THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

بواسطة Rheevie

13.5K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... المزيد

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 58

106 49 8
بواسطة Rheevie

CHAPTER 58

Thrianne's POV

"I'm sorry hehehe" napapikit na lang ako sa inis. Malapit ko ng matapos itong painting at nakuha pang lagyan ng tubig ang pintura ni Sakuragi. Kainis, hindi na talaga ako tatantanan ng kamalasan sa buong araw.

"P-Pwede bang tumabi ka muna? Isang hagod ko na lang sa background oh, tsk"

"O-Okay hahahahah! Ay, tumatawag si Ate, sagutin ko muna ito"

Hindi ko na sya kinibo. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpipintura. Nasa mga ulap na ako, actually, pagkauwi ni Orange kagabi ay pinagpuyatan ko ang pagtapos sa obrang ito, ang pinakamalaking painting na nagawa ko sa buong buhay ko. Tulog na si Sakuragi kagabi kaya nagawa kong matapos ang kay Meriedal.

Pinahahalagahan ko ang bawat oras na pinipinta ko ito kaya't kahit mabilis kong matatapos ito ay nakuha nito ang pinakathe best na nagawa ko. Napangiti ako ng palihim. Ano kayang dahilan at bakit parang gusto ko ng bumalik sa pagpipinta?

"Kilein"

Napatingin ako sa baba. Si Rin. Nakapamulsa sya habang blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Bakit?"

"Bukas maghahanda na kayo ni Jehridale, sa mismong Department Festival"

Bumaba ako sa ladder kung saan ako nakatungtong kanina. Naalala ko yung sa papel na binigay nya.

"Magpeperform nga pala kami no?"

Ang tinutukoy ko ay ang mga kabandmates ko.

"Yes, kaya bukas palang magpraktis na kayo ng mga kabandmates mo—"

"Eh? Ano yun basta praktis lang? Tsk, one week ang preparation na ginagawa namin sa rehearsals"

"Don't worry about that, it's only an opening"

"Isa lang ba kakantahin ko?"

"Yeah"

"Ah, alam ba nila Crayden?"

"Yes, nasabihan ko na sila, and si Adrian muna ang naging pansamantalang vocal nila while practicing"

"Ano?"

"Tsk, bukas na ang paghahanda, starting morning pa lang tatapusin mo yang painting, and in the afternoon magpapraktis ka na sa banda ninyo, and papraktisin ka na ni Prof. Michelle sa pageant na sasalihan nyong dalawa sa gabi"

May pageant pa! Yawa..

Napakamot ako sa ulo.

"Ang daming gagawin.."

"That's your punishment..for being a red headed"

" Tsk oo na, ano pa? Mag gagawin pa ba?"

"May games before the pageant na kailangang salihan..."

"Oh?"

"Yes, and...I hope makasali ka, kasi sasali rin ako dun—"

"Ano? Ano ka bumabata? Wag na—"

"Hmm, gusto mo na yatang makapartner yung.."

Sumama ang mukha ko, " hindi ah, ang seloso mo tch"

"Nahh hahahah! OK ok, finish your tasks now"

"Okay"

Nagpahinga ako saglit after ng painting na iyon. Ilang saglit pa--

Kringgg

O_O

Sino naman ang tumatawag? Tsk, istorbo..

"Hello?"

"H-Hello K-Kilein?"garalgal at nanginginig ang boses na nasa kabilang linya.

Bahagya akong kinabahan. Bakit ganito ang nararamdaman ko?!

"Michaendra?"

"P-Please...h-help me.."

"Michaendra?! Nasaan ka?! Sabihin mo kung nasaan at pupuntahan kita!!"

"H-Help me—"

Tooot-

"Michaendra! Michaendra sagutin mo itong tawag!!"

Ilang beses kong tinawagan ang numero ni Michaendra pero hindi nya sinasagot. Napahilamos ako sa mukha, ano itong kabang umuusbong ngayon sa akin? May nangyayari na naman ba?!

Pocha! Mukhang kakailanganin ko ko si Weng ngayon ah!

"Weng! Weng sumagot ka!!" pinindot ko ang numero ni Weng dahil alam kong sya lang ang libre sa mga oras na ito.

Mabuti at sinagot nya ang tawag,"A-Ate Kilein?"

"Pumunta ka na dito bilis! Kailangan kita ngayon!"

"O-Okay po! Hintayin nyo ko dyan"

Binaba na nya ang tawag at nagumpisa na akong hanapin si Jehridale. Hindi ko alam kung ano itong kabang nasa loob ko, bakit ganito? Mukhang hindi lang yata si Michaendra ang nasa panganib! Pakiramdam ko pati ang taong iyon ay nasa panganib din!

Toot—

From UNKOWN NUMBER:

*KUNG NAIS MONG MAKITA ANG IYONG HINAHANAP, MAGTUNGO KA SA ROOFTOP, DOON TAYO MAGTUTUOS BLACK**

O_O

"Siraulo ka! Kapag may nangyaring masama sa dalawang iyon malalagot ka sa akin!" naisigaw ko sa cellphone ko kahit wala naman tumatawag. Sa sobrang inis ko ngayon at hindi ako mapakali, nasaan na ba si Sakuragi?! Ang tagal nya atang bumalik ah.

"A-Ate! Ate Kilein nandito na po ako!"

"Ikaw na ang maghanap kay Jehridale! Bilis!"

"S-Sige po!"

Wala na kaming inaksayang minuto, kumaripas ako ng takbo patungong rooftop. Wala na akong pakialam kung saang building pa, wala na rin akong inintindi kung mapagod pa ako sa kakahanap sa kanya, ang mahalaga ay mailigtas ko sya!

"Bwisit!"

Hindi ko nakita sa unang building na pinuntahan ko. Maya-maya pa-

Toot—

From the Unknown number**

*NASA BUILDING NG MGA SENIORS ANG ROOFTOP NA SINASABI KO**

Tinanaw ko ang gusali na sinasabi nya, kahit hingal na hingal ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Hindi ko talaga mapapayagang may mangyari ulit na hindi ko aasahan, ayaw ko ng mangyari ang kinatatakutan ko.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Pawang ang normal na paligid lang ang nakikita ko.

"Black..."

Awtomatiko akong lumingon sa likuran. Tumambad sa akin ang nakamaskarang lalaki. Pamilyar sa akin ang tindig nya at kung paano syang humawak ng patalim.

"Nasaan si Michaendra?"

"Relax Black..masyado ka namang nagmamadali, hindi naman namin sya papatayin ng tuluyan eh"

"Ilabas mo na sya,wag mong inaaksaya ang oras ko sa pakikipagdaldalan sayo, bibilangan kita ng tatlong segundo, pag hindi mo nailabas ang babaeng iyon ay malilintikan ka"

"Sa tingin mo matatakot ako?"

"Oo"

"Nakikipagbiruan ba ako sayo Black?"

"Nakikipagbiruan din ba ako sayo Messenger?!" nayayamot kong wika. Kanina pa mainit ang ulo ko dahil sa kanya.

"Ang bilis nanamg uminit ang ulo mo Black—"

Hindi na ako makatiis na hindi maupakan ang gagong ito,"Isa"

"Pero hindi mo ako matatalo—"

"Dalawa"

"Hindi mo ako mapasusunod—"

"Tatlo!"

"Talagang pinanganak kang bastos—"

*Swooosh!!

**Blaaaagggggggggg!*

Mabilis ko syang sinugod! Nagulantang siya ng makita nya akong nasa harap na nya ako!

"A-Anong?!—"

Dinakot ko ang mukha nya at binalibag nya sa sahig! Tumilapon sya na parang papel! Hindi pa ako nakontento, kinwelyuhan ko sya at pinatayo ko syang muli.

"Magsalita ka na Messenger, sabihin mo kung nasaan ang babaeng iyon!"

"W-Wala kang makukuhang—urkkk!!"

Tinuhod ko ang tiyan nya at inupper cut sa panga! Kita ko ang pamimilipit ng katawan nya sa sakit! Tsk,walang magagawa ang awa sa isang matigas na kalaban.

"Tumayo ka dyan! Ngayon mo ko subukan, tingin mo matatakot mo ako sa mga pananakot na binigay nyo sa akin?! Akala nyo hindi ko kayo makikilala?! Ha! Baka ako ang hindi ninyo kilala! Kilala lang nyo ako sa pangalang Black dahil iyan ang naging pangalan ko noong napariwara ang buhay ko! Ngayon magsalita ka ng bwiset ka! Nasaan si Michaendra!"

"S-Sinabi ko ng hindi ko sasabihi—"

Malakas kong binigwasan ang maskara nya sa mukha! Kaagad itong nabasag dahil sa ginawa ko, pero hindi pa doon nagtatapos, sa sobrang gigil ko ay dinaganan ko ng tuhod ang dibdib ng lalaki! Nagkabasag basag man ang maskara sa mukha nya ay nakatakip pa pala ng itim na panapal sa loob. Marahas kong binaba na parang mapupunit na ang balabal na iyon at—

TUMAMBAD SA AKIN SI SALDAZE HUNGBEON!!

"Sinasabi ko na nga ba't ikaw nga yan eh! Tama ba ako?! Messneger?!"

"Paano mo n-nalaman ang t-tungkol—"

"Hindi ako naloloko ng pangamoy ko Saldaze! Matagal ng panahon ninyo akong sinusundan sa fraternity ko pa lang! Pero bago ang lahat ng kamustahan, nasaan ang babaeng hinahanap ko?! Magsalita ka na! Ilang minuto ng nasayang ng dahil sayo gago ka!!"

Ngumisi lang sya at sinubukang magpumiglas pero mas lalo kong binigatan ang sarili. Inilapit ko ang mukha ko sa tainga nya.

"Pag may nangyaring masama kay Michaendra...hinihiling mo na ngayon ang iyong kamatayan Saldaze, papatayin kita ng mabilisan, pati na ang mga kasamahan mo"

"A-Ate Kilein! Ate Kilein tama na yan!" narinig kong pagtawag sa akin ni Weng. Pero hindi ko magawang bitawan ang lalaking ito, nandidilim ang mga paningin ko ng dahil sa kanya. Hindi lang iyon siguro dahil doon, kundi doon sa pagdamay nila sa ibang tao.

"H-Hehehe..i-iyon ay kung makikita mo pa sya ng buhay.." pigil hiningang pahayag nya. Lalo kong diniin ang sarili sa kanya, kinwelyuhan ko pa ulit sya at sasapakin na sana sya sa mukha ng yakapin ako ng mahigpit ni Weng sa likod para maawat sa ginagawa ko.

"Ate Kilein! Please! Tama na! Huminahon ka! Wag mong hayaang lamunin ka ulit ng galit sa puso mo! Magtiwala lang tayo, buhay pa si Michaendra!"

Doon na bumagsak ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, pinakiramdam kong muli ang sarili. Napahawak ako sa dibdib at pinipigilan ang sariling sumigaw dahil sa pagkayamot.

"Hahanapin ko sya kahit anong mangyari....wag mong patatakasin ang taong yan, hindi pa ako tapos sa kanya"

"Okay Ate"

"Ah, nahanap mo na si Jehridale?"

"O-Opo Ate, nasa History Dept. ko po sya nakita kanina"

"O sige, mamaya ko na alng sya kausapin, ikaw na bahala dito, pakisabi kila Rin ang mga nangyari"

"Sige po, ingat ka Ate Kil"

Tinapik ko ang balikat nya. Sa totoo lang ito palang ang pangalawang pagkakataon na inatasan ko sya. Malaki na ang tiwala ko sa kanya.

After niyon ay patakbo akong nilisan ang lugar. Tsk, mamaya ko kakaltukan si Sakuragi, pinag-aalala nya ako sa wala tsk tangina..

Pero kahit papaano nagawang kumalma ang loob ko. Hindi ko masyadongpoproblemahin ang lokong iyon. Sa ngayon ay si Michaendra, hintayin mo ako dyan...

Napadpad ako sa isang kanto na dating hideout ng mga napariwara, malakas ang kutob kong dito sya dinala.

Toooot—

From Unknown Number**

"Napakalakas talaga ng pakiramdam mo Kilein...akalain mong natagpuan mo ulit ang lugar na ito?"

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"Hehe..dito ka na magwawakas, ang babaeng hinahanap mo ay wala na—"

"Putangina ka! Nasaan si Michae! Nasan sya!"

"Woah woah...napakatatas mo pa ring magsalita, wag kang magalala, makikita mo ang hinahanap mo"

"Talaga bang inaaksaya ninyo ang oras ko?!"

"Masyado ka ng maingay, sige, dumiretso ka sa kantong nakita mo, doon ay may makikita kang plastic ng itim, doon namin sinilid ang babae"

Sinunod ko ang sinabi ng tumawag. Diniretso ko ang abandonadong kanto, at doon ko nakita ang nakasabit na plastic na itim, napakalaki niyon. Inabot ko ang plastic at naamoy ko ang pabango ni Michaendra!

Pinilas ko ang plastic. Nang tumambad ang babae ay kaagad kong inilapit ang pandinig ko sa kanyang hininga.

Hayss! Mabuti naman at buhay pa sya!

Napapikit ako at wala sa sariling niyakap sya. Naramdaman ko ang kanyang paggalaw.

"K-Kilein? I-Ikaw na ba yan?"

"Oo...Oo.."

Niyakap nya rin ako ng mahigpit katulad ng inaasahan. Nanginginig pa rin sya. Natatrauma pa rin sya sa nangyari.

"Ok ka na? Dalhin pa rin ba kita sa ospital?"

Tumango sya. Inalalayan ko syang tumayo, pero ang pagaakalang tapos na ang lahat ay hindi pa pala tapos. May mga lalaking nakamaskara ang nakaharang na sa amin.

"S-Sila...sila ang gumawa nito sa akin K-Kilein..."

"Ganon ba?" anas ko

Tatangkain ko na sanang lapitan sila pero inawat ako ni Michaendra. Umiling sya.

"W-Wag mo na silang labanan..."

"P-Pero—"

"Maraming paraan para tumakas hindi ba?"

Natauhan ako sa sinabi nya. Oo nga ano? Tsk, nang dahil sa galit ay nabubulag na ako sa maaaring paraan pa bukod sa pakikibasag ulo.

"Kaya mo pa bang tumalon?"

Umiling sya. Puro sugat at bugbog ang natamo nya sa mga nagtatangka sa kanya. Mabuti na lang talaga at may alam sya sa pagakyat o ano pa man, at sa alam ko, maaaring hindi sya natrukan ng lason ng organisasyon dahil palaban ang babaeng ito.

"Hindi na kayo makakaligtas, hindi na kayo makakalabas ng buhay..." dinig ko sa isa sa mga nakamaskara. Sininghalan ko sya.

"Mali ka, dahil kahit sa pader ay makakatakas kami, hindi ba Michaendra?"

Tumango sya at nginitian ako. Senyales na ayos na sya at pwede nang makagalaw. Sinenyasan ko na sya.

"Isa"

"Hindi ko kayo pararaanin-"

"Dalawa"

"Mga kasama! Patayin ang dalwang iyan!"

"Talon!!" napalakas ang sigaw ko, binuhat ko si Michaendra at binalibag sa pinakamataas na pader! Kahit medyo malaki ang babaeng iyon ay nakaya ko syang buhatin dahil mapayat sya.

"A-Anong?! Paano mo sya—"

"Bye bye" wala na akong ginawa sa kanya kundi tinakbo ko ang pader at kumapit sa maaaring kapitan sa edge ng pader. Matagumpay kaming nakatakas sa kanila!

"Habulin sila!"

Hinawakan ko ang kamay ni Micha para hindi sya mahulog sa bubong. Tinalon namin ang kasuod na bubong, hanggang sa marating namin ang kotse nya.
Binasag ko ang windshield.

"B-Bakit mo—"

"Mamaya na tayo magusap! Tara na!"

"O-Ok ok!"

Pinaharurot namin ang kotse nya papalayo sa lugar na iyon. Nakahinga kaming ng maluwag ng makarating sa SMU. Mabuti naman at hapon na iyon, mukhang naabisuhan ang guwardiya ng SMU na may paparating.

Mabilis naming naipark ang kotse. Diniretso ko sya sa kwarto namin ni Sakuragi,ng hindi na niisip kung ano ang maaaring kahihitnanan sakaling malamn nila kung nasaan kaming dalawa ngayon. May tiwala ako sa kasama ko. Katulad ng pagtitiwalang makakarating ako sa kanya sa paghingi ng tulong.

"K-Kilein...Im sorry.."

"Saan?"

"Dinamay ko kayo ni Rangovine dito..."

"Eh?"

"Naalala mo nung sinabi ko sayong may kapatid ako sa organisasyong iyon? Nasabi nya sa akin na hindi ka na sana idadamay kung hindi ka nakialam kay Rangovine noon, last one year ago...kung naalala mo pa.."

O_O

Anong ibig nyang sabihin doon? Hindi ko na magawang magusisa, kailangan ko na itong malaman mamaya.

"Mamaya ko na sasabihin Kilein...for now, kailangan kong magpahinga...andaming torture na ginawa nila sa akin...akala ko kanina mamamatay na ako e"

"Tsk, talagang mamamatay ka kung hindi ka humingi ng tulong noon sa akin eheh"

"Tss, mayabang ka pa rin hahahahaha"

Matapos kong gamutin ang sugat nya ay pumasok sa kwarto namin si Rin, kasama nya si Weng.

Kinwento nga sa kanya lahat. At nakita ko kung paano nagalit si Rin sa mga gumawa nito kay Michaendra. Gayunpaman, hinanap ng paningin ko si Sakuragi.

Tsk, mukha syang tanga, nakatingin sya sa painting na malapit ko ng matapos. Lagot ka ngayon Sakuragi, pinagaalala mo ko kanina ah. Masama ang tingin ko sa kanya kahit pagkababa pa lang.

Kumuha ako ng maliit na bato at dalawang daliri ang ginamit ko para ipitik iyon sa kanya. Kita ko kung paano syang magreact ng matamaan ko ang noo nya. Napaismid ako.

"A-Anong?! Sinong nagbato sa akin?!"

"Ako bakit?" siga kong tanong sa kanya. Ang kaninang pagkakunot noo nya ay biglang naglaho ng makita ako.

"R-Rukawa? San ka galing kanina? Ang sabi sa akin ni Weng—"

"May pinuntahan lang ako" pagiiba ko ng usapan. Nakapamulsa akong pinagmasdan ang gunggong. Mukhang wala naman atang nangyari sa kanya, "teka, ang sabi mo kanina tatawagan mo ang ate mo, pero bakit hindi ka bumalik kaagad?"

"H-Ha?"

"Alam mo namang nasa delikado tayong sitwasyon pero nakuha mo pang gumala? Paano kung napahamak ka? Turukan ka nila ng lason ng organisasyon? Sino ang mananagot? Diba ako?!Tangina.."

"A-Ah Kilein..sorry.."

"Saan ka ba kasi nagpunta kanina?"

"May tumawag kasi sa akin, nagsinungaling ako na si Ate ang tumawag, pero ang totoo...may siraulong tumawag sa akin na pumunta daw ako sa History Department kaya ayon.."

"At pumunta ka naman?"sininghalan ko sya.

"O-Oo.."

"Gunggong ka talaga"

"A-Anong sabi mo?"

"Gungggong ka talaga—"

"H-Hooo! Inulit mo lang eh..a-alam ko kung anong ginawa ninyo kanina, I'm sorry kung pinagaalala kita"

"E-Eh?! H-Hindi ah! HIndi ako nagaalala sayo, ang sinasabi ko—"

"Wag ka na ngang deny ng deny Rukawa! Naguumpisa ka na naman ah!"

"T-Tsk, tara na nga, nagugutom na ako"

Inunahan ko na sya sa paglalakad. Parang walang nangyaring gulo kanina. Pero kahit ganon, alam ko, naguumpisa pa lang ang lahat.








Jehridale's POV


DINNER

"Sino ang babaeng kasama nila Rukawa?" tanong ko sa binatilyo. Nginitian nya ako at muling ibinalik ang paningin sa kanila.

Ngingiti-ngiti ka jan...

"Hoy"

O_O

Nilingunan ko ang babae,"T-Thrianne bakit?"

"Anong plano mo bukas? Kasi sabi ni Rin magpapraktis ako sa banda namin para sa opening. Saan ka bukas?"

Napaisip ako. Pangwalo yata ang task na iyon sa papel na ibinigay ni Prof. Tsk, sa ganitong delikadong sitwasyon ay hindi ako maaaring humiwalay sa kanila.

"K-Kung saan kayo magpapraktis bukas nandun din nalang ako"

"Okay"

"Ate, okay na ba sya?" tinutukoy ni Weng ang babaeng kasa-kasama nila Rukawa kanina.

"Oo, mukhang hindi naman sya lubhang nasaktan"

"Mabuti po kung ganon..."

"Tsk, walang pinipiling araw ang mga tarantado...bigla bigla na lang silang sumusugod pag alam nilang ipit ang schedule ko"

"Napansin ko din po yun ate, kung hindi ako nagkakamali, ang Messenger ng organisasyon ay kasalukuyang hawak ni Officer Adrin, pero...sinabi nya sa amin na naloko daw kayo"

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi lang naman sya ang Messenger ng organisasyon, ang totoo nyan, ang iisang contact number na ginamit sa pagpapadala ng mga mensahe nila sa kanilang mabibiktima ay may sampung kopya. Ibig sabihin, hindi lang iisa ang may hawak ng contact number na iyon, kundi siyam pang iba"

"What? Ang weird"

"Oo nga eh, pero pinaiimbestigahan na ni Officer Adrin ang tungkol dyan. Hanggang sa ngayon yun lang ibinigay na impormasyon ng Hungbeon."

Namamangha ako sa paraan ng dalawa kapag naguusap. Para silang kaswal lamang, na parang walang nangyari. Gayunpman, hindi ko maiwasang kabahan. Ang Saldaze Hungbeon pala na kausap ko noong nakaraang gabi ay totoo palang sya ang nanghimasok noon sa kwarto namin ni Rukawa.

Sinabi lahat ni Weng sa akin. Noong una ayaw kong maniwala pero ng malaman kong ang taong yun din ang nagtext sa akin nitong nakaraan about sa pagbabanta sa buhay ko. Nakakainis, hindi ko masabi sa mga kaibigan ko, ayaw kong mag-alala sila hangga't maaari. Wala na akong pakialam.

"Hindi ako pinahintulutan ni Inspector Urdan na makausap ang siraulong yun. Nangingialam daw ako eh" nakangising sabi ng babae. Hindi ko na iyon nagawang intindihin dahil naaamoy ko na ang nakahandang pagkain sa table namin.

"I heard sobra ka daw nag-alala sa akin Kilein..thank you" paguumpisa ng babae. Bumusangot ang mukha ni Rukawa.

"Tsk, masyado ka kasing uto-uto, wag ka ngang magpapaniwala dyan sa katabi mo" tinukoy nya si Weng. Mahinang natawa ang mga katabi nya maliban sa akin. Sa totoo lang wala akong mainitindihan sa pinag-uusapan nila.

"Kamusta na pakiramdam mo Miss Collins?"si Prof. Rin.

"Okay naman po Prof. after this kailangan ko na sigurong umuwi sa province, hindi na ako ligtas dito eh"

"Tamang tama, isama mo na rin si Rangovine kung gusto mo"

"Bakit? Nasa panganib din ba sya?"

"Oo"

"Oh.."

"Hindi ko alam kung anong topak ng mga taong iyon, pero sa paraan nila...para silang naghahanap ng gulo"

"Eh?" napalingon sa kanya ang fiancé. Nagbuntong hininga si Rukawa habang pinagkrus ang mga kamay sa table, tila malalim ang iniisip.

"Wala pa tayo sa kalahati, dahil dinamay nila si Orange dito. Kung magagawa nating mapalitaw ang mga myembro nila ng hindi magagalaw ang sinuman, mas magiging madali iyon."

"Pero paano mo magagawa iyon Thrianne?"

"Hindi ko alam. Sa ngayon, wala tayong pamimilian kundi ang ingatan na lang ang sarili"

Natahimik ang lahat sa kanya. Maski ako. Isang tanong ang nanaig sa akin, sino ba talaga ang babaeng ito? Bakit obligasyon nya pang bantayan ang mga biktimang masasangkot sa kasong ito? Hindi naman sya detective, ni ang maging secret agent ay wala sa itsura nya. Nakakainis na talaga.

"Kung mababantayan ko ng husto ang mga bibiktimahin nila, kinakailangan kong...ipain ang sarili ko"

Nagulat ako sa huling sinabi ng babaeng iyon. Mas lalo akong naguluhan. Nagkahalo-halong emosyon ang nasa loob ko ngayon, kasali na doon ang pag-aalala...

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

3.4M 71.4K 97
BLACK X! the infamous Gangster around the World... No clear Identity especially to their Leader BLACK! No one can defeat them because they are the st...
107K 3.3K 53
Highest Rank Achieved #137 in Mystery/Thriller This is a place where KILLING is Legal, Don't you dare to enter this school because you will regret it...
926K 4.1K 6
She's a PRINCESS. Being a GANGSTER is her STYLE. In UNDERGROUND BATTLE, no one can STOP her nor beat the DEMON inside her. You'll regret if you'll me...
1.1M 28.2K 80
The girl who is respected by people, the Woman who wants a justice for her parents death, A lady who fall inlove with the dorky, funny, and sometimes...