Starry Starry Love Series 5 :...

By Dontshitonme

13.4K 1.2K 116

Isa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangala... More

Author's Note
Starry Starry Temple
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
Cythia's adoptation

Chapter 5

377 32 5
By Dontshitonme

COOK

Hindi inaakala ni Kennet na mapapadali ang pagtanggap ng tagalupa ang nangyari rito at kung ano siya.

Matalinong tagalupa. Madali din ito makaunawa.

Nakakatuwa.

Alam niyang labis pa rin ito shock sa nangyari kaya pinilit niya ito bumalik sa silid nito para makapagpahinga. Natitiyak niyang magulo pa rin ang isip nito kaya mas mainam na makalma ito.

Alam din niya na nagugutom na ito pero ang problema niya hindi siya marunong magluto.

Isa kang bituin. Walang imposible.

Pero...mas mainam kung matuto siya. Gusto talaga niya hanggat nandito siya sa lupa nais niya matutunan ang mga bagay-bagay mula rito kung gagamitin niya ang kakayahan niya parang dinaya na niya ang sarili.

Gusto niya matuto ng natural na paraan.

Tumango-tango siya saka iniisa-isa ng suri ang mga iba't-ibang klaseng gulay na nasa harapan niya pati nasa lata at may mga karne pa. Naroroon na iyun mula ng bumaba siya at habang hindi pa nagkakamalay ang dalaga inaral na niya kung anong meron sa loob ng bahay niya. Talagang pinaghandaan ng Haring-bituin at ng Reynang-bituin ang pananatili niya sa lupa.

Kumpleto lahat!

Ano ba dapat niya matutunan lutuin. Kilala niya ang mga pangalan ng nasa harapan niya pero hindi niya alam kung paano iyun niluluto o kung saan ginagamit ang bawat isa sa mga ito.

"Medyo mahirap.."usal niya habang iniisip pa rin kung ano ang pipiliin niya.

Dinampot niya ang isang mahabang kulay berde na gulay. Tinitigan niya ito.

"Upo,"saad niya saka dumampot ulit ng isa pang kulay berde na gulay na kulubot ang balat. "Papaya,"nakangiti niya sabi.

Binaba niya ang mga iyun at dumampot muli ng ibang gulay. "Petsay,repolyo..mustasa!"Tuwang-tuwa niyang turan.

Bumaling naman siya sa mga karne. Sinundot ng hintuturo niya isang nakaplastik na maputlang karne. "Manok,"saad niya. Ang isa naman ang sinundot-sundot niya. "Baboy ka naman,"aniya.

Dumako naman ang tingin niya na nakapack na kulay pula na mahahaba. Iniangat niya iyun at tinitigan. May pangalan na ang mga iyun pero hindi niya pinansin dahil gusto niya masiguro na alam niya ang mga pangalan ng mga iyun.

"Hotdog!"

Doon siya naamaze sa kulay pulang pagkain na mahaba iyun kaya naman binuksan niya.

"Masarap ka siguro..pero paano ka kaya lutuin?"bulalas niya pagkaraan mabuksan ang plastik niyun.

"Anong ginagawa mo?"

Gulat na napalingon siya sa nagsalita iyun. Nalingunan niya ito na kunot na kunot ang noo.

"Ah,ikaw pala. Hindi kita naramdaman. Nagugutom ka na ba kaya lumabas ka sa silid mo?"untag niya rito.

Bumaling ang mga mata nito sa likuran niya saka binalik ang tingin sa kanya.

"Kanina pa ko dito,"tugon nito.

"Pasensya na..inaalam ko lang kung natatandaan ko ang tawag sa mga gulay na naririto,"tugon niya rito.

Lumapit ito sa kinatatayuan niya saka tumingin sa binuksan niyang pagkain.

"Kilala mo silang lahat pero hindi mo alam kung paano lutuin, tama?"tanong nito sa kanya na agad naman siya tumango.

"Oo,tama ka!"

"Bakit? Hindi ba kayo nagluluto sa pinag---mulan mo?"marahan nito sabi sa huling salita.

"Ah,sa templo namin? Hindi. Hindi naman kami nakakaramdam ng gutom dun kaya hindi kami kumakain,"matapat niyang sagot rito.

Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata nito sa sinabi niyang iyun.

"Ang weird talaga,"mayamaya bulalas nito.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Weird? Ang alin?"tanong niya sinabi nito.

Agad na umiling ito saka bumuntong-hininga.

"Nevermind. Nagugutom na ko,"usal nito.

"Ipagluluto kita!"bulalas niya.

Napataas ng kilay ang babae. "Talaga ba?"

Ang ngiti sa mga labi niya ay nauwi sa pagngiwi. "Pwede ko naman alamin,"napapahiyang turan niya.

Muli ito napabuntong-hininga. "Ako na magluluto kung gusto mo matuto pwede mo ako panuorin para malaman mo,"saad nito na kinalaki ng mga mata niya sa katuwaan.

"Talaga?! Tuturuan mo ako?!"excited niyang sabi.

"Tuturuan? Okay,ituturo ko na lang sayo para mas malaman mo madali ka naman siguro matuto tutal naman...kakaiba ka,"anito na kinangiti niya ng malaki.

"Sisimulan natin sa basic muna gaya ng pagpiprito nito,"anito sabay angat ng hotdog sa harapan niya.

"Gusto ko matutunan lutuin yan saka gusto ko malaman kung masarap ang lasa,"excited niyang sabi.

Napatitig sa kanya ang dalaga. "Grabe,kakaiba talaga,"bulong nito saka may hinanap ito ng kung ano hanggang sa may inabot ito.

"Did you know what is called this one?"tanong nito sa hawak nito.

Naningkit ang mga mata niya at mariin na tinitigan ang bagay na hawak nito.

Saka siya napangiti. "Kawali!"

"Tama,"tatango-tango nitong sabi saka nito iyun nilagay sa kalan.

"Ako magbubukas. Nang dumating ako dito inaral ko na kung paano gamitin ang mga bagay na naririto,"saad niya.

Napatitig sa kanya ang dalaga at makikita sa mga mata nito ang pagkaamuse nito.

"Okay,"mayamaya usal nito at hinayaan siya na magbukas ng kalan.

Excited na pinihit niya ang kalan upang lumabas roon ang apoy. Isang pihit lang ay may apoy na iyun na labis na kinatuwa at mangha niya na nilingon niya ang dalaga na titig na titig sa kanya.

Bigla na naman siya nakaramdam ng kaba dahil sa pagtitig ng mga mata nito sa kanya.

"Ahm,anong unang gagawin?"untag niya rito.

Napakurap-kurap ang dalaga na tila natauhan ito. Tumikhim ito bago siya sinagot.

"Maglagay ka ng mantika,"anito.

Agad na inalala niya kung ano ang mantika at mabilis naman niya iyun naalala at makita na nasa gilid lamang na nasa lagayan.

"Mantika,"nakangiti niyang iniharap rito ang hawak na lalagyan ng mantika.

"Yes,maglagay ka ng kaunti,huwag masyado marami para hindi siya mamantika kapag naluto na,"turo nito sa kanya saka maingat na nagbuhos siya sa kawali.

Determinado siyang matuto at makikinig siya rito  ng mabuti.

"Tama na ba?"sulyap niya rito.

"Yes,that's enough,"sagot nito.

"Anong sunod?"agad na tanong niya.

"Painitin mo muna ang mantika at kapag mainit na saka ilalagay ang hotdog,"sagot nito at tinandaan niya iyun sa isip.

"Paano nga pala malalaman kung mainit na ang mantika?"kuryuso niyang tanong.

Inabot nito ang kamay niya at pareho sila natigilan ng dalaga pero agad siya nakabawi.

Ang bilis ng tibok ng puso niya!

Tumikhim ito at iginiya ang kamay niya na hawak nito sa tapat ng kawali.

"Ibuka mo ang palad mo,"mahina nitong sabi na kaagad niyang sinunod. Bahagya nitong ibinaba ang nakalahad niyang palad sapat lang para hindi siya mapaso.

"Ganyan ang ginagawa ko kapag nagpapainit ako ng mantika. Malalaman mo kung mainit na siya kapag naramdaman mo sa palad mo,"sabi nito na labis niya kinamangha .

"Ang galing.."mangha niyang sabi.

"May ibang paraan naman pero mas madali ito,"saad nito na hindi tumitingin sa kanya dahil nakatitig siya rito at naramdaman nito iyun.

Naramdaman na niya ang init sa palad niya.

"Mainit na ang mantika!"turan niya.

Binitawan agad siya nito.

"Sige,pwede mo na ilagay pero alerto ka lang minsan kasi tumatalsik ang mantika kapag nagpiprito,"paalala nito.

"Ganun ba..layo ka kaunti baka bigla tumalsik pagkalagay ko,"aniya na agad naman umatras ng kaunti.

Pagkalagay niya ng isa bahagya nga tumatalsik ang mantika kaya maingat ang bawat lagay niya dahil ayaw niya matalsikan ang dalaga hindi na bale siya matalsikan kaya niya yun.

Napabaling siya sa iniabot ng dalaga sa kanya.

"Gamitin mo ito para mashuffle mo sila ng sa ganun maluto ng mabuti,"sabi nito na agad naman niya kinuha .

Napangiti siya habang piniprito niya ang hotdog.

"Ang dali lang pala nito!"bulalas niya.

"Huwag mo lang susunugin hindi na masarap yun,"anang ng dalaga na kinalingon niya rito.

"Paano ko malalaman kung luto na siya na hindi nasusunog?"

Lumapit muli ito sa kanya. Kapag bahagya nagkulay brown na sila,luto na sila,"sagot nito.

"Ganyan?"kinakabahan niyang sabi. Ayaw niya masunog iyun dahil ito ang unang beses na matututo siya magluto.

"Yes,luto na yan,patayin mo na ang kalan,"utos nito na agad niya sinunod.

Nalanghap niya ang amoy ng pinirito niya. Ang sarap ng amoy!

"Amoy pa lang ang sarap!"natatakam niyang turan.

Napabaling siya ng marinig niya ang tawa mula sa dalaga. Kaagad din naman ito sumeryoso.

"Masarap talaga yan,hanguin mo na,"anito sabay abot sa kanya ng plato.

Namamangha naman siya nilagay iyun sa inabot nitong plato sa kanya.

Humarap siya sa dalaga.

"Maraming salamat sa pagtuturo,Danica! Sana marami pa kong matutunan sayo habang nandito ako sa lupa!"buong puso pasasalamat niya rito.

Isang tango lang ang tinugon nito pero makikita sa mukha nito ang pagkamangha.

Natuon na ang atensyon niya sa hawak na plato at agad na kumuha siya ng isa para tikman iyun.

"Ang sarap!"bulalas niya ng malasahan niya ang hotdog.

Continue Reading

You'll Also Like

10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
314K 5.9K 27
#Prince #Redwolf #Romance #Mate #Prophecy #dreame
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...