Nights Of Pleasure

By adeyyyow

13.2K 878 36

(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 13

32 4 0
By adeyyyow

Sa oras na tulog si Calvin ay nananatili akong gising. Mulat na mulat ako kahit alas kwatro na ng madaling araw. Hindi ako makatulog, o mas magandang sabihin na wala talaga akong balak na matulog.

Hinayaan kong makatulog si Calvin sa tabi ko. Mula sa braso kong nakayakap sa kaniyang dibdib ay dama ko ang payapa niyang paghinga. Ramdam ko rin sa balat ko ang maninipis at maliliit niyang balahibo roon, since wala itong suot pang-itaas.

Ang isang kamay niya ay nagsilbing unan ko, halos magsumiksik din ako sa gilid niya habang maigi siyang tinatanaw. Madilim ang kabuuan ng kwarto, pero sapat na sa akin ang liwanag na nanggagaling sa lampshade na naroon sa banda niya.

Kahit madilim ay maganda ang side profile ni Calvin. Naghihimutok sa sobrang tangos ang kaniyang ilong, pati ang pilikmata niyang kulot at may kahabaan. Ang labi naman ay nasa perpektong kurba.

Wala sa sariling napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. We did it again. Hindi ko alam kung nakailan kami, o kung anong oras kaming natapos. Pareho kaming pagod at hindi nga iyon maikukubli sa mahimbing na pagkakatulog ni Calvin.

Sa kasiyahan niya dahil sinagot ko na ito ay iyon ang naging sukli, para bang iyon na rin ang naging selebrasyon namin bilang unang araw naming magkarelasyon. Wala pa man, hindi pa man tumatagal, pakiramdam ko ay inabot na kami ng ilang taon.

Totoo na masaya ako, pero hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang kasiyahan ko gayong ang daming balakid.

Gusto ko pang manatili sa tabi ni Calvin. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Ngunit sa maikling oras sa araw na iyon ay nakapagdesisyon na ako.

Sa probinsya ng Isla Mercedes, si Calvin Frias ang naging mundo ko— literal na kasiyahan ko, and yet how dearly I pay for it is counterfeit. Palaging may hangganan, palaging may dulo, palaging may expiration.

Marahan akong bumuntong hininga, kasabay nang pagtulo ng luha ko. Gusto ko pang mag-stay ngunit mas inaalala ko si Calvin, pati na rin ang magiging baby namin. I know this is a selfish act, but letting go helps us to live in a more peaceful state of mind.

And I actually want that fvckin' peace of mind. Gusto ko talaga rito sa Isla Mercedes, gustung-gusto. Ayoko pang umalis, pero alang-ala na lang din sa lahat, sa ikatatahimik at kapayapaan ng lahat.

"I'm sorry, Calvin," bulong ko sa pisngi ni Calvin, para kahit sa panaginip man lang niya ay marinig niya iyon at matanggap niya itong pinal kong desisyon.

Nang sabihin kong mahal ko siya, totoo iyon. Alam ko na masyadong mabilis ngunit iyon ang katotohanan. Kaya nakakatawa siguro para sa iba na madali akong naka-move on. But all thanks to Calvin, tinulungan niya ako.

Muli akong bumuntong hininga. Mayamaya lang nang dahan-dahan akong umahon mula sa pagkakahiga ko. Hindi ko na hinila at dinala ang comforter. Nang makatayo ay saglit ko iyong inayos sa katawan ni Calvin.

Sa kadahilanan pang hubo't hubad ako ay kaagad nanuot sa akin ang lamig ng aircon sa kwarto ni Calvin. Niyakap ko ang sarili, kapagkuwan ay magaan ang bawat paglalakad habang pinupulot isa-isa ang mga damit kong nagkalat sa sahig.

Mabilisan ko iyong sinuot, bahala na rin kung wala sa ayos ang buhok ko. Matapos kong kunin ang bag ko sa study table ay naging dere-deretso ang tungo ko sa pinto. Marahan ko iyong binuksan.

Bago pa man din tuluyang sumara ang pintuan ay ilang segundo kong binalikan ng tingin si Calvin. Tinitigan ko ang katawan niyang nagmistulang anino dahil sa liwanag mula sa gilid niya.

Mabagal ang bawat paghinga niya, bakas pa rin ang pagod, kaya natanto kong baka tanghaliin ito ng gising kung wala siyang alarm clock. Mabuti ay nai-set ko na iyon kanina sa oras ng pasok niya mamaya.

Tuluyan akong tumalikod pagkatapos kong i-lock ang pinto. Kahit sa hagdan ay nagdahan-dahan ako, nag-iingat na huwag makagawa ng ingay na ikagigising ni Calvin. Madilim sa sala at kusina, walang iniwang ilaw, pero nagawa ko pa ring makalabas ng bahay nang tahimik.

Hawak-hawak ang susi ay kaagad kong nilapitan ang motor ko. Tinulak ko pa iyon upang mailayo sa bahay ni Calvin, para hindi niya gano'n marinig kung bubuksan ko man ang ignition nito.

Nang makasakay sa motor ay saglit kong tiningala ang glass window mula sa kwartong iyon ni Calvin sa ikalawang palapag. Tipid akong napangiti. Desisyon ko ito, kaya hindi dapat ako nalulungkot ngunit sadyang hindi ko lang din maiwasan.

The word ‘love’ is easy, falling in love with someone like Calvin Frias is even easier, but letting that love go— is the most difficult thing I'll ever have to do.

But it's fine, Jinky.

Kung kami talaga ang itinadhana sa isa't-isa, naniniwala ako na kahit maghiwalay kami, kahit magkalayo kami, pagtatagpuin at pagtatagpuin pa rin kami ng tadhana.

Kung hindi siya mapapagod na hintayin ako, o na hanapin ako, roon ko masasabing kahit papaano sa buhay ko ay swerte ako. Pero kung pati ang pagmamahal niya sa akin ay may dulo rin, kaya kong irespeto iyon.

Maraming kahulugan ang salitang pag-ibig; love is patient, love is kind, love is sacrifices, love is a compromise, love is acceptance, love is selfish, and there is love is selfless.

Nang makapasok sa bahay ay dali-dali kong kinuha ang bagpack ko. Pinagkasya ko roon ang iilang damit at gamit ko. Ilang minuto lang din akong naligo para magbanlaw, para rin mas magising ang diwa ko dahil ramdam ko nang inaantok ako.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Bago pa man din maabutan ng liwanag ay lumabas na ako ng bahay. Lulan ng motor ay tinahak ko ang daan patungo sa Centro. Naroon ang terminal ng mga bus papuntang Manila.

Sa isang guard na naroon ay hinabilin ko ang motor ko. "Kung sakali man po na may maghanap sa akin ay ibigay niyo na lang itong motor sa kaniya. Pangalan niya po ay Calvin Frias, pulis po siya."

"Sige, ineng. Ako na ang bahala rito, pangako at maibibigay ko ito sa tamang tao," anang guard na kahit papaano ay nakampante ako, tuluyan kong iniabot ang susi sa kaniya.

"Maraming salamat po."

Honestly, wala naman na sa akin kung mawala man ang motor kong iyon. Pero mas mapapanatag ako kung mapupunta iyon kay Calvin, regalo ko na lang. Kahit second hand iyon ay naging malaki ang value no'n sa akin, lalo pa at mayroon ng alaala naming dalawa iyon. Alam ko na mas iingatan niya iyon.

Kumaway ako sa guard at ganoon din ito sa akin. Mabuti at naabutan ko ang huling trip. Nasakto pa na may mga naiwang bakanteng upuan. By reservation kasi ang pagbili ng upuan sa bus. Hindi ko naman alam at biglaan din, pero pasalamat na lang ako.

Sa dulong bahagi ako nakaupo. Ako lang ang mag-isa sa pahabang upuan na iyon. Inilapag ko ang bag ko sa gilid, kapagkuwan ay tinanaw ang labas ng bintana. Sa ganap na alas singko ay unti-unti nang sumisilay ang liwanag mula sa langit.

Unti-unti ring umaandar paalis ang bus at nakahinga ako nang maluwang nang nasa biyahe na kami pabalik ng Manila. Ganoon pa man ay ramdam na ramdam ko ang pagkakapira-piraso ng puso ko sa katotohanang lilisanin ko na nga ang Isla Mercedes, ang lugar na sobra ko ring minahal.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi upang magpigil na huwag umiyak. Marahan kong isinandal ang likod sa upuan. Kasunod nang mariin kong pagpikit, saka ko na muna iisipin ang lahat. Sa ngayon ay gusto ko na munang matulog.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Tulog ako sa tuwing may stop over, kaya sa buong biyahe ay wala akong kain. Inabot ng kalahating araw, nang huminto kami sa Cubao terminal ay hapon na.

Nag-aagaw na ang liwanag sa dilim. Wala ring bakas ng araw at mukhang nagbabadya ang isang malakas na bagyo. Bago pa man din abutan ng ulan ay kaagad akong lumapit sa gilid ng kalsada para maghanap ng taxi.

Medyo mahirap makipagsisiksikan sa mga taong naroon sa terminal, lalo pa rito na literal na dagsa ang mga tao sa lugar ng Cubao. Sobrang traffic din na halos mangalay ang mga paa ko sa pagkakatayo.

Ilang sandali pa nang sa wakas ay makahanap din ako ng bakanteng taxi cab. Sa back's seat ako naupo habang yakap-yakap ko ang dalang bag. Matapos kong sabihin sa driver ang location ko ay umusad din siya.

Iyon nga lang, katulad ng palaging nangyayari rito sa Manila, kaunting usad ng mga sasakyan ay kapalit ang mas matagal na traffic. Naipit kami sa gitna ng EDSA. Maingay din dala ng pinagsama-samang busina ng mga sasakyan sa paligid.

Hindi matahimik ang mundo ko, tipong hinahanap-hanap ko iyong kapayapan ng Isla Mercedes. Sa isla ay sariwa ang hangin, dito kahit gabi ay balot pa rin ng usok ang hangin. Hindi kailanman naging presko.

Sa isla, kung 'di malawak na dagat ang makikita ay ang mga nagtatayugang mga puno. Rito sa Manila, pataasan at palakihan ng mga building. Sabit-sabit din ang mga campaign tarpaulin, ang mga billboard at commercial poster.

Wala kang makikitang puno, kung mayroon man ay purong artificial. Dikit-dikit ang mga bahay. Wala ring personal space ang isang taong naglalakad. At lahat pa sila ay nakatutok sa kaniya-kaniyang gadgets, naglalakad man o nag-aabang ng sasakyan.

Napasinghap ako. May liwanag pa kanina nang dumating ako sa terminal ng Cubao, pero naabutan na ako ng dilim sa gitna ng kalsada. Tuluyan na ring bumagsak ang masaganang patak ng ulan kung kaya lalo lang kaming naipit sa traffic.

Halos makatulog ako at inaantok pa ako, kung hindi ko lang din binabantayan ang sarili ay iyon na nga ang nangyari. Isa sa normal na pangyayari sa Manila ay iyong nakawan at pangha-harass sa mga babae.

Hindi ko na nabilang ang oras. Buong araw akong bumiyahe at pagod na pagod ang katawang lupa ko. Nanghihina na ako, to the point na natatakot akong baka hindi na ako umabot sa bahay at bigla akong mahimatay habang nasa daan.

Nag-iisip din ako kung kakain ba muna ako, para rin magpatila ng ulan, pero na-realize kong malapit na ako sa bahay namin. Mas magandang doon na lang. At sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano pa ang madadatnan ko sa bahay.

Umalis ako nang walang paalam doon. Aminado ako na malupit sa akin si Mama, pero siguro naman ay nag-alala siya at hinanap niya ako. It's been almost two months. Totoo kayang hinanap nila ako?

Mahigpit kong hawak ang payong. Tinupi ko lang din iyon nang makarating ako sa bahay. Tatlong beses akong kumatok. Noong una ay tahimik hanggang sa makarinig ako ng ingay sa loob, reklamo na naistorbo.

"Ano ba? Gabing-gabi na, ah?!" singhal ni Mama nang mabuksan niya ang pinto.

Nabungaran niya ako. Kitang-kita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya habang maiging pinagmamasdan ang kabuuan ko. Napakurap-kurap siya. Ilang sandali nang bumalatay ang galit sa mukha niya.

"Bakit nandito ka? Hindi ba ay naglayas ka, huh? Oh, ngayon! Bakit ka bumalik??" malakas niyang sigaw na hindi hamak na posibleng marinig ng mga kapitbahay.

May katandaan na ang Mama ko, since late na rin siyang nag-asawa. Ako ang bunso sa mga anak niya kung kaya ay ako rin ang kasa-kasama niya sa bahay. After din niya akong maipanganak ay namatay si Papa.

Kaya given na kung naging bugnutin si Mama. Ang dalawang nakatatandang kapatid ko naman ay may kaniya-kaniya ng pamilya. Hindi na ako magtataka kung siya man ang naiwang mag-isa rito sa bahay namin.

"Hindi mo ba alam na akala ng lahat dito ay patay ka na? Na sinabi kong pinalibing na kita?" dagdag ni Mama, ang mga salita niya ay halos tumarak sa puso ko.

"So—sorry, Ma." Nanginig ang labi ko, kasabay nang panginginig ng katawan ko dahil sa panlalamig.

"Huwag kang mag-sorry-sorry! Eh, bakit ka nga nandito, huh? Tinatanong kita!"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Masyado nang nanlalambot ang dalawang tuhod ko na nagawa kong kumapit sa hamba ng pinto upang kumuha ng lakas doon.

"Babalik na po ako sa inyo..." mahinang sambit ko, unti-unti nang pumapatak ang luha sa pisngi ko. "Pasensya na kung naglayas ako, Ma, pero rito na lang ulit ako. Promise, hindi na po ako maglalayas."

"Bakit ba? Sa anong dahilan bakit ka pa bumalik? Nananahimik na ako rito."

Napasinghap ako. "Buntis ako, Ma."

"Aba, lintik!" bulyaw niya, kapagkuwan ay sinampal ako. "Babalik ka rito dahil buntis ka? Eh, isa ka palang gaga! Pare-pareho kayo ng mga kapatid mo! Malalandi! Ano ba ako rito, tagaalaga ng mga anak ninyo kapag aalis kayo, huh? Bibigyan niyo pa ako ng problema, samantalang noong kailangan ko naman kayo ay wala kayo sa tabi ko!"

"Sila 'yun, Ma! Hindi ako! Hindi ba't ako lang ang nanatili sa tabi mo?! Ako palagi ang nag-aabot sa 'yo ng pera, ng tulong, suporta at lahat!" Hindi ko na napigilan, pati kalamnan ko ay nanginginig na rin.

"Dati 'yon, Jinky! Ngayon na may anak ka na rin, ganoon din ang gagawin mo!"

"Hindi, Ma!" awat ko rito, lumuhod na rin ako sa harapan niya. "Please po, Ma, wala na akong ibang mapuntahan. Ikaw na lang 'yung alam kong tatanggap sa akin."

Saglit na nanahimik si Mama. Nakayuko ako, kaya malamang na nakadungaw ito sa akin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kawalan. Kalaunan ay malakas siyang tumikhim bago ako hinila patayo.

"Oh siya, nasaan ba ang ama ng batang dinadala mo?" tanong niya na dagling naging malumanay ang boses.

"Wa... wala po."

"Tanga ka! Kanino ka nagpabuntis, Jinky? Hay, buhay! Ano ka ba namang bata ka! Sakit ka sa ulo! Pero halika rito at pumasok ka! Lintik ka talaga, gabing-gabi na at pinapasakit mo ang ulo ko!" sunud-sunod niyang palatak habang hatak-hatak ako papasok ng bahay. "Naiinis na ako, ah! Ano ba naman ito, Gerardo, bakit ba ganito ang iniwan mong mga anak sa akin!"

Sa kabila ng pag-iyak ko ay umalpas ang tuwa sa mukha ko. Tama ako; walang inang matitiis ang isang anak.

Continue Reading

You'll Also Like

139K 6.3K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
45.3K 681 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
193K 11.7K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...