Pregnant With My Professor's...

بواسطة Sil3ntcry

135K 3.5K 350

(The Baby's Father Duology #1) Bleu found herself in a bed with a total stranger and both naked. She got pre... المزيد

Introduction:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20: [Last Chapter]
Book 2

Chapter 13:

4.8K 131 25
بواسطة Sil3ntcry

Bleu's POV:

"Mmmmmhemmmmm", hum ko habang nagluluto ng adobo with the help of Manang Cynthia.

"Good mood ka ata, iha?", nakangiting tanong ni Manang sa akin.

"Maganda lang po ang gising ko.", sagot ko nalang.

Good mood talaga ako, official na kaya kami ni Ampa.

It's the start of another month, may thesis akong prinoproblema na ede-defend namin next month pero simula no'ng naging kami ni Ampa officially ay hindi na ako nastre-stress agad kahit thesis pa 'yan hahahah.

By next month, gra-graduate nako kaya konting tiis nalang.

4 months na akong buntis pero natatago naman ng makakapal na damit at oversized shirts ang baby bump ko, hindi siya halata.

Mas kinakabahan ako sa nalalapit na birthday ni Ampa kaysa sa thesis ko, i'll reveal everything sa birthday niya, sana maging maayos ang lahat pagkatapos kasi I'm planning to let Ampa know first bago ang parents ko.

Anyway, kaya ako nagluluto ng adobo kasi parang sirang cd player si Ampa, parinig ng parinig sa akin na mabuti pa daw 'yong kaibigan ko, naipagluto ko tapos siya daw hindi.

Speaking of Dave, sa tingin ko nagtatampo pa rin siya sa akin, hindi na siya bumibisita sa bahay, hindi rin ako pinapansin. Sabi ko naman sa inyo, 'pag si Dave nagtampo ay hindi ako papansinin pero atleast wala siyang pinagsabihan na buntis ako.

Uuwi ang parents ko sa Pilipinas a day before Ampa's birthday since matagal-tagal simula no'ng huli nila akong makita mukhang mapapansin nila agad ang pagbabago sa katawan ko kaya buti nalang talaga uuwi sila the day before Ampa's birthday.

Tumunog ang cellphone ko, patago kong tinignan ito, nakita kong tumatawag si Ampa.

"Manang, sagutin ko lang 'to. Paki bantay naman po ng adobo ko."

"Sige iha, ako bahala."

Lumayo ako sa kusina at pumunta sa kung saan hindi ako maririnig ni Manang,  at saka ko sinagot ang tawag.

[What took you so long to answer?], bungad niya agad kahit hindi pa ako nakakapag-hello.

"May ginagawa lang, oh? Tawag ka?"

[You told me na bibisitahin mo ako ngayon, asan ka na?]

Dahil nga sa thesis ko, hindi na ako masyadong nakakapunta sa bahay niya, sabi ko tulungan niya ako sa thesis ko tapos ang suplado kasi gawain ko raw 'yon bilang mag-aaral, parang hindi jowa ah?

"Papunta na, promise."

[Really? Papunta na? If I know hindi ka pa naliligo siguro.], sarcastic nitong sagot sa akin.

May tama nga naman siya, hindi pa ako naliligo hahaha kasi nga busy ako doon sa niluluto ko, okay? Hindi rin naman ako pwede pumunta sa bahay niya na walang ligo, dapat palaging mabango no... Nakakahiya naman sa hawt kong boyfriend na ang bango lagi.

[Hindi ka nakasagot kasi totoo?]

"Oh edi tama ka.", pigil tawa kong sabi.

[Wag ka ng maligo, punta ka na dito.]

Napangiti ako, miss na miss ba ako? 'Di ako pwedeng maligo, parang t*nga 'tong lalaking 'to.

"Saglit lang ako maliligo, ito naman hahaha sige na, maliligo na ako, okay?"

Rinig ko ang hingang malalim niya sa kabilang linya eh hahahah

[Bilisan mo.]

"Oo na love, I'll be fast. Bye!"

Ako na ang unang bumaba ng tawag kasi Trivia guys ah, simula nang naging kami ni Ampa officially? 'Pag nag-uusap kami sa phone hindi 'yan nauunang bumababa ng tawag kaya kailangan ako 'yong unang bababa ng tawag kasi hindi kami matatapos.

Ang dami kong nalaman kay Ampa sa bawat araw na lumilipas, he's a really sweet guy na hindi mo aakalain na gano'n pala siya dahil sa image niya bilang Professor, napakalayo ng Zane na boyfriend ko sa Zane na kilala ng lahat bilang Professor.

'Di ba gusto natin 'yon? May mga lalaki na iba ang pakikitungo sa iba, like Zane, he's scary, strict, masungit and serious as a Professor pero when it comes to me seryoso pa rin naman siya pero iba. Isa siya sa mga taong alam mong espesyal ka sa kanya kasi he have a different side na pinapakita niya lang sa taong importante sa kanya, at gano'n sa akin si Zane, ang aking Ampa.

Pag nagtuturo si Zane, hindi tumatawa o ngumingiti 'yan pero should I consider myself lucky kasi nakikita ko lagi ang mga ngiti at tawa niya na hindi nakikita ng iba?

Na-realized ko talaga ang swerte ni Claire kay Zane, I can't believe na ang bilis niyang palitan si Zane, your loss girl... Bawal ng bawiin sa akin.

So ayun, si Manang nalang pinabantay ko sa Adobo, siya na rin nag-transfer nito sa saktong laki lang ng tupperware kasi naligo na ako, atat na atat na si Ampa makita ako.

Alam niyan ni Manang mga gawain ko noon 'pag wala parents ko, like going to the clubs, mga kag*gahan ko ganern pero hinahayaan lang ako ni Manang, tinutulungan pa nga niya ako itago 'mga iyon sa parents ko.

Kung hindi lang ako buntis ngayon baka nasa club ako gabi-gabi, umiinom tapos maraming ka flings kaya lang loyal kasi ako, may Ampa na ako charot hahahaha

Nag-ayos lang ako ng konti pagkatapos ay tumungo na sa bahay ni Ampa, pinaalam ko sa kanya na papunta na ako tapos gulat nalang ako na nakaabang siya sa labas ng gate niya, inaantay ako.

"Para kang nag-aantay ng ayuda diyan.", sabi ko sa kanya nang makababa ako sa taxi.

Napatingin siya sa dala-dala ko.

"What's this?", tanong niya pagkatapos niyang kunin sa akin ito ata saka nya inamoy niya iyon.

"Adobo?", hula niya at tumango ako.

"Luto ko para sayo.", nakangisi kong sabi tapos kinindatan siya.

'Yong mukha niya parang nagpipigil ng ngiti, ang arte ah.

"Is this the reason why it took you long to get here?"

Binuksan niya ang gate ng bahay niya at pinauna ako pumasok, ako 'naman nagsara no'ng gate kasi dala-dala niya 'yong paper bag na naglalaman ng luto kong adobo.

"Oo, tampo ka pa niyan na natagalan ako?"

"When did I? 'Di ako nagtampo no, that is not just my style."

Ang haba rin ng pride, ayaw pa aminin.

Nagmamadali siyang pumasok sa bahay niya, nakalimutan niya ng kasama niya ako eh.
Pagpasok ko, ando'n na siya sa kusina binubuksan 'yong tupperware na may dalang tinidor.

"Love, eat that with rice.", malakas kong sabi mula sa sala.

"Titikman ko lang, I just ate. I'll reheat it later for dinner.", malakas niya ring sagot sa akin mula sa kusina.

"Ubusin mo ah! Pati Tupperware."

Hindi na siya sumagot.

Ang sabi niya titikman niya lang pero ang tagal bago siya makalabas galing sa kusina, nalaman ko nalang kumain pala siya ulit.

"Sabi mo titikman mo lang.", ani ko nang makita siyang papalapit sa akin.

"Masarap.", nakangiti niyang sagot.

"Syempre, masarap 'yong nagluto eh.", proud kong sabi tapos denedma lang ako ng g*go.

Gusto ko talaga mag-date kami katulad ng mga normal na mag-jowa kaya lang hindi pa namin magagawa 'yon sa ngayon dahil sa sitwasyon namin.

"Ligo lang ako, galing ako exercise bago ka dumating kanina.", sabi niya at deretsong naglakad papuntang hagdan patungo sa second floor ng bahay niya.

Kumunot noo ko,

"Kakakain mo lang at isa pa, iiwan mo ako dito sa baba?", taas kilay kong sabi.

"Manuod ka muna ng TV, anong gusto mong gawin ko? Isama kita maligo?", sabay lingon sa akin niyang sabi, ngumisi ako...

"Hindi pwede.", react niya agad kahit wala pa nga akong sinasabi, ngumisi lang eh!

"Bahala ka! Bilisan mo.", naiinip kong sabi tapos hinanap 'yong remote control ng TV, ba't kasi hindi naligo no'ng papunta palang ako dito?

'Di ko napansin binalikan niya pala ako, nalaman ko lang nang bigla niyang hawakan magkabilang pisngi ko at nakawan ako ng halik.

"Saglit lang ako, hmmm?", sabi niya, kumapit ako sa braso niya kaya napaupo siya sa tabi ko,

"Love, 'wag ka na kasi maligo, mabango ka pa rin naman eh, alam mo naman na saglit lang ako dito kasi may pasok tayo pareho bukas.", pag-convince ko sa kanya habang 'di ko binibitawan braso niya.

"Then you sleep here tonight, 'di mo pa naiuuwi 'yong extrang uniform mo na naiwan mo dito noong unang natulog ka sa bahay ko.", sagot niya sa akin.

"Love, parang t*nga...", pigil ngiti kong sabi, 'yong manyak mind ko umaandar na naman, l*nghiya talaga.

It hasn't been long simula no'ng maging kami officially ni Ampa, pero ang galawan namin parang 'yong mag-jowa na ng matagal? Kasi normally, nagkakahiyaan pa 'yong iba sa ganitong stage pero ibang level naang sa amin ni Ampa, baka dahil nagsimula kami sa relationship na wala kaming nararamdaman sa isa't-isa? Naging comportable kami sa isa't-isa ng gano'n kabilis.

"Ikaw itong parang t*nga kung anu-ano iniisip mo. Bitaw na, saglit lang ako."

Binitawan ko ang braso niya, tinawag akong t*nga.

Tumayo siya, binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Ano na naman?"

"Akala mo 'di ko napapansin ah? Love tawag ko sayo tapos ikaw Bleu?"

He rolled his eyes na parang sinasabi niya, "eto na naman tayo"

"Hindi lang ako nasanay."

"Oh talaga? Okay, naiintindihan ko."

Kunot noo siyang napatingin sa akin,

"Seryoso ka?", hindi naniniwala niyang tanong.

I gave him a very fake smile,

"Oo, maligo ka na... ", panimula ko.

"...Zane.", patuloy ko sabay ng pagkawala ng ngiti ko.

"Ikaw, sa tuwing nagkikita tayo lagi kang naghahanap ng pag-aawayan natin."

Inosente ko siyang tinignan, kunwari hindi ko gets sinasabi niya.

"Bakit? Nag-aaway ba tayo? Hindi naman ah, kaya maligo ka na, Zane kasi sayang ang oras."

He placed his hands on his waist saka napapikit sabay hingang lalim, badtrip na sa akin 'yan hahahaha

Jinowa niya ako, magtiis siya.

"Oh ba't napahinga ka ng malalim diyan? Galit ka ba sa akin?"

"What?", kunot noo at 'di makapaniwalang tingin na sabi niya sa akin.

"Huminga lang ako ng malalim, Bleu—"

Hindi niya natuloy sabihin ang pangalan ko kasi na-realized niya ata na mas  maiinis ako.

"Ligo na!", utos ko sa kanya sabay inirapan siya, binuksan ko 'yong TV kasi nahanap ko na ang remote.

Nakikita ng peripheral vision ko na nakatayo pa rin siya sa may gilid ko, sinubukan ko talaga na 'wag siyang tignan...

"Saglit lang ako.", huli niyang sabi saka umakyat na sa taas.

Mukhang hindi talaga siya sanay sa mga endearments, napansin ko ang tawag niya kay Claire noon ay Claire lang din. Pakainin ko kaya siya ng asukal? Para namang maging sweet mga lalabas sa bibig niya.

Hindi ko naiintindihan 'yong pinapanood ko pero hindi ko napansin ang oras dahil nakatutok lang ako doon hanggang sa marinig ko yapak ni Ampa pababa ng hagdan, hindi talaga ako tumingin tapos hindi ko pinansin.

Amoy na amoy ko siya, may nakasabit na towel sa sa leeg niya na ginagamit niya pampatuyo ng mga buhok niya... Sh*ta, hindi naman ako ganito kabango 'pag natatapos akong maligo... Ano ba shampoo at sabon niya? Nakakalimutan kong nagtatampo ako, sarap niya yakapin.

Para akong tuod na straight lang nakaupo doon sa sofa at sa TV lang nakatingin, naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

'Wag kang lilingon, 'wag kang lilingon Bleu, alam kong nakakatempt pero 'wag kang lilingon kung ayaw mo masindak katulad ni Barbara.

Sana all talaga naka plain shirt lang tapos sweat pants pero kasing hawt ni Ampa, nakakapanliit sa sarili jusko.

"That's a Thai movie with no subtitle, naiintindihan mo ba?", tanong niya.

Hindi ako sumagot.

Kita sa peripheral vision ko 'yong pagkamot niya sa kilay niya, itinaas niya 'yong isang paa niya habang nasa baba naman ang isa, humarap siya sa akin at sumandal sa arm rest nitong sofa, tinukod niya ang kanang siko niya sa back rest tapos nakapalumbaba na tumitig sa akin... Anong trip niya?

Naka-gano'n lang siya ng ilang minuto tapos biglang,

"Love.", mahina niyang sabi, napalingon ako sa kanya.

"Yon lang pala makakapagpalingon sa'yo?", natatawa niyang sabi.

Since nakatingin na naman ako sa kanya ay grab opportunity ko nang pinagmasdan kabuuan niya, ang gwapo juskopo thank you!

Iniwas ko na tingin ko kasi tapos na akong tumingin hahahah.

"Miss, excuse me... ", sabi niya kaya napatingin ako ng nakataas ang kilay,

"Single ka ba?", tanong niya.

"Oo.", sagot ko kaya nawala 'yong ngiti niya, napaupo siya ng maayos.

"If someone asks you that question, 'yon ba tamang isagot mo? Oo?"

Napaayos rin ako ng upo kasi sa totoo lang sumasakit na 'yong likod ko kanina pa dahil tuwid na tuwid akong nakaupo.

"Oo, lalo na kung pogi ang nagtanong.", sagot ko agad.

"May boyfriend ka na.", matigas niyang sabi na may pilit na ngiti.

"I mean, if kung single talaga ako, 'yon isasagot ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang raming nagkakandarapa sa akin.", lapad ngiti kong sabi sabay may pa-flip pa sa buhok, kulang nalang ay matamaan ko 'yong mukha ni Ampa.

"Aray!", reklamo ko nang ihagis niya 'yong towel na nakasabit sa leeg niya kanina sa mukha ko.

Tawang-tawa tuloy ako sa mukha niya. Badtrip siya eh, naniwala kasi agad.

Sumandal ako sa sofa at pinatay ang TV.

"Ba't mo pinatay?", tanong niya.

"Wala akong maintindihan.", natatawa kong sabi kasi ewan ko kung ba't 'yon pinapanood ko eh.

"Uwi na ako.", sabay tayo kung sabi.

"Kakatapos ko lang maligo.", he said bewildered.

"Oh diba sabi ko 'wag kang maligo?"

"Kararating mo lang, Love."

Napatingin ako sa kanya, ano tawag niya sa akin?

"Ano sabi mo?", tanong ko.

"Kararating mo lang.", ulit niya pero wala ng love.

Binaba niya 'yong isang paa niya sa sofa kaya lumapit ako at kumandong sa kanya, hinawakan ko mukha niya and squeezed it, I acted like na hahalikan ko siya tapos 'di ko tinuloy... disappointed na disappointed 'yong mukha niya hahahaha.

"Password?", tanong ko.

Pinigilan niya ang tawa niya tapos sabay sabing,

"Love."

Napangiti ako at binigyan siya ng halik, hinapit niya pa bewang ko para lang mas mapalapit ako sa kanya, saglit na halik gusto kong ibigay sa kanya pero lolo niyo gusto ng French kiss, threatened na si Lee Jong Suk, Park Seo Joon at Lee Min Ho.

Nauna pa 'yong pag bitaw ng mga kamay niya sa bewang ko bago siya huminto sa paghalik sa akin, ako ang nag initiate ng halik tapos siya nag-control, talo talaga ako beh.

Napatingin siya pababa sa tiyan ko, bigla akong kinabahan.

"B-bakit?", tanong ko.

"Tanggap ko pati bilbil mo.", natatawa niyang sabi, at nakahinga ako ng maluwag.

G*go, 'di yan bilbil, anak mo 'yan.

Akmang tatayo ako nang pigilan niya ako,

"Sa'n ka?", tanong niya.

"Uupo ako ng maayos, baka nabibigatan ka na sa akin.", sagot ko.

"No, it's okay."

Natawa ako sa sagot niya.

"Baliw, ano kakandong ako sa'yo buong oras na magkasama tayo?", tumatawa kong sabi.

"Okay lang sa akin, kesa naman ibang babae ang kandungin ko."

Sinamaan ko siya ng tingin,

"Subukan mo at sabay ko kayo hihilahin palabas kung saan ko kayo makikita."

Ngumiti siya, sinuklay niya ang sariling buhok gamit ang kanang kamay niya,

"Nah, 'di 'yon mangyayari."

"Siguruin mo lang, bawal ka magpa change oil."

Sabi pa naman nila year of break-ups and kabit ang 2021.

Kumunot noo niya,

"Change oil?"

Hindi siguro to nagtwi-twitter o tiktok.

"Wala hahahah. Love, ayos na ako ng upo baka manhidin mga hita mo niyan hahaha, hmm?", sabi ko.

Tumango siya tapos biglang ngumuso, ngumiti ako saka siya binigyan ng halik at naupo na ng maayos.

"Can you go with me this Wednesday? Groceries.", tanong niya.

"Okay lang ba? Baka may makakita sa atin.", may halong pag-aalala kong tugon.

"I can just wear a cap, I really want to bring you outside too. Let's buy groceries sa Mall na malayo sa University at unlikely na may makakakilala sa atin."

Nakangiti akong tumango, he's really doing his best.

Sana kasama pa rin kita sa oras na grumaduate ako, by then ay hindi na natin pro-problemahing lumabas na magkasama kahit sino pa ang makakakita. I just wanna spend most of my time with you.

Claire's POV:

"We're getting married, John! How can you do this to me? How can you cheat?! ", malakas kong sigaw sa kanya, he's drunk again at nahuli ko siyang may kasamang babae.

"Sorry, okay? 'Di na mauulit.", balewala niya lang  na sabi, na para bang hindi big deal 'yong ginawa niya.

"It's not the first time! 'Yan rin sinabi mo sa akin noon! You fcking cheater!", galit na galit ko na sigaw.

Bigla siyang natawa, tawang-tawa siyang napatingin sa akin...

"Wala ka sa lugar na tawagin akong cheater Claire, when you yourself have cheated as well. You've been cheating with your ex-fiancée with me for one year, remember? Hindi mo siya mahiwalayan kaya gumawa ka ng paraan para mahiwalayan mo siya! Mas malala ka sa akin! Imagine setting your ex-fiancée in the club para lang magkaroon ka ng rason para mahiwalayan siya? Hahahahah"

Napakuyom ako ng mga kamao.

"Ginawa ko 'yon para makasama ka! Tapos ito gagawin mo sa akin?", garalgal kong sabi.

Huminto siya sa pagtawa at nilapitan ako.

"Okay, okay. I'm sorry. 'Di ko na sabi uulitin 'yon, promise.", malambing niyang sabi habang hinihimas ang braso ko.

Napakagat ako ng labi sa inis.

"Siguruin mo lang, marami akong sinakripisyo makasama ka lang kaya please tulungan mo ako to make things work between us."

Tumango siya at binitawan na ako.

"Promise.", paulit-ulit niyang sabi habang patungo sa CR.

Sinundan ko siya ng tingin.

Akala ko matino siya, binitawan ko si Zane para sa kanya.

I'm giving him another chance, pero sa oras na mahuli ko siyang nambababae ulit ay hindi na ako magdadalawang iwan siya, it's not my loss... Pwede ko siyang iwan any time habang may mababalikan pa ako.

Babalikan ko si Zane sa oras na magloko siya ulit, that I make sure and promise.

Bleu's POV:

Miyerkules ngayon, at wala akong pasok sa last subject ko kaya napaaga kami ni Ampa mag-grocery kasi plano namin gabi para hindi kami masyadong halata in case lang if lalabas kami sa Mall, para talaga kaming artista na tinatago sa lahat relasyon namin eh.

Eto pa, nakalimutan ko magdala ng extrang damit, kaya binilhan ako ni Ampa ng mapapalitan kasi hindi pwedeng naka uniporme ako kasi mas eye-catching, may pera naman ako pero siya 'yong nagbayad.

Kanina pa kami paikot-ikot sa grocery store at ang dami-dami niyang hinahakot para namang magzo-zombie apologize— apocalypse, I mean.

Nakadalawang push cart ata kami na puno bago niya naisipan pumunta na ng cashier para magbayad.

"Love, ba't andami naman nito?", tanong ko sa kanya habang pinapanood niya 'yong pagsca-scan no'ng mga pinamili niya sa cashier section.

"Pansin ko mahilig kang kumain, it's for you to have a variety of foods to choose if gusto mo kumain sa bahay."

Napatingin ako sa cashier kasi napansin kong napatingin ito sa akin, nakatingin nga siya sa akin tapos nakangiti kaya ngumiti rin ako.

"Swerte niyo naman kay Sir, Ma'am.", mahina nitong sabi na parang tila ba'y kinikilig.

Narinig niya pala pinag-uusapan namin.

"I'm also lucky to have her.", sagot ni Ampa doon sa cashier kahit ako ang kausap nito, mas kinilig tuloy 'yong cashier.

Kinilig rin ako, kung wala lang ako sa public baka nagmukha na akong ahas na na kuryente dito dahil sa kilig hahahahaha.

"I bought a lot of stuffs, this might take long, why don't you go somewhere to sit? Ako na bahala dito.", pabulong na sabi ni Ampa sa akin dahilan ng paghampas no'ng cashier sa kararating niya lang na kasama, natatawa ako sa Cashier, kilig na kilig siya sa amin eh.

"Sigurado ka?", tanong ko, sa totoo lang, gusto ko na rin talaga maupo kasi since buntis ako para akong may binubuhat na mabigat sa tiyan lagi at mas bibigat 'to every month.

Nginitian ako ni Ampa at tumango.

"How about this? Mauna ka na lang sa kotse, I'll take you to dinner doon sa resto ng kaibigan ko after this."

Pagkarinig ko no'ng word na dinner ay kuminang agad mga mata ko, kailan ka pa naging patay gutom, Bleu?

Gusto ko siya halikan sa pisngi bago bumalik sa kotse pero nakakahiya kasi nasa public kami at isa pa naka-cap siya, hindi ko siya mananakawan ng halik ng gano'n kadali, baka himatayin rin 'yong cashier sa kilig hahahah.

Naglalakad ako palabas ng grocery store ng may madaanan akong milktea shop, huminto ako doon saglit at nag order, sinabihan ako na maupo daw muna ng saglit kasi may naunang order pa sa akin kaya naghanap ako ng mauupoan sa shop nila, puno sila at may nakita akong lalaki na mag-isa lang sa table niya, natutulog ba siya? Pa'no kung tawagin number niya?

"Excuse me? Paupo ako ah?", paalam ko. Kahit 'di pa siya sumasagot ay naupo na ako, sakit na ng hita ko kaya.

Inangat niya 'yong ulo niya at saka napatingin sa akin, sabay kaming napahinto...

Para akong nakakita ng multo, kulang nalang tumaas mga balahibo ko.

Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko at panginginig ng labi ko, na lakas loob kong pinipigilan.

Naramdaman ko rin ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Bakit...

Bakit kung kailan sigurado na akong nakalimutan ko na siya ay kung kailan din babalik siya? Bakit?

"Bleu... ", tawag niya sa pangalan ko.

Tumulo ang luha ko, I've long to hear that voice... I've long to see his face... He's a miserable pleasure that I've always wanted to come back kahit it was toxic and unhealthy for me...

"Kevin.", tawag ko pabalik sa pangalan niya.

*end of Chapter 13*














واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.3K 91 40
Isang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng s...
22.8K 777 34
[Book 2- my bully my stepbrother my lover] Madami pa kaming pagdadaan na pagsubok... Kakayanin kaya namin ang pagsubok na dadaan samin? Kakayanin ko...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
"SOULMATES" بواسطة j.sp

قصص الهواة

112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...