THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

Rheevie द्वारा

13.4K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... अधिक

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 43

92 52 2
Rheevie द्वारा


CHAPTER 43

Thrianne's POV

After ng announce na yon ni Dean ay nagpasya na kaming dumaan ni Orange sa locker room.

"Nakakainis! Tayo na nga tong inaway tapos.."

"Hayaan muna.."

"P-Pero kasi! Grr! Nabibwiset ako alam mo ba yun? Wala naman tayong ginawang masama sa kanila eh! Tapos tayo pa tong sinuspinde?! Ang astig naman nila! Kakaiba talaga itong SMU eh no!"

"Hayaan mo na nga kasi"

"Sorry Thri ah..kung hindi dahil sa kin hindi ka sana madadamay at-" tinakpan ko na ang bibig nya. Grabe ang bunganga nya tch.

"Para saan pa't nangako ako na babantayan kita?" nakangiwing sabi ko." Sinabi ko na noon, ayaw kong sinasaktan ka ng ibang tao"

"Waaaahhhh! Huhuhu!"

Iniurong ko ang sarili sa kanya."Ano na naman yan?"

Pinupunasan nya kunwari ang mga butyl sa gilid ng mata kahit na wala naman,"K-Kasi ang sweet sweet mo na Thrianne!! Huhuhuhuh!"

"Tch baliw"iiling iling akong natawa. Pagkaakyat namin ay may humila sa bag ko paibaba. Nawalan ako ng balanse dahilan para mapaigtad akong sumubsob sa hagdanan.

"Halaaa!!! Thrianne!"

Hindi ako kaagad nakabangon sa pagkakaupo. Inalalayan pa ako ng kaibigan ko para makatayo. Pinagpagan ko ang sarili.

"Ang lampa mo naman!"

Ah, boses ni Aso. Syempre pa e di si Gary Disinsyon. Iniisip ko na nga ba eh, hindi sya maaaring mawala sa eksena sa araw na ito. Pero dahil wala akong paki sa presensya nya, iniangat ko ang ulo at tinignan lang sya na parang wala lang.

"Binugbog mo ang syota ko Rukawa! Baka nakakalimutan mo?!"

Nginisihan ko sya. "Hindi ko ugaling makalimot sa mga taong binugbog ko"

"Aba't nasuspinde ka na't lahat ang yabang mo pa rin?! Gusto mong tuluyan ka ng maexpell ha?!"

Hinarang na sya ni Rangovine, " Wag kang magkakamaling hawakan ang kaibigan ko! Sa akin ka muna dadaan-"

"At ikaw pokpok?! Gusto mong madamay dito ha?! Parehas kayong mayayabang nitong tropa mo eh no? Wag kang mag-alala, umpisa pa lang yung pinatikim ko sa inyo noon, ngayong binangga-"

"Ang daldal mo pota" wala ako sa sariling tumayo at inilayo na si Orange palayo. Ayaw ko na namang madamay ang kaibigan ko dito. Kung kinakailangang maging bastos sa harap ng lahat gagawin ko.

Nung inakala kong nakalayo na kami ay nagkamali ako. May humigit sa braso ko.

"Tangina ka ah! Ang lakas mong talikuran ako! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Tinanggal ko ng marahas ang pagkakahawak nya sa balikat ko at pinanlisikan sya ng mata. Nagsisimula nang uminit ang ulo ko.

"Alam mo bang nakakabobo kang kausap?! Paulit ulit kasi ang mga sinasabi mo eh!"

"A-Ano?!"

"Parehas kayo ng syota mo ulul"

Mabilis ko na syang tinalikuran. Nagtungo na kami sa cr.

"Thri ok ka lang ba?"

"Oo naman"

"Grabe no? Andami namang nangyari! Una yung sa-"

"Wag mo ng balikan pa, hayaan mo na lang"

"P-Pero nag-aalala ako, umuwi na kaya tayo? Kasi sigurado hindi nila tayo titigilan!"

"Magkacutting tayo ganon?"

"Eh kasi-"

"Wag mo kong alalahanin Orange, tutal ay masususpende na nga tayo eh, at isa pa ayaw ko munang unahin ang sarili ko."

Wala na akong narinig na pagkontra mula sa kanya. Napabuntong hininga na ako. INaasahan ko na ngang madami na naman ang mga estudyanteng mangtitrip sa amin pagkatapos ng nangyari. Gayunpaman ay hindi ko maaaring pabayaan si Orange, lalo na ngayong mas lalong lumiliit ang mundo namin.

Bwiset..

DISMISSAL

After ng nangyaring iyon ay nag-inat inat ako. Hindi ko marinig ang mga pinaguusapan nila Allison dahil nananatili akong malalim ang iniisip. Nakakainis. Wala akong control sa sitwasyon. Mabilis kasing uminit talaga ang ulo ko kaya talagang napapahamak kami. Wala kaming salitaan habang papauwi sa bahay. Tuloy ay tinawagan ko na lang si Yashiko. Kailangan ko sigurong magpalamig ng ulo, hindi pwedeng paabutin ko ito ng ilang araw.

Nasa mall na kami. Kinausap ko kasi ang babaeng iyon na gumala muna kami. Mamaya ko na lang ikekwento, tutal ay may madaldal naman akong kasama.

"Waaaahhhh!!! Oh tapos?!" umaalingawngaw ang boses ni Yashiko sa loob ng mall. Napailing akong bumuntong hininga.Nagkekwento si Orange sa kanya.

"Tapos ayun! Nung pinakita sakin nung impaktang Vanessa na yon yung mga pictures namin ni Jaycie, kung ano anong pinagsasabi ng hayop na yun! Tapos ito pa! Alam mo bang sinapak sya kanina ni Jehridale?! Lintik ang gulat ko kanina eh! Hindi ko alam na nananapak sya ng babae men!"

"Hala totoo ba yan?! Oh my god! oh my god! oh my god!!!" at dahil OA silang pareho ngayon ay medyo lumayo ako sa kanila. Ang ingay kasi ng dalawang ito. Daig pa nila ang pagiging speaker ngayon.

"Oo nga! Aba kung hindi sila naawat baka silang dalawa pa ang nagsuntukan eh! Nakakatakot kaya!"

"Bilib ako sa isang yon, trabaho nyang sumingit palagi sa mga eksena, para syang si Gary"

"Gary?! Sino naman yan!"

"Si Gary Disinsyon alalay! Sya yung jowakis nitong si Vanessa!!"

"Hala!!! Gulo nga yan! Oh tapos anong ginawa?!"

"After nung pinatawag kami kanina sa Dean's office niresbakan na kaagad kami nun eh! Nakakaloka yung mga yun! Wala kaming pahinga sa kanila eh!"

"Oh my god!"

"Tch, kung hindi lang nangyari yung sa kanila ni Airon hindi sana mangyayari yan"

"Teka ano bang nangyari?! Ang gulo ah! Paanong lumaki ang gulo ng ganyan ha?"

"Kasi kanina nga diba sabi ko may pinakitang pictures namin ni Jaycie! Hindi nga nila alam na kaibigan ko lang sya! Ang issue nila grabe! Gagawa sila ng paraan para masira ako!"

"Kasi nga alam nilang malapit ka kay Kil kaya ang lakas ng loob ng mga yan!"

Marahas akong bumuntong hininga sa kanila. Sa paraan na ginagawa ko ngayon, at least Nawala ang trauma ni Orange. Nagugutom na ako sa paglalakad. Kinalabit ko silang dalawa.

"Oh?"

"Gutom na ako"

Inismiran ako ng abnoy, " hay nako! Ah teka! Nagugutom na din ako eh! Alam mo bang hindi rin kami nakakain kanina sa canteen? Haaaayyyyyy! Nakakastress talaga yun!"

"Alam nyo mas lalo yata akong naeexcite na magtransfer dyan sa impyerno nyong school! Hahahahaha! Punong puno kayo ng adventure araw-araw!"

"Baliw ka alalay! Araw-araw kaming pinapatay doon ano!"

"Kanina mo pa ako tinatawag na alalay ah! Hindi ka titigil ha!?"

Sa yamot ko sa kanilang dalawa ay Nagpauna na ako. Kanina pa ako nagugutom at wala na akong panahon pa para makinig sa away nila. Matapos naming kumain ay palakad-lakad lang kami sa mall. Walang tigil ang kwentuhan at bangayan nilang dalawa. Well ano nga bang inaasahan ko sa dalawang ito, pareho silang pinaglihi sa aso't pusa.

"Oy! Alam mo bang pinatawag kami ni Mitch noong Sunday ha?!" umakbay sa akin si Yash. Pinakalma ko ang sarili.

"Oo"

Maya-maya pa..

"Hmm...hala! Si Hanabi ba iyon?" duro nya sa babaeng nakadress na kanina pa nakatingala sa malaking painting na nakapaskil sa dingding. Hindi ko na pinagmasdan ang painting dahil nahuli n paningin ko si Yashikong tumatakbo habang nakaheels. Natatawa na lang akong nilapitan ang kinaroroonan nung babae.

"Hi Hanabi!"

Ngiti ang iginawad nito sa amin. Kapansin-pansin ang maganda nitong korte ng kanyang buhok na alam kong kakakulot lang niyon. Mukhang masaya sya.

"Hello-ah kayo pala!"

"Magkakilala kayo alalay?" sabat ni Orange. Nginisihan ko sya. Halatang clueless ang isang ito sa isa sa mga katangian ni Yashiko.

"Naalala mo yung sa birthday party ni Shinichi? Actually doon ko pa lang sya nakilala!"
Nagtatakang tumingin sa kanya ang babae, "p-pero hindi naman ako nakipagkilala"

"Wah hahaha! Kilala ka ni Weng, I mean...yung kaibigan ko sa café" pagsisinungaling pa nya."basta marami na akong alam tungkol sayo, teka, namamasyal ka pala dito?"

Nagugulat na napatingin sa kanya ang babae."A-Ah oo, kapag walang klase or bored ganon"

"Eh? Ano namang ginagawa mo dito?"

"H-Huh?"

"Ako na" awat ko sa kanya, "mag-isa kang gumagala dito?"

"Oo, hmm..namamasyal din kayo ngayon?"

"Yup"

"Ah, actually kaya nandito ako ngayon kasi sabi nung managaer ng bookstore wala daw silang stocks nung nakaraang linggo nung isang libro na pwede kong basahin about sa military"

"Military course?" nagtatakang tanong ko. Tumango sya.

Hindi ko na sya kinwestyon tungkol doon. Alam ko ang tungkol sa mga naging desisyon ng babaeng ito about sa kanyang buhay. Fan kasi sya ni Yashiko, bukod doon, halos lahat naman yata alam ang tungkol doon.

"Meron akong alam na libro kung sakaling wala pang stocks ang hinahanap mo" nakapamulsa kong rekomenda. Biglang kumislap ang nananamlay nyang mga mata.

"R-Really?!"

"Yes"

"O-Okay! Ahm pwede mo bang ipakita yun sakin? Need ko talaga eh"

"Sige lang"



Orange's POV

Kapansin pansin ang pagiigng kalmado ni Thri habang kasama ang babaeng iyon. Kung tama ang pagkakaalala ko, sya nga yung babaeng nakasayaw noon ni Shinichi. Anong nangyari at nandito sya ngayon? Siguro spiya din sya.

"Alam mo, sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Kil, ngayon ko lang talaga napatunayang nagbago na nga sya" dinig kong sabi ni Yashiko. Hindi ko sya tinanggihan sa sinabi nyang yon, totoo naman kasi ang sinabi nya. At nakikita ko ang progression ng babaita.

"Dati kasi, hindi nya magagawang protektahan ang iba" dagdag pa nya. Aksidenteng iniangat ko ang ulo sa kanya. Kilala namin si Thrianne noon bilang barumbado at walang sinasanto. Pero ngayon...

Isa na syang babaeng gentleman na demonyo...

Natawa ako sa isip. Hindi ko man aminin ay totoong natutuwa ako. Kahit mabilis uminit ang ulo nya ay kahit papaano nakokontrol naman nya.

Hinintay namin sila na makapamili ng libro habang kami naman ni Yashiko ay nagbabasa na lang ng libro. Sa totoo lang napapagod na akong makipagdiskusyon sa kanya. Ubos na yata ang lakas ko.

"Pwede mo naman tong basahin" dinig ko kay Thri. Papalapit na sila rito.

"Oh ano? Nakapamili na kayo?"

"Oo"

"A-Ahm ako na ang pipila, thanks ah!"

"Sige lang" nginitian sya ni Thri. Nakapamulsa syang nakatingin sa amin. Sinilip nya si Yashiko, napansin nyang ang buong cart ng babae ay puno na naman ng libro.

"Hay nako! Kung bakit naman kasi pinayagan mo pang sumama yan eh gagastos yan sa kakabili ng pocket books! Wala na namang ipapasweldo yan!"

"Excuse me?" mataray na singit ni Alalay, "marami akong pera Rangovine, so-"

"Oo na boss! Wag mo ng ipangalandakan yan! Baka kidnappin ka pa eh!"

"Huh?"

"Whatever!"inis kong sabi. Tinalikuran ko na sya. Pinagmasdan ko na lang si Thri habang nakatingin lang kay Hanabi. Hindi ko Tuloy maiwasang mainggit sa babaeng iyon. Kung ikukumpara sa akin, lamang sya ng isang libong paligo. Kumbaga, sa mga tipo ng boys, top 2 sya sa ranking.

Pagkabili nya sa libro ay sinabayan na namin sya sa paglalakad. Gustong gusto ko ang pagiging mahinhin nya kaysa doon sa gf ni Sakuragi. Si Aoko ang tinutukoy ko. Pure ang pagiging babae nito.

" A-Ah hanggang dito na lang...ahm..thank you talaga ah, kung hindi dahil sa inyo baka wala pa akong mahanap na kailangan kong books"

"Okay lang" tipid na sagot nito. Sinilip ko ang magaling na babae. Kanina pa sya nakatingin sa mukha ni Hanabi.

"Namumutla ka" sabi nya sa babae. Pinanlakihan ko sya ng mata. Ano bang pinagsasabi nya? Hindi man lang talaga sya marunong mag-ingat sa sasabihin! Jusko! Hinawakan ko na sya sa braso, baka kasi masamain pa ng kausap eh.

"A-Ah eh..okay lang ako..sige mauuna na ako, thank you ulet" nagbow muna sya. Nginitian pa muna kami bago sya tuluyang umalis. Nayayamot akong kinompronta si Thri.

"Ano ba yun ha? Bakit mo sinabi yun?"

"Ang alin?"

"Sinabihan mo syang namumutla Thri! Hindi mo dapat sya sinabihan nyan!"

"Tsh, hindi ka nakakahalata?" nakangiwing ani ni Yashi, " namumutla kaya si Hanabi, para syang may sakit"

"Pati ba naman ikaw alalay?!"

"Ano ba! Hindi nga ako alalay sabi eh!"

"Hayss" bumuntong hininga ang magaling na babae. Nakapamulsa na syang iniwan kami. Hindi ko sya tinigilan hanggat hindi nya sinasagot ang tanong ko. Nacucurious ako. Ano ba yung ibig nyang sabihin doon? Nakakainis!



Hanabi's POV

" HANABI? Where have you been?" tanong ni Dad habang inaayos ang mga papeles. Pinapunta nya ako rito sa opisina para lang sermonan ako. " di ba sinabi ko na sayo na hindi ka pwedeng umalis ng basta-basta sa bahay?"

Hindi ko sya kinibo. Nanatili na lang akong nakatingin sa halaman na nakalagay sa sulok. Narinig ko na lang ang gulong ng kanyang swivel chair.

"Bakit ba sa tuwing pinagsasabihan kita ay lalo ka ng lumalala, ganyan na ba katigas ang ulo mo?"

Naramdaman ko ang paglapit nya kaya nag-angat na ako ng tingin.

"Lately, you've been ignoring my calls, and the last time Nadia reported me that you're not around? Saan ka ba nagpupupunta?! Ni wala kang sinasabi sa akin Hanabi! Ako ang Dad mo pero pakiramdam ko parang binabalewala mo ang pag-aalala ko sayo!"

Hindi ko na napigilan ang sariling napangisi, ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ito sa harap nya.

"A-Anong--"

"You are...worried? To me?" sarkastiko kong tanong sa kanya. " how?"

"Ano bang sinasabi mong Bata ka?!"

" Paano nangyari yun Dad? Eh samantalang...palagi kayong narito at palagi nyo ring pinakikialaman ang buhay ko?"

Nanlaki ang mga mata nyang nakatitig sa akin, " San mo natutunang sagutin ako ng ganyan?"

" Try to ask your self Daddy" nakangiwing sagot ko. Nag-iwas ako ng tingin at magtatangka sanang lumabas na lang ng kwartong iyon ng hawakan nya ang pulsuhan ko. Marahas nya akong hinarap sa kanya at malakas na sinampal!

" Boisterous kid! You're being a nonsense!"

Nangingilid na ang mga luha ko, hindi ko na rin mapigilang hindi ilabas ang sama ng loob ko. Palagi na lang ganito, kapag Hindi ko nasusunod ang mga pinaguutos nya sinasaktan nya ako, sinasampal at minsan kapag sobrang galit na nya, naghahanap sya ng sinturon at pinanghahampas sa akin. Para akong bata na kailangan pang alagaan at protektahan. Nakakainis..

Nagtitiim na ang bagang kong napatitig sa kanya.

"Alam mo Kung gaano ako naghirap para mapalaki ka ng maayos, ang bilhin lahat ng luho mo, lahat ng gusto mo, binigay ko lahat para Lang maging maayos ka! Pero Ito ang isusukli mo sa lahat ng paghihirap ko sayo?!"

" Paghihirap?! Ha!" napasinghal ako, " pinalaki ng maayos? Talaga ba Dad? Hindi ko naman naramdaman yan lahat ah, bakit kung makapanumbat kayo parang...alam nyo talaga lahat ng nararamdaman ko nung iniwan nyo si Mom at...kinidnap ako mula sa kanya?"

Sandaling katahimikan ang nanaig sa tensyon namin ni Daddy. Galit ang mga mata nyang nakatitig sa akin, pero mas lamang ang galit na matagal ko ng kinikimkim sa loob ko. Matapos ang dekadang pagtitimping masabi ko iyon sa harap nya ay heto at nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ito.

"Sabagay...paano nyo nga Naman malalaman kung ano ang side ko, kung puro..sarili nyo lang iniisip nyo?"

"Sarili?! Kung sarili ko ang iniisip ko nung mga panahong inalagaan Kita at pinalaki ay di sana Tayo magkaharap ngayon anak! At mas lalong Hindi Kita kinidnap sa Mommy mo!"

"Ah talaga? Paano ninyo nasabi? Kung kitang Kita ko sa mga mata ko, kung gaano kayo kadesperado sa buhay na tinatamasa niyo ngayon! Hindi na ako naniniwala....at...pinagsisihan kong naging ama kita.." Hindi ko na matiis ang mga luhang pilit Kong pinipigilan.

"Sa buong buhay ko Hanabi, Wala akong ibang inisip kundi ang magkaroon Tayo ng matiwasay na buhay, at magkaroon ng buong pamilya..."

"Pero ang Mommy mo, sya ang sumira ng lahat! Niloko nya ako! Hindi ko...Hindi ko maintindihan Kung bakit at paano nya ako niloko, sumama sya sa ibang lalaki dahil hindi daw ako sapat sa kanya?!"

Nagulantang ako sa sinabi nya. Tila Hindi ko inaasahan, sa tagal ng panahon Kong gustong malaman kung bakit nagawa ng Daddy ko na iwan si Mommy, ay ito pala ang sagot. Pero Hindi ko pa Rin magawang paniwalaan.

"Ginagawan nyo ng rason iyan Dad para siraan si Mommy sa akin!"

"Makinig ka sa akin Hanabi, almost 2 months ng buntis Ang Mommy mo ng malaman ko kung sino ang palagi nyang kasa-kasama, noong una binalewala ko kasi akala ko chismis lang...pero..pero hindi ko alam na totoo pala talaga, lalo na ng mahuli ko sila..."

Naiiling akong napatakip ng bibig. This is can't be true...

"Alam ni Haniol kung gaano ko sya kamahal, pero hindi ko akalain na magagawa nyang lokohin ako"

"K-Kung ganon Hindi ko kayo tunay na ama?"

"Hindi, tunay kitang anak Hanabi, ang totoo, after ng malaman Kong buntis Ang Mommy mo, pinaDNA test na Kita sa Amerika."

Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman o irereak nung mga oras na iyon. Para akong nabuhusan ng yelo. Hindi ko matanggap, napakabait ni Mommy sa akin, at...after ng ilang taon malalaman ko na Lang na..

"I-I'm sorry Daddy" sinsero kong Sabi at naiiyak na yumakap sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na umiyak ako sa harap ng tao. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong bastusin sya ng harap-harapan. Maski naman ako ay parang nakokonsensya. Daddy ko pa Rin sya, at may mga pagkakataong hindi ko inaasahan na may nangyari pala noon.

"Okay lang hija, sige na umuwi ka na, at wag mo ng uulitin pang lumabas ng hindi nagpapaalam"

"O-Opo"

Lumabas ako ng opisina nya ng may halong kaba at takot. Takot, na kung malalaman nya ang isa pang katotohanan sa akin ay baka mapilitan syang ihinto ang pagpapatakbo sa kompanyang batid Kong minahal nya ng higit sa pamilya.

"Ah Ma'am Hanabi, pupunta pa po ba tayo ng ospital?" bulong ni Dani sa akin. Tinanguan ko sya.

"Kailangan kong magpunta doon, kailangan malaman ko na ang resulta"

"Mag-iingat po kayo, wag po kayong mag-alala, ako na po bahala sa Daddy ninyo"

"Thank you" nakangiti kong Sabi. Pagkarating sa ospital ay kaagad Kong pinuntahan si Doc Arnaldo.

"A-Ano hong ibig sabihin nito Doc?"

Hindi nya ako sinagot. Muli kong pinagmasdan ang test results. Muli akong nag-angat ng tingin. Umiling sya. Napatakip na lang ako sa bibig. Pagkatapos ng rebelasyong iyon ay umuwi ako sa bahay ng dala ang buong lungkot na maaari kong dalhin habambuhay...

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

150K 3.6K 46
Handa kana 'bang pumasok sa University na hindi nasasaklaw nang gobyerno? Na kahit pumatay ka legal? Ngunit hindi lang ito basta-basta patayan. Tuk...
1.1M 13.9K 84
He doesn't believe in LOVE. He have his reasons. She believes in LOVE. And making him believe is her mission. Will she succeed or just like him, she'...
Project LOKI ① akosiibarra द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
2.3K 184 21
A lovely young lady who grows up in mortal realm, discovered that she's no ordinary girl in the midst of chaos. She meet a friends who will bring he...