Watermelon Dreams

By infinityh16

47.1K 4.8K 1.2K

After reading Wizard of Oz, seven-year old Olivia fell asleep only to be awakened by invisible melodious wind... More

Dedication
Watermelon Dreams
Falling
Erin
Watermelon Tree
Fireflies
First Friend
Tree Planting
Angel
Into the Woods
Beyond the Woods
Taro Leaf
Mirror
Willows
Kontaminados
Time Off
Stranded
Prey
Grego Farm
Bus Ride
Daughter of Nature
Kampilan
Savior
Wind Chimes
The Volunteer
Bonfire Story
Mandurugo
Aboard the Sea Dragon
Keithia
History
Osculation
Aurora
New Breed
Hope
Babe
Verona
Birthday Eve
Arrow
Eighteen
Home of the Winds
Bodyguard
***
Trap
Island in the Sky
Red and Gold
Erin & Olivia
Balance
Emptiness
The End
Useless Information
Cursed
Grim Future
Falling
Mirror, Mirror

The Thief

1.2K 142 16
By infinityh16

CHAPTER THREE

SUMMER OF 1995

Nagising si Olivia sa malamyos na tunog ng wind chimes. Kagaya noong unang beses nyang narinig, naghatid ito ng kapayapaan sa puso at isipan nya. Napamulat sya ng mga mata. Ang mga puno ng chico ang sumalubong sa kanyang paningin.

Ang mala-anghel na mukha ng babae ang sumagi sa isipan nya; ang misteryoso nitong ngiti at ang makapal na kakahuyang tinahak nya bago nya marating ang napakagandang lugar na iyon.

Totoo ba ang lahat ng nangyari? She was back on her comfy chair at the back of her grandmother’s brick house. She remembered fainting on the beautiful woman’s arms. She did her best to stay conscious but knowing she would be alright, she succumbed herself to sleep.

“Olivia,” tawag sa kanya ni Ate Aika, ang isa sa mga kasam-bahay ng Lola nya. Lumabas ito mula sa pinto at lumapit sa kanya. “Nakatulog ka yata.” Nakangiting yumuko ito para pulutin sa sahig ang librong binabasa nya kanina.

Bago sundan ni Olivia ang puting aso, iniwan nya ang Wizard of Oz sa upuan. The watermelon tree crossed her mind. She shook her head. Baka panaginip lamang ang lahat. Marahil nakatulog sya at nabitawan ang libro.

“Hinahanap ka ng Lola mo. Kumain ka na raw ng miryenda. Gumawa sya ng paborito mong cake,” muling sabi ni Ate Aika. “Ayos ka lang ba?” Napalitan ng pag-aalala ang tono nito nang hindi kumibo si Olivia at mabilis nitong dinama ang noo nya.

“I’m okay,” Olivia assured Ate Aika and gave her a quick smile.

Dismayadong pumasok sa bahay si Olivia. Kahit masarap ang Strawberry Shortcake ng Lola nya, matamlay pa rin syang kumain.

“Ang lalim yata ng iniisip mo, iha,” her Lola said. Nang tumingin si Olivia rito, may amusement sa mga mata nito. Magkaharap silang kumakain sa wooden dining table na nasa kusina. “Hindi ba masarap ang siesta mo?”

How could she tell her Lola without being weird? The last thing she wanted to do was make her grandmother think she’s going crazy. “I had a strange dream.” 

“Tell me about your strange dream,” her grandmother urged as she drank from her glass of cold lemonade.

Ikinuwento nya ang lahat sa Lola Esmeralda nya. Tahimik lamang itong nakinig hanggang sa natawa ito nang banggitin nya ang watermelon tree at ang mala-anghel na babae sa panaginip.

“I know, it’s really an odd dream, Lola,” Olivia said shyly. Medyo napahiya sya sa sarili para isiping totoong nangyari ang mga iyon. “Pero ang ganda po ng lugar na iyon. Parang paraiso.” And she wanted to go back, only if the place really existed. Knowing it was just a dream, she was disappointed again. “What’s more strange about it was,” she hesitated and looked at her Lola, who looked back with encouragement on her face, “it felt real.” She sounded ridiculous.

“Maybe it is real,” Lola Esmeralda said and winked at her.

Olivia was relieved. She knew she could count on her Lola. Hindi sya nito huhusgahan sa mga sinasabi nya. Kung Lolo nya ang nakarinig ng kwento nya, paniguradong iisipin nitong nababaliw na sya.

Pilit na iwinaksi ni Olivia ang panaginip na iyon. Baka nadala lamang sya sa binabasang libro. Hindi naman sya si Dorothy para mapadpad sa Oz. Maybe her Lolo was right, she shouldn’t be wasting her time reading unrealistic stuff.

Her Lola Esmeralda loved giving her and Pris children’s books. Hindi magawang kontrahin ito ng Lolo nya. “Hayaan mo silang namnamin ang pagkabata, Rodolfo,” her grandmother said sternly when Olivia’s Lolo showed disapproval.

Olivia spent most of her afternoons reading books sitting on her windowsill or at the back porch then eventually fall asleep on her comfy chair. Tila sya hinehele ng preskong hangin at payapang kapaligiran. Tuwing umaga nama'y, tumutulong sya sa mga tauhan ng Lola nyang magwalis ng mga nalaglag na dahon ng mangga.

Magiliw syang binabati ng mga ito kapag dumarating sya. Minsan iniimbita sya ng mga itong kumain ng tanghalian. Tuwang- tuwa ang mga ito nang gumaya syang magkamay habang kumakain sa dahon ng saging.

Nagkomento pa ang mga ito na mas mukha na syang masigla. Her Lola Esmeralda also commented happily that her usually pale cheeks were rosy. She looked healthy indeed.

If she wasn't reading, she would spend her time walking around the farm, familiarizing herself with different vegetables and fruits. She learned how to differentiate weeds from plants.

Each time she ventured beyond the vineyard, she kept wondering if that paradise-like place in her dream was real.

Pero hindi na sya nangahas na humakbang paalis ng lupain nila. She’d just stand at the end of their property and contented herself looking at the thick woods. Never daring herself to enter it.

Then it suddenly struck her, before that dream, she never reached the end of the farm. Paanong naging napakalinaw ng lahat sa panaginip nya kung hindi pa nya ito nakikita?

What if...? Olivia shook her head and scolded herself for thinking such silly thoughts. Hindi totoo ang lahat ng iyon. The watermelon tree wasn't real.

Ngunit ano ang meron sa kakahuyan na iyon? She was really curious what's really beyond it.

Hahakbang na sana sya papunta sa kakahuyan ngunit narinig nya ang tawag ni Ate Aika. Agad nyang isinantabi ang naisip gawin. It might not be safe anyway.

"Nandito ka lang pala," medyo humahangos na sabi ni Ate Aika. "Kanina ka pa hinahanap ng Lola mo. Malapit nang magdilim."
Hindi namalayan ni Olivia ang oras. Madalas na mangyari iyon kaya naman lagi rin syang sinusundan at hinahanap ni Ate Aika. Napakalawak kasi ng farm nila kaya may mga lugar pa syang nadidiskubre araw-araw.

"Huwag ka munang pupunta rito sa ubasan at baka mapano ka," babala ni Ate Aika habang naglalakad sila sa gitna ng vineyard. Nagtatanong ang mga matang tumingala sya rito. "May pumapasok na mang-uumit ng ubas."

"Mang-uumit?"

"Oo. Ilang araw ng nababawasan ang mga ubas. Sinabi na namin ito sa Lola mo pero ipinagsasawalang bahala nya," naiiling na sabi ng kasam-bahay. "Wala raw dapat ipag-alala at huwag daw pansinin."

Ayon pa kay Ate Aika, ilang beses na ring nagpatrol si Mang Erning, ang security guard sa ubasan ngunit hindi nito mahulu-huli ang magnanakaw. Kahit ilan na sa mga tauhan ng farm ang nagbabantay, sadyang madulas ang kung sinumang nangunguha ng prutas.

"Kaya huwag ka munang gagawi sa ubasan. Mahirap na." Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya tumango na lamang si Olivia.

Sa mga sumunod na araw, bigo pa rin sina Mang Erning na huliin ang magnanakaw.

"Sinabi ko naman sayo Erning, huwag mo ng pagurin ang sarili mo at huwag ng pansinin iyon," nangingiting sabi ni Lola Esmeralda habang dinidiligan nito ang mga orchids.

Nakaupo naman si Olivia sa metal table set na nasa gitna ng hardin. Bukod sa mga prutas at gulay, may mga sari-saring bulaklak at halamang pananim ang Lola nya sa garden.

Nagbabasa sya ng libro tungkol sa Renaissance nang dumating si Mang Erning para i-report na muling nabawasan ang mga ubas. Ibinaba nya ang binabasa para tignan ang lalaki, na noo'y mukhang frustrated na.

"Pero Ma'am, hindi po pwedeng hayaan na may ibang nakakapasok dito sa farm nyo. Nag-aalala ako sa kaligtasan nyo ni Ma'am Olivia. Paano kung hindi lang pagnanakaw ang pakay nya." Dama ni Olivia ang concern nito. Matagal ng gwardiya ang kwarenta'y uno anyos na lalaki.

Tumigil ang Lola nya sa ginagawa at humarap sa tauhan. "Alam ko, Erning. At nagpapasalamat ako dahil alam kong ligtas kami ng apo ko hanggat nariyan kayo." Ngumiti si Lola Esmeralda kaya lalong lumitaw ang kagandahan nito kahit nasa 50s na ito. "Huwag mo nang masyadong alalahanin ang ubasan. Mapapagod ka lamang kakahanap sa kanya. Alam ko namang hindi ito ang unang beses hindi ba?"

Olivia got curious. Hindi ito unang beses?

"Opo, Ma'am...pero..."

"Malay mo," putol ni Lola Esmeralda sa sasabihin ng lalaki, "ang diwata lamang ng kakahuyan ang may kagagawan." Kumindat pa ang Lola nya kay Olivia, nang mapansin nitong kanina pa sya nakikinig.

Napakamot na lamang sa batok nito ang lalaki. "Ma'am naman eh."

Her grandmother laughed. "Gawin mo kung anong sa tingin mo ay nararapat Erning." She gently dismissed Mang Erning after reminding him to rest and not exhaust himself too much.

"Diwata, Lola?" May kung anumang excitement ang bumangon sa dibdib ni Olivia nang marinig ang tinuran ng Lola nya. "Totoo po ba yun?"

"Of course not, iha. I was kidding." Her grandmother resumed tending to her orchids. Olivia was disappointed once again. "Matagal nang may nang-uumit ng mga ubas natin. Hinahayaan ko na lamang dahil iniisip kong bakit ko ipagkakait ang mga ito? Marami tayong blessings sa buhay. Dito lamang sa loob ng farm, puro biyaya ang makikita mo, iha. Hindi ko ipinagdadamot ang kung anong meron tayo. I'm just merely sharing our blessings."

Olivia understood. Her grandmother was a very generous woman. Marami itong tinutulungan through The 11 Foundation, Studio 11 Network's charitable institution.

Bukod sa maging future leader ng network nila, pangarap nyang ihandle ang foundation. Pangarap nyang matulungan ang mga nangangailangan.

Dahil hindi naman naalarma ang Lola nya sa pagnanakaw, walang naramdamang pangamba si Olivia. Bagkus, mas nanaig ang curiousity kung sino ang malakas ang loob kumuha ng mga ubas ni Lola Esmeralda.

She didn’t tell anyone, but Olivia began looking for the culprit. Wala syang balak isumbong ito kung sakaling mahuli nya. Gusto lamang nya itong makilala. Gawa na rin siguro ng pagkadala nya sa mga adventures ni Huck Finn sa librong binabasa, kaya masiglang nagpaikot-ikot sa ubasan si Olivia.
Tuwing hapon daw nangunguha ng ubas ang magnanakaw. Ngunit wala ni anino nito ang nasilayan ni Olivia. Maging sina Mang Erning ay sumuko at hinayaan na lamang katulad ng sabi ni Lola Esmeralda.

Lumakas ang tibok ng puso ni Olivia nang marinig ang tunog ng wind chimes habang nagbabasa tungkol sa Ancient Greece. It was the same sound she heard in her dreams. Did she fall asleep? Nananaginip na naman ba sya? Hinanap nya sa paligid kung saan nanggagaling ang tunog ngunit wala syang makita kundi ang mga puno ng chico.

She tried to focus on the mountainous geograpahy of Greece when she heard the soft sound of the chimes again. She also felt the gentle wind briefly caressed her cheeks and arms.

Sa puntong iyon, sigurado si Olivia sa naririnig nya. Patuloy naman ang pagtunog ng chimes. Isinara nya ang libro at ibinaba sa upuan. Nagmadali syang pumasok sa bahay at kinuha sa kwarto ang pulang baseball cap saka isinuot bago lumabas sa arawan.

The chimes didn’t stop, Olivia followed where it was coming from. It was like asking her to go after it. It led her to another part of the vineyard she was unfamiliar of.

Hitik na hitik ang mga bungang nadaanan nya. The tiny red grapes were indeed tempting. She felt the urge to stop and pick some. Olivia knew they were sweet and delicious. It was good for making champagne. No wonder this culprit kept coming back.

Habang napapalayo sya sa brick house nila, napansin nyang medyo mababa ang temperatura sa gawing iyon ng ubasan. If she wasn't mistaken, she was on the west side of the farm where she’d never been before.

Nang makalabas sya sa ubasan, ang kakahuyan ang tumambad sa kanya. Naramdaman na naman nya ang kagustuhang pasukin ito kagaya ng ginawa sa panaginip.
Medyo nagulat sya nang marinig ang malakas na pagaspas ng ibon. Nang tumingala sya sa langit, nakita nya ang isang malaking agila. It looked strong and beautiful at the same time. Her eyes followed it until it landed on a nearby tall tree with thick leaves and branches.

Nagtago sa mga sanga at dahon ang agila. Smile formed her lips. It was Olivia’s first time seeing an eagle. Lumapit sya sa puno habang nakatingala pa rin para hanapin ang malaking ibon.

She stopped on her tracks when her nose caught a whiff of watermelon. That's when she noticed another presence. Her eyes landed on a beautiful woman with a very angelic face and lustrous wavy hair casually sitting below the tree.

Their eyes locked. Olivia was stunned as the woman flashed her mysterious smile. "It’s her!" Her mind exclaimed. She felt her heart started beating wildly. She must be dreaming again. This was the same woman in her dreams.

"Hi." The beautiful woman's voice was soft and there was a hint of hilarity on it.

Olivia stood there not knowing what to say. Ilang beses ba nyang hiniling bago matulog na sana totoo ang panaginip nyang iyon? Ilang beses ba nyang inisip na sana makitang muli ang babaing ito? At nang nasa harapan na nya ito, tila umurong ang kanyang dila.

Pinagmasdan lamang nya ang magandang babae. Nakasuot ito ng kupas na pantalong hapit sa mahahaba nitong legs, na nooy relaxed na nakaunat habang magkapatong. Puting v-neck shirt na may maikling manggas ang pang-itaas nito. Sinundan ng mga mata ni Olivia ang mga daliri nitong kumuha ng ubas mula sa woven basket na nasa tabi nito at sarap na sarap isinubo sa mapupulang labi nito.

"I-Ikaw," Olivia almost couldnt say it. Tinapunan na naman sya ng babae ng isang misteryosong ngiti, "ikaw ang mang-uumit!"

The beautiful woman laughed and it was the most beautiful sound Olivia heard.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 6.9K 21
Walang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari...
62.4K 3K 65
Lucia found herself living under the same roof with her cousin who she never met before in her entire life. Will they be able to co-exist like normal...
415K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
1.6M 64K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...