The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER THIRTY-EIGHT

10.6K 198 60
By Itst4sha

[JULIA’S POV]

Almost 3 months kong nakasama si Damon. At sa loob nang halos tatlong buwan na iyon, naging masaya ako. Kahit paano ay nakasama ko siya nang hindi niya naaalala si Kathy – nang ako lang ang naaalala niya. Gustuhin ko mang maging permanente iyon pero ... hindi maaari. Dahil katulad ko ay gagawin rin ni Kathy ang lahat para kay Damon.

Okay na sana ang lahat ...

Hanggang isang araw ay nagising na lamang ako mula sa isang magandang panaginip – isang magandang panaginip na akala ko ay hindi na kailanman magwawakas.

“Magpahinga ka na muna kung sumasakit ang ulo mo.” Sabi ko kay Damon.

“Are you sure?” Tanong niya sakin. Inaaya ko kasi siyang mamili para sa birthday ko. Simula kasi nung mawala ako sa tabi niya, ngayon ko lang ise-celebrate ang birthday ko na kasama siya.

Ngumiti ako. “Yeah – it’s okay with me. Go and get some rest.” Hinalikan ko siya sa pisngi.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi lumuha. Pinilit kong pigilin iyon pero hindi ko nagawa eh. Nakita pa rin iyon ni Damon.

“Is there something wrong?”

Umiling ako. “W-wala ‘to. Don’t mind me.”

Hinawakan ko ang mga kamay niya at inihaplos iyon sa aking pisngi. Pinilit kong ngumiti. “You know that I love you ... right?”

Ngunit hindi siya sumagot. Nanatili akong nakangiti.

“Pwede mo bang sabihing mahal mo ako? Kahit ngayon lang?” Pakiusap ko sa kanya.

“I love you.”

Hindi ko na napigilang umiyak. Para akong isang batang inagawan nang pinakapaboritong laruan. Hindi ko kayang mawala si Damon pero kailangan ko siyang bitawan. Hindi dahil mahal ko siya o may mahal na siyang iba. Kundi dahil alam ko, na hindi na ako ang taong makakapagpasaya sa kanya. Hindi ako ang taong para sa kanya.

Sobrang hirap.

Hindi ko siya minahal nang sobra-sobra para lamang ibigay sa ibang babae. Pero anong magagawa ko? Kung impyerno nga hindi sila kayang hadlangan ... ako pa kayang isang tao?

“You know what? That was the sweetest thing I’ve heard from you. Ilang beses ko bang narinig yon? Nung high school tayo, almost everyday. Every second pa nga yata ... damang-dama ko ‘yon noon Damon. At ako ang pinakamasayang babae noon. Hindi dahil sakin ka. Hindi dahil mahal mo ako. Kundi dahil, napapasaya kita. Mahal mo pa rin naman ako kahit bilang kaibigan hindi ba?”

Tumingin siya sakin nang diretso. “Anong nangyayari sa’yo? May sakit ka ba? M-mahal naman kita ah.”

Alam mo kung anong masakit sa salitang ‘mahal kita’? Yun ay kapag sinasabi yon sa’yo nang taong mahal mo kahit alam na alam mo sa sarili mong iba ang mahal niya.

Masakit.

Sobrang sakit.

“Good. And I love you too ... so much. I love you most. I love everything about you. I love your smell, your lips, your eyes. I love every part of you and every pieces of you. Sobrang mahal kita Damon. If there is one thing in this world that I would like to have for the rest of my life? It would be you – only you. Kahit mawala na lahat sa akin. I would do anything just to see you happy. Kahit na ... kahit na ba hindi ako ang dahilan nang mga ngiti mo – ayos lang! Basta makita kitang masaya ... masayang-masaya na din ako para sa’yo.”

“W-why are you saying this to me? Are you breaking up with me?”

“Hindi. Gusto ko lang sabihin yon sa’yo. Gusto ko lang marinig mo yun mula sakin.”

“Dahil pupunta ka nang mall?” Nagtataka niyang tanong sakin.

Ngumiti ako. “Oo. Dahil pupunta ako nang mall.”

 
Pinunasan ko ang aking mga luha. Tapos muli ko siyang hinalikan sa pisngi. “I love you. I’ll be back as soon as I’m finished. Okay?”

“Okay.”

Nang makalabas ako sa kanyang kwarto.

Nang hindi na niya ako nakikita.

Nang kaya ko nang ilabas ang totoong nararamdaman ko.

Tsaka ako humagulhol nang iyak.

Nakita ko ang itim na anino.

Nasa aking harapan.

“Mabuti at sinunod mo ang nais ko.” Sabi nito.

“Mahal na mahal ko siya. Lahat gagawin ko para sa kanya – gustuhin mo man yun o hindi.”

“Pero – gusto mo nga ba ang lahat nang ito? Hindi ba’t nasa babae na yon na ang lahat nang pabor? Paano ka na? Wala ka na.” Atsaka ito tumawa nang malakas.

“Alam ko. Pero para kay Damon ... magiging masaya na din ako para sa kanila.”

“Ang salitang masaya ay hindi para sakanila Julia ... iyon ay para sa’yo.”

Sa pagkakataong yon ay ako naman ang tumawa.

Tumawa ako nang malakas.

Malakas na malakas.

“Sa dinami-dami nang nagawa kong mali, ito lang ang aking itatama! Hindi ko nga alam kung bakit ako nakinig sa’yo!”

“Sige, hahayaan kita sa gusto mo. Darating naman ang araw nang kamatayan mo at titiyakin kong sa impyerno pa rin ang bagsak mo!”

Atsaka iyon naglaho na parang bula.


Lumabas na ako nang mansyon. Hindi alam ni Damon na mula sa back door ay nakahanda na ang mga maleta ko. Magpapakalayo-layo muna ako.

Kailangan kong kalimutan ang lahat.

Dahil ngayong babalik na ang ala-ala niya – wala na akong rason para manatili dito. Sa oras na gumising ang lalaking pinakamamahal ko sa lahat ay muli siyang babalik sa babaeng pinili niyang mahalin ... at hindi ako yon.



[ERICK’S POV]

 
“ANO?! Nagawa ni Kathy ang lahat ng pinagagawa mo?! P-pero paano na yung ipinangako mo sa akin?”

Tumawa ng malakas ang hari ng kasamaan. “Tao na si Damon. Sa tingin mo ba’y magagawa pa niyang protektahan ang babaeng ‘yon?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Mas magiging madali ang lahat para sa’yo ngayon, Erick. Mas malakas ka. Mas tuso. Mas madali mong mapapasunod ang babaeng ‘yon. Dahil sigurado akong gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang anak ko mula sa’yo.”

Napangiti ako. “Edi ibig sabihin –“

“Oo Erick. Ikaw ang lalaking itinadhana ko para makasama ng babaeng iyon dito sa impyerno. Habang si Damon ay mananatiling tao. Mabubuhay at mamatay bilang tao. Sa huli, alam kong sa akin pa rin ang bagsak niya.”

“Paano si Julia?”

“May iba akong plano para sa kanya.”

Walang anu-ano’y nawala ang itim na anino sa aking harapan. Gusto kong makita si Kathy. Gusto ko siyang makita – hindi bilang isang tao kundi bilang isang kauri ko.

“Sa akin pa rin pala ang bagsak mo Kathy Bernardo ... sa akin pa rin.”

Dali-dali akong nagtungo sa school dahil alam kong doon ko siya matatagpuan. Kailangan ko siyang makita bago pa ako maunahan ni Damon.


Halos nalibot ko na ang buong building pero hindi ko nakita sina Kathy at Damon. Hanggang sa napadaan ako sa CR sa pinakadulo ng gusali.

Napangiti ako nang marinig kong pinag-uuspan nila ang tungkol sa isang marka. Malamang, ito ang markang lumitaw sa kanang kamay ni Kathy.

“Hi Kath.” Bungad ko sa kanilang dalawa.

“E-Erick.” Halatang ikinagulat niya ang biglaan kong pagdating.

“Back to normal na naman pala kayo. Paano na yung sa atin?” Pang-aasar ko. I really know how to make Damon as mad as hell. Tumingin ako kay Damon sabay ngumiti na parang pinagtatawanan ang buong pagkatao niya.

“Kumusta Damon? Masarap ba ang tulog mo?” Nakangisi kong tanong sa kanya. “Tsk. Tsk. Akalain mo, bangungot lang pala ang pagiging demonyo mo.”

“Fvck you!”

Gusto kong matawa kay Damon. Wala na siyang ibang pwedeng gawin kundi ang isumpa ako.

Nang magtangka siyang lapitan ako ay hinawakan siya ni Kathy sa braso. Dahil alam siguro niya na walang laban ang isang ordinaryong tao sa demonyong katulad ko.

 “Ngayong isa ka na sa mga kagaya ko, bagay na tayo.”

I winked at her.

Sa sunud-sunod na tagumpay na tinatatamasa ko ay may galit na nakakubli dito. Galit tuwing makikita ko silang magkasama. Galit na unti-unting lumalamon sa akin. Galit na nagtutulak sa akin para mas lalo akong lumaban.

Kulang pa na nagging tao si Damon.
Kulang na naging demonyo si Kathy.

I want her soul.
I want her to be with me.
I want her to choose me.



[STHEP’S POV]

 
‘Lord ... sana po sa mga oras na ‘to ay bigyan niyo nang linaw ang isip ni Kathy at patawarin na niya ako kung anuman ang kasalanang nagawa ko sa kanya.

... pero Lord, secret lang yon ah? Wag mong sasabihin sa kanya. Baka kasi sabihin niya easy to get ako.’

Lihim kong dalangin. Pero may parte nang isipan ko ang ayaw magpatawad. Ang dami niya kasing masasakit na salitang binitawan. Nasaktan ako.

Imagine, sinabihan niya akong hindi niya ako nanay? Bakit? Tinanong niya ba ako kung gusto ko siyang maging anak? Imbyerna ha! Nakakainis!

Porket matalak nanay na agad? Hindi ba pwedeng concern lang ako dahil bestfriend ko siya?

Ang hirap magpalaki nang bestfriend na may sira sa utak.

Akalain mong gawin niyang demonyo ang lalaking mahal niya?

Baliw talaga.

“Sthep.”

“Ay pepe nang kalabaw na nakapanty!”

Nagulat ako nang biglang may tumawag sakin.

Pasensiya na. Nerbiyosa kasi ako.

“Ano?!” Tanong ko sa pinaka-ayaw kong couple sa buong mundo.

“Pwede ba kitang makausap?”

“Ayoko nga!”

‘Lord, bigyan mo ko nang sapat na lakas para iignore ang babaeng ito!’

“Sige na.” Pilit ni Kathy sakin.

“Ayoko!”

“Please?”

“Ayokooooooooooo! Magcartwheel ka muna mula Baguio hanggang dito sa Manila bago kita kausapin!”

Nakita ko siyang ngumiti.

Wala na.

Patay na ko.

“Sige na chum. Kausapin mo na ‘ko.”

“Ayoko nga sabi eh!”

“Ayaw mo pero sagot ka nang sagot. Ano kaya yun ...”

Hindi ko na napigilang hindi mapangiti.

Hindi kasi alam ni Kathy na siya ang weakness ko.

Bawat halakhak niya, ngiti niya – iyon ang nagbibigay nang lakas sakin para lumaban sa buhay. Kung hindi niyo kasi alam, wala na akong pamilya. Siya na lang ang pamilya ko. Siya na lang ang nagbibigay nang liwanag at dahilan sakin para mabuhay.

Pero siyempre, hindi niya alam yon.

Pero hindi ako tomboy ah!

Babae ako.

Ganon ko lang talaga siya kamahal.

Ganon lang siya kahalaga sakin.

“Sorry na ... sorry sa lahat nang nasabi ko. Atsaka sa lahat nang .... AHHHHHH!!!!” Walang-anu-ano’y biglang namilipit sa sakit si Kathy. Habang hawak-hawak ang kanyang kanang kamay.

“AYYYY!!! BAKEEEET?!?!?!” Halos hindi ako magkandarapa ako sa paglapit sa kanya sa sobrang pag-aalala. Pero bigla kong naisip. Di kaya umaakting lang siya?

“Shit!” Bulalas naman ni Damon.

“ANO NA NAMANG GINAWA MO?! BAKIT BA TUWING LUMALAPIT KA SA KAIBIGAN KO AY NAPAPAHAMAK SIYA?! MAY BALAT KA BA SA PUWET?!”

“S-sthep ... ano ba – AHHH!”

“Naku! Kathy naman! Ano na naman yang eksena mo!”

“Tara sa loob nang kotse ko, dali!” Sabi ni Damon.

Inalalayan namin ni Damon si Kathy hanggang sa loob nang kotse. Hanggang sa unti-unting mawala ang sakit na nararamdaman niya na hindi ko malaman kung saang parte nang katawan niya iyon nanggagaling.

“Okay ka na?” Tanong ko.

“M-medyo.”

“Bakit ba? Ano bang nangyari?”

“Meron sana akong gustong sabihins sa’yo eh ...”

“Ano yun?”

Nakita kong tumingin si Kathy kay Damon na para bang humihingi ito nang permiso.

“Sabihin mo na!” Sigaw ko sa kanya.

“Isa na akong ... isa na akong demonyo.”

 

Nganga.

Maniniwala ba ako sa mga sinasabi nang babaeng to?

Ano to?

Mala-Edward at Bella lang ang peg?

Nakakaloka!

“Ano bang pinagsasasabi mo? Wag ka ngang ganyan!”

Unti-unti niyang inalis ang pagkakahawak niya sa kanyang kanang kamay. Nakita ko ang isang marka. Parang tattoo. Tattoo na glow in the light.

Bakit umiilaw ang star sa kamay niya?

Galing ah!

“Para san daw yan?”

“Para sa mga demonyong katulad ko.”

“Taray ah! Bakit nga?”

Ikinuwento ni Kathy lahat-lahat sakin. Mula sa Chapter One nang istoryang ito hanggang sa last chapter. Hindi ako makapaniwala.

Ngayon alam ko na lahat.

Naiintindihan ko na siya.

Naiintindihan ko na silang dalawa.

Pero ang tanong ...



... anong magiging role ko sa love story nila?

Eh wala naman akong super powers?

Ayoko namang maging demonyita!

Mukha na nga akong impakta tapos paninindigan ko pa.

No way!

“Anong plano niyo?”

“Wag kang mag-alala Sthep ... hindi ko iiwan si Kathy. Hindi ko siya pababayaan.” Sabi ni Damon sakin.

“Buti naman. Kasalanan mo lahat ‘to eh.”

“Sthep! Ayan ka na naman!”

“Nireremind ko lang no!”

Back to normal na naman kami ni Kathy.

Eh yung love story kaya nila ni Damon?

Kailan kaya magiging back to normal?







Hoy Miss Tasha!

Wag mo naman nang pahirapan ang bestfriend ko ...

Mahal niya si Damon.

Kaya kahit yata anong twist ang gawin mo sa story na ‘to ay handa niyang harapin at tanggapin ... para lang maipakita sa mga readers mo na hadlangan man sila nang langit at impyerno ay paninindigan nila ang salitang ‘meant to be’.

At sana ...



... makita ko na din ang lalaking meant to be para sakin.

Para naman hindi lang si Kathryn ang may love story dito. Idamay mo naman ako! Please?

Nagmamahal,

Sthep

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...