Master of my Inferno

By yooerich

65.3K 608 15

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK This story contains dark themes which may be disturbing to some readers. This... More

MASTER OF MY INFERNO
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
SEVENTEEN RIGHT HERE 💎
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN

CHAPTER THREE

4K 39 1
By yooerich

CHAPTER THREE


ENTERING my Boss' office always makes my heart beats so fast. No, not because I am afraid of him, but because I am too afraid of myself--things I might do or say and regret later.

"Miss de Rosas!" Bago pa lang ako makapasok sa office ng boss ko ay narinig ko na ang malakas na sigaw na iyon. I mean, hindi talaga sigaw, masyado lang matinis ang boses ng tumawag sa 'kin.

"Yes, Miss Francisco?" It's Mindy, yung unang taong nakilala ko sa Mancini. Siya rin 'yung naging guide ko para maging familiar ako sa buong kompanya.

"Remember Mr. Stellvester, one of our clients and friend of Mr. Mancini?"

Nakangiti akong tumango, kahit medyo nag-isip pa ako ng ilang segundo dahil nakalimutan ko na kung sino si Mr. Stellvester, mabuti na lang at bigla kong naalala. "What about him?"

"Uhm. Actually, it has nothing to do with you." Bakas ang hiya sa boses niya pero sinuklian ko yon ng matamis na ngiti, "I need to check some manuscripts and Mr. Stellvester asked me to look over his daughter, and since I have some errands, I can't accompany Jamie--his daughter. And I have this little problem, I already said yes to him and I saw you, please help me."

"Wait," Natatawang anas ko, sobrang bilis magsalita ni Mindy, halatang nahihiya. Halata rin iyon dahil namumula ang mukha niya. "You want me to be with Mr. Stellvester's daughter, right?" Tumango siya, "And why is Mr. Stellvester here?"

"There's an emergency meeting with Mr. Mancini. Kaya kasaman ni Mr. Stellvester iyong anak niya ay dahil hindi naman niya alam na magkakameeting ngayon."

Tumango ako, "And where is his little girl?" Mukhang wala naman akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang batang anak ng kliyente namin. Sana lang at mabait ang batang 'yon.

Mahinang tumawa si Mindy at hindi ko naman nagets iyon, "She's in Mr. Mancini's office." Aniya, itinuro pa ang pintong salamin na nasa harapan ko. "She's kind, don't worry. Mahigit isang oras lang naman iyong meeting kaya makakabalik din agad si Mr. Stellvester. Sorry talaga, Veronica."

"It's okay." I smiled. Actually, I am kinda excited with the thought I would be with a little girl.

"Thank you. I'll tell Steph about this thing. Baka hanapin ka niya, eh."

"Hmm," tumango ako. Muli pang ngumiti at nag-thank you si Miss Francisco at saka lang siya tuluyang bumalik sa area niya. Samantalang excited naman akong pumasok sa opisina ng boss ko, iniimagine kung gaano ka-cute ang anak ni Mr. Stellvester.

Iginala ko ang paningin ko nang makapasok sa opisina. Saglit nangunot ang noo ko nang hindi ko makita ang inaasahan kong batang babae, bagkus, isang magandang dalaga ang natagpuan kong nakahiga sa mahabang sofa, katabi ng floor-to-ceiling window.

Saglit akong tumikhim para makuha ang atensyon niya. "Hello, have you seen Mr. Stellvester's daughter? She's just a little girl.. I think." Matamis akong ngumiti nang bumangon ang babaeng kanina lang ay prenteng nakahiga sa sofa.

She is beautiful! And who is she? Mr. Mancini's girlfriend? But she looks young like a teenager.

Mahinhin siyang tumawa, inayos pa ang puting dress, "I'm his daughter." Aniya, lumapit sa 'kin at saka nakipag-kamay, "I am Jamie."

"Ohh," I smiled. "I thought Mr. Stellvester's daughter is just a little girl--well, hello. Nice to meet you. I'm Veronica, Mr. Mancini's--"

"Girlfriend?" Putol niya sa sasabihin ko, agad akong umiling. Halos tumili rin siya kaya natawa ako.

"I am his executive assistant."

"Ahh," muli siyang ngumiti. "Well, I guess, you are wondering why my father wants someone to look after me even though I am already seventeen years old." Tumango ako, "He thinks I am a naïve girl, an innocent seventeen-year-old who doesn't know anything but to play barbie dolls. He's too strict, but I understand him. He just wanted me safe, and I appreciate it."

"Hmm," nangingiti akong tumango. Wala pa man ding ilang minuto ay napakarami na niyang nasabi. She's cute!! "Do you want to eat or drink something? What do you want to have?"

Akmang sasagot si Jamie nang bumukas ang pintong salamin. Agad doong nagawi ang atensyon ko na ikinakunot ko ng noo.

"Daddy!" Masayang anas ni Jamie, agad din siyang lumapit ksy Mr. Stellvester. "Ang bilis n'yo naman?"

"Hmm, we just talked a little." Kibit-balikat na anas ni Mr. Stellvester. Dumako naman ang paningin ko sa boss ko, muntik pa akong mapatalon nang makitang nakatingin siya sa akin!!

Those deep, blue eyes! Ahh help.

Hindi ko alam kung gaano katagal, kung paanong nakatingin lang ako sa asul na mata ng boss ko. Ilang beses din akong lumunok dahilan nang pagngisi niya.

I'm thirsty..

"Aren't you gonna leave my office too, Ms. de Rosas?" Nakapikit ako ng umiling, inalis ko ang sarili ko sa mahabang pantasya. Peke akong umubo at saka ko inilibot ang paningin sa opisina, wala na sila Mr. Stellvester!! Mukhang hindi ko napansin ang pag-alis nila dahil nahulog na naman ako sa asul na mata ng Italyano kong boss. Nakakahiya!!

"I am going to leave too, Sir. I'm sorry." Sa kabila ng pagkataranta ko ay nagawa ko pa ring magsalita ng diretso. Ngunit napakalakas ata ng pakiramdam niya dahil ngumisi siya. Pakiramdam ko ay tinatawanan niya ako sa isip niya. Tch. Nakakahiya talaga.

"Hmm," iyon lang ang sinabi niya. Nanginginig ang tuhod ko sa hindi ko mapangalanang dahilan. Tumalikod ako sa kaniya at saka ko pilit tinungo ang glass door. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin na mas lalong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko. Bakit ako kinakabahan? Gosh.

Maybe because I like him or because I have this sexual desire towards him. Darn.

Nang mahawakan ko ang handle ng pinto ay ilang segundo pa akong tumigil, naghihintay sa sasabihin ng taong alam kong nasa likod ko lang. Ngunit isang minuto na ata ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Marahil ay imahinasyon ko lang na may gusto siyang sabihin. Siguro ay dahil sa pagpapantasya ko sa kaniya kaya kung ano-ano na lang ang nai-imagine kong gagawin niya na sa totoo lang ay napaka-imposible... o hindi?

Lakas loob akong umikot, dahilan nang pagsinghap ko nang mapagtantong sobrang lapit lang ni Mr. Mancini sa akin!

Dammit. I am really drowning. Wala naman siyang ginagawa pero dalang-dala ako. This is so unfair, Mr. Leandro Mancini!

"Ah, what are you doing to me, Veronica?" With deep voice, he asked me, running his hand through his black hair. Sobrang sarap sa pandinig kapag binabanggit niya ang pangalan ko. Samantalang kapag sa ibang tao ay hindi ko nakikitaan ng espesyal sa tuwing naririnig ko ang 'Veronica'.

Napasinghap ako kasabay nang pagsandal ko sa pintong salamin nang isang hakbang lang ay mas lumapit siya sa 'kin. Tangin malalim na paghinga at tunog ng wall clock ang namumutawing tunog sa buong tahimik na opisina. "W-What did I do?" Naiiling na tanong ko. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit 'yon ang tinanong ko, samantalang sa paraan pa lang nang pagsasalubong ng paningin namin ay nasisigurado kong nagkakaintindihan kami.

Paano? Hindi ko rin alam.

"You want me." Puno ng kasiguraduhang anas niya. Walang bahid na tanong na para bang alam na alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko o kung ano mang nararamdaman ko.

Muling dumagundong nang malakas ang dibdib ko nang mas lumapit pa siya sa 'kin. Mas naamoy ko ang panlalaki niyang pabango na halos yakapin na ako.

"Yes," halos wala nang boses na sagot ko, "I do." I do want you.

Kumislap ang mata niya, nakita ko ring kumurba ang gilid ng labi niya, "Then we both do want each other." Muli siyang ngumisi, "What do you want me to do to you, dolce mia?"

Leandro Mancini wants me! He wants me too!! Shit! I'm gonna call my best friend!!!!

I bit my lower lip. Naramdaman ko rin ang pamumula ng buong mukha ko nang mataman lang siyang nakatitig sa 'kin.

"I . . uhm," lumunok ako, mas lumapit pa siya sa akin, ang dalawa niyang kamay ay nakatuon sa pintong salamin, napag-gigitnaan niya ako! "Kiss me, Sir." Buong tapang na sagot ko.

"Where?" Muli niyang tanong, ang paningin niya ay nasa labi ko.

"On my lips."

Agad kong naituon ang kamay ko sa matigas niyang dibdib nang mas lumapit siya sa 'kin. Awtomatiko ding napapikit ako nang bahagya siyang tumungo, akmang hahalikan ako. Hahalikan ako! Leandro Mancini is going to kiss me!

Seconds later, walang labing dumampi sa labi ko. Agad akong nagmulat, halos maduling din ako nang sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. Where's my kiss?!

"What, Sir?" I asked, disappointed. Kiss me..

Parang narinig niya ang sinabi ko nang umiling siya, sobrang lapit ng labi ko sa kaniya, na kung uusod ako nang konti ay mahahalikan ko na siya. "I will.. If you accept my offer. I want you to submit to me." Nakangising aniya at saka lumayo.

What the heck?! Where is my kiss!!! You freak, Leandro Mancini!!

"I-I.. don't know, Sir." Bakit ba nahihirapan akong tanggapin ang offer niya? Dahil ba ayaw kong matulad 'kami' sa mga nababasa ko? Shit.

"Hmm, think about it, dolce mia. I am not forcing you."

Sunod-sunod akong tumango. Parang lahat ng sinasabi niya sa akin ay kusa ko lang sinusunod. I am under his will! And I am willing to obey.

MALAKAS ang kabog ng dibdib ko nang makabalik ako sa opisina ko. Kahit ilang beses akong huminga nang malalim ay ganon pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko! I never imagined my life would be this exciting since I walked into this company!!

Napalamig naman ng air conditioning sa opisina pero namumuo ang pawis ko. Mr. Mancini is not good for my heart! Kahit isang tingin lang niya ay naaakit na ako. I bet, lahat ng empleyado rito sa kompanya ay ganon din ang tingin sa kaniya, ganon din ang epekto sa kanila ng mala-adonis kong boss.

Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip, ilang empleyado na kaya ang tumanggap sa 'offer' niya? Nagtagal ba sila? Gaano? Bakit natapos? Natapos ba? Why do I feel jealous? Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa isiping gusto kong akin lang ang boss ko samantalang tinanggihan ko nga ang offer niya. Ahh, hibang ka na, Veronica.

"I'm gonna call Monnet.." paulit ulit na sambit ko kasabay nang pagkuha ko sa cell phone.

Bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi habang hinihintay na sagutin ng best friend ko ang pagtawag ko.

She answered after two rings. "Anong problema?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya kaya bahagya akong napatawa.

Hindi nga naman kasi ako tumatawag sa kaniya ng office hours, maliban na lang kung emergency. Well, this is an emergency!!

"He wants me, Monnet!" Pilit kong hininaan ang boses ko na para bang maririnig ako ng boss ko kahit na napakalayo ng office niya sa office ko. "Mr. Leandro Mancini wants me!" Pag-uulit ko pa.

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang asul niyang mata, ang mahabang pilik-mata, matangos na ilong, perpektong hugis ng panga at natural na mapulang labi.

"Calm down, you bìtch." Rinig ko ang pagtawa niya. "Want as in sexually?"

Namula ang mukha ko, "I think." Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya ang offer ng boss ko. It's just between me and my Boss. It's private. It's.. just for us?

"Paano mo naman nasabi na he wants you?" Puno ng kyuryosidad na tanong niya.

"He said it." Muli kong nakagat ang labi ko. "What should I do?"

"Veronica, listen." Agad nagseryoso ang boses niya sa kabilang linya, "I know that you want him, I can say that you like him, right? But please, be careful. He just wanted to get into your pants. Sorry. But a thirty-two-year-old bachelor like him only wants to do girls. I surely know it because I'm a fan." Saglit pa siyang tumawa sa kabila ng pagkaseryoso.

Bigla kong naalala yung mga bachelor magazine niya. Marahil ay doon niya nabasa ang mga sinasabi niya ngayon.

"Monnet.." hindi ko alam kung paano kong sasabihin na alam ko ang sinasabi niya. Pero hindi gaya nang pagkakakilala niya sa boss ko... since she's a fan.

"I'm not saying this because I am a fan of him, but I am saying this because I care about you, Veronica. You are an innocent girl. At hindi rin mahirap gustuhin ang boss mo, hindi malabong magustuhan mo siya nang sobra. At baka sa susunod na tumawag ka sa 'kin ay umiiyak ka na dahil hulog na hulog ka na."

Malakas akong tumawa. Kung kasama ko lang si Monnet ngayon ay nahigit ko na ang buhok niya. "Napaka-advance mong mag-isip. Hulog na hulog agad? Crush ko pa nga lang yung tao." Mahinang anas ko. Crush is an understatement, I guess.

"We have a lot to talk about, Veronica, but my boss is calling me. I gotta go."

"Hmm," tumango ako kahit hindi niya ko nakikita, "Sorry sa abala."

"Baliw ka, hindi ka naman nakakaabala, ano."

"Okay." Kiming anas ko. Ilang segundo lang at ibinaba na ni Monnet ang linya.

Napasandal ako sa swivel chair, ilang beses pa akong huminga nang nalalim. "Kaya ko 'to." Paulit-ulit na anas ko at saka pa ako tumayo. Inayos ko rin ang damit ko. Humarap sa bilog na salamin na nasa office table, nag-retouch, inayos ang hindi naman gulong buhok at saka ko tinungo ang opisina ng boss ko.

Ito na naman ako sa walang katapusang 'breathe in, breathe out' sa tuwing nasa harap ng pintong salamin.

Tatlong beses akong kumatok, kagat-labi kong binuksan ang pinto. Napasinghap ako nang agad magsalubong ang paningin namin ng sexy boss ko!

He's looking at me! Parang alam niyang pupuntahan ko siya dahil hindi manlang nagbago ang ekspresyon na mukha niya. Ganon pa rin, malamig pa rin, at... gwapo pa rin siya.

"Yes, dolce mia?" Tumaas ang sulok ng labi niya, isinenyas na maupo ako sa tapat ng malaki niyang office table — na sinunod ko naman.

"Is your offer still available?" Gusto kong batukan ang sarili ko. Para lang akong nagtanong sa on line seller tungkol sa binebenta nitong produkto. Para lang akong nagtanong, nag-mine, at kung mauna ako ay akin na 'yon.

"Yes." Ngumisi siya na para bang alam niya na itatanong ko ito. "It is always available when it comes to you, Veronica." Simple lang naman 'yung sinabi niya pero nadadala ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Shit! It's really happening!

"Uhm.. I want to accept it, Sir. I want to be your submissive." Hindi ko akalaing dadating yung araw na sasabihin ko ang katagang iyon. Na parang simpleng bagay lang.

"Can you give me a reason why you want to submit yourself to me?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Malakas na kumabog ang dibdib ko. Para bang nasa kalagitnaan ang ng interview para sa isang trabaho, at kung magkamali ako ng sagot ay hindi niya ako tatanggapin. Na kapag nagkamali ako ay magsasabi siya ng next at saka papasok ang isa pang applicant at ayaw ko non. Nagseselos agad ako. God, what's wrong with me?

Sinalubong ko ang patingin niya. Kahit kaylan ay hindi ko pagsasawaang titigan ang asul niyang mga mata. "I want to submit myself to you, Sir--"

"Because you want me." Tumango ako, siya ang nagtuloy ng susunod ko pang sasabihin na ikinapula ng mukha ko.

Inalala ko ang nakasulat sa mga librong binabasa ko. This time, I am living in my dreams.

"Yes," sagot ko. Yes what? How should I address him? Since he is my dom now, should I call him Sir? Master? His last name? "And of course, because I want to give it a try. I've been dreaming about these things since I can remember. I want to challenge myself.. and I want to do it with you, Sir." I've never been this honest. Ngayon lang! And because of what? Because of my sexual desires I can't hide? Tch.

Sunod-sunod akong napalunok nang mamutawi sa opisina ang tunog na nililikha ng daliri niya. He's again strumming, drumming his fingers on the table. Parang nahihipnotismo ako sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi ko maalis ang paningin ko lalo na dahil sa tattoo niya sa likod ng palad.

Until his hand moved up to his necktie. My face turned red as I watched him loosen his tie. Then he unbuttoned the first two buttons of his long sleeve polo. Damn sexy.

Malalim akong huminga nang muling magsalubong ang paningin namin. His deep blue eyes aren't the same as he looked at me minutes ago, and something in his expression had changed.

Sa kabila nang kakaiba niyang uri nang pagtingin ay nagawa ko pa ring isipin ang nasa librong huli kong binasa. Should I call him like that?

'Master' alam kong sa isip ko lang binanggit ang salitang iyon pero mukhang nabasa niya ang nasa isip ko nang makita ko ang pagngisi niya.

_*_

Continue Reading

You'll Also Like

76.9K 52 5
Penelope Dela Fuentes, her parents raised her as a achiever. At the very young age, she have a goals in her life, everything is in the plan, not unti...
960K 16.7K 51
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang...
636K 8.6K 43
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Liover Fierro, a dominant bad boy. siya lang naman ang reverse ng kakambal na si Oliver, he do believe love...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.