Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 36: Hunt

1.4K 52 6
By Brave_Lily

Third Person's POV

Malim na ang gabi at wala pa ring tigil sa paghahanap ang binatang si Ginoong Hyun kay Haya. May masama kasi itong nararamdamang panganib para sa dalaga. Lalo na at gabi na.

Nagmadali na lamang itong umalis at nagtungo sa mga taong maaaring kumuha rito. Natitiyak niyang ang mga taong iyon ang nasa likod ng pagkawala ngayon ng dalaga. Kahit mapanganib ay susubukan niya pa rin alang-alang sa dalaga.

Samantala, masaya namang naglalakad sila Disha at Haya sa daan kasama si Ginoong Kang. Magtutungo sila ngayon sa tinutuluyang bahay ngayon nila Haya. Nasabi na rin ng dalaga kung sino ang tumulong sa kaniya para makaalis sa bahay na pinaglagyan sa kaniya.

Hindi naman inaasahan ni Disha sa si Ginoong Hyun lang pala ang taong iyon, pero may kung ano lamang siyang pinagtataka ngayon. Bakit hindi inuwi ng Ginoo si Haya sa palasyo? Sabagay nasa panganib ang buhay ngayon ng dalaga, kaya pinagsawalang-bahala na lamang niya ito dahil baka pinoprotektahan lamang niya ang dalaga sa taong dumukot dito.

Puno ng pananabik si Haya na makauwi at i-kwento na rin sa Ginoo ang mga tagpo sa araw ng dalaga. Habang patuloy sila sa pagbagtas ng daan ay aksidente namang napabangga si Ginoong Kang kay Ginoong Hyun. Hindi lumingon ang binata at nagpatuloy lamang sa paglalakad dahil nga nagmamadali ito. Hindi naman nakilala ni Ginoong Kang ang binata dahil sa pagmamadali nito, kaya naiwang itong nakanganga dahil makailang beses itong humingi ng paumanhin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Disha.

"Ah—ayos lang, Kamahalan." sagot nito at nagpatuloy na lamang ito sa paglalakad habang napapailing. Mahihirapan pa ata sila sa paghahanap sa isa't isa dahil nagkasalisi pa sila. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad.

Disha's POV

Nakarating na kami sa tinitirahan nila Haya. Hindi ko inaasahan na si Ginoong Hyun lang pala ang makakapagligtas kay Haya. Buti na lamang siya at hindi iba dahil baka napahamak na siya ngayon kung inuwi pa ito ng palasyo.

"Kamahalan, pumasok na tayo." sabi niya. Tumango na lamang ako bilang tugon at pumasok na nga kami.

Nang nasa loob na kami napansin ko kaagad ang laki ng bahay at ang mga ilaw na nakabukas. Mukhang nandito lang ang Ginoo.

"Ginoong Hyun! Ginoong Hyun!?" tawag pansin ni Haya pero wala kaming nakuhang sagot mula sa loob kaya pumasok na lamang kami.

Pinaghandaan kami ni Haya ng maiiunom dahil nilakad lang nga namin ang daan patungo dito. Nasa loob likod bahay kami ngayon kung saan daw sila madalas magpahinga ni Hyun. Maganda sa labas dahil tanaw ang bituin sa langit at may hardin pa sila.

"Mukhang hindi pa nakakauwi ang Ginoo, Kamahalan." saad nito. Tinanggap ko muna ang inumin.

"Salamat." saad ko sabay ngiti at inom ko.

Muli akong tumingin sa kaniya. "Ngayon lang ba ito nangyari? Lumalalim na ang gabi at delikado na sa labas. May alam ka bang lugar na maaari niyang puntahan?" tanong ko. Umiling lamang siya.

"Wala po, Kamahalan. Hindi niya naman kasi sinasabi sa akin ang mga lugar na pinupuntahan niya maliban na lamang kung bibili kami ng mga kakailanganin naming mga bagay sa labas." sagot niya. Tumango-tango na lamang ako.

"Gano'n ba? Eh…saan naman iyon pupunta?" mahina kong saad.

"Ahm...ang mas mabuti pa eh magpahinga na lamang tayo. Tiyak akong pagod na rin kayo. Maaaring gabihin ngayon si Ginoong Hyun kaya ipagpaliban na lamang natin ang gabing ito bukas ng umaga." saad ko nang matapos na kaming magpahinga saglit.

"Sige po, Kamahalan. May mga bakanteng silid naman po ang bahay na ito. Ihahanda ko lamang para sa inyo at nang makapagpahinga na rin kayo." sabi niya.

"Eh, paano ka? Hindi ka rin ba magpapahinga?" tanong ko.

"Hindi na muna, Kamahalan. Hihintayin ko na lamang si Ginoong Hyun. Hindi pa naman po ako inaantok. Medyo nasanay rin po kasi akong palagi siyang hinihintay, kaya mauna na lang po kayo magpahinga." sagot niya. Ngumiti na lamang ako sa kaniya.

"Sige po, aayusin ko lamang ang iyong matutulugan. Gano'n din sayo, Ginoong Kang." paalam niya. Pero hindi rin siya nagtagal dahil agad din niyang natapos ang paghahanda niya sa matutulugan namin. Hindi na rin kami nagtagal sa labas dahil pumasok na nga kami sa loob para nga makapagpahinga na rin kami.

Nakakapagod din ang araw na ito dahil sa mga nangyayari sa mga buhay-buhay namin. Di ko rin to inaasahan.

"Magandang gabi po, Kamahalan. Magpahinga na po kayo." paalam niya. Ngumiti na lamang ako sabay tango sa kaniya.

Third Person's POV

Kasalukuyan ngayong naghahanda ang kaharian para sa kaarawan ngayon ni prinsipe Xu'en. Malungkot ang araw niya ngayon dahil nawawala pa rin ang kaniyang ina. Magulo rin ang palasyo dahil narinig nitong tatanggalan na ng posisyon ang kaniyang ina bilang Reyna kung hindi pa ito babalik. Siya mismo ang nakarinig at nagmula pa ito sa kaniyang lolang Inang Reyna. Hindi niya rin mapigilang hindi umiyak dahil sa takot na baka tuluyan na nga silang magkahiwalay ng kaniyang ina nang panghabang-buhay.

"Mahal na prinsipe, 'wag ka ng malungkot!" singit ng isang babae. Napalingon na lamang ang prisipe. Namumukhaan niya ito, siya yung babaeng kasama ng kaniyang amang Hari pag-uwi nito. Hindi niya pa alam ang pangalan nito dahil minsan niya lamang itong nakita nang mapadaan ito sa labas.

Galit niyang tinignan ang babae sabay tulak nito kaya napaupo ito sa simento. Nagulat na lamang ang bata sa sunod na ginawa ng babae sa kaniya. Dahil umarteng nasakatan ito sabay iyak na parang bata kaya nakaagaw ito ng pansin sa mga taong nasa paligid.

"Waaaaaahhhhaa! Waaaaaaaaahhhhhh! G-Gusto lang naman kitang pangitiin eh! Waaaaaaahhhhhaaa!" iyak niya na parang bata sabay talikod at tago niya sa mukha para itago ang nagtitimping bulwak niyang mga tawa sa loob. Hindi niya mapigilang hindi magpigil dahil sa naging reaksyon ng batang si Xu'en.

Agad namang narinig ni Weyla ang pangyayari kaya agad itong lumapit sa kaniyang prinsipe. Tinignan niya ang bawat sulok ng kamay at pisngi nito kung may sugat ba o nasaktan ba ito.

"Anong nangyari sayo, Kamahalan? Ayos ka lamang ba? Nasaktan ka ba? Ha?" nag-aalalang tanong ni Weyla. Hindi kumibo ang prinsipe dahil seryoso itong nakatingin sa babae.

Napansin na rin ni Weyla ang tinitignan ng prinsipe kaya lumapit siya roon at kinalabit niya ito.

"Ahm...paumanhin ngunit nais ko lamang sanang malaman kung anong nangyayari dito? At bakit ka rin po umiiyak? Ano pong problema?" napalingon naman ang babae sa kaniya na may nakakalokong ngiti. Walang bakas ng mga luha ang makikita sa kaniya kaya mas lalong nainis ang prinsipe sa babae.

Kahit may takip ang kalahating mukha nito ng tela mahahalata naman sa kaniya ang labi nitong ngumingisi. Kaya napaatras si Weyla para siguraduhin ang kaligtasan ng prinsipe. Sa isip ni Weyla ay nababaliw na ang babaeng kaharap nila ngayon.

"Hindi ba't ikaw ang panauhin ng mahal na Hari? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Weyla dahil unti-unti niya na itong namumukhaan. Siya lang naman kasi ang babaeng may kalahating takip na tela sa mukha dito sa loob ng palasyo. Hindi naman siya mukhang tagapaglingkod ng kaharian dahil mas mukha pa itong aristocrat o may mataas na katungkulan.

"Wag kayo matakot, hindi naman ako kumakain ng bata." dahil sa sagot nito ay mas lalong napaatras si Weyla habang pinoprotektahan ang prinsipe sa kaniyang likuran.

"Kamahalan, dito ka lang sa likuran—" bago pa man maituloy ni Weyla ang nais nitong sabihin ay pinutol na ito agad ng prinsipe.

Hinawakan ni Prinsipe Xu'en ang kamay ni Weyla at sabay hila nito palayo sa lugar na kinaroroonan nila. Tumakbo sila at iniwan ang babaeng iyon, mas lalong bumulwak ang tawa nito dahil sa tuwa.

"Mag-iingat kayo!" paalala ng babae sa kanila at umalis na lamang ito na may ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya lamang inaasahan ang gagawin ng Prinsipe kaya nag-iwan ito ng bakas ng tuwa sa kaniya. Malalim na ngiti na para bang may binabalak ito.

Winaksi na lamang ng batang prinsipe ang inis niya. Sa layo ng tinakbo nila ay nakaabot na sila sa ilog na madalas puntahan nila ng kaniyang ina.

"K-Kamahalan...mukhang h-hindi na tatagal ang mga binti ko." narinig ito ng batang prinsipe kaya agad itong napahinto.

Hindi humarap ang prinsipe sa batang si Weyla dahil ayaw nitong makita ang mga luha nito. Ayaw niya ring magmukhang mahina sa harap ng ibang tao at mas lalo na sa kaniyang amang Hari. Nagpipigil lamang ito perong totoo ay pagod na itong magtimpi ng luha.

"M-Mahal na Prinsipe? Ayos ka lang ba?" usisa ni Weyla. Hindi ito sumagot bagkus ay umupo ito at sabay harap niya sa ilog. Kumuha ito ng isang pirasong bato sabay tapon nito ng buong lakas sa tubig.

Naiintindihan na ngayon ni Weyla ang sitwasyon. Sa loob ng ilang buwan sila lang naman ang palaging magkasama kaya alam niya rin ang sumpong ng batang prinsipe. Tumabi na lamang ito sa tabi ng prinsipe at isinandal niya ang ulo nito sa kaniyang balikat. Nakakatanda siya at alam niya kung anong nararamdaman ng isang nangungulila. Parehas silang dalawa kaya responsibilidad niya ngayon ang batang prinsipe.

"May nangyari ba, mahal na Prinsipe? Alam ko... Alam kong nahihirapan ka ngayon sa mga nangyayari kaya sana 'wag kang mawalan ng pag-asa dahil naniniwala akong babalik din sila ng ligtas dito. Hindi naman masamang malungkot, umiyak o tumawa kahit paminsan-minsan. Napapansin ko kasing nawawalan ka na nang sigla. 'Wag mo sanang ikulong ang sarili mo sa lahat ng mga taong nasa paligid sayo dahil lang sa lungkot na nararamdaman mo ngayon." mahinahong saad ni Weyla sa kaniya. Sa murang edad kaya niya nang magsalita ng mga bagay na malayo pa sa kaniyang gulang.

Napangiti si Weyla nang marinig nito ang mahinang hikbi ng batang prinsipe hanggang sa naging hagulgol na nga ito. Mahigpit na yumakap ang batang prinsipe sa kaniya at doon ito umiyak nang umiyak.

"Aww...ssshhh...kaya mo yan. Nandito pa naman ako. Hinding-hindi kita iiwan. Kapag nakauwi na sila sasalubungin natin sila nang mainit na yakap. Iiyak mo lang iyang nasa loob mo, Kamahalan." maging siya ay napaluha na rin sa kanilang sitwasyon.

Ilang minuto na ang nakakalipas at tumahan na nga sa pag-iyak ang prinsipe. Kwinento niya ang mga narinig niya noong hindi sila magkasama. Ang mga bagay na mas nagpalala sa pangungulila at pangamba nito kaya gano'n na lamang ang galit niya sa babaeng nakausap nila. Parehas na sila ngayon ni Weyla na puno nang pangamba para sa buhay ng Reyna. Sa ilang taong pagtitiis ng Reyna at pagsusumikap nito ay mababaliwala na lamang ba?

"Bumalik na tayo, Kamahalan. Kailangang malaman ng mahal na Hari ang mga binabalak nila." saad ni Weyla. Tumango na lamang ang prinsipe bilang tugon at bumalik na nga sila ng palasyo.

"Malas! Paanong hindi niyo nakuha ang mga iyon?! Akala ko ba hawak na ninyo sila?! Paano sila nakatakas?!  Mga inutil!" galit na sigaw ni Pinunong Ying dahil sa kapalpakan ng kanilang mga tauhan.

"Mabilis ang pangyayari at hindi man lamang namin iyon nasundan." saad naman ni Pinunong Qi.

"Tsk. Paano ba kasing nangyari at nawala sa inyo ang mga iyon?! Hindi ba't kakadakip pa lamang natin sa kanila?! Anong nangyari?! Paano ito nangyari?!" parang sasabog na sa galit ang kanilang Pinuno.

"Pinuno, hindi naman namin inaasahan iyon eh. At isa pa, hindi namin kilala ang mga bandidong nagtungo doon at sinalakay kami. Para silang mga mamamatay na gala at walang tigil nilang pinagpapaslang ang mga tauhan natin na nagbabanatay sa kanila doon." paliwanag ni Pinunong Hanbek.

"Ang mga taong iyon…para bang inutusan silang ubusin ang kalahati ng tauhan natin. Sa tingin ko ay may taong nag-utos sa kanila para sirain ang mga binabalak natin. Pero sino? Paano nila nalaman na doon natin dadalhin ang ating mga bihag?" saad naman ni Pinunong Seon.

"Tama ka, sa palagay ko'y may nakapasok na sa atin nang hindi natin nalalaman. Maaari ring isa sa atin?" tanong naman ni Pinunong Qi. Nagkatinginan silang lahat. Nagsisimula nang magbago ang kanilang mga pananaw para a isa't isa at unti-unti na itong nahahaluan ng pagdududa.

Itinaas ng kanilang Pinuno ang kaniyang sandata para pagbantaan silang tatlo. Mas lalo lamang naglit ang kanilang pinuno.

"Kapag nalaman kong nagtataksil kayo sa akin tatanggalin ko sa mapa ang buong angkan ninyo tandaan niyo 'yan." banta ni Pinunong Ying sa kanilang lahat.

Matapos ang ilang oras ng pagpupulong bakas sa labi ng isang lalaki ang tuwa. Bumulwak ito ng tawa nang makauwi ito sa kaniyang tirahan.

"AHAHAHAHA! Paano ba 'yan naunahan kita, HAHAHAHAHAHAHA!"

Disha's POV

"Anong kailangan niyo sa amin?! Pakawalan niyo kami!" sigaw ko.

Hindi namin ito inaasahan. Dahil kagabi lamang ay sinugod kami habang natutulog. Gising pa si Haya noon kaya naalimpungatan ako at nagising. Agad kong hinanap si Haya at laking gulat ko na lamang nang makita kong hawak ito ng mga lalaking nakaitim na parang mga assassins. Hawak-hawak nila si Haya kaya natakot ako para sa kaligtasan niya. Buti na lamang at nagising si Ginoong Kang tinulungan niya kaming makatakas. Ang kaso nga lang huli na para doon dahil pinapalibutan na pala nila kami.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil may kung anong kemikal silang pinaamoy sa amin. At ang huling natatandaan ko na lamang ay kung paano nila sinaksak ng kutsilyo si Ginoong Kang. At hindi ko na alam pa kung ano na ang kalagayan niya o kung buhay pa ba siya. Natatakot ako. Hindi lang para sa amin ni Haya kung hindi pati na rin sa batang nasa sinapupunan ko.

Pero matapos kaming madakip at dinala sa isang lugar na sa tingin ko ay malayo sa bayan na tinutuluyan namin ngayon ay, may ibang grupo na naman ang sumalakay sa amin at kinuha kami. At ayon na nga, andito kami ngayon sa puder nila at nasa loob ng karwahe nakatali. Hindi na namin alam kung nasaan na kami ngayon. Walang bintana sa gilid namin tanging mga siwang lamang ng karwahe.

"Mga kalaban!"

Napalinga-linga kaming dalawa at sabay na nagkatinginan nang marinig naming dalawa ni Haya ang ingay sa labas. Nagyakapan kaming dalawa dahil baka ito na nga ang katapusan namin. Sino ba sila? Ano bang pakay nila sa amin?

Ilang minuto na ang lumipas at huminto na rin sa wakas ang ingay sa labas. Sobrang tahimik hanggang sa may narinig akong boses ng isang bata.

"Buksan mo na, Kuya." kahit pabulong ay rinig na rinig ko pa rin ang maliit na boses ng isang bata mula sa labas.

Hanggang sa unti-unti na nga nilang binubuksan ang pintuan. Napatakip ako ng mata at gano'n din si Haya.

"Ayos na po ang lahat, Kamahalan. Ligtas na po kayo."

Dahan-dahang nagmulat ang aking mga mata at bumungad sa amin ang isang grupo ng mga tao na may mga dalang sandata. Napakurap-kurap pa ako dahil may kasama pa silang bata na sa tingin ko ay magkasing edad lang din kay Xu'en. Sino sila?

Continue Reading

You'll Also Like

114K 7.5K 67
Jade Makalaba has been struggling since she was born due to her illness. Ang tanging hiling lang niya ay gumaling mula sa kanyang sakit at magkaroon...
96.7K 3.4K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
1.7M 90.2K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
80K 3.3K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...