SAYEH

By Margarita29

70.7K 1.7K 137

Sayeh... ang aking pangalan at ako, ang titikim sayo! More

Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panglima
Pang-anim
Pang-pito
Pang-walo
Pang-siyam
Pang-sampu - Ang Alay
Pang labing isa - Ang mga Busaw
Pang labing-dalawa
Pang-labing tatlo
Pang-labing apat
Pang-labing lima
Pang-labing anim
Pang labing pito
Ang huling pagtikim
Ang ngiti sa kanyang mga labi
Pasasalamat

Panglabing walo

2K 49 0
By Margarita29

Napatulala si Olivia sa kanyang narinig mula kay Rodrigo. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

Dating tao si Rodrigo!

Hindi siya nakapaniwala!

Wala sa hinagap na kanya iyong maririnig mula mismo sa mga labi nito. Isang rebelasyong hindi niya kinakayang isipin na maaari palang mangyari.

"Anong..."

Naglabas ng isang bote ng tubig si Rodrigo at inabot sa kanya. Sa sobrang kabiglaan ay agad niya iyong kinuha at nilagok ng sunod-sunod. Halos wala nang matira sa tubig na ibinigay nito sa kanya, patunay lamang na sobra ang kanyang pagkabigla.

"Hindi ba kapani-paniwala?"

Tumango siya ng mabilis rito. Wala siyang alam sa kung ano ang kayang gawin ng lahing kinabibilangan nina Rodrigo at Sayeh ngunit hindi talaga siya makapaniwala. Para palang mga bampira ang mga ito.

Mabilis lang magparami kung gugustuhin.

Tumawa ng malakas si Rodrigo na kanya pa lalong ikinabigla. Kung kanina'y ngumiti ito, ngayon naman ay tumawa ito ng malakas. Buong buo ang tawa nito. Nakakahalina sa pandinig, nakakaakit sa mata. Lalaking lalaki.

Kung nanatili ka lang sanang tao, Rodrigo...

Maya-maya'y bigla itong tumigil sa pagtawa ngunit andoon pa rin ang tipid na ngiti. Halatang pinipigilan lamang ulit tumawa. Ngayong nailigtas na nila si Misty, iyon na kaya ang magiging huli nilang pag-uusap?

"Kailan ka.. aalis?"

Tumitig ito sa kanya. Ngayon lamang niya nakausap ng ganito si Rodrigo . Malapit at maayos. Para lamang silang matalik na magkaibigan na walang problema at hindi magkaaway.

"Sa oras na makadaupang palad ko na ang aking pinakamamahal"

"Asan ba siya?"

"Nasa malapit lang siya. Ang totoo'y malapit na kaming magkita."

"Mahal na mahal mo siya noh?"

"Higit pa sa sobra, Olivia. Gagawin ko ang lahat muli ko lamang siyang makasama"

Tinitigan niyang muli si Rodrigo. Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magkakilala sila'y ngayon niya masasabing... humahanga siya kay Rodrigo. Hinahangaan niya ang pagmamahal nito. Isinakripisyo nito ang pagiging tao upang naging katulad lamang ng babaeng pinakamamahal nito.

Isang dakilang pag-ibig. Hahamakin ang lahat masunod lamang.

"Sana'y magkasama na kayong dalawa" mahina niyang sabi rito saka niya ito binigyan ng isang matamis na ngiti.

Gumanti rin si Rodrigo ng isang ngiti. Ngunit hindi ng isa ring matamis na ngiti, kundi isang..

Mapait na ngiti.

Iyon ang huli niyang nakita bago niya naramdaman ang unti-unting pagpikit ng kanyang mga mata kasabay ng mabilis na pagsalo sa kanya in Rodrigo.

"Malapit na malapit na... aking Olivia"

==========o==========

Mabilis na bumalik sina Salem at Minda, sa hospital kung nasaan si Misty. Nais makatiyak ni Salem kung sino ang gagamitin ni Rodrigo upang mapanganak ang bagong Sayeh.

Si Olivia o si Misty?

Noong una'y sigurado siyang si Misty ang gagamitin ngunit nang tulungan ni Rodrigo si Olivia ay bigla siyang nagdalawang isip. Wala sa kanilang plano ang nangyaring pagpatay sa katawan ni Sayeh. Wala sa plano na kasali si Olivia sa huling ritwal. Wala sa plano ang pagbaligtad sa lahat ng kanilang plano.

Ang ginawa ni Rodrigo ay taliwas sa kanyang inaasahan. Sandali.. Wala nga pala silang konkretong plano ni Sayeh. Marahil ay hindi talaga siya kasali sa plano ng dalawa.

Nakakainis

"Pabago-bago ka kasi ng isip kung sino ang kakampihan mo! Kaya ayan hindi ka nila isinali sa tunay na plano" piping sabi ng kanyang isipan.

Napapailing na lamang siya. Pati tuloy sarili niya, kanya nang inaaway.

"Mayroon bang problema?" tanong sa kanya ni Minda.

"Wala."

Huminto sila sa likod na bahagi ng hospital. Doon sila dadaan upang hindi sila makita ni Rodrigo. Alam niyang galit na galit ito sa kanya dahil hindi niya ginawa ang isa sa mga ritwal.

Maling punyal ang ibinigay niya kay Olivia.

Marahil nga ay nagawa nito ang panaginip ng pagpatay ngunit hindi naman niya ibinigay rito ang tunay na punyal kaya hindi rin magiging epektibo ang ginawa nito.

"Tapos nagtaka ka pa kung bakit hindi ka isinasali sa mga plano nila!" Sabat uli ng kanyang isipan.

Hindi niya alam kung bakit ginawa niya iyon. Nagtatalo ang kanyang kalooban kung ano ba talaga ang kanyang gagawin.

Hays!

"Kailangan nating makatiyak na si Misty ang gagamitin." Mahina niyang turan kay Minda habang paakyat sila ng hagdanan.

"Ano po ang inyong balak kapag nalaman mo na kung sino ang gagamitin ni Rodrigo?"

Napahinto siya sa tanong nito. Hindi niya napaghandaan ang tanong na iyon. Ano nga ba ang kanyang gagawin?

"Kakampi o kaaway? Sino ka sa dalawa, Punong busaw?"

Narinig niyang dagdag na tanong nito sa kanya. Lalo siyang nalito. Nais niyang mailigtas ang kanilang lahi ngunit ayaw na niyang pumatay pa ng tao.

"Hindi ba pwedeng wala na lang akong kampihan?"

 

Nakita niyang naglakad si Minda paabante bago humarap sa kanya. Matikas itong nakatayo habang hinihintay ang kanyang kasagutan.

"Hindi ko... alam"

Nakita na naman niya ang tuso nitong ngiti. Iyong tipong kahit anong oras ay handang pumatay. Tao man iyon o isang busaw.

"Kung ikaw ay kakampi.. asahan mo ang aking katapatan. Ngunit kung ikaw ay isang kaaway.. kailangan kitang burahin sa mundo.. Mamili ka na, aming punong busaw" ipinagdiinan pa nito ang pagsasabi ng punong busaw.

Alam niyang sa diin na iyon ay pinapaalala nito kung kanino siya dapat kumampi.

"Ako ay..."

==========o==========

Sa isang malalim na paghinga ay nagising na siya mula sa isang malalim na pagkakatulog. Nang marinig ang pagbukas ng pintuan ay muli siyang humiga at pumikit. Maya-maya'y nakarinig siya ng isang mahinang bulong.

"Misty anak... Sandali lang si mama huh. Pupunta lang ako sa doktor. Babalik rin ako" mahinang turan ng boses bago niya narinig ang paglabas nito ng kwarto.

 Naamoy niya rin ang babaeng mahinhing pumasok.

"Hello po"

"Aalis lang ako Miss, pakibantayan na lang ang anak kong si Misty."

"Oo naman po. I'm here to give her meds na rin"

"Salamat"

Naramdaman niya ang maingat na paghawak nito sa kanyang kamay, sa pulso hanggang sa mga nakakabit sa kanyang katawan. Nang makampante ay inayos nito ang kumot at unan ngunit naramdaman niya ang mahina nitong pagsalat sa isang bahagi ng kanyang braso. Lihim siyang napangiti nang dumampi ang isang bimpo roon, wari'y nais alisin ang kung ano roon.

"Ay.. ano ba itong dumi na ito.. ayaw maalis.. Hala mayroon rin siya sa mukha?"

Naramdaman niya ang pagdukwang nito sa kanya. Malapit sa kanyang mukha. Hindi niya tuloy napigilan ang kanyang sarili nang maamoy ang amoy nitong matagal na niyang hindi naaamoy.

Amoy sariwang karne

"Ngaa.a.aa..a..aah.. Ee..ee..rrr"

Naramdaman niyang bigla itong lumayo sa kanya.. Napahawak siya sa kumot dahil bigla siyang nasabik nang marinig ang mahina nitong paglunok at ang pagbunga nito ng hangin. Ngunit nanatili siyang nakapikit, tila hindi gagawa ng kababalaghan.

"Mali lang siguro ako ng narinig" narinig niyang mahinang sabi nito at muling lumapit sa kanyang mukha. Ngayon ay sinalat salat na nito ang kung ano sa kanyang pisngi. Hindi na siya nakapagpigil at minulat na niya ang kanyang mga mata.

"Ngaa..aa.aa...raaa......uurrrrrrrrrr"

Nang silipin nito ang mukha niya ay bumakas ang sobrang takot sa mga mata nito. Bago pa ito makaatras ay mabilis niya itong hinablot sa leeg, mahigpit na hinawakan at ayaw nang pakawalan pa.

"Mi..sss... Uhhh.. Mis..." hirap na hirap nitong sabi. Dahil doon ay napangiti nsiya ng ubod ng laki. Lalo niyang nakita ang takot sa babae. Marahil ay hindi makapaniwala sa pinapakita niyang lakas at bagsik.

Dahan-dahan niyang inilapit rito ang mukha at bumulong.

"Gusto ko ang takot sa iyong mga mata. Pwede ko ba itong tikman?"

At wala pang isang segundo ay dinukot niya ang kaliwang mata nito saka nilunon ng buong-buo. Hindi na nagawa pang sumigaw ng babae nang takpan na rin niya ang bibig nito. Gusto sana niyang marinig ang walang humpay nitong pagsigaw at pagmamakaawa ngunit hindi maaari. Hindi sa lugar na iyon.

Hindi pa ito ang tamang panahon.

Naramdaman niya ang sunod sunod nitong paghinga mula sa kanyang pagkakasakal rito. Nasabik siya kaya tinusok niya ang leeg nito sa pamamagitan ng kanyang matutulis na mga kuko. Kinalikot ng kinalikot na tila may hinahanap na kung ano hanggang sa tuluyan iyong mabutas hanggang sa batok nito. Sinunod niya ang pagtusok sa dibdib nito na panay ang pagtaas-baba. Nakita niyang bumagsak ang kamay nito at hindi na nanlalaban pa. 

Napatay niya ang babae sa isang iglap.

"Sayang.. masaya ka pa naman sanang kalaro"

Mabilis niyang hinila ang babae sa loob ng pribado niyang banyo. Kinuha niya ang mga kumot, unan at kobre na may bakas ng dugo ng babae, saka hinagis ang mga iyon rito. Hinubad niya rin ang kanyang damit na may bakas ng dugo at inihagis sa isang basurahan na anduduon. Dumiretso siya sa paghigit ng isang malaking bag na pulos mga damit niya ang nakalagay. Napangiti siya saka sinuot ang isa sa mga iyon.

Kampante siyang lumabas ng kwarto. Walang paki-alam kung sino ang kanyang mabangga.

Sa pasilyo, nakaamoy siya ng pamilyar na mga amoy. Napangiti siyang muli nang makilala ang mga iyon. Ang isa ay kay Olivia at ang isa ay kay Salem. Mabilis siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ni Olivia.

Mas mabango kasi ang amoy ni Olivia.

Sumakay siya sa elevator at bumaba sa pinakababang palapag ng hospital. Sumalubong sa kanya ang nakakabinging katahimikan at ilang mga bangkay ng mga pasyenteng namatay na.

Napakababango ng mga ito.

Natatawa pa siya nang mapansing bawat ilaw na kanyang nadaraanan ay unti-unting napupundi hanggang sa tuluyang pumutok.

Oh! Sabik na sabik na siyang masilayan ang mabangong si Olivia.

Nakakatakam talaga..

 

Huminto siya sa pintuan kung saan naroon ang kanyang pakay. Bago pumasok ay binasa muna niya ang nakasabit sa pintuan.

Morgue

Tuluyan niya iyong binuksan. Madilim ang loob ng silid, marami ring mga puting kumot na may bahid ng dugo, mga bangkay na galing sa ospital. Pumasok siya at hinanap ang mabangong amoy ni Olivia. Sumalubong sa kanya ang isang nilalang na nakaupo sa isang upuan, nakatali ang mga kamay, may piring sa mga mata at may busal sa labi.

"Olivia.." mahina niyang sambit nang makilala ito.

Nakaramdam siya ng isang mahigpit na yakap mula sa likuran. Isang yakap ng kasabikan mula sa isang nilalang matagal na niyang hindi nakakasama, matagal na kinasabikan.

Ang mapagmahal na yakap ni Rodrigo.

"Maligayang pagbabalik.. aking Sayeh.."

 

A/N: Are you ready for the final wave?

Next chapter is the ending of this story!

Add me on my twitter account @afuya29 at tarang ihashtag #WPSayeh

Also, check out its new cover only made for the near ending

See you sa huling pagtikim ni Sayeh!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 4.4K 6
Never Fall In Love To A Gangster Book 2 na po ito Basahin niyo muna ang NEVER FALL IN LOVE TO A GANGSTER bago niyo basahin ito para hindi kayo ma...
8.2K 678 17
Isang kasunduan ang namagitan kina Alonzo at Celestina noon na kapag lumipas ang limang taon at wala pa rin silang ibang mahal ay magiging sila na. N...
51.9K 1.2K 9
Tayo na’t alamin na’tin kung ano ang meron sa magkatabing kwartong ito. Genre: Short story, Romance, Paranormal, Mystery, Slice of life.
1.3M 26.8K 29
What will happen if a Childish girl and a Gangster meet? (Wag ng basahin dahil hindi siya maganda XD) For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasi...