Watermelon Dreams

By infinityh16

46.9K 4.8K 1.2K

After reading Wizard of Oz, seven-year old Olivia fell asleep only to be awakened by invisible melodious wind... More

Dedication
Watermelon Dreams
Falling
Erin
Watermelon Tree
The Thief
Fireflies
First Friend
Tree Planting
Angel
Into the Woods
Beyond the Woods
Taro Leaf
Mirror
Willows
Kontaminados
Time Off
Stranded
Prey
Grego Farm
Bus Ride
Daughter of Nature
Kampilan
Savior
Wind Chimes
The Volunteer
Mandurugo
Aboard the Sea Dragon
Keithia
History
Osculation
Aurora
New Breed
Hope
Babe
Verona
Birthday Eve
Arrow
Eighteen
Home of the Winds
Bodyguard
***
Trap
Island in the Sky
Red and Gold
Erin & Olivia
Balance
Emptiness
The End
Useless Information
Cursed
Grim Future
Falling
Mirror, Mirror

Bonfire Story

651 79 19
By infinityh16

CHAPTER TWENTYFOUR

SUMMER OF 2005

Olivia’s respect for teachers grew deeper when, after almost six hours of bus ride, they had to hike up a mountain for an hour and cross three rivers before reaching the community. It was totally dark when they arrived. Their local guide made sure they were safe.

Sa tinutuluyang bahay ng mga teachers malapit sa eskwelahan hinatid sina Olivia. Gutom at pagod silang lahat kaya mabilis nilang naubos ang pagkaing hinanda ng limang gurong na-assign sa lugar na iyon.

Excited ang mga guro sa activities na gagawin during the summer. Kahit hindi pa man nakakarating, nagpapasalamat na ang mga ito sa mga supplies na galing sa Foundation sa tulong na rin ng mga generous sponsors and donors.

Habang humihigop ng kape kinabukasan, nagkwento ang mga guro ng karanasan ng mga ito. Pare-parehong nasa mid-twenties ang mga ito. Bagamat wala pang mga sari-sariling pamilya, nilalabanan ang pangungulila sa mga magulang at kapatid dahil ilang buwan ang bibilangin bago ang mga ito makauwi.

Kahit may ipinatayong tatlong classroom sa liblib na pook na iyon, may mga bata pa ring naglalakad ng ilang oras para lamang makapasok sa paaralan. Delikado kapag umuulan dahil maputik at madulas ang daan.

“Minsan hindi ko mapigilang madismaya sa mga batang may pang-aral pero ayaw mag-aral. Samantalang may mga batang nagpupursigi kahit maglakad ng ilang milya nang nakapaa makarating lang sa paaralan. Kahit plastic bag lang ang gamit, nagti-tiyaga sila para matuto.” Naiiling at nalulungkot na sabi ni Ma’am Kathy habang hawak ng magkabilang palad ang tasang may mainit na kape.

Kasamang ibabahagi ng Foundation sa mga bata roon ang tsinelas, papel, panulat at pati mga educational books na makakatulong sa mga ito. May dala rin silang mga gamot na iiwanan sa mga guro dahil sa paaralan ang takbuhan ng mga magulang kapag maysakit sa pamilya. Milya ang layo ng pinakamalapit na health center.

“Ma’am Kathy, ilang araw nang hindi pumapasok si Annette. May sakit kaya sya?” Pinuntahan ni Olivia sa kabilang classroom ang guro matapos ang Araling Panlipunan class nya biyernes ng hapon. Nakapag-adjust na rin sya makalipas ang dalawang linggong pagtuturo sa tulong ni Kathy.

Hinintay munang lumabas ng guro ang huling estudyante sa classroom bago sumagot. Bakas sa mukha nito ang lungkot. “Baka nga. O di kaya’y hindi makaalis dahil tumutulong sa taniman nila.” Kumunot ang noo nito sa pag-aalala. “Huwag sanang…”

“Huwag sanang ano, Ma’am?”

“Mag-asawa.” Halos hindi masabi ni Ma’am Kathy. “Lima silang magkakapatid at hikahos sila sa buhay.”

“But she’s only twelve.”

May ibang magulang na napipilitang ipakasal ang mga babaing anak sa isang lalaking may kakayanang bumuhay at magbigay ng dote dahil sa kahirapan.

Nalungkot si Olivia para kay Annette. Sinabi nito sa kanya noong huling beses itong pumasok na pangarap nitong maging doktor kaya nagsusumikap itong mag-aral. Nais nitong iahon ang pamilya sa kahirapan.

“You don’t seem okay.” Napatigil sa paglalakad si Olivia nang marinig ang boses ni Erin. “May problema ba?” Nasa harapan na pala nya ito.

“W-Wala naman.” Pinilit ngumiti ni Olivia. Iwinaksi ang maaaring kalagayan ni Annette dahil baka may sakit lang ito. Pupuntahan nila ni Ma’am Kathy sa Linggo. “Nami-miss ko lang ang pamilya ko.” It was true but she was more bothered with Annette. “Lalo akong humahanga kina Ma’am Kathy. Hindi ko ma-imagine kung gaano silang nangungulila sa mga pamilya nila.”

“Kahanga- hanga ang dedikasyon nila,” sang-ayon nito.

Sabay silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang batis. Umupo si Erin sa isang bato malapit sa pampang. Namumutla ito.

“May sakit ka ba?” Nag-aalalang hinawakan ni Olivia ang noo ni Erin, na medyo nagulat sa ginawa niya. Wala naman itong lagnat. Napansin nyang lalo itong namumutla habang dumadaan ang mga araw. “Namamahay ka pa rin ba? Nakita kitang lumabas kagabi. Nahihirapan ka bang matulog?”

“Medyo. Don’t worry, makakabawi rin ako.”

“Akala ko naman kung may sakit ka na, Ate. Naisip ko lang na sign of aging,” natatawang biro nya.

Hindi man lang ito napikon, bagkus ay tumawa ito. Natigilan si Olivia nang tila kumislap ang ibat- ibang kulay sa mga mata ni Erin. “Bakit?”

“W-Wala.” Baka imahinasyon lamang nya iyon. “I’m going for a swim. Want to join me?”

Olivia didn’t wait for Erin to answer. Nakatitig lang ito nang tinanggal nya ang sneakers sabay hubad ng top nya at iniwan ang shorts. Plano nyang maligo after her class kaya nagsuot sya ng one-piece bathing suit. She waded through the water until she reached a deep part. Her body welcomed the coldness hoping to temporarily numb her aching heart as she swam freely back and forth.

When she emerged, Erin was infront of her, waiting. The water was crystal clear; she could see Erin’s blue underwear. Olivia forced her eyes to focus on the beautiful girl’s worried face instead.

“You looked troubled. Do want to talk about it?” Erin’s voice was very assuring and soothing. Olivia told her about Annette.

“I’ll go with you. Don’t fret too much.” Marahang pinisil ni Erin ang baba nya. She tried to ease her worry but Olivia could tell that Erin was agitated with something else or maybe Annette.

Hinati ang mga volunteers sa apat na grupo para i-assign sa iba’t- ibang lugar sa bundok. Imbes na maglakad ng malayo ang mga estudyanteng magti-take ng summer class, sila na ang lumapit sa mga ito. Naging gabay ng grupo ang limang guro sa pagtuturo.

Tuwing sabado naman nagtitipon- tipon ang mga volunteers sa Base Camp, ang eskwelahan kung saan hinatid sina Olivia noong unang dating nila at kung saan din sya na-assign.

Pagkatapos nilang magmeeting at magreport sa OIC nila, nagtulong- tulong silang magluto ng hapunan. May ibang volunteers ang nagsabing ilang estudyante na ang hindi pumapasok. Araw- araw na nababawasan ang bilang ng mga ito.

“Pinuntahan ko kahapon yung isang estudyante ko. Isang linggo ng absent pero mukhang naglayas daw sabi ng tatay,” kwento ni Chino. Kahit walang ginawa ang lalaki kundi magpacute kay Olivia, magiliw ito sa mga bata at may malasakit sa kapwa. “Sabi ni Kapitan, karaniwan ang paglalayas lalo na sa mga batang babaing ayaw magpakasal.”

Abala sina Olivia, Chino at Caitlyn sa paghihiwa ng mga gulay habang nagpapalitan ng kwento. Napansin ni Olivia na seryosong nag-uusap sina Miranda at Erin sa kabilang table. Maputla pa rin ang huli at mukha pa ring may sakit.

Olivia was worried about Erin and at the same time irritated. Pagkatapos nilang maligo sa batis kahapon, hindi na kumain si Erin. Hindi na pinilit ni Olivia dahil baka masama ang pakiramdam nito. Nagtabi na lang sya ng pagkain para rito.

Dahil naka-assign sa ibang lugar ang apat pang guro kasama ng volunteers, sina Olivia muna ang gumamit ng kwarto sa bahay ng mga ito. Si Erin ang kashare nya sa maliit na silid dahil sa ibang lugar assigned si Miranda. Isang single bed lamang ang meron, maliit na cabinet at study table. Hindi na nakatutol si Olivia nang sinabi ni Erin na sa sahig ito matutulog.

Erin was soundly asleep when Olivia decided to call it a night. There’s no electricity. Dinner time was before sundown. By 7PM, Olivia was asleep.

She woke up after dreaming about flying on a magical taro leaf with Erin. Olivia saw her room mate left the room quietly. She must be hungry, Olivia thought.
Bumangon sya para samahan ito. Mula sa pinto ng kwarto nila sa itaas, kita roon ang main door. Kahit madilim, naaninag nya ang lumabas na si Erin. Dala ang gasera, bumaba si Olivia saka sinundan ang babaing wala man lang dalang flashlight.

Madilim na madilim sa labas. Natatakpan ng ulap ang buwan. Medyo nag-alinlangan sya nang hindi makita si Erin. Saan ito pumunta?

Kakahuyan ang kanang gawi ng bahay at nasa bandang kaliwa naman ang daan patungong eskwelahan, na syang tatahakin nya nang may marinig na kaluskos at yabag sa kanan.

“Erin?” Mahinang tawag nya habang naglalakad patungong kakahuyan. Kahit gamit ang gasera, wala man lang syang maaninag sa sobrang kadiliman kundi ang binabagtas na daan. “Erin.” Hindi ito sumagot.

Nanuot ang lamig sa pajama nya kasabay ng pagtayo ng mga balahibo nya. Pakiramdam nya may nagmamasid sa kanya nang tuluyang makapasok sa madilim na kakahuyan.

Olivia almost dropped the gas lamp. She heard a low rumble. She stopped on her tracks when it turned into an angry growl. The little light she had caught a sudden rustle ahead of her. Was it a jungle dog? Or a wildboar?

She wanted to run but from the footfalls and low rumbling sounds, Olivia knew she was surrounded. The unseen creatures were circling around her, lurking behind the trees, ready to attack.

Olivia saw a dried wood stick and quickly picked it up. Gas lamp on her left and brandished the stick on her right. She was ready to defend herself.

Where was Erin? She could be in danger. She must find her. With her frail state, Erin would be an easy prey.

Biglang humangin sa paligid. Halos manginig sa lamig si Olivia. Nang tumigil ang pag-ihip ng hangin, narinig nya ang mga papalayong yabag. Tila nagsipagtakbuhan ang mga nilalang.

Ang lakas ng tibok ng puso ni Olivia. Nanginginig ang kalamnan nya sa pinaghalong takot at lamig.
“What are you doing here?!” Biglang lumabas si Erin mula sa pagitan ng dalawang puno. Naaninag mula sa ilaw ng gasera ang galit sa mukha nito. “You could have been harmed.”

Hindi nakapagsalita si Olivia. Kita nya ang halong galit at takot sa mga mata ni Erin.

“I’m glad you’re safe,” Olivia managed to say.

Natigilan ito at napatitig sa mga mata nya. “Anong ginagawa mo sa loob ng kakahuyan?”

“I followed you. Akala ko dito ka pumunta. I was worried. You didn’t bring light,” paliwanag nya.

Erin’s anger seemed to subside. “Don’t ever do this again. Paano kung saktan ka ng mga mababangis na hayop?” Iritable pa rin ito. “You’re so reckless.”

“I’m reckless? What about you? What are you doing here?” Aminado syang reckless ang ginawa nya. Naiinis din sya sa sarili kung bakit ganun na lamang ang pag-aalala nya rito kaya sinundan ito kahit alam nyang delikado.

“It’s none of your business,” madiin nitong sabi. Hindi na nakaangal pa si Olivia nang hawakan nito ang kanang kamay nya at walang kibo sya nitong hinila hanggang makalabas sa kakahuyan. Hinarap sya nito bago pumasok sa bahay. “I don’t want you wandering in the woods. Ever.” Napatango na lang si Olivia. “Now go back to your room and sleep.”

Inis na inis si Olivia kinabukasan dahil parang batang paslit ang trato ni Erin sa kanya kagabi. Hindi nya ito binati ng usual nyang, “Good morning, Ate.” Namiss nya tuloy ang lagi nitong sagot na misteryosong ngiti.

“No, I don’t miss her,” Olivia told herself.

Nag-improve ang mood ni Olivia kinagabihan na. Gumawa sila ng bonfire at pumalibot doon while eating dinner. Nagkantahan pa nang ilabas ng isa sa mga volunteers ang gitara nito.

Everyone was singing “Summer Sunshine” when Olivia noticed that Erin and Miranda were not among them. Inilibot nya ang paningin sa paligid ngunit wala ang mga ito.

Bakit ba nya hinahanap ang babaing yun? Baka nasa classroom lang ito kasama ni Miranda para maglatag ng tulugan.

Nawala ang atensyon nya kina Erin nang magkwento ang isa sa mga volunteers na si Benjie tungkol sa reklamo ng ibang residente kung saan ito na-assign. Nawawala ang mga alagang aso, baka at kambing ng mga ito. Ilang buwan na ring nagaganap ang nakawan ngunit hindi mahuli- huli ang salarin.

“Aswang ang may kagagawan hindi magnanakaw,” seryosong singit ni Anton. Natigilan si Benjie. “Nakita ko sya noong isang gabi. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng tent.” Nasa lalaki na ang pansin ng lahat. “Magsisindi sana ako ng yosi nang mapansin ko sya sa bungad ng kakahuyan. Napakaganda nya.” Nakatitig ito sa apoy at bahagyang ngumiti. “Nilapitan ko sya. Mas nakakabighani sya sa malapitan.”

“Pre, baka ilusyon mo lang yun. Antok lang yun,” pang-aasar ni Tommy pero halatang hindi ito kumportable sa kwento ng katabi.

“Totoo ang nakita ko, pre.”

“Anong sumunod na nangyari?” Curious na tanong ni Karen.

“Ngumiti sya…” Gumuhit ang takot sa mukha nito.

“May pangil?” Napalunok si Benjie.

“Wala, pre.” Umiling- iling si Anton. “Wala syang ngipin. Nawawala raw yung pustiso nya. Nagpapatulong na hanapin namin.” Sabay humalakhak ito. Umani ito ng batok, pukpok at masamang tingin sa mga kasama.

Napailing na lang si Olivia. Nakahinga nang maluwag na kalokohan lamang ang kwento. Naisip kasi nya ang mga hindi nakitang nilalang kagabi. Siguro’y mga naligaw na aso lamang ang mga iyon.

Dahil pagod ang mga volunteers sa paglalakad papuntang Base Camp, isa-isa na ang mga itong nagpaalam na matutulog na. Naglatag ang iba sa mga classrooms habang sa tent naman ang ilan. Isa- isa ng pinatay ang mga gasera hanggang sa bonfire na lamang ang nagsilbing ilaw sa labas at ang hawak na flashlight ni Oliva habang pumapanaog sa hagdan.

“Ate Via…” Natigilan si Olivia nang marinig ang tinig na iyon. “Ate Via…” Kilala nya ang boses ng batang iyon.

“Annette?”Maingat ngunit mabilis syang bumaba saka lumabas ng bahay.

Tahimik na tahimik ang paligid. Tulog na ang mga nasa tent. Ilan sa mga ito’y humihilik pa.

“Annette?” She whispered, not wanting to wake up anyone.

Olivia walked in between tents looking for Annette. No one was there except the rustling leaves and sounds of crickets.

“Ate…” She flashed her light around until it landed on Annette, who was standing on the edge of the woods.

The young girl was wearing her faded red dress that Olivia was familiar of. “Tulungan mo ako, Ate.” Annette’s face was fearful. “Tulungan mo kami.”

Bago pa makalapit si Olivia, bigla itong tumakbo papasok sa kakahuyan.

Ignoring Erin’s warning, Olivia ran after Annette. Her fashlight was dismal inside the dark woods. She tried avoiding potruding roots and thorny bushes while moving fast, following the girl ahead.

She could feel the biting cold beneath her hooded jacket, jeans and boots but she must help Annette, who disappeared when Olivia reached a clearing.

“Where did she go?” Olivia looked in every direction but nothing indicated where the child went.

Isang nakakapanindig balahibong alulong ng aso ang pumuno sa kadiliman at nagpako sa kanya sa kinatatayuan. Sumunod nyang narinig ang malakas na pagaspas ng mga pakpak. Gumalaw ang dahon sa mataas na puno ilang metro mula sa harapan ni Olivia.

Her senses screamed with warning but it was too late to run. She heard a loud thud beneath the tree then came footsteps going towards her.

It was cloudless that night. Even without flashlight, the bright moon shone down on that clearing, enough for Olivia to see a dark- winged, dark- skinned woman standing before her. Her hair was so long and black covering her breasts. A piece of tattered cloth concealed her lower body’s nakedness.

The creature’s piercing yellow eyes were fixed on Olivia, who tried to run but the woman was fast and blocked her way. Olivia tried and tried but didn’t escape the clearing.

“Hindi ka na makakalabas sa kakahuyang ito.” Ngumiti ang babae. Tila kumislap pa ang matatalim nitong pangil nang tamaan ng liwanag ng buwan. Sunod nitong unti-unting inilabas ang mahaba, matalim at pulang- pula din nitong dila.

Her look was ravenous, ready to devour Olivia. The creature snarled and with lightning quick speed, she attacked Olivia.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 6.6K 53
If yourself was turned into a whole new person opposite to whom you are, what would you do? Completed but Unedited
9.9M 495K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
116K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
372K 27.6K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...