Loving A Her (Intersex) Compl...

By elimoriente

522K 17.9K 3.2K

I never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na... More

Loving A Her
PRÓLOGO
Chap 0 0 1
Chap 0 0 2
Chap 0 0 3
Chap 0 0 4
Chap 0 0 5
Chap 0 0 6
Chap 0 0 7
Chap 0 0 8
Chap 0 0 9
Chap 0 1 0
Chap 0 1 1
Chap 0 1 2
Chap 0 1 3
Chap 0 1 4
Chap 0 1 5
Chap 0 1 6
Chap 0 1 7
Chap 0 1 8
Chap 0 1 9
Chap 0 2 0
Chap 0 2 1
Chap 0 2 2
Chap 0 2 3
C H A R A C T E R S
Chap 0 2 4
Chap 0 2 5
Chap 0 2 7
Chap 0 2 8
Chap 0 2 9
Chap 0 3 0
Chap 0 3 1
Chap 0 3 2
Chap 0 3 3
Chap 0 3 4
Chap 0 3 5
Chap 0 3 6
Chap 0 3 7
Chap 0 3 8
Chap 0 3 9
Chap 0 4 0
Chap 0 4 1
Chap 0 4 2
Chap 0 4 3
Chap 0 4 4
Chap 0 4 5
Chap 0 4 6
Chap 0 4 7
Chap 0 4 8
Chap 0 4 9
Chap 0 5 0
Chap 0 5 1
Chap 0 5 2
Chap 0 5 3
Chap 0 5 4
Chap 0 5 5
Chap 0 5 6
Chap 0 5 7
Chap 0 5 8
Chap 0 5 9
Chap 0 6 0
Chap 0 6 1
Chap 0 6 2
Chap 0 6 3
Chap 0 6 4
Chap 0 6 5
Chap 0 6 6
Chap 0 6 7
Chap 0 6 8
Chap 0 6 9
Chap 0 7 0
Chap 0 7 1
Chap 0 7 2
Last Chapter
EPILÓGO
Notes ni Author

Chap 0 2 6

5.4K 211 66
By elimoriente

AUGUST

'Ano na namang kabobohan 'to?'

Mga ulol talaga. Kakasimula palang ng araw pero mga walang ka-modohan na agad ginagawa nila. Wala na ba silang maisip na mas magandang gawin hindi 'yung pinagkakalat nila ang kabobohang sila lang yata ang mayroon? Nakaka-irita.

“Hi August, kamusta? Sorry ngayon lang nakapagparamdam ah? Pinaghandaan ko pa kasi 'to para sa'yo.”
Sabi ng babaeng may kakaibang ngisi sa labi habang papalapit sa'kin.

Napa-ikot naman ako ng mata sa paligid. Ano namang paghahanda ang sinasabi nya eh may mga babaeng mukhang mahihina lang naman ang nakapalibot sa'kin ang nakikita ko? Mapag-biro din sya.

'Teka. Iniisip nya ba na masisindak nya'ko sa ganitong paraan?'

Napangisi ako sa naisip na naging sanhi upang magbago ang timpla ng mukha nya.

“Anong nginingisi-ngisi mo dyan?”
Kunot-noo nyang tanong na halatang naiinis.

“Alam mo bang nakakatawa ka?”
Ngisi kong sagot. Lahat naman ng tao sa paligid ay napa-oohhh na parang tanga.

Bigla ko ding naramdaman ang pamilyar na presensya ng mga tao. Sila nga yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

“Aba't— gusto mo ba talagang makatikim ng kamao ko ha??”
Galit nyang tanong na lumapit pa sa'kin. Ang mga kasamahan din nyang babae ay ganun din pero may distansya.

Mas lalo naman akong napangisi at binaling sa kaliwa ang ulo ngunit nakatingin padin sa kanya.

“Oo. Sa tingin mo ba matatakot mo'ko sa mga pa ganito mo? Sinasabi ko sa'yo Cynthia, nagkakamali ka ng inaakala.”

"Cynthia daw hahahhaha!"

Nagsimula namang masi-halakhakan ang mga tsismosang estudyanteng nakatingin samin. Pero bakit? Nakalimutan ko na pangalan nya eh.

“Tahimik!”
Malakas na sigaw nya sa mga tao na kinatahimik naman ng mga ito.

Nagbaling sya ng tingin sa'kin na pinikit pa ang mga mata na parang nagpipigil. Tss.

“Alam mo ikaw? Gusto kita eh. Ikaw lang kasi ang kaisa-isang taong may lakas ng loob na kalabanin ako at sagot-sagutin pa'ko na parang wala lang. Pero sayang, dahil mayabang ka. Hambog at pobre. Ayoko ng may ganung klaseng tao sa buhay ko kaya para sa'kin isa ka lang insekto na dapat tinatak-tapakan.”
Sabi nya at dinuro pa'ko.

Nawala bigla ang ngisi ko sa labi at napalitan ng walang emosyon na ekspresyon. Nakita ko naman ang pag-arko ng labi nya.

'Tss. Sa tingin nya ba nakuha nya'ko sa ganun? Kahangalan.'

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tinuon ulit ang tingin sa kanya. Tahimik na din ang mga tsismosa na parang naghihintay ng sunod na mangyayari sa isang pelikula.

“Tumingin ka sa kaliwa,”

Kunot-noo nya'kong pinakatitigan ngunit nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“Tumingin ka sa kanan,”

Muli ay wala pa din syang ginagawa.

“Tumingin ka sa taas,”

Sa pagkakataong ito ay bahagya nyang tinaas ang ulo nya.

“Tumingin ka sa baba.”

Tumingin sya sa baba. Nakita kong nakakunot nadin ang noo ng mga nakapaligid.

“Ano nakita mo??”
Nakakunot padin sya ng noo na nakatingin sa'kin.
“Ang pake ko nakita mo?”

Sa isang iglap lang ay bumalot sa buong paligid ang mga halakhakan. Ngunit ang isang na nasa harap ko ay kabaliktaran ang nararamdaman. Nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sa'kin at sa pagkakataong 'to ay dinampot nya'ko sa kwelyo.

“Ang lakas ng loob mong gawin akong tanga ha?? Pwes makikita mong hinahanap mo.”

Isang iglap lang ay naramdaman ko ang isang bagay na tumama sa pagmumukha ko. Isang kamao. Galing sa babaeng kaharap ko.

Rinig ang pagsinghap ng nakakarami ngunit ang iba ay humiyaw na parang natutuwa.

Hinawakan ko ang kaliwa kong panga at napadura. Kita ko na rin mula dito si brat at ang mga kaibigan nya na gulat na nakatingin samin, o sa'kin.

“Mahina.”
Usal ko na kinatahimik ng lahat.

Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa'kin ang isa na namang kamao ngunit walang hirap ko lang itong nailagan.

'Galing pala sa isa nyang alipores.'

“Mahina talaga sa isang magaspang na tulad mo. Girls!”

Bigla namang nagsilapitan ang mga babaeng nakapalibot sa'min. Isa-isa nila akong tinangkang patamaan ng mga suntok nila pero nagmumukha lang silang mga tanga dahil isa-isa ko din itong naiilagan.

'Ang lalamya kumilos. Halatang walang alam sa pakikipaglaban.'

"Huy pigilan nyo nga sila!"

"Mamaya na ang ganda pa ng nangyayari o!"

"Ang galing naman nya. Naiilagan nya lahat ng mga tama nila."

"Oo nga eh. Pero natamaan sya ni Miss Hyacinth kanina. Counted ba yun?"

Isang babaeng may malaking katawan ang sumugod sa'kin at nakahanda na ang dalawang kamay para dakutin ako pero inilag ko lang ang sarili ko. Marami sila at inaamin kong nahihirapan ako sa pag-ilag at mabibilis pa pero hindi nila ako kaya. Mas may alam ako sa ganito. Kaya sila ang dehado.

Naramdaman kong may nakahawak sa kaliwa kong kamay at ng pagtingin ko dito ay isang kamao ang paparating sa'kin. Agad naman akong umilag kaya ang babaeng nasa likod ko ang natamaan.

“Argh! Ano ba Chas ang sakit nun!”

“Sorry!”

“Hulihin nyo sya mga lampa!”
Sigaw ng lider nila.

“Huli ka! Miss Hyacinth ito na sya.”
Masayang sigaw ng babaeng nag-ngangalan yatang Chas ng mahuli nya'ko sa dalawa kong braso habang nasa likod ko.

'Nahuli? Nagbibiro ba sya?'

"Ohhh.... Nahuli sya."

"Ayan na magsisimula na!"

Marami sa mga tao ang nasisiyahan habang ang iba naman ay nag-aalala. Hindi ko kita ang reaksyon ng mga taong pamilyar sa'kin pero wala din akong pakialam. Nakatutok lamang ang atensyon ko sa babaeng may mapang-asar na ngisi sa harapan ko.

“Ano? Asan na ang tapang mo? Asan na ang hambog mong mga sinasabi kanina? Tangina mo!”
Sabi nya at sinikmuraan ako.

"Oh my God! Huy pigilan nyo na sila!"

"Parating na sina Ms. Heartley, sinabihan na namin sya kanina. Gosh. Bakit ba nangyayari 'to?'

'Kung nasa labas lang sana kami ng eskwelahan ngayon baka tumba na'tong lahat na'to kanina pa.'

“HAHAHAHAHA!”
Tawanan ng mga kasamahan nya.

“Yan ang dapat sa'yo! Wala kang kwenta sa mundo!”

Isang kamao na naman nya ang lumipad patungo sa'kin ngunit ngayon ay napagpasyahan ko ng tigilan ang kabobohang 'to kaya bago pa man tumama sa'kin ang kamao nya ay mabilis kong inalis ang sarili ko mula sa pagkakagapos sa babae kaya sya ang tinamaan.

“Argh! Shit miss Hyacinth!”

Hawak-hawak nya ang sikmura nya habang nakahandusay sa lup. Mukhang masakit 'yun para sa kanya.

Nagbaling ako ng tingin sa babaeng Hyacinth at nakitang may hawak na sya ngayong baseball bat. Sobrang galit na din ang nasa mata nya habang tumatakbong nagtungo sa'kin.

"Oh my God!"

"Miss Hyacinth wag!"

"Shit asan na ba sila?!"

'Hangal.'

Ng hinampas nya sa'kin ang bat ay agad ko itong hinuli gamit lang ang kanan kong kamay. Hinila ko ito palapit sa'kin at dahil nakakapit padin sya dito ay nasama rin sya.

“Urgh!!”

Isang malakas na daing ang pinakawalan nya ng pilipitin ko ang kamay nya papunta sa kanyang likod.
Napasinghap naman ang mga tao dun ngunit hindi ko 'yun pinansin at nilapit ang ulo ko sa tenga nya.

“Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung nasasayang ang oras ko. At sa pagkakataong 'to, kayo ang mga nag-aaksaya nun.”
Tsaka ko sya pabalang na binitawan na kinatumba nya sa lupa.

“What's happening here?!”

'Tss. Ngayon pa sila nakarating.'

“Hyacinth! August!”
Sigaw ng isang pamilyar na tinig.

“Heart, let's disperse the crowd first before settling them.”

Pagkatapos ng ilang minuto ay isa-isa ng nagsilisanan ang mga estudyanteng nakapaligid samin. Ang mga kasamahan naman ng Hyacinth ay pinapunta sa gilid habang kinakausap sila ni Cedrick. Gusto ko na sanang umalis para makapasok na sa klase ko ng pigilan naman ako ni Heartley.

“August, what happened?”
Nag-aalala nyang tanong.

“Bakit ako tinatanong mo nyan? Wala din ako kaalam-alam sa mga nangyayari kaya ang isa ang tanungin mo.”
Walang siglang sagot ko habang nakatayo padin sa field.

“August,”
Biglang sulpot ni Devyn at ng mga kasamahan nya.
“Ano bang nangyari? Tsaka, ayos ka lang ba??”
Tanong nya pa ulit.

Hindi nalang ako sumagot ng biglang sumabat si Heartley.

“Ayos? What does she mean? August sinaktan ka ba ni Yas?”

“Yes 'couz, that happened before the two of you arrive.”
Sagot nung lalaking Bradley ata.

“Oo. At tsaka hindi lang yun ang nangyari dahil sabay-sabay pa syang sinugod ng women's soccer team. Ang galing nga eh kasi nailagan nya sila lahat.”
Manghang segunda ng isang kasama nilang lalaki.

“What?! Then why didn't you helped her?? Pa'no nalang kung may nangyaring masama sa kanya?? You were there yet you didn't do anything. Brad you should know better.”
Dismaya nyang saad sa lalaki na ngayon ay bahagyang nakatungo.

“Heartley, it wasn't Brad's fault. Kasalanan ba nya kung may ginawa itong si freak na kinagalit ni Hyacinth? Hindi diba? So why are you blaming him? You yourself should also know better.”
Pagtatangol ni brat sa lalaki.

Nakita ko ang pagsulyap nya sa'kin na agad din nyang binawi. Magkaharap kami ni Heartley habang sila ay nasa tabi namin. Hindi ako umimik at tumayo lamang sa kinatatayuan ko.

“I don't blame her Brynn. Ang akin lang dapat may ginawa sila, kayo. Dahil yun naman ang dapat na gawin diba? And plus, isn't she your friend? So why are you acting like she's just nothing to you??”

“Because she is, Heart. Hindi ko sya kaibigan. Alam mo naman kung ano lang sya sa'kin diba? We're nothing more than that. So why should I care?”

“Are you for real Brynn??”
Kunot-noong tanong ng kaharap ko.

Kanina pa nagpapalipat-lipat ang tingin ng mga kasama nila sa isa't-isa hanggang sa may nagsalita na.

“I sure am.”

“Alright. That's enough. Ang importante ayos na ang lahat. Ayos ka lang naman diba August?”

Hindi ako sumagot sa tanong ni Devyn.

“I'll take that as a yes. Malapit na magsimula ang klase natin so let's go?”

Tinignan lamang sya ng mga kasama nya habang ang dalawang babae ay nakatitig padin sa isa't-isa. May namumuong tensyon. 'Yun ang nararamdaman ko pero hindi na'ko nakialam pa. Problema na nila yan.

“Okay. Brynn gurl tara na. Mala-late na tayo sa klase natin eh.”
Si Patricia habang hawak sya sa braso.

“Mamayang 2 pa ang klase ko.”
Parang wala lang na sagot nito.

“Pero malapit na mag 2 kaya hali kana.”

“Tss...”

Maya-maya ay nagbitiw na sya ng tingin at binigyan ako ng pamatay na irap bago sumunod sa mga kaibigan nya.

“August, I'm sorry.”
Saad ng babae sa harap ko.

Hinarap ko naman sya na ngayon ay nakadungo na.

“Alam mo bang nakaka-iritang pakinggan kapag sinasabi mo yan?”

Hindi sya sumagot pero biglang hinawakan ang kamay ko na inaamin kong bahagya kong kinagulat.

“Still. I'm sorry.”

Kung nagulat ako sa paghawak nya ng kamay ko ngayon ay mas kinagulat ko ang ginawa nya.

“I'm sorry....”
Mahina nyang sambit sa dibdib ko.

Nakatulala lang ako na bahagya pang nakabuka ang bibig habang diretsong nakatingin sa harap. Yakap-yakap nya'ko at hindi ko alam bakit biglang na-blangko ang utak ko.

“A-Ayos lang...”

'Tangna! Nautal ako?!'

“Heartley!!”

Gulat na napabitiw si Heartley mula sa pagkakayakap sa'kin ng marinig ang malakas na sigaw na yun. Yun din ang nagpabalik sa'kin sa ulirat kaya binalingan ko ito ng tingin.

“Bitawan mo sya Heart! Ano bang ginagawa mo?!”

Lumapit sya samin pero hinarang ko ang katawan ko ng tangka nyang hahawakan si Heartley.

“Move away asshole! Umi-eksena ka pa pagkatapos ng ginawa ko sa'yo kanina. Gusto mong dagdagan ko pa ha?!”

“Hyacinth!”

Lumapit na ang mga kasamahan nya samin at kinukumbinsi syang tumigil na.

“Gusto mo ding ulitin ko pa ang ginawa ko sa'yo kanina?”
Malamig kong saad na bahagya nyang kinatigil pero bumalik din agad sa dating anyo.

“Hyacinth stop it! Sapat na ang ginawa mo kanina. Tumigil ka na!”
Sigaw ni Heart sa gilid ko habang harang ang kamay sa harapan nya.

“It's okay Heart, ako ng bahala sa kanya. Umalis nalang kayo.”
Biglang dating ni Cedrick.

“Sige Ced. Salamat.”

Tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad paalis habang rinig namin sa likuran ang mga palahaw ng babaeng baliw na baliw sa kanya.

'Tsk. Mga taong kagaya nya dapat pinapasok na sa ospital ng mga nasisiraan ng ulo. Obsesyon na ang tawag sa pagmamahal daw nya.'

“Yas.....”
Bulong ng katabi ko.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman o iniisip nya. Wala naman akong pakialam pero may bagay na bumubulong sa'kin na dapat ko dawng alamin. Hindi ako ganung tao. Pero hindi talaga mawaglit sa isip ko ang bagay na 'yun kaya ginawa ko nalang ang bagay na alam kong magpapagaan kahit papano ng damdamin nya.

“It's okay. I'm here.”
Saad ko habang nakapatong ang kanan kong kamay sa balikat nya.

Napansin kong bahagya syang natigilan dun ngunit inangat nya lamang ang mukha nya at tinignan ako na may nakaka-halinang ngiti sa labi.

“Hm. Salamat.”

Isa lang ang masasabi ko; napaka-ganda nya.

    * * *

BRITANNY

“Brynn, mabuti naman at napagpasyahan mo na ding sumali sa team. Dahil sayo mas lumaki ang tyansa ng pagkapanalo natin sa LCUSM.”
Malaki ang ngiti na saad ni coach Riley, ang coach ng women's volleyball team.

“Oo coach. Buti nga napilit namin eh.”
Sabat naman ni Dazz habang inaayos ang medyas nya.”

“Tss. Wala namang masama right coach? Afterall ginusto ko rin naman 'to.”
Sagot ko.

“Right. But what about your singing passion? Are you still into it?”

“Of course coach. Yan nga ang dahilan bakit natagalan ako sa pagpapasya kung sasali ba'ko sa team or nah. But here I am. Pwede parin naman akong kumanta kahit athlete diba?”
I said while fixing my rubber head band.

“Well said Britanny. Alright. Girls hurry up! Our practice will start 5 minutes from now. Plus this'll be special because the ace player is finally joining!”
Coach said pertaining to me.

“Woooohhh! Welcome back Miss Britanny!”

“Sigurado na panalo natin nito dahil sayo Miss B!”

“Welcome back Miss Britanny!”

“Ang ganda mo po talaga Miss Britanny!”

Iilan lang yan sa mga naririnig ko mula sa mga ka-teammates namin. Isang malaking ngiti lang naman ang sinagot ko sa kanila. Huh. Of course. All hail my name.

“Sus! Lumaki na naman atay ng bruha.”
Tudyo sa'kin ni Pat.

“Huy lumaki na naman ulo mo. Ikaw talagang bruha ka. Nandito din kaya kami ng girls.”
Si Dazz.
“Right Devy?”

Tumingin kami kay Devy na hanggang ngayon ay naka-upo padin sa bench. Tapos naman na itong mag-ayos pero naka-upo lang ito at nasa malayo ang tingin.

“Hey Devs!”
Tawag ko dito na nakapag-pakuha sa atensyon nya.

“W-What?”
She stood up and came up to us.

“Wala. Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa simula nung tanghali ah.”
Si Pat.

“Si Marie ba?”
Tanong ni Dazz na agad namang inilingan ni Devy.

“No. Not her. Someone else....”
Sagot nya at tumingin sa'kin.

“Wut?”
I asked bewildered. Bakit naman sya sa'kin nakatingin?

“Girls, are all right there?”
Lapit samin ni coach.

“Yes coach. Susunod na po kami.”
Sagot ko ng nakangiti. Tumango naman sya at binalingan kong muli ang mga kaibigan ko.

“Tara na. Mamaya nalang natin pag-usapan kung ano man yang iniisip mo Devy. Let's focus on this first okay? Afterall kayo ang nagpapasok sa'kin dito kaya ampanget naman kung ako lang ang focused sa practice diba?”
Saad ko sa tatlo.

“Oo nga. Maya na muna yan Devs.”
Si Dazz.

“Yeah girl.”
Si Pat.

“Guess your right.”
Sabi nya at unti-unti namang gumuhit ang isang ngiti sa labi nya.

'That's what I thought.'

“Let's go!”

“Yes!”

Continue Reading

You'll Also Like

619K 14.2K 42
(#-2) Paki basa na lang po kung curious talaga kayo. Thank you; ) (completed)
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
40.8K 1.3K 26
Luna Misery- Mayaman, matalino, maganda, at kinatatakutan ng karamihan dahil sa ugali nito pero kahit panget ang ugali niya ay hinahangaan pa rin siy...