Angel's Prayer

נכתב על ידי Abanteeee

160 2 1

Born from a religious family, Angel's definition of love is far different from a typical girl. She dreams to... עוד

DISCLAIMER
1: The Holy Mass
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 2
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 3
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 4
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 5
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 6
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 7
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 8
Kabanata 9
Kabanata 10
UPDATE

Kabanata 11

6 0 0
נכתב על ידי Abanteeee


Kabanata 11

"Kamusta na po si Aljur?" napalingon si Mang Alexandro nang magsalita ako. Kakapasok ko lang ngayon sa loob ng kwarto ni Aljur dito sa Ospital at mukhang hindi iyon napansin ni Mang Alexandro.

"Ah, nandiyan ka pala Angel, anong ginagawa mo dito? Akala ko bukas ka pa dadalaw." wika nito. 

Maaaninag pa rin sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot. Halata rin sa hitsura niya na hindi siya nakakatulog ng maayos.

"Hindi po. Hindi kasi ako pwedeng umalis ng simbahan bukas, myerkules po kasi kaya kailangan kong umalalay kay Father para sa pang myerkules na misa." sagot ko naman na tinanguan lang ni Mang Alexandro.

"Kamusta po siya? Gusto niyo ho bang matulog muna?"  muling tanong ko. 

Agad namang napabuntong hininga si Mang Alexandro at tsaka sumagot. "Heto, wala pa rin siyang malay. Stable naman daw ang kalagayan niya sabi ng doktor kaya lang hindi pa siya gumigising. Hindi ko tuloy alam kung ano talagang lagay ni Aljur ngayon" malungkot na wika nito.

"Magtiwala nalang po tayo sa Doktor at manalig sa Diyos. Hindi niya po tayo pababayaan" pampalubag loob ko. Muling napabuntong hininga si Mang Alexandro.

"Alam mo hija, hindi ko maiwasang isipin na ang lahat ng 'to ay bunga na ng mga kasalanan na nagawa ko noon" saad nito at tsaka napalingon sa'kin.

"Ho? Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong kasalanang tinutukoy niya at isa pa, mabait na tao ang pagkakakilala namin sa kaniya.

"Hindi ba nasabi sa'yo ng anak ko na lulong ako sa masamang droga noon?" matapat na wika ni Mang Alexandro na nagpabigla sa'kin.

"Ano po? Totoo po ba ang mga sinasabi niyo?" pagdadalawang isip ko. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Never pa naman nakwento sa'kin ni Aljur na may masamang bisyo ang tatay niya noon.

Tumango ni Mang Alexandro sa'kin bilang tugon.

"Elementary palang si Aljur noong nalulong ako sa droga. Hindi ko na masiguro kung kailan ako nalunod sa masamang bisyong iyon pero isa lang ang tandang tanda ko pa. Malaki ang naging paghihirap ng pamilya namin noon dahil sa bisyo ko. May mga araw na hindi ko na nabibigay ang sweldo ko sa mama ni Aljur dahil inuuna ko pa ang droga, madalas kaming nagaaway ng asawa ko dahil doon at iyon din ang dahilan kung bakit nagawa ko silang pagmalupitan noon." madamdaming pag-amin niya.

" Sa tuwing nakakagamit ako ng ipinagbabawal na gamot, parang itinutulak ako ng demonyo na gumawa ng mga bagay na pagsisisihan ko. Noong una, akala ko malaking tulong ang paggamit ng shabu dahil pakiramdam ko nawawala ang mga problema kapag nakakagamit ako non. Pero habang tumatagal, habang nalulunod ako sa bisyo, mas lalong lumalaki ang kasalanang nagagawa ko" dagdag niya pa.

"Hanggang sa...hanggang sa isang araw noon, umuwi akong lulong sa masamang gamot. Nadatnan ko si Aljur at ang asawa ko na naghihintay sa'kin. Tandang tanda ko pa ang pag-hingi ng makakain ni Aljur non pero hindi ko siya mabigyan. Naubos ko kasi ang buong sahod ko sa pagbili ng droga. Syempre galit na galit ang asawa ko noon, nag away kami. Sobrang malalang away. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ang klase ng taong mananakit ng pisikal sa ibang tao pero sa puntong iyon, parang nilamon na ako ng demonyo...Nasaksak ko ang asawa ko. Nasaksak ko ang mama ni Aljur..." muling wika ni Mang Alexandro na ngayon ay maluha luha niya. 

Gulat na gulat ako ngayon sa mga naririnig ko.

"A-ano pong sunod na nangyari?" tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala namang matinding gulo sa pamilya ni Aljur. 

Magkapit bahay lang kami kaya imposibleng hindi ko alam ang mga nangyayari sa kanila.

"Sadyang napakabait ng asawa ko. Mabuti nalang at hindi gaanong malalim ang pagkakabaon ng kutsilyo noon. Akala ko nga ay makukulong ako...pero hindi. Binigyan ako ng awa ng asawa ko. Nagmakaawa ako sa kaniya kaya hindi niya ako ipakukulong. Maliban sa pamilya namin, wala ng ibang nakakaalam sa nangyaring iyon." saad nito.

"Naging maayos na po ba ang lahat?" tanong ko muli.

"Hindi Angel. Hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Kapag tinupi mo ang isang papel, kahit na anong gawin mo, hindi na iyon babalik pa sa dating makinis nitong anyo. Mapalad na ako dahil napatawad pa ako ng asawa ko pero alam ko na hanggang pagpapatawad nalang ang kaya niyang ibigay sa'kin. Alam mo ba na kaya nag-ibang bansa ang ina ni Aljur ay dahil ayaw na niya akong makasama sa isang bahay. Maliban sa gusto niyang kumita ng malaking halaga ng pera, gusto niya rin na magpakalayo layo sa'kin. Siguro ayaw niyang magkaroon ng broken family si Aljur kaya hindi kami tuluyan naghiwalay. Nagawa niya akong patawarin pero hindi niya kayang muli akong mahalin."  sabi pa ni Mang Alexandro at tsaka mapait na ngumiti.


Paanong nangyari ito sa kaniya? Paanong nasira ang buhay ng isang mabuting taong tulad niya?


"Droga ang dahilan. Lahat ng iyon isinisisi ko sa droga. Lahat ng ito kasalan ko rin. Kung hindi sana ako nalulong sa masamang gamot na iyon, hindi sana magkakalamat ang samahan namin ng asawa ko. Hindi sana kami mababaon sa utang at hindi sana magta-trabaho sa ibang bansa ang mama ni Aljur. Hindi sana niya ako magagawang iwan. Kung nandito pa sana ang asawa ko, siguro mapoprotektahan namin si Aljur ng husto. Hindi sana aabot sa ganito si Aljur" sambit pa ni Mang Alexandro.

"Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Hindi po natin maitatanggi na nakagawa kayo ng masama noon. Pero hindi din ho natin maikakaila na nagsisisi na kayo ngayon." wika ko. 

Hindi man kasi aminin ng diretso ni Mang Alexandro ang bagay na iyon, alam ko at kita ko na nagsisisi siya ng husto.

"Tama ka Angel. Labis ang pagsisisi ko. Kung tutuosin nga ay sobra pa sa labis ang pagsisisi na meron ako. Kaya lang, ano pang magagawa ng pagsisisi kong ito? Hindi naman nangangahulugan na kapag nagsisi na ang isang tao, hindi na siya mapaparusahan. Siguro nga kaya ako nagsisisi ngayon ay dahil nangyayari na ang mga parusang nararapat sa'kin." tugon nito.

"Marahil nga ho. Maaari ring hindi. Hindi ako sigurado sa kalakaran ng mundo pero isa lang ang alam kong totoo. Mapagmahal ang ating Diyos. At ang lahat ng ating nagawang pagkakasala ay maaaring mapatawad kung buong tapang natin itong isusuko at aaminin sa Panginoon." wika ko

"Sa 1 John 1:9 nakasulat po ang mga salitang , If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness. Binibigyan ng awa ng Diyos ang sino mang taong handang umamin sa kanilang kasalanan at handang tumalikod sa kanilang maling nakagisnan. Nagsisi naman ho kayo diba? At inamin niyo naman po ito" dagdag ko pa

"At paano mo nasabing nagbibigay ng awa ang Diyos sa mga taong tulad ko?" tanong ni Mang Alexandro.

"Proverbs 28:13, Whoever conceals their sins does not prosper, but the one who confesses and renounces them finds mercy. 'Yun po. Sa bibliya po mismo iyon nanggaling. Sinasabi po nito na ang sino mang umaamin at nagkokompisal sa kasalanang nagawa nila ay nabibigyan ng awa ng Diyos. Hindi naman po kasi gusto ng Diyos na parusahan tayo, mas hangad niya po na matuto tayo sa ating kasalanan, magsisisi tayo at magbalik sa kaniya." sagot ko.

"Lahat po ito may dahilan. Hindi man natin lubos maintindihan, basta lahat ng ito may rason. Wala naman pong problemang ibinibigay sa'tin na hindi natin kakayanin." dagdag ko pa.

"Siguro nga Angel. Siguro nga" saad nito. Nginitian ko pa siya ng kaunti para gumaan ang loob niya.

Napaka emosyonal ng mga nangyayari nitong mga nagdaan, sana naman sa susunod na paparating kasiyahan naman ang bubungad sa'min.


"Ako nalang po ang magbabantay sa kaniya para makapag relax naman kayo ng kaunti" muling saad ko kay Mag Alexandro.

Marahan naman itong napatango at tsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ng higaan ni Aljur at lumipat sa isang pahabang upuan at tsaka humiga. Siguro ay pagod na pagod nga siya kaya hindi na siya tumanggi pa. Hindi lang kasi pisikal na pagod ang ramdam niya, pati damdamin niya napapagod na rin.

Umupo ako sa pwesto kung saan nakaupo kanina si Mang Alexandro at tsaka hinawakan si Aljur.

 Mukha namang okay lang siya. Maliban sa maputla niyang balat, maputla niyang labi at malambot niyang kamay, para lang siyang mahimbing na natutulog.

Muli kong tinignan ni Mang Alexandro. Nakahiga na siya ngayon habang natatakpan ng maong na jacket ang mukha nito. Ilang saglit lang ay narinig ko rin na humihilik na ito. Hindi naman ako nagtaka, dala na rin siguro iyon ng pagod at kawalan ng maayos na tulog.

Napaupo ako ng maayos at marahang sinasagi ang buhok ni Aljur na nagtatama sa nakapikit nitong mata. Kung gising lang siya ay sigurado akong magrereklamo ito. Ayaw niya kasing hinahawakan ang buhok niya.

Napangiti ako ng kaunti. Naaalala kong madalas niya ring ginugulo ang buhok ko. 

"Magpagaling ka na. Alam mo bang walang choir na aawit para sa pang myerkules na misa bukas? Ayaw pa kasing kumanta ng ibang choir na kasama mo kasi natatakot pa sila na baka balikan sila ng bumaril sa'yo." mahinang pagkukwento ko sa kaniya. Hindi man siya sumasagot sa mga sinasabi ko ay mainam na rin ito para malabas ko ang mga gusto kong sabihin sa kaniya.

"Sayang nga eh kasi sasabay pa naman sana kami ni Gabriel sa inyo. Naalala mo ba 'yung nahuli tayo ni Fr. Suarez noong gabing lasing si Gabriel? 'Yun kasi ang isa sa parusa sa'min ni Father, kailangan naming kumanta sa misa. Gusto ko pa naman makasama kang kumanta para magkaalaman na kung sino talaga sa'tin ang may magandang boses" pagsasalita ko pa. 

 Tahimik lang ang buong kwarto. Bukod sa mahinang hilik ni Mang Alexandro ay tunog sa mga aparatus na nakasaksak kay Aljur lang ang tunog na maririnig sa kwartong ito.

"At Aljur alam mo ba? Dahil walang choir na kakanta bukas, kaming dalawa ni Gabriel ang kakanta. Ewan ko lang ha pero mukhang hindi ko ma-imagine ang kalalabasan bukas. Baka imbes na kantang pangmisa ang kantahin ni Aljur ay mag-ala rock star siya . Baka paluhudin na naman kami sa asin at monggo." pagbibiro ko. Ako na rin ang tumawa sa sarili kong joke kaya mukha ako ngayong baliw. 

"Kanina seryoso ang kwentuhan niyo ni Mang Alexandro tapos ngayon tatawa ka. Para kang malungkot na baliw" bigla akong napalingon sa harap ng pinto ng kwarto ni Aljur nang marinig ko si Gabriel na nagsalita.

"Kanina ka pa?" takang tanong ko. Umirap naman siya sa'kin at tsaka lumapit.

"Diba sabay tayong dumating? Edi syempre kanina pa" pamimilospo niya. Ako naman ngayon ang napairap.

"Ang ibig ko kasing sabihin, kanina ka pa ba nakatayo diyan at nakikinig" saad ko. Ngumisi naman siya ng nakakaloko at tsaka sarkastikong tumango.

Sipain ko kaya ulo niya para matanggal?

"Malalaman ko ba na nagkaroon kayo ng drama session ni Mang Alexandro kanina kung hindi ko narinig?" muling pamimilosopo niya.

"Bakit hindi mo magawang sumagot ng maayos? Bahala ka nga diyan." naiinis na wika ko at tsaka tumalikod sa kaniya.

Sandaling nanahimik ang paligid. Pareho lang naming tinitignan si Aljur. Nakaupo ako habang nakatayo lang sa gilid ko si Gabriel.

"Diba may kinukwento ka sa Lover mo? Ipagpatuloy mo" diretsong wika ni Gabriel dahilan para mapangiwi ako.

"Tumahimik ka nga. Anong lover pinagsasabi mo. Hindi pa kami noh" pagtutol ko.

"Hindi PA? So may chance siya?" muling tanong niya. Binigyan niya pa talaga ng diin ang 'pa'.


Anong bang pake niya sa lovelife ko?


"Bakit ba?! Mind your own business nga Gabriel.!" pagsusuplada ko. Si Gabriel naman ngayon ang napangiwi.

''Ikaw 'yung panay reklamo na kako suplado't masungit ako pero ikaw din pala ganon." hirit na naman ni Gabriel.

"Kung susuntukin kita, sigurado akong knock out ka" pagbabanta ko. Hindi naman ako seryoso pero baka sakali lang.

"Sagotin mo nalang kasi ang tanong ko. May chance bang maging kayo?" muling tanong niya. Napairap naman ako sa kakulitan niya.

"Oo. Ewan ko. Siguro. Hindi" malabong sagot ko. Napataas naman ang kilay niya. Para na naman siyang angry bird.

"Hindi ka ba marunong sumagot? Simpleng tanong lang yung tinanong ko tapos bibigyan moko ng malabong sagot. Ano ba yung sagot mo, multiple choice?" saad ni Gabriel.

"Hindi ko pa kasi alam. Alangan namang sabihin kong Oo kung hindi pa naman ako sigurado." tugon ko. Napa-tsk naman siya

"Alam mo kasi Anghela, kapag patungkol sa pag-ibig hindi ka na dapat magdalawang isip." saad pa ni Gabriel habang nakapamewang. Para siyang baliw.

"Alam mo kasi Gabriel, hindi dapat minamadali ang pagmamahal. At isa pa, hindi mo dapat ako tinatawag na Angela" hirit ko.

"Teka lang, akala ko ba friends na tayo, edi ibig sabihin 'non pwede na kitang tawaging Angela" wika niya naman.

"At sa pag-ibig naman, kapag pinatagal mo pa nang pinatagal, baka mawala pa sa'yo. Sige ka, ikaw rin ang magsisisi at iiyak sa huli. Kapag nangyari 'yun 'wag kang lalapit sa'kin ha" OA na dagdag ni Gabriel.

"Eh sa hindi pa nga ako sigurado eh. Kung magdedesisyon ako ngayon ng hindi sigurado, hindi malabong iiyak din ako sa huli at magsisisi" muling banat ko. Napailing naman si Gabriel na parang hindi sumasang ayon.

"Kung maghihintay ka sa araw na nakasisigurado ka na sa lahat, magiging walang kwenta din iyon. Walang kasiguraduhan ang buhay Anghela, hindi mo alam na 'yung damdaming nararamdaman mo ngayon ay pagmamahal na pala. At oo, hindi ka pa sigurado at mas mainam kung sure ka sa gagawin mo o papasukan mo pero ang tanong, sure ka ba na sapat ang oras na meron ka?" tanong niya. Napaisip naman ako.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Sure ka ba na may oras ka pang natitira kapag pinatagal mo pa 'yung pag-iisip mo? Hindi naman kasi masama ang mag-isip at maghanda, kailangan nga 'yun eh pero ang akin lang, baka dumating panahon na sigurado ka na sa nararamdaman mo kaya lang sa panahong 'yun wala ka ng oras o 'di kaya, wala na ang taong naghihintay sa'yo" sagot ni Gabriel.

Hindi ko man lubos na maintindihan ang sinasabi niya, napaisip pa rin ako.

Pano nga kung biglang dumating ang araw na handa na akong sagutin si Aljur pero yung araw na 'yun ay wala na siya? 

"Kung mahal naman ako talaga ng isang tao, kahit gaano ka tagal 'yun, makapaghihintay siya" pagkontra ko.

"Alam mo Anghela hindi mo na ge-gets eh. Oo nga na ang taong tunay na nagmamahal ay nakapaghihintay pero paano kung ang panahon mismo ang pagpapalayo sa kaniya? Paano kung ang taong nagmamahal sa'yo ay biglang kunin ng panahon? May mga lovestory kasi na walang happy ending. Kahit na parehong nagmamahal ang dalawang tao, kahit na silang dalawa ayaw sumuko, kung ang panahon at tadhana mismo ang kokontra nito, ano pang magagawa ng tao?" wika ni Gabriel.

"Hindi ko alam, pero naniniwala ako na hawak ng Diyos ang buhay ko at ng buhay ng lahat ng tao. Kung kaloob ng Diyos na magkatagpo kami ng taong mahal ako at mahal ko, magkakatuluyan kami at kung hindi, pipilitin kong ipagpatuloy ang buhay ko dahil yun ang plano ng Diyos." sambit ko. Hindi naman sumang-ayon si Gabriel kaya napabuntong hininga nalang ito.

"Okay Anghela, walang tama o mali sa ating dalawa. It's not about what you believe or what I believe, it's all about, how can we get the happy ending we want by following what we believe in. Kung sa tingin mo planado na ng Diyos lahat ng takbo ng buhay mo, then be it. What 
I'm trying to say is that, hindi din masama ang kumilos habang may oras pa. Risk is worth taking for if it's for our loved ones, if it's about finding love."
saad ni Gabriel.

Hindi naman ako nakapagsalita. Hindi naman sa tama siya kundi sa kadahilanang hindi ko alam ang isasagot ko. Siguro nga walang tama o mali sa aming dalawa, opinyon lang ito. Nasa tao lang kung saang punto sila maniniwala.

Kung ipagsasa-Diyos ba nila ang paghahanap ng makakatuluyan habang buhay o sila mismo ang kusang gagawa ng paraan para makuha nila ang pag-ibig na hinahangad.



Alas 3 na ng hapon nang makalabas kami ng Ospital ni Gabriel. Mag-iisang araw din kaming namalagi sa loob dahil minabuti naming pagpahingahin muna si Mang Alexandro. Mula kasi noong nahatid namin ang mga gamit ni Aljur hanggang kaninang pagdalaw namin kanina ay hindi pa siya talaga nakapagrelax.

Mabuti nalang at madali kaming nakasakay ng pampasaherong trycicle. Nasa harapan si Gabriel nakaupo habang nasa likuran ako. Bahagya pa akong nainis sa kaniya dahil sinabihan ko na siya kanina na sa harap ako uupo at hindi sa likod pero hindi niya pa rin ako pinagbigyan.

Tahimik lang kaming nakasakay. Hindi na rin namin napag0usapan ni Gabriel ang nangyaring pag-iyak niya noong nasa bahay kami ni Aljur. Maging sa pag-aming siniwalat ni Mang Alexandro kanina ay hindi na rin namin pinag-usapan.


Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa simbahan. Marahang huminto ang trycicle na sinakyan namin sa harap ng gate ng San Sebastian Church. Kumuha naman ako ng pera mula sa pitaka ko at tsaka nagbayad.

"Sa aming dalawa na ho iyan. Salamat po" wika ko sa driver pagkatapos magbayad. Nagpasalamat din ang driver sa akin sa siyang nagpangiti sa'kin.

Hindi ko naman namalayan na nauna na palang naglakad si Gabriel papasok sa simbahan. Panay tutok sin siya sa cellphone niya habang naglalakad. Nakasuot na rin siya ng earphone. Sana lang ay hindi siya mabangga sa pader. Agad ko naman  siyang sinundan.

Nang makarating kami sa bukana ng simbahan kung saan nandoon ang hagdanan na may tatlong baitang ay bigla kong naalala ang nangyari sa'min ni Gabriel noong gabing nakapatong siya sa'kin.

Agad akong napailing sa naiisip. Ayokong mabahiran ng akward na ala-ala ang simbahan. 


NO! NO! NO!


Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang napapailing pa rin sa naiisip ko. Nakatutok pa rin si Gabriel sa cellphone niya, plaibhasa'y pinayagan na siya ni Fr. Suarez na gumamit ng cellphone. Pinayagan na rin naman ako pero wala din naman akong magagawa, wala akong load, wala akong wi-fi, wala din akong games.

Kakausapin ko sana si Gabriel para tanungin kung anong pinagkakaabalahan niya nang biglang may isang malakas na boses ang umalingawngaw sa loob ng simbahan.

Agad naman akong napatingin sa direksyon ng boses. Agad akong napangiti nang makita kong si Lolo Patricio pala ito. Tinabig ko agad si Gabriel para malaman niyang nandito si Lolo Patricio. Napansin naman niya ito at nakita si Lolo. Tinatawag kami nito papunta sa kanila ni Fr. Suarez. Nasa  Altar sila habang nasa may entrance naman kami ng simbahan.

Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo si Gabriel papunta kay Lolo Patricio. Nagyakapan pa silang dalawa at tsaka nag fist bump. Para silang magbarkada imbes na mag-lolo.

Agad din naman akong lumapit sa kanila. Nagmano rin ako kay Lolo Patricio. Nang magmamano na rin sana si Gabriel ay bigla yatang dumulas sa kamay nito ang hawak na cellphone dahilan para mabitawan niya ito. Natanggal rin ang pagkakasaksak ng earphone niya.

Mabuti nalang at mabilis na nasalo ni Lolo Patricio ang cellphone ni Gabriel. Kukunin na sana ito ni Gabriel pero biglang may napindot si Lolo Patricio sa cellphone dahilan para mag-on ito.

Biglang namutla si Gabriel at halos lumuwa ang mata naming lahat nang makita namin ang isang malaswang video ng babae at lalaking nagtatalik. Napalunok din si Gabriel nang biglang umalingawngaw sa paligid ng mga ungol ng babae't lalaki sa video.

Gulat ngunit natatawang napahawak si Lolo Patricio sa kaniyang kalbong ulo habang gulat naman akong napatingin kay Fr. Suarez. Hindi ko inaasahang mangyayari ito. Dahan dahan namang tinignan ni Fr. Suarez ang na shock na si Gabriel at tsaka nagsalita. 

"G-Gabriel...A-ano ito?"


______________________________


#Angel'sPrayer

1 John 1:9

Proverbs 28:13


Please continue reading Angel's Prayer. Thank You. GB


המשך קריאה

You'll Also Like

175K 9.9K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
855K 40.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]