Monsterland (On-Hold)

By xkinglessqueenx

961 475 911

There is a town that calls home What was once an ordinary town has been transformed into something evil Myste... More

/intro/
/ML-1/
/ML-2/
/ML-3/
/ML-4/
/ML-5/
/ML-6/
/ML-7/
/ML-8/
/ML-9/
/ML-10/
/ML-11/
/ML-13/
/ML-14/
/ML-15/
/ML-16/
/ML-17/
/ML-18/
/ML-19/
/ML-20/
/ML-21/

/ML-12/

19 14 26
By xkinglessqueenx

THIRD PERSON

Sabay-sabay na tinanaw ng tatlo sina Henry at Eleanor na kasalukuyang naglalakd papalayo.

"Bagay sila, ano?" wala sa sariling tanong ni Tinley.

"Agree. Kaso pansin kong nagpapabebe itong si El dear. Naku, paano sila uusad ni Henry niyan?" sang-ayon ni Gaia.

"Alam niyo girls, hayaan niyo na 'yung dalawa. Kung anumang mangyari sa kanila, sa kanila na lang 'yon. Ayaw niyo no'n?Magkaka-love life na kaibigan niyo," sabat ni Mason.

Sabay na napataas ng kilay sina Gaia at Tinley sa sinabi ni Mason. Hindi sila makapaniwala na nanggaling ito mismo sa bibig niya.

Si Mason kasi ay medyo maloko. May pagka-playboy din ito kaya walang tumatagal sa kaniyang babae. Ang pinakamatagal siguro niyang relasyon ay umabot lang ng dalawang linggo at pagkatapos no'n ay iba na naman.

Saksi ang dalawa sa kalokohang ito ni Mason dahil magtotropa sila pero wala naman silang magagawa kundi hayaan ang lalaki sa mga gusto niya sa buhay.

"Wow, Mason. Coming from you, ha. Ano bang alam mo sa lovelife aber?" dudang tanong ni Gaia sa kaniya.

"Woah, ang sinasabi ko lang hayaan niyo 'yung dalawa. Kung pakipot si El, no problem. Kung mukhang may gusto naman si Henry kay El, edi mabuto. 'Di ba? Gano'n 'yon kaya 'wag niyo akong idadamay," depensa ni Mason habang natatawa.

Napailing na lang ang dalawang babae sa pahayag ng huli.

"Ewan sa'yo. Bahala ka sa buhay mo," nawawalang pasensya na tugon ni Gaia.

Samantalang si Tinley ay nananahimik na nakikinig sa usapan ng dalawa.

Nawalan kasi siya ng mood magsalita dahil sa mga pinagsasabi ni Mason.

Nakaramdam tuloy siya ng inis sa hindi niya malamang dahilan.

"You know what? Babalik na lang ako sa sasakyan, baka sakaling may mahanap akong mapapakinabangan. You guys stay here, aight?" saad ni Mason saka tumayo sa kinauupuan at tumungo sa sasakyan.

Napansin naman ni Gaia ang pagkatahimik ng kaibigan kaya siniko niya ito.

"Huy, okay ka lang? Bakit ang tahimik mo? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong nito.

"Ha? Okay lang ako. Bakit naman hindi, 'di ba?" pilit na ngiting sagot ni Tinley.

Napatingin siya sa sahig at napayuko. Nang makitang may maliit na bato ay kaagad niya itong pinulot at nilaro sa kaniyang kamay.

"I know you like him," wika ni Gaia sa mababang boses. Baka kasi bigla na lang sumulpot si Mason at marinig pa ang pinag-uusapan nila.

Nanlaki naman ang mata ni Tinley at kaagad na napalingon sa babae ngunit bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya nito.

"I'm your friend, of course I know about it. Promise, I won't tell to him," parang nakahinga naman ng maluwag si Tinley sa narinig.

Bigla tuloy siyang nahiya dahil nalaman na ng kaibigan ang sikreto niya. At isa pa, natatakot siya na kapag nalaman ito ni Mason ay bigla siyang nitong layuan.

"Hay, pag-ibig nga naman. Kung bakit kasi ang hirap hirap umamin sa gusto natin," iling-iling na komento ni Gaia.

Napaangat ang bibig ni Tinley at mapait na napangiti.

"Hindi naman kasi gano'n kadali 'yon."

Pero mukhang ayaw magpatalo ni Gaia dahil hinarap siya nito at naghanda nang magsalit pero naputol ang dapat niyang sasabihin ng bigla silang tinawag ni Mason.

"Girls, I found something! Hurry!"

Nagkatinginan muna ang dalawa at saka sabay na tumayo't nagtungo sa likod ng sasakyan dahil nandoon si Mason.

Pagkarating nila doon ay kaagad nanlaki ang mga mata nila. Hindi makapaniwala sa nakikita.

"Oh my. Is this real?" wala sa sariling tanong ni Tinley.

"Hell yeah." sagot ni Mason.

-----

Ilang minuto simula ng umalis si Eleanor ay hindi pa ito bumabalik. Hindi mapakali sa kinatatayuan si Henry dahil baka naapano na ang babae.

Pasulyap-sulyap siya kung saang direksiyon pumunta ang babae, inaabangan kung darating na ba ito anumang segundo ngunit wala pa rin.

Hindi na siya nakatiis at mabilis na humakbang para sundan si Eleanor.

"Damn it," inis niyang bulong.

Lumiko siya sa isang daan dahil baka doon ito pumunta at tama nga siya, nakita niya si Eleanor na nakatayo roon at nakatalikod sa kaniya.

"El," tawag niya rito ngunit hindi ito lumilingon.

"Hey, El. Halika na," tawag niyang muli pero hindi pa rin ito lumilingon. Parang hindi siya naririnig ng babae kaya naisipan niyang lapitan na lang ito.

Pagkalapit niya ay marahan niyang hinawakan ang babae ngunit hindi niya inaasahan ang bigla nitong pagsinghap, mukhang nagulat sa ginawa niya.

Kaagad itong humarap sa kaniya ng namumutla at nakahawak sa dibdib dahil sa matinding gulat.

Sa tingin niya ay mukhang natauhan ang babae sa ginawa niya at bumalik sa huwisyo.

Pero anong nangyayari sa kaniya? Bakit hindi siya nito narinig kanina? Bakit siya namumutla at parang gulat na gulat?

"Geez, Henry. You scared the shit out of me," hingal na bulong nito na may kasamang malalalim na paghinga.

Napaawaang na lang ang bibig ni Henry dahil hindi niya inaasahan ang naramdaman ng babae.

"Sorry, 'di ko naman sinasadya. Pero, ayos ka lang ba? Namumutla ka oh."

"It's okay. I'm fine. Kargahan na lang natin 'to para makabalik na tayo," sa halip ay sagot nito.

Pilit na napatango na lang si Henry sa kabila ng kakaibang kinikilos ng babae.

Kaagad silang bumalik sa harapan ng gas station at kinargahan ang dala-dala nila saka tuluyang bumalik kung nasaan ang kanilang mga kaibigan.

-----

Pagkabalik nina Henry at Eleanor ay nagulat na lang sila sa naabutan nila.

"Oh, andyan na pala kayo! Come on! Look what Mason found!" excited na wika ni Tinley at saka iminuwestra ang kaniyang kamay sa dalawang kararating lang.

Nagkatinginan muna ang dalawa at saka nilapag ang dala-dala't nilapitan ang mga kaibigan na tuwang-tuwa sa nakita mula sa loob ng sasakyan.

"Where on Earth did you guys find these?" hindi makapaniwalang tanong ni Eleanor habang kinukuha ang isang pack ng chocolate.

May nakita kasi si Mason na mga pagkain na nakalagay pa sa likod ng sasakyan at hindi lang 'yon, may mga gamit ding mapapakinabangan gaya ng flashlight, water bottles at first aid kit.

Sa tingin nila ay mukhang naiwan ito ng kung sinumang kasama o kaibigan siguro ng may-ari ng sasakyan.

Dahil nagugutom na rin sila at nauuhaw ay kaagad nila 'yong nilantakan, hindi naisip na baka ay balikan ito ng may-ari.

Sa dami ng nangyari sa kanila sa isang araw ay mistulang ngayon kang sila nakaramdam ng gutom at pagod kaya sinusulit na nila ang oras para kumain.

"Is this safe? Did you check the expiration date already? Ang sarap ng kain niyo mamaya, panis pala 'yang mga 'yan."

As usual ay kontra ni Henry pero tama naman kasi siya.

Wala kaming ideya kung kailan pa nandito ang mga pagkaing 'to. Malay ba namin kung expired na pala ito edi nagkasakit pa kami.

"Duh, tingin mo hindi namin 'yon ginawa bago lantakan ang mga 'to? Ang KJ mo talaga. Kung ayaw mo kumain, edi 'wag!" asik na sagot sa kaniya ni Tinley sabay irap.

Wala namang naging tugon ang lalaki at nagkibit-balikat na lang. Kumuha din siya ng chocolate pero bago 'yon ay chineck kung kailan ang expiration date.

Nang makasiguro ay saka niya ito binuksan at kinain din.

"Grabe, ngayon ko lang na-realize na gutom pala ako. Teka, kailan nga ba tayo huling kumain?" biglang tanong ni Mason.

Kailan nga ba? Sa tingin ko ay kahapon pa ng tanghali nung kumain kami ng matino.

Kung alam ko lang na huli na namin 'yon ay dinamihan ko na ang kain ko.

Kung bakit kasi napadpad pa kami rito.

"'Wag nang maraming tanong, kumain ka na lang diyan," pagtaray sa kaniya ni Gaia.

"Nagtatanong lang, e. Sungit." bulong na tugon ni Mason.

Napangiti na lang ako ng tipid sa inasta nila. Kahit papaano kasi ay nagagawa pa nilang mag-asaran sa kabila ng nangyari sa amin.

-----

ELEANOR

Lumipas ang hapon at sa tingin ko ay malapit na naman maggabi. Iniisip ko kung ano na namang mag-aabang sa amin kung sakaling magdilim sa paligid.

Kung anong mga halimaw ang kahaharapin namin sa sandaling sumapit ang gabi.

Dahil wala kaming ibang maisip na ibang paraan para makaalis sa lugar na ito ay nanatili na lang kami sa loob ng sasakyan at nagkwentuhan maghapon.

Sa dami ng kwento ay nakatulog ang mga kasama ko. Nasa likod sina Mason, Gaia at Tinley samantalang si Henry ay nasa driver's seat.

Hindi ako natulog dahil nagboluntaryo akong magbantay at isa pa hindi ako makatulog kahit pa gising kami kagabi ng buong gabi.

Kasalukuyan akong nagmamasid kung sakaling may mangyaring kakaiba kaya heto nakatulala ako sa kawalan at nagninilay-nilay habang nakatingin sa kabuuan ng paligid.

Napasulyap ako sa rearview mirror at doon kitang-kita ko ang dalawa na magkasandal ang ulo at mahimbing na natutulog.

Samantalang si Mason ay humihilik-hilik at parang kakaunti na lang ay tutulo na ang laway dahil bahagyang nakanganga ang bibig niya.

Sinulyapan ko rin ang katabi ko ngunit kaagad ko rin itong binawi nang mapansin kong pagising na pala siya.

Kaagad kong tinuon ang tingin sa harap at kunwaring hindi siya pinagmamasdan kanina habang tulog siya.

"Hey," tawag niya.

"Hey."

"Hapon na pala," pansin niya habang minamasdan ang kalangitan na ngayon ay nagkukulay-kahel na.

"Yup."

Pagkatapos no'n ay wala na muling nagsalita. Parehas kaming nakamulagat sa harap at tahimik na nakaupo sa kinauupuan.

Hindi kami makapag-usap dahil baka magising ang mga kasama namin pero parehas naman kaming komportable sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina sa gas station.

May nakita kasi ako kanina pero hindi ko sigurado kung tama ba ang nakita ko o guni-guni ko lang 'yon.

Mayroon akong nakita na batang babae na nagtatago sa likod ng puno. Tingin ko ay nasa edad anim o pito ang bata.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng isip ko para makita ang bagay na 'yon pero may kutob ako na totoo ang batang nakita ko kanina.

Nang magtagpo pa nga ang mata namin ay bigla na lang siyang tumakbo palayo hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Nakatitig lang ako sa tinakbuhan ng bata hanggang sa natauhan na ako dahil sa pagtawag sa'kin ni Henry.

Gusto kong sundan 'yung bata pero alam kong hindi puwede dahil baka may dala siyang kapahamakan.

Wala rin akong balak na ikuwento ito sa mga kasama ko dahil mukhang hindi naman importante ang bagay na 'yon.

"Mukhang malalim ang iniisip mo?" untag ni Henry kaya napabalik ako sa kasalukuyan.

Baka tanungin niya pa kung anong nangyari kanina sa gas station.

Napatingin ako sa kaniya at ipinilig ang ulo. "Hindi naman. Iniisip ko lang kung anong mangyayari sa'tin pagkatapos nito," palusot ko. Ibinalik ko ang paningin sa harap at saka bumuntong-hininga.

Ayoko kasing magkwento lalo na't hindi ako sigurado sa nakita ko.

Napansin ko namang parang nanigas sa kinauupuan ang kausap ko kaya tiningnan ko siya na titig na titig din sa'kin.

Wait, don't tell me---

"No! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin," bahagya kong binabaan ang boses dahil may kasama pala akong natutulog at saka nagpatuloy.

Geez, mali ata ang pagkakaintindi niya.

"What I mean is, kung ano ang mangyayari sa ating lahat pagkatapos nito, hindi sa errr, s-sa ating d-dalawa..."

Matapos kong sabihin 'yon ay napaiwas ako ng tingin. Mabagal naman siyang napatango nang marinig ang sinabi ko.

Napailing na lang siya ng ulo at mahinang napatawa. "Sorry, akala ko kasi..."

"No, it's okay. Mali lang talaga 'yung pagkakasabi ko," Napakurap na lang ako ng ilang beses sa kaalamang baka iniisip niya ang magiging ending naming dalawa kung sakaling makaalis kami rito.

Hindi ko naman kasi alam na 'yun pala ang iniisip niya no! Malay ko ba.

Nagkaroon tuloy ng awkward moment sa pagitan naming dalawa kaya wala na muling nagsalita pa.

Hay, El. 'Di kasi nag-iingat sa sinasabi.

Kainis.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 16.4K 42
WATTYS2020 WINNER Highest ranks reached: #1 in Zombies #1 in Horror-Thriller #1 in Zombieapocalypse #2 in Survival #1 in Virus #1 in Apocalypse "Kai...
3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.
204K 12.9K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...