Impression on the Heart

By _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 16

5K 190 35
By _Isabelle_

"Try the egg Daddy! Try the eggs!" Napangiti ako kay Gracie sa pamimilit niya sa Daddy niya na kainin ang itlog sa sinangag. Dinner na at sinangag pa rin ang kinakain ni Sac.


Sinundo ko sa school si Gracie. Alam na naman ni Sac na susunduin ko siya at pinaalam na niya agad sa bata. Pagkasundong-pagkasundo ko ay tumuloy kami sa grocery at namili ng mga kinain ko sa unit ni Sac at sa ingredients ng lulutuin namin sinangag.



Nagleave ako since wala rin naman akong masyadong project on hand ngayon Friday. Pinayagan naman ako ni Aaron pero nangulit pa ito kung ano raw bang gagawin ko. Sinabi ko na lang na sikreto.


Nalaman ng buong opisina ang nangyari sa amin ni Dave. Pagpasok na pagpasok ko ng opisina noon Monday ay nagulat na lang ako na masyadong caring ang mga colleagues ko. Malaman-laman ko na pinamalita ni Aaron dahil nakita na rin daw nila ang nangyari. Wala na rin naman akong magawa. Inaasahan ko na rin naman iyon. Ayoko pa nga sanang pumasok ng Monday pero talagang tinawagan pa ako ni Sac na kailangan kong pumasok at maging abala para hindi ko raw maisip si Dave. Hindi ko akalain may ganoong concern pala si Sac at binigyan pa ako ng advice.



"Wow! The eggs are delicious! Who cut the eggs?" Sinabihan ko na rin kasi si Sac na si Gracie ang naggayat ng itlog into pieces gamit ang plastic knife.




"I did! Tita Rachel showed me. Then Nanay Melda helped too!" Ngiting-ngiti si Nanay Melda sa sinabi ni Gracie. "Kumain lahat dito sa bahay tapos sabi nila...they all loved the eggs!" Napasigaw pa si Gracie at nagtitili.




"Well, you cut it perfectly, baby, that's why." Naghalukipkip pa ng braso si Gracie at mukhang proud na proud pa siya 



"Daddy! Bilisan mo kumain may papakita ako sa'yo. It's amazing." Nanlaki pa ang mga mata ni Gracie. "Daddy meet you up in my room in five minutes, okay? Let's go Tita Rachel!" Nakatingin lang sa akin si Sac na tila nagtatanong. Nagkibit-balikat na lang ako.



"Gracie? Five minutes? Kakarating pa lang ng Daddy mo." Nagsalita si Nanay Melda.



"But Nanay, Tita Rachel will come home soon. It's seven forty-five. Daddy said a lady should not be out in the streets after eight." Napangiti ako sa sinabi ni Gracie.



"Okay, baby, I'll be there in two. Go ahead I'll come after you."



Pagkaakyat na pagkaakyat namin sa kwarto nito ay kinuha ni Gracie ang sketchpad niya at alam ko na kung anong ipapakita niya sa Daddy niya. Mukhang tuwang-tuwa siya sa ginawa ko sa di ko malaman dahilan.



"Ano iyon baby? Anong papakita mo sa akin?" Napatingin naman ako kay Sac ng pumasok ito ng kwarto ni Gracie. Nakatanggal na ang necktie nito at nakabukas na rin ang ilang butones ng polo niya.



"Come, Daddy." Lumapit si Sac sa anak niya at naupo sa tabi nito sa kama. Tumayo na ako ng naupo ito. "Ito oh. Flip the edge of every page quickly and you'll see it's moving." Kinuha naman ni Sac ang sketchpad ni Gracie at ginawa nga ang sinabi nito. Tuwang-tuwa naman si Gracie sa nakikita niyang paggalaw ng stickman. Tuwang-tuwa siya kasi parang cartoons ang paggalaw.



"Did you make it?" Tanong ni Sac kay Gracie at umiling ito.



"Tita Rachel did it! She draw the stick figures differently in every page so it looks like it is moving! Isn't it amazing, Daddy?" Tumingin naman sa akin si Sac.



"Yes, it's pretty amazing." Nakangiti lang si Sac at hindi ako sanay na ganoon ito. Nagcompliment na nga at nakangiti pa.

...

"She really was amazed by the stick figures, Rachel." Natawa na lang ako sa sinabi ni Sac. Pauwi na ako at nag-insist pa siya na ihatid ako 


"Thank you. Sinasabi ko na nga ba na kaya ako napunta sa art gallery business dahil may talent din ako." Biro ko pa.



"About the drawings, I personally abhor it. Wala ka ba man lang maayos-ayos na drawing kundi stick figures?" Sinasabi ko na nga ba at kokontra siya.



"Well, boss, iyon na ang pinakadecent na drawing ko."



"Sa susunod huwag ka na lang magdrawing kapag kasama mo si Gracie. Baka gayahin niya ang ginagawa mo at masayang ang talento ng anak ko." Inirapan ko ito.



"Naku, kapag and drawing ko na stick figures ay sumikat hindi ko sa gallery natin ipapaalaga ang gawa ko."




"Iyon ang pinakadapat mong gawin, ibigay mo nalang sa ibang art gallery ang artwork mo. Sa tagal ko sa business na ito, Rachel, I can spot a person easily that really doesn't have a talent in arts."




"Ah talaga lang?" Nahurt naman ako kahit papaano sa sinabi niya. "Okay, okay I admit I don't have a talent in drawing or painting and this would be the last time that I'd shown Gracie of my very unique stick figures." Tumawa ng malakas si Sac.




"Good." Sabi pa nito. "How are you?" Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil ayoko ng tanong niya. Alam na alam ko ang pinatutungkulan ng tanong niyang iyon. "Rachel? Huwag mo akong artehan ng ganyan. Kala mo nakaligtas ka na sa akin? Wala akong balita sa'yo."



"Wala naman dapat na ibalita."


"Can I invite you for a tea? Mukhang nanakit ang batok ko sa dami kong kinain itlog."


"Highblood?"


"Well,  I don't know. May alam akong malapit sa inyo."



"Pero dalawang itlog lang ang nilagay namin."



"I had an early dinner with Aaron and we ate to his favorite ramen shop with free flow of boiled eggs. And we ate a alot."



"Tapos kinain mo pa iyon nasa sinangag? Oily na nga iyon tapos may itlog din."



"Well, that is the best tasting egg that I've tasted. Ang galing ng pagkakahiwa." Natawa ako sa sinabi niya.




"Hindi ba dapat sa ospital ka na tumuloy kung highblood iyan?"



"I'm just suspecting. Or maybe because I am stressed."



"Sa bahay may brown rice tea. Doon ka na lang magtea." 



...

"Hinay-hinay lang kasi sa makolesterol, Lolo. Hindi ka na bumabata." Inirapan lang ako ni Sac pagkalapag ko ng tea sa coffee table.


Kinuha ko rin ang pagkuha ng blood pressure at inassist ko si Sac. Nasa range ng normal ang blood pressure niya. 120 over 80. Palagay ko ay stressed lang siya masyado.


"Normal, boss. Baka sobrang pagod lang iyan. Masyado ka kasing bigtime kaya ka nastress eh." Tinabi ko na ang pagkuha ng blood pressure.



"Kailangan magtrabaho ng magtrabaho. Hindi lang naman itong art gallery ang hawak ko. Kung alam mo lang, Rachel." Napatingin naman ako sa kanya. May iba pa ba siyang business bukod sa art gallery? Ayoko na lang din manghimasok.



"Kailangan mo rin magpahinga." Naupo ako sa tapat niya at binuksan ang tv. "Ikaw na lang ang meroon si Gracie, Sac, ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa kanya ay ang health mo para makasama mo siya ng matagal."



"Yes. Makapunta nga sa specialist bukas. Tinakot mo naman ako." Natawa ako sa sinabi niya.




"Dapat lang. Hindi deserve ng bata na mawalan ng kahit isa sa mga magulang niya." Natahimik na lang ako. Bakit naapektuhan naman ako ng sarili kong salita?



"Wala bang Spongebob?" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nilipat ko sa Nickelodean ang tv at sakto na Spongebob. "Yan, I need that." Natawa ako. "At kamusta ka naman?" Sinasabi ko na nga ba.




"I am doing okay."



"Good. I can see that." Tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Mukhang hindi siya naniniwala.



"Ano bang hindi kapani-paniwala?"


"Wala akong sinasabing hindi kapani-paniwala, Rachel."



"Hindi mo sinasabi pero I heard your tone of disbelief when I said that I am doing okay." Tumawa si Sac.



"I don't know what you are talking about, Rachel."



"Well, I am not okay. I am still not but I need to act I am getting a hold of it. That...that--"


"Dave?"



"That sickening man! He still have the guts to tell me that he is a bisexual and he can go both ways. He said that while we were in our two years relationship he was faithful. And he said that he can be straight fo me and that he said he can prove that to me."




"Did you believe him?"



"No!" Sigaw ko. "Narinig ko ang boses niya kung paano siya makipaglandian sa lalake tapos sasabihin niya na he can be straight? Sinong niloko niya. I am...I am this close in murdering him" Pinakita ko pa kay Sac kung gaano kaliit na lang sa pamamagitan ng daliri ko at one more lie from Dave hindi ko alam ang maaring magawa ko.




"Very good, Rachel. You are learning to be not stupid."



"And what do you mean by that?" At talagang sabihan pa niya ako ng salita na iyon.



"I mean, good thing that you weren't swayed by him anymore. You are becoming wiser."



"I am trying my best to put up this facade, Sac. At ang hirap."



"Just hang on. The wind will change eventually and you'll be so much better."



"Pwede bang hinaan niyo ang mga bibig niyo! Aba'y nagising niyo kaming mag-ina!" Nagulat naman ako ng makita ko si Ate na lumabas sa kwarto at naglakad patungo sa amin.



"So-sorry po." Tumayo pa si Sac.



"Really, Rach? Ganitong oras ka magpaligaw? At anong susunod niyan pupunta kayo sa kwarto mo at gisingin kami ulit ng anak ko sa pag-ungol niyo?"



"Ate!" Hinila ko si ate sa may kitchen. Ito talagang bibig ng kapatid ko.



"Ate, boss ko iyan. Si Sac remember? Hinatid lang ako pauwi at pinagtsaa ko lang. Iyan bibig mo talaga!"



"Eh kasi naman ginising niyo kami ni Andrei. Maaga pa ako bukas, Rachel. Ikaw magpatulog kay Andrei." Binigay nito ang pamangkin ko sa akin na mukhang hindi naman masama ang gising. Ngiting-ngiti ito sa akin na akala ay kinakausap ko siya.




"Magsorry ka muna kay Sac." Inirapan lang ako ni ate matapos ay lumapit kay Sac at tiningnan nito ito ng mataman.


"Base sa kwento ng kapatid ko sa'yo magkakasundo tayo. Bumalik ka ng bahay next week Tuesday. Dito ka magdinner." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni ate kay Sac at kahit si Sac ay hindi nakapagsalita sa ginawa ni ate. Nagpunta na ulit ito sa taas ng bahay.



"Kakagising lang ni ate kaya ganoon. Huwag mong intindihin iyon."


"Well, titingnan ko sa schedule ko kung okey ako sa Tuesday."




"Hindi mo na kailangan. Bagong gising lang si Mommy, di ba, Andrei?" Tiningnan ko ang pamangkin ko na nakatingin kay Sac.



"Ilang buwan na siya?"



"Turning eight na. Big boy na ang baby namin." Hinarap ko si Andrei sa akin at mukhang gising na gising pa ito at tawa ng tawa sa akin. Happy baby talaga si Andrei.  "Hindi mo na ako makukuha sa ngiti mo na iyan, Andrei. Pag-uwi ni Daddy ay...ay I mean Daddy ni Gracie na si Tito Sac matutulog na tayo." Napatingin ako kay Sac at nakangiti siya sa akin. "My mistake." Pagpapaliwanag ko.



"Sige, Rachel, hindi na ako magtatagal."



"Ah...okey. Late na rin. Pasensiya ka na talaga kay ate." Nilagyan ko ng bonnet si Andrei atsaka hinatid ko na si Sac sa may gate.



"Ingat sa pagdadrive." Nakatingin lang sa akin si Sac at nakangiti. Mukhang may nakikita naman ito na hindi ko nakikita. "Boss? Bakit ganyan ka makatingin? Mukha kang naengkanto."




"Bagay pala sa'yo maging nanay." Pinanliitan ko siya ng mata.




"Sige insultuhin mo pa ako na mukha na talaga akong nanay."



"Wala akong sinasabi, Rachel. Bakit ba laging may iba kang iniisip sa tuwing may sasabihin akong compliment?" Natigilan naman ako.



"Defense mechanism ko na ata sa'yo. Sorry."



"We started off on the wrong foot." Napangiti ako at tumango sa sinabi niya. Ngumiti rin siya sa akin.



"Tanda ko pa at dahil sa'yo ayoko ng makipagblindate ulit. Hindi ko alam kung makakameet ba ulit ako ng kagaya mo." Napailing ako sa alaala.



"Sorry, I had a bad day during that time." Akalain mong madalas na siyang magsorry ngayon at magsorry siya sa attitude niya noon first date namin.



"O paano, sige na, late na. Say goodbye to Tito Sac, Andrei." Kinuha ko ang kamay ni Andrei at kinaway ko kay Sac.




"Can I carry him before I go?"



"Sure, be careful mabigat itong baby na'to." Binagay ko sa kanya si Andrei at binuhat ito ni Sac. Nakatingin lang sa kanya si Andrei. Kinikilala niya siguro si Sac dahil ngayon niya lang ito nakita.



"Hi Andrei! You are heavy!" Ngiting-ngiti si Sac habang karga si Andrei. Hinawakan pa ni Andrei ang mukha ni Sac na para bang nag-iinspeksyon. "When you get older you ask your Tita Rachel to teach you basketball... Or if I am free I can pay you a visit and teach you." Tumawa si Andrei. "Oh you like it. Then I'll schedule it to my secretary rightaway." Nakipaglaro pa si Sac kay Andrei ng ilang minuto at nakatingin lang ako sa kanya. I think fatherhood suits him well. I think having a wife again, a complete family of his own suits him.




"Namiss ko naman noon ganito pa kaliit si Gracie." He was smiling when he said that but then it changed. Nakita kong naging malungkot siya pero kaagad niyang naiblanko ang ekspresyon niyang iyon. Inabot na niya sa akin si Andrei at nag-iiyak ito na tila humahabol kay Sac.



"Shh...Halika na. Matutulog na tayo." Sinarado ko na ang gate  "Akala niya siguro ikaw ang Daddy niya." Tumango lang si Sac.




"I think I would like to have a son."



"Then be quick in finding your next wife. Pero siyempre kailangan mahal mo at mamahalin ka rin pati na si Gracie." Hindi na siya sumagot. Ngumiti lang siya matapos ay nagpaalam.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 796 7
Si Raine, ang dalagang walang alaala sa kanyang madilim na nakaraan at ang tanging pangarap lang ay magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Subalit...
13K 401 52
My name is Summer... but my life is colder than Winter...
37.8K 1.1K 51
An Arcella Series Ruth Christie Melchor She fell for her best friend. What a cliche situation pero nangyari. Nahulog siya sa kaibigan niya at nang aa...
798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...