THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

Von Rheevie

13.5K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... Mehr

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 42

81 55 7
Von Rheevie

CHAPTER 42

Thrianne's POV

Matapos kong sabihin ang mga iyon ay Sinadya ko ng iwan ang mga taong naroon. Kailangan ko ng magpalamig ng ulo, baka kung ano pa ang magawa ko sakaling ipatawag pa ako. Nagtungo ako sa music room. Alam ko ng mga oras na iyon ay nasa likuran ko na si Shinichi.

Nang makarating sa music room ay nilingunan ko sya. Nag-aalala man sya ay hindi nya makuhang magsalita. Siguro hindi nya alam ang sasabihin pa. Napabuntong hininga ako.

"Ayos lang ako, pwede mo na akong iwan.."

Umiiling iling sya. Para bang tinanggihan nya ako sa unang pagkakataon, gusto nya akong samahan ngayon. Nitong mga nakaraan ay hindi nya nagagawa yan dahil Siguro sa pagitan namin ng kanyang kaibigan at sa kaaway nito. Alam ko ang sitwasyon nya pero hindi ko alam kung bakit kailangan pa nyang gawin ito?

Naupo na ako at binuhat ang giatarang nakasalansan sa pader. Biglang pumasok sa isip ko si Orange..

Bakit bigla syang nadamay dito? Hindi ko alam, bakit sya ang pinuntirya nila? Ayaw kong isipin na may kinalaman dito yung nagtext sa akin at tumawag pa yun noon tungkol sa magiging kahihitnan ni Orange. Kalmado kong pinag-isipan ang lahat..hindi naman na ako nangialam sa kasong iyon, pero bakit? Bakit?

Malungkot akong nangiti dahil wala akong maisip na pwede kong itugutog sa gitara. Nang bigla akong makarinig ng himno sa piyano. Alam kong si Shinichi ang nagppaatugtog nito.

Himno ng kalungkutan, sa salig ng musika ay nagawa nyang itugtog ito. Hindi ko alam kung anong title niyon pero, ang isang parte ko ay dinala ako sa lugar na puno ng liawanag at mala-araw na apoy. Para iyong impyerno sa kalungkutan. Mainit, naglalagablab sa sobrang paghihinagpis, nag-aalab sa pagnanais na maapula ang apoy ngunit hindi iyon magawang apulahin. Isang uri ng kinumpas na kanta sa piyano na kung iispin ay para kang nasa mundo ng puno ng kalupitan.

Gayundin sa paaaralang ito, sa nakalipas na dalawang taong pagkawala ko sa NMU ay wala itong pinagkaiba dito. Hindi ako nakahanap ng kapayapaan sa paaralang ito. Kahit saang sulok dito ay puno ng kagluhan. Tuloy ay napapaisip ako. Anong nakikita nila sa amin at ginaganito nila kami?

Ayaw ko na sana ng gulo pero, yung pagdawit kay Orange? Hindi ko iyon matanggap. Ayaw ko ng nadadamay sya sa gulo ko eh. Handa kong isugal ang buhay ko para lang maprotektahan sya. Handa akong pumatay para maigganti ko lang sya. Ayaw kong sinasaktan sya ng kung sino, lalo na't nahuli ko pa.

Habang ang tumutugotog sa piano ay nagpapatuloy lang, nakarinig ako ng marahang katok sa pinto. Wala sa sarili akong tumayo at pinagbuksan iyon. Bumungad si Rin. Nakahalukipkip syang nakatingin sa akin habang nakataas ang kanyang kilay.

"Why are you here?" kunot noong tanong nya, "and you're with him?"

Sinilip nya si Shinichi sa likod ko. Kusang tumigil ang tunog na nalikha kanina sa pianong iyon. Hindi ko nakita kung tumayo ang lalaki dahil nanatili lang akong nakatingin kay Rin.

"Why are you with him?"

Hindi ko sya sinagot. Pinakiramdam ko ang aking sarili. Para akong naubusan ng lakas sa katawan ko kaya't nayakap ko sya. Pinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Ramdam ko ang pagkabigla nya ng gumalaw ang parehong balikat nya. Gayunpaman hindi pa rin nagbago ang galit na nagpahina sa akin. Galit na maaari ko pa ring dalhin hanggang mamaya.

"What happened baby?" malambing nyang naiusal. Hindi ko sya kinibo. Nanatili lang kami sa ganong posisyon. Hinagod hago nya ang likod ko. Para akong iiyak na ewan, sa mga sandaling iyon, kailangan ko talaga ng masasandalan, alam iyon ni Rin kahit hindi ko sabihin sa kanya. Pagod na ako, gusto ko na lang magpahinga.

"Seshh, you have to go to Dean's office, hinahanap ka na nila"

Iniangat ko ang ulo at saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Okay"

Nilingunan ko si Shinichi. Pilit syang ngumiti, tumango sya bilang pahiwatig na mauuna na muna ako. Hindi ko na sya inaya pa, kaagad na naming nilisan ni Rin ang lugar na iyon. Maya-maya pa..

"Why are you with him Kil?" bumalik sa pagiging masungit ang tono ng boses nya, "tch, you're not answering"

Nginiwian ko sya, "What?"

"Aishh, nevermind" inirapan lang nya ako. Tatawa-tawa na akong nailing. Ibang klase rin ang topak nito.

"Tch seloso" natatawang asik ko.

Habang naglalakad kami s pasilyong iyon ay iniwan na ako ni Rin. Sinenyasan nya ako na mauna na sa Dean's Office. Wala na akong pinalagpas na pagkakataon, habang ang mga tao'y nagkukumpulan doon sa office na iyon ay biglang nahagip ng aking paningin si Vianca. Nakahalukipkip syang nakangisi habang nakatingin sa akin. Kataka-taka namang wala sa araw na ito si Princess? Tanging si Vanessa The Epal lang ang nandito, well hindi na ako magdududa kung mamaya-maya ay nandirito na rin si Gary dahil sa ginawa ko sa syota nya.

Pagkapasok sa loob ng office ay nagtama kaagad ang paningin namin ni Rangovine. Mugto na ang mga mata nya sa kaiiyak. Nag-iwas ako ng tingin.

Masyado na kitang binibitbit sa impyernong ito Orange...patawad..





Jehridale's POV

Saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Para kaming nakarinig ng isang putok ng baril na umalingawngaw dito. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pananahimik ng mga oras na iyon.

"Hangga't hindi pa ako nakakabayad ng utang sa impyerno, mananatili akong naririto, at tatapusin ko ang pag-aaral ko..."

"Hangga't hindi pa ako nakakabayad ng utang sa impyerno, mananatili akong naririto, at tatapusin ko ang pag-aaral ko..."

"Hangga't hindi pa ako nakakabayad ng utang sa impyerno, mananatili akong naririto, at tatapusin ko ang pag-aaral ko..."

"Hangga't hindi pa ako nakakabayad ng utang sa impyerno, mananatili akong naririto, at tatapusin ko ang pag-aaral ko..."

Nagpaulit ulit iyon sa tenga ko. Parang may hindi ako naiintindihan sa sinabi nya. Utang sa impyerno? Masyado bang may pagkahyperbole ang sinabi nyang iyon o baka nalilito ako? At yung sa dulo pa? Anong ibig sabihin nun? Oo lahat kaming naririto ay naghahangad na makatapos ng pag-aaral pero, bakit pagdating sa mga katagang iyan na nanggaling sayo ay hindi ko maintindihan?

Para kasing may maliit na kurot sa puso ko. Masakit at talagang nakakabasag ng pinggan, OA lang Siguro ako. Pero hindi eh, kakaiba talaga. Sino ba talaga sya? Bakit parang kakaiba ang pagkatao na mayroon sya? Higit sa isang tao ang makakaunawa sa kanya. Ano bang mayroon sa nakaraan nya at parang ang bigat ng dahilan non para makapagtapos lang dito ng pag-aaral? Ano naman kayang konek niyon kay Panda?

Sa sobrang lalim ng naiisip ko ay hindi ko namalayang nasa Dean's Office na pala kami. Napabuntong hininga ako. Hindi na namin pinansin ang mga nagkakagulong taong nandoon. Wala sa sarili akong pumasok.

"Good morning Dea—"

"Take a sit students!!" sobrang lakas ng sigaw na iyon ng Dean dahilan para matahimik kami at maupo sa upuan. Nag-angat ako ng ulo at napatingin sa kanya. Galit na galit si Lolo! Mahigpit ang pagkakahawak nya sa isang papel. Napakagat labi ako.

"Where's the others?!" tanong nito kay Chun, nagpalit na naman ba ito ng sekretarya? Ah naallaa ko nga pala, walang tumatagal na sekretarya ng Dean dito. After a weeks lang nagpapalit na kaagad. Bat kaya?

Pero sa halip na intindihin pa iyon ay natuon ang paningin ko kay Rangovine. Masama ang tingin nito kay Vanessa na puro bugbog ang mukha. Hindi ko maiwasang magtaka kung paaanong nagagawa iyon ni Rukawa? Ang mambugbog ng kahit sino maski sa isang babae? Wala syang sinasanto ah..

Hindi kaya..

Napahinto ang lahat ng biglang bumukas ang pinto! Pumasok na sa loob si Rukawa. Bakas sa mukha nito ang pagiging mabagsik sa sinumang taong madadapuan ng kanyang paningin. Unang nakita nya ay si Rangovine, nag-iwas na sya ng tingin.

Ano naman kaya ang nasa isip nya—waaaahhh! Wala akong pakialam! Wala akong pakialam sa kanya!

Nagaalburuto ang isip ko. Bigla ay lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang paningin namin. Nagtiim ang bagang nya. Bakas pa rin sa labi nya ang pasang dinulot ng pagkakapsapak ko sa kanya. Pagkatapos niyon ay napalingon sya sa kinaroroonan ni Vanessa at Airon.

"Are you Thrianne Kilein from freshman?" hindi naitago ng Dean ang kanyang pagkairitable sa babae. KWalang buhay sya nitong binalingan. Napaangat ang labi ng dean. Tila naaasar sa iniasta nito. Naku po..

"Yes"

"Kabago-bago mo pa lang dito puro gulo na ang dinudulot mo sa paaralang ito! Gaano ka na katagala dito?"

"1 month sir—"

"Oh isang buwan ka pa lang oh! Isang buwan kong naririnig ang pangalan mo! Isang buwan ko ding naririnig ang mga reklamo nila sayo! Anong klaseng estudyante ka?! Gangster ka? Gangster ka?!" nayayamot na sigaw ng dean. Naningkit ang mga mat ani Thrianne. Pero hindi na nya nagawang sumagot pa. Aalam nyang kailangang nyang igalang ang dean, hindi nya pwedeng gawin ang ginawa nyang pambabastos na ginawa nya sa Lolo ko, " Sa tingin mo makakatagal ang mga ganyang uri ng estudyanteng nagmamatapang sa eskwelahang ito?!"

Hindi sya nakaimik. Nanatili syang nagbaba na ng tingin. Maya-maya pa ay bumaling na ng tingin sa amin ang dean.

"You!" dinuro ako, "paano kang nasali dito?!"

Napapalunok akong tumayo at sinuyod ng tinign ang lahat. Laking gulat ko ng nasa loob na si Shinichi. Masama ang tinign nito sa akin.

"K-Kase po..s-si Thrianne po kasi naabutan ko syang nakikipag-away sa mismong classroom namin Dean"

"Kaya ka napasali sa gulo nila?!"

Napakagat labi ako. "oh tapos?! Anong kasunod na nangyari?!"

"Tapos po sinapak nya si Thrianne Dean" sabat ni Timrelli. Gulat na gulat na napatingin sa kanya ang dean. Dahan dahang namang lumingon si Lolo Mauricio pagkatapos niyon.

"What?!" naguguluhan nitong ani, "what do you mean Mister Chavez?!"

"Sinapak nya po si Thrianne"

Lalong nanlaki ang mga mata nya. Ako naman ay ilang beses ng napalunok at saka nagaalangang bumaling kay Timrelli. Hindi ko alam kung bakit parang naiinis ako sa biglaan nyang pagsabat.

"Nanapak ka ng babae Jehridale?!"

Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagkabog lalo ng dibdib ko.

"Kalalaki mong tao nagawa mong manapak ng isang babae?! Ano bang nangyayari sayo iho! Bakla ka ba?!"

Napapahiya akong nagbaba ng tingin habang ang mga nasa paligid ko ay malakas ang tawanan nila. Napapikit ako sa inis!

"Alam mo naman ang polisiya sa paaralang ito hindi ba Jehridale?! Bakit parang nakalimutan mo na ata? At nakuha mong manapak ng babae dito?! Anong pakiramdam ha?! Masarap ba sa pakiramdam na sa wakas ay nakaganti ka na?!"

Nag-aalangan akong salubungin ang kanyang galit. Parang umurong ang dila ko sa mismong kinauupuan ko. Pero hindi ko aakalaing magagawa kong maibuka ang bibig ko.

"P-Pero Dean... w-wala namang masama kung gawin ko yung nararapat na gawin, sumusobra na po kasi sya, wala na syang respeto sa mga nag-aaral dito at sa paaralan ninyo—"

"Pero hindi tamang nanakit ka ng babae! Kahit gaano pa kademonyo ang kaaway mo, kahit gaano sya kabastos, hindi tamang saktan mo sya Jehridale! Dahil kahit saang korte ka dalhin ng mga dahilan mong yan ay talo ka! Babae sya at lalaki ka! Kahit pa mas malakas yan sayo ay hindi tamang tinrato mo sya ng hindi angkop sa kasarian na mayroon ka!"

Hindi ko na nawagang makapagsalita pa.

"You!" duro nyang muli kay Rukawa, "kung makaasta ka akala mo kung sino kang siga sa school na ito! Kung makaasta ka ay akala mo hindi ka babae?! Anong akala mo sa sarili mo? Manhid?! Anong dahilan mo at pinagbubugbog mo si Miss Agriabo?!"

Matamlay na tumayo si Rukawa, " sinaktan lang naman po nyan si Orange"

"Orange?! Whose this Orange?!"

"A-Ako po Dean" nagtaas ng kamay si Panda at tumayo ng nanginginig ang mga kamay. Nilingunan ko si Airon. Namumuhi itong nakatingin sa babae.

"What's your name!"

"R-Rangovine Neostra p-po"

"Anong maganda ninyong dahilan at nanggulo kayo sa room ng mga seniors?!"

"K-Kasi po...nung lunch break po nagpunta po akong cr, ako lang pong mag-isa, tapos po kinulong po nila ako doon sa cr—"

"Bakit nila ginawa iyon?! Hindi ba nila alam na hindi iyon tama?!"

"H-Hindi ko po alam.."

"O sige iha next!"

"T-Tapos po, pagkalabas ko doon sa cr, bigla po akong hinila ni Vanessa sa stage ng drama club..may pinakita po syang mga pictures ko doon na may kasama po—"

"Ito ba ang mga pictures na pinakita nyan sayo?!" itinaas ng dean ang mga litratong iyon para makita namin.

"O-Opo dean"

"Oh tapos?! Sinaktan ka na nila?!"

"S-Si Vanessa lang po ang nanakit sa akin dean, yung iba po sinasabihan po nila akong..." nagumpisa na namang umiyak si Panda. Napayakap na sya kay Allison.

"Anong sinabi nila sayo?!"

"Sabi lang naman nila ay malandi daw sya" walang kagana-ganang sagot ng babae. Syempre pa, kundi si Rukawa.

"A-Ano?! Paninirang puri?! Totoo ba ito Miss Agriabo?"

"H-Hindi ko alam ang sinasabi nya D-Dean"

Pagkasabing iyon ay mabilis syang sinugod ni Rukawa at sinipa ito sa dibdib dahilan upang mataob ito. Kaagad syang inawat nila Shinichi.

"I can't believe this! Paano mo nasabihan ng ganoon ang isang tao kung hindi mo naman alam ang buong detalye ng pagkatao nya?!"

"D-Dean..totoo namang malandi yan eh—"

"Hindi ka titigil?!" pagbabanta ni Rukawa sa kanya. "bakit? Kung makapagsalita ka ng ganyan sa kanya akala mo kilala mo na si Rangovine?"

"M-MIss Kilein tama na yan"

"Totoo naman diba? Malandi sya! Dahil kung hindi yan malandi hindi nya magagawang lokohin si Airon!!"

"Tama na!!" napasigaw si Panda. Napapailing ako s anangyayari, ang gulo! Ang gulo gulo! Hindi ko na alam kung ano ang maaari kong isipan dito. Masyado akong nilamon ng pagkayamot kanina pero ngayon ko na nalaman ang lahat kung bakit nagkagulo sa mismong room namin. Pero bakit ang gulo?! Arghhh! Bwiset!

"Tama na Thrianne...please.." naiiyak na ano Rangovine. Maski ako ay naaawa na sa kalagayan niya. " at ikaw Vanessa, manahimik ka na.. hindi ako natutuwa sa mga paratang mo sa akin.."

"H-Hindi mo naitatanong kung sino ang taong iyan sa picture...sya lang naman ang bestfriend ko noong junior high school pa ako.." pagpapaliwanag nya.

"A-Ano?" nagugulat na tanong sa kanya nung bbaaeng nabugbog. "p-pero b-boyfriend mo daw sya—"

"Sinong gago naman ang nagsabi nyan sayo?!" nayayamot na sagot ni Thrianne.

" Watch your words Kilein!" napasigaw ang dean.

"S-Si Princess..."

Napamaang ang lahat sa kanya. Kaya pala wala ang babaeng iyon na parating sinasalubong at niyayamot ang dalawang ito sa tuwing papasok at nasa canteen man sila ay dahil may atraso sya ngayon.

"H-Hahahahahha!!" natatawa si Panda, " nang dahil sa maling akala nagawa ninyo akong saktan?"

"H-Hindi naman namin alam na—"

"Masyado kasi ninyong dinibdib ang presensya namin sa paaralang ito eh, dahil sa kagustuhan ninyong mapaalis kami gumawa kayo ng kung ano-anong kwento?!"

"Anong ibig sabihin nito?!"

Napatingin ang lahat sa akin. Teka bat napunta sa akin?

"Gusto ko lang pong mamuhay bilang normal na estudyante Dean..pumapasok sa school, makikinig sa kung anong ididscuss ng prof. makikipagparticipate...p-pero hindi ko alam kung papaano...w-wala naman akong ginagawang masama sa kanila, wala po akong makitang dahilan para sapitin namin ang ganito eh.." patuloy ang pag-iyak nya. Niyakap syang muli ni Allison. Napalingon ako kay Rukawa. Nagiguilt na naman tuloy ako sa ginawa ko. Pero habang nakatingin ako sa babaeng iyon ay hindi pa rin nagbabago ang bangis ng pagkakatitig nya kay Vanessa. Yun yung paraan ng pagtitig na kung saan ay maari na talaga syang makapatay ng tao.

"B-Bakit kasi hindi na lang kayo umalis dito ng hindi na kayo masaktan pa?" bira pa ni Vanessa. Napaismid si Rukawa sa kanya.

"Isa pa.." banta ni Rukawa sa kanya.

"Hindi kami aalis sa paaralang ito Vanessa, walang kahit sino sa inyo ang makakapagpaalis sa amin dito"

"A-At bakit?"

"Hindi na kailangan ng sagot, dahil kung nag-iisip ka, alam mo na kung ano yun"

"Eh sa hindi ko alam! Bakit hindi na lang sabihin!"

"Enough!" ani ng Dean, "hindi ninyo ba alam na may Dean dito na nakikinig sa inyo? You!" duro nya kay Vanessa,"why did you do that iha? Alam mo bang maaari kang ipaexpell sa paraan mo ng pakikipagusap sa kanila? Hindi mo nga sila mapapaalis sa paraan mong yan. Ang paninirang puri at ang pagsasabi mo ng walang katuturang bagay ay isa sa mga halimbawa, isa yan sa mga siunusunod dito sa paaralang ito. Hindi namin hinuhubog dito ang mga batang may ugali ng criminal! Ano bang nakikita nyo sa dalawang yan at nagkakaganyan kayo?! Ikaw!" duro naman nya sa akin, "ikaw ang puno't dulo nito! Anong nakikita ninyo sa dalawang iyan at nagkakaganyan kayo?"

Narinig ko pa ring nagsasalita si Vanessa,"Bakit hindi mo sabihin Rukawa? Bakit ba ganyan kayo—"

"Tahimik!!"

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nayon. Nananamlay na ang mga tuhod ko sa sobrang panghihina, hindi ako makatingin sa direksyon ng dean. Naririnig ko ang mga paguusap sa likuran ko pero hindi ko na iyon marinig pa.

Maya-maya pa—

"Hindi ka makapagsalita ha Rukawa? Ano bang dapat naming malaman ha?! I mean, sa totoo lang naweirduhan ako sa ginawa mo sakin oh, binugbog mo ko dahil lang sa nahuli mo kong nilalampaso tong tropa mo, ano bang dahilan at parang pinoprotektahan mo sya ng maigi ah, at ito ang naisip mong ganti?!"

Napatingin kaming lahat sa likod. Bigla ngang pumasok sa isip ko ang ginawang iyon ni Rukawa. Nakabugbog sya ng babae sa mismong room namin, paanong nagagawa iyon ng isang normal na tao? Wala akong maintindihan.

Napatikhim muna sya bago nagsalita, "Natural sa isang kaibigan na protektahan ang isa mula sa panganib, oo alam kong mali ang pagganti na nagawa ko pero, pagdating kasi sa mga taong nasa paligid ko..hindi ko kayang panoorin na lang syang binubugbog o sinasaktan...kung kailangan kong makipagpatayan gagawin ko iyon para sa kanila.."sabi nya. Natahimik ang lahat sa kanya, hindi ako makapaniwalang may ganong tao pang nabubuhay ng ganon? Ang pipiliing pumatay para lang sa kapakanan ng iba?

"Pero mali pa rin ang ginawa mo iha, pinalalala mo lang ang sitwasyon! Paano kung baligtarin ka nila? alam mo bang maaari kang ipaexpell sa ginawa mo? Dinungisan mo pa ang itong SMU...I'm sorry iha but siguro kailangan ko ng pagisipan ang magiging kahihitnan nito, hindi maaaring tumagal dito ang mga ganyang estudyante, hindi nagbabayad ang mga magulang ninyo ng tuition fee para lang lumaki kayong masama!"

"I'm very very disappointed on this...excuse me" ganyan ang dean kapag alam nyang sasama na ang kanyang loob sa mga estudyante. Lalabas sya at magpapahangin kahit hindi pa tapos ang problema.Pagkasara ng pinto ay tatayo na sana si Rangovine ng higitin ni Airon ang kamay nito.

"R-Rangovine.."

Hindi ko kita ang reaksyon ni Panda pero alam kong malungkot ang lahat sa nangyari. Maski ako ay ganon din. Tch, kasalanan ko na..

" Bitiwan mo si Orange" malamig na sita sa kanya ni Rukawa.

Pero hindi sya pinakinggan ni Airon. Nagmamakaawa ang kanyang titig dito.

"W-Why didn't you tell me?"

"Bakit nya sasabihin sayo?" patuloy nya, " ano bang karapatan nya para sabihin yun sayo? Matapos nyang makita na may kasama kang ibang babae at iparamdam sa kanyang isa lang sa mga babae mo lang ang kaibigan ko ay ang lakas mo pa ring kausapin pa sya? Gago ka eh noh?"

Napabitaw na kay panda si Airon. Nanamlay itong nagbaba ng tingin. Wala namang kabuhay-buhay na lumabas si Rangovine.

"Sapat nang bigyan mo ng sakit sa ulo ang kaibigan ko, wag mo ng dagdagan pa"

Matapos niyon ay lumabas na si Thrianne. Dala nya ang pagiging maalalahanin na kaibigan. Hindi ko magawang sumingit sa usapan nila dahil alam kong wala na akong karapatan pa para kontrahin sya. Wala akong alam sa nangyayari kaya dapat lang na manahimik na ako.

Nagsilabasan man sila ay hindi ko magawang tumayo. Para akong naestatwa.

Ano ba tong naramdaman ko kanina? Para akong nababaliw...

"Hey Ice berg" kalabit ni Nath sa akin. Tinanguan ko sya at nagsilabasan na rin kami.



Airon's POV

Nakaramdam ako ng panlulumo ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko pinag-isipan ng ganon si Rangovine. Noong una nagtiwala ako eh, alam kong wala syang ginawa. Pero bat pa ako naniwala sa babaeng iyon?! Nakakainis sobra..

"Oy okay ka lang?" paguusisa ni Tim. Pilit kong nginitian sya. Hindi ko naririnig ang mga usapan nila sa likuran ko kaya hindi ko na nagawang makihalubilo sa kanila.

"Ang astig ng samahan nila ano? Handang isugal ni Rukawa ang buhay nya para sa kaibigan nya? Wow! Hahahaha"

"Nakuha mo pang tumawa Natheleo?" masungit syang binira ni Timrelli. Nginiwian sya nito.

"Naastigan lang naman ako eh!"

"Psh, may nangyari na nga kanina tumatawa ka pa ng ganyan"

"Hala! Ang susungit naman ng mga tao ngayon! Bakit bawal na bang—"

"Hindi ka titigil?" saway na nito. Tinawanan ko lang sila. Pupunta na sana kami sa catio mania kaso may humarang sa amin.

"Pinatatawag ang lahat ng students sa stadium" aniya nya. Nagkatinginan kaming lahat.

"Bakit daw?"

"Baka dun sa nangyari kanina" si Shin.

Napangiwing muli si Natheleo, "Baka nga, ay naalala ko, iaanunsyo na yata kung anong mangyayari dun sa dalawa. Ang bilis naman yata"

"Kilala mo naman yun si Lolo, mabilis syang magdecide sa ganong stiwasyon."

"Baka ipasuspend ka nun ice berg"sabat ko.

Bumusangot ang mukha nya, " kahit malaki ang atraso ko sa babeng iyon hindi nya ako mapapasuspend, hindi hahayaan ni Lolo na madehado ako"

"Ang lakas talaga" bulong ni Tim.

Nang makapasok na kaming lima sa stadium ay naghihiyawan na naman ang mga babae sa paligid namin. Tch wala silang kasa-sawa sa amin. Bigla ay naalala ko ung sinabi ni Thrianne. Ano ba yung sinabi nyang yon? Bakit naguguluhan ako?

"Aronil!" bigla ay tawag sa akin ni Sasha. " dito kayo!" alok nya sa amin.

Sinamaan ko sya ng tingin, "No"

"Pero—"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Airon?! Hindi kami tatabi sa inyo!" inis na sabi ni Dale. Hindi ko na nakuhang kumontra pa dahil iyon din ang sasabihin ko sakaling mamilit pa ang babaeng ito. Kaagad na kaming naghnapa ng mauupuan dahil malapit na iyong mapuno sa dami ng estudyante doon.

"Hey" batid kong si Tim iyon, " nakita ko kayo ni Sasha last time, are you guys dating?"

Napamaang ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin.

"What? So kung ganon totoo nga?"

"N-Na alin?"

"Na nakikipagdate ka sa ibang girls without knowing na may nililigawan ka na Aronil? What the hell?"

"S-Saan mo naman nakuha yan?"

"I know you well Carlos, unlike kay Nath ay talagang hindi ka tatantanan ng mga babae, hayss...ng dahil sa kapusukan mo ay napahamak tuloy si panda"

"Ano namang kinalaman nya dito?"

"You should be responsible for this dude...wag sanang dadating yung puntong wala ka ng mahahanap na tunay na babae para sayo dahil maski sa sarili mo hindi ka na nagpapakatotoo" yun lang at iniwan na nya ako. Naupo na kami malapit kina Aoko. Bahagya kong pinag-isipang mabuti ang mga sinabi nya.

"Good morning my dear students and also to our teachers, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, pintawag ko kayong lahat dito dahil iaanunsyo ko na ang pagdiriwang ng ating nalalapit na Department's Festival dito sa SMU"

"D-Department's Fest?" naguguluhang tanong ng katabi ko.

"Oo"

"Last year idinaraos natin ito sa pamamagitan ng mga patimpalak ng iba't ibang department ng inyong mga courses, pangungunahan pa rin ito ng ating student council, pero syempre meron din tayong mga special guests again, gusto kong linawin na hindi pwedeng hindi magpaparticipate ang mga mapipiling llaahok, kinakailangan namin ng inyong kooperasyon"

"Gaganapin ito sa susunod na Linggo, at ang susunod dito ay ang Sports Tournament na"

Nakakagulat ang anunsyong iyon ng Dean. Sunod sunod na event sa isang buwan? Mukhang mapepressure kami dito.

"Pero bago ang Sports Tournament ay pupunta dito ang ilan sa ating mga stockholders, sila ang magischedule kung kailan gaganapin ang sports tournament, at isa pa nga pala, bago sila pumunta dito ay nais kong ipaalam sa inyo, ang mga hindi kanais-nais na nagaganap sa paaralang ito" agad akong napalingon kay Jehridale.

"Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayaring pambubully na naririnig ko, gusto ko sanang ipaalam sa inyo na hindi na kayo mga bata para pagsabihan pa tungkol dyan. Ayaw ko ng gulo sa paaralang ito." Maikling sabi nya pa.

"Kaya napagdesisyunan ko na ang dalawang estudyanteng nagtransferee dito, ay magkakaroon sila ng suspension, ibig sabihin, hindi sila papasok sa paaralang ito, sa loob ng isang linggo"

Pakasabing iyon ng dean ay naging napakaingay dito. Nagsisigawan ang mga estudyante sa likuran ko. Tuloy ay tinakpan ko ang tenga.

"Kung nagtataka kayo kung bakit sila pa ang napili kong isuspende ay dahil nais kong maging aral sa inyo ang lahat, na ang paninirang puri at ang pananakit nyo ng pisikal sa inyong kapwa ay walang maidudulot na maganda. Ayaw kong malalaman mula sa mga transferee na ganyan ang ginagawa nyo sa kanila, makakasira kayo ng pangalan ng school na ito sa ibang paaralan. Itinayo ang unibersidad na ito para kayo ay mahubog at maging maunlad, gusto kong pagnilayan ninyo ang inyong mga nagawa sa mga bagong dating na iyon. Mga estudyante din sila, kahit ano pa ang estado nila sa buhay, nag-aaral pa rin sila, at karapatan nilang makatapos sa kahit saang paaralan nila gustuhin. Isa itong prebilihiyo sa akin bilang inyong dean, na kaya nyo piniling mag-aral dito ay para kayo ay makapagtapos." Pilit syang ngumiti. Nakatingin ang dean sa kung saan.

"Ang ibang mga sangkot sa nangyari kanina, ay pag-iisipan ko kung isususpende ko pa sila. Kung maaari nga ay ipaexpell ko na kayo eh, pero hindi, ayaw ko namang maging unfair sa inyo, pero sana, sana sa muling pagpasok nila sa paaralang ito ay matigil na kayo sa pambubully ninyo sa kanila, yon lang at salamat"

Pagkasabing iyon ng dean ay bumaba na sya. Hindi matapos-tapos ang diskusyon sa mga estudyanteng narito kaya pinili naming lumabas na.

"Grabe yun! Pinasuspend talaga ni Dean?"

"Psh, sila na nga ang naaggrabyado, sila pa ang nasuspende, tsk tsk" pagppaarinig ni Timrelli kay ice berg. Ako naman ay nanatili na lang natahimik. Hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa kong kawalang-hiyaan kay Rangovine. Nakakainis...paano ako makakapagsorry sa kanya?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.1M 28.2K 80
The girl who is respected by people, the Woman who wants a justice for her parents death, A lady who fall inlove with the dorky, funny, and sometimes...
82.7M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
1M 3.2K 9
BLOODKINGS. Binubuo ng anim na groupo. Kilala bilang GANGSTERS. Matapang Malakas Kinakatakutan Brutal kong gumanti At higit sa lahat nangunguna sa...