Feelings that can't Ignore [D...

By nctwayzenkei

2.5K 130 89

Tagalog Fanfic of JaeYong (NCT rather) After 5 years of being together, Jaehyun and Taeyong broke up. Pero bu... More

FOREWORD
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 12

123 8 4
By nctwayzenkei

"Yuta! Ang bobo mo! Literal!" Sigaw ni Ten kay Yuta matapos nitong hindi mahuli si Kun. Si Kun yung last player na kailangang makarating sa unahan para matapos ang laban.

Kasalukuyan silang naglalaro ng patintero at syempre team building ulit nila yun. Si Kun ang last player and unfortunately, hindi sya nahuli ni Yuta kaya team nila Jaehyun ang nanalo.

Tawang tawa naman sila Renjun, Jaemin at Sungchan dahil kanina pang nagbabardagulan yang mga yan. Kulang nalang eh magkalbuhan.

"Si Kun lang yan oh? Bakit di mo mahuli? Sobrang tanga mo na ba?" Nakasimangot nitong sabi at pinagpagan ang sarili.

"Ako lang yun? Grabe ang pangit mo kabonding Chittaphon!" Sabat ni Kun sa kanya.

"Bobo mo din tanga! Ikaw nga hindi mahuli si Johnny. May favoritism talaga. Bat sakin ka nagagalit eh ang bobo mo din?! Hindi mo nga din mahuli eh!"

"Tama na nga yan, tanggapin nyo nang talo talaga kayo. Mahihinang nilalang." Pang-asar pa ni Jaehyun. Mas nagpaasar pa sa kanila yung tawa ni Lucas at Donghyuck na sobrang lakas. Isa pa naman yung batang yun ang lakas din mang-asar, akala mo kaedad nya lang yung pinipikon nya.

"Taeyong tatanggalan ko ng essential needs tong ex mo sabihin mo oo!" Sigaw ni Ten kaya tumigil sa pagngiti si Jaehyun.

"Anong essential needs?" Takang tanong ni Jaehyun. Hindi nya alam yun malamang, wala naman sya nung pinag-uusapan nila yun eh.

"Ayan oh." Turo ni Jisung kaya umatras si Jaehyun.

"Tangina moka gago! Kung mag-aaway kayo wag nyokong idadamay!" Balik sigaw ni Taeyong sa kanila. Nananahimik na nga sya idadamay nanaman eh. Lahat nalang ng about kay Jaehyun dapat kasali sya. Mga shuta talaga.

Imbis na awatin magbangayan si Ten at Yuta, pinanood lang sila nung mga tropa nila na parang nag-eenjoy. Aawatin naman sana sila ni Sungchan pero pinigilan sya ni Donghyuck.

"Wag. Baka masabunutan ka ni Ten hyung." Sabi nito.

"Ayiee concern." Sungchan teased.

Sinamaan naman sya ni Donghyuck ng tingin. "Oh sige pigilan mo nalang. Pasabunot ka don!"

"Uy joke lang baby." Sungchan kissed his cheek kaya natigilan ng slight si Hyuck.

"Hoy! Sungchan parang tanga!"

"Yawa talandi gusto din naman." Singit naman ni Doyoung kaya sa kanya ngayon nakatingin ng masama si Hyuck.

"Inggit talaga ang walang lovelife." Inirapan sya ni Hyuck.

"Ay nagblush. End game." - Xiaojun.

Binaling naman ni Taeyong ang tingin kay Mark. Nakasimangot lang sya pero nakatingin dun sa dalawa.

"Uy selos yarn." Asar ni Jaemin sa kanya.

"Luh. Sinong nagseselos? I don't like him that way."

"Sure ka? Hindi mo man lang namimiss? Kasi ikaw yung madalas kasama ni Hyuck noon nung hindi pa umaamin si Sungchan." - Taeyong.

"Namimiss din naman." Mark looked away at tumingin sa dagat. "But, yun lang yun. Sungchan's courting him and it's okay."

"Grabe? Wala ka talagang nararamdaman kahit kakaunti para kay Hyuck? Kasi kung ako ang tatanungin mo, feeling ko meron naman." Sabi pa ni Taeil.

Mark chuckled. "Well, I used to like him. Pero mas mahalaga sakin ang friendship namin. Hindi ko lang magawang aminin sa kanya dahil natatakot akong baka masira yun, and Sungchan is also important to me. Ayoko din mag commit, di ako ready."

Napanganga naman si Renjun after nilang marinig na sabihin ni Mark yun. Hindi naman nalalayo ang edad ni Mark sa kanila pero kung makapagsalita sya parang same age sila ni Taeil.

"Ang cool mo naman jan. Ako nalang kasi Mark." Biro pa ni Renjun at nagkunwaring hahalikan si Mark.

"Renjun ang harot. Parang wala si Yangyang sa tabi-tabi." Saway ni Winwin sa kanya.

"Hay nako hyung. Pagsabihan mo yun, ang gulo nya. Nabibwisit na kamo ako. Sagadin pa nya ako one more time, kay Mark na ako magpapaligaw."

"Kung ligawan ka eh." - Winwin.

"Ano Mark? You want fubu?"

"Hoy Renjun gago ka? San mo nalaman yan? Halika nga dito!" Tumayo si Taeyong at hinila si Renjun.

"Joke lang eh! Hyung joke lang talaga! Gusto ko lang syang asarin! Malay mo patulan."

"Bat naman fubu?" Tanong ni Jaemin na nagtataka. Si Renjun kasi hindi mo din mapredict minsan eh.

Akala mo nagbibiro, seryoso na pala.

"Eh ayaw nya kong ligawan eh."

"Bobo ka ba? Nakareserve ka kaya!" Singit naman ni Chenle kaya nilingon sya ni Renjun.

"Kanino? Hindi nga nagpaparamdam! Magsama nga kayo nun Jaemin!" Sabay tulak ni Renjun sa kanya.

"Anla bakit naman ako?" Jaemin pouted. "Manhid nga eh."

"Hindi ka din kasi nagpaparamdam. Ano ba yan? Malay mo kasi ayaw lang mag-assume." Sabat ulit ni Chenle.

"Woi! Yung mga sunod na talunan lumapit na dito!" Sigaw ni Donghyuck sa kanila.

"Tangina mo! Tingnan natin kung sinong talunan satin!" Sigaw ni Renjun pabalik kay Donghyuck.

"Handa akong maging talunan para sayo Hyuck!" Sabi naman ni Sungchan kaya tumingin sa kanya lahat ng mga kagrupo nya.

"Gago ang corny talaga." Sabi ni Winwin.

"Alam kong hindi normally ganyan si Sungchan pero nagpapakamais ang loko para kay Hyuck." Dagdag pa ni Taeyong.

"Hayaan nyo, kita nyong hulog na hulog eh."

Napatingin naman si Sungchan sa mga kagroup nya nang mapansin nyang nakatingin pala sila sa kanya. Napapailing lang si Mark sa kanya.

"Bakit?"

"Wala na bang mas icocorny yang banat mo?" - Jaemin.

"Papatalo ka jan? Pano kapag hindi ka sinagot non in the future?" - Renjun.

"Okay lang."

"Hoy Renato hindi ka sure! Kaya manahimik ka gago!" Sigaw ni Hyuck dahil narinig nya yung sinabi ni Sungchan.

Dahil sa sinabing iyon ni Hyuck, ngumiti ng malawak si Sungchan at namumula pa. Pati si Hyuck namula din sa sinabi nya dahil nagulat din sya sa ginawa nya. Tinatawanan tuloy sya ni Shotaro at Hendery.

"Si Jaehyun daw handa din maging talunan para kay Taeyong!"

"Hoy gago!" Inirapan ni Taeyong si Johnny.

Pinagtulungang hilahin ni Winwin at Jaemin si Sungchan dahil para itong tangang na stuck sa kinatatayuan nya dahil sa sinabi ni Donghyuck.

Sinulyapan pa ni Taeyong si Jaehyun at nagtaka pa sya na nakatingin ito sa kanya at nakangiti.

Ginagawa nitong gagong to?

The game goes on, ang team nina Taeyong ang huhulihin ngayon at si Jaehyun ang nasa unang line. Nakapasok naman ng mabilis yung iba sa line at si Taeyong ang naiwan sa first line.

"Doyoung hayop ka!" Sigaw nito. Kapit nya lang kasi ito kanina, ngayon nasa malayo agad.

"Tanga mo bat ka nga bumitaw?!"

Gusto pa syang sagutin ni Taeyong pero nabaling ang tingin nya kay Jaehyun na nakangisi pa sa kanya.

"Nginingiti mo jan? Ang daya mo ah!"

"Panong naging madaya?"

"Hinayaan mo lang silang makalampas tapos nung ako na todo bantay ka?"

"Kasalanan ko pang bumitaw ka?"

"Oo kasalanan mo talaga!"

"Paanong naging kasalanan ko eh desisyon mo yun?"

Luh, bat parang iba naman ibig sabihin non?

"Eh hindi ko namalayan eh!"

"Tangina nyo dyan pa kayo mag-aaway!" Sigaw ni Kun.

"Hindi kami nag-aaway! Ang duga nitong kampe nyo!"

Medyo napalapit si Taeyong dahil sa pagsigaw nya kay Kun at muntik na din syang mahila ni Jaehyun, buti nakalayo sya agad.

"Sayang."

"Gago!"

"Wag kang magalit." Sabay tawa pa nya.

Sa kabilang dulo naman ay nag-aasaran si Renjun at Donghyuck. Hila naman ni Jaemin si Sungchan. Delikado kasi at baka magpahuli kay Donghyuck. Pagsinabi pa naman ni Sungchan na gagawin nya, gagawin nya talaga.

"Sungchan umayos ka sabi!"

"Ayos naman ah."

"Oo, ayos magpahuli. Sa galing mo naman."

Medyo nahirapan silang makalampas kay Johnny at Lucas dahil parehong mahahaba ang braso kaya madali silang mahuli. Pero buti nalang din mautak si Taeil at naisahan nila yung dalawa.

"Shuta ang galing ni Taeil." Sabi ni Hansol.

"Woi tingnan mo may pating oh." Turo ni Taeyong sa bandang likod ni Jaehyun.

"Oo nga, ang laki." Pang-aasar pa nito.

Minsan talaga may time na babadtripin ni Jaehyun si Taeyong, minsan naman nagiging mabait at minsan din nagiging gago.

Araw-araw hindi na yun nawala sa kanila. Ang gulo, pero mas ayos naman yung ganito kesa sa naman mag-away sila ng mag-away. Baka kapag patuloy lang silang nag-away, maulit nanaman yung dati na nahati silang magtotropa dahil apektado ang lahat sa break up nila. Yung iba syempre kay Taeyong sasama at yung iba kay Jaehyun.

Okay na din to.

Mabilis man ang nangyari, anong magagawa nya? Wala na.

"Hala si Autumn!" Tinuro ni Taeyong ang ibang direction kung san may mga babaeng nakabikini.

Lumingon naman si Jaehyun na naging dahilan para sana makapasok na sya sa line.

Pero dahil mas mabilis ang reflex ni Jaehyun, kaagad nyang hinila si Taeyong sa waist nito at niyakap sya mula sa likod para hindi makawala.

"Hoy!"

"Huli ka. Akala mo ha." Bulong ni Jaehyun sa kanya.

Taeyong rolled his eyes at pinilit na makawala sa grip ni Jaehyun.

"Oo na! Bitawan mo na ko." Sabi nito, pero dahil may pagkagago si Jaehyun, hinigpitan pa nya ang yakap.

Taena ito nanaman.

"Shuta Jung Jaehyun isa!"

"Woooooooo bawal yan!"- Hendery.

"Sige layag!" - Jungwoo.

"JaeYong ibalik!" - Ten

"Babalikan na yan oh!" - Hansol.

"TAEYONG!!!!" Mabilis na lumapit si Doyoung at hinatak sya palayo kay Jaehyun. Dahil sa gulat nabitawan tuloy.

"Makasigaw?"

"Kapokpokan mo! Anyare bat tayo natalo? Bakit ka nahuli?"

"Bobo ka? Ikaw bumitaw sakin ha! Sampalin kita eh."

"Grabe naman kahapon pa tayong natatalo eh! Hindi kasi ayusin." Bumaling ang tingin ni Doyoung kay Jungwoo. "At anong layag? Tahimik! May jowa na yung tao gumaganyan pa kayo." Saway pa nya.

Halos lahat ata sila nagulat sa sinabi ni Doyoung. Maliban kay Taeil syempre, aware naman yan sa nangyayari.

"Hala nagalit."

Nagkatinginan si Jaehyun at Doyoung pero saglit lang.

"Problema mo Doyoung at nag-iinarte ka jan?"

"Wala. Baka kayo meron? Kasi ni hindi nyo iniisip yung nararamdaman ni Taeyong at Jaehyun."

"Hoy, parang hindi ka ganun ah!" - Ten.

"Tama na! Dahil lang jan eh. May chance pa naman kayo." - Johnny.

"Sige na, kayo na yung panalo. Okay lang promise." Hinila na ni Taeil si Doyoung paalis para pakalmahin dahil baka kung ano na ang masabi. Baka kasi nabadtrip dahil natalo nanaman sila eh ayaw pa naman ni Doyoung na nagpapatalo din. Aware din si Taeil sa naging usapan ni Taeyong at Doyoung kaya hindi nya din ito masisisi kung magrereact sya ng ganyan.

Gusto pa sanang magseryoso ni Hendery pero di nya nagawa. Wala eh, natatawa sya kay Chenle at Jisung na walang pake sa nangayari sa paligid nila.

"Ano ba yan, may nag-aaway na nga wala lang?" Sabi ni Xiaojun.

"Sus, malalaki na yan. Sure naman na maaayos din nila mamayang gabi yan. Magseset ako ng inuman." Cool na sabi ni Chenle.

"Malugi kayo kay Hendery." - Sabat ni Lucas.

"Ay waw, sino kaya satin ang matakaw uminom."

Dahil sa sinabi ni Doyoung, tumayo naman si Jungwoo at niyakap si Taeyong. Nagkaroon sya ng mabilis na realizations eh.

"Sorry hyung."

-----

"Yangyang ano ba? Saan mo ko dadalhin?" Renjun asked. Bigla bigla nalang kasing nanghihila.

Hapon na at kasalukuyang naliligo sa beach ngayon ang magtotropa. Nakikipag-asaran pa si Renjun kay Xiaojun at Mark nang hilahin sya ni Yangyang.

"Sa malayo para masolo kita." Direchong sagot nito.

"Luh!"

"Ano, bakit hindi mo ako pinapansin?" Seryosong tanong nito.

Umiwas naman ng tingin si Renjun at doon sa dagat tumingin kung saan naghahabulan si Sungchan at Donghyuck.

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Hindi mo nga ako kayang tingnan eh. Bakit? Did I do something? Na-offend ba kita or what?"

Kasi eh, tinext nya kanina na sabay silang magmiryenda pero sumama pa kay Shotaro. Tinatawag sya ni Yangyang pero sigeng dikit kay Mark naman. Hindi sya makasingit kasi nga hindi sya pinapansin.

"Wala nga Yangyang."

"Meron nga eh. Sabihin mo na sakin." Yangyang said at hinawakan pa sa kamay si Renjun.

Seryosong nakatingin si Yangyang kay Renjun kaya naman wala ding choice si Renjun.

"Alam mo, ang landi mo! Ang landi mo talaga! Hindi kita magets. Nung una akala ko ginugood time mo lang ako eh, taena inaraw-araw mo yang panlalandi mo saking gago ka pero hindi ka naman nanliligaw. Kung makahawak ka sa kamay ko jan, jowa kita?! Pero kagabi makangiti ka dun sa bartender ng wagas. Tangina ka ang landi mo! Magsama kayo nung bartender na yun!" Nanggigigil na sabi ni Renjun kay Yangyang. Muntik pa nyang mahampas ito buti nalang napigilan nya ang sarili nya. Hindi sya sing sadista ni Donghyuck na kapag kikiligin kay Sungchan ay kukurutin sya ng palihim.

"Bartender?"

"Wala ka naman palang planong seryosohin ako sana hindi mo nalang ako nilandi!" Tinulak pa nya si Yangyang bago magwalk out.

"Teka lang! Hindi ko naman nilalandi yun eh."

"Kwento mo sa pagong!" Mabilis na naglakad palayo si Renjun pero mabilis din naman syang naabutan ni Yangyang para pigilan.

"Teka lang kasi. Listen to me first."

"Wag kang magpaliwanag! Di naman tayo eh." Kumakawala si Renjun sa kapit ni Yangyang pero mas hinigpitan pa nya ito.

May point.

Natigilan sandali si Yangyang kaya tiningnan sya ni Renjun.

"Oo nga."

"Tss."

"Sasabihin ko pa din kahit ayaw mong makinig. I'm not flirting with that bartender noh. Nakita ko kasi yung IG story mo kaya ako napangiti ng ganun at eksakto namang tinawag na ko nung bartender. Mali ka ng iniisip. Ikaw lang yung gusto ko Renjun. Nakikita mo ba akong nakikipaglandian sa iba bukod sayo?"

Renjun pursed his lips dahil sa sinabi ni Yangyang at umiwas ng tingin. Nabigla naman sya sa sinabi nito kaya ngayon hindi sya makatingin dito ng maayos. Pero walang pagsisisi sa mga mata ni Yangyang.

"H-Hoy, parang tanga to."

"Okay lang. Sayo naman ako nagpapakatanga eh. Nilalandi kahit hindi ako sure kung gusto mo din ako."

Takang tiningnan naman sya ni Renjun. "Hindi ka pa sure nyan? Eh bakit pa pala tayo nag-uusap dito?"

"Bakit? Gusto mo din ba ako?"

"Hunghang ka ba?! Magseselos ba ako kung hindi kita gusto? Bahala ka!!!" Renjun rolled his eyes saka nagwalk out na ng tuluyan. Tumawa pa muna si Yangyang bago sya sumunod dito.

---

Matutulog na dapat si Jaehyun eh, pero nagtataka sya bakit nakalock yung room nila ni Johnny. He's so sure na nasa loob na si Johnny after ng inuman nila and he's with Ten pa nga eh.

Baka naman...

"Oh hell no." Dinikit nya ang tenga nya sa pinto para makinig kung may kakaibang nangyayari sa loob.

At tumpak.

Meron nga. Ito ay isang bagay na ginagawa lamang ng magjowa.

"Fuck it bakit dito sa room namin?" Parang ayaw na tuloy ni Jaehyun matulog don.

Wala syang nagawa kundi bumalik sa bar ng hotel na ito kung saan tuloy pa din ang inuman ng mga tropa nya.

Pagbalik nya, nakita nyang natutulog na si Taeyong katabi ni Kun. Mukhang lasing na kaya nakatulog na kaya doon naupo si Jaehyun sa kabilang tabi ni Taeyong.

Kinoconfront kasi nila si Doyoung about sa inasta nito. Pero yung mga itchura nila parang patulog na din dahil sa kalasingan.

Si Chenle naman kanina pa silang kinukunan ng video.

"Tangina mo Doyoung. Kanina ka pa!" Sabi ni Yuta. "Akala ko isa ka samin, shuta ka bakit umiba ang ihip ng hangin?" Madramang tanong ni Yuta sabay inom ng whiskey.

"Namulat na ko sa katotohanan Yuta. Di nyo ba narerealize na kaya mas nagkakailangan yung dalawa ay dahil sa pang-aasar nyo?" Sagot ng lasing na si Doyoung din. "Nung una akala ko okay lang. Puta, nakita kong umiyak si Taeyong hindi ko kinaya. Naisip ko na ang sama ko palang kaibigan shuta sana kayo din!" Dagdag pa ni Doyoung at uminom din ng whiskey.

Tahimik lang na napatikhim si Jaehyun sa gilid at saglit na sinulyapan si Taeyong.

"Oo tama. Narealize ko din yon." Jungwoo said at tumango. "Grabe napaka insensitive natin sa kanila. Tayo pa na kaibigan nila." Lasing na din sya.

"Oo buti alam mong hayop ka. May layag layag ka pang nalalaman na puta ka! Tandaan nyo to ha! Hindi porket di natin alam ang buong kwento basta nalang kayo aasa na may balikan like, gago ba tayo? Tangina may jowa si Jaehyun oh! Ano nalang mararamdaman ni Autumn kapag nalaman nya to?!"

"Tangina concern ka don? Di mo ba alam na may alam ako kay Autumn na hindi nyo nalalaman?" Yuta chuckles, pero sarcastic. "I have my fucking eyes and ears. Nakikita ko kung anong gusto nyang gawin. Kaya kung ako sa inyo wag kayong tumumigil sa pagmanifest." At yun humalakhak na sya.

Napatingin naman si Jaehyun kay Yuta. Gusto pa sana nyang tanungin ito pero ayaw nyang mapansin muna sya ng tropa at sila ni Taeyong pala ang pulutan dito eh.

"Sabihin mo ang nalalaman mo bebe ko." Sabi naman ni Hansol pero parang hindi yon masyadong naintindihan ni Yuta. Mga lasing kase.

Natawa si Chenle doon, lumakas kasi ang loob eh dahil may tama na ng alak.

Ang youngsters nalang na natira ay si Chenle, Hendery, at Mark. Di naman halatang youngsters si Lucas dahil sa itchura nya eh so hindi sya kasali.

"Di pwede. Baka ipakulam nyo na eh."

"Hindi mo sasabihin? Tangina nyo. Tigilan nyo na ang kakaasar dun sa dalawa!" Sigaw pa ni Doyoung at napatayo na and at the same time, nakita nya Si Jaehyun kaya dinuro nya ito.

"At ikaw namang gago ka din, alam mo naman palang hindi pa nakakamove on yung tao, lapit ka pa ng lapit? Ano? Insensitive ka? Atat kang magkaayos kayo? Sana ganun lang kadali diba? Akala ko ba matalino ka Jaehyun? Minahal mo naman si Taeyong diba? Sana nirespeto mo naman." Diredirechong sabi ni Doyoung at kamuntikan pang matumba, buti nalang nasalo sya ni Taeil.

"Oh? Tapos tatanungin moko kung anong paki ko? Malamang may paki ako! Kaibigan ko kayo pareho eh tangina nyo! Kayo, sama nyo pa yung baklang Chittaphon na yun kahit gusto ko nang kalbuhin yun eh."

Napayuko naman si Jaehyun dahil sa sinabi ni Doyoung. Siguro gustong-gusto itong sabihin ni Doyoung sa kanya pero hindi nya magawa dahil nga sa kakulangan ng kaalaman nila sa break up nila.

"Halika nga dito. Bakit kasi kayo nagbreak? Yung totoo ha!" Sabi ni Kun pero umiling si Jaehyun.

"Wala."

"Anong wala! Magkkwento ka o magkkwento ka?" Banta ni Hansol.

"Di na importante yun."

"Importante yun tanga! Kahit lasing kami matatandaan namin to bukas gago." Tumayo si Yuta para hilahin si Jaehyun at naupo naman ito ngayon sa tabi ni Doyoung.

Nakatingin pa ito ng masama sa kanya.

"Hala sana nakikita to nila Sungchan." Bulong ni Hendery kay Lucas na nananahimik lang. Tahimik si Lucas kapag lasing eh.

"Don't worry. You have me." Chenle winks.

"Umamin ka, nambabae ka no? At si Autumn yun?" - Doyoung.

"Hindi. Hindi ko magagawa yun, I told you nakilala ko sya sa blind date na dapat ay si Mingyu ang magpapakita."

"Wala kang sinabi sakin tangina mo."

"Nasa hotel pa yan sila nung nagkwento ka." Sabi ni Jungwoo.

"Gagalit eh!"

"Never kong niloko si Taeyong at hindi ko yun magagawa sa kanya." Seryosong sabi ni Jaehyun sa kanila.

"Hindi ka maf-fall out of love kung wala kang nakitang iba." Sabi pa ni Mark at seryoso din na nakatingin kay Jaehyun.

Nagulat si Jaehyun sa pagsagot ni Mark. "Wala naman talaga. Come on, you know me. Lalo na ikaw Yuta, kayo ni Johnny. Noon pa man kasama nyo na ko since high school bago ko nakilala si Taeyong. Yun ang bagay na hindi ko magagawa sa kanya."

"So, bakit nga?" - Winwin. "Sa ginawa mo kasi, para ka talagang nagloko Jae."

"No. It's just, one day, nagising nalang ako na nawawalan na ako ng gana. I don't know why. Magkakasama naman tayo sa dorm, we have enough time to spend with each other. I get tired for no reason and enough na yun para magbreak kami. I think, he don't deserve me at mas lalong hindi na ako pwedeng magstay. Sinabi ko yun sa kanya." Jaehyun explained.

Muling bumalik sa isip nya si Taeyong nung mga panahong yun, kung pano sya umiyak at magmakaawa wag lang makipagbreak si Jaehyun sa kanya. Pero buo na ang desisyon ni Jaehyun nun.

Kada maiisip nya ang pangyayaring yun, nasasaktan sya. Ang hirap makitang ganun si Taeyong, pero ano sinaktan pa din ni Jaehyun.

Naisip nyang mas masasaktan pa si Taeyong kung patuloy pa syang magsisinungaling dito.

He felt really bad. Walang ibang ginawa si Taeyong kundi ang mahalin sya and then what? Si Jaehyun pa ang nafall out of love?

Narealize nya kung gaano kagago yun kaya nagdecide syang makipagbreak. Taeyong doesn't deserve him talaga.

"At sa amusement park yung last date namin bago kami tuluyang magbreak."

Sandaling katahimikan ang namuo sa kanilang pagitan.

"Gago?!" - Yuta

"Ha?!" - Mark.

"Hatdog." - Hendery.

"Oh loko! Tapos pinilit nyo pa silang sumama that time, may masamang ala-ala pala! Tapos ano? Pinagsama nyo pa?" Sabi naman ni Taeil sa kanila at umiling-iling.

"Malay ba namin?"

"Oh edi alam nyo na? Mga puta kayo!" Si Doyoung naman. Galit pa din.

"So the question is, mahal mo ba si Autumn?" Chenle asked.

At doon nanahimik si Jaehyun.

Continue Reading

You'll Also Like

240K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
1.1M 48.8K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
564K 12.6K 39
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
857K 39.9K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...