Nights Of Pleasure

Av adeyyyow

13.2K 878 36

(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each... Mer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 17

28 3 0
Av adeyyyow

"Kailangan mo ba talaga 'tong gawin?" tanong ni Calvin habang nakatingala sa akin.

Abala kong tinitingnan ang sariling kabuuan sa isang whole body mirror mula sa kwarto ko. Suot ko ang isang mustard long sleeve na terno ang kulay itim na pencil skirt. Naka-flat shoes lang din ako.

Nakaayos na ako't lahat; light make up lang ang ginawa ko. Tuyo na rin ang buhok ko sa sobrang aga kong mag-ayos. Hindi lang ako mapakali katitingin sa salamin. Kinakabahan kasi ako at ito ang magiging unang araw ko sa Dela Vega Publishing House.

Oo, babalik na ulit ako roon. Tinanggap ko ang alok ni Sir Melvin at nakakahinayang naman kung palalampasin ko iyon. Trabaho iyon, kailangan kong makaipon hindi lang para sa sarili ko, para na rin sa itataguyod kong pamilya kasama si Calvin.

"Hindi naman nakakapagod sa Pub House, Calvin. Magdamag lang akong nakaupo roon, nagre-review ng mga stories na ipinapasa online. Paminsan-minsan ay tumatayo para kumuha ng tubig, o 'di kaya ay kape—"

"Bawal ka nang magkape, hindi ba?" agap niya, kaya dagli akong natawa.

"Oo nga pala."

"At hindi na kagaya sa munisipyo sa Isla Mercedes na pwede kitang puntahan at bantayan. Hindi ako matatahimik dito, Verra," pahayag ni Calvin.

Dinungaw ko siya kung saan nakaupo ito sa dulo ng kama. Akap-akap niya ang baywang ko na para bang ayaw talaga akong pakawalan. Natawa na lang ako dahil mukha siyang batang nagmamakaawa sa nanay niya na huwag nang pumasok sa trabaho.

"Calvin, makinig ka, magtatrabaho ako para sa atin. Para sa magiging pamilya natin," malumanay kong sambit.

"Kaya naman kitang buhayin, Verra. Kaya kong ibigay lahat sa 'yo." Lumamyos ang kaniyang mukha, tila ba nasasaktan na kailangan ko pa itong gawin.

"Alam ko iyon, Calvin. Pero alam mo rin na hindi ako mapapakali rito sa bahay kung tatambay lang ako buong maghapon."

"Pwede tayong mamasyal araw-araw para hindi ka maburyo."

Napangisi ako. "Gagastos ka pa para riyan. Ito, at least, susweldo pa ako."

"Delikado sa baby natin. Hindi rin magtatagal ay lalaki ang tiyan mo. Bawal ka nang magsuot ng masisikip na damit."

Tuluyan na akong namaywang sa harapan ni Calvin at ako ay naiinis na. Ura-urada naman siyang umayos ng upo. Nagulat pa ako nang itaas niya ang blouse ko, kasunod nang paghaplos niya sa tiyan ko na hindi pa naman ganoon kahalata ang umbok.

"Baby, please, tulungan mo ako sa Mommy mo. Ayaw niyang makinig sa akin," anang Calvin habang nakatitig sa tiyan ko.

Tuluyan na akong humagalpak ng tawa. Hindi ko rin talaga matiis iyong pagkainis sa kaniya. Madali lang para sa kaniya na patawanin at pasayahin ako kahit sa maliliit at mumunting bagay.

May kung anong humaplos pa sa puso ko sa paninitig ko kay Calvin, nasa palad niya ang baby namin. Bakas sa kaniyang mga mata ang tuwa at excitement sa paglabas ng anak namin. Maging ako man din, kahit natatakot pa sa katotohanang lalabas iyon sa pwerta ko ay excited na rin ako.

Hindi nagtagal, ano man ding pagpipigil sa akin ni Calvin ay wala rin siyang nagawa. Matapos magpaalam kay Mama na papanhik na ay pareho na kaming lulan ngayon ng kotse niya patungo sa Pub House.

Malakas ang tibok ng puso ko, malamang sa sobrang kaba. Nakatulala lang ako sa labas ng bintana kung kaya ay hindi ko rin namalayang nakahinto na pala ang kotse sa harap ng Dela Vega Publishing House.

Maagap akong nilingon ni Calvin. Dumukwang siya sa pwesto ko at siya na rin ang nagtagal sa pagkaka-lock ng seatbelt ko. Nabalik ako sa reyalidad. Nagkatinginan kami ni Calvin. Nagtatampo man din ang itsura niya ay ngumiti pa rin siya.

"Kapag may libre kang oras ay mag-text ka sa akin. Update mo lang ako, mapapanatag na ako roon. And also, don't work too much, Verra. Palagi ka ring uminom ng tubig," paalala niya dahilan para mapangiti ako.

"Yes, Master," natatawa kong banggit.

Ngumuso siya, kapagkuwan ay hinalikan ako sa labi. Saglit akong napapikit. Nang magdilat pa ay isang halik naman sa noo ko ang iginawad niya. Tuluyan niya rin akong pinakawalan. Bumaba pa siya para pagbuksan ako ng pinto at ihatid sa tapat ng sliding door ng building.

"Susunduin kita mamaya," wika niya kung kaya ay tumango-tango ako.

"Okay. Drive safe, Calvin."

Akmang tatalikod na ako nang matigilan ako. Hawak pa rin niya ang kamay ko na para bang ayaw niyang bitawan. Ngumiti ako, kalaunan ay unti-unti ring lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bye, Calvin!" Kumaway ako rito nang magsimula akong maglakad palayo.

Wala pang mapagkakaabalahan ngayon si Calvin, since sinabi nga niyang matagal ang proseso nang pagpapalipat ng division. Sa bahay lang siya. Kung hindi mag-aalaga sa kaniyang ama ay mangungulit sa mga anak nina Chloe at Sir Melvin.

Hindi nagtagal nang makapasok ako sa lobby ng building. Binati ako ng guard, mayamaya nang manlaki ang mga mata niya na dinaig pa ang nakakita ng multo. Bumuka ang labi niya, marahil para magsalita.

Ngunit nalampasan ko na lang ito ay wala akong narinig ni isang letra. Alas otso pa ang pasok ko. Masyado pang maaga kaya wala akong masyadong nakasabayan sa loob ng elevator. Pero dahil ito ang first day ko ay kailangan ko pang mag-report.

Kailangan kong sumadya sa opisina ni Sir Melvin. Sa kaparehong Department mula sa 10th floor ako bumaba. Mula pa roon ay kaunti pa lamang ang tao. Ang iba ay mga bago na sa paningin ko, kaya malamang ay hindi nila ako kilala.

Dere-deretso akong nagtungo sa pinakadulo kung saan naroon ang office ni Sir Melvin. Isang katok mula sa pinto ay pinihit ko ang doorknob. Nakarinig pa ako ng ilang yabag. Mukhang nagmamadaling lumapit para buksan ang pinto.

At nakalimutan kong dito rin pala ang work station ni Andrew, since siya ang secretary ni Sir Melvin. Pareho pang nanlaki ang mga mata namin nang mabungaran ang isa't-isa. Saglit ko siyang tinitigan.

Tunay nga na sa paglipas ng panahon ay marami ang nagbabago sa isang tao. Hindi lang sa itsura kung paano mo sila nakilala, maging sa pagtrato at pagbabago ng nararamdaman ko.

Ngayon ko masasabing naka-move on na nga ako sa kaniya. Wala na iyong sakit, o kahit ang bitterness na makita siya ngayon. Kumurap-kurap ako. Mayamaya nang tipid akong ngumiti.

"Jinky... ikaw pala 'yan." Umatras siya at saka pa malapad na binuksan ang pinto.

"Nandiyan ba si Sir Melvin?" casual kong tanong. "Ibibigay ko lang sana itong report ko para sa pagbabalik ko."

Nagbaba siya ng tingin sa hawak kong papel ngunit mabilis ding ibinalik ang atensyon sa mukha ko. Ilang sandali nang ngumiti siya.

"Nagbalik ka," pag-uulit niya sa katotohanang iyon na hindi pinansin ang sadya ko. Marahan akong tumango bilang tugon.

"Oo, for good. Hindi na ako aalis." Mahina akong tumawa, kapagkuwan ay inilahad sa kaniya ang papel. "Mukhang mamaya pa si Sir Melvin, ikaw na lang ang mag-abot nito sa kaniya. Sinabi naman na niya na pwede na akong magsimulang magtrabaho ngayon."

Kinuha iyon ni Andrew habang nananatiling nakatitig sa akin. "Nice meeting you again, Jinky. Masaya ako na bumalik ka na."

"Masaya rin ako."

"Pero kumusta ka naman?" alanganin man siya ay nagawa niya iyong maisatinig. "Kailan ka pa bumalik?"

Wala akong makitang iba kay Andrew, walang pagka-miss o pangungulila. Sadya lang din na nagulat siya at namamangha na nandito ako sa harapan niya.

"Mahigit isang buwan na rin, Andrew. Okay lang din ako, I'm doing well."

Isang buwan na halos simula nang lisanin ko ang Isla Mercedes. Sa isang buwan na lumipas ay wala akong ibang ginawa kung 'di mag-meditate at magpahinga. Kailan ko lang talaga naisipan na bumalik na sa trabaho noong nabagot na ako sa bahay.

Tatlong buwan na akong nagbubuntis. Ilang buwan na lamang ang bibilangin at tunay na hindi pa naman halata ang tiyan ko. Siguro kung itataas ko ang damit ko, mukha lang akong busog.

Nag-promise din ako kay Calvin na two months before ang kabuwanan ko ay magli-leave ako rito. Kung babalik pa ba ako rito after kong manganak ay hindi ko pa alam. Pwedeng oo, pwede ring hindi.

Sa estado ng buhay ni Calvin, totoong kayang-kaya niya akong buhayin. Pero sa ngayon ay ayaw kong dumepende roon. Kaya marapat lang din na magtrabaho ako at mag-ipon ng pera hangga't kaya ko pa.

"That's good, Jinky." Tumango-tango si Andrew, siyang pagbalik ko sa ulirat.

Pareho kaming napangiti at hindi na nagsalita pa. Kinuha ko iyong pagkakataon para magpaalam at tumalikod na. Naglakad ako palapit sa kaparehong table ko noon. May ilan na napapatingin sa akin. Akala siguro nila ay bago ako rito.

Naabutan ko lamesa ko na walang laman na para bang ilang buwan itong nabakante. Mula sa pinakagitna ay naroon ang ilang sticky note na nakadikit. Iba-iba ang kulay at iba-iba rin ang nilalaman.

“I miss you, bestfriend.”

“I'm still waiting for you to come back.”

“Please, don't occupy this table.”

“I hope you're doing well. Hindi kita ma-contact. Mukhang hindi ka rin nagbabasa ng email mo, pero pinagpe-pray ko na sana ay okay ka lang at masaya kung nasaan ka.”

“Come back, Bubbles.”

Alam ko kung kaninong penmanship ito. Hinding-hindi ako magdadalawang-isip kung kanino lahat ito galing. Wala sa sarili nang mapangiti ako. Marami pa iyon na pare-pareho lang din nagsasabing nami-miss niya ako.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto ko pang maiyak ngunit malaki ang pagpipigil ko sa sarili. Higit sa lahat ng naging rason ko kung bakit ako bumalik dito ay dahil kay Elsa Adsuara.

Tuluyan akong naupo sa swivel chair ko. Natapos ko nang punasan ang table. Inilipat ko lang ang mga sticky note sa baba ng computer. Dala ko rin ang iba kong gamit at sinalansan ko na sa drawer ng lamesa.

Kahit maaga pa ay nagsimula na akong magtrabaho, na hindi ko na napansin ang paglipas ng oras. Unti-unti na palang napupuno ang Department namin. Sa linya ko ay si Elsa na lang ang wala.

Sakto naman ang paglingon ko nang bigla siyang mag-materialize sa paningin ko. May hawak siyang isang sticky note. Sa kabila ay isang cup ng coffee. Nang magtagpo pa ang mga mata namin ay kamuntikan na iyong dumulas sa kamay niya.

Huminto ito sa table niya, since iyon ang mauuna kaysa sa table ko. Dahan-dahan niyang hinila ang swivel chair niya habang nakatitig pa rin sa akin. Nagtataka ang kaniyang expression, tipong hindi makapaniwala ngunit hindi rin naman siya makapagsalita. Siguro ay nananatiling gulat.

Umupo siya at dagling tumitig sa lamesa niya. Isang beses niyang tinagilid ang ulo. Bakas ang malalim niyang pag-iisip. Nang hindi makatiis ay may kung ano siyang isinulat sa sticky note niya at saka inilapag sa table ko.

“Is that really you?”

Mahina akong natawa na naging mitsa para mapasinghap si Elsa. Nagsulat pa siya ulit at muling inilatag sa harap ko.

“Hindi ba ako nananaginip?”

Mas lalo akong natawa. Kailan pa naging pipi itong si Elsa? Sa pagtawa ko ay tumili siya dahilan para pagtinginan siya ng iba pa naming kasama sa Department. Nagawa pa niyang kalabitin ang katabi sa kanan niya.

"Beh, sabihin mo nga sa akin kung may nakikita ka bang babae sa gilid ko? Dati ay nagha-hallucinate lang ako. Ngayon ay minumulto na yata ako ni Jinky," aniya sa katabi na unti-unti namang tumango. "Mayroon talaga?"

Marahas siyang bumalik sa akin. Lumapit din at kinapa ang balikat ko. Pinakiramdaman niya ang hininga ko, lahat pati palapulsuhan ko. Mayamaya ay tuluyan na akong humagalpak ng tawa.

"Hanggang ngayon ay joker ka pa rin, Elsa. Kaya kita sobrang na-miss, e."

Bago pa siya makapag-react ay niyakap ko ito mula sa kaniyang balikat. Gulat man din ay unti-unti kong naramdaman ang mga kamay niyang yumakap sa likod ko. Maging ang mahina niyang paghagulhol.

"Huwag kang tumawa, bakla ka. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaan ko noong wala ka rito," umiiyak niyang sinabi.

Napangiti ako habang hinahagod ang kaniyang likod. "Sorry, Elsa. Sorry talaga. Sana ay matanggap mo pa rin ako bilang bestfriend mo."

Umahon siya at nanlilisik ang mga matang tinitigan ako. Dali-dali niyang pinunasan ang nabasang pisngi.

"Baliw ka! Syempre! Bakit ba hindi kita tatanggapin? Wala ka namang ginawang masama sa akin. Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa 'yo. Kaya sorry—"

"Okay na ako, Elsa. Walang may kasalanan sa atin. Oo at pareho tayong nagmahal... sa iisang lalaki." Mahina akong natawa. "But that's fine. Nakatulong iyon sa akin para mahanap ko ang totoong para sa akin."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano? May boyfriend ka na?"

"Yup. Mas gwapo sa Andrew mo," pang-aasar ko, natawa naman siya at nahampas pa ako sa braso ko. Hindi naman iyon ganoon kalakas at pabiro lang din.

"Saan mo nakilala? Anong pangalan? Ilang taon na?" sunud-sunod niyang banggit, pinagsamang gulat at pagkamangha ang kaniyang reaksyon. Kalaunan ay niyakap ako. "Pero masaya ako para sa 'yo, Jinky."

"Well, his name is Calvin Frias. 27 year old, isang Police Officer."

"You mean, si Calvin na kapatid ni Chloe?!"

Humiwalay ito at maang akong tiningnan. Halos lumuwa ang mga mata ni Elsa, tumango ako bilang tugon kung kaya ay lalo lang din bumagsak ang panga niya sa sahig.

"Wew? Mas matanda ka ro'n!" dagdag niya na labis kong ikinatawa.

That's right. Thirty na ako, pero kung pagtatabihin naman kami ni Calvin ay mas mukha pa rin siyang matured. Siguro dahil sa pagte-training niya at sa mga pinagdaanan niya bilang pulis, o sadyang baby face lang din talaga ako.

"Nasa bata ang true love."

Fortsett å les

You'll Also Like

127K 8.3K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
493K 23.4K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...