THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

By Rheevie

13.8K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra πŸ’•

CHAPTER 40

99 58 11
By Rheevie


CHAPTER 40

Orange's POV

Inis akong umakyat sa hagdanan kasama nila Pringles at Allison. Pagkadating ko ay si Senior Adrian na ang nakita ko.

"Where's Jehridale?" nagugulumihanan nyang tanong. Pinakalma ko muna ang sarili.

"May ginawa lang naman kanina Senior!"

"What?!"

"Yes! At nakuha pa nyang pahiyain ang kaibigan namin! Nakakaloka!" si Pringles.

Nilingunan nya ako. "Where is she?"

"Ewan ko!"

Nagugulat syang napatingin sa akin. Maski ako ay naguguluhan sa sarili ko.Nakita ko lang naman na nagdudugo ang noo niya! Hindi ko sya magawang lapitan dahil nasa locker ako kanina! Nakakainis! kasama na naman ni Thrianne ang isa sa mga kaibigan ni Sakuragi. Kitang kita ko na sinusundan pa nya iyon. Hindi ko na lang sila nasundan pa dahil gusto kong pumunta na ngayon sa Dean's Office!

"A-Ano ba talagang nangyayari?"

"Senior, kailangan na po naming—"

"Papunta kayo ng Dean's Office?"

"Yes po"

"Hindi kayo pwede doon, nandoon ang mga stockholders."

Naitutop ko ang bibig. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang seryoso nga sya at hindi nagbibiro.

"Kailangan maayos nila itong gulo dahil baka malaman iyon ng mga Chairmans nila."

Naalala ko nga pala na may gaganaping swimming event bukas. Marahas akong napakamot sa ulo.

"Nasaan na sila—"

"Samahan mo na lang kami Senior!"

"Pero alam nyo ba kung saan sila?"

"H-Hindi eh"

"Hmm..I guess nandon sila, samahan nyo ko" tumakbo kami patungong swimming gym. Hindi ko alam kung bakit nagtungo si Senior dito pero hindi ko na magawang magtanong pa. Si Timrelli lang ang nasa labas. Hindi nito kasama ang tatlo pang iba pa.

"Where are they?" pilit na kalmanteng tanong ni Senior sa dalawa. Nilingunan ko si Allison at Tim.

"Nasaan ang magagaling mong kaibigan Timrelli?"

"N-Nasa clinic-"

"Let's go Rangovine" agarang talikod nya sa lalaki. Hindi ko na sila pinansin pa at patakbo ko ng tinungo ang clinic.

"Ang batang iyon talaga, sakit sa ulo ang dala" namomroblemang ani ni Senior.

"Napakagago nya, nanahimik si Thrianne, mantakin mong nagdudugo na naman ang noo! At worst kasama nya ang isa sa mga kaibigan ng demonyo! Urg!!"Anang Pringles. Marahas akong bumuntong hininga. Pagkarating namin sa clinic ay papasok na sana ako ng Makita si Airon na may kausap na kapwa nya senior na babae. Maganda sya. Nagulat pa ako ng nakakawit ang kamay nya sa bewang nito.

"Rangie? Let's go!" nagulat pa ako ng gisingin ako ni Ali. Tuluyan na kaming pumasok sa loob.

"What have you done Dale?" nakapamaywang pang aniya ni Senior. Nagtatakang tumingin lang ako sa kanila. Kailan pa sila magkakilala?" Thrianne again? Seriously?"

"What are you doing here?" sarkastikong ani ni Dale. Hindi ko na mapigilang sugurin sya.

"Alam mo? Hindi ko alam kung anong problema mo sa kaibigan ko, pero kapag hindi mo pa sya tinantanan ay mayayari ka sa akin!" hindi ko na makayanan ang presensya nya at naglakad na ako palabas. Nakasunod na sa akin si Allison.

"Rangie? Where are you going?"

"Kailangan kong hanapin si Thrianne, baka patayin na sya ng kaibigan ni Jehridale!."

"S-Sino ba kasama nun?"

"Sino pa! E di si Shinichi, sya lang naman ang nakasunod lagi sa kaibigan ko e, nagtataka naman ako sa isang iyon, ang lakas ng loob nyang lumapit lapit sa kaibigan ko!"

"O-Okay, and keep safe sa paguwi ha! Kami na bahala dito"

"Sige"

Hindi ko maintindihan ang kaba na nasa loob ko. Sa katunayan, hindi talaga si Thrianne ang pupuntahan ko, si Airon. Sinusundan ko na sya papuntang parking lot. Pagkaalpas ko roon ay nakita ko na silang naghahalikan. Naitakip ko ang bibig ko.

"This can't be happening" naibulong ko sa sarili. Umiiling iling pa ako sa pagkakataong iyon. Ano nga bang aasahan ko sa isang Airon na babaero? Parang kahapon ay nag-away kami dahil sa kagagawan ng kaibigan nito sa kaibigan ko? Hindi ko na magawang lapitan sila dahil anong karapatan kong masaktan? Sino nga ba ako para sa lalaking ito na marunong lang mangako?

Hindi ko na maatim na tingnan pa sila. Nanghihina ang tuhod kong naglakad papalayo. Lumabas ako sa SMU na masama ang loob. Biglang bumuhos noon ang ulan at nakaligtaan kong magdala ng payong. Tinanaw ko lang ang patak ng ulan at sinimulang saluhin iyon.

Kung ganito kasakit ang umasa, maigi pang tigilan ko na...

T_T

Naglalakad ako sa ulan habang umiiyak. Kailangan ko ng ilabas dito ang nararamdaman kong sakit. Kapag nakita ni Thrianne na umiiyak ako ay siguradong yari ako don. Pagkarating ko sa bahay ay hindi ko na maramdaman ang buo kong katawan. Napahiga ako sa sahig. Ang dali-dali ko namang tao, nasasaktan na lang palagi.

Nagtungo akong banyo. Sinimulan ko ng maligo. Inaalala ko ang ginawa nilang iyon sa parking lot. Well, hindi ko na inaasahang magbabago ng tuluyan ang taong yon, ayaw nyang pinaguusapan ang tungkol sa mga kaibigan nya. Simula noong Sabado na birthday ni Shinichi ay pinipilit nya akong ligawan ako. Pero hindi ako pumapayag. Sa tuwing nakikita ko sya sa daanan ay bigla akong nalilihis, iniiwasan ko talaga syang makasalubong. At ngayong may nahuli pa ako ay paano pa ako magtitiwala? Ano nga namang mapapala nya sa isang Rangovine Neostra na napakahina pagdating sa love? Hindi ko naman maibibigay lahat ng kailangan nya kapag naging kami.

Natural na sa akin ang pagiging advance mag-isip dahil may iisang rason sa akin na pinipigilan akong magkaroon pa ng tsansa sa kahit katiting na kasiyahan. At tanging si Thrianne at sa pamilya namin ang nakakaalam.

Tuluyan kong nakalimutan ang tungkol sa ginawa ni Jehridale sa kaibigan ko. Tch, matigas kasi ang ulo non, kaya na nya ang sarili nya. Kaya magpapakasawi na muna ako!

Habang wala pa si Thrianne ay nagpasya na agad akong kontakin si Jaycie, best friend kong may-ari ng isang bar sa katabing Mall. Medyo may kalayuan yun sa Cristaill's Café. Ayaw ko munang pumunta doon dahil baka pag Nakita ako ni Yashiko ay bigla nya akong bugbugin.

"Hey"

"Pwede mo ba akong sunduin dito?"

"Oh? Buti naisipan mong tumawag?"

"Tch, susunduin mo ba ako dito oh ano!"

"Hhahahaha! Ok ok! Highblood ka agad bes, sige wait for me!"

Pagkababa ng linya ay binuksan ko ang pinto. Ang ulan ay patuloy na lumalakas. Parang nakikisabay sa kalungkutan na nasa loob ko. Ang tagal ni Thrianne, pero pinagpapasalamat ko na rin dahil hindi nya makikita na nasasaktan ako sa lalaking inakala ko ay totoo sa mga sinabi nya. Wala pang ilang minuto ay narito na sya. Alam na kase nito ang bahay ko, dito kami madalas tumatambay noon nung wala pa si Thrianne sa buhay ko.

"Ang lakas ng ulan tapos naisipan mong papuntahin ako dito? Badtrip ka eh"

"Tara na sa bar Cey, kailangan kong magliwaliw"

"S-Sige tara tara!"

Habang nasa biyahe ay nagkekwento lang sya tungkol sa trabaho nya. Hindi ko magawang sumabat dahil masyado akong tutok sa kalsadang nababagsakan ng ulan.

"Nandito na tayo!"

Sa bar ng Ceylon's kami madalas noon kapag gusto naming makalimutan ang mga masasamang experiences sa school. Kakaiba ang bar na iyon dahill hindi sila basta-basta nagpapasok ng hindi VIP. Masyadong business minded ang lokong ito, kaya hindi na nya tinapos ang pagka-College. Actually dalawang taon ang tanda nya sa akin, pero dahil ayaw nyang maturingang kuya ay pinakikisamahan ko sya bilang kaedad ko. Sya pa lang yata ang naging kaibigan ko sa SMU noon. Nakilala ko sya bilang President ng Council, loner sya katulad ko. Mas lalo kaming nagkalapit noong nagpupunta sya sa Cristailli. Kaibigan pala sya ni Yashiko, pero dahil seloso ang Mitch Callevein ay pinaubaya na nya ang isang ito sa akin.

Habang pinagmamasdan ang paligid ay napaupo ako sa malapit sa table.

"What's your order ma'am?" ani barista.

"Vodka"

"Ok ma'am"

Bumaling ako sa kaibigan ko na kanina pa pala dumadaldal.

"Tsaka yung kay Beth, nakakafrustrate yung mga pinagagawa nya sa akin" nakanguso nyang reklamo. Natawa ako sa reaskyon nya.

"Ikaw naman kase, masyado ka ng workaholic, nakakalimutan mo na yung girlfriend mo! Nako! Sabi ko naman sayo, magbigay ka ng oras sa kanya!"

"Eh! Ni hindi na nga ako makakain ng maayos tapos hahanapan ko pa sya ng time? Ano yun? Susubuan ko pa?"

"Hay ewan! Basta ako sawi!"

"Bakit? Inaway ka ba ni Klein?"

"Hindi ah! Ano kase..."

"Pinaasa ka noh?"

"Oo! Pinaasa ako! Kingina! Wala syang kwentang lalaki! Hayop sya!" paghihimutok ko. Nang nakuha ko na ang vodka ay nilaghok ko iyon."isa pa nga!"

"Kaya naman pala napatawag ka, oh eh ano bang ginawa sayo? Baka naman kase umasa ka sa wala? Naku mahirap nga yan" natatawang aniya sabay laghok ng inorder nyang beer." Greg, give me SanMig"

"Ok po sir"

"Sino ba yang lalaking yan? Mukhang lumalala ka na ah"

"A-Ano bang sinasabi mo?! S-Syempre hindi noh! Hahaha.."

"Alam mo, kung ako sayo bes, magfocus ka na lang siguro sa studies, wag kang matutulad sa akin nako! Mahirap ang hindi nakatapos sa pag-aaral, kung hindi ako business minded ay baka sa kangkungan ako pulutin."

"Oo! Alam ko naman yun eh! Pero alam mo yun, sinisikap ko naman, pero kase... hays!"

"Dapat magseryoso ka na muna sa kung anong importante, nagstop ka na nga last year remember?"

"O-oo.."

Sunod sunod kong nilaghok ang limang baso ng vodka. Medyo high tolerance ako sa alcohol, hindi naman ako manginginom pero nakasanayan ko ng uminom simula noong lumayas ako sa amin. Impluwensya ng kaibigan at sa malas na buhay ko.

Nagkwentuhan pa kami buong magdamag. Kahit papaano naman ay naalis ang sakit na dulot ng pesteng sinungaling sa akin. Ilang minute pa ay hindi ko na nakayanan pa ang sobrang pagkahilo.

"Hey, kaya mo pa ba?"

"K-Kaya ko pa hehehe-urkk!" nasinok pa ako. Napayakap ako sa kanya dahil sa kawlaan ng balanse.

"Pare, lasing na yan ah! Paarbor naman" anas nung isang lasing sa likuran namin. Siniringan ko pa sya.

"Hoy! Ikaw na mukhang bakulaw! Ampangit mo naman para mapunta ako sa isang tulad ko!" pang-aasar ko sa kanya. Nawala ang ngisi ng pangit na iyon sa mukha.

"Ano bang pinagsasabi mo Rangovine? Mapapahamak tayo nyan e" bulong ng kaibigan ko sakin. Hilo hilo akong napangiti sa kanya. Nabigla ako ng may humablot sa braso ko.

"Anong sabi mo ha! Ang yabang mo ah! Akala mo maganda ka ha! Gusto mo bang makatikim ng sapak ha?!"

Aambaan na sana kami ng may sumapak sa mukha nya. Tumawa ako ng pagkalakas lakas, natumba kase sya sa sobrang laki ng katawan nya.

"Tch... baka ikaw nga ang nakatikim eh"ang pamilyar na boses na iyon ang nagpanatag sa loob ko. Tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

Thrianne's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko ang mga gamit ni Orange na basa sa ulan. Siguradong hindi na naman nito dala ang payong. Tsk..

"Saan naman kaya ang gunggong na yun?"

Pero sa halip na hanapin pa sya ay dumiretso ako sa banyo at naligo na. Hindi naman sa nag-aalala ako, pero may pakiramdam ako na parang may mangyayari pang hindi maganda sa kaibigan ko. Bigla ay naalala ko ang paalala ni Rin nung Lunes.

Bantayan mo lahat ng nasa paligid mo Kil, baka isa na sa kanila ang susunod...

Mabilis kong tinapos ang pagligo at nagbihis. Saka ako nagpihit sa kwarto nya. Nakita kong hindi gusot ang banig nya. Hindi pa yata sya dumiretso sa kwarto nya? Weird

Hinalungkat ko ang lahat ng gamit nito sa baba. Nahanap ko ang cellphone nya. Bakit hindi nya dala? Ang kaba sa dibdib ko ay hindi na normal. Hindi ko makakalimutan ang pagiging pabaya ko noong kaso nila Dimples at Chelsea, dali-dali kong pinindot ang dalawang contacts na posibleng kina Ceylon at kay Yashiko.Maaari kasing doon sya nagpunta. Si Yashiko muna ang tinawagan ko.

"Hello?"

"Oh? Rangovine! Nasaan ka na! Bakit—"

"Tangina"

"Ay ikaw pala yan Thrianne! Bakit nasa sayo ang cellphone ni Rangie? Nasaan sya?"

"Nawawala sya"

"A-Ano?!"

"Hinahanap ko sya Yashi, akala ko ay nasa sayo sya"

"Shit! Bakit sya nawala?!"

"Hindi ko din alam! Ang alam ko ay nauna syang umuwi sa akin"

"Tulungan kaya kita na hanapin yun!?"

"Wag na, sa tingin ko naman nasa malapit lang yun eh"

"Ganon ba? Oh sige! Sana mahanap mo sya kaagad! Baka mapahamak yun eh"

"Tch nag-aalala sya yiee"

"Sira!! H-Hindi noh! Sige na!"

Nakangisi kong binaba na ang linya. Agad kong tinawagan si Ceylon. Pero out of coverage area. Saglit akong natitigilan at nagpalakad lakad sa salas. Kailangan kong isiping mabuti kung saan sya maaaring pumunta. Bigla ay naisip ako ang lugar na iyon.

"Psh, alam ko na kung saan nagsuot ang babaeng yun" naibulong ko sa sarili.

Katatapos lang umulan sa lugar naming pero hindi ko iyon pinansin pa. Tumatakbo akong binagtas ang daang Sta. Rosa, medyo malayo-layo ang Ceylon's Bar dito kaya kailangan ko pang takbuhin iyon. May advantage ang mahahaba kong mga paa kaya mabilis akong napapatakbo. Hingal-hingal akong nakarating doon.

Bwiset ka Orange, siguraduhin mong buhay ka pa kapag nakita kita...

Agad kong binuksan ang pinto ng bar. Mabuti at mukhang naglilibang ang mga customers doon. Nakita ko agad ang magaling na babae na katabi ng lalaki. Binabantayan ko na lang sila. Nakatayo ako doon sa sulok na kung saan ay hindi nila ako madaling makikita. Nagtataka ako kung bakit nya naisipang pumunta uli dito, sigurado may problema toh...

Muli ay nabaliktanaw ko sa isip ang nangyari kanina. Inuntog ako sa noo ng demonyong iyo. Ang tigas naman ng bungo ng isang iyon. Nagawa nya akong patumbahin ah. Totoong nahilo ako kanina kaya napahandusay ako sa sahig. Weakest part ko ang noo ko. At ang nakakainis ay nahuli nya ako doon, inaasahan ko naman ng gagawin nya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay hindi ko maigalaw ang buong katawan ko kanina. Tch..

Wala ng pag-asa sa isang iyon.

Paggising ko na lang din kanina ay nasa roof top na kami ni Shinichi. Nawala ang dugo sa mukha ko. Sigurado akong pinunasan nya iyon. Hindi ko sya napasalamatan dahil iniwan ko na agad sya.

Nakasandal ako sa isang couch. Mabuti't busy ang mga crew doon kaya hindi nila ako napapansin. At nakakatulong ang nakaharang na malaking halaman para madali akong takpan. Makaraan ng tatlumpung minuto nagkaroon ng mga sigawan. Sinilip ko kung anong nangyari doon. Awtomatiko akong napatayo ng aambaan ng malaking lalaki ang kaibigan ko. Mabilis akong sumugod at sinapak ko ang matigas nyang mukha.

Tulog!

"Tch..baka nga ikaw ang nakatikim eh"

Hindi ko na sya pinansin pa. Binalingan ko ang kaibigan kong nakatulog na habang yakap yakap ni Cey. Nagululuhan syang tumingin sakin na parang hindi na nya alam ang gagawin pa sa babaeng ito.

"Ako na ang bahala sa kanya... salamat" sinsero kong sabi. Binuhat ko sya at isinakay sa likod. Maliit lang naman si Orange kaya nakakaya ko syang buhatin."pasensya ka na sa kanya.."

"H-Hindi ok lang, teka may itatanong sana ako"

"Ano yun?"

"May nangyari ba sa kanya? Kase ano, heart broken yata" marahas akong bumuntong hininga. Sinasabi ko na nga ba eh.

Nilingunan ko ang humihikab na babae,"Mukha nga"

"Anong nangyari sa mukha mo Klein?"

Napangiwi ako. Tsh pati yung sa mukha napapansin mo pa..

"Ah wala toh, sige na"

"Sige ingat kayo ah!"

Hinila ko ang pintuan ng bar. Napailing iling ako sa pinaggagawa ng babaeng ito. Ano naman kayang dahilan at heart broken ka? NapakaOA mo talagang mainlove tch..

Kinabukasan...

Inakyat ko ang kwarto nya. Pagkabukas ng pinto ay nakabalandra ang nakanganga nyang bibig. Mukhang lasing na lasing nga sya simula kagabi. Rinig ko ang paghihilab ng tiyan nya. Tinapik ko ang pisngi nya.

"Hoy... gising na"

"H-ha?"

"Gising na, maaga tayo ngayon"

"O-okay"

Kapansin-pansin ang pananahimik nya habang kumakain. Nakikita ko iyon kahit nagbabasa pa ako.

"Heartbroken ka ba?" hindi ko na mapigilang magtanong. Natigilan sya sa pagnguya at nagugulat na napapatingin sa akin. Pilit syang ngumiti.

"Hindi ah"

"Weh"

"Hindi nga... tsaka ano, may naalala lang"

"Alam mo, hindi bagay sayo ang magdrama, mukha kang tanga"

Naningkit ang mga mata nya. Ang mga eyebags nya ay napalitaw pa nyang maigi.

"Alam ko yun Thrianne, pero hindi mo kase nagegets, wala ka kase sa mismong sitwasyon ko.."

"Psh, sabihin mo na lang kung ano ang dahilan ng kinagaganyan mo"

"S-Sige na nga... ano, si Airon kase—"

"Ano? Nakipaghalikan ba sa ibang babae? Nakikipagyakapan ba ha?" panggagaya ko sa OA nyang boses sa tuwing nagtatanong sya. Ang reaksyon sa mukha nito ay bahagya pang natigilan saka muling nanlaki ang mga matang nakatitig na sa akin. So kung ganon totoo nga..

"Psh yan na nga ba sinasabi ko e"

"H-hehehe....hindi ko naman kase... hayss ewan"

"Hindi mo mahandle ano? Tsk tsk.. pangilang beses mo na yang pagka—"

"Oo na.." tumayo na sya at binitbit ang pinagkainan. Ang OA nya talaga. Hayss..

Pagkarating ko sa school ay samu't saring batuhan ng mga gamit ang mga bata dito. Hindi ko na lang sila pinansin pa. Ang inaalala ko ay ang kalagayan ng kupal na yon. Baka kase magpakamatay pa yun kapag hindi nya kinaya.

Orange's POV

LUNCHBREAK

Sinadya kong magpaiwan dito sa cr dahil meeting na sa drama class namin. Gusto sana akong samahan ni Thrianne pero tinanggihan ko sya. Matapos kong maglabas ng sama ng loob inikot ko ang door knob.Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi ko magawang buksan iyon. Mukhang may nagharang na naman sa pinto.

"Hahahahahahaaha!!" dinig kong tawanan sa labas. Sinasabi ko na nga ba.

"Hindi ka na makakalabas dyan!"

"True! Hahahahaha! Ang mga malalandi ay hindi na dapat pumapasok sa school!"

Malalandi? Sinong malandi?

Nakaramdam ako ng takot ng maisara na nila ang pinto sa cr.Pinagsisipa ko na ang pinto at pinagsusuntok iyon. Sumisigaw, humihingi ng tulong ngunit walang nakakarinig sa akin. Well, lingid sa kaalaman ni Thrianne ang tungkol dito. Sinara ko ang inidoro at inakyat ang taas niyon. Sinilip ko ang pinto nitong pinaglabasan ko ng sama ng loob. May nakaharang doon na mop at malaking drum na may lamang tubig. Nakamot ko ang sarili. Paano ko nga naman iyon mabubuksan kung pati drum na may tubig ay iniharang dito?Psh...

Pwersahan kong binuhat ang sarili at umupo sa manipis sa pagitan ng kabilang banyo. Ibinagsak ko ang takip sa inidoro upang maging tapakan para hindi ako tuluyang mahulog sa sahig. Nang matagumapay akong nakababa ay pinunasan ko ang noo ko. Sanay na ako sa ganitong pambubully kaya alam ko na kung paanong lalabas sa ganitong sitwasyon.

Nang makalabas sa cr ay may biglaang nanabunot ng aking buhok! Sobrang higpit iyon kaya nagawa ako nitong kaladkarin papuntang stage. HIndi ko magawang manlaban. Wala na akong lakas para gawin yun.

"Here she is! A slut from our exclusive university!" giit ng babaeng nanabunot sa akin. Marahas nya akong itinulak kaya napasubsob ako sa sahig.

" That girl deserves a hell!"

"Pagkatapos mong landiin si Airon ay may bago ka na? Ang landi mo yata girl?!"

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nitong mga ito. Nagangat ako ng tingin. Napakagat labi ako ng makita ang mga pictures namin ni Jaycie kagabi!

"Pagmasdan mo ang kalandian mo teh! "

"Dapat sayo pinaeexpell na eh!"

Napapikit na lang ako sa nagbabadyang mga luha kong anumang oras ay babagsak na naman. Huminga ako ng malalim. Nagiging malakas lang naman ako kapag nasa paligid ko ang mga kaibigan ko, pero kapag wala na sila ay ganito na lang nila ako apihin.

"Kayong dalawa ng kaibigan mong freshman na mayabang ay dapat ng umalis sa dito! Masyado ninyo nang dinudumihan ang school namin!"

"Oo nga!"

Lahat na ng akusa nila ay hindi ko na pinakinggan. Lihim akong napangisi. Masyado nang impyerno ang school ninyo. Mas gugustuhin ko na ngang maexpell eh! Pero dahil nandito si Thrianne ay hindi ko magagawa iyon.

Nanatili na akong nakatingin sa sahig. Hindi ko malaman kung anong dapat namaramdaman nong mga oras na yon. Lamang pa rin yata ang sakit na ginawa ni Airon sa akin. Hayss...

Continue Reading

You'll Also Like

34.4K 1.9K 73
Ito ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit...
25.1M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
30.1M 996K 68
Erityian Tribes Series, Book οΌƒ2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
286K 8.1K 65
Highest rank:#22 in teenromance Higehst rank:#71 in teenfiction Ang isang Amazonang katulad nya?nainlove sa playboy na kinaiinisan nya? Started:Augus...