Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.4M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 348

365K 18.2K 26.1K
By eatmore2behappy

Mother

Jay-jay's POV

Pag-iisipan? Ulowl!

Sinong niloko? Sarili ko? Eh alam ko naman na mahal ko siya at gusto ko siyang makasama. May mga pangamba ako pero alam ko sa sarili ko na gusto ko din ng maayos na label para samin.

Sinong tatagal sa ganitong relasyon? Hindi nga relasyong matatawag tong ginagawa namin.

Kainis naman kasi.

Panay ang isip ko sa sinabi ko kay Keifer. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang Sabado. Sa halip na magbulakbol eto ako at pagulong-gulong sa kama.

Sabagay, hindi din naman ako makakakilos ng maayos dahil sa tuhod ko. Parang mas lalo pang sumakit ang tuhod at siko ko. Mabigat din ang katawan ko na para akong lalagnatin.

Tinignan ko ang cellphone ko para basahin ang mga text. Hindi pa rin sumasagot sakin si Yuri. Gusto ko sanang updated ako sa ginagawa niya dahil baka maulit na naman ang nangyari nong isang gabi.

May ilang text galing kina Ci-N, Percy at GagongBaliw. Ayoko namang buksan ang messenger ko at baka maingay na naman ang mga Ulupong.

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang pagkatok ng kung sino. Hindi nagtagal at bumukas yon. Bumungad ang muka ni Kuya Angelo.

Napabangon ako sa kama. "K-kuya."

"Nagkikita ba kayo ni Percy?" Tanong niya na pinagtaka ko.

"Hindi. Bakit?"

Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. "Your phone."

Sobrang takang-taka ako sa kinikilos niya. Ayoko man ibigay pero baka masigawan ako kaya inabot ko na. Nagulat ako ibulsa niya yon. Buong akala ko meron lang siyang titignan.

"No phone for now." sabi niya at akmang tatalikod pero hinawakan ko siya sa braso.

"T-teka lang. Anong meron sa cellphone ko at hindi ko pwedeng gamitin? Paano kung may magtext sakin ng mahalaga—?" Pangangatwiran ko pero mabilis niyang pinutol.

"If that's really important, pupuntahan ka nila dito." sabi niya at tumuloy na sa paglabas ng kwarto ko.

Mabilis ko siyang sinundan. Kahit iika-ika ako sa paglakad nagawa ko pa rin siyang sabayan.

"Sandali Kuya. Ano ba kasing nangyayari?"

Hindi niya ko pinansin at patuloy lang paglalakad. Para akong hindi nag-eexist sa hindi niya pagpansin sakin.

"Kuyaaa..."

Wala pa rin siyang kibo. Pagdating sa hagdan pababa napahinto ako. Hanggang dito nalang at hindi pa keri ng tuhod ko. Napa-upo nalang ako sa baitang habang pinagmamasdan siyang palayo.

"Kuuuyyyaaaaaa... Anong gagamitin ko? Wala na kong pang-games."

"Shut up!" Sigaw niya ng hindi ako nililingon.

"Kuuuuuuyyyyyyaaaaaaaaaa!" Sigaw ko din pero hindi na niya ko pinansin. "Cellphone ko Kuya!"

Hanggang sa nawala na siya sa paningin nasa baitang pa rin ako ng hagdan. Pinagmasdan ko ang baitang ng hagdan. Gusto ko sanang bumaba pero masakit sa pwet kung papadulas na naman ako.

Napatingin ako sa likod ko ng may maramdaman akong tao. Palapit ang kapalaran habang nagtetext. Mukang hindi niya ko napapansin.

Paglapit niya sa unang baitang niyakap ko ang binti niya. Nagulat siya at napasigaw.

"What the hell? Bitaw!" Galit na utos niya.

"Aaaarrriiiieeessss! Buhatin mo ko pababa!" Pakiusap ko habang nakayakap pa rin sa binti niya.

"Let go! Hindi kita bubuhatin!" Pilit niyang inaalis ang mga kamay ko pero dahil nahihirapang bumalanse napipilitan siyang humawak sa railings ng hagdan.

"Sige na! Gusto ko pagkain!"

"Kailan mo ba inayawan ang pagkain?"

Hinampas-hampas niya ang kamay ko para mapabitaw ako pero mas lalo ko lang hinigpitan.

"Jay-jay! Mahuhulog tayo!" Seryosong sabi niya kaya napabitaw na ko.

"Sige na. Pasan mo na ko." Pakiusap ko na halos na maiyak na.

Pinagdikit ko pa ang mga palad ko sa harap ko. Kulang nalang lumuhod ako sa kanya pero dahil hindi nga ako makakaluhod hanggang puppy eyes nalang ako.

Muka namang naawa siya sakin. Pumwesto siya sa harap ko at tumalikod.

"Eto na. Papasanin ka na." Sabi niya at napangiti naman ako ng malawak.

Agad akong pumasan sa kanya at inayos naman niya ang pagkakapasan sakin. Gusto ko tuloy pumalakpak sa tuwa kaso baka ma-out of balance siya sa hindi ko pagkapit.

Dahan-dahan ang bawat hakbang niya. Pagdating sa huling baitang ibababa na sana niya ako pero kumapit ulit ako.

"Sa kusina." Utos ko.

"What?"

"Sige na. Hatid mo ko sa kusina." Pakiusap at bahagya siyang niyugyog.

"Paggaling niyang tuhod mo, humanda ka sakin." Banta niya bago magsimulang maglakad papunta kusina.

Tinawanan ko lang naman siya. Alam ko namang hindi niya ko magagantihan. Dahil makakalimutan din niya yon.

Ibinaba niya ko malapit sa ref dahil alam niyang don din naman ako pupunta.

"Salamat." buong galak na sabi ko at inirapan naman niya ko.

Sinimulan ko ng maghanap ng kakainin. Puro matatamis ang nakikita ko pero parang mas gusto kong kumain ng kanin. Kayalang kakain na din kami maya-maya kaya snack muna ang pag-iinitan ko.

Habang abala sa pagsilip sa bawat container na nakikita ko, narinig ko ang boses ni Tita Gema na parang sumisigaw at natataranta.

"Angelo! Ihanda mo ang kotse! Pupuntahan natin si Jeana!" Sigaw niya na dinig ko hanggang kusina.

Unti-unting lumalakas ang boses niya kaya napagtanto kong palapit siya sa pwesto ko. Mabilis akong nagtago sa counter dahil baka mapansin niya ko. Ramdam ko ang tarantang paglalakad ng kung sino sa kusina.

"Manang... Pakibantayan po muna ang mga bata." Dinig ko ulit na sabi ni Tita sa isa sa mga maid.

Halatang nagmamadali siya sa pag-alis. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Si Mama ang pupuntahan nila samantalang galing na sila don kahapon. Dali-dali akong tumakbo papunta ng sala ng marinig ko ang pag-alis ng sasakyan nila.

Nawala sa isip ko ang sakit ng tuhod ko. Hinanap ko si Aries na sakto namang nasa laundry at mukang may hinahanap na damit.

"Aries! Aries!" tawag ko sa kanya.

"Ano na naman?" inis na sagot niya.

"Sundan natin sila Tita at Kuya!" pakiusap ko. "Mukang may nangyari kay Mama!"

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?"

Alanganin akong tumango at umiling bago hawakan ang kamay niya at pilit siyang hinatak.

"Iba ang kutob ko! Pakiramdam ko meron!"

Wala siyang nagawa kung hindi ang magpatianod sakin palabas ng bahay. Dahil wala pa rin ang kotse niya napilitan kaming magtawag ng taxi.

Si Aries ang nagsabi ng address sa driver. Hindi ko na inabalang isipin ang kalagayan namin, kung may magtatangka ba o baka kidnappin kami ulit. Ang mahalaga lang sakin ay mapuntahan si Mama.

Sana mali ang iniisip ko.

Panay ang kagat ko sa labi ko. Ilang ulit ko ring pinagmadali ang driver pero dahil sa mabagal na traffic ilang beses din kaming huminto.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Aries.

"Pang-sampung tanong mo na yan." inis na sagot niya.

"Gusto mo gawing ko isang daan?" hamon ko at inambaan niya ko ng batok.

Agad kong hinarang ang kamay ko bilang proteksyon.

Binalak ko pa sana ulit magtanong kundi ko lang natanaw ang kanto kung saan itinayo ang bagong bahay nila Mama at Andy'ng epal na mukang may kabet kolehiyala.

Tsismis to.

Natanaw ko agad ang bahay at ang kotse ni Kuya Angelo. Pumara si Aries at siya na din ang nagbayad dahil wala din naman akong dalang wallet. Tapos ang lakas ng loob ko mag-aya. Mabuti nalang at may dala siyang pera.

Dali-dali akong bumaba ng taxi at nanakbo papasok. Sa pintuan palang nagsisigawan na sila.

"Ano ba kasing totoo?" boses ni Mama.

"Jeana! Huminahon ka muna!" Si Tita Gema.

Pagpasok ko, magkaharap si Mama at Andy. Nasa likod naman ni Mama si Tita Gema at umaawat. Si Kuya naman ay naka-abang sa mangyayari malapit kay Tita Gema.

"Hayop ka! May kasal-kasal ka pang nalalaman!" sigaw ni Mama at hinampas si Andy.

"Makinig ka muna kasi!" sagot naman ni Andy.

Hindi ko alam kung bakit pero kumikirot ang ulo ko habang pinapanood sila. Bahagya din ako nahihilo at parang bumabagal ang paghinga ko. Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Bakit parang ang pamilyar ng nangyayari?

Ilang beses pang sinugod ni Mama si Andy para hampasin pero panay naman ang ilag at sangga nitong isa. Makailang beses pang nagpakawala ng malulutong na mura ang Nanay ko. Kung nakakasasak lang ang mga sinasabi niya, malamang ko ubos na dugo nitong si Andy.

Ilang beses pang inawat at inilayo ni Tita Gema ang Nanay ko pero panay naman ang hataw niya ng hampas at tadyak. Halatang napipikon na si Andy sa kanya.

"Makinig ka muna!"

"Anong kasinungalingan na naman sasabihin mo? Huling-huling ka na!" Si Mama ko na pilit siyang sinasampal.

"Paano tayo magkakaintindihan kung ayaw mo naman tanggapin paliwanag ko?"

Paulit-ulit na nagmura si Mama at halatang na-o-offend na si Andy sa kanya. Panay pa rin ang palitan nila ng sigawan hanggang itaas niya ang kamay niya at ambang sasampalin si Mama.

Kusang gumalaw ang mga paa ko para sugurin si Andy. Parang may sariling isip ang katawan ko na bumunggo sa katawan niya. Magkasunod kaming bumagsak sa sahig.

"Jay-jay! Anak!" sigaw ni Mama matapos malinawan sa ginawa ko.

Agad akong tumayo at napahawak sa ulo ko dahil sa biglaang pagkahilo. Unti-unti ding nagdidilim ang paningin ko pero may mga imaheng pumapasok.

Nakikita ko si Mama pero may ibang tao pa kong nakikita. May mga sinasabi sila na hindi malinaw sakin pero iisa lang ang sigurado ako... sinasaktan nila si Mama.

"MA!" buong lakas na sigaw ko.

Naging malinaw ulit ang paningin ko. Si Andy ang una kong nakita na kasalukuyang bumabangon mula sa pagkakatumba kagaya ko.

Ang kaninang malakas na tibok ng puso ko ay bumilis. Literal na nag-iinit at nagpapantig ang tenga ko. Sa isang iglap lahat ng galit na nakatago sa loob ko ay gusto ng lumabas. Halong pagkamuhi, takot at sakit ang nararamdaman ko.

"WAG MONG SASAKTAN ANG MAMA KO!"

"Jay-jay!" tawag sakin ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.

Parang wala na kong naririnig. Nahihirapang kumilos ang katawan ko na para bang ang bigat. Hindi ko na alam ang sunod kong gagawin. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang sitwasyon ko at ni Mama.

Sasaktan si Mama ng lalaking to at kailangan niya ng tulong. Kailangan ko siyang iligtas.

Ililigtas ko si Mama!

Mabilis kong niligid ang paningin ko at ang kutsilyo sa lamesa ang una kong nakita. Agad kong kinuha ko yon at tinutok kay Andy.

"Jay! Ibaba mo yan!" sigaw ni Mama.

"Jusko po! Jay!" si Tita Gema na lumapit kay Kuya.

"Bitiwan mo yan!" utos ni Kuya at akmang lalapit sakin kaya sa kanya ko tinutok ang kutsilyo.

Hindi ko maintindihan kung bakit nila ko pinipigilan. Dapat nga tulungan nila ko dahil sasaktan ng lalaking to si Mama.

Sasaktan din niya kami.

"Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga yan!" si Aries na tinangkang lumapit sakin.

"K-kailangan kong iligtas si Mama! Saksaktan lang siya ng lalaking to!" paos na sigaw ko at pumatak ang luha ko.

Mahigpit ang hawak ko sa kutsilyo gamit ang dalawang kamay. Nanginginig ako na pilit kong tinatago para magpakatatag. Panay ang lunok ko. Hindi ko itatanggi na natatakot din ako pero kailangan ako ni Mama.

Sinubukan ulit akong lapitan ni Kuya pero humakbang ako palayo.

Naguguluhan ako. Dapat ako ang pinapanigan nila. Dapat ilayo ko si Mama sa kanya. Masasaktan lang ulit siya.

Ulit?

Binalik ko ang pagtututok ng kutsilyo kay Andy ng bahagya siyang gumalaw.

"WAG KANG LALAPIT KAY MAMA!" Sigaw ko sa kanya at inilapit sa kanya ng kutsilyo.

"JAY-JAY!" Malakas na sigaw ni Mama.

"Jay! Makinig ka sakin! Ibigay mo sakin yan!" Galit na utos ni Kuya at humakbang palapit.

Napaatras ako at napansandal sa kung saan. Nakapaligid sila sakin na kinatakot ko. Pakiramdam ko pinagtutulungan nila ako.

"Jay-jay, ibigay mo na samin yan." Mahinahong pakiusap ni Aries.

Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko. Bakit ganito? Pakiramdam ako lang ang nakakaintindi sa nangyayari. Bakit hindi nila nakikita ang nakikita ko?

"Huminahon ka, walang mananakit sayo." Si Tita Gema.

Napaupo nalang ako sa sahig habang patuloy sa pagiyak. Nabitawan ko ang kutsilyo na agad namang nilayo ni Kuya. Nang iangat ko ang tingin ko, sinalubong ako ng yakap ni Mama at Aries.

"Tama na... Walang mananakit sayo. Hindi ako papayag na may manakit sayo." Bulong ni Aries.

"Patawarin mo ko, patawarin mo si Mama..." Paulit-ulit na sabi ni Mama habang umiiyak.

Kusang tumaas ang mga braso ko para yamakap din sa kanila.

Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung ganito ang nagyayari sakin. Kung bakit parang ang laki ng takot ko at ang lakas ng loob ko manutok ng kutsilyo.

Sa sobrang galit at takot ko, kaya ko ng gawin kahit ano.

Walang lumalabas na salita sakin. Tanging pagiyak ang naging sagot ko sa tuwing may sinasabi sila sakin. Hindi ko na nabilang kung gaano katagal akong umiiyak sa bisig nila.

Kahit ng palipatin nila ko sa sofa para maupo, sumisinghap pa rin ako ng pag-iyak. Pinainom ako ni Tita Gema ng tubig para makahinahon pero parang babaliktad ang sikmura ko sa bawat lunok. Nakayapos pa rin ako kay Aries na nasa tabi ko. Panay naman ang punas at halik ni Mama sa muka ko.

"I think you need to tell us the truth... now." Utos ni Kuya kay Andy. "Why are you cancelling the wedding?"

"I received death threats from someone." sagot ni Andy habang nakayuko.

Napatingin siya kay Mama bago ako tinignan at hinarap ulit si Kuya.

"Wala naman sana akong balak pansinin pero pati mga emplayado ko nadadamay. May mga client din ako na nag-atrasan na." Malungkot na paliwanag niya. "Nalaman kong isang businessman ang gumagawa non. Jasfher Mariano ang pangalan."

Bahagya kong inangat ang tingin ko. Halata ang pagkagulat sa muka ni Mama at parang napailing naman si Kuya Angelo.

Si Papa? Bakit naman siya papadalhan ng death threat ni Papa?

"Nalaman ko din na siya ang Tatay ng anak mo." Hinarap ni Andy si Mama. "Patawarin mo ko Jeana pero hindi ko kaya tong ginagawa sakin ng dati mong asawa. Pati kapatid kong pinag-aaral ko pinagkakalat niyang kabit ko."

Ay kapatid niya pala yon.

"Just like that? You're cancelling the wedding?" Iritadong pagku-kumpirma ni Kuya sa kanya.

"Pasensya na."

Napabuga ng hangin si Mama. "May magagawa pa ba ko? Wala rin naman akong balak habulin kang putangina ka."

Sandali kong narinig ang sarili ko pagmumura niya. Lutong.

Tumayo si Mama at umakyat ng hagdan papuntang second floor. Sumunod sa kanya si Tita Gema. Kamot batok namang tumingin samin si Andy na parang nanghihingi ng tawad.

Gustuhin ko mang maawa sa kanya nanaig sakin ang kawalan ng paki. Mas mabuti na yon kesa naman galit ang maramdaman ko sa kanya.

"Okay ka na Jay?" Tanong ni Kuya Angelo sakin.

"M-medyo okay na ko." Paos na sagot ko.

Hinarap ni Kuya si Aries. "Mauna na kayo sa kotse." utos niya sabay abot ng susi.

Tinanggap ni Aries yon at inalalayan akong makatayo. Sabay kaming naglakad palabas at palapit sa kotseng nakaparada. Pagpasok sa loob tinulungan din niya kong makaupo ng maayos.

"Tell me if you need anything." Sabi niya at tumango naman ako.

Naging tahimik kami. Ilang oras din ang hinintay namin at nakita kong palabas si Tita Gema ng bahay habang may bitbit na travel bag. Kasunod niya si Kuya na may dalang maleta at ang huli ay si Mama na may dala ding bag.

Nakatanaw lang si Andy sa kanila mula sa loob ng bahay. Sunod-sunod din silang sumakay ng kotse matapos ilagay ang mga bag sa compartment. Tumabi sakin si Mama at nagpilit ng ngiti.

"Mukang magkakasama-sama muna tayo." Kuwaring biro niya pero bakas sa boses niya ang pagkabigo.

Hindi ko alam kung bakit pero kusang gumalaw ang mga braso ko para yumakap sa kanya. Ganun din ang ginawa niya sakin bago ngumiti ng matamis.

Umandar na ang kotse at halos walang kumikibo samin. Paminsan-minsang nagtatanong si Tita Gema kay Kuya Angelo pero tipid lang ang mga nagiging sagot niya.

Tinignan ko si Mama na abala sa paghimas sa ulo at buhok ko kahit nakasilip siya sa bintana.

"Ma..." Mahinang tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Bakit mo sila hinayaang saktan ka?" Tanong ko pinagtaka niya.

"Sinong sila? Wala namang nanakit sakin."

"Meron. Nakita ko." Sabi ko at inalis niya ang pagkakayakap sakin para harapin ako.

"Anong nakita? Ano bang sinasabi mo?"

Ramdam ko ang pagtingin sakin ng mga kasama namin sa kotse. Alam kong naghihintay din sila sa isasagot ko.

"Meron akong nakita kanina. Hindi ka lang isang beses sinaktan at hindi lang din isang tao. Alam kong totoog nangyari yon pero hindi ko masabi kung kailan."

Napatakip siya ng bibig at habang umaagos ang mga luha. Agad niyang hinawakan ang muka ko gamit ang dalawang kamay. Meron siyang gustong sabihin pero nauunahan siya ng pagiyak.

"May naaalala ka na?" Tanong ni Tita Gema habang hinahawakan ang  kamay ko.

"Fvck! We're going to a psychiatrist." sabi ni Kuya at bigla nalang niliko ang manibela.

Umiba kami ng direksyon na kinabahala ko. Inalis ko ang mga kamay nila Tita at Mama.

"A-ayoko. Ayoko don." hinawakan ko ang braso ni Kuya para pigilan siya.

Inawat ako ni Aries at Mama pero hindi ko binitiwan ang hawak ko.

"Ayoko Kuya!"

Hininto niya ang kotse at mahigpit na hinawakan ang manibela. Alam kong galit siya at bubuga na naman apoy.

"Gusto ko ng umuwi. Please." Pakiusap ko.

Napabuga hangin si Kuya at sandaling tumango. Umayos ako ng upo sa pwesto ko at agad akong niyakap ni Mama.

Naging tahimik ulit kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi pa man kami nakakababa natanaw ko ang isang sasakyan sa tapat ng bahay. Nakita ko ang pagngiti ni Percy na nakasandal don.

"What the hell is he doing here?" Dinig kong bulong ni Aries habang nakatingin din sa tinitignan ko.

Sunod-sunod kaming nagbabaan at si Kuya ang unang lumapit sa kapatid kong mukang may tangay na malakas na hangin. Saktong kinatok niya ang bintana at bumukas ang pinto.

Lumabas ang isang babaeng may hawig kay Percy. Nakahapit na dress siya at halatang supistikadang mayaman.

Bakit pamilyar siya?

Bigla nalang akong hinatak ni Mama papuntang likod niya.

"Jeana." Bati nung babae kay Mama.

"Jay-jay." Tawag sakin ni Percy. "Meet my Mom... Reycee."

Napatitig ako sa kanya at unti-unting naging malinaw sakin. Kung andito siya, ibig sabihin andito na din si Papa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 54.8K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
29.1M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...