When She's gone

By Dream_Secretly

591 15 4

Will love make her stay when it is taken for granted? Would she save him or save herself? Will he miss her... More

When She's Gone
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 09
KABANATA 08

KABANATA 03

34 2 0
By Dream_Secretly

Nang makalabas ako nang mansiyon ay hindi muna ako tumuloy sa bahay. Dumaan muna ako sa club ng jowa ni chiona dahil siguradong nandoon rin siya. Tanghali pa lang kaya alam kong wala pang customer sa club. Nagpa-practice pa lang mga dancer nila for sure.

"Hi Ysa!" Bati sa'kin ni Jonas. Isa sa mga bouncer nila.

"Oh hi!" Bati ko pabalik. Binati ko na rin ang mga nakakasalubong ko. Kilala na rin kasi ako dito. Minsan kasi ay nagpa-part time ako as waitress or bartender ng club kaya kilala ko na mga nagta-trabaho dito.

"1, 2, 3—"

Naabutan kong nasa stage na ang mga dancer at nag-aaral ng steps. Ngumiti lang ako at kumaway sa kanila. Dumiretso naman ako sa sofa kung saan nakaupo ang mag-irog at seryosong nanunuod sa mga dancers nila.

Binaba ko ang mga gamit ko sa taas ng mesa at nakiinom ng tubig. "Kamusta ang negosyo?" Tanong ko sa dalawa.

"Maayos naman, Ysa. Kumusta?" Sagot ni Clyde, jowa ni chiona at may-ari ng maliit club.

"Mabuti naman." Ngumisi ako. "Biyaya ang araw na 'to sa 'kin, sana sa inyo rin." Sabi ko.

"Oh bakit natanggap ka?" Tanong ni Chiona habang kunot noong nakatingin sa stage.

"Yup. Bukas na start ko."

"Wow. Congrats, Ysa." Masayang komento ni Clyde.

Nginitian ko siya. "Thanks clyde." Lumapit naman ako kay chiona at tinusok tusok siya sa pisngi. "Bes..." Malambing kong sabi.

"Ano?" Tanong niya habang hinahawi ang kamay ko. Nasa mga dancers pa rin ang atensiyon niya.

"Favor naman, bes." Sabi ko.

Doon lang siya tumingin sa'kin. Nameywang siya. "Tatay mo?" Sabi niya na para bang alam na alam na niya ang favor ko.

Tumango ako. "At joey."

"Magsisimula na kasi ako bukas. 8am-8pm ang trabaho ko. Walang mag-aasikaso sa kanila lalo na kay tatay. Alam mo namang hindi ko maaasahan si Nanay."

Bumuntong hininga siya. "Ano bang matutulong ko?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Pwede mo bang asikasuhin ang pagkain ni Tatay at pag-inom niya ng gamot sa tamang oras? Paki-tingnan na rin sana si Joey."

Tumango siya. "Sige basta ikaw!"

Malawak akong ngumiti. Patagilid ko siyang niyakap. "Thank you talaga, bes." Sabi ko.

"Oo na. Basta galingan mo. Sabihan mo ako kapag may problema. Ako na rin bahala sa nanay mong sugarol at lasengga." Sabi niya.

"Yes na Yes!" Sobrang lapad ng ngiti ko. Ang swerte swerte ko talaga kay chiona.

Masayang masaya si Tatay nang ibalita ko sa kanila na natanggap ako sa trabaho. Malungkot naman si Joey dahil sinabi ko na magiging busy ako sa trabaho at kung pwede kay Chiona na lang siya magtanong.

Nalulungkot man, alam kong naiintindihan niya rin kung bakit kailangan ko ang trabaho na ito.

"Nakausap ko na po si chiona, 'tay. Pupunta siya rito kapag oras na ng pagkain at pag-inom mo nang gamot. Siya na rin ang bahala kay Joey. Kung may kailangan po kayo, sabihin mo nalang po kay chiona. Siya na muna po ang bahala sa inyo kapag nasa trabaho ako. Pasensiya ka na 'tay kung hindi na kita maaalagan mula bukas sana—"

"—huwag mo na akong alalahanin, Anak. Kaya na namin ni Joey 'to.."

Ngumiti ako. "Hindi naman po pwedeng hindi ako mag-alala 'tay. Ako lang po kasi ang nag-aalaga sa inyo ni Joey kaya ngayong may trabaho na ako, paano na lang kayo? Mabuti na lang nga at nandito si Chiona para tulungan tayo."

"Ysa, huwag mo na kaming alalahanin. Ang importante may trabaho ka na at makakapag-ipon para sa pag-aaral mo." Malungkot niya akong nilingon. Sinubukan niyang itaas ang isang kamay para abutin ang pisngi ko pero hindi natuloy dahil kaagad rin 'yong bumagsak. "Sayang at nagkasakit ako, kung hindi sana ako baldado ngayon, baka nag-aaral ka pa."

"Magtatrabaho ako para sa'tin, 'tay." Inabot ko ang kamay niya at dinala 'yon sa pisngi ko. Pumikit ako. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Joey. At huwag mong isipin na wala ka nang silbi dahil suporta at pagmamahal mo na lamang ang nagpapalakas ng loob ko."

Bago ko iniwan si Tatay, sinigurado ko munang maayos na ang pagkakahiga niya sa kama. Hinalikan ko siya noo at kinumutan bago ako tuluyang lumabas ng kwarto nila ni Nanay.

Dumiretso naman ako sa kwarto namin ni Joey para tingnan kung natutulog na ba siya. Kumunot ang noo ko nang maabutan ko siyang nakaupo sa higaan at mukhang inaantay ako.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko at tumabi sa kaniya sa banig.

"Hindi ako makatulog, Ate." Sabi niya 'tsaka ako niyakap sa baywang.

Napangiti ako at hinalikan siya sa ulo. "Asus, gusto mo lang yata ng yakap ko." Nauna akong humiga at pinaunan siya sa braso ko. Malambing naman siyang yumakap sa'kin. "Joey," Hinaplos ko siya sa buhok. "Bukas na ang simula ng trabaho ko, magpapakabait ka kay tatay at Tita Chiona, ha? Lagi mong susundin ang mga sasabihin nila. Uhm, gabi na rin ang uwi ko kaya huwag mo na akong antayin."

"Magiging good boy po ako para hindi ka mahirapan at para hindi magalit si Mama." Sabi niya.

Ngumiti lang ako at niyakap siya ng mahigpit. Good boy ka na, Joey. At mahal na mahal kita. Tiis lang muna tayo ngayon, kapag nakaluwag luwag na tayo, mabibili ko na ang mga pangangailangan mo.

Kinabukasan, ala-singko pa lang gising na ako para magluto ng almusal para kay Joey at Tatay. Darating ng 7:00 am si Chiona at siya namang alis ko. Mga six naman ay gigisingin ko na si Joey, papakainin ko na at bibihisan para maisabay ko na rin.

"Anong pagkain?"

Ngumiti ako nang pumasok si Nanay ng kusina. Mukhang kauuwi niya lang galing sa sugalan. "Magandang umaga, 'nay. Kumain na po kayo. Uh unang araw ko nga po pala sa trabaho." Sabi ko. Pinagmasdan ko siyang basta basta na lamang umupo at kinamay ang fried rice na niluto ko.  Buti nalang hindi ko nilagay sa mesa lahat ng niluto ko.

"May trabaho ka na? Mabuti at nang magkaroon naman ng silbi ang isa sa inyo sa bahay na 'to. Sa unang sahod mo bayaran mo na ang mga utang natin sa chismosa at bungangerang Belen na 'yon! Kung makapag-parinig sa'kin araw araw akala mo kung sino, bulok naman mga paninda niya!"

"Opo..." Tumango lamang ako.

Masama niya akong tiningnan. "Anong opo? Ipagtimpla mo ako ng kape!" Singhal niya. Napatalon pa ako sa sigaw niya at natarantang kumuha ng baso. Mabuti na lang at nakapag-init ako ng mainit na tubig para panligo ni Joey. "Paano ka magtatagal sa trabaho kung ang kupad kupad mong kumilos! Hoy Ysabela! Ayusin mo ang trabaho mong 'yan dahil malilintikan ka talaga sa'kin kapag hindi ka nakapagdala ng pera dito!"

"O-Opo 'nay..." Mahinang sabi ko.

"Sa unang sahod mo, ibili mo kami ng isang case ng redhorse at gin! Samahan mo na rin ng pulutan at iimbitahin ko mga kumare ko rito!"

"Uh 'nay m-marami kasi tayong bayarin kaya baka...."

Napalunok ako at ibinaba ang kape sa harap niya. Mabilis naman niya 'yong tinikman. "Ano ba naman 'to..." Nasira ang mukha niya at galit na nilingon ako. "Pnyetq! Sobrang tamis naman at bakit walang coffee mate 'to?!"

Napaatras ako ng tabigin niya ang tasa sa mesa. Hindi 'yon nahulog at nabasag pero kumalat sa mesa ang kapeng natapon.  "Wala ka talagang silbi!" Gigil niya akong nilapitan at sinampal. "Naku! Kung wala ka lang trabaho ngayon baka nalumpo na kita!" Yumuko lamang ako at inantay siyang makaalis. "Tangnang buhay 'to! Walang silbi! Mabuti na lang sa sugalan, masaya. Dito, impyerno!" Rinig ko pang sabi niya bago tuluyang lumabas ng kusina.

Humikbi lamang ako at pinilit na ayusin ang sarili. Nanginginig ang mga kamay at labi ko nang kumuha ako ng basahan para punasan 'yong natapon na kape. Masakit 'yong sampal ni Nanay pero mas masakit itong nararamdaman ko. Parang tinusok ang puso ko ng karayom. Nanghihina ako pero hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman. Nangako ako kay Tatay at Joey na pagbubutihan ko.

"A-Ate..."

Nagulat ako at mabilis na nagpunas ng luha ng makita si Joey. Pinilit kong ngumiti. "M-Magandang umaga...h-hindi mo na ako inantay na gisingin ka? U-Uh kain ka na m-muna.." Nataranta ako. Mabilis kong tinapos ang pagpupunas ng lamesa at dinala 'yong basahan sa lababo para labhan.

Nakatalikod ako sa kaniya nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa baywang ko. Natigilan ako at napalunok. Muling tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko 'yon gamit ang braso ko. Tahimik akong humikbi at kinagat ang ibabang labi.

"A-Ate...kapag l-lumaki ako...p-palalayasin ko si N-Nanay para hindi ka na n-niya saktan..." Mas lalo akong naiyak. Napailing ako at tumingala. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko at marahang tinanggal. Hinarap ko siya at bumaba para mapantayan ang laki niya.

Nagpunas ako ng luha. "H-Hindi mo dapat pag-salitaan si Nanay ng ganiyan...k-kahit anong mangyari dapat respetuhin natin siya kasi kung hindi dahil sa kaniya wwala tayo ngayon dito...kaya huwag kang magagalit sa kaniya, ha? N-Naiintindihan mo ba ako, Joey?"

Ngumuso lang siya at walang sinabi. Pinunasan niya muna ang mga luha ko sa pisngi bago ako niyakap. "M-Mas mahal kita kaysa kay Nanay, Ate." Napapikit na lamang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...