Love. Sex. Escapade. [One-Sho...

By iamaivanreigh

682K 7.6K 639

Sa mga napaiyak ng mga short stories ko, I'm happy na nagustuhan niyo po ang bawat kwentong nakapaloob sa pos... More

Boarder of thy Heart
Love Is Blind
Letters to Troy
Wasted Chance
The Morning After
Hiram Na Gabi (SPG)
Angel
Let Me Be The One - 01
Let Me Be The One - 02
Let Me Be The One - 03
Let Me Be The One - 04
Let Me Be The One - 05
Let Me Be The One - 06
Let Me Be The One - 07
Let Me Be The One - 08
Let Me Be The One - 09
Let Me Be The One - 10
Let Me Be The One - 11
Sa Piling Ng Mga Ulap
My Idol (SPG)
KAPE TAYO?

The Yummylicious Security Guard (Part 1)

44K 737 29
By iamaivanreigh

Hi! My name is Maybel, I'm pretty but kinda chubby. Miyembro ako ng NBSB club at hindi ko sure kung magre-renew pa 'ko ng membership ko this year. Wag naman sana! Shet, bakit ba kasi wala akong manliligaw lately? Chubby lang naman ako pero hindi chaka. At saka hello, makinis rin kaya ako, matangos ang ilong, kissable lips with matching tantalizing eyes. So what seems to be problem here?


Hindi ko matanggap na isa-isa nang nagpapakasal ang mga friends ko at yung iba nga may mga junakis na. Langya, napag-iiwanan ang chubby! So I decided na gumawa na ng hakbang para naman magka-love life na ako. Ayokong tumandang dalaga, noh!


In-accept ko lahat ng friend request sa Facebook ko at mukhang iyon lang pala ang magiging daan para makahanap ako ng prospect boyfriend. Biglang may nag message sa isa sa mga in-accept ko. James ang pangalan. Tinignan ko agad ang profile picture. Wow! Winner si kuya! Gwapolicious. Hindi niya lang kapangalan si James Reid, kahawig din.


"Hi. Thanks for accepting my friend request. Can I meet you one of these days?"


Agad-agad? Para namang nagmamadali 'to si kuya. Meet agad ang nais, #ediwow! Pero naisip ko, hindi ako pwedeng magpa-demure demure ngayon. Kailangan nang umaksiyon para naman magka-lovelife na ang chubby.


So my reply to him was this: "Sure. It would be my pleasure to meet you."


So ayun na nga, nag-meet kami ni James sa isang coffee shop a week after naming makapag-chat. Aligaga ang mataba-este chubby pala!


Nauna akong dumating sa Starbucks sa may Robnison's Magnolia kung saan kami magkikita ni James. Malapit lang dito yung condo ko so maybe I could invite him after naming mag-coffee. Hindi naman masyadong malandi pag ganun 'di ba? I hope so.


After ten minutes ay dumating na rin si James. Papasok palang siya ng Starbucks ay malakas na ang kabog ng dibdib ko. Shet! Ang gwapo niya talaga. At ang tangkad! Mukha ring mabango.


"Hi. I'm sorry medyo late ako, na-traffic ako sa Cubao."


"No. It's okay. Actually halos kakarating ko lang din. Have a seat."


So umupo nga siya sa harap ko. He smiled and I felt like my heart melted with that smile. Pwedeng isa pa? Ire-request ko sana kaso naunahan ako ng hiya so nanahimik na lang ako.


Umorder na siya pagkatapos ay umuwi na ulit sa harap ko. He's really nice. Siya pa ang nagbayad ng coffee ko. Mukhang madatung ang isang 'to. Almost perfect!


"Maybel, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa..."


Sheeettt! Eto na, magtatapat na siya ng nararamdaman niya!


"...aalukin sana kita ng mga panty at bra. Swear, sobrang ganda ng product na 'to. Bukod sa comfortable na sa katawan, super affordable pa kaya-"


"Wait, wait lang James," putol ko sa sinasabi niya. "Pinapunta mo ako dito para lang bentahan ng panty at bra?" Ang akala ko pa naman date 'to, animal ka. Gusto ko sanang ibulyaw sa kanya.


"Sorry hindi ko sinabi sa 'yo sa chat kasi baka hindi ka pumayag makipag-meet pag sinabi ko yung totoong reason."


Then I noticed na bahagyang nakatikwas ng daliri niya habang nagsasalita.


"Are you straight?"


"Nope. I'm bisexual."


Oh, geez. Sayang! Sayang na sayang talaga... parang gusto kong kumanta right that very moment.


Langya, first attempt fail agad. Ang chaka ng experience!!! But in the end, bumili na rin ako ng bra at panty na inaalok niya since maganda naman talaga yung product. Saka naawa rin ako dahil galing pa pala siya ng Fairview.


Lost ang beauty ko. Umuwi ako na medyo malungkot. Akala ko pa naman magkaka-love life na ako tonight. Nagpaganda pa naman ako!


Nilakad ko na lang pauwi ng condo total almost ten minutes walk lang naman at para na rin makapag-isip ako kung ano ang susunod na plano ko para sa Oplan: Humanap ng gwapong fafa.


Bahagya akong nakayuko habang naglalakad papunta sa may elevator nang may bumati sa 'kin ng "Good evening ma'am." Hindi ko nilingon at tinaas ko lang ang isang kamay ko. Pagbukas ng elevator ay pumasok agad ako.


At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang lalaking nakatayo sa may lobby malapit sa front desk-isang gwapo, matangkad, maskulado at nakangiting lalaki na siya palang bumati sa 'kin ng good evening kanina.


Biglang nakaramdam ng panghihinayang ang chubby. Dapat pala nilingon ko siya kanina at sinuklian yung pag-greet niya sa 'kin.


But too late, pasara na ang elevator. Alangan namang lumabas pa ako para lang batiin siya? Sobrang halata na 'ko nun. Napasandal na lang ako sa dingding ng elevator at saka napabuga ng hangin.


Sayang #2!!!


Mayamaya ay may narinig akong nagsalita na ikinagulat ko. Mag-isa lang kasi ako sa loob ng elevator. "Ma'am, nakalimutan niyo po yatang pindutin kung anong floor kayo."


Ayyy shemay! Oo nga.


Pinindot ko ang number 3 button at saka tumingala sa CCTV camera at nag peace sign. Nakarinig kong tumawa ang gwapong security guard.


Lutang ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa unit ko.


Bakit ngayon ko lang yata nakita ang guard na 'yon? O baka ngayon ko lang nakita kasi ngayon lang naman ako lumabas sa buong buwan?


Ang gwapo niya talaga. At ang sexy ng boses. Hindi bagay sa kanya maging security guard! Mas bagay siyang maging model. O pwede ring boyfriend ko!


Mabilis na nag-isip ako kung paano ko makakausap si kuyang guard.


Nakaupo ako sa malambot na sofa at bahagyang nakatingala nang maagaw ng pansin ko ang smoke detector.


Then parang eksena sa pelikula na may lumitaw na bombilya sa utak ko-nakaisip na ako ng paraan kung paano makakausap si kuyang guard!


Tumayo ako at nagsalang ng kawali sa induction cooker. Sinadya kong painitin ng bonggang bongga ang kawali bago ko nilagyan ng mantika. Then, kinuha ko sa taguan ni Inday yung tuyo na madalas niyang iulam.


Hindi ko kumakain nun. Si Inday-my maid-lang ang mahilig mag-ulam nito. Nang feel ko ay mainit na mainit na ang mantika ay inilagay ko na ang maraming tuyo kaya naman biglang napuno ng usok ang buong unit ko.


Shet, hindi ko bet ang amoy!


Pero sa ngalan ng paglandi, tiniis ko ang amoy ng tuyo. Binali-baliktad ko iyon hanggang sa malapit nang masunog. Then naglagay ulit ako so panibagong usok na naman!


Happy ang chubby sa usok! Sana mag-work.


Pero mayamaya ay narinig ko si Inday na lumabas ng kwarto niya.


"Pisting yawaaaa! Anong nangyayari ma'am. Bakit ang daming usok? Ma'am anong nangyayari?"


"Wala Inday. Relax ka lang! Bumalik ka na sa kwarto mo at huwag kang lalabas hangga't hindi kita tinatawag, okay?"


"Pero ma'am, baka masunog tayo sa ginagawa mo. Gamit-gamit din ng brens pag may time, ma'am. Saka ayokong mamatay na beergin ma'am!!!"


"Gaga. Sige na pumasok ka na! Huwag kang lalabas, sinasabi ko sa 'yo. Pag lumabas ka ng di kita tinatawag papauwiin kita sa probinsiya niyo," pananakot ko.


"Ayyy, sige ma'am. Mag slip na ako para frish ako bukas. Sige magpausok ka pa ma'am. Goodnight, labyu!"


Saktong pagpasok ni Inday sa kwarto ay may narinig akong kumatok. Mabilis na hinugot ko ang saksakan ng induction cooker.


Pagbukas ko ay nakita ko si kuyang gwapito slash muy delicioso na nakatayo at may hawak na fire extinguisher sa isang kamay.


"Ma'am, tumutunog po 'yong fire detector niyo. May nasusunod po ba?"


Kunwari'y humawak ako sa dibdib ko habang ang isa ko namang kamay ay nasa noo ko. "Naku, sorry kuya nagluluto lang ako ng daing. Walang sunog kuya. Pero kuya parang nahihilo yata ako..."


Umakting ako na para ngang hihimatayin.


Mabilis na binitawan ni kuya ang hawak na fire extinguisher at dinaluhan ako. He wrapped his arms around my tiny (joke!) waist and tilted my head to his chest.


"Kuya can you bring me to my room?"


Shet na malagkit! Winner ang chubby! Pang FAMAS ang acting ko. Binuhat ako ni kuya at tinuro ko naman sa kanya ang kwarto ko. Pagkalapag niya sa akin sa kama ay bahagya siyang napasama dahil nakahawak pa rin ako sa leeg niyo.


"Thanks kuya. Baka pwedeng pa-open ng aircon?"


Tumango siya at mabilis na lumapit sa aircon. Napangisi ako nang makita kong maumbok ang pwet niya. Sexy ass.


"Mag-isa lang kayo dito ma'am?"


"Yes, kuya."


"Clint na lang po itawag mo sa akin ma'am."


"Okay, Clint."


"Okay na po ba kayo ma'am? Bababa na po kasi ako."


"Yeah, medyo okay na ako," umarte ako na medyo nahihirapan pa ring huminga. "But can I get your number para may makontak ako just in case sumikip ulit ang dibdib ko? You know, mag-isa lang kasi ako."


"Sige po ma'am..." dinikta niya ang number niya na sinave ko naman sa phone ko.


"Thank you Clint, ha?"


"Walang anuman ma'am." Then he went outside my room together with my heart.


Shet, inlab ang mataba-este chubby lang pala! Hahaha.


Nang marinig kong sumara na ang pinto ay mabilis na tumayo ako at naghubad ng damit saka dumiretso sa banyo. Naligo ako at nagsuot ng damit pantulog. Nag spray ako ng air freshener para mabawasan ang amoy ng tuyo.


Thanks sa tuyo, may number na ako ni kuyaaaaa! Magkaka lovelife na yata ako. Paghiga ko sa kama ay agad kong tinext si Clint. Nagpasalamat ulit ako at sabi ko bilang pasasalamat alukin ko siyang sa unit ko mag dinner one of these days.


Pero nawindang ako dahil 'K' lang ang sagot niya sa pagkahaba-haba kong text. Pa hard-to-get!


The next hours ay nag-isip ako kung paano ako mapapalapit sa gwapong guard na bumihag sa pihikan kong puso.


And no, I don't mind at all kahit langit at lupa ang agwat ng buhay namin dahil sa kakisigang taglay niya, alam kong madadala niya rin ako sa langit. Chaaarrrr!


ITUTULOY

__________

Part 2 will be posted kapag umabot na sa 150 ang votes nito. Para naman may time ako makapag isip ng isusulat. Game on! Haha. :)


Continue Reading

You'll Also Like

SPG By JaiWrites

Short Story

1.9K 8 13
SPG
338K 16K 93
Every 7pm, Keira used to send messages to a popular page, as if she's writing an entry to her diary. Until one day, one of the admins of the page dec...
54.1K 2.1K 19
Anong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!
787K 38.9K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle