Master of my Inferno

By yooerich

67.3K 615 21

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK This story contains dark themes which may be disturbing to some readers. This... More

MASTER OF MY INFERNO
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
SEVENTEEN RIGHT HERE 💎
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
Playlist
CHAPTER TWENTY-SEVEN

CHAPTER EIGHT

2.6K 29 0
By yooerich

CHAPTER EIGHT


HINDI KO pa rin mapigil ang pag-iyak. Ang paningin ni Mama ay palipat-lipat sa akin at sa lalaking humarang sa kaniya.

"I think that's enough, ma'am." Anas ng lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Mama at buong pwersa niya iyong tinabig.

"At sino ka sa tingin mo?!" Pasigaw na anas ni mama ngunit hindi man lang natinag ang lalaki, bagkus ay nginisian pa si mama.

"You do not have to know." Malamig na wika nito, "Masyado ka nang nakakaabala sa mga tao rito, pwede bang umalis ka na?" Hindi ko akalaing sasabihin niya iyon kaya mas lalong nagalit si mama. Namumula ang kaniyang mukha at sobrang talas ng tingin sa lalaki.

"Huwag kang makialam," at saka siya bumaling sa 'kin, "Sa tingin mo naman ay nakahanap ka na ng kakampi? Hindi pa 'to tapos, Veronica. Tandaan mo lahat nang sinabi ko at ibalik mo ang anak ko." Mariing anas ni Mama at halos magpapadyak nang umalis.

Kahit papa'no ay nakahinga ako nang maluwag. Pilit ko ring pinunasan ang luha ko. Nang masiguradong ayos ay tsaka ako bumaling sa lalaki, bahagya pa akong nagulat nang makitang diretso siyang nakatingin sa 'kin.

"Are you okay?"

Tumango ako at saka pilit na ngumiti. "Oo. Salamat."

Matamis siyang ngumiti, "Good. Palagi ka bang ginaganon ng babaeng 'yon?"

Maka-babae naman ito, "She's my mother. At oo, lagi siyang ganon sa 'kin."

"Mother? She shouldn't be treating you that way."

Tumango ako dahil hindi ko alam kung ano pang sasabihin o kung may sasabihin pa. Nagbaba ako ng tingin at saka ko lang naalala ang hawak kong kahon ng cake. "I gotta go. Thanks again." Anas ko.

"Wait," natatawang aniya na ikinakunot ng noo ko, "I'm Hail Pereda by the way."

"Veronica de Rosas." Tinanggap ko pa ang pakikipagkamay niya na agad niyang ikinangisi.

"I'll see you again next time." Aniya pa, tumalikod, itinaas ang kamay at saka pa kumaway.

Nagkibit-balikat na lang ako at saka bumalik sa apartment.

Nasa gate pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang malakas na tugtugan ni Monnet. Napangiwi ako. Ganitong ganito siya kapag ayaw niya akong kausapin, gusto niya ay sobrang ingay sa apartment para hindi ako magkaron ng tyansang kausapin siya.

"Monnet," nakalabing anas ko nang matagpuan ko siyang nakahiga sa mahabang sofa. Nakataas din ang paa niya at nakatingin sa cell phone.

Umikot pa siya patalikod sa akin.

Galit talaga si Monnet.

"Bessy," malambing na wika ko, lumapit din ako sa kaniya at tinapik ang braso niya.

"Hmm?" Taas-kilay niyang sagot.

"Sorry na." Lumabi ako nang umirap siya.

"Okay."

"Monnet, sorry na talaga. Naiintindihan kita. Lahat nang sinabi mo kagabi ay naintindihan ko. Sorry na, bessy."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at saka naupo, sinalubong din niya ang paningin ko. "Alam ko namang maiintindihan mo ako. We are soul sisters, right? Sorry rin kung masyado akong mahigpit sa 'yo. Ayako lang na masaktan ka dahil alam ko kung anong pinagdaanan mo sa pamilya mo. Ayoko lang na dumating sa punto na pati sa lalaki ay masaktan ka rin."

Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko, naibaba ko rin ang dala kong cake at saka ko niyakap si Monnet. "Thank you, bessy. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko 'pag wala ka sa tabi ko. Thank you for guiding me."

"Baliw ka." Natatawang aniya at saka gumanti sa yakap ko, "Huwag ka ngang umiyak at baka umiyak din ako." Dagdag pa niya pero narinig ko na ang paghikbi niya.

"Honestly, I really wanna thank you for everything. Simula nang pinalayas ako sa amin ay ikaw agad yung nalapitan ko. Mas pinili mo pang samahan ako sa apartment na 'to kesa umuwi sa inyo." Hindi ko na naman napigilan ang pagluha ko.

"Hindi ko rin kasi kaya pag iisipin kong mag-isa ka lang. At saka pabor naman 'tong pagtira ko sa apartment dahil napakalayo naman ng bahay namin sa trabaho ko. At saka, sino na lang magiging kakampi mo 'pag inaway ka na naman ng nanay mo kung wala ako rito?" Natatawang anas ni Monnet pero bakas ang galit sa tono niya.

"Isa pa 'yon, nakita ko si mama kanina."

"Oh, anong nangyari? Pinahiya ka na naman?" Nag-aalalang aniya. Sinuri pa ang mukha ko.

Pilit ang ngiti kong tumango, "Pilit sa 'king pinapauwi si ate Janica. Syempre sinisisi na naman ako sa bagay na hindi ko naman kasalanan. Sasampalin pa nga ako ni Mama."

"What? That biatch! Sorry for the word but she's too much!" Asik niya. "Anong nangyari?" Dagdag pa niya, muling sinuri ang mukha ko.

"May dumating na lalaki, hindi ko alam kung saan siya galing eh. Basta noong sasampalin ako ni mama, bigla na lang niyang sinangga yung braso ni mama."

"Oh my God, Veronica! He's your Knight in shining armour!"

"Baliw ka." Anas ko at saka siya marahang hinampas sa balikat.

"Seryoso. Ganyan ganyan yung napapanood ko sa romance movies! Yung bigla na lang may magliligtas sa 'yo sa gitna ng panganib!"

"Hindi naman ganon. Napadaan lang yung tao." Natatawang anas ko.

"Eh kamusta naman, gwapo ba?"

"Hmm," tumango ako. "Pero kung ikukompara ko siya kay Leandro, mas gwapo si Leandro."

"Tsk!" Asik ni Monnet, "Pero wag mong kakalimutan yung sinabi ko kagabi ha? You don't know him, Veronica. 'Di ba sinabi kong fangirl ako ni Leandro? At dahil sa pagiging fan ko, marami akong nalaman tungkol sa kaniya."

"Katulad ng?" Agad akong naging interesado. Kapag tungkol talaga sa boss ko ay naka ready na agad ang tenga ko.

"He loves sex. So much." Diretsong anas ni Monnet kasabay ang pagtaas ng kilay. "You can check it out, Veronica. Bachelor magazines.. newspapers.. anywhere."

"Hmm," tumango ako.

"At saka hindi siya nawawalan ng dine-date, ano."

Muli akong tumango, ito rin ang sinabi ni Steph tungkol kay Leandro. "Twelve nga ang naging girlfriend niya." Mahinang anas ko.

"What? Twelve?!" Hindi makapaniwalang anas ni Monnet. Tumayo pa siya at saka napahawak sa dibdib, muling naupo nang mahimasmasan, "That's unbelievable. It's still shocking. I didn't know that. Alam ko lang ay marami siyang naging girlfriend pero hindi ko naisip na ganon karami. Wow."

"Pati nga ako ay nagulat."

"At ikaw ang pang-thirteen." Asik niya, "Well, I can't blame you. Leandro Mancini is powerful, hot, sexy, and wealthy." Natawa siya sa huli niyang sinabi.

"And he is nice, Monnet."

"Hmm, and his abs, I bet you were dreaming about his abs. Wanting to touch his muscles." Aniya na ikinapula ng mukha ko.

"Baliw ka, Monnet." Nahihiyang anas ko.

Tumaas ang kanang kilay ni Monnet, "Sabihin mong hindi. He's tall and masculine, siya yung klase ng lalaki na wild sa bed. Yung kayang kaya kang buhatin at bigla ka na lang ihahagis sa kitchen."

"Gosh, Monnet. What are you saying?" Mahinang anas ko dala ng hiya. Ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko dahilan ng pagtawa niya.

Ihagis sa kitchen? What the heck?

"What?" Tumatawang aniya, "Try reading magazines about him, marami kang malalaman or just search his name over the internet. Your boyfriend is one of the hottest bachelors in town."

Muli akong pinamulhan ng mukha. Ilang segundo kong pinakalma ang sarili ko ngunit nabigo ako na mas ikinatawa ni Monnet.

"What now, Veronica?"

"Wala." Pilit ko siyang sinungitan, "Bakit ba puro ako ang pinag-uusapan natin? Magkwento ka naman tungkol sa inyo ni Kliu."

Dahil sa sinabi kong iyon ay namula ang mukha niya, "Actually, Veronica, may dinner date kami mamaya."

"Really?" Batid kong lumawak ang pagkakangiti ko.

"Hmm, kahit napakasungit ng pinsan mo ay napapaamo ko naman." Humagikhik pa siya kaya natawa ako.

"I'm happy for you. Goodluck sa date n'yo." Bumungisngis pa ako. Iniisip ko pa lang ang magiging date nila ay natutuwa na ako.

Sana lang ay huwag saktan ni Kliu si Monnet dahil kakalimutan kong pinsan ko siya kapag sinaktan niya ang best friend ko.

Mabait naman talaga si Kliu. Hindi ko lang talaga alam kung bakit napakasungit niya pagdating kay Monnet. At saka bukod sa best friend ko ay si Kliu rin ang isa sa natatakbuhan ko sa tuwing may problema ako pagdating sa pamilya ko.

Ilang bagay pa ang napag-usapan namin ni Monnet, syempre pilit kong inililihis ang usapan sa tuwing dumadako kay Leandro. Palagi na lang kasi akong inaasar ni Monnet.

Hanggang sa napunta ang usapan sa chocolate cake na hindi nga matanggihan ng best friend ko. Masaya niya iyong kinain samantalang nagkape lang ako dahil sa wala pa akong ganang kumain ng sweets.

Dumaan ang tanghali, ako na rin ang nagprisintang magluto ng pananghalian. Matagal pa bago pumayag si Monnet dahil hilig niya talaga ang pagluluto. Mabuti na lang at medyo nauto ko siya kaya napapayag ko rin.

Nang mag-alas-sinco ay kinaon na ni Kliu si Monnet. Masaya silang nagpaalam sa 'kin. Samantalang sumabay ako sa kanila palabas ng subdivision para bumili ng pizza para sa dinner ko. Shit. Sira na naman ang diet ko!

Nang makabalik sa apartment ay naligo agad ako at saka inihanda ang mga papers para pagpasok sa opisina kinabukasan ay mabilis kong makikita.

Ilang oras ang lumipas ay tsaka lang ako nag-dinner, naghalf bath at nahiga sa kama para manood ng romantic movies na hilig kong gawin tuwing mag-isa ako. Well, kahit kasama ko si Monnet ay mahilig pa rin akong manood.

Napangiwi pa ako nang mapagtanto ko ang suot kong ternong pantulog. "Tsk, seriously, Veronica?" Anas ko sa sarili nang mabasa ko ang nakasulat sa suot kong damit.

Eat me.

Magtataka pa ba ako? Noong namimili kami ng damit ay si Monnet ang halos pumili ng isusuot ko. At dahil soul sisters kami, hindi na ako nakatanggi.

Nasa kalagitnaan ako nang panonood ng paborito kong romance movie na paulit-ulit kong pinapanood nang tumunog ang cell phone kong nasa tabi ng kama. Tamad na tamad kong kinuha iyon.

"Hello?" Nagtatakang sagot ko. Wala akong idea kung sinong pwedeng tumawag sa akin nang ganitong oras. It can be my mother though. Pero napaka imposible pala dahil sa nangyari kanina.

"Dolce mia."

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko at nang tumibok ulit ay sobrang bilis na. "Leandro? W-Why did you call me?"

Pinasadahan ko pa ng tingin ang orasan sa loob ng kwarto, alas otso pa lang ng gabi.

"I miss you, that's why." Siguro ay ngumisi pa siya sa kabilang linya.

Umikot ako sa kama, bumalik at saka muling umikot. "Paano mo nalaman ang number ko?"

"I have my ways." Iyon lang naman ang sinabi niya pero nakapagdala agad nang kakaiba sa pakiramdam ko.

"Where are you?"

"Outside your apartment."

Agad akong napasinghap, siguro at narinig iyon ni Leandro sa kabilang linya.

Natataranta akong tumayo, tinignan ang sarili sa harap ng malaking salamin at saka ko inayos ang buhok ko. "Are you seriously?"

"I don't do jokes, Veronica."

Nakagat ko ang labi ko at saka biglang in-off ang cell phone, ni-pause ko rin ang movie na pinapanood ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad palabas. Parang tumataas ang dugo ko sa bawat hakbang na ginagawa ko.

At nang mabuksan ang pinto ng apartment ay agad kong nakita ang itim na sasakyan, nakasandal pa doon si Leandro at nakangising nakatingin sa akin.

He's too hot and handsome.. and sexy. He's wearing a fire brick long sleeve polo tucked in a black trousers. Dayum. Ang gwapo ng boss ko, Lord.

"Pasok ka." Nahihiyang anas ko nang malapitan ko siya.

Leandro is here! He's here!

"Saan ka galing?" Agad kong tanong, mukhang galing siya sa isang business meeting--judging his looks. You know, billionaires and their lives.

"Dinner meeting." See, I guessed it right.. again. "Nice sleepwear." Dagdag niya dahilan nang pamumula ng mukha ko.

Bakit ngayon pa? Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napalitan ang suot kong damit! Nakakahiya.

"Do you want to eat? Drink?" Pag-iiba ko pero nakatingin pa rin siya sa suot kong pantulog.

"Eat me? Seriously, Veronica?" Ngumisi pa siya nang binasa ang nakasulat sa suot kong damit.

Bakit ba kasi may nakasulat na 'eat me' sa suot kong pantulog? At hindi lang 'yon, it has cherries too! Pati pajamas ko ay may disenyong cherries!

"Well, errr... I like this though." Pagtutukoy ko sa suot kong ternong pantulog.

Hindi ko alam kung parte lang yon ng imahinasyon ko pero mas dumilim ang asul niyang mga mata. "It suits you. Really."

"Thanks." Nahihiya pa ring anas ko, "Coffee?"

"Yes, please. Without creamer, no sugar." Agad akong ngumiti.

Kahit naman hindi niya sabihin ay alam ko na ang gusto niya. Nasanay na ako sa lagi niyang pagrere-request ng black coffee sa tuwing nasa opisina kami.

"What were you doing?" Agad na tanong ni Leandro nang iabot ko ang kapeng kakatimpla lang.

At dahil sa tanong niyang iyon ay tsaka ko lang naalala na nanonood nga pala ako. Seriously, Veronica? Ganito ka nang makakalimutin pagdating kay Leandro?

"I was watching a movie when you called me."

"Oh, I apologize for disturbing your movie night." Mababang aniya. Kinamot pa niya pa kanang kilay at saka muling tinitigan ang suot kong damit.

"It's okay." Nahihiyang anas ko, "Gusto mong manood?"

"I hate romance, but I like watching you, so, alright."

"Hah!" Asik ko kahit na pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko. Hinawakan ko pa siya sa braso at saka bahagyang hinila na wala namang nangyari dahil sa laki ng katawan niya, "Come with me. Sa kwarto ako nanonood dahil matutulog na dapat ako."

"Where is your friend?" Aniya, sa wakas ay tumayo siya dala-dala ang tasa ng kape. Cutie!

"She's on a date." Kibit-balikat na sagot ko, nakasunod lang si Leandro sa akin hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. "Welcome to my humble room."

Ilang segundong pinasadahan ni Leandro ng tingin ang buo kong kwarto. Marahan din siyang tumango. Pakiramdam ko ay sinusuri niya ang kwarto ko. Nakakahiya.

Niyaya ko siyang maupo sa kama, samantalang naupo naman ako sa tabi niya, tsaka ko lang ni-play ulit ang movie nang masigurado kong komportable si Leandro.

At gaya nga ng sinabi niya ay hindi siya nanonood ng romance movie na pinapanood ko, buong oras ay sa akin lang siya nakatingin. He likes watching me. Psh.

Marahan akong kinabig ni Leandro palapit sa kaniya, doon ko lang din napagtanto na bahagya na siyang nakahiga sa kama. Muli, ang atensyon ko ay nasa TV lang samantalang si Leandro ay marahang hinahaplos ang buhok ko--kasalukuyang nakadantay na ang ulo ko sa dibdib niya.

"Ano sa tingin mo? Maganda?" Tanong ko kay Leandro nang matapos ang buong movie. Bahagya lang akong nagtaas ng tingin dahil sa pwesto namin.

Marahan niya akong kinabig dahilan nang bahagya kong pagdagan sa kaniya. Ang kaliwa niyang braso ay nasa bewang ko samantalang ang kanan niyang kamay ay humahaplos sa buhok ko.

"I don't know. I told you I hate romance. I was just looking at you, watching your reactions the whole time you were watching that romantic movie."

Sa sobrang baba ng boses niya ay hindi ko napigilang mapangiti. Mataman ko lang siyang tinitigan. "Ang gwapo mo."

"You are beautiful too." Nakangising aniya at muling hinaplos ang buhok ko.

Napapalunok ako habang ang paningin ko ay nasa mga labi niya lang. Kahit medyo madilim sa kwarto ay halata pa rin ang pagkapula no'n.

Nahihiya akong tumingin sa mga mata niya nang bigla siyang ngumisi. Marahil ay napansin niyang kanina ko pang pinagmamasdan ang mapupula niyang labi.

"What are you thinking, Veronica?" Ito na naman ang malalim na boses niya, pati ang uri niya ng pagtingin ay malalim din.

Mahina akong napasinghap nang ang kamay niyang kaninang nasa bewang ko ay marahan nang humahaplos sa likod ko. "Leandro.."

Here we go again. His deep, blue eyes are making me go insane. Paano niyang nagagawa iyon?

"Don't bite your lip." He whispered, still caressing my back up to my shoulder.

At dahil sa sinabi niya ay tsaka ko lang napagtanto na kanina ko pang nakakagat ang pang-ibabang labi ko.

Bago ko pa man sundin ang sinabi niya ay agad niyang sinugod ng halik ang labi ko. Agad akong napasinghap nang mabilis niyang napagpalit ang pwesto namin. He's now on top of me! And he's pinning me down my bed.

Ang kanan niyang siko ay nakatuon sa gilid ko, samantalang ang kaliwa niyang kamay ay nasa bandang ulo ko, malayang hinahaplos ang buhok ko habang patuloy pa rin ang paghalik niya sa 'kin.

Ilang beses niyang marahang sinipsip ang ibabang labi ko, ilang segundo ay ang taas na parte naman.

Para kaming may sinusunod na ritmo dahil bawat banayad na paggalaw ng labi niya ay matagumpay kong nasusundan.

Pikit-mata ko lang dinama ang magaan at matamis niyang paghalik. Napakasarap. At sobrang lambot ng labi niya na mas nakadagdag sa kakaibang pakiramdam na dinudulot niya sa akin.

Halos maghabol na ako ng hininga nang lumayo si Leandro sa 'kin ngunit nanatili pa rin siya sa pwesto. Mas dumagan pa nga sa akin.

"I was just thinking, why does your room need to be this clean?" Nakangising aniya, ang paningin ay nasa labi ko.

"Err.. ayaw mo bang malinis ang kwarto ko?" Shit. Di ko siya magets.

Muli siyang ngumisi kasabay ang pag-iling, "I want you to help me make your room very, very dirty, dolce mia."

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Agad ring bumilis ang tibok ng puso ko. He's trying to imply something and I can honestly tell what it is. Darn.

"Well," I licked my lower lip. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya nang bigla siyang tumayo. Samantalang ako ay nakahiga pa rin habang nakatingin sa kaniya.

"What do you want me to do, Veronica?" He tilted his head to one side, still looking at me.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang tatlong beses siyang humakbang palapit sa maliit na mesa kung saan niya inilapag ang tasa ng kape kanina. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nang hubarin niya ang suot na relong pambisig. Tinanggal niya rin ang unang dalawang butones ng suot niyang polo. Muling naglakad palapit hanggang sa makarating sa dulo ng kama.

He's standing right in front of me—like a predator—staring straight into my eyes. And I am like his prey, and he is ready to eat me.

"You have five seconds to answer. What do you want me to do to you?" Ulit niya sa tanong kanina. Walang mababakas na emosyon sa asul niyang mata. Gone the sweet boss I have.

"Please, fuck me...Master." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na 'yon. Hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kabila nang mabilis at malakas na kabog ng dibdib ko. Maybe this is just my sexual desire talking.

Matamang tumango si Leandro, "Okay. I will not fuck you." I groaned. Alam kong narinig niya iyon.

He's such an asshole. This is so freaking frustrating.

Huminga ako nang malalim, pilit inalis ang inis na nararamdaman, "Do whatever you want, master."

"Good answer, Veronica." Nakangising aniya. Naiiling marahil nakikita niya ang inis sa mukha ko. Gusto kong ngumuso at magtampo. "Now, go strip."

Mabilis akong tumango, naupo sa kama at saka sinimulang tanggalin ang suot kong damit. Ngunit itaas ko pa lang ang dulo nang muli siyang magsalita, "Just your pajamas, dolce mia, and leave your shirt on."

Dahil sa panlalambot na nararamdaman, hindi ko na nagawang tumayo, tanging pagtaas lang ng pang-upo ko ang nagawa ko para hubarin ang suot kong pajamas.

"Should I remove my panties too, master?" Halos wala nang boses na anas ko. Nararamdaman ko na rin ang pawis sa sentido ko.

"Oh, yea." Aniya nang hindi man lang nababago ang pwesto. Nasa may bandang paanan ko pa rin siya, walang emosyong tinititigan ang kabuuan ko.

Mabilis kong naramdaman ang lamig nang tuluyan ko nang matanggal ang suot kong panties. Muli akong nahiga nang isenyas iyon ni Leandro.

"Look at me, Veronica." Aniya na agad kong sinunod. Halos umalon na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. "Read what's written on your shirt."

Kahit na alam ko na ang nakasulat, hindi ko napigilang saglit na pasadahan ng tingin ang damit ko. "Eat me." Anas ko nang ibalik ang paningin kay Leandro. "Eat me, Master."

"Do you want me to do that?" Nakangising tanong niya.

Saglit akong pumikit. Iniisip kung anong isasagot. Simpleng tanong lang naman iyon pero dahil siya si Leandro, iba ang gagawin niya sa sasabihin ko. "If that is what you want, Master."

"Good answer. Such a good girl." Sa kabila nang malakas na tibok ng puso ko ay nagawa kong ngumiti. Marahil ay dahil sa nagustuhan niya ang sagot ko. "Now," aniya, matagal, ilang segundo bago muling nagsalita. "Spread your legs."

Agad akong napasinghap sa sinabi niya. Mas tumindi ang kaba at excitement sa dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hibang, that's me. Mabilis kong pinaghiwalay ang hita ko nang bahagyang tumaas ang kanan niyang kilay.

Halo-halo ang nararamdaman ko dahil sa pwesto ko ngayon. "Spread your legs wider, Veronica. I want to see your tight..." pangbibitin niya.

Shit! He's talking dirty, and I fucking like it. He's hot and sexy. Gosh.

"Master!" Gulat na anas ko nang bigla niyang hilahin ang kanang binti ko, dahilan nang mas paglapit ng pagitan naming dalawa.

Akma kong pagdidikitin ang legs ko nang tumaas ang kanang kilay ni Leandro. "Your safe words, Veronica?"

"Green, yellow, and red, Master."

"And what do they mean?"

Gusto ko syang irapan, ngunit dahil siya si Leandro, alam kong may katumbas na parusa ang binabalak ko. "Green means go ahead, yellow means proceed with caution, and red means stop, master."

His lips curved, "Very good, dolce mia." Marahan niyang hinaplos and binti ko papunta sa tuhod ko. Pigil ko ang paghinga nang akalaing dadako iyon pataas ngunit hindi niya ginawa. "You are not allowed to come unless I give you permission to do so. If you come without my permission, you will be punished. Do you understand?"

Mabilis akong napalunok, pinakiramdaman kung may boses na lalabas sa bibig ko, "Yes," itinaas niyang muli ang kanang kilay, "Yes, master."

Agad akong napasinghap nang tumungo siya, ang kaniyang labi ay agad na dumako sa kanang hita ko.

Mabilis dumako ang kamay ko sa buhok ni Leandro nang ang labi niya ay marahang naglalakbay.. pataas. Ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa magkabila kong hita samantalang abala ang bibig niya sa paglalakbay sa kahubdan ko.

"Gosh, please. Please.." hindi ko alam kung para saan ang pagmamakaawa na iyon nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tapat ng pagkababae ko. Mariin akong napapikit at halos humigpit na rin ang pagkakahawak ko sa buhok ni Leandro nang maramdam ko ang mainit niyang dila sa baba ko.

Mas sumidhi ang nararamdaman ko nang bahagya niyang itaas ang kanang hita ko at saka iyon isinabit sa balikat niya. Gusto kong umiyak sa sarap ng dulot nang ginagawa ng makasalanan niyang dila. Bawat pagsipsip niya doon ay rinig na rinig sa tahimik kong silid.

Ilang malalakas na halinghing ang kumawala sa bibig ko nang mas pag-igihan ni Leandro ang pagta-trabaho sa baba ko. Ang kanang kamay ko'y nakasabunot sa buhok niya samantalang ang kaliwa ay mariing nakahawak sa balikat niya.

"Master, please.. I'm gonna come, please.." I begged and begged and begged but his ears shut. He isn't saying anything yet still busy sucking, licking, and bitting me down there.

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko dahil sa pagpipigil ng nagbabadya kong orgasmo. Mas humigpit rin ang hawak ko sa balikat niya nang mas sipsipin niya ang sentro ko.

"Please, master.. let me come." Halos wala nang boses na lumabas sa bibig ko. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa bilis nang paghinga.

Saglit tumigil si Leandro, diretsong tumingin sa mga mata ko, kumurba rin ang sulok ng kaniya labi, "Then come, dolce mia."

Hindi ko na nagawang sumagot nang muli siyang bumalik sa baba ko. Muling sinamba ng dila niya ang pagkababae ko at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang pagsabog ng masagang orgasmo na lumabas sa baba ko.

"Gosh.." awang ang labing anas ko, ang paningin ko ay na kay Leandro na ngayon ay pinupupog ng halik ang baba ko na para bang hinahalikan lang ang pisngi ko. Darn.

It felt different.. it was heaven. I never imagined it would be this good. He's this good. I have no words. Shit, that was just his tongue, Veronica!

"Felt good?" Nakangising anas ni Leandro nang mataman siyang tumingin sa 'kin, kumilos din siya pataas para magkatapat kami. His lips red, and glistening from my juice. Darn, my sexy boss.

"Super." I answered honestly. Isang salita lang naman ang sinabi ko pero nahirapan ako dahil pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko sa hindi ko mapigilang paghalinghing kanina.

-*-

Continue Reading

You'll Also Like

4M 153K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
866K 39.6K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3M 58.4K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...