SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE P...

By Mugsy_Wp

4.7K 222 7

Si Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat... More

PANIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
HULING KABANATA
PASASALAMAT

KABANATA 6

132 8 0
By Mugsy_Wp


KATULAD nga ng sinabi ni ayesha ay nagtungo kami sa mystique woods

"bawal ang mga studyante dito,wayesha" sabi nito kaya napahinto ako

"bawal pala bakit tayo nandito?"

"kasi nga papalabasin natin ang wolf mo!"

"p-paano?"

"basta" sabi nito at naglakad uli kaya sumunod ako

"bakit bawal ang mga estudyante dito?" tanong ko kaya ngumiti ito

"nandirito kasi ang portal papunta sa kabilang mundo"

"portal?"

"oo portal, papunta sa mundong walang mahika" sabi nito kaya tumango ako

'sana po hindi ako makapasok sa portal. Ayoko na po nakakahilo'

"dito na tayo" sabi nito kaya huminto ako at tumingin sa paligid. Walang tao sa bahaging ito

"wayesha! Bilis pakiusapan mo na!" tumango ako at pumikit

's-sa nagsasalita diyan lumabas ka!' wala akong narinig kaya naman pumikit ako ng mariin

'ALAM KONG NARIRINIG MO AKO! LUMABAS KA!'

Naramdaman ko ang pagkagising nito pero di nagsalita

's-sabi ni ayesha ay isa kang lobo! Nais kong makita ang balahibo mo!' sabi ko pero narinig ko itong umungol

'istorbo ka sa tulog ko kamahalan, ano ba ang nais mo?

'nais kong magpakita ka'

Tumawa ito bago sumagot

'kamahalan. Lobo man akong mababatid pero hindi ako maaaring lumabas sa iyong katauhan!

'a-ano? Bakit hindi'

'mamatay ka kapag lumabas ako. Lalabas din ako sa takdang panahon

Napadilat ako at tumingin kay ayesha at umiling

"ayesha, ayaw niyang lumabas" napasimangot ito at bagsak balikat

"napaarte naman ng wolf mo" sabi nito na nakapout kaya natawa ako

'pout pa ang pangit naman. Kung ako yan! Titirisin ko yan.

Mas lalo akong natawa kaya tumingin sa akin si ayesha na nagtataka

"may problema ba?" umiling ako kaya napasimangot ito

Malapit na kami sa labasan ng makarinig ako ng kaluskos kaya agad akong lumipad para makaupo sa puno.

May nag-uusap malapit dito pero hindi ko sila kita dahil madilim basta nakakapa sila na itim at pula.

"napag-alaman na nila na buhay si andrew" sabi nito sa kausap na umiling

"kahit na malaman nila na buhay iyon ay hindi nila makikita pa ang kanilang hinahanap"

"anong ibig mong sabihin ama?"

'ama?'

"ipagpatuloy mo lamang ang paglilihis sa kanila anak ko, nababatid kong babalik na ang ala-ala ng lobong iyon at sasabihin na din ang katauhan ng prinsesa ng boung arcadia

[arcadia: tawag sa mundo nila]

"p-paano kung agad nilang mahanap ang prinsesa?"

"malabong mangyari iyan! Wala na ang prinsesa at kapag naging kayo ng prinsepe ng mga mangkukulam. Natitiyak kong mamumuno ka sa boung arcadia"

"kadiri ama! Maghunos dili ka nga" tumawa ito at tinapik sa balikat ang babaeng nakapula

"mauuna na ako anak, umuwi ka na din" sabi nito at biglang nawala na parang abo.

Tumalikod ang babaeng nakapula kaya naman pumikit ako

'BIRTUD NG HANGIN AT TUBIG! AKO'Y IYONG DALHIN GAWING TUBIG NA HINDI NILA BASTA BASTANG MAKIKITA" sabi ko at dinilat ang mata

Napatingin ako kay ayesha na namamangha

"anong spell ang iyong ginamit kamahalan?"

"basta" sabi ko nalang dahil hindi nito maaaring malaman na kaya kong gamitin ang apat na birtud

Sumunod ako sa babaeng nakapula. Nang malapit na kami sa garden ay huminto ito subalit hindi lumingon

"MAGPAKITA KA!" sabi nito pero hindi ako nagsalita

Naglabas ang apoy sa kamay nito kaya napaatras ako. Hindi lang dahil sa takot kundi dahil kakaiba ang apoy niya. Isa itong apoy na may kulay itim na bola sa loob

"kung ayaw mong makawasak ng straktura sa akademya! Lubayan mo ko" tinikom nito ang kamay at tumakbo ng mabilis

Hindi ko na ito sinundan dahil natulala ako

'may bampirang kayang maggamit ng ganoong apoy'

Napatingin ako sa aking palad at agad na tumakbo papunta sa silid. Agad kong nilock ito at nagpalabas ng apoy sa palad

"b-bakit ganito? S-sa kaniya kulay itim?"

Biglang sumulpot si ayesha at nagtaka ng makita ang apoy sa palad

"i-ikaw nga!" sabi nito at agad akong yinakap

"mahal na prinsesa" sabi nito pero nagtaka ako

"ano bang sinasabi mo ayesha"

"mahal na prinsesa, nagagalak ako na ikaw ay bumalik"

"hindi ako prinsesa" sabi ko pero umiling ito

"batid kong nagtataka ka kung bakit tumatago ako kapag lumalabas tayo. Marapat siguro ay kausapin mo ang headmistress" sabi nito kaya kumunot ang noo ko

"mahal na prinsesa. Magpahinga kana dahil baka ikaw ang mabunot bukas" sabi nito pero umiling ako

"pero nais kong malaman ang sinasabi mo"

Umiling ito sa akin at tinulak ako pahiga.

"sige na mahal na prinsesa. Bukas mo malalaman ang lahat" sabi nito kaya napabuntong hininga nalang ako

'totoo kayang? Ako ang totoong prinsesa? Ang prinsesang nawawala?'

Naalala ko ang nakaraan pero bakit ganoon? Ang alaala ko ay nagmula lamang nang pitong taong gulang na ako

Kuya andrew? Sino ka ba talaga?

KINABUKASAN ay gumayak na ako ng kasoutan namin ngayon bilang isang witch. Dala dala ko ang broom stick ko maging ang wand ko sa kabilang kamay.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa headmistress kasama si ayesha

"kamahalan, wala po ang headmistress" sabi ni ayesha kaya napahinto ako at nagtatakha silang tiningnan.

"paano mo nasabi na wala siya?"

"wala po kasing liwanag sa pinto" turo nito sa isang bilog malapit sa pintuan kaya napabuntong-hininga ako.

'i want to know the truth kung bakit kakaiba ako'

"sige, mamaya nalamang ako tutungo sa kaniya. Pupunta na ako sa quadrangle" sabi ko dito kaya ngumiti ito

"maiiwan na kita kamahalan, hindi ako maaaring tumungo roon" sabi niya kaya tumango ako at naglakad

Malapad ang quadrangle ng paaralan. May apat na bleachers dito. At stage naman.

Pagpasok ko ay may pitong upuan sa stage kaya nilibot ko ang tingin ko

Sa kanang bahagi malapit sa stage ang mga bampira sa tapat nito ang mga witch. Katabi naman ng mga witch ang mga werewolves na katapat ang fairies na katabi ng mga bampira.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa bleachers naming mga witch

"ang ganda niya pala kapag nakawitch outfit"

"siya ba yung transferee"

"ang ganda niya ang sexy"

Iyan ang mga naririnig ko ang bulongan nila.

Nakaputing blouse ako at paldang itim. May kapa ang sout ko na hanggang paa.

Nang nakahanap ng upuan ay umupo na ako doon sa pinakataas para hindi masyadong makita.

Napansin kong puro nagpapaganda ang mga malapit sa akin pero hindi ko nalang pinansin at tumingin sa katapat na bleachers.

Nandoon si shaina na ang sama ng tingin sa akin kaya yumuko ako

"paupo" napatingin ako sa president namin na si warren.

"s-sige po" ngumiti ito at tumingin kay shaina na ngayon ay halos lalabas na ang pangil

"napakaselosa talaga ng bampirang iyon" sabi nito kaya natawa ako at tumingin sa kaniya
"president? Bakit may upuan sa gitna?" tanong ko kaya tumingin ito sandali sa akin bago sa upuan at muling tumingin sa kaniyang mate

"para iyan sa mga maharlika" nalungkot naman ako sa sinabi niya

'mas maganda sana kung nasa gitna dahil kita kitang ang harap

Napalingon ako sa stage ng may nagteleport doon

"MAGANDANG UMAGA MGA MAG-AARAL NG ACADEMYA MAJIKA" sabi nito kaya natahimik ang lahat.

'si headmistress pala iyon. Bampira pala ito'

"BATID KONG ALAM NIYO NA SA TUWING BIYERNES AY MAGSASANAY ANG LAHAT SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIPAGLABAN SA KAPWA ESTUDYANYE! PERO BAGO YUN. NAIS KONG MALAMAN NG LAHAT NA DUMATING NA ANG PROPESIYA"

Maraming umalma at nag-ingay na naman ang paligid

"TAHIMIK!" sigaw ni headmistress kaya nanahimik ang lahat

Kinumpas nito ang kamay at may lumabas na libro doon

"ito ang libro nang propesiya, sinasaad nito na malapit nang lumusob ang mga itim na majikero" nagsinghapan ang lahat sa narinig

"lumabas ang propesiya dahil nandirito na sa majika o malapit na sa atin ang nawawalang prinsesa"

Muling umingay ang paligid

"buhay pala ang prinsesa"

"sana iligtas niya tayo"

"sana nasa maayos na kalagayan"

"mawawala na ang discrimination"

Mga bulungan na aking narinig pero isinawalang bahala ko na lamang

"BAGO ANG LAHAT NAIS KO MUNANG IPAKILALA ANG MGA MAGIGITING NA MAHARLIKANG MAGHAHANAP SA NAWAWALANG PRINSESA!"

Lumabas ang mga prinsesa sout-sout ang kanilang kasoutan.

Unang lumabas ay si wella. Katulad ko ang kasoutan niya maliban sa gintong linings na makikita sa kaniyang sombrero.

"princess wella ng wiland kingdom" sabi ni headmistress kaya ngumiti si wella at may hinagis na bulaklak

"birtud ng hangin! Inuutusan kita! Alisin ang halimuyak ng gintong bulaklak at ipamahagi sa lahat ng studyanteng naririto"

Biglang nawala ang bulaklak at nakaamoy ako ng rosas sa paligid.

"ang pinakamabait na prinsesa sa boung academya" bulong ni warren kaya napatango ako.

'mabait talaga siya'

Nagpalakpakan ang lahat lalo na ang grupo namin ng tumayo si wella sa upuang nakalaan para sa kaniya

Sumunod na pumasok si earah, nakasout ito ng white gown mabalbon. Long sleve din ito. Hindi katulad ng mga ordinaryong lobo. Si earah ay hanggang paa ang kasoutan.

"Princess EARAH of wolland kingdom"

Nagpalakpakan ang mga werewolves pero humarap lang sa kanila si earah

"BIRTUD NG LUPA! INUUTUSAN KITA! MAGBIGAY NG MGA PRUTAS NA MAAARI NILANG KAININ"

Naghiyawan ang lahat at pumalakpak. Napatingin ako sa orange na ngayon ay hawak ko na

"ang pinakamaarteng prinsesa. Tsk tsk" napatingin ako sa sinabi na naman ni pres pero muling bumalik ang tingin ko sa harap nang natahimik ang lahat

Pumasok si redielyn na nakasimangot. Nakakapa ito na kulay pula at pula din ang lipstick nito. Humarap ito sa tahimik na lahat.

Naalala ko ang babaeng nakita ko kagabi. Pareho sila ng kasoutan. Possible kayang siya? Pero hindi niya magagawa iyon

"Princess SHAKIA REDIELYN NG VAMPLAND" Nagpalakpakan ang mga bampira na akala mo ay robot dahil sabay sabay ang pagclap

"BIRTUD NG APOY! NAIS KONG MAGPAKITA KA!" lumiyab ang palad nito kaya mas lalong natahimik ang lahat.

Binalik ni redielyn ang kamay sa likod at nawala na din ang apoy.

"Ang pinakamasamang prinsesa" sabi ulit ng katabi ko pero tama siya. Hindi ko nga gusto ang ugali ni redielyn.

"SA ARAW NA ITO! AKING IPAPAKILALA ANG APAT NA PRINSEPE NA BINIGYAN NG BATHALA NG KAKAIBANG KAPANGYARIHAN AT LAKAS. ANG APAT NA PRINSEPE NA SUSUNOD NA MAMUMUNO SA BOUNG ARCADIA!. KANILANG IPAPAKITA ANG KAPANGYARIHANG NAGAGAWA NG BIRTUD"

lumabas si prinsepe fredo na nakapangprinsepe ang sout

"Prince fredo ng fairland" biglang naging tubig si prinsepe fredo at nalusaw kaya namangha ang lahat.

"kaya niyang mag-anyong tubig dahil taglay niya ang birtud ng tubig at may kakayanan siyang maging anyong isda o sirena at nakakahinga siya sa tubig" nagpalakpakan ang lahat sa sinabi niya.

Nagbow si fredo sa harap ng lahat bago umupo sa upuan sa harap ng apat na prinsesa

Pumasok naman si earth. Ang lobo na akala ko ay si kuya andrew.

"prince earth evan ng wolland" yumuko ito at nag-anyong ipis kaya nagtilian ang lahat dahil tumakbo ito kung saan saan pero muli itong bumalik sa taas at bumalik sa kaniyang anyo

"bilang prinsepe na may hawak ng lupa ay may kakayanan siyang magbasa ng isip ng tao at mag-anyong kayang gumapang o lumakad sa lupa"

Nagpalakpakan ang lahat pero ako ay namamangha lamang.

Sumunod na pumasok ay si prince sean fiero at naglakad

"PRINCE SEAN FIERO NG VAMPLAND" nagulat kaming lahat ng bigla itong nawala na parang abo at ngayon ay nasa pintuan na ng hall bago muling bumalik sa entablado

"biglang may hawak ng birtud ng apoy. May kakayanan siyang magteleport o lumipat sa lugar na kaya niya. May kakayanan din siyang gumawa ng portal"

Umupo ito sa likod nang pumasok na si prince wind na nakashade

"PRINCE W--" agad nitong pinutol si headmistress kaya nagtawanan ang lahat

"ako na! May bibig ako at mas kilala ko ang sarili ko kaya ako ang magpapakilala" sabi nito kaya mas lalong nagtawanan ang lahat habang napafacepalm lang si headmistress

"ako si prince wind! Ang prinsepe ng mga witch! Kaway-kaway" sabi nito sa area namin kaya nagtawanan kami

"hawak ko ang birtud ng hangin at" bigla itong nawala kaya nagulat kami

"kaya kong maginvisible" muli itong lumitaw

"di ko ginagamit kasi sayang kagwapuhan ko di niyo makita. Kaya ko rin palang magtanggal ng hininga ng tao" nagpalakpakan ang lahat

"gusto niyo ng patunay? Headmistress halika dito"

Namutla si headmistress at umiling

"n-naniniwala na kami! D-diba?" sabi nito at tumingin sa paligid kaya tumango nalang kami.

Tumawa si prince wind at tumayo naman ang tatlong prinsepe at inumang ang kanilang mga palad

"ANG APAT NA PRINSEPE NA NAGTATAGLAY NG ELEMENTO NG MUNDO" sabi nito at lumitaw ang mga kapangyarihan nila.

Continue Reading

You'll Also Like

59.5K 991 19
Staying alive is like being in hell. So, if I am going to choose between living and dying- I'd rather die.
4.5K 129 40
It's all started in a PLANNED WEDDING,next was the WRONG groom then the bride who wearing a RED dress. Presenting!! Mr. Henry Montefalco & Mrs. Katzy...
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
1.1K 95 17
Lettisha Arconn is the most powerful woman in the business world at the age of 27. She already have everything in her hands... well------ not exactly...