng pawis ang kanyang noo. At kaparehas din nito ay pagod na rin siya. She assisted not one, but five patients and make them delivered their babies, safely. And that's five patients in a row. Kaya ganun na lang ang pagod na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Finally! She heard the baby's loud crying. Nakalabas na rin ang bata sa sinapupunan ng ina. Thank God... I can finally go home now. Usal niya sa kanyang isipan.

Inilapat niya ang sanggol sa may bandang dibdib ng ina nito. At nakita niyang napaiyak ang nanay ng sanggol nang masilayan nito sa unang pagkakataon ang anak nito.

Calia smiled at them. This is the time where she can witness such true happiness.

Tinapos niya lang ang mga dapat niyang gawin kapagkuwan ay tinungo niya na ang sariling opisina at kinuha ang mga gamit niya para umalis. Sakto namang paglabas niya ay dumating naman ang anak ng may ari ng ospital.

"Good morning, Doc. Ariti!" He cheerfully greeted her, then handed her a cup of starbucks coffee. "For you." He smiled.

Tipid naman siyang ngumiti sa binata. "Thank you, Gray."

"Don't mention it. Uuwi kana ba? Ihahatid na kita." He gently said to her.

Iyan ang isa sa dahilan kung bakit naging kaibigan niya ang binata. He's sweet, thoughtful, and caring. He's like Phil- ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niya munang maalala ang binata kahit sa mga ganitong sandali lang.

"Okay. Sayang ang libreng sakay." At parehas silang natawang dalawa dahil sa sinabi niya habang tinatahak nila ang daan palabas ng ospital.

Nang makapasok silang pareho sa sasakyan nito ay kaagad iyong pinaandar ng binata. Pinauusad na nito ang sasakyan ngunit nakuha ng isang nakarolyong magazine ang atensyon niya, kaya kinuha niya agad iyon.

"Ngayon lang kita nakitang naglagay ng magazine dito sa kotse mo, Gray." Panunudyo niya.

Napa- tsk naman ang binata sa kanya. "It's a bachelor magazine. Featuring successful bachelors in the world."

"At syempre, kasali ka. Right?"

"Yeah. The hardest thing about a very handsome man like me. Hard to ignore." Usal nito.

She snorted, "signal number 4 agad ang hangin." Biro pa niya na nagpatawa lang sa binata.

Binasa na niya ang laman ng magazine at tinungo ang mga pahina kung saan mababasa ang mga successful bachelors sa buong mundo.

"Thirty years old, Gray Morgan III. A half Filipino and half American blue-eyed man. A chef, and owner of Gray Deluxe five star hotel with branches in America and Asia. The man shouts for handsomeness and charisma. He has good sets of features, brown hair, aristocrat nose, and thin kissable lips. And lucky is the woman who can win his heart because he is a sweet and caring man."

Napapakamot na lang si Gray habang binabasa niya ang laman ng article sa magazine na hawak-hawak niya.

Ipinakli pa niya ang mga pahina ng magazine at talaga namang marami pang nag-gwagwapohang binata ang ibinida sa magazine na 'yon. Ipinagpatuloy niya pa ang pagbabasa hanggang sa maagaw ng pansin niya ang pangalan ng binatang ilang taon niya ng hindi nakikita. At walang sandaling dumaraan sa buhay niya na hindi niya ito naaalala.

"Thirty-one years old, Philip Ariti. A half Filipino, half-greek hazel-eyed man. The youngest president of the famous and prestige university in the Philippines, the MD University. He is also one of the heirs in Ariti Group of Companies or the AGC that has branches in Europe and North America. Has a good features that women can't resist. Fade clean haircut, aristocrat nose, and thin kissable lips. And not only that, he's not just a good-looking man but has a good heart for everyone. He always wear his genuine smile that women and gays drooled over with. And he's a hot certified single and available man." Napaangat ang kilay niya nang mabasa niya ang mga huling salita. "I wish you the best of luck to these hot and handsome successful bachelors in the world."

Hindi niya na namalayan na nakarating na pala sila sa condominium building kung saan nakatira sila ni Dana dahil sa malalim niyang pag-iisip.

"Thank you, Gray." Aniya sa binata saka kusa na siyang lumabas at hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito ng pintuan ng kotse. Bago niya isinara ang pintuan ng kotse ay sumilip na muna siya sa binata at malawak na ngumiti, "Sa uulitin."

Tumawa naman ito at sumaludo pa sa kanya, "Take care because someone cares for you." Makahulugang anito sa kanya.

"You're creepy, Gray." She joked. "Oh well, I have to go inside. I'm tired and sleepy. Ingat sa pagmamaneho. Ciao!" Then she closed the car's door.

Palaging ganun ang sinasabi ni Gray sa kanya kapag ihahatid siya nito sa condo nila ni Dana. Hindi niya alam kung bakit pero iba ang dating sa kanya ng mga sinasabi nito. Hindi rin naman ito nanliligaw at wala rin siyang balak magpaligaw rito kung saka-sakali man.

Malapit na siya sa pintuan ng condo unit nila nang mapansin niya ang basket na puno ng prutas. At syempre, kasama doon ang tatlong tangkay ng rosas at ang card na palaging kapareho ang laman ng sulat.

"Mou leípeis san trelós." Hay Philip. Bakit kasi hindi kana lang umamin.

HINDI ALAM NI Calia kung ilang oras siyang natulog dahil paggising niya ay papalubog na ang araw. Mabuti na lang at day-off niya ngayon sa ospital kaya mas mahaba pa ang gagawin niyang pagtulog mamaya.

Bumangon na siya, lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina. Nakita niyang sumusubok na naman sa pagluluto si Dana. Nakakatawa lang dahil aray ito ng aray habang nagpiprito ng isda.

"Isda lang 'yan. Hindi ka niyan kakagatin." Biro niya.

Humarap naman sa kanya ang matalik na kaibigan at napasimangot. "Ikaw kaya dito - 'wag na lang pala. Kaya ko 'to."

Hindi niya alam kung matatawa siya o ano dahil sa nakitang determinasyon sa mukha ng dalaga.

"What's with you today?" Di napigilang tanong niya.

Tinapos muna ni Dana ang pagpiprito ng isda at pinatay ang kalan. "Diyan ka lang." Anito.

"As if naman may pupuntahan pa ako?" Naka-angat ang kilay na usal niya.

Dana just rolled her eyes and then left her in the kitchen. Saglit lang at bumalik din kaagad ang dalaga kapagkuwan ay lumapit sa kanya at may inilagay na puting papel na may nakataling lasong pula sa island counter. "What's with this 'kamo?" She smirked.

Tinapunan niya muna ito ng tingin bago niya kinuha ang puting papel at binuksan iyon. At nang mabasa niya ang nakasulat ay umangat ng husto ang kilay niya.

"MD University's grand reunion? Seriously?" Di mapigilang tanong niya.

Dana shrugged, "it's a grand reunion for a cost naman daw. Naisip kasi ng may-ari ng unibersidad na magpatayo pa ng mga bahay ampunan dahil sa laganap na pagdami ng mga bata sa lansangan."

"Hmm..." She hummed. "It's not bad after all. May kapupuntahan rin naman pala ang pera natin kung sakali man, at hindi kung anu-ano lang."

Dana smirked, "and you will see him - again."

She smirked too, "oh sure, I will."

Lalo na no'ng mabasa niya ang article ng magazine kung saan naroon nakasulat ang tungkol sa binata, ay mas nagkaroon siya ng rason para makita ulit ito.

No one can ever have you, Philip Ariti.

PAGKARATING NILA NG bansa ng umagang 'yon ay kaagad silang nag-check-in sa hotel na naka-reserved na sa kanilang dalawa ni Dana.

"Touch down, Philippines." Nakahigang ani Dana. Ipinagdiinan pa nito ang salitang "Philip" sa Philippines, kaya binato niya ito ng unan sa kama. Dana just laughed at her and she just "tsk".

"Naka-ayos na ba ang susuotin nating dalawa?" Tanong niya rito.

Dali-dali silang nagpagawa ng dress sa pinsan ni Dana na isang sikat na fashion designer sa Pilipinas. Mabuti na lang at kaagad itong umu-o kahit nga madalian.

"Anytime of the day darating na 'yon. For now, matulog na muna tayo dahil mamayang gabi, rarampa na ang pinakamagaganda at pinakamaaalindog na nilalang sa balat ng lupa." Bumangon pa ito at tumayo. Hinawakan ng dalawang kamay nito ang balinkinitang bewang at aaktong rarampa na parang isang modelo. "Dana at Calia!"

She clapped her hand while looking at her bestfriend flatly, "oo na, ikaw na. Ikaw na talaga."

Kasalanan din naman nilang dalawa kung bakit hindi sila nakauwi agad ng Pilipinas dahil inasikaso pa nila ang lahat ng dapat asikasohin. At, nagpasya na rin silang mag-resign sa parehong ospital na pinagtatrabuan nila dahil gagawin na nila ang napagplanohan na magpapagawa sila ng sariling klinika dito sa bansa.

"Let's sleep. Goodnight." Ani Dana sa kanya.

She yawned, "'night."

Mabuti na lang at nag-set siya ng alarm clock dahil kung hindi, baka hindi na sila makadalo pa sa grand reunion sa unibersidad nila.

"I'm done." Turan niya kay Dana na naglalagay pa ng lipstick sa mga sandaling iyon. "Fabulous!" Papuri niya rito.

"Gorgeous!" Papuri naman nito sa kanya.

Dana is wearing a red backless spaghetti strap long flowy dress with slit on the left side of her leg, while she on the other hand, is wearing a long black backless sequin dress with slit on the right side of her leg. And both of the dresses made them feel fabulous and gorgeous, at the same time.

"Let's go dear. The show is about to start."

Hindi niya mawari ang kaba na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. At alam niyang napapansin iyon ni Dana. Kaya kinuha nito ang kamay niya't pinisil habang lulan sila ng kotse na pagmamay-ari ng mga ito.

Nakarating rin sila sa wakas at humanga sila dahil mas lumawak pa at gumanda ang MD University ngayon. Naririnig na rin nila ang malakas na musika galing sa sound system na malapit lang sa stage ng MD Hall.

Nang makababa silang pareho sa sasakyan ay nagsitinginan ang mga taong naroon. She can see through their eyes the admirations for them but she ignored it, even Dana ignored it too. Hindi ang titig ng mga ito ang hinihintay niya. At dahil sa ingay ng musika sa loob ng hall ay nagpasya silang dalawa na humanap ng mesa na may kalayuan sa stage.

Makikita pa rin naman nila ang mga magaganap dahil sa dalawang malalaking screen na nasa tabi lang ng stage.

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang programa.

"For our welcome speech. Ladies and gentlemen, let's give our University's president a round of applause." At narinig nila ang palakpakan ng mga taong naroon. Maging sila man ni Calia ay pumalakpak rin. And when she saw the most gorgeous man in her entire life. She felt her heart swooned. Damn, you still have this electricity in my soul, Philip.

After all these years. Walang sinumang lalaki ang nakapagpadama sa kanya ng ganun. Na nakikita niya pa lang, nanghihina na kaagad ang mga tuhod niya.

"Good evening to all of you..." Panimula nito sa welcome speech nito.

Parang iyon lang ang tangi niyang narinig dahil nang magsimula itong magsalita at marinig niya ang mas baritonong boses nito ay para iyong mahika sa kanyang pandinig.

"You're hopeless, Calia." Turan ni Dana sa kanya at nakita niya ang malaking ngisi nito sa mga labi. Kaya umangat naman ang kilay niya rito.

"Do you wanna be hopeless too, Dana? " She smirked and saw Dana rolled her eyes.

She lit up the glass of wine, "cheers for tonight." Makahulugang aniya kay Dana.

Dana slyly smiled. "Cheers Calia. I wish you the best of luck."

Nagpatuloy pa ang mga programa sa gabing iyon hanggang sa narinig nilang may mga tinawag ang emcee na siyang mga panalo sa kategoryang nabanggit.

"And now ladies and gentlemen, let's reveal the king and queen of the night." They heard the sound of the drum rolling. "The king and queen of the night are... Our University's president, Mr. Philip Ariti and Dra. Calia Ariti. Let's give them a round of applause!"

Nagsipalakpakan ang mga taong naroon. Habang siya naman ay nanigas sa kanyang kinauupuan. She didn't expect this to happen.

"Sir Philip and Dra. Calia Ariti, the dance floor are all yours." Pahabol pa ng emcee at narinig niyang naghiyawan ang mga tao sa loob ng hall. Mukhang konti lang ang nakakaalam sa mga ito na 'pinsan' siya ni Philip.

"Go dear, it's your time to shine." Dana winked at her.

Nakita niyang papalapit sa kanilang mesa ang binata. At hindi inalis ni Calia ang tingin sa binata habang ganun rin ito sa kanya. Nababanaag sa mga mata nito ang paghanga at - pangungulila? Hindi niya matukoy kung anuman 'yon dahil sa totoo lang, puno ng emosyon ang magandang pares ng mata nito. At alam niyang nakikita din nito sa kanyang mga mata ang paghanga niya rito.

Philip is wearing an all black suit at it really makes him so sexy, and more dashing.

"Calia..." Anas nito sa pangalan niya, at kahit gustong-gusto niyang ipikit ang kanyang mga mata ay hindi niya ginawa. No. She won't give him the satisfaction - yet. She won't let him see that she still has this great desire inside of her for him. "Can I have this dance?"

Inilahad ni Philip ang kamay nito sa kanya. Tiningnan niya muna iyon bago marahang ipinatong niya ang kanyang kamay sa kamay nito.

She looked deeply into his hazel eyes, "The pleasure is... mine."

ℒℴ𝓋ℯ 𝒟ℯ𝒾

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 33K 49
EROTIC story Cover by: PANANABELS
17.3K 522 13
In her twenty-five years of existence in this world. Aria Zecca never let herself be touched by any of her past boyfriends - lustfully, and romantica...
18.9K 378 18
-COMPLETED- SPG!!! EROTIC SCENES! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Adyell Andreev was a Russian-Filipino billionaire. He lost his wife in an...
128K 3.7K 24
Because of Maria's great gratitude towards her cousin Joy, she agreed to her request to be a maid in the Monteverde Mansion, and secretly monitor eve...