Ang Misis Kong Astig!

By Sweetmagnolia

15.5M 320K 46.2K

The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additio... More

Ang Misis Kong Astig!
Prologue
[1] Stage Mother
[2] Concealed Image
[3] Power House
[4] A Wife's View
[5] The First Lady
[6]The Insecure Husband
[7] Picnic Panic
[8] Talk Dirty
[9] Smile Over Bitterness
[10] Roses and Lipstick
[11] The Credit Card
[12] An Ex-Agent's Game Plan
[13] Hotel Invasion
[14] His Companion
[15] Silence Means Wrong
[16] The Rebirth of A Gangster
[17] Fear Awaits You
[18] The Need To Be Mean
[19] Messing With The Wrong Husband
[20] Face Your Enemy
[21] Stand By You
[22] Fate Intervention
[23] The Other Men
[24] Negotation
[25] Bring Back The Harmony
[26] Someone Like Her
[28] My Supermom & My Hero
[29] The Huge Exposure
[30] Desperate 'House' Wife
[31] Husband's Takeover
[32] Bloody Guilt
[33] The Abducted
[34] On One's Knees
[35] It's Just Her Personality
[36] Operation Plan B
[37] Of Love And Other Reasons (1)
[37] Of Love And Other Reasons (2)
[38] Happiness Is A Choice
[39] The Greatest Gift of All (Final)
EPILOGUE

[27] Forsaken Danger

274K 7K 965
By Sweetmagnolia

             

                                             *****

"Mabuti naman at nandito ka na," seryosong sabi ng kadarating lamang sa bahay na si Blake. Naabutan niya si Melchor na maganang kumakain sa kanilang hapag kainan. Agad-agad na nilunok ng pulis ang laman ng bibig at tarantang tumayo pagkakita sa chairman.

"Sir Blake!" May pagsaludo pang bati nito.

"Tell me what exactly happened," diretsong sabi ni Blake.

Ngumiti si Balatbat at pagkuway humagikhik na animo'y excited na excited sa kanyang ibabalita. "Ganito po yun Sir Blake..." Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng chairman at kunway may seryosong tinititigang kaharap. "Yes. I like her," bilog na bilog ang boses na bigkas niya. Bumitiw siya sa kausap at saka muling tumawa.

"O di ba ang haba ng buhok ni Madam Kap?! May kasunod pa yan...."tumikhim ang pulis at muling ginaya ang boses ni Inspector Aldovar. " I like woman like her. Sa susunod na magmamahal ako titiyakin kong kagaya niya ang babaeng iibigin ko," sabay pumalakpak ito at tumawa. "O di ba ang lupit?! Idol!"

Kung gaano ang ikinagalak ni Melchor sa binalita na para bang may malaking bagay siyang nakamit sa pagiging spy ay siya namang pangangalit ng mga panga ni Blake.

"Hindi ba ang usapan natin ay huwag mong hahayaang basta-basta na makalapit ang inspektor na yun sa asawa ko?!" iritableng singil ni Blake.

Agad na nabura ang mga ngiti ni Balatbat. Napakamot ito sa ulo. "Eh Sir Blake hindi na kasi kayo masyadong nag-iingay tungkol kay inspector kaya akala ko okay na."

"Ehem!" boses ng babae.

"Ehem!" boses ng batang babae.

Napalingon ang dalawa sa magkasunod na tumikhim. Magkatabing nakatayo sina Alex at Cassandra, parehong nakahalukipkip at naniningkit ang mga matang nakatingin kay Balatbat.

Blangko ang mukhang tiningnan ni Blake ang kanyang misis. Walang pasabing iniwan nito si Melchor at diretsong naglakad patungong kuwarto nang hindi man lamang nagawang batiin ang kanyang magnanay.

"Hon-" maamong sambit ni Alex ng dumaan ang mister sa harap niya.

Binalewala ng lalaki ang narinig sa halip ay diretso lamang ito sa paglalakad.

Dali-daling nilapitan ni Alex si Melchor at gigil na pinandilatan ito ng mga mata. "Ikaw! Hindi ko alam kung anong klaseng gatong ka! Silaban kaya kita para malaman ko!"

"Peace Madam Kap! Sensya na nagrereport lang. Alam niyo namang may kanya-kanya akong role sa buhay niyong mag-asawa. Hindi naman pwedeng sayo lang ako magtatrabaho. Hindi naman yata fair yun," katwiran ng pulis.

"Pag lalong nag-init ang ulo ng asawa ko dahil diyan sa mga isinumbong mo, humanda ka sa akin!" banta ni Alex sabay takbo para habulin ang mister.

Ngingiti-ngiting bumalik si Melchor sa pagkakaupo sa hapag kainan na hindi man lamang naapektuhan sa reaksiyon ng mag-asawa. Lumapit naman si Cassandra sa pulis at naupo sa harap nito.

"You have more talent as a tsismoso than being a policeman," komento ng bata.

Ngumiti si Melchor. "Ay andito pala ang bestfriend ko! Halika samahan mo dito si Tito Melchor. Hayaan mo na lang muna sina Mommy at Daddy mo. Tiyak na may mangyayaring malawakang debate sa kuwarto. Kausapin mo ako para lalo akong ganahang kumain."

Napangiwi si Cassandra habang tinitingnan ang mga pagkaing nasa mesa. "You ransacked again our ref."

Akmang aabutin ni Melchor ang isang jelly dessert ngunit bigla itong dinukwang at inagaw ng bata.

"It's mine. This is my favorite!" sabay belat sa kaharap.

"Hindi talaga kumpleto ang pagbisita ko dito hangga't di mo ako naasar," sabay belat din ng pulis.

"Why did you do it?" biglang tanong ni Cassandra.

"Ang alin?"

"I saw you hiding somewhere while secretly peeping and listening to Mom and that handsome policeman."

"Usapan namin ni Daddy mo yun," tumigil sa pagsubo si Melchor at kunway kunsumidong tumingin sa maliit na kausap. "Yan talagang tatay mo saksaaaaakan sa pagkaseloso! Lahat na lang ng guwapong nakapaligid kay Madam Kap eh pinag-iinitan. Ako lang yata ang bukod tanging maswerte na hindi niya pinag-iisipan ng masama!"

Mabilis na nagbago ang isip ni Cassandra muli niyang ibinigay sa kaharap ang inagaw na pagkain. "Here. Eat more. I read somewhere that hunger could steal a person's common sense. Tsk."

Samantala, pagdating sa kuwarto ay namumula sa selos na kinompronta ni Blake ang asawa. Napaparoo't parito siya samantalang tahimik at maamong nakikinig lamang si Alex habang nakaupo ito sa gilid ng kama.

"I forbid you to visit the headquarters again!" deklara niya.

Bahagyang napaangat sa pagkakaupo si Alex. "Pero Hon, bakit naman bigla-bigla kang nagdidesisyon ng ganyan? Wala namang masama kung dumalaw ako sa presinto. Saka malaki ang naitulong nila sa pag-iimbestiga ko kay Isabelle Chan," malumanay na protesta niya.

"That exactly my point! You're slowly getting too attach to them again. And what is next? Gusto mo na uling hilinging bumalik sa trabaho mo?"

"Oh bakit naman naungkat yang dati kong trabaho? Ni minsan ba sa buong pagsasama natin ay nagpahiwatig akong gusto kong bumalik sa pagpupulis?" may lambing na boses ng babae.

"I know you well. You're action speaks louder than your words. At nararamdaman kong unti-unti na namang nagigising yang pagka-stubborn mo! And once it's awakened you'll start to look for excitement again.... We agreed to return to our normal life and therefore I'm bringing back my rule. You can't go to headquarters anymore at lalong hinding hindi mo na pwedeng bitbitin dun si Cassandra!"

"Hon huwag naman. Alam mo namang marami akong kaibigan doon," pakiusap ni Alex.

Binigyan ni Blake ng sarkastikong ngiti ang misis. " Like who? That young inspector?"

May nagpapaawang mukhang lumapit si Alex sa galit na kausap. "Hon, alam ko namang nagseselos ka lang eh. Siguro kaya bigla ka na lang tumawag kanina nang mainit ang ulo ay nagsumbong sayo ang Isabelle Chan na yun. I'm sure nag-imbento na naman yun ng kwento para pag-awayin tayo. Huwag mong sabihing naniniwala ka sa kanya?" pag-amo ng babae.

"No! I don't believe any word that comes out from that woman's mouth. But you know my personality, jealousy is my weakness! I can't help not to get irritated just even by hearing your name being linked to another man! So why the hell do you keep doing things na alam mong ikaiirita ko?"

Nanahimik si Alex at tila maamong tupang ibinaba ang mga paningin. Totoo ang tinuran ng mister. Batid niyang napakadaling kumulo ng dugo nito basta umandar na ang pagkaseloso.

"O sige na... hindi na muna ulit ako pupunta dun," malumanay na pagsuko niya.

                                                  -----

Maagang pumunta si Alex sa eskwelahan ng anak. Balak niyang mag-abang lang sa labas dahil inaalala niyang baka atakehin na naman si Isabelle ng sayad at maisipan uling puntahan si Cassandra. Subalit pagdating niya doon ay napansin niyang tila may kaguluhang nagaganap sa loob.

Tumingin siya sa paligid upang hanapin ang mga nagmamanmang mga pulis ngunit wala siyang nakita. Dali-dali siyang lumapit sa guwardiya. "Manong anong nangyayari? Bakit parang maingay ho yata sa loob?"

"Tumunog ho kasi yung fire alarm kaya akala may sunog. Yun pala may nagbiro lang."

"Sino naman ang gumawa ng ganyang klase ng biro?"

"Hindi nga po alam, wala naman pong mga umaamin sa mga empleyado at guro. Imposible naman hong maabot ang alarm ng mga bata dahil nakakabit ito sa mataas," ika ng guwardiya.

Biglang nag-alala si Alex. Pumasok siya loob upang kumustahin ang anak. Habang patungo sa classroom ng bata'y may nakakasalubong na siyang mga estudyanteng tila pauwi na. May nakita siyang teacher at nilapitan ito.

"Ma'am ano pong nangyari?"

Nakilala siya ng kausap. "Hello po Mrs. Monteverde. Mabuti naman at nandidito na kayo. Pinapauwi na ho ang mga pupils dahil nga medyo nagkaroon ng pagpanic kanina. Inadvise na po ito sa mga parents. "

"Ganun ba? Sige salamat." 

Tiningnan ni Alex ang cellphone at nakatanggap nga siya ng text mula sa eskwelahan.

"MOMMYYY!" sigaw ni Cassandra sabay patakbo itong lumapit sa ina.

Bakas sa hitsura ng bata na natutuwa ito sa maagang pagka-dismiss ng klase. "Mom since it's still early, can we go to a bookstore. I want to buy more coloring books and pencils," ani Cassandra habang lumalabas sila ng eskwelahan.

"Okay. But how was you earlier? Hindi ka ba natakot nang narinig mo yung alarm?"

"Nope. I won't be afraid of simple things like that," nagmamalaking sagot ng anak.

Pagdating nila ng gate ay naabutan nila doon si Dominic. Agad na binati ng batang lalaki si Cassandra at masiglang kinawayan. 

"Hi Cassandra!"

Atubiling sumagot ng tipid na ngiti ang batang babae at matamlay na bumati.

"H-Hi."

Pagkuway hinawakan nito ang kamay ng ina at nagmamadaling niyakag ito patungo sa sasakyan bilang tanda ng pag-iwas sa kalaro. 

Subalit natigilan si Alex nang may lumapit na nakaunipormeng yaya sa batang lalaking naghihintay ng sundo. Hindi pamilyar ang hitsura ng babae at ni minsan hindi niya pa ito nakitang sumundo sa bata. Bigla siyang kinutuban kung kaya't dali-dali siyang lumapit sa mga ito. Agad niyang pinigilan si Dominic sa kamay na sa mga sandaling iyon ay akmang sasama na sa babae.

"Teka lang. Sigurado ka bang yaya ka ng batang to?" matigas na tanong niya sa babae.

"Oo. Sino ba kayo?" may kagaspangang sagot ng yaya.

"Kaibigan to ng anak ko. At ngayon lang kita nakitang sumundo sa kanya." Tiningnan ni Alex ang batang lalaki. "Do you know her?"

Umiling si Dominic. "She said she's my new nanny."

"You have a cellphone, right? Let's call your parents and confirm if you really have a new yaya."

Biglang nagpaalam ang babae at nagdahilang may kukunin lang daw siya sa sasakyan. Pumasok ito sa isang van na nakaparada sa kabilang side ng kalsada. Hindi rin ito ang sasakyang nakikita ni Alex na ginagamit ng bata. Mas lalong umigting ang pagdududa niya. Nang aktong inaabot sa kanya ng bata ang telepono para idayal niya ang magulang nito, bigla namang umalis ang van. Noon niya nakompiramang malaki ang posibilidad na tama ang hinala niya.

Sa halip na tawagan ang mga magulang ng bata, di na siya nag-aksaya pa ng panahon. Nag-aalala siyang baka may alternatibong planong nakaabang ang mga kidnappers. Isinakay niya sa kanyang kotse si Dominic.

"Mom, why is Dominic riding with us?" takang-takang ika ni Cassandra.

"Umalis na yung yayang sumusundo sa kanya kaya ako na lang ang maghahatid." Nginitian ni Alex ang batang lalaki." Do you know where you live?"

"Yes, it's written here." Inabot ng batang lalaki ang cellphone at pinabasa ang nakasulat sa isang notepad.

Pagkabasa sa address, agad na tinawagan ni Alex si Inspector Aldovar. "Bakit wala kayong bantay sa eskwelahan?" iritableng bungad niya.

"We're in urgent meeting. Nakatanggap kami ng report tungkol sa hide out ng mga kidnappers so now we're planning to attack."

"Ngayon ka pa talaga nagpull-out ng mga tao mo! Sa tingin ko naisahan kayo ng mga kriminal na yan!"

"What are you talking about?" naalarmang tono ng kausap.

"Nagkaroon ng false alarm ng sunog sa eskwelahan at pinauwi ang mga bata ng mas maaga. May sumundo kay Dominic na hindi kilalang yaya. Sa palagay ko tao ng mga kriminal yun. Pero huwag kang mag-alala, pinigilan ko at kasama ko ngayon ang bata. Ako na ang maghahatid pauwi."

"Where are you? Pupuntahan namin kayo."

"Bubuksan ko ang tracking application ng cellphone ko. Kayo nang bahalang mag-locate sa sasakyan ko."

"Yes Ma'am Alex! Salamat sa pagtulong. We'll do it now."

Binaba ni Alex ang telepono. Maya't maya siyang napapatingin sa paligid hanggang sa may napansin siyang nakakadudang sasakyan na mga ilang minuto nang nasa likod nila.

"Cassie," tawag niya sa anak na nakaupo kasama ni Dominic sa backseat.

"Yes Mom!" alertong sagot ng bata na noon ay nakakakutob na rin na may kakaibang nangyayari.

"Silipin mo yung kotseng kulay itim na nasa likod ni Mommy."

Maingat na sumilip ang bata sa likuran. "Which one? The car behind the red one?"

"Yes. I'll change lanes, tell me if that car tries to follow our direction."

"Okay Mom!"

Kinabig ni Alex ang manibela patungo sa ibang linya.

"Mom, the car also changed lane."

Kumanan siya sa isang maliit na kalsada at binilisan ang takbo.

"Mom the car also turned right!"

Kumaliwa siya.

"Mom the car also turned left!"

"Okay that's enough. Wear your seat belts!" nagmamadaling sabi ni Alex. "Fuck!" bigla siyang napapalo sa manibela. Parang napagtanto niyang mali ang desisyon niyang isakay ang batang lalaki. Sana ay ipinasok niya na lang muna ito pabalik sa eskwelahan at saka pinapunta sina Inspector Aldovar.

Pero magsisi man siya ay huli na. Hindi na siya pwedeng umatras. Kung kaya't kasabay ng pagbilis ng takbo niya'y bigla niyang ikinabig ang manibela paliko sa isang maluwag na daan kung saan pwede siyang makipaghabulan.

"Alex... isipin mo na lang na na-miss mo ng makipagkarera sa mga hudas," bulong niya sa sarili sabay pinaharurot ng ubod ng bilis ang kotse. 

"Whooooh! Mom we're flying!" tila tuwang-tuwa pang wika ni Cassandra.

"Be quiet and wear your seat belts tightly!"

"Yes Mom! Do it Dominic!"

Continue Reading

You'll Also Like

905K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
592K 30.6K 70
VIOLAK ang batang may balak.
20.7K 582 24
Chin is the type of person who never gives up when he wants something- either being a student campus-famous, MVP of the university's volleyball team...
2M 78.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.