Chapter 42: Suhol
Tahimik kaming kumakain ngayon. Kadalasan ay ganito naman kami. Hindi nag-iimikan. Pero iniisip ko na rin kasi ang paglipat ko ulit kina tita.
“Lola, sasama ka ba saakin ‘pag bumalik ako kay tita? Ang sabi niya kasi isama na kita para hindi na ako pabalik-balik dito kapag nag-aaral na ulit ako.”
“Parang pumupunta ka naman dito noon?”
“Lola naman, e!” Nginitian ako ni lola bago isinubo ang nasa kutsara niya. “Sasama ako pero alam na ba ito ng nobyo mo?”
“Okay lang yun sakanya. Saka sinabi ko naman na aayusin ko na ang requirements ko. Understood na po ‘yon.” Saka hindi ko na siya boyfriend. Hinayaan ko na siya. Bumalik nalang siya kay Pauline at magpakasaya silang dalawa. I’m born to be single anyway.
“Ang dami mo yatang kinakain ngayon?” Tanong pa ni lola saakin.
“Stressed lang po. Alam mo na, masyadong makukulit ang mga bata.” Palusot ko pa. Pero sa totoo lang nai-stress talaga ako kay D at Pauline. Mahal na nga nila ang isa’t isa pero pinapahirapan nila ang mga sarili nila. Kung hindi naman sila tanga na mandamay pa ng iba.
***
“Hindi ka ulit papasok bukas?” Tanong saakin ni Leonna nang i-abot ko sakanya ang tatlong piraso ng papel na naglalaman ng exercises.
“Kailangan ko kasing asikasuhin yung requirements ko. Saka baka magastos ko pa itong sweldo ko kaya ibibigay ko na muna kay tita. Siya kasi ang nagpapaaral saakin. Ayaw ko lang na siya lagi ang sumusuporta saakin lagi.”
“Kung titignan kang maigi parang hindi ka naman responsable. Pero hindi naman pala.” Nagkibit balikat pa ito at saka ipinatong ang mga papel sa table niya.
“Nanlalait ka ba o compliment ‘yan?
“Both. First and last school year mo na dito?”
“Ganun na nga.”
“Paano si Carding?” Tumingin pa siya sa kinauupuan ni D ngayon. Mukhang malalim ang iniisip nito at ang gulo rin ng pagkakasuot niya ng damit niya.
“He’ll be fine without me.”
“Hindi ka niya kinukulit ngayon, nagbreak na ba kayo? Hinayaan mo bang manalo yung nagkukunwaring mabait na si Pauline?”
“Leo, shut up. Pupuntahan ko na ang klase ko. Baka they’re loitering around nanaman.”
“JL, advice lang, hayaan mo lang si Pauline. Kasalanan naman niya kung bakit sila naghiwalay ni Carding at lalong huwag mo kaming pansinin ni Carding. Ako lang namilit sakanya. Saka parang gusto ka naman ni Carding.”
“Parang gusto? Gee thanks and bless your delusional heart, Leo.” Agad akong naglakad at hindi na ulit nilingon si Leo. Para niyang sinabi saakin na nagseselos ako sakanila ni D. Duh!
Agad na tumahimik ang mga estudyante ko nang pumasok ako. Lahat sila ay naglabas na rin ng libro.
“Lalabas tayo mamayang hapon. May science fair sa kabilang school at ini-invite tayo. For now, sagutin niyo nalang muna itong quiz na ginawa ko.” Sabay-sabay silang nagreklamo pagkasabi ko ng quiz. Hindi naman pwedeng dahil wala ako ay hindi ko na sila bibigyan ng quiz.
Three o’clock na nang makarating kami sa kabilang school. Isang section lang ang pinayagan na dalhin ko para hindi hassle saakin.
Tinignan lang naman namin ang exhibit nila at ngayon ay panonoorin ang program nila. Ang balita ko ay nag-invite pa sila ng isang indie band. Pero hindi ko inaasahan na ang banda nina Erick ang nandito ngayon.
Nakangiting nilapitan ako ni Erick nang makita niya akong nakatayo sa gilid ng gym. Agad naman kaming pinagtinginan ng klase ko na nasa tabi lang din namin.
“Hindi ko alam na nandito ka. Kumusta na?”
“I’m fine.” Walang gana kong sagot sakanya.
“Really? Then why are you scowling?”
“I. Am. Not.”
“Sabi mo, e. Si Carding mo? Kumusta na? Sasapakin ko na ba?”
“Baka bumalik na ako kina tita, earlier than expected.”
“Iiwanan mo ang mga estudyante mo? Alam ba ni Carding mo?”
“Gee stop saying Carding mo. He’s not even mine. Magsetup na nga kayo doon.” I pushed him softly and he laughed flirtatiously. Oh gees. Why do I have a friend like him?
“Sabihin mo saakin kapag pinaiyak ka niya, aagawin kita agad.”
Nang layuan ako ni Erick ay bigla naman naglapitan ang tatlo sa mga estudyante kong lalaki. Ang sabi nila ay hindi raw sila boto kay Erick, sa vocalist na iyon ika nga nila. Mas gusto raw nila si Sir Romo nila para saakin. At kung sakaling may manliligaw man daw saakin ay padaanin ko raw muna sakanila.
Twerps.
Bumalik kami kaagad sa school nang matapos na ang school fair nila. Ang iba sakanila ay nagmamadaling bumalik sa loob ng campus kahit pa pwede na silang umuwi ng diretso.
Pagdating ko sa faculty ay nagkukumpulan sa harap ang mga estudyanteng kasama ko kanina. Gees! Kinakausap nila si D.
“Kalma. Bakit ba? Anong mga problema niyo?”
“May gusto yatang manligaw na iba kay Ms. Cruz.”
“Excuse me nga.” Nagbigay naman sila kaagad ng dadaaan ko kaya hinayaan ko nalang silang mag-usap doon. Magsumbong sila kung gusto nila. For Pete’s sake! May backup pa talagang mga bata.
Palapit na saakin si D at nagkakamot ng ulo nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Nandito pa naman ang iba sa mga faculty members. Karamihan nga lang ay nakauwi na.
“Pagpasensyahan mo na sila. Free ka ba mamaya?”
“I’m busy.”
“Jeling, we need to talk.”
“Leo, uwi na ako.” Paalam k okay Leo na hindi ko namna talaga dapat kakausapin. May mga isinusulat lang naman din kasi siya.
“Uh-okay?” Confused niyang sagot saakin bago muling nagsulat kaya naman nagmadali na rin akong lumabas.
Palabas na ako ng building nang maabutan ako ni D.
“Dala ko yung sasakyan ko.”
“Edi dala mo lang. Ipagmayabang ba?”
“Mag-usap naman tayo.”
“D naman, wala naman dapat pag-usapan.” Nagpatuloy ako sa paglalakad at thankful ako dahil nakauwi na ang karamihan sa mga estudyate. At thankful nga pala ako ngayon dahil hindi ko nakita ni anino ni Pauline.
“Meron, kasi hindi mo naman ako pinagsalita kahapon. Bigla ka nalang umalis. You’re shutting me out, Jade.”
“Gees D! Diba nga kaya kayo nagbreak ni Pauline kasi umalis siya? Ngayon nandito na siya. Bumalik ka nalang kasi sakanya.”
“You’re so complicated JL.”
“Are you telling me that I’m a bitch?”
“Medyo.” Nakangiti niyang sagot saakin. “Ano na? Sabay ka na saakin. Mag-usap tayo. Pagsalitain mo naman ako.”
“Damn you, D.” Sabi ko sakanya saka muling naglakad.
“C’mon JL, don’t shut me out. Bumili pa naman ako ng books para sayo.” Sa sinabi niyang iyon ay napatigil ako sa paglalakad.
“Books? As in with S? Madami?”
“Oo.” Agad kong ibinigay sakanya ang mga librong hawak ko. Nauna na rin akong maglakad papunta sa carpark. Books. Madaming books.
Wait!
“Sinusuhulan mo ba ako?”
“Parang ganun na nga.” Sabi niya saka hinawakan ang magkabila kong balikat and guided me sa direction ng sasakyan niya. “Ayun na yung sasakyan ko, huwag ka na mag isip ulit.”
“Anong genre ng books?”
“Suspense thriller, your favorite. So talk to me, okay?”
“Fine fine pero talk lang. Walang balikan.”
“Walang balikan.” Ouch. Freaking hell. Hindi man lang nag sweet talk! Payag kaagad? “Kasi this time, liligawan na kita. We’re going to start our relationship right.”
***
A/N: paki-favorite naman at retweet yung tweet/itutweet (kung di pa natweet) ko na about sa TM :D XD
salamat po!!! @aril_daine ang account ko sa twitter.
Try niyo ang FREEWATTPAD sa TM :)