Nights Of Pleasure

Par adeyyyow

13.2K 878 36

(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 18

36 2 0
Par adeyyyow

Ayaw maniwala ni Elsa kahit anong sabihin ko. Gusto pa niya yata ng patunay. Ang kaso, ni wala kaming picture ni Calvin sa cellphone ko kaya wala akong maipakita sa kaniya. Ngayon tuloy ako nanghinayang sa mga memories namin sa Isla Mercedes.

"Tawagan mo nga," pang-uudyo ni Elsa sa akin; matalino pa rin talaga ang matsing.

"Wala ka talagang tiwala sa akin, ano?" natatawa kong sambit.

"Mabuti na ang sigurado. Malay ko na gawa-gawa mo lang 'yan para masabi mong okay ka kahit hindi naman. At saka kapatid iyon ni Chloe, mailap 'yon sa babae at imposibleng ikaw ang magustuhan no'n."

Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi rin nagtagal nang kunin ko ang cellphone sa bag ko. Oras ng trabaho, dapat ay abala kami ngayon ni Elsa, pero hindi na niya ako tinantanan pa simula kanina. Hindi na malayong mapagalitan kami ngayon sa ginagawa namin.

Ngunit alang-ala na lang din sa ikatatahimik nitong kaibigan ko. Hinanap ko ang numero ni Calvin, nasa favorite list iyon kaya madali ko lang nai-dial. Samantala ay nagtaas ng kilay si Elsa, buo pa ang loob na hindi totoo ang sinasabi ko.

Matagal bago nasagot ni Calvin ang tawag at mabilis kong in-on ang loudspeaker nito. Maingay pa ang paligid, mayamaya lang nang maging kulob ang kabilang linya. Siguro ay kararating lang din niya sa bahay nila.

"Yes, baby? Miss mo ako agad?" paunang bungad niya, sabay pang bumagsak ang panga naming dalawa ni Elsa.

Kaagad na nasapo ni Elsa ang kaniyang bibig. Napangisi naman ako. Wala talagang palya kung magpakilig ang lalaking 'to. Lahat na lang siguro ng sasabihin niya ay nakakakilig para sa akin, malala na 'to.

"Sino ka nga?" tanong ko dahilan para mapasinghap si Calvin, kalaunan ay humalakhak sa tinuran ko.

"Hindi si Natoy, pero si Calvin na mahal na mahal ka."

Binalingan ko si Elsa, ngising-ngisi ako at hindi maipagkakaila ang kayabangan sa itsura ko. Pulang-pula naman ang mukha niya at para bang hindi na humihinga. Hindi rin nagsasalita.

"Nandiyan ba si Chloe?" dugtong ko.

"Yup. Nasa kwarto niya nag-aalaga ng quadruplets." Bumuntong hininga si Calvin. "Wala ka bang ginagawa, Verra? Ang aga mong tumawag."

"Hmm, mayroon." Tumawa ako. "Pero nandiyan ba si Sir Melvin? Wala pa siya rito."

"Hindi ako sigurado. Kanina pa iyon nakaalis, baka parating na rin. Bakit mo hinahanap?"

"Wala naman."

Bahagya kong inalog si Elsa na literal nang hindi gumagalaw sa pagkakaupo niya. Kumurap-kurap ito, kapagkuwan ay nabalik sa reyalidad at nilingon ako.

"Okay na ba iyon bilang patunay?" nakangiti kong banggit.

"Sinong kausap mo?" sabat ni Calvin.

"Si Elsa, ayaw niyang maniwala na boyfriend ko si Calvin Frias."

Natawa si Calvin. "Isama mo siya rito sa bahay. Dito na kayo maghapunan mamaya."

Hindi na lalong nakahinga si Elsa. Kahit noong patayin ko ang linya ay nananatili pa ring hindi makapaniwala ang reaksyon niya. Ilang sandali nang makailang beses niyang tumili habang animo'y uod na kinikiliti.

"Oh, my God! Ang ganda mo, Jinky! My God! Verra? Verra talaga ang tawag niya sa 'yo? Ayokong maniwala, pero lintik, ang swerte mo hayp ka!" Kagustuhan niya akong sabunutan, pero mas pinili niyang paghahampasin ang table niya.

"Ang ingay mo, Elsa," bulong ko rito at literal nang pinagtitinginan kaming dalawa.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Kasi naman! Sa lahat pa ng lalaki, sa lalaking bukod pang pinagpala! Ack!" parang shotgun talaga itong bunganga ni Elsa, natatawa na lang ako kahit sobra na akong nahihiya.

"Wala ka kasing bilib sa kaya kong gawin, Elsa." Inungasan ko siya.

"Ano? Ginayuma mo?"

"Gaga!"

Pareho kaming nagtawanan, pero madali ring natigil nang may biglang lumapit sa gawi namin. Nag-angat ako ng tingin dito. Nagulat pa ako nang si Sir Melvin ang bumungad sa paningin ko.

"Can you two be quiet? You are disturbing other people who are working," asik niya sa amin, rason para maitikom ko ang bibig.

"Hala, sorry na agad, Sir!" Si Elsa at kaagad na lumayo at nag-anyong abala sa trabaho.

Nilingon ako ni Sir Melvin. "Work properly."

Sumaludo ako. "Yes, Sir!"

Isang beses na nagpasalit-salit ang tingin niya sa amin ni Elsa, tila ba gusto niyang matawa, at the same time ay magsisi dahil pinagsama niya ulit kami. Nailing na lamang din siya sa kawalan bago tumalikod.

Pinanood ko ang papalayong pigura ni Sir Melvin hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Nag-umpisa na rin akong magtrabaho. Ilang oras pa ang hinintay ko bago ang lunch break. Dala ko ang iniluto ni Calvin na japanese-style mackerel rice bowl.

Of course, hindi mawawala sa pagkain ko ang isang tub ng yogurt. Halos mabilaukan naman si Elsa habang pinagmamasdan akong ibinuhos ang yogurt sa pagkain ko. Nasa Cafeteria kami, kasama si Andrew na tahimik lang din at nagmamasid.

"Ginawa mo namang ketchup 'yang yogurt, Jinky," palatak ni Elsa, panay ang ngiwi niya.

"Masarap kaya. Try mo," anyaya ko at inilahad pa iyon sa harapan niya.

Umiling siya. Ganoon din ang ginawa ko kay Andrew, pero iling din ang ginawa nito. Napanguso ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Kaya mo ngang tiisin iyong Carbonara na may bagoong, ito ay hindi?"

"Buntis ka ba?" maang na pagtatanong ni Elsa, natawa ako at kaagad na tumango.

"Oo, three months na."

"Wew?!" eksaheradang bulalas ni Elsa. "Huwag mo nga akong binibigla, Jinky!"

"Tunay nga. Hindi naman ako nagbibiro."

Ayaw pa ring maniwala ni Elsa, pero hindi ko na pinilit. Ganoon talaga at sino bang hindi mabibigla? Babalik ako rito dala ang napakaraming balita, hindi pa kapani-paniwala. Kung sa panaginip ko nga dati ay kailan man hindi ko ito naisip.

"Congratulations, Jinky," ani Andrew na ngayon lang nagsalita.

Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat. Buti ka pa ay mabilis maniwala. Itong bestfriend kong naturingan ay—"

"Naniniwala ako, Jinky. Nagulat lang ako," agap ni Elsa, kalaunan ay tinikman din ang pinaglilihian kong pagkain.

Lalong lumapad ang ngiti sa labi ko. Partikular noong mapanood ko ang pagsubo ni Elsa kay Andrew, kaya wala na itong naging choice kung 'di nguyain iyon.

Nagkulitan ang dalawa sa harap ko ngunit wala naman akong makapang sakit o pait sa dibdib ko. Bagkus ay masaya ko pa silang pinapanood. Masaya ako para sa kanila, masaya ako para sa lahat.

Noong mag-uwian ay sumama rin si Andrew sa amin patungo sa bahay nina Calvin. Kasama niya sa kotse nito si Elsa, ako naman ay lulan ng kotse ni Calvin. Kaming dalawa lang ang naroon at damang-dama ko ang kapayapaan sa puso ko.

"How was your day?" maamong pagtatanong ni Calvin habang abala siyang nagmamaneho.

Nilingon ko siya at nginitian. "Okay lang. Hindi ako masyadong binigyan ng trabaho ni Sir Melvin. Feeling ko ay sinabihan mo siya."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Umangat naman ang sulok ng kaniyang labi na naging hudyat para mapatunayan ko ang hinala ko kahit hindi pa man siya nagsasalita. Wala sa sarili nang hampasin ko ang braso niya.

"Baliw ka! Bakit mo iyon ginawa?"

Natawa lang siya. "Para hindi ka ganoon mahirapan, para hindi ganoon kabigat ang trabaho mo."

Sinimangutan ko siya. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Mababaw lang ang trabaho sa Pub House."

Natahimik si Calvin nang humalukipkip ako sa gilid ng bintana. Naging maagap naman siya at iginiya niya ang kamay sa hita ko. Masuyo niya iyong pinisil para kunin ang atensyon ko ngunit hindi ko siya pinansin.

"All right, I'm sorry, Verra. Pasensya na at hindi ko na uulitin," malambing niyang pahayag, patuloy niyang hinahaplos ang hita ko dahilan para maglikha iyon ng init.

Humaba ang nguso ko, pero nagmamatigas pa rin ako sa pwesto ko.

"Hindi ko lang maiwasan na hindi mag-alala, lalo dahil hindi naman kita mabantayan."

What I really love about Calvin is his patience. Pati ang paghingi niya ng sorry kapag may mali siya. Kahit sa mga bagay na ako naman iyong mali, siya pa rin ang nagso-sorry sa akin para lang hindi lumala ang pagtatalo namin.

Kaya mas lalo ko siyang minamahal. Mas lalo akong lumulubog sa pagmamahal ko sa kaniya na tipong wala nang atrasan pa, wala na akong tsansang makaahon pa. Ngunit hindi ko rin naman gustong umahon.

Mas masisiyahan pa akong pagsilbihan siya at ibigay ang lahat ng pagmamahal na mayroon ako. I can love him until the end of the world. Kahit sa kabilang buhay pa, siya pa rin ang pipiliin kong makasama habambuhay.

"We're here," anunsyo ni Calvin matapos niyang iparada ang sasakyan sa sarili nilang parking space.

Kagaya nang palagi niyang ginagawa ay dudukwang siya sa gawi ko, tatanggalin ang lock ng seatbelt ko at saka ako tititigan gamit ang nanunuyo niyang expression. Nakakatunaw ng puso, nakakabaliw.

"Galit ka?" Malalamlam ang mga mata ni Calvin, may pag-aalala rin na para bang natatakot siya na baka iwan ko siya.

"Hindi ko naman kayang magalit sa 'yo nang matagal," saad ko, kapagkuwan ay hinalikan siya sa kaniyang labi.

Hindi ko ba alam kung dala lang din ng pagbubuntis ko at masyado kong nagugustuhan ang pagdama kay Calvin. Gustung-gusto ko siyang niyayakap, nilalambing at hinahalikan.

Ngumiti si Calvin sa pagitan nang paghahalikan namin. Kung nasa tamang pwesto lang siguro kami ay baka higit pa rito ang kahahantungan naming dalawa. At kung wala lang ding kumatok sa bintana ay hindi rin kami titigil.

Nilingon ko ang bintana sa gilid ko. Nakasungaw doon ang mukha ni Elsa at halos pamulahan ako ng pisngi. Mabilis akong umayos ng upo. Humalakhak naman si Calvin at nagnakaw pa ng isang halik bago siya tuluyang bumaba.

Umikot ito para pagbuksan ako ng pinto na kahit kaya ko namang gawin ay inuunahan pa rin niya ako. Nang makababa ay nagpantay ang tangkad namin ni Elsa dahilan para magkatinginan kami.

Pasalit-salit ang tingin niya sa aming dalawa ni Calvin. Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang pagkamangha sa kaniya. Kaunti pa ay magpapasampal na iyan para lang magising siya sa katotohanan.

"Hindi ko inakala na bagay pala talaga kayo," usal ni Elsa, siyang pagngiti ni Calvin.

"Thank you. It's my pleasure na mabagay kay Verra." Si Calvin at saka pa ako inakbayan.

"Lah, kainggit!" Animo'y uod namang kinilig si Elsa at naglupasay siya, patakbo pa niyang nilapitan si Andrew na kalalabas lang din sa kotse nito. "Andrew! Akbayan mo rin ako!"

Pareho kaming natawa ni Calvin sa kaniyang tinuran. Nailing na lamang din ako. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kaibigan kong ito, natural pa ring baliw.

Ilang sandali nang maglakad kami papasok sa bahay nina Calvin. Masyado pang maaga para sa hapunan kaya pinili naming tumambay na muna sa kanilang likod-bahay. Nandito rin si Chloe kasama namin.

"Alam mo na ang tsismis, Chloe?" anas ni Elsa sa nag-eeskandalong boses.

"Yup. Noon pa sinabi ni Calvin."

"Ibig sabihin ay pinagkaisahan niyo ako? Huh! Isang buwan na pala halos simula nang makabalik ka, Jinky! Pero ni isa sa mga araw na 'yon ay hindi ka man lang nagpakita, hindi mo man lang ako sinabihan!"

Natawa ako. "Gusto sana kitang i-surprise."

"Surprise? Ako nga itong na-surprise sa sobrang dami mong baon na balita! Nakakagigil kayo! Ang unfair!"

Sabay kaming natawa ni Chloe habang pinapanood ang munting pagtatampo ni Elsa. Hindi ko naman maatim din na magalit pa siya lalo, bandang huli ay niyakap ko ito. Nagyakapan kaming tatlo.

"Ang mahalaga ngayon ay kumpleto na tayo. Huwag na tayong maghihiwalay," ani Chloe habang pareho niyang hinihimas ang mga likod namin. "Higit sa lahat, importante na pare-pareho na tayong masaya sa kaniya-kaniya nating partner. Na nahanap na natin ang para sa atin."

There are friends, there are family. And there are friends that become our chosen family.

Bukod kay Mama, kay Calvin of course, thankful din ako na may mga tao pa ring gustong tumanggap sa akin, mga tao na pinili pa rin akong pagkatiwalaan— Chloe, Elsa, Andrew and Sir Melvin.

Kahit sila na lang iyong matira sa buhay ko ay masaya na ako. Kahit hindi na ako magkaroon ng maraming kaibigan, sapat na sila para magbigay kulay sa buhay ko.

"Kasal na si Chloe at Sir Melvin, may mga anak na rin. Ikaw, Elsa, may Anna na kayo ni Andrew. Kailan ang kasal ninyong dalawa?" pagtatanong ko, matapos naming makakain ng hapunan.

Nasa hapag kaming lahat, parang by partner pa ang nangyari. Nariyan ang Mommy at Daddy ni Calvin. Si Chloe at Sir Melvin na magkatabi. Kami naman ni Calvin sa tapat nila at sa tabi ko ay si Elsa at Andrew.

"Hmm, nag-iipon pa kami. Siguro by next year?" sagot ni Elsa, humingi pa siya ng second demotion kay Andrew na mabilis niyang tinanguan.

"Oh! Hindi ba't next year din balak ninyong magpakasal ni Calvin, Jinky?" sambit ni Chloe na sinang-ayunan ko.

Kami lang yatang mga babae rito ang maiingay. Ang mga lalaki kasi ay tahimik lang. Nakikinig din naman sila at sumasabay kapag nagtatawanan kami.

Mayamaya nang magkatinginan kami ni Elsa. Pareho pang nanlaki ang mga mata namin, na tipong iisa lang ang itinatakbo ng mga utak namin. Pareho pa kaming napatili at nakipag-apir sa isa't-isa. Kitang-kita ang kasiyahan sa aming dalawa.

"Sabay na lang kaya tayong magpakasal? A double wedding!" sabay din naming usal.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
596K 41.2K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...