Nights Of Pleasure

By adeyyyow

13.2K 878 36

(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 14

34 4 0
By adeyyyow

"Kaya nagagalit ako sa tatay mo at bakit iniwan niya kayong lahat sa akin!" patuloy na palatak ni Mama habang kumakain ako. "Pero hindi ko naman hiniling na sana ay may kunin siya sa inyo, hmp!"

Napangiti ako. Saglit akong nag-angat ng tingin kay Mama. Nakapamaywang siya at hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Panay ang panenermon niya. Alam kong galit pa rin siya sa akin, pero hindi naman ako nito nilayasan sa kusina.

Naroon lang siya nakahilig sa gilid ng lababo, tila ba binabantayan ako at tinitingnan kung may kailangan pa ba ako, o kung may gusto ba akong kainin. Suot niya ang mahabang duster, nakapusod ang kaniyang buhok at mukhang patulog na rin.

"Mahigit twenty five years na akong biyuda at sa loob ng taong iyon ay puro pasakit ang dala niyo sa akin! Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit ako ganito! Buong buhay ko na wala ang ama ninyo ay inalagaan ko kayo, ni hindi ko na inisip na mag-asawa pa ulit, para kahit man lang ay may katulong ako sa buhay. Pero mas inisip ko pa rin ang kapakanan ninyong magkakapatid."

Sa lahat ng sinasabi ni Mama ay paulit-ulit lang akong tumatango. Una pa lang ay naiintindihan ko naman siya. Siguro ay nagalit din ako na ganoon ang trato niya sa akin, pero valid naman lahat ng nararamdaman ni Mama sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa buhay na wala si Papa sa tabi niya.

"Gusto mo rin bang gumaya sa akin, Jinky?" utas ni Mama dahilan para saglit akong huminto sa pagkain. "Ang magpalaki ng anak na wala ang ama ay sobrang hirap. Baka hindi mo kayanin."

Hindi ako nagsalita. Bagkus ay nagpatuloy ako sa pagkain at isinawalang bahala ang sinabi niyang iyon.

"Kaya sino ba ang nakabuntis sa 'yo? Hahanapin natin! Ayaw man niya o gusto ay kailangan ka niyang panagutan!"

Ayoko pa munang magkwento kay Mama patungkol sa nangyari sa akin sa Isla Mercedes. Alam ko na tanggap na niya ako, pero alam ko ring tatawanan lang niya ako. Magagalit siya at aabot hanggang bukas ang sermon niya sa akin.

Masyado akong napagod sa buong araw kong pagbiyahe at gusto ko na lamang din na matulog. Matapos kong maligo at magpalit ng ternong pajama ay naupo ako sa dulo ng kama. Tinutuyo ko pa ang buhok ko.

Si Mama naman ay buhay na buhay at nagawa pa niya akong sundan dito sa loob ng kwarto ko. May dala siyang kape na halos umalingasaw ang aroma nito sa paligid dahilan para pisilin ko ang aking ilong.

"Ma, bukas na ako magkukwento," impit kong sinabi ngunit tinarayan lang niya ako.

"Oo, hindi ko naman sinabing magsalita ka! Binabantayan lang kita, kaya sige na, matulog ka na riyan!" angil ni Mama.

"Hindi po ako makakatulog at masakit sa ilong 'yang kape niyo."

"Diyos ko, ang arte," bulung-bulong niya, pero saglit ding lumabas upang iwan doon ang kape niya.

Muli siyang bumalik sa loob, sa pagkakataong ito ay pumwesto siya sa gilid ng kama. Nakahiga na ako at balak nang matulog. Hindi naman na rin nagsalita si Mama, tunay na gusto lang niya akong bantayan.

Dahan-dahan akong pumikit habang yakap ko ang isang unan sa dibdib ko. Hindi ko alam kung hanggang anong oras akong binantayan ni Mama, o kung dito na rin ba siya sa kwarto natulog.

Tinanghali ako ng gising kinabukasan, kaya hindi ko nalaman ang sagot. Mahaba man din ang naging tulog ko ay ramdam mo pa ring inaantok ako. Balak ko pa sanang bumalik sa pagkakatulog kung hindi ko lang naririnig ang ingay mula sa sala.

Marahan akong umahon mula sa pagkakahiga ko. Tinanggal ko ang kumot at sandaling tinupi iyon. Nagsuot ako ng tsinelas at masyadong malamig ang sahig sa araw na iyon dahil na rin sa magdamag na pag-ulan kagabi.

Hindi ko na nagawang makapaghilamos, o kahit man lang ayusin ang sarili. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sala. Roon ay mas malakas at mas malinaw kong naririnig ang sigaw ni Mama.

"Wala siya rito! Kung hindi niyo pa alam ay naglayas ang anak ko! Dalawang buwan na siyang nawawala! Ewan ba at saan siya nagpunta! Wala akong idea, kaya huwag niyo nang tanungin kung nasaan si Jinky dahil nagmu-move on na ako!"

Kaagad na napatigil ako sa paglalakad nang makita kung sino ang kausap ni Mama. Halos kumaripas pa ako ng takbo para magtago kung hindi lang din nagtama ang mga mata namin ni Calvin.

Tuluyang nalaglag ang panga ko. Gulat na gulat ako, kasabay nang pagkamangha ko, lalo sa reyalisasyong hindi lang siya ang nasa sala. Naroon din si Chloe, pati ang kaniyang asawa na si Sir Melvin Dela Vega.

Nangunot ang noo ko. Ilang minuto ko pang inisip kung bakit sila magkakasama. Magkakilala ba sila? O tamang napagtanungan lang ni Calvin ang mga ito kung saan ako nakatira, baka nalaman na rin niyang nagtrabaho ako sa Dela Vega Publishing House.

"Huwag niyo pong sigawan ang kapatid ko. Nagtatanong naman po kami nang maayos," malumanay na banggit ni Chloe dahilan para mas umawang ang labi ko.

Kapatid? Kapatid niya si Calvin??

Napasinghap ako. Mas nanaig ang kagustuhan kong magtago ngunit sadyang nanigas ako sa pagkakatayo ko. Ni hindi ko maigalaw ang mga binti ko. Literal na nagmistulan akong estatwa.

Calvin Frias... Chloe Frias...

Holy shít!

Nasapo ko ang bibig ko sa natanto at kulang na lang ay lumuwa ang dalawang mata ko sa sobrang panlalaki nito. Damang-dama ko rin kung paano magrigodon ang puso ko, kung papaanong bulgar na nagtataas-baba ang dibdib ko. Muntik na akong himatayin.

Gusto kong sabunutan ang sarili sa katotohanang hindi ko man lang iyon naisip. Hindi ko man lang naalala na may kapatid nga si Chloe at Calvin ang pangalan! Isang beses ko na ring nakita si Calvin noon sa kasal nina Chloe at Sir Melvin, pero hindi ko man lang siya namukhaan.

Sabagay at wala naman akong pakialam noon sa ibang bagay. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Andrew noong mga panahon na iyon. Kaya kung nagkita man nga kami noon ni Calvin ay talagang wala lang siya para sa akin.

Pero kahit na! Fvck!

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, o kung papaano pa ako tatakas sa sitwasyon kong ito. Dapat nga ay masaya pa ako na makita si Calvin ngayon, pero nahirapan ako dahil sa rebelasyong dumating.

"Kung wala po siya ay ayos lang. Aalis kami nang maayos, babalik ulit para makibalita," dagdag ni Chloe, nasa likuran niya si Sir Melvin at nakaalalay sa kaniya.

Hindi pa nila ako nakikita dahil abala silang nakikipag-usap kay Mama. Si Calvin lang itong kitang-kita ako at para bang nadikit na sa akin ang mga mata niya. Ayaw niyang tumigil sa paninitig sa akin.

"Kung umpisa pa lang ay sinabi na ninyo kung bakit kayo nandito ay magagalit ba ako nang ganito? Trespassing itong ginagawa ninyo, eh! Porket mayayaman kayo ay kinakaya niyo ako?"

Bumuntong hininga si Chloe. "Hinahanap po ng kapatid ko si Jinky."

"At bakit nga kasi?" Marahas na nilingon ni Mama si Calvin. "Boyfriend ka ba ng anak ko? Aba, kung na-scam ka man niya ay pasensya ka na dahil wala siya rito."

"Opo, boyfriend niya po ako," magalang na pahayag ni Calvin habang nananatiling nasa akin ang buong atensyon. "Sinagot lang niya ako kagabi, pagkatapos no'n ay umalis siya."

"Wala nga siya rito sabi—"

"Magkasama lang kami kagabi. Akala ko ay umuwi lang siya sa bahay na inuupahan niya sa Isla Mercedes dahil may pasok din siya sa munisipyo nang maaga. Pinuntahan ko siya roon, pero sarado at wala rin ang motor niya. Dumeretso ako sa munisipyo, pero ibang Information Officer na ang naroon sa lobby. Napag-alaman kong tinanggal siya sa trabaho, tinakot din ng Mayor. Bali-balita na buntis siya kaya siya umalis. Hinabol ko siya sa terminal ng Centro, pero wala na rin akong naabutan kung 'di iyong motor na lang na iniwan niya roon."

Sa buong pagsasalita ni Calvin ay animo'y sa akin din siya nagpapaliwanag. Sinasabi niya ang lahat ng nangyari kahapon na wala na ako sa tabi niya, kung ano iyong pinagdaanan at nangyari pagkatapos kong umalis sa bahay niya.

"Sinabi po ng anak ninyo na mahal niya ako. Kaya pasensya na rin po kung hanggang dito ay sinundan ko siya. Mahal ko rin po kasi siya. Higit sa lahat, dala-dala niya po ang anak ko," segunda nito sa mababang tinig.

"Ibig sabihin ay ikaw ang nakabuntis kay Jinky??" palatak ni Mama at hindi makapaniwala ang kaniyang mukha.

"Opo, nandito na lang din naman po sina Ate at Kuya Melvin ay gusto ko hong mamanhikan," si Calvin na gustung-gusto yata akong pinapatay sa kilig.

"Eh, paano nga at wala naman siya rito—" Hindi na natuloy ni Mama ang gusto pa niyang idugtong nang malingunan niya ako. "Wa—wala nga siya... rito. Ano ba yan?!"

Sabay ding napalingon sina Chloe at Sir Melvin sa akin. May halo mang gulat ang reaksyon nila ay kumibot din ang labi para sa isang ngiti. Nagkatinginan kami ni Chloe. Kitang-kita ko pa ang pagkislap ng mga mata niya nang makita ako.

Tipong ramdam ko roon ang pagka-miss niya sa akin. Mayamaya lang din nang marahang maglakad si Calvin palapit sa akin. Lumipat ang atensyon ko sa kaniya at pinanood kung paanong punung-puno ng pagmamahal ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

Nang tumigil si Calvin sa harapan ko ay malakas siyang napahinga nang malalim. Dahan-dahan din niyang kinuha ang isang kamay ko, saka iyon hinawakan at pinisil. Dagling bumaba ang tingin ko roon. Napansin ko ang panginginig ng kamay niya.

"Sa mundong ginagalawan natin, Verra, ikaw 'yung gusto kong maging pahinga. Kaya makita lang kita ngayong maayos ay panatag na ako." Mahina siyang natawa, kasunod nang pag-alpas ng isang butil ng luha sa kaniyang mata. "Sa buong araw na wala ka, ngayon pa lang ako kumalma. I thank God that you're safe and sound. Pero please, huwag mo na ulit 'yon uulitin..."

Umimpis ang labi ko. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa halu-halong emosyong nananalaytay sa puso ko.

"Kung may problema ka, o hindi nagustuhan, pwede mo akong sabihan. I know life is never easy, and there will always be obstacles that we have to overcome. But please, let's fight it together. Let's support each other every step of the way. Don't just run, Verra."

Napalunok ako nang maging sunud-sunod ang pagpatak ng luha ko. Maagap naman iyong sinalo ng mga daliri ni Calvin. Paulit-ulit niyang pinupunasan ang pisngi ko. Kalaunan ay ikinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya.

"And I want to assure you that I am here for you, and I will always be by your side," segunda ni Calvin, wala na ring sabi-sabi nang hatakin niya ako para mayakap.

Naramdaman ko ang mainit na pagbuga ng kaniyang hininga sa leeg ko. Marahan pa niyang hinahaplos ang likod ko, tipong pinapatahan ako. Ang lahat ng ano mang bumabagabag sa akin ay mabilis na naglaho.

Lahat ng agam-agam sa puso ko ay napalitan ng pagiging panatag. How can I be so lucky to have Calvin in my life? Parang hindi ako makapaniwala na binigyan ako ng ganitong klase ng lalaki. Iyong sobra akong mamahalin, iyong willing na sumugal at isakripisyo ang lahat ng mayroon siya.

I will never forget the time when I met Calvin along the way. Without even realizing it, Calvin taught me a lot of things. Not only about life, but also in everything, as well as falling in love again.

"Nakaka-touch naman. Sana all," mahinang turan ni Mama.

Mula pa sa dibdib ni Calvin ay natatanaw ko ang tahimik na pagluha niya. Panay ang yugyog ng kaniyang balikat habang marahas na pinapahid ang pisngi.

"Kailan ba ang kasal? Para naman makapag-ayos ako ng bongga," tanong ulit ni Mama dahilan para matawa si Chloe.

"Kakakasal lang po namin ng asawa ko ngayong taon, baka next year siguro para iwas sukob," ani Chloe.

"Sabagay." Tumango-tango si Mama.

Ilang sandali nang pakawalan din ako ni Calvin. Nananatili ang titig niya sa akin, samantala ay napukaw ng atensyon ko ang malaking ngiti ni Mama.

Gusto ko siyang pasalamatan na kahit anong galit niya sa akin ay nagawa pa rin niya akong ipagtanggol at protektahan kahit hindi ko naman hinihingi. Grabe lang iyong efforts niya na pagtakpan ako kahit pa wala rin siyang kaide-ideya sa mga nangyari.

"Pero matanong ko at okay ba sa magulang ninyo ang anak ko? Paano kung hindi at alipustahin lang siya ng mga in-law niya? Aba at hindi ako makakapayag! Ngayon pa lang ay tutol na ako sa pagpapakasal ng dalawa. Marami ng pinagdaanan ang anak ko, ayoko nang makitang nahihirapan ang batang iyan at pati ako ay naghihirap!"

"Hindi po, mabait po sina Mommy at Daddy."

Natawa si Mama. "Ganoon? Siguraduhin mo lang, ah? Kung 'di ay walang kasalang mangyayari. Pero kumain na ba kayo? Magluluto ako! Stay put lang kayo riyan!"

Ngiting-ngiti ako habang sinusundan ng tingin si Mama na papasok sa kusina para magluto ng tanghalian. Mayamaya lang din nang lumapit sina Chloe at Sir Melvin sa gawi namin ni Calvin. Wala pang pakundangan nang yakapin ako ni Chloe.

"I miss you, Bubbles. Na-miss ka namin ni Blossom," bulong niya sa tainga ko.

Elsa Adsuara is Blossom in the American animated series The Powerpuff Girls. Si Chloe Frias ay si Buttercup at ako naman ang naturingang si Bubbles.

Napatingin ako kay Sir Melvin, maliit ang naging ngiti niya sa akin. "May bakante pa sa Publishing House. Hinihintay ka na rin doon nina Elsa at Andrew E."

Handa na nga rin ba akong harapin ang dalawa? Therefore, facing the reality is the real key to happiness.

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
206K 6.6K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
596K 41.2K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...