Yielding Over the Horizon (La...

Da JosevfTheGreat

1.2M 42.4K 19.5K

Born in a strict and ambitious family, Syerana cannot handle the pressure that her family gives. As her famil... Altro

Yielding over the Horizon
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Bonus Chapter
Wakas
La Grandeza Series #5
Special Chapter 1

Kabanata 30

20.3K 687 121
Da JosevfTheGreat

Anywhere 

"Syerana! Gising! Nasa main road si Seig!"

Naiinis kong nilingon si Kuya Samk na ginigising ako, pero nang inulit niya ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko. Parang nabuhay kusa 'yung buong katawan ko.

Nagmamadali akong pumasok sa CR para mag-mouthwash at maghilamos. Inayos ko rin agad ang buhok ko. Okay naman na 'yung suot kong t-shirt kaya hindi na ako magpapalit. Bahala na kahit naka-shorts lang ako.

Alas singko pa lang ng umaga nang i-check ko sa phone ko kanina bago ako bumangon. Hindi ko alam na ganito kaaga aalis si Seig... hindi niya sinabi sa akin kanina bago ako natulog!

Malamig ang hangin, sumisipol 'yon nang takbuhin ko papalabas. May mga dumadaan na mga tricycle. Mukhang nagsisimula na rin magtrabaho ang mga magsasaka na katatapos lang sigurong mag-agahan.

Napangiti agad ako nang nakita kong lumabas ng kotse si Seig. He's wearing a simple white V-neck top and faded ripped jeans along with white sneakers.

"Good morning, Syesye... pasensiya kana pinagising kita kay Kuya Samk." Napakamot siya ng kaniyang ulo.

Umiling agad ako. "No... it's okay! Ayos na ayos lang 'yon, Seig." Hinihingal pa ako habang nagagalak ang puso dahil nasa harapan ko ngayon si Seig.

Huminga siya nang malalim at saka unti-unting lumambot ang mga mata. Lumapit siya sa akin para punan ang espasyon sa pagitan namin.

He hugged me right away. It was warm, and cold. 'Yung yakap na hindi ko alam kung kailanga ko ulit mararamdaman. 'Yung init ng presensiya ni Seig na palagi kong nais maramdaman. Palagi niya akong niyayakap, pero ibang-iba 'yung pakiramdam ngayon. Parang huli na... huling yakap na.

"Syerana..." he whispered then faced me.

Tumingala ako nang bahagya para makita siya. He looks really sad. Parang nagluluksa siya ngayon, at malamang gano'n din ang itsura ko ngayon.

When he calls me 'Syerana' I know he's serious.

He stared me as if this will be last time he'll be seeing me. I feel like crying tremendously right now. Tinititigan niya lang ako, pero gusto kong umiyak.

His lips then form into a soft smile. "Syerana..." inilagay niya ang buhok na napupunta sa mukha papunta sa likuran ng aking tainga at saka hinawakan ang aking pisngi.

Bahagya akong sumimangot, at saka hinawakan ang kaniyang kamay na nakahawak sa pisngi ko. Malapit nang tumulo ang mga luha ko.

"You'll still do great without me, right?"

His soft but husky voice gave me goose bumps all over my body.

Tumango ako. "I will..." almost crying.

"Galingan mo pa rin, ah? You'll still join in clubs, you'll participate in events, and you'll be confident of yourself. You will do that, right?"

I bit my lower lip to refrain myself from crying, but my tears didn't go with me. Nagsimula na 'yon tumulo nang tumulo habang nakatitig ako sa kaniya. Gusto kong makita siya nang mas malinaw, pero ayaw matigil ng mga luha ko.

Hindi ako makapagsalita. Tumatango lang ako.

"You know that you're an amazing girl, right? You are so gorgeous. You're so talented. You're so perfect in my eyes. Kaya naniniwala akong makakaya mong wala ako sa tabi mo..." his jaw clenched while blinking rapidly.

Sinandal ko ang mukha ko sa kaniyang kamay na nakahawak sa pisngi ko, habang hinahayaan lang ang mga luha kong tumutulo.

"Let's meet again. I know we will. At sana sa panahong 'yon..." tumingala siya saglit at napalunok. "Sana sa panahong 'yon, walang magbabago sa atin."

"Hihintayin ko 'yung araw na 'yon, Seig. We are still young, but I want to be with you for the rest of my life..." pinipilit kong hindi pumiyok.

Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Unti-unti rin 'yon tumulo habang nakatitig siya sa akin.

Huminga siya nang malalim at pinunasan ang kaniyang mga luha. He knows that if he continues on crying, he won't be able to leave me.

Pilit siyang ngumiti kahit gusto niya pang maiyak. "I'll still cheer you even though I'm not here. I'll always be your number one supporter. Basta..." napatigil siya dahil bigla siyang humikbi, pero ayaw niyang umiyak, "Basta... gagalingan mo, ah? You can message me anytime if you're nervous. I'll call you. Even if I'm busy, I'll make time for you. Okay?"

Napangiti rin ako habang umiiyak at saka tumango. "Thank you, Seig... sobrang thank you."

"I'm so in love with you..."

Pagkasabi niya no'n ay kusang humangin nang malakas. Nagpapalitan kami ng pagtitig sa mga mata namin. Those pair of deep eyes... this is where we first met and this is where we'll part ways too, in this road.

"It will never change, until we meet again. You'll always be my favorite place. My home." Ngumiti siya at saka hinipo akong aking ulo para isandal sa kaniyang dibdib.

I hugged him tightly. I just want to do that. Gusto ko siyang yakapin hanggang sa kaya ko. 'Yung mararamdaman niyang mahal ko siya. Na mami-miss ko siya...

He slightly sways while we are hugging each other. We both felt the cold breeze of air, while giving our final hug.

Huminga siya nang malalim at saka muling hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Binasa niya ang kaniyang labi. "I'll tell you a secret..."

I chuckled. "Ano 'yon, Seig?" I acted cute.

Mas lumapad ang kaniyang pag ngiti at pinisil ang aking pisngi. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga.

"I love you..." he whispered.

Kinunotan ko siya nang noo habang natatawa. "That's a secret?"

He shook his head. "It's my fortitude. That's my secret."

"Your fortitude is that you love me?" I raised my brows while slowly turning into jelly.

"As always..."

Ngumuso ako at tumingkayad para halikan siya sa pisngi. Pinatagal ko ang labi ko sa kaniyang pisngi. I will miss his smell... my favorite scent. His scent will always be my favorite.

Nang unti-unti kong hiniwalay ang labi ko sa kaniyang pisngi ay hinabol niya ang labi ko. Hinalikan niya ako. It was just a soft and simple kiss, but it gave me millions of volt of energy. It was million other things to describe the feeling of kissing someone you like and love the most.

As our lips parted, as our eyes opened, we stared at each other to appreciate every edge of our face as we bid our good byes.

He sighed. "Una na ako, Syesye..."

Kahit ilang beses ata akong huminga nang malalim para mawala 'yung bigat ng dibdib ko, hindi ko kaya. Hindi mawala-wala 'yung bigat sa dibdib ko.

Pilit akong ngumiti. "Ingat ka, Seig..."

Unti-unti siyang bumitiw sa pisngi ko kaya gano'n din ang nangyari sa mga kamay kong nakahawak sa kaniyang dibdib. Parang ayaw kong bumitiw... ayaw ko siyang panoorin na aalis ngayon.

Umatras siya papalayo sa akin habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Pero nang humugot siya ng malalim na paghinga ay tumalikod na siya para buksan ang pintuan ng kotse.

Itinaas ko ang nakabuka kong palad para kawayan siya. "Galingan mo sa senior high school mo, pati sa college! Magiging lawyer ka... naniniwala akong matutupad mo 'yon."

He chuckled. "Salamat, Syesye... gagalingan ko para sa 'yo. Para hindi ka na magta-trabaho."

I hissed. "Cheesy mo! Suntukin kita e..." inambahan ko ang hangin ng suntok.

Humalakhak siya saglit pero unti-unti rin nawala ang kaniyang mga ngiti, at saka tumango.

"'Yung promise mo sa akin kahapon, ah?"

Tumango ako. "Oo... promise 'yon."

He smiled. "Okay... I'll be going now. Baka hindi na ako makaalis 'pag tinitigan pa kita."

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng kotse habang hindi nakatingin sa akin. The window is tinted. Hindi ko tuloy siya makikita. Pero nang ibaba niya 'yon ay kumaway ako.

"Ang ganda mo pala ngayong umaga..." he chuckled.

"Baliw!" I giggled.

He bid his last smile before finally closing the window. I aggressively, endlessly wave my hand. Pinanood ko ang kotse na unti-unting umaandar, hanggang sa nakalayo na 'yon, hanggang sa hindi ko na matanaw.

Dahan-dahan bumagal ang paggalaw ng kamay ko hanggang sa ibinaba ko na 'yon. Tiningnan ko kung saan nakatayo si Seig kanina... he was just right here a while ago, and now he will be far away from me starting today.

I will fulfill my promise, Seig. I will wait for you.

Until the next time we meet again, Seig.

Starting from that day onwards, every day seems to be different. It felt different. Day by day, it wasn't the same. Parang may kulang sa bawat oras na dumaraan. Pakiramdam ko nasasayang 'yung panahon na sana kasama ko pa rin si Seig ngayon.

Buong bakasyon ko, nanonood lang ako ng mga movies or series kasama si Kaycee. Pero minsan ako lang dahil nagbakasyon sina Kaycee sa ibang bansa kasama ang parents niya.

Nagvi-video call din kami ni Seig, halos araw-araw na nga rin. He always tells me that he misses me so much. Pinapanood niya lang ako minsan manood. Itatapat ko lang sa akin 'yung camera, dahil 'yun 'yung request niya. He's just there, staring at me. Ang uncomfortable no'n pero hinahayaan ko lang siya.

"Maganda naman rito sa Maynila. Maraming shops paglabas ko pa lang ng building ng condo. Na-tour na kita sa unit ko, 'di ba?"

Tumango ako habang nagtutupi ng mga bagong labang damit.

"Hindi ba maingay riyan? Pakiramdam ko ang usok-usok..." reklamo ko.

Nanliit ang mga mata niya at umiling. "Sakto lang... wala naman kasing perfect na lugar kaya ayos lang naman. Mas masaya siguro kapag andito ka rin kasama ko. Puwede tayong maggala pag gabi sa mga 24 hours na mga store..."

He's preparing for his breakfast. Pagkagising niya pa lang ay tinawagan niya na ako. Hanggang mamaya ay kausap ko siya... pero kapag lowbat na ako ay pinapatay ko na. We are not obsessed to each other, we just miss each other.

"Soon! Kapag naka-graduate na rin ako ng college pupunta ako riyan. I-tour mo ako sa mga places na gusto mo... since that time ay matagal ka na riyan." I chuckled.

"Sure!" he said. "By the way... 2 weeks pa lang ako rito sa Maynila, at hindi ko inaasahan na tatawagan ako ng parents ni Rain."

Kumunot ang noo ko nang narinig ko ang pangalan ni Rain. "Huh, bakit? Anong meron?"

Tumigil siya sa paghihiwa ng bawang. "They asked me if Rain can stay with me. Kilala na kasi nila ako... mas mapapanatag daw sila kung ako 'yung kasama ni Rain dito sa Manila."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "You mean magkasama kayo riyan sa condo?"

"Uh... yup. Since rito rin mag-aaral si Rain ng senior high pati ng college. We're both taking law." May paghe-hesitate sa boses niya kung tama bang sinasabi niya 'yon sa akin.

Saglit akong napatitig lang sa camera. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Gusto kong suntukin 'yung mukha ni Rain ngayon. Ang swerte naman niya? Kasama niya si Seig tapos ako hindi?

"Is it okay with you? It's just... ang hirap mag-decline kapag may tiwala sa 'yo 'yung tao, which is 'yung parents ni Rain. They trust me... I just didn't know what else should be my response to their favor."

"Okay lang naman sa akin... pero naiirita ako 'pag naiisip kong nandiyan si Rain kasama mo. Palaging wala tayong privacy 'pag magkausap tayo. Siguraduhin niya lang na hindi siya manghihimasok ng buhay ng iba..." may galit sa boses ko.

Tumango si Seig. "Don't worry. I will always keep my door close. Hindi ko hahayaang masakop niya 'yung privacy natin. She's my old friend... and I value that friendship. It's just a simple favor from her parents."

"Oo, naiintindihan ko naman. Na nag-aalala 'yung parents niya na mag-isa lang siya riyan sa Manila. Okay lang 'yon sa akin na iniisip lang naman ng parents niya 'yung kapakanan ng anak nila... basta alam ni Rain ang limitations niya. You should tell her what are the do's and don'ts."

"I will. Don't worry. Hindi ko hahayaang magselos ka... hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakaselos mo."

I hissed to hide the butterflies in my stomach. Humalakhak siya nang nakita ang ekspresyon ko. He's just so sweet... sasapakin ko talaga 'to.

"I don't trust her. But I know you always set your boundaries, a man with principle." I teased him.

He chuckled. "Yeah... mas mahalaga ka sa akin. Hindi rin naman kami magre-reconnect as friends. Ay... clarification lang. Baka akala mo magkasama kami sa unit ko. Magkasama lang kami sa building."

"Ah!" nakahinga ako nang maluwag. "Mas maganda 'yon! Akala ko magkasama kayo sa unit... gusto ko sanang mainggit."

He smiled teasingly. "Bakit, gusto mo akong makasama sa iisang bubong? Ikaw, ah? Anong gagawin mo sa 'kin?"

"Depende sa mood..." I rode his joke.

His lips formed a circle. "Oh..." he then chuckled. "Ang naughty mo naman, ate."

Hanggang sa lumipas pa ang maraming araw na puro sa video call lang kami nagkikita. He never invites Rain to her unit. Pinatunayan niya talaga na hindi siya gagawa ng ikakaselos ko. Hindi rin siya umaalis na bahay masyado para mas marami kaming time mag-usap.

Minsan nakakatulugan na niya 'yung call kaya pinapanood ko lang siyang tulog habang nakaharap sa camera. Tititigan ko lang siya hanggang sa papatayin ko na rin 'yung call para matulog na rin.

That's our daily routine since he left La Grandeza. Hanggang sa nagsimula na rin ang klase namin. Ang araw-araw naming pag-uusap ay nagiging minsan na lang din. Mas madalas kaming nagcha-chat, pero tulad ng sinabi niya, bibigyan niya ako ng oras kaya nagvi-video call pa rin kami.

He said that SHS is a tough one. Magkaiba sa inaaral sa JHS. He took HUMSS strand, and I might also take that since I'll be a journalist.

Hindi rin naman nanggugulo si Rain sa kaniya. Nagkakausap sila minsan nakukwento niya, pero tinatapos niya agad 'yung usapan nila.

Pero kung sa sitwasyon ni Seig ay maayos, sa sitwasyon ko naman ay hindi. Ever since my 4th year in JHS started, Chago is still here with me, we are still in the same school. He keeps on bothering me every single day.

Interesado pa rin siya sa akin. Gusto niya ako maging girlfriend. Wala naman na raw si Seig kaya puwede ko siyang i-entertain, hindi naman daw niya sasabihin. That time, gusto ko siyang supalpalin ng mga one hundred times. Ang kapal ng mukha!

The same cycle went. Tulad ng mga naranasan nina Seig noon no'ng 4th year sila ay 'yon din ang naranasan namin ni Kaycee. Ako pa rin ang leader ng journalist club. Sumali rin ako ulit ng pageant... just like how Seig wants me to do. He was so proud of me. He wishes he could hug me, when I won my second pageant.

My whole 4th year transformed me into much more mature person. Mas naging babae na rin ako manamit, kaya nagkakasundo na kami lalo ni Kaycee 'pag nagma-mall kami. Same shop na kami ng pinupuntahan.

Sobrang busy ni Seig ngayong school year lalo na ng matatapos na. Tulad ko ay halos mabaliw na siya sa mga requirements. Kaya after a long day, magvi-video call lang kami at magkukwentuhan ng mga nangyari. Kung gaano kami na-iistress sa mga school works.

Nakwento ko rin sa kaniya 'yung pagiging aggressive ni Chago. Kaya sinabihan niya 'yung kapatid niya na bantayan ako at tawagin lahat ng mga kaibigan ni Seig kung sakaling may gawin si Chago. The team... natatawa na lang ako na nakakampante.

Hanggang sa natapos ko ang 4th year ko with honors. Hindi man ako first honor, pero best in English naman. Naka-video call din no'ng completion ko. Sina Mama ang may hawak ng phone para ipakita kay Seig na naglalakad ako sa stage.

Sobrang proud ko rin sa kaniya kasi kahit bago lang siya sa Manila. Bagong surroundings. Bagong culture. Bago lahat... nakaya niyang mag-excel sa school. As always, he's still the top of the class. He's studying in UST and will be taking his pre-law there as well.

"Grabe... kakauwi ko lang galing gym. Kasama ko 'yung iba kong kaklase..." masayang-masaya siya sa kinikwento niya habang kumakain ng lunch niya.

Ako naman ay nakangiti lang na nakikinig sa kaniya. He's always excited to tell me his stories, just like how excited I am to listen.

"I'm glad that you're making friends... at least hindi mo nafe-feel na mag-isa ka."

Ngumunguya pa siya at tumango. "Masaya naman 'yung Grade 11 year ko. Maraming bago. Ang hirap makisabay kapag nasanay na La Grandeza, pero tinutulad ko na lang 'to sa meron sa Canada noon."

"Ang dami na rin nagbago sa akin ngayon Grade 11 na rin ako this upcoming school year. Nakalimutan ko na nga kung paano maglakad nang matigas tulad noon..." I chuckled.

Humalakhak siya. "We can really see our changes as we grow up. It feels great to see your development. Nagiging confident ka ng ipakita 'yung sarili mo sa ibang tao..." he smiled softly. "I'm proud of you, Syesye..."

"I'm always proud of you too, Seig. Marami pa tayong matututunan habang mas tumatagal. Maraming pagbabagong dapat nating tanggapin. Because change is constant, we cannot stop it from happening. Parati't parating may magbabago."

Seryoso na siya ngayon habang nakatitig sa akin. Alam na alam niya talaga kapag seryoso at biruan. Kahit masaya siya ngayon ay magiging seryoso siya para pakinggan 'yung mga kwento ko at realizations.

"By the way, ginugulo ka pa ba ni Chago?" nagsimula na ulit siyang kumain.

Umiling ako. "Hindi naman ngayong bakasyon. No'ng buong school year ay palagi niya akong kinukulit. Naiinis na nga ako... kahit ganito na ako ngayon marunong pa rin akong makipagsuntukan, 'no!"

Humalakhak siya. "Hindi ko na pala kailangan protektahan ka. Parang matatalo mo pa ata ako sa suntukan..."

"You can be protective, Seig. You can protect me as well. I want that. I want your affection..." ngumuso ako kaya nanliit ang mga mata niya.

"Stop flirting with me, miss... maghuhubad talaga ako agad dito!" humalakhak siya agad kaya natawa na rin ako.

"Ang baboy mo!"

Natigil siya sa pagtawa nang biglang may nag-door bell. Tumayo siya para tingnan kung sino 'yon kaya ang tanging nakikita ko na lang ay ang empty living room niya.

May narinig akong boses ng babae. Napaayos ako nang upo nang nakita ko na si Seig at mas lumakas 'yung boses no'ng babae. May boses din ng lalaki.

"Syesye... mga kaibigan ko nga pala..." itinapat niya ang camera ro'n sa babae muna.

Nagulat ako dahil ang ganda niya. Mukha siyang Barbie, dahil sa puti ng kaniyang balat.

"Si Eloisa."

Eloisa then waved her hand on the camera. "Hi! You must be Syerana? Ay nako! Bukambibig ka ni Sebastian sa school!" she hissed to teased Seig.

Humalakhak kaming lahat dahil sa kakulitan ni Seig. Naiisip ko pa lang ay alam kong totoo 'yon. Maraming kinikwento si Seig sa isang bagay na interesado siya.

Nag-hello lang din ako sa kaniya. Nang ipakita niya 'yung dalawa pang lalaking matangkad ay nag-hello lang din ako.

"Ito naman 'yung mga bodyguard ni Eloisa. Ito si Peter..." tinuro niya 'yung lalaking mapapansin agad na nagwo-work out dahil sa dibdib niya at hapit na sleeve. "At ito naman si Jacob..." tinuro naman niya 'yung hindi kalakihan ang katawan, pero hindi rin naman siya mapayat.

"Baby ko nga pala si Syerana..." pagbibiro ni Seig.

Napangiwi ako, pero 'yung mga kaibigan niyang lalaki ay humalakhak. Mukhang sanay sila sa mga gano'ng banatan.

"Hello po... bakit po kayo nag-settle sa lalaking 'to? Lugi ka po..." sabi no'ng Jacob kaya binatukan siya ni Seig.

"Gago ka, ah..." he chuckled. "Ang bait ko kaya!"

"Sayang ka po, ate. Marami pa riyan mas bagay sa 'yo... huwag ka na rito..." panggagatong naman ni Peter.

Everything went really smooth on my 1st year in senior high. Bukod sa nasa ibang school na si Chago... ay okay ang relasyon namin ni Seig kahit magkalayo kami.

"Wala namang pasok ngayon kaya rito lang ako sa bahay. Siguro pupunta rin si Kaycee rito mamaya... manonood lang ulit kami."

Nasa sala ako kasama si Mama na nanonood ng balita ngayong umaga. Ka-video call ko rin si Seig...

"Gusto ko lang din sa bahay. Hinahanda ko lang 'yung sarili ko sa susunod pang term. Ang hirap ngayong college... ikaw, next year college ka na rin."

Bigla ko tuloy naalala na palapit na ako nang palapit sa college rin. Kinakabahan ako kapag iniisip ko 'yung ideyang 'yon.

"Kahapon lamang... mga bandang 11:50 ng gabi ay nakatakas ang hinihinalang nangunguna sa mga taong nagdulot ng kaba sa mga mamamayan ng La Grandeza noong nakaraang taon dahil sa mga nasabing pagpatay sa iilang mga inosenteng mamamayan. Kinikilalang si Hernando Francisco ang nakatakas na criminal. Nananawagan ang ating mayor ng La Grandeza na manatiling nakabantay sa inyong paligid. Kung may nakitang kahina-hinalang mga tao ay itawag agad sa presinto."

Nakatulala lang ako sa TV at mukhang nakikinig din si Seig sa balita dahil hindi siya nagsasalita.

Lumabas si Papa sa TV para interview-hin.

"Sa ngayon ay advice na lang namin na manatili muna ulit tayo sa mga bahay natin. Mahirap na po... lalo na't nakatakas si Hernando Francisco. Napatunayan na matagal na na kasangkot siya sa pagpatay sa mag-inang Jenny at Karen noong nakaraan taon pa. Hindi imposibleng may isunod na naman siya at ang kaniyang mga kasamahan," ulat ni Papa.

"Ano po bang gagawin ng pulisya sa nangyaring pagtakas ng convicted murderer na si Hernando Francisco?" tanong ng reporter.

"Sa ngayon ay mag-iimbestiga muna kami kung paano ito nakatakas, at kung saan ito sakaling nagpunta. Lahat ng maaring koneksyon nito ay pupuntahan namin upang alamin at maibalik ito sa kulungan. Huwag kayong mag-alala dahil gagawin namin ang lahat ng makakaya namin upang mabigyan ng kaligtasan ang mga mamamayan sa La Grandeza."

Matapos 'yon sabihin ni Papa ay bumalik na naman sa parang documentary ng station habang nagsasalita ang reporter.

"Nakatakas 'yung Papa ni Chago?" napatingin ako sa screen nang nagsalita si Seig.

Tumango ako. "Oo raw... nakatakas daw. Alam kaya ni Chago?"

Hindi sumagot si Seig, dahil malamang ay hindi niya rin alam. Hindi namin alam ang maari pang mangyari matapos ang panibagong kalbaryo na kahaharapin namin.

Kung nakatakas ang tatay ni Chago, tinulungan kaya siya ni Chago? Posible kayang mangyari 'yon...? O baka naman hindi. Pero ganunpaman, mas lalong hindi na ako ligtas pagdating ko ng kolehiyo. Isang taon na lang.

Isang taon na lang makakasama ko na ulit si Chago sa iisang school. Kung saan mas mapapalapit ako... sa mga mata ng mga masasamang loob.

I just don't feel safe anywhere. Lalo na ngayon. I hope everything will be all right... I just hope it will. 

Continua a leggere

Ti piacerà anche

354K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
7.7M 223K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
464K 21.6K 21
[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life.’ Pero paano makakahanap ng LOVE kung ma...