ALPHA

By Sentisimo

1.2K 361 17

Science Fiction and Teen Fiction Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaib... More

ALPHA - Teaser
Prologue
Chapter 1: Hawkson College
Chapter 2: Quake
Chapter 3: After Shock
Chapter 4: S.C.L.
Chapter 5: Activated
Chapter 6: Laser Beam
Chapter 7: Crimson
Chapter 8: The Text
Chapter 9: Cover Up
Chapter 10: Decoded
Chapter 11: Under Desk
Chapter 12: Wound
Chapter 13: Violet
Chapter 14: Under Drugs?
Chapter 15: Teleporting Katana
Chapter 16: The Vanity Code
Chapter 17: It's Just the Beginning
Chapter 18: Underground
Chapter 19: Broken
Chapter 20: Goodbye
Chapter 21: Stick on the Wall
Chapter 22: Quadrangle Duel
Chapter 23: Vomit Here, Vomit There
Chapter 24: The Signs of Mutation
Chapter 25: Stimulus: Touch
Chapter 26: The Fire and Plant Manipulator and the Voice
Chapter 27: Touch Thing to See Things
Chapter 28: Keep Silent
Chapter 29: Fear of Losing Someone
Chapter 30: The Friend in Need, Is a Friend Indeed
Chapter 31: Frozen
Chapter 32: The Myth and Riddle in Virtual World
Chapter 33: Not Big At All
Chapter 34: Ant like Sweets
Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You
Chapter 36: The Wards
Chapter 37: Global Crisis
Chapter 38: The Comfort Rooms
Chapter 39: Museum of Technology
Chapter 40: The Prototype Inventions
Chapter 41: Irrefutable Truth
Chapter 42: Sneakers
Chapter 43: Defense-Offense Mechanism
Chapter 44: The Defendants
Chapter 45: Place to Place
Chapter 46: A Bowl of Surprise
Chapter 47: The Death Case (Part 1)
Chapter 48: The Death Case (Part 2)
Chapter 49: Awake
Chapter 50: I LOSE, I WIN
Chapter 51: Angel in Disguise
Chapter 52: One More Death Case
Chapter 53: Meeting New Roommate
Chapter 54: Operation: Finding Truth
Chapter 55: Guilty
Chapter 56: Date
Chapter 57: Matheo's Remaining Truth
Chapter 58: The Entering
Chapter 59: The Aching Heart
Chapter 60: AI Battle Category
Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)
Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)
Chapter 63: Inside One's Heart
Chapter 64: Awakening from the Dark
Chapter 66: Failed Mad Mission
Chapter 67: The Fighters
Chapter 68: The Fighters (Part 2)
Chapter 69: The Prom Night
Chapter 70: The Judgement
Chapter 71: Judgement: Nothing More to Hide
Chapter 72: Genes
Chapter 73: Into the End
Epilogue

Chapter 65: The Director's Elite Kids

5 2 0
By Sentisimo

Pinatawag ang lahat ng estudyante sa Hall of Information para sa isang importanteng impormasyon tungkol sa mga bagong naipasok sa institusyon.

Karamihan ay mga survivors na galing sa labas ng institusyon na na-rescue mula sa taas at maging ang nangyari kay Kenneth ay magiging bahagi ng diskusyon.

Lumabas sa malaking holographic screen ang mga mukha ng mga bagong dating na mga kabataan. Kasama roon si Kenneth na siyang kagigising lang mula sa coma.

Bibigyan sila ng espesyal na pagsubok, at kung maipasa nila ito, maari na silang dumako sa ikatlong round.

Mula sa ibaba ng tila entamblado na iyon, doon lamang nanonood ang karamihan, kasama ang mga dating kaibigan at kaklase ni Kenneth na tila bumilog ang mga mata sa gulat nang makitang maayos na si Kenneth.

Bumaba si Kenneth kasama ang mga batang na-rescue mula sa itaas.

Sinundo ni Teody Lyn mula sa hagdanan, ang kanilang kaibigang matagal nahimbing, at niyakap ito na may ngiti sa kaniyang labi. Dali-dali niya itong hinatak papunta sa kanilang grupo upang magkamustahan at magkwentuhan sa tagal nilang namamalagi na rito.

Bakas sa mukha ni Kenneth na parang may iniisip pa rin ito. Ang kinamayan niyang lalaki kanina mula sa entablado ay siyang direktor.

Namumukhaan niya ito ngunit
hindi nito maalala kung saan niya ito nakita. Pilit niyang inaalala ang araw nang makita niyang may kaaway ito dahil isa itong detalye na hindi tatanggihan na pakinggan.

Hindi dahil sa tagal ng panahon, nakalimutan niya ang pangyayari, pero dahil meron siyang bagay na kailangan niyang limutin upang mabawasan ang sakit na kaniyang nararamdaman ng araw na iyon.

Hindi naman din makapaniwalang lumapit si Jwyneth kay Kenneth. Hindi niya alam kung iiyak siya dahil sa isang bagay na kinamangha niya mula sa lalaking ito. Na kahit tinalikuran niya ito noon at iniwan, pinili pa rin nitong isakripisyo ang sarili nitong buhay para sa kaniya, sa loob ng isang kathang isip na gawa nila Ms Raghel at Mr. Vincent na ang buong akala nila ay reyalidad.

Nagpapasalamat naman si Kenneth, dahil sa boses ni Crystal Gail. Nasundan niya ito hanggang siya'y tuluyang magising.

Niyakap ni Jwyneth si Kenneth na kahit awkward ang oras na iyon, hindi nito mapigilan ang tuwa na kaniyang nararamdaman. Para namang natulala si Kenneth at
hindi makapaniwala sa naging reaksyon ni Jwyneth sa kaniya. He hug her back at that time and he finally realized that there's nothing have left feeling of him for her, but just a friendship. He had moved on.

Sa entablado nakatoon ang karamihan, ipinakilala ng Director ang dalawang natitira pang miyembro ng institusyon, ang kaniyang dalawang anak. Isa mula rito ang namukhaan ni Kenneth.

"Today, let me present to you, my precious son Wyn Dail and my daughter Crystal Gail," Ani ng Direktor.

The crowd gave them applauses as the sibling earned the attention of everyone from that hall. For the final surprise to all of them inside the Hall of information, the Director said that the institution will remove the iron wrist device that hold and control each youth's ability.

Tinanggal ng Director ang wrist device na nakalagay sa dalawa nitong anak sa pagtupad ng sinabi niyang iyon.

Matapos mapanood ng lahat ang pangyayari sa entablado, ay nag-ilaw ang wrist device ng kulay puti tanda na malaya na nilang magamit ang kanilang abilidad.

Natuwa ang lahat dahil marami sa mga ito ay kontrolado at nabibigyan na nila ng importansya ang sarili nilang abildad. Nagagamit na nila ito sa tamang oras at bagay.

Hanggang sa matapos ang talumpati ng Direktor, nakatuon lamang ang atensyon ni Kenneth sa babaeng nakaupo sa dulo ng entambladong iyon na isa sa ipinakilala nitong anak.

"That was her" bulong ni Kenneth sa kaniyang sarili. Alam niya sa sarili niya na hindi siya nakapagpasalamat ng maayos sa babaeng iyon. He have to confront her and personally give thanks to that pretty, shy and innocent girl.

Nakaraos ang pagtitipon na iyon at ang mga dalaga't binata ay malaya na muling nakabalik sa kanilang mga silid. Nabigyan naman ng makakasama si Kenneth sa unit nito. Ilang minutong inayos ang sarili nilang unit kahit na medyo mahina pa si Kenneth dulot ng isang buwang pagkakahiga at hindi paggalaw ng mga joint nito.

Napaaga si Kenneth papunta sa Cafeteria, gusto nitong maglibot at maging pamilyado sa lahat ng pasilyo at mga lugar. Bawat mapa na nakalagay sa dingding ay
tinitignan niya, at nang makaramdam ng gutom ay derecho siya sa cafeteria at 'di inaasahan na naroon si Jwyneth kasama sina Harvey, Angel Jhan at iba nitong kaibigan.

Gustong pumunta roon ni Kenneth pero nag-alinlangan siyang pumwesto sa kanila dahil hindi naman nito gaano ka-close ang ibang kaibigan ni Jwyneth.

Pumunta siya sa isang table na walang nakaupo sa mga upuan nito. Do'n niya nilapag ang pagkaing galing sa counter.

Nabago ang siste sa pagbibigay ng pagkain, na kung dati wrist watch lang, monitor ang health at metabolism ay malalaman na ang pwedeng kainin; ngayon ay isang
simpleng wrist device na hindi makakapag-harm sa katawan once na gamitin ang ability ng isang tao.

"Hoi, bakit ka nag-iisa dyan." biglang pagsulpot ni Jwyneth sa harapan ni Kenneth na lutang ang isip.

"Ngayon hindi na."

"Luh parang sira toh!"

"Tama naman, dumating ka e," biro nito.

Magkaharap na nakaupo ang dalawa habang pagitan nito ang lawak ng lamesa.

Naka-pout naman si Jwyneth na tila parang nagpapacute sa harap ni Kenneth dahil walang mailabas na issue o ano mang bagay na pwedeng pag-usapan.

"Kumusta ka na Kenneth?" ani ni Jwyneth nalang.

"Ayos lang naman, medyo nanghihina lang dulot siguro ng matagal kong pagkakatulog, na sleeping pogi e." Nakangiti nitong ani habang ang isang kamay nito nakaporma na check sa ilalim ng baba nito.

"Mabuti naman." Napapatingin si Jwyneth sa paligid nila parang gusto nitong bumuo ng topic pero parang kakaiba sa feeling niya dahil matagal-tagal nawala si Kenneth.

"Jwyneth, Sorry" biglang panimula ni Kenneth.

"Luh? Para saan?" tanong ni Jwyneth.

"Sorry dahil hindi kaagad ako nakahingi ng tawad sa iyo nitong mga nakaraang normal pa ang lahat. Napangunahan kasi ng kahihiyan at wala akong mukhang maiharap sa iyo. Pero ngayon, ayos na ko, promise 'di na kita guguluhin pa. Kung hanggang kaibigan nalang talaga ang tingin mo sa 'kin. Then, it's fine para less awkwardness sa ating dalawa."

Ngumiti ng mapait si Jwyneth at tila bumilis ang tibok ng puso nito na parang, may konting sakit siyang naramdaman. Guilt exactly parang nanlumo siya, guilty ang nangingibabaw.

Pero ang lahat ng sinabi nito kay Kenneth noong gabing iyon, she meant it. At ngayon, Kenneth meant it too what all he had said. Na tila naglaho nalang ang feelings sa isang mahabang pagtulog na iyon. Or else, ganun lang talaga ang mga taong nasaktan, mabilis makakalimot at may pag-asa pang makabangon matapos mawasak ang buong pagkatao.

Once a man, admit his feeling, he meant it. But once he got rejected and took all the pain, anything is possible to forget. There's no way to be marupok if sobra ka talagang nasaktan, kung bumalik man. Huwag na sanang magpakatanga.

Nakita ni Kenneth na dumaan si Crystal Gail kung kaya't napa-excuse ito kay Jwyneth. May sasabihin pa sana si Jwyneth pero wala itong nagawa para pigilan si Kenneth.

Nakita ni Jwyneth kung saan papunta si Kenneth, kung sino ang pupuntahan nito na sa tingin niya, at tila ba may gusto na ito sa iba.

Wala namang naramdaman si Jwyneth na selos o ano pa man. She was fine at all, merely...Umalis nalang ito at hindi na bumalik pa sa grupo niyang nag-iintay ng balita tungkol kay Kenneth.

Sinundan ni Kenneth si Gail at sinubukan itong tawagin.

"Gail...Crystal Gail" tawag nito at lumingon ang babaeng ito na may hiya sa reaksyon nito. Napahinto si Kenneth sa pagtakbo at napakamot nalang sabay ngiti.

Isang simpleng ngiti lang ang sinalubong ni Gail kay Kenneth, habang nakatago naman ang mga kamay nito sa likod niya. Isang pabebe attitude na hinihintay magsalita si Kenneth.

Kenneth chase a breathe as he exposes what he want to show. "Is this yours, right? Bookmark." Ani nito na medyo nahihiya rin.

Kinuha ni Gail ang abot-abot ni
Kenneth at saka nagpasalamat ito.

"Thanks, you saved me." dugtong pa ni Kenneth. Habang nalilito pa rin si Crystal kung bakit ito nasabi ng binata.

"For what?" nakataas at nakababa ang magkabilang kilay nito na
nagugulumihanan sa sinabi ng binata.

Napakamot naman sa likod ng ulo niya si Kenneth habang ngingiti-ngiti ang labi nito at lumalabas ang pagkachinito nito.

"Ahm paano ko ba ipapaliwanag? Can I invite you for a dinner first at doon ko nalang sasabihin?" Isang makapal na mukha nitong pagtatanong pero syempre ganun talaga kakapal ang mukha ni Kenneth.

‘Di naman tumanggi si Crystal Gail sa alok ng binata at naiwan si Kenneth na abot langit ang ngiti sa tuwang nararamdaman.

Sumakit ang ulo ni Kenneth nang oras na lumiban si Crystal. At may biglang alaala ang nag-trigger sa isip niya na kinahina nito panandalian.

-

FLASHBACK

Tinawagan ni Jwyneth si Kenneth na umiiyak ng gabing iyon. Dali-daling nagpunta si Kenneth sa napag-usapan nilang lugar.

Umiiyak si Jwyneth dahil nakita niya mismo kung gaano kalupit ang nobyo nito sa kaniya. Iniisip niya na hindi siya sapat. Hindi niya alam kung sisisihin niya ang sarili niya kung nagkulang ba siya sa relasyo nila ng nobyo.

Ginawa naman niya ang lahat para magwork pero bakit napalingon pa rin sa iba ang boyfriend nito.

Dumating si Kenneth. Nagkita ang dalawa sa Astro, sa isang bench na naroon na may poste ng ilaw na nagtatanglaw sa isang sawing dalaga na nakasoot ng asul na party gown at isang binatang nakatingin lang sa malayo na ‘di alam kung paano mag-comfort ng babaeng broken hearted. Nagbulaybulay muna si Kenneth noong gabing iyon. Humahanap ng tsempo kung paano niya itataas ang sarili niya na siya nalang ang mahalin nito.

Sinimulan niya ang pagsasalita. Hanggang sa hindi nagustuhan ni Jwyneth ang mga nasasabi ni Kenneth dahil kaibigan lang talaga ang turing nito sa kaniya.

Umabot na nga sa hindi
pagkakaintindihan ang dalawa. Sarado ang isip ni Jwyneth, maging ang puso nito kung kaya't kailangan nito ng panahon upang iayos muli ang sarili. Bigyan siya ng space para nang sa gayon, mailabas niya ang lahat ng sakit.

Sa pagbuo ng sarili, kailangan na makita ng isang sawi na kaya niyang hanapin ang bawat pirasong nawasak sa kaniya. Kailangan niya punitin ang lahat ng ugnayan nito sa taong nanakit sa kaniya in order to find his/her own courage.

Kailangan niyang liwanagin sa sarili niya na minsan sa buhay ng isang tao, naghahanap ito ng magiging mundo niya kung saan iinog ang buhay niya, pero once na mawasak man ang mundong ito, kailangan niyang maalala na may buhay pa rin siya, at handang intayin ang tamang mundong nakalaan para lamang sa kaniya.Na hindi siya sasaktan at iiwan nalang.

Mag-isang naglakad si Kenneth palayo sa tagpuan nila ni Jwyneth matapos ang pag-alis ng dalaga.

Hindi man niya sadya ng gabing iyon, sa tagong lugar na iyon, sa labas ng gilid ng eskwelahan ay nakarinig siya ng alitan.

Nang sa pagtahak niya sa daang madilim, nakaabot siya ng away.

Away ng Director at ni Mr. Marcuz. Naaabutan nito ang diskusyon at palitan ng mga salita na tila may pinoprotektahan ang isa, samantalang may ipinaglalaban ang isa.

Nai-record niya ang mga sinasabi ng dalawa. Nang sa pagtuon niyang iyon, dumulas ang bato na tinatapakan niya.

Lumikha ito ng ingay, nag-focus siya sa isang pusa na palayo at sa isang iglap, nagpalit ang kanilang pwesto.

Muntik na siyang mabisto mabuti nalang ay nagagamit at kontrolado na niya ang kaniyang abilidad ng araw na iyon ng Linggo.

-

Nang mangyari ang pagsabog at paglabas ng Beta, duon nalaglag ni Kenneth ang selpon niya na naglalaman ng record.

Napulot naman ito ni Ms. Clarisse at nakita nitong, sa estudyante niya pala ang selpon. May video itong napanood at isa itong importanteng bagay na dapat isiwalat sa marami.

END OF FLASHBACK

-

Kinabahan si Kenneth dahil nalaman niyang ama ni Crystal si Mr. Lawrence na siyang kasaluyang Direktor. Ang direktor na nakamayan niya sa entablado sa Hall of Information.

Naisip ni Kenneth na kung sasabihin niya ito, paniguradong masasaktan si Crystal kung siya mismo ang maglalabas ng katotohanan. At ang katotohanan ay nasa cellphone niya, ngunit tila kay lupit ng tadhana dahil nawala ito sa kaguluhan.

Isinantabi nalang ni Kenneth ang lahat, he was man of justice, at hanggang wala siyang pruweba na ginawa nga ng Direktor ang mga sinabi nito, wala siya dapat
ipangamba.

Naabutan ni Kenneth si Aljohn, Angel Jhan at si Shayne na dumako sa harap niya at nagtanong.

"Nakita mo ba si Jwyneth?" tanong ni Angel Jhan.

"Iniwan ko lamang siya doo..." Naabutan nalang ng sarili nitong mga mata na nakatanaw sa table na wala na si Jwyneth.

"Ansabi niya sayo?" pagtatanong naman ni Shayne.

"Wala, nangamusta lang, at nagbiruan konti..."

"And then?..." dagdag pa ni Shayne.

"I confronted her, that I...Don't...have...feelings...to...her...anymore." mabagal nitong pagre-reply dahil hindi siya sure kung dapat niya ba sabihin ang ang lahat ng napag-usapan nila ni Jwyneth ng pribato.

Nangiwi ang mukha ni Aljohn.

"Tsk tsk tsk. Man, hindi mo lang alam kung gaano kapunsigido ka niya hanapan ng paraan para magising ka lang, tapos pagkagising mo, sasaktan mo lang damdamin niya? tsk tsk tsk." Umiiling-iling pa ito.

Napailing na rin ang dalawang kasama ni Aljohn. Hindi alam ni Kenneth kung ano ang mararamdaman niya pero sinabi niya lamang ang gusto niyang sabihin.

Hahayaan nalang niya si Jwyneth sa desisyon nito. Kaibigan at kaibigan lang. Naiintindihan naman ni Jwyneth. Its a win-win feelings.

Sumapit ang hapunan at sabay ang dalawang nagsikain, nagkwentuhan at nagtawanan, na sila Kenneth at Crystal. Hindi aakalain na ganun kahahantungan ng tahimik na si Crystal ay grabe pala kung tumawa.

Mula sa papel, tinuruan ni Crystal Gail si Kenneth na gumawa ng isang origami.

It was a paper crane that was believed a mythical bird.

"Did you know, if you make a
thousand of this cranes, one wish would be grant," ani ni Crystal kay Kenneth.

Napangiti naman si Kenneth dahil parang imposible ito. "Sayang lang ang puno." Ani naman ni Kenneth na hindi naniniwala sa isang katawa-tawang mito.

"You are so mean!" Mahinang palo ni Gail kay Kenneth.

"Touchy?!!" Nakangising ani naman ni Kenneth.

"Tch... Just do the fold. Malosyoso mo." Pabebeng irap ni Gail.

Wala na dapat gugulo sa istorya ng dalawa, ngunit pilyo ang kapatid ni Crystal na si Wyn Dail.

Nagkaroon ng masamang balak si Wyn Dail sa namumuong relasyon sa dalawa. Tulad ng mga kabarkada nitong sila Jared na tanging kapilyuhan lamang ang pinapairal.

-

Nang gabing ihatid na ni Kenneth si Crystal sa silid nito. Nag-aabang ang kapatid nito sa labas ng unit. Nagulat naman si Crystal sa kapatid nitong nag aabang.

"Dail, bakit ka naparito?" sumeryoso ang aura ng dalaga ng makita ang kapatid nito.

"Mukhang hindi mo siya napakikilala sa akin," maayos pero may yabang sa tono nito.

"Kenneth, this is Wyn Dail, ang kuya ko. Kuya, si Kenneth, kaibigan k..." may panginginig sa tono nito.

"Kaibigan? o Ka-ibigan? Naku Crystal, malalagot ka kay Papa niyan."

"Wala naman kaming ginagawang masama, nagkakatuwaan lamang kami. Umalis ka na nga kung wala kang magandang sasabihin."

Pumasok na si Crystal sa loob at tinangkang isasara ang pinto ngunit pinigilan siya ng kuya niya.

"Nandito lang ako para sabihin sa'yo na..." pa-suspense nitong ani. "Goodluck" tinaas-taas pa nito ang kilay niya para asarin ang kapatid niya. Hinayaan na ni Dail na
isara ni Crystal ang pintuang iyon.

"You bro, fist bomb" pag-aaya nito.

‘Di naman tumanggi si Kenneth, at nakipag-fist bomb ito.

"Good, See you tomorrow!" ani ni Dail kay Kenneth na may nakalolokong ngiti.

Bumigat ang pakiramdam ni Kenneth matapos ang fistbomb na iyon. "Hey bro, are you okay?"

"Okay lang, dulot lang siguro ng pagod." Umalis na si Kenneth at bumalik na rin sa kaniyang unit na ini-stretch ang mga muscle.

Nang makabalik sa sariling unit, mula sa box na kung saan ang mga gamit niya pansamantalang nakalagay, naroon ang isang notebook. May logo ng cartoon character na si Melody, binuklat niya ito at tinignan ang bawat pahina.

Mula sa loob, may mga sketch ng mga wirings at programs. May human figure rin na natutulog habang may nakakabit sa ulo nito na konektado sa isang monitor na drawing.

It was a resemblance of Kenneth na natutulog. Narito ang mga plano ni Jwyneth upang magising lang si Keneth. Narito ang lahat ng effort na pinagbuhusan talaga ng oras para lang matiyak na nasa magandang kondisyon si Kenneth.

Ngayon, na-appreciate ni Kenneth ang mga nagawa rin ni Jwyneth, although hindi naman si Jwyneth ang gumising sa kaniya, but at least, she did an effort to know Kenneth's condition. And she had a care for him at least as a friend.

-

Alas-onse na ng gabi ng biglang may kumatok sa kwarto ni Crystal, si Kenneth na naka-tux. Nabigla si Crystal sa inasal ni Kenneth na marahas tinulak ang pinto ng kaniyang kwarto para lang may ibulong.

"Dress-Up, may ipapakita ako ako sa iyo."

Nakapanjama pa kasi ang dalaga. Mukhang may gustong ipakita sa kaniyang sorpresa ang binata kung kaya't ginawa ni Crystal ang lahat para mapaganda ang sarili.

Sinoot niya ang kulay dilaw nitong magarang damit pati ang flat shoes na kulay ginto na kumikinang kapag tinatamaan ng liwanag.

Nang magising rin ang diwa ng ka-roommate nito tinutukso siya nito at napagkakatuwaan si Crystal dahil buti pa raw siya, may manliligaw.

Dali-daling lumabas si Crystal sa kanilang unit habang ang pinahabol ng kaniyang roommate ang nalimutan nitong suoting hikaw.

"Teh 'di halatang excited ka Jusme!" ani pa nito.

Nang dumating sa tagpuan nila, habang sinusuot ang ikalawang hikaw, lungkot na ang naramdaman nito at hindi na pagkasabik pa.

On that point when she had arrived, she witnessed Kenneth kissed a girl named Jwyneth.

Walang emosyong tumitig si Kenneth sa gawi ni Crystal Gail.

Dahan-dahan namang lumakad si Kenneth palapit sa naestatwang si Crystal Gail.

"Ito ba? Ito ba ang gusto mong ipakita?" tangis ni Crystal na pigang-piga ang puso.

"Ang sakit umasa, ang sakit-sakit Kenneth."

Napatawa lang si Kenneth sa sinabi ni Crystal. "Wala kang alam sa sakit, hindi pa ganyan ang sakit na naramdaman ko."

"Bakit? bakit kailangan mong iparamdam sa akin toh?" pagtatanong nito habang humihikbi.

Nasayang ang lahat ng effort nito upang mapaganda lamang ang sarili sa harap ng lalaking akala niya, magiging sila na ng tuluyan. Pero tila ba nag-iba ang takbo ng hangin. Parang hindi na ito ang lalaking nakilala niya.

"Kailangan mo makaramdam ng sakit, hindi lang dapat ganiyan ang
maramdaman mo, hindi lang ganiyan ang sapitin mo. Alam mo bang masama ang ama mo?" pagbubukas ni Kenneth.

May mga lumabas sa bibig ni Kenneth na hindi niya dapat sabihin hangga't wala siyang proweba ngunit iba, ibang Kenneth ito. Hindi siya ito. May mga masasakit na salita siyang binitawan.

"At, bakit ko papatulan ang isang katulad mo. Walang buhay, hindi nagkekwento, tawa lang ng tawa sa biro ko. What a nonsense girl na naniniwala sa isang walang
kabuluhang mito."

Napatimpi nalang ng bibig si Crystal at isang bagsak na sampal ang tinamo ni Kenneth upang malaman ang lahat ng sinabi nito. Umalis si Crystal ng luhaan. Wala siyang ibang inisip kundi ang mga sinabi ni Kenneth na tagos hanggang sa kaibuturan ng kaniyang sarili.

Naisip nito na walang karapatan si Kenneth na sabihin ang lahat ng iyon bagkus hindi pa sila tuluyang
nakapagpapakilala sa isa't isa.

Hindi nila tuluyang kilala ang isa't isa. Hikbi, tangis, iyak lamang ang maririnig sa kaniya na punong-puno ng pagkalito.

Naabutan ni Crystal si Dail sa labas muli ng unit niya na mukhang nag-aabang para sabihin lamang ang katagang. "Pain is the key to see the Truth."

Ang katotohanan na siyang nagpakita kay Crystal na hindi dapat pagkatiwalaan si Kenneth.

-

Matapos iwan ni Crystal si Kenneth, biglang natauhan ang binata. Nawala ang bigat sa damdamin, sa loob niya, sa buong siya. Tunay nga ba na kapag nasabi na ang lahat ng gusto sabihin mawawala na ang sakit na nararamdaman?

Pero hindi iyon ang nangyari kay Kenneth bagkus wala siyang galit na nararamdaman kundi bigat. Isang pwersa na nagtutulak sa kaniya na sabihin at gawin ang mga bagay na wala siyang presensya maliban sa katawan at boses niya. Tila pagod na pagod si Kenneth. He breathe heavily despite of doing nothing. Naguluhan siya ng makita si Jwyneth malapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kenneth kay Jwyneth.

"I am totally don't know. What am I supposed to do here?" Ani ni Jwyneth na gulong-gulo rin. Habang may nararamdamang bigat na unti-unti ring nawawala.

Napahawak ng ulo si Kenneth ng ma-realize niya na parang lasang vanilla ang labi niya.

"Have we kissed?" tanong naman ng dalaga.

"Kenneth, anong ginawa mo?"
dugtong nito.

"Fudge! Why would I do that, I haven't kissed a girl before. I don't have experience yet before, so why would I kiss a girl like you?"

"GROSS!" Sabay nitong ani at pinahid ng dalawa ang labi nila upang matanggal ang lagkit o anumang presensyang meron doon.

The plan of one and only bad guy had succeed. The fist bomb has large role to the plan. Dail's ability was like a shadow venom that ills a person's body, his action and though would be full of despair. In short, Dail is the mastermind of all of it, and he has ability to control your body like a puppet. Si Jwyneth, nakipag high five lang si Dail dito ng walang kahirap-hirap.

Pumunta si Kenneth sa floor ng babae at tumuloy sa harap ng unit nila Gail. Naabutan niya ring naroon si Dail, ang kapatid ng dalaga. Pero hindi niya ito pinansin at kinatok lang ang kwarto ni Gail.

"Crystal...Gail...mag-usap tayo please. Magpapaliwanag ako."

Tinanggal ni Dail ang sarili nitong kanang kamay mula sa bulsa ng kaniyang pantalon at sinabing, "back off man, nakasakit ka na, don't you pay respect for who you had hurt?" Ani nito sa nakakainis na tono.

"Kailangan kong magpaliwanag, kailangan ko siyang makita....Please Gail pagbuksan mo ako, bigyan mo ko ng pagkakataong makapagpaliwan..." balik tingin nito sa pinto.

Naririnig ni Kenneth na nasa likod ng pintuan lamang si Gail at naririnig nito ang mga iyak ng dalaga.

Napaupo nalang sa sahig ang binata, dahil kahinaan nito ang iyak ng isang babae.

"What wrong I have done? I'm truly very sorry. I don't meant everything. It's just..." hindi na pa nagsalita si Kenneth at nirespeto nalang ang desisyon ng dalaga. He gave her space, but he wouldn't give up para lang masuyo ito muli.

Nang mawala si Kenneth, kumatok ng tatlong beses sa pinto si Dail. "Bunso, heal your heart as fast as possible. Tandaan mong hindi siya kawalan." Sarkastikong awa nitong tono at umalis na rin sa harap ng pintuang iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

29.7K 1.4K 53
Isa siyang prinsipe nang mga taong lobo ,na may inosenting at malamig na mata. at sa likod ng inosenting mata ay siyang kabaliktaran ng kanyang hang...
1.6K 461 43
[COMPLETED] A young lady named Allyssa who has a ugly physical attributes she is inlove with a guy named Ezekiel, is there a chance allysa can change...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
89.4K 5.6K 64
Akala ko noong una,puro emahinasyon lang o gawa gawa ng tao pag naririnig ko iyong mga kwentong bayan,.. Minsan iniisip ko ,nako panakot lang y...