(La Mémoire #1) NOSTALGIA

By reeswift

30.8K 1.7K 446

Born to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more comp... More

NOSTALGIA
Simula
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
_____
XXXV
XXXVI
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
Wakas
Author's Note

XXXVII

241 22 0
By reeswift

XXXVII
Summer Eight

“See? I am still faster than you!” Tuwang-tuwa ako nang maungusan na naman si Lyon sa pangangabayo. 

Isang taon lang ang nakalipas ngunit malaki na ang itinangkad nito. Some strands of his straight jet-black hair that is parted in the middle fell to his forehead. Nakangisi itong naghabol-hininga. 

“Yabang. Pinagbigyan lang kita.” Tukso nito.

“You’re just not as good as me. Tara isa pa. From here to there.” Itinuro ko ang pinakamalayong bahagi ng rancho.

Sumang-ayon si Lyon. Buong-pwersa kong kinastigo ang latigo at humarurot ng takbo si Apollo. My eyes widened in fear. That was unexpected! 

This scene is just so familiar. My horror elevated when I started losing balance. 

“Apollo, slow down!” Hinigit ko ito ngunit patuloy pa rin ang mabilis na takbo.

“Oh my god oh my god! Lyon! He’s being uncontrollable again!” Sigaw ko dahil malayo na ako kay Lyon.

Narinig ko ang mabilis na pag-alegro ni Lyon. Sinubukan niya akong habulin ngunit ramdam kong malapit na akong mahulog. I lost balance and I lost grip of the buckled straps. 

Apollo took a harsh turn and my feet slipped off the saddle. Inabangan ko ang pagkahulog sa damuhan ngunit sinalo ako ni Lyon. I collapsed on his body and we both rolled on the ground.

“Ouch.” I groaned and held my back. Mabuti na lang at pareho kaming naka-helmet.

“Are you okay?” 

“Yes. Thank you.” 

“’Wag mo na ulit gagawin iyon.” Inalalayan ako ni Lyon sa pagtayo.

“Don’t tell Agustin-“ Umurong ang dila ko nang rumehistro sa aking mga mata ang bigote at cowboy hat ng equestrian teacher ko.

“Simula ngayon, hindi na kayo pwedeng mag-karerahan sa rancho.” The middle-aged Agustin reprimanded us back to the stables.

“Oh please, Agustin. Naglalaro lang kami ng habul-habolan.” Palusot ko.

“Kasama ang mga kabayo?” 

“Yes! Hinahabol namin sila!” Ani Lyon. 

Sumimangot ako rito. He really is a bad liar.

“Basta, hindi na kayo pwedeng magkarerahan.”

“Don’t worry. We’ll still race when he’s not looking.” Lyon whispered and winked at me. I giggled silently. 

“Lyon, do you know where Cassiel lives?” Nang sumunod na umaga, magkatabi kami ni Lyon sa harap ng grand piano ko.

May piano lesson ako ngayon. Madalas ay pinanonood lang ako ni Lyon. Break time at nagmemerienda ang teacher ko kaya nagawa ko itong kausapin.

“Hindi eh.” He said sadly.

Pagkatapos ng birthday ko noong isang taon ay hindi ko na ulit nakita si Cassiel. Isang araw rin kasi pagkatapos noon ay bumalik na ulit ako sa America. 

“Maybe he’ll show up again on your birthday?” 

Hindi ko maiwasang isipin kung makikita ko ba siya ulit kaya nagkanda-mali mali ako nang muli ng tumugtog ng piano.

“Lia, mabagal ang tempo sa parteng ito.” Itinuro ng teacher ko ang music sheet. 

Sumimangot ako at inilabas ang crayola ko. Kinulayan ko iyong staff at whole note. Napabuntong hininga ang guro.

“Zhalia, this is not your arts class.”

“But I want to color it. It looks dull without colors.” 

“But this is not a coloring book.”

“But I want to make it a coloring book.”

Naubos ang oras sa pagtatalo namin. Kinaumagahan, nagpabili ako ng music sheet sa Auntie at ginawa kong coloring book.

“See? Pwede siyang maging coloring book!” Iminuwestra ko kay Lyon ang nakulayang mga nota. Magkaka-color match ang mga iyon. 

“It’s pretty.” Namangha naman si Lyon sa obra ko. 

“I know. I really love arts. Halika, samahan mo ako. Magpaint tayo.”

Bitbit ang mga pang-pinta ko ay pumanhik kami sa ikalawang palapag ng mansiyon. Nakadisplay sa pasilyo ang ilang mga pigurin na nakahubad.

“See? They should be wearing clothes. Watch me. Lagyan natin sila ng damit.” 

Nagsimula akong magdrawing ng damit sa isa.

“Hindi ba tayo pagagalitan?” 

“No. Gagandahan naman natin. Matutuwa pa ang Auntie. Ito ang sa’yo.” Inabutan ko siya ng paint brush.

“Hindi ako marunong.”

“Just paint his hair. This is David.” Pinakilala ko. May pangalan kasi ang pigurin sa ibaba.

Napintahan na ni Lyon ng blue ang buhok ni David habang naguhitan ko na siya ng pang-itaas nang marinig ko ang mga yabag. 

“Zhalia!” Umalingawngaw ang nakabibinging tili ni Minerva.

Pagkakita ko sa nanlalaking butas ng ilong ng mayordoma namin ay inihagis ko agad ang mga pangpinta at hinila si Lyon. Natapon pa ang mga acrylic sa sahig. 

“Lyon, takbo!” 

Minerva, Lyon and I chased after each other down the grand staircase and the rest is history. 

“It was my idea, tita. Sorry po.” Panay ang paumanhin ni Lyon nang dalhin kami ng Auntie Camila sa isang silid upang pagalitan.

“May ganyan rin po kami sa bahay. Papapalitan ko na lang kay Tito Leonelle.” 

“Madre mia. Ano namang pumasok sa isip mo ha, hijo?!” My auntie yelled at Lyon.

Lyon flinched. Medyo nakonsensya ako na hinayaan ko siyang akuin ang kasalanan.

“Just, please, go out. Ipapakausap ko kayo kay Martina mamaya.”

Kapwa kami nakayuko nang lumabas ng silid. 

“Just go home, Lyon. Ayaw kong mapagalitan ka pa ng Auntie.”

“No. I don’t want you to be scolded alone.” 

Upang magpalipas ng oras at tensyon ay lumabas muna kami ng mansyon. Sa likod na gate kami dumaan. Tumakas lamang kami nang hindi nakatingin ang guwardiya. 

Binaybay namin ang azucarera. Inaya ko si Lyon sa tambayan naming puno ng Acacia.

“Mag-abang ka na lang kaya ng tricycle rito at magpahatid sa inyo?”

“Ayoko, Lia.” 

Napabuntong hininga ako’t bumagsak ang mga mata sa kalsada. I just really want to send him home.

“Cassiel?” 

Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Lyon. Nabuhayan ako’t bumundol ang tuwa sa dibdib ko nang matanaw nga sa ilalim ng Acacia si Cassiel. 

“Cassiel!” I ran towards him in excitement.

His heart-shaped upper lip stretched for a smile. Kumikinang ang mga mata niya nang tinanggap ang yakap ko. He also hugged Lyon when he got near.

“Were you waiting for us?” Lyon delightfully asked.

Nahihiyang tumango si Cassiel.

“Palagi kang naghihintay rito?” 

“Kapag pinapayagan ako ng nanay ko.” 

“This is so fun! We’re finally complete!” I celebrated because I am finally united with my only friends in Claveria.

We stayed there a little for a chat and went home before sunset. Fortunately, Auntie Martina didn’t scold Lyon and just sent him back to the Flavio’s. 

“Mabuti at hindi ka pinagalitan.” Komento ni Cassiel nang ikwento sa kaniya ni Lyon ang nangyari.

Naglalaro kami ngayon ng holen sa ilalim ng Acacia. Cassiel brought the marbles and he taught us how to play.

“Auntie Martina is kind to me because she’s my Tito’s girlfriend.” 

My eyes widened at Lyon. 

“Really?” Lumawak ang ngisi ni Cassiel.

“It must be good to have a girlfriend.” 

“I know. I have a crush on my classmate. When we grow up, magiging girlfriend ko rin ‘yon.” Lyon bragged.

Natahimik ako dahil hindi ko alam kung paano sasabat sa usapan.

“Her name’s Giana. Kilala mo ba siya Cass? Sa Claveria Montessori ka rin  ba nag-aaral?” Binanggit ni Lyon ang pinakatanyag na private school sa probinsiya. 

“No.” Tipid na umiling si Cassiel.

“Hey, bukas aalis ang mga Auntie ko, punta tayo sa amin.” Aya ko sa mga kaibigan. 

Pumayag naman agad si Lyon kaya pumayag rin si Cassiel kahit pa nag-aalangan ito.

"We're not allowed to be here so be quiet." Bulong ko sa dalawang kaibigang lalaki. 

With my small arms, I pushed open a huge double-doors. Inside, we were welcomed with a marbled floor, the usual gold-embellished and mosaic-patterned walls, and an impressive number of paintings. Portraits of nobility and landscapes of different styles hang on its four walls. 

"Nakakatakot naman ang mga ito." Lyon, who was dressed in knee-length pants and high knee socks refused to stare. He looked rather unentertained as he clutched on his black cardigan. 

"Who are they?" Si Cassiel na na sa karaniwan niyang suspenders at brown corduroy pants ay iginala na ang paningin sa mga obra.

"I don't know. They're different people, of course." Tiningala ko rin ang mga iyon.

Most of them exhibited an austere look and an air of aristocracy. The paintings' textures were faded by time yet the colors remain vivid. 

"I like this one. She's pretty." The taller boy giggled at the only painting he seemed to like. 

Obra iyon ng isang magandang babaeng may puting buhok, malaking sumbrero at magarang kasuotan. Napalilibutan ito ng mga rosas. 

"These girls are pretty!" 

Namangha si Lyon sa imahe ng mga babaeng nakasuot ng makukulay at maninipis na bestida habang nakahiga sa marmol na sahig.

"These are late baroque-style paintings owned by my aunt." Paliwanag ko sa nagustuhan niyang hilera. 

"Ano ang ibig sabihin noon?" 

"I don't know. I just remember her saying it."

"It's a period in the late 17th century." Cassiel quietly said.

"Oh, you're smart!" Ginulo ko ang buhok nito, dahilan para malaglag ang kayumanggi niyang sumbrero.

Hindi ito natuwa at inismiran ako kasabay ng pagpulot noon.

"This is funny! Is it a duck?" 

Lyon stared at the combination of weird shapes that took a form of an animal or a person. I couldn’t tell which.

"Reclining woman VI by Picasso." Mabagal at putol putol na binasa ni Cassiel, suot na muli ang kaniyang sumbrero.

"Hindi naman mukhang woman iyan." Alma nito.

"Come here! This is my favorite!" Inaya ko sila sa partikular na obra. Nakapinta roon ang iilang pirasong sun flower na na sa isang vase. 

"It's pretty right?" 

"It's just flowers." Lyon walked away, uninterested. 

"May alam akong lugar na may ganitong mga bulaklak." Cassiel shared.

"Really? Puntahan natin. Doon mo ba nakuha ang sunflower gift mo sa akin?” 

“Oo. I’ll show it to you next time.” 

"Zhalia." 

Namilog ang mga mata ko nang maulinagan ang boses ng Auntie Martina. 

"Let's go! Makikita tayo ng tita ko." Nagmamadali kong inaya ang mga kaibigan.

We ran past the hallways in a haste. Some of the handmaids stared but didn't complain. Muntik pang mag-krus ang landas namin ng Auntie kung hindi kami nakapagtago sa likod ng isang malaking pigurin.

Cassiel giggled when we hid behind a naked statue's butt. Another older maid went looking for us. Para mailigaw sila ay dumiretso kami sa silid ng mga kasambahay patungo sa dirty kitchen. 

Mula roon ay may daan patungo sa kamalig. I took a quick turn and hid behind an empty horse stable. The two boys quickly followed and dived on the haystack.

“Akala ko ba wala ang mga Auntie mo?” Hinahapong tanong ni Cassiel.

“Akala ko rin! Baka bumalik lang ang Auntie Martina bago tumungo ng munisipyo.”

"Eh bakit natin sila tinatakasan?" Lyon took off his cardigan as he reeked of sweat.

"Because I said we were only playing in the garden! My Aunt will be mad."

"Just say sorry then." Cassiel took off his hat as some of the hays went there.

"No, she will scold us. Umuwi na kayo para hindi kayo mapagalitan." 

"I'll face your Auntie. I don't want you to be scolded alone." Lyon went out the stable. I quickly joined him outside.

Naka-ilang pamimilit pa ako bago nakumbinsi ang dalawa na umuwi na. Kasunod noon ay namataan ko ang nag-aapoy na mga mata ng Auntie Martina ko. 

“Who is the other kid, Zhalia?” Malamig ang tono nito. 

“Nagpapapasok ka ba ng estranghero sa mansyon?!”

“No, Auntie. He is my friend.” 

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng yabag. 

“Halika na, Martina. Naghihintay na ang mga tao sa munisipyo.” Si Tito Leonelle na ngayon ay Mayor na. 

“Oh, ano’ng nangyari, Zhalia?” Napahinto ito nang makita akong parang maiiyak na.

“Itong magaling kong pamangkin, nagpapasok ng batang hindi ko kilala rito!”

“I saw the kid, Martina. Mukhang mayaman. Baka iyon ang bunso ng mga Alvaro. Sila lang naman ang may pag-aari sa loob ng hacienda ninyo.”

Bumuntong hininga ang Auntie ngunit mukhang kumbinsido naman.

“Hindi pa tayo tapos.” Binantaan ako nito bago umalis.

“Ano’ng ginawa niya sa’yo?” Nag-aalalang tanong ni Cassiel nang ikwento ko sa kanilang pinagalitan ako ng Tita. 

Sumandal ako sa katawan ng Acacia at tinanaw ang malawak naming lupain.

“Wala naman. She didn’t hurt me.” 

“Sinasaktan ka ba nila?” Cassiel carefully searched my eyes.

My mom used to. Gusto kong ikwento ngunit umiling na lang ako.

“Sorry at wala ako roon.” Hinagod ni Lyon ang likod ko.

“It’s okay. Tinulungan naman ako ni Tito Leonelle.”

“Tara, I’ll show you something to make you feel better.” Tumayo si Cassiel at naglahad ng kamay.

Nagitla ako nang bigla nitong inakyat ang puno ng Acacia. He clung his body on the trunk and started to move upwards with his thighs.

“What are you doing?” 

Tiningala namin ito ni Lyon.

“Come! I’ll show you something pretty!”

Na-engganyo naman agad si Lyon at umakyat roon. Mas sanay pa ito kay Cassiel at mabilis na nakarating sa itaas. 

“Ayaw mo ba, Lia?” Huminto si Cassiel at tinignan ako.

“Hindi ko kaya.” 

Pagkasabi ko noon ay mabilis itong bumaba ulit. 

“You go first. I’ll be here so I’ll catch you if you fall.” 

Gusto kong matawa dahil mas maliit pa nga siya sa akin at mukhang hindi niya kakayanin kung mahuhulog ako. But he looked at me with determined eyes and that quickly won my trust.

Tinulungan ako ni Cassiel na umakyat sa Acacia. He patiently looked out from the ground. When I was half through the trunk, he kept up with me and we climbed together. When I was near the branches, Lyon held out his hand and helped me get on a sturdy branch. 

“The sunset is prettier here.” Cassiel announced. 

Nakaupo ako sa pinakamalaking sanga noong puno. Mula sa mas makitid na sanga ng kinauupuan ko ay naroon si Cassiel, sa harapan ko. Habang sa tabi ko naman ngunit sa mas mataas na sanga ay naroon si Lyon. I couldn’t help but think we looked like monkeys.  

“Ano’ng gagawin natin?” Lyon echoed.

“Maghihintay.” 

And so we waited. Cassiel and Lyon were brave enough to lie down and play around in the branches. Pinagtripan pa ako ni Lyon at tinanggal ang headband ko. Pinagpasahan nila iyon ni Cassiel at sa takot ko ay pinanood ko lang sila.

“Itapon niyo pa ‘yan. Marami naman ako niyan.” Umirap ako sa dalawa. 

The boys giggled.

“Oh, Cass, ibalik mo na. Iiyak na e.” Ibinato ni Lyon ang headband kay Cassiel. He effortlessly caught it.

Tumatawa si Cassiel nang lumapit sa akin. Marahan niyang ipinatong muli sa buhok ko ang headband.

“Do you like headbands, Zhalia?” 

Tinignan ko ito at bumungad sa akin ang makakapal niyang pilik at ang malalalim niyang mga matang kay lambing tumingin. Those eyes look like they adore everything but they could also look so mysterious at times. 

“No. I like hair clips more. Ang Auntie ko lang ang palagi akong pinasusuot ng headband. She likes to dress me up like I’m her barbie doll.” 

Tumango si Cassiel.

Soon enough, the sky began to change. It was indeed more magnificent from the tree top. We sat there silent, awed to the gleaming cascades of the yellow, orange, and pink hues that loomed the entire plantation. 

Habang tahimik naming pinanonood ang paglubog ng araw, tahimik akong humiling na sana hindi na matapos ang sandaling iyon. 

We spent more days hanging out in the Acacia tree. Cassiel knows a lot of games. We played holen, jackstone, and even pogs. He taught us all of that. Minsan ay nagtatagu-taguan rin kami sa tubuhan. Pero ang paborito ko ay sa tuwing nanghuhuli kami ng salagubang at pinag-aaway namin iyon.

“Next summer, Zhalia, bibisita ka ulit?” Tanong ni Cassiel habang na sa taas kami ng puno ng Acacia.

I finally grew comfortable and I am now able to lie down on the huge tree branch. Tumingala ako’t bumungad sa akin ang mga dahon noon. Sa mga siwang ay dumadaloy ang sinag ng araw. 

“Oo naman. Kadalasan huling linggo ng Mayo ako dumarating at bumabalik ako ng America pagkatapos ng birthday ko.” 

“Okay. I’ll always wait for you here, then.”

“Okay.”

“Usually, that’s May 25th to June 15th. Sa mga ganoong araw lang tayo magkakasama.” Lyon remarked.

“I hope you can stay here longer.” Ani Cassiel.

“I do, too.” Lyon added.

“We’ll still be friends even if I only visit in the summer.”

“I hope we always stay friends.” Lyon said hopefully.

“Oo naman. Hindi ko naman kayo makakalimutan.” I assured them.

The 12th of June came. Magkahalong lungkot at tuwa ang nadama ko kinaumagahan. Lungkot dahil alam kong malapit na ulit akong bumalik ng America ngunit excited pa rin ako dahil makakasama kong mag-celebrate sina Lyon at Cassiel. I am also expectant of what gifts they would give me.

Ngunit ang excitement ko ay bahagyang humupa dahil sa balita ng mayordoma naming si Minerva.

“Zhalia, baka hindi makabisita ngayon si Lyon dahil may espesyal na lakad ang pamilya nila. Heto at pinaabot niya ang regalo niya.” 

I was a bit disappointed. How I wish Lyon could be here. Mas matatanggap ko pang wala siyang regalo basta’t narito siya. Nevertheless, I opened the huge box of his present.

Gumuhit naman agad ang ngisi ko nang mabuksan iyon. Bumungad sa akin ang miniature half-bodied sculpture ni David. There was a note posted on the white figurine. “You can paint this David. Happy Birthday!” Tuwang tuwa ko iyong itinago sa kwarto ko.

Kinahapunan, excited ako nang tumungo sa puno ng Acacia. Matiyagang naghihintay roon si Cassiel na nakasandal sa katawan noong puno. Sinalubong ako nito, may tipid na ngiti sa labi.

“Happy birthday!”

“Thank you, Cass. Sorry I’m late. Ngayon lang ako nakatakas.”

“Ayos lang. Nasaan si Lyon?” 

“Hindi siya makakasama. Balita ko kabubukas lang ng bagong business ng mama niya sa ibang bayan. Isinama raw siya sa selebrasyon roon.” 

“Sayang naman. I have somewhere to show you.” 

Binaybay namin ang lupa na bakante ng natabas na mga tubò hanggang sa marating namin ang aspaltong daan. Maya maya ay pumara si Cassiel ng tricycle. Napatanga ako rito. 

Itinuro ni Cassiel ang daraanan noong sasakyan bago kami tahimik na naupo sa loob.

“Sorry, matatagalan kasi kung maglalakad tayo. Is this your first time riding this?” Nilingon niya ako mula sa maliit na pagitan namin. The vehicle is really small that our arms are bumping next to each other.

“Yes. But it’s okay. Hindi ko rin kasi maitakas si Apollo.”

Later on, we got out on the remote area of the hacienda. Base sa pagiging kakaiba ng tanawin at sa narinig ko sa sinabi ni Cassiel sa driver, ito ang dulo ng lupain namin. He paid before we trailed again.

Wala ng sementadong daan sa parteng iyon. Hindi ako sanay maglakad sa tubuhan kaya panay ang agapay sa akin ni Cassiel. Soon enough, we reached a wired end of the field. Ipinagtaka ko ang bakod ngunit mababa lang naman iyon at kayang hakbangin. 

Tinawid namin ang bakante at maputik na lupa hanggang sa marating ang isang sapa. Sa kabilang bahagi noon ay may hilera ng mga sunflower. 

“Wow! These are pretty!” Naibulalas ko nang matanaw ang mga dilaw na bulaklak.

The sun flowers stood on the other bunk of the flowing stream. The field was small and there were about three rows of the shrub.

“This is freshwater, right? I can wash my hands here?” Dinungaw ko ang malinaw na tubig sa sapa.

“Yes. Kahit inumin mo pa iyan.” Ani Cassiel.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ito ngunit pinanghugas ko pa rin ng kamay ang tubig. I also stared at my faint reflection in the water. Habang ginagawa ko iyon ay bigla akong sinabuyan ni Cassiel ng tubig sa mukha.

“Mababasa ang damit ko!” 

Umalma ako ngunit binawian rin ito. Masiyadong marami ang naisaboy ko rito. I laughed at him. He sprinkled more back at me and ran away. 

Of course, I chased after him until we were running on that side of the stream. 

“Puntahan natin iyon.” Itinuro ni Cassiel ang kabilang bahagi ng sapa.

“How?” 

“Halika. Hawakan mo ang kamay ko.” 

Nauna siyang tumapak sa mga magkakahiwalay na bato sa sapa. Iyon ang daraanan upang makatawid sa kabilang bahagi. Cassiel took a step and held out a hand for me as we took consequent leaps on the rocks. 

“See? It’s prettier upclose.” Aniya nang malapitan namin ang mga sunflower.

Pinanonood ko ito nang maglabas siya ng polaroid camera sa maliit niyang body bag. 

“Next summer pa ulit tayo magkikita, can I take a photo of you as remembrance?” 

I nodded. He placed the camera in front of me and I smiled at it. 

“Take a photo of the sunflowers too.” 

Sumunod naman si Cassiel at kinuhanan ang maliit na grupo ng mga tanim. He showed it to me and I was pleased at the polaroid photo.

“What’s after this?” Tanong ko dahil kakahuyan na ang nasa likod ng mga sunflower. 

“I don’t know.” 

“I wish there’s a big sunflower field here.” 

“That’s impossible.”

“I know. I just think that would be really pretty.”

I chuckled. Tipid na ngumiti pabalik si Cassiel. Tinitigan niya ako, parang nag-aalangan sa kung ano. Pinagtaasan ko ito ng kilay.

“What is it?”

Cassiel sighed and brought out something from his pocket. I gasped when I saw it was a sunflower hair clip. The pin itself was golden while there’s a huge sunflower on top.

“Here. Happy birthday.” 

I grazed my fingers on the hair clip. The water from the stream made noise, the sunflowers before us danced with the wind, and with a smile, I looked up at Cassiel. 

“Thank you.” 

He leaned before me and slid the clip on my hair. Pagkatapos ay inabutan niya ako ng post-it. May nakasulat roong phone number.

“That’s my nanay’s number. When you go back to America, you can call me there if you need a friend.” 

Continue Reading

You'll Also Like

217K 3.9K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.4M 94.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
169K 6.3K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...