Somewhere Only We Know

By Siekeexine

761 327 3

[ON-GOING] SOMEWHERE ONLY WE KNOW || SIEKEEXINE A story of a friendship, love, mistakes and regrets. Cover b... More

Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Nine

Eight

16 1 0
By Siekeexine

KINABUKASAN ay nagising ako ng medyo masama ang pakiramdam, at kahit ayaw kong bumangon ay pinilit ko ang sarili ko dahil ayaw kong um-absent. Wag ngayon dahil sa lunes na ang finals at kailangan na naming mag finalize ng mga projects namin.

Nakapikit kong tinungo ang cr at humarap sa salamin, doon ko lang iminulat ang mga mata ko at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang napaka pangit kong itsura. Parang gusto ko tuloy ibuhos agad itong tubig sa katawan ko, nagbabaka sakaling umayos agad ang itsura ko.

Wala talaga ako sa mood ngayon, napaka init ng pakiramdam ko at pinapahina no'n ang katawan ko. Bumuntong hininga ako tsaka napipilitang pumasok sa shower room at binuksan ang faucet, baka sakaling umayos ang pakiramdam ko kapag nadaplisan na ng tubig ang katawan ko.

Pero nagkamali ako nang mapansing wala man lang nagbago sa pakiramdam ko kanina. Nabawasan lang ang pagiging matamlay ko pero masamang pakiramdam ay naroon parin.

Psh! Papano ako makakapasok ng maayos nito kung ganitong parang wala akong ganang pumasok? Kung bakit ba naman kasi nag paulan-ulan pa eh! Stupid Shin!

Napailing nalang ako nang maisip ang mga pinag-gagagawa ko kagabi sa ulan. Yung pamimilit ko kay Razz na samahan ako kahit na binalaan niya na ako, yung kakulitan ko habang nakikipag habulan sa kanya, lahat! Parang dinaig ko pa ang bata na ayaw magpa-awat.

Kaya huwag kang nag iinarte diyan ginusto mo 'yan Shin! Bunga 'yan ng kakulitan mo kaya pag dusahan mo.

"Shin! Bumaba ka na riyan dahil ang kuya mo ay nag hihintay sa labas!" Umalingaw-ngaw ang boses ni mama galing sa ibaba.

Nag maktol pa kunyari ako dahil hindi ko talaga alam kung papasok ba ako o wag nalang. Sa huli ay napagdesisyonan ko rin ang bumaba dahil papasok ako.

"Ang tagal mo naman, ang kuya mo ay nag hihintay na sa labas." Bungad sa'kin ni mama nang makarating ako ng kusina.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Biglang kumirot ang dib-dib ko lalo na nang makita si mama na nakangiti na parang hindi siya umiyak kahapon dahil kay papa.

Hindi nalang ako nag salita at nginitian na lamang siya bago kumuha ng dalawang pancake. Ayaw kong mahalata niyang may sakit ako dahil malamang sa malamang ay hindi ako papapasukin niyan, at kahit pa ipilit kong papasok ako ay mauuwi parin sa hindi ko pag pasok.

"Una na po ako!" Masigla kunyaring sabi ko kahit na ang totoo ay tutol ang katawan ko.

"Mag iingat kayo at good luck sa school." Hinaplos pa muna ni mama ang balikat ko tsaka ako nginitian.

Nang makapag paalam sa isa't isa ay lumabas narin ako dahil paniguradong uusok na naman ang ilong nung kapatid ko. Pinag hintay ko pa naman siya at ayaw na ayaw niya 'yon, pero hindi niya ako masisisi dahil masama ang pakiramdam ko.

Umulan ulan pa kasi!

"Ang tagal mo!" Sabi na at 'yan ang ibubungad niya sa'kin eh.

"May ginawa pa kasi ako, kuya." I said in a low tone voice.

Di na siya nag salita pa at nag suot nalang ng seat belt, ako naman ay sumakay na dahil baka iwan pa ako. Tahimik ang buong byahe namin, hindi katulad ng dati si kuya na kung maka-asar eh dinaig pa ang mga bully. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na dahil ito sa nangyari sa pamilya namin.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi ko maiwasang hindi malungkot, naalala ko nalang bigla kung paanong umiyak si mama at kung paanong nagalit si kuya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nagawa sa'min ni papa ang bagay na iyon.

"Umiiyak ka ba?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Kuya.

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko ito agad at umayos ng upo.

"Hindi ah." Dipensa ko.

"Wag ka ngang mag sinungaling sa'kin, halata naman." He said.

Psh! Halata naman pala eh, tanong pa ng tanong.

Inirapan ko siya. "Oh eh ano naman?" Maarteng tanong ko.

Saglit kaming natahimik. "Kaya naman natin ng wala siya."

Seryosong sabi ni Kuya. Napaiwas ako ng tingin at sinimulang kutkutin ang kuko ko. Inisip ko ang buhay namin na wala si papa, oo, aaminin ko na kaya namin ng wala siya pero iba parin kapag kasama mo ang papa mo.

Simula kagabi ay hindi na namin siya nakita sa bahay, umalis siya ng hindi man lang nag papaalam sa akin. Nagalit ako sa kanya at mas lalong nadagdagan ang galit na'yon nung umalis siya ng wala man lang paalam.

"Pero iba parin kapag may tatay tayong kasama kuya."

"At ano? Babalewalain nalang natin yung ginawa niya dahil lang sa gusto natin siyang makasama?" Medyo tumaas ang boses ni kuya. Hindi ako agad nakasagot.

"Isipin mo nalang kung anong maramdaman ni mama. Sa ating tatlo siya ang pinaka nahirapan sa sitwasyon." Para akong sinampal ng katotohanan.

Naalala ko yung kwento ni mama, kahit masakit sa kanya ay ilang beses niya paring tinanggap si papa sa buhay niya dahil ayaw niyang lumaki kaming walang tatay, hindi
niya pa kami kayang buhayin mag-isa nung mga panahong iyon at pag nagkataon siya ang kawawa.

Nang makarating ako sa school ay dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang iilang libro na gagamitin ko para sa first subje namin. Review nalang naman ang gagawin namin sa halos lahat ng subject kaya iilang gamit lang din ang dinala ko.

Habang nag lalakad sa pathway papuntang building namin ay natanaw ko si Arrie at Carra na nakaupo sa bench malapit sa quadrangle, may mga hawak silang libro at mga notes. Hmm... malapit na ang pasukan ah, ano pang ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa niyo dito? Mag papasukan na." Sabi ko nang makalapit ako sa pwesto nila.

Hindi man nila ako tiningnan at tuloy pa'rin sila sa pag-babasa at pag susulat sa mga notes nila. "Ohh Shin, kanina ka pa namin hinihintay." Ani Carra.

Abala parin sila sa ginagawa at hindi man lang ako nagawang lingunin. "Wala tayong mga subject teacher ngayon pero ni required nilang mag review tayo sa time nila." Paliwanag ni Arrie at doon palang ako nilingon.

"Umupo ka nalang Shin at sabayan kaming mag review." Si Carra.

"Bakit dito? Pwede namang sa room." Sabi ko.

Ibinaba ni Arrie ang librong hawak at tumingin sa'kin. "Naisip narin naman namin 'yan pero hindi din naman kami ganon ka shunga para hindi maisip na maingay ang mga kaklase natin at madi-distract lang tayo."

"Tsaka isa pa, walang paawat ang mga iyon kung mag ingay. Mas okay na dito kasi hindi naman gaano kaingay." Dagdag ni Carra.

Wala na akong nagawa kundi ang umupo nalang din, nilapag ko ang dala kong libro sa table at kinuha na din ang mga notes ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon, kung alam ko lang na wala naman pala kaming subject teachers eh sana sa bahay nalang ako nag review.

Napabuntong-hininga nalang ako at sinimulan ng sulatan ng notes ko. Nag highlights din ako ng mga key words at mga importanteng information para hindi na ako mahirapang i-familiarize ito mamaya.

"Teh, ayos ka lang?" Nabaling ko ang tingin ko kay Arrie nang mag tanong siya.

"H-huh?" Tanging nasabi ko.

"Parang namumutla ka eh." Dagdag ni Arrie.

"Hala, oo nga!" Komento naman ni Carra.

Napahawak ako sa labi ko at tiningnan silang dalawa. "A-ayos lang naman ako."

"Psh!" Singhal ni Carra. "Check mo nga."

Agad namang humarap sa'kin si Arrie at sinalat ang noo ko, nagulat pa ako ng bahagya kaya medyo napa-atras ako.

"Ahaa! Mainit ka!" Aniya.

"Kita mo na! Kita mo na!" Pasigaw na sabi ni Carra na tinuturo-turo pa ako.

"Guys, ayos lang---"

"Hindi!" Putol ni Arrie sa sasabihin ko.

"Tama, tama. Dapat pumunta ka ng clinic." Tatango-tango namang ani Carra.

Ang iingay nila, nakaka distract para sa ibang nandito. Hays!

"Ano pang inuupo-upo mo diyan?!" Ang lakas talaga ng sigaw niya. Nakakarindi.

"Arrie, bunganga mo naman diyan." Natawa ako sa sinabing iyon ni Carra.

"Aba'y tatawa pa oh!" Si Arrie.

"Okay lang talaga ako, kaya ko pa tsaka kailangan nating mag rev---"

Naputol ang sasabihin ko nang may pamilyar na boses ang biglang sumingit sa usapan naming tatlo.

"What's happening? Bakit kayo nag sisigawan?" Tiningnan ko siya at palipat lipat lang ang tingin niya sa dalawa kong kaibigan.

Ayy ganyanan?

"Yun oh! Sakto ang dating mo!" Uhhh, kailan ba hihina ang boses nito ni Arrie.

"Why?" Takang tanong ni Razz.

"Eto kasing kaibigan naming ubod ng tigas ng ulo eh nilalagnat at ayaw pang pumunta sa clinic." Pinanlakihan ko ng mata si Carra pero ginaya niya lang ako.

Bumaba ang tingin ni Razz sa'kin at walang pasabing hinawakan ang noo ko. Sa gulat ko at napa-atras pa ako kaya hinila niya pa ang braso ko.

"Don't move," aniya.

Hindi ako nakapag salita.

"Tara sa clinic." Akmang hihilain na niya ako palayo nang pigilan ko ang kamay niya, kunot noo siyang tumingin ulit sa'kin. "What?"

"Hindi naman malala..." Mahinang sabi ko.

"Hihintayin mo pang lumala?" Napa maang ako sa tanong niya na iyon.

Kaya ko pa naman talaga eh, tsaka pakiramdam ko nga wala naman akong lagnat eh.

"Kailangan ko pang---"

"One."

Hala! nag bilang!

"Mawawala---"

"Two."

"Huwag mo akong paabutin ng tatlo dahil bubuhatin kita diyan." Seryoso siya. Mygad!

"Sumama ka na babaita." Bulong ni Arrie.

"Ayaw---"

"Tatlo."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang 'tatlo' kaya mabilis akong tumayo.

"Sasama na!" Sigaw ko at nakangiting hinarap siya.

Tinitigan niya muna ako saglit kaya medyo nailang ako, pero nawala din agad iyon nang buhatin niya ako bigla ng pa bridal style pa!

Ahhhhh!!!

"Sheesh! Gora na dzai!" Asar ni Carra.

Rinig ko ang tilian ng mga kaibigan ko. Mamaya lang talaga kayo sa'kin.

"Razz! Ibaba mo nga ako!" Pag pupumiglas ko, ngunit parang wala lang sa kanya.

"Ang tigas kasi ng ulo mo eh." Aniya.

Kinawag-kawag ko pa ang paa ko na parang bata pero tila di niya alintana iyon.

"Ang daming nakatingin oh, ibaba mo na ako." Sabi ko ngunit di siya kumibo at nagpatuloy lang sa kanyang pag lalakad.

Ang dami ng nakatingin, naiilang na ako. Yung iba parang nanunukso ang mga tingin at meron ding iba na nakakaloko kung maka ngiti habang yung iba naman ay parang ang sasama ng tingin.

Problema nila?

Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon ulit ang atensyon ko sa kasama ko, do'n ko lang napag tanto na nasa tapat na pala kami ng pinto ng clinic.

"Ibaba mo na ako." Utos ko, ngumisi lang siya bago humakbang at walang kahirap-hirap na binuksan ang pinto habang buhat ko.

"Sa susunod huwag ng matigas ang ulo," sinabi niya iyon bago ako ibinaba sa bed.

"Hello ma'am, sir, how may I help you?" Bati sa amin ng nurse nang makalapit siya sa gawi namin.

"Check her, nilalagnat siya." Saad ni Razz, agad naman kumilos ang nurse, kumuha siya ng thermometer at ni-check ang temperature ko, chineck din pati ang mga mata ko.

"Okay... Your temperature is 39.6, mag pahinga ka at huwag masyadong mag pagod." Sabi ng nurse habang may kinukuha sa mini drawer tsaka lumapit sa'kin.

"Here, take this and make sure na iinumin mo ito after mo kumain." Habilin pa niya at inabot sa akin ang gamot, akmang kukunin ko na ito nang maunahan ako ni Razz.

"Thank you nurse," ngumiti siya sa nurse at bumaling sa'kin. Nang makaalis na ang nurse sa harap namin ay tsaka ko siya tiningnan ng masama.

"Akin na 'yan," sinubukan kong agawin sa kanya yung gamot pero itinaas niya lang ang kamay niya para hindi ko iyon maabot.

"No, you need to eat first before taking this medicine." Seryosong sabi niya.

"I know Razz, I'm not a kid anymore so please give me that medicine." Pamimilit ko sa kanya.

"At papano ako makakasigurong kakain ka nga?" Pinag taasan niya pa ako ng kilay na animo'y di talaga naniniwala sa akin.

"Fine! Samahan mo nalang akong kumain." I said in defeat.

Ngumisi siya at ibinaba na ang kanyang kamay, sinenyasan niya ako tumayo na na agad ko naman sinunod, inalalayan niya pa ako sa pag labas ng clinic hanggang sa marating namin ulit ang pwesto nina Arrie.

"Oh, teh! Ano? Kamusta?" Bati niya agad.

"Ayos naman," ngiti ko.

"Kasi naman pakipot pa sa pag papadala sa clinic!" Pang aasat ni Carra.

"Oh! Hi there Razz," malandi ang tono na bati ni Arrie.

"Gaga ka umayos ka nga," Saway naman sa kanya ni Carra. "Razz, umupo ka."

"Ah no need, aalis din naman ako para bumili ng makakain ni Yuna. Kailangan niya pang uminom ng gamot eh," aniya.

Napa 'ohh'  pa ang mga kaibigan ko kaya pinandilatan ko sila ng tingin. Nagulat naman ako nang biglang mag salita ulit si Razz.

"What do you want to eat?" Diretsong tanong niya sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit patang bigla akong nahirapang sagutin siya, gaga ka talaga Shin, napaka simple lang ng tanong niya dimo pa magawang sagutin ng maayos.

"A-ahh... A-anything, yeah! Anything." Tanging nasabi ko.

"You sure?" Paninigurado niya. Tumango lang naman ako at ngumiti sa kanya, sunod niya binalingan yung dalawa para tanungin din. "Kayo, may gusto ba kayong kainin?"

"Anything din, diba Carra?" Sagot ni Arrie dahilan upang matawa si Carra at walang nagawa kundi ang pumayag sa sinabi ni Arrie.

"Yes! Sure! No problem," ani Carra, ngumiti pa siya ng pagkalaki-laki.

"Okay, wala na ba talaga kayong ipapabili pa? Ikaw Yuna?" Tsaka siya ulit bumalong sa'kin.

"Wala na Razz, thank you." Sabi ko.

"Okay then, una na ako," paalam niya sa amin tsaka nag lakad na papalayo. Pinanood pa muna namin siyang mawala bago nagsipag ingay ang dalawa.

"Wieee! nangangamoy!" Ayun na nga ang tonong pang aasar ni Carra.

"Hmmm!" Sinabayan pa ni Arrie kaya napayuko nalang ako.

"Teh, kaibigan pa ba talaga?" Nakakalokong tanong ni Arrie dahilan para mabilis akong mapalingon sa kanya. Sunod-sunod na pag iling ang ginawa.

"Syempre naman, kaibigan lang." Sagot ko. Kaibigan lang, awtss.

"Manhid 'yan?" Sarkastikong sabi ni Carra.

"Halata namang may gusto ka sa kaibigan mo, girl. Aminin mo nalang kasi." Gatong pa ni Arrie. Ngumiwi lang ako at umiling.

"Mag confess ka sa moving up para plakado," Natawa kaming lahat sa suggestion ni Carra. Parang sira talaga ang isang 'to.

"Wala naman akong aaminin." I lied. Natahimik silang dalawa.

Nagka tinginan pa sila bago ibinalik ang atensyon sa binabasang notes. Ako naman ay natulala nalang at iniisip ang mga ikinikilos ni Razz ngayong araw. Aaminin ko na awkward para sa akin ang ganon dahil sa lintek na nararamdaman kong 'to. Dati ay hindi naman ganito 'to, nagulat nalang ako na bigla nalang akong nakakaramdam ng kakaiba. Wala lang akong lakas na sabihin sa mga kaibigan ko.

It's hard to admit but, yes! I think I have a crush on my best friend.

Continue Reading

You'll Also Like

28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
168K 8.1K 53
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...